CHAPTER 16

CHAPTER 16

WALA SA SARILI si Anniza habang nagta-trabaho sa araw na 'yon. Tatlong araw na niyang hindi nakikita si Dark. Simula nang ihatid siya nito sa bahay nila at napasok sa usapan nila si Paul, hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Hindi na natuloy ang pag-gi-gym na plano nila. Bakit naman kasi bigla nalang itong nagalit sa kanya?

Miss na miss na niya ito. Gusto niya itong tawagan pero ano naman ang sasabihin niya? Baka pagsalitaan siya nito ng hindi maganda, masaktan lang siya.

Sa mga araw na nagdaan, saka lang niya napansin kung gaano na kahalaga si Dark sa buhay niya. Sa bawat araw na hindi niya nakikita si ito, mas lalo siyang nangungulila sa binata. Gusto niya itong puntahan sa bahay nito pero paano kung ipagtabuyan siya nito? 'Yon ang kinakatakot niya. Ayaw niyang masaktan at mapahiya.

"Any, ang niloloto mo! Nasusunog na!" Anang malakas na boses ng ama niya na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Namilog ang mata niya at mabilis niyang tiningnan ang nilulutong Cedar River Chicken na order nang isang costumer. At tulad ng sinabi ng kaniyang ama, nasusunog na nga 'yon! Mabilis niyang pinatay ang stove saka pinagalitan ang sarili. Ano ba itong nangyayari sa kanya?

"Any, okay ka lang ba?" Tanong ng ama niya na lumapit sa kanya.

Humugot siya ng malalim na hininga ng maramdamang parang naninikip ang dibdib niya. "Can I take a break, dad?"

"Sige," kaagad na pagpayag ng ama niya. "Doon ka muna sa office ng mommy mo. Wala naman siya do'n e. Nandoon siya sa BIR."

"Okay po. Salamat, dad," mahinang boses na sabi niya at lumabas ng kusina.

Kaagad siyang pumasok sa Manager's office at naupo sa swivel chair ng ina niya. Pumikit siya at ihinilig ang likod sa upuan. God! Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ba masyado niyang nami-miss si Dark at naapektuhan na siya masyado sa pangungulila niya rito? Talaga bang ganoon na ito ka-importante sa buhay niya para hindi siya makapag-trabaho ng mabuti?

Malakas siyang napabuntong-hinga saka hinilot ang sentido niya. Habang mas tumatagal, mas lumalakas ang kagustuhan niyang makita ang binata.

It was making her crazy!

Bahagyan niyang minulat ang nakapikit ng mga mata ng makarinig ng katok mula sa pinto. Kaagad niyang inayos ang sarili bago pinapasok ang nasa labas.

"Come in," malakas ang boses na sabi niya.

Bumukas ang pinto at pumasok doon ang waitress nilang si Jessa. May dala itong pizza at nakangiting lumapit sa kanya.

"Chef, may nagpapabigay nito sayo," anito.

Kaagad na nagsalubong ang kilay niya saka tumuon ang tingin sa pizza na hawak nito. "Ano? Sino daw?"

"Basta may nagpapabigay lang po," sagot nito at inilapag ang pizza sa ibabaw ng mesa saka mabilis na lumabas ng opisina.

Nakakunot ang nuong binuksan niya ang pizza at natigilan siya ng makita ang loob niyon. May nakasulat na sampung maliliit na letra sa ibabaw ng pizza gamit ang ketchup.

'Bati na tayo?'

Binundol ng kakaibang kaba ang dibdib niya. Could it be? Galing ba ito kay Dark? She hoped it came from him. Napuno ng kasiyahan ang puso niya sa isiping baka si Dark ang nagpadala ng pizza na ito sa kaniya.

Mabilis siyang naglakad palabas ng opisina at nang buksan niya ang pinto, natulos siya sa kinatatayuan ng makita kung sino ang nakatayo sa labas.

Standing outside the door was Dark 'The Greek' Montero. May dala itong pizza na may nakasulat na 'I miss you'gamit ang ketchup and wore an 'I'm sorry' smile on his handsome face.

"Dark..."

"Anniza." Iniabot nito sa kanya ang pizza. "Hindi ko na kaya. I miss you so damn much. So here I am, asking for forgiveness. Sorry na, Anniza. Mababaliw na ako sa kakaisip sayo. Please, kausapin mo naman ako."

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at tinalikuran ito. "Pasok ka."

Nang pumasok si Dark at narinig niyang sumara ang pinto, kaagad siyang niyakap ng binata mula sa likuran dahilan para magwala ang puso niya.

"I miss you so much, Anniza," bulong nito sa tainga niya at hinalik-halikan siya sa leeg. "I can't function well without you, agápi mou. I'm going nuts."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para itago ang ngiting gustong kumawala sa mga labi niya. Puno ng kasiyahan ang puso niya sa kaalamang hindi lang pala siya ang apektado sa kanilang dalawa.

"Na miss mo ako?" Tanong niya habang nakatalikod pa rin dito dahil ayaw niyang makita nito ang saya sa mukha niya. "Kung ganoon, bakit ngayon ka lang?"

"Ego got the best of me." Mas humigpit pa lalo ang yakap nito sa kanya habang hinahalik-halikan ang batok at leeg niya. "Gusto kong suyuin mo ako, pero sarili ko lang pala ang pinagloloko ko. Hindi ko kayang maghintay na suyuin mo kaya naman kinalimutan ko ang ego ko at pinuntahan kita rito." Pinihit siya nito paharap at masuyong sinapo ang mukha niya. "I miss you, Anniza." He pressed his forehead against hers. "I miss your voice, I miss your smell, I miss your smile, and damn I miss all of you, agápi mou. I miss you so darn much!"

Isang munting ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. "Ikaw naman kasi e bigla ka nalang nang-aaway, tapos sabay walk out. Ano 'yon? Ni hindi mo man lang ako pinakinggan at pinagpaliwanag."

"Nagalit lang naman ako," paliwanag nito habang hinahaplos ang pisngi niya. "Hindi ko itatago ang galit ko para lang masabi mong okay ako. I want you to know that I'm mad at you." Mahina itong tumawa at napailing-iling. "Siguro nga nababaliw na ako sayo kasi hindi rin kita natiis. Hindi naman talaga kita kayang tiisin, e. Masyado kang malakas sa akin."

"Oo na," natatawang aniya habang ang puso niya ang nababalot ng kakaibang saya ngayong nasa harapan na niya ang binata. "Na miss din kita."

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Dark saka inilapat nito ang mga labi sa mga labi niya at parang may mga paru-parung nagliparan sa loob ng tiyan niya. Her body tingled when he snaked his tongue inside her mouth. Napahalinghing nalang siya saka tinugon ang halik ng binata hanggang sa habulin nila ang kanilang hininga.

God. She really missed this man so much.

Pinakawalan ni Dark ang mga labi niya at niyakap siya ng mahigpit. "God, I miss you so much," madamdamin nitong sabi habang yakap siya.

"I miss you too, Dark," tugon niya saka tinugon ang yakap ng binata.

At habang magkayakap sila ni Dark, hindi niya namalayan na bumukas pala ang pinto ng opisina. Kaya naman ng makarinig sila ng tikhim, mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap sa binata.

Nag-init ang pisngi niya ng makitang ang ina niya ang tumikhim. May nanunudyong ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kanila ni Dark.

"Good afternoon, tita Analiza," mabilis na bati ni Dark sa ina niya. May magiliw na naman ngiti sa mga labi nito. "Kumusta ho kayo?"

Dark and his weird attitude towards her parents.

"Good afternoon din sayo, hijo," anang ina niya na nakangiti parin. "Okay lang naman ako. Ikaw? Kumusta ka?"

Sumulyap muna sa kanya si Dark bago sumagot. "Heto, nami-miss ng sobra ang anak niyo."

Parang kinilig ang ina niya sa sinabi ni Dark. Siya naman ay nagbaba ng tingin habang pinapakalma ang nagwawala niyang puso.

"Aww. So sweet," may bahig na ngiting sabi ng mommy niya. "Anyway, kung na miss mo si Anniza, why not take her on a date?" Suhestiyon nito na ikinataas niya ng tingin sa ina.

"Mommy!" Namumula ang pisnging suway niya sa ina.

"Really? I can?" Excited na tanong ni Dark sa ina niya at tumingin sa kanya. "Let's go?"

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. "Marami pa akong gagawin..."

Mahinang tumawa ang ina niya. "Sige na, Anniza. Sa tingin mo hindi ko nakikita na wala ka sa mood nitong mga nakaraang araw?"

Nagbaba siya ng tingin. Napansin pala nito ang mood niya. She'd been somber these past few days and that was because she missed Dark.

Yeah. Maybe she needed this.

"Okay po." Yumakap siya sa ina. "Salamat po, mommy."

Naunan na siyang lumabas ng opisina ng ina para magpaalam sa ama niya. Si Dark naman ay naiwan sa opisina at medyo nagtagal doon. Nang makalabas siya sa kusina, kalalabas lang din ni Dark sa manager's office.

Nilapitan siya nito at pinagsiklop ang kamay nila.

"Pack some clothes," sabi ni Dark na ikinakunot ng nuo niya.

Nagtatakang napatingin siya sa binata. "Ano?"

"Pinagpaalam na kita sa mommy mo." Hinalikan siya nito sa balikat. "I'm going to take you out of the country."

"What?" Napaawang ang mga labi niya. Saan na naman siya nito dadalhin?

"I want to take you to my hometown," anito saka nginitian siya. "In Greece."

Halos mahulog ang panga niya sa sobrang pagkabigla sa sinabi nito. "Sa Greece?! Nababaliw ka na naman ba?"

"Pinagpaalam na kita sa mommy mo," anito at inakbayan siya. "Pumayag naman siya. Basta isang linggo lang daw at walang gasgas na ibabalik kita sa bahay niyo."

Hindi pa rin siya makapaniwalang nakatitig sa binata kapagkuwan ay nakataas ang kilay na nagtanong. "Paano naman ang pagpayag ko na sumama sayo? Nagdesisyon ka na naman na wala ako."

Naglalambing na niyakap siya ni Dark. "Sorry na, agápi mou. Sumama ka na sakin, please?"

Hindi siya umimik.

Humarang si Dark sa daraanan niya saka sinapo ang mukha niya. "Please, agápi mou, say yes. Please?"

Pabiro niya itong inirapan, pero ang totoo, parang may kumikilit sa puso niya dahil sa pagpipili nitong sumama siya. "Oo na, sasama na ako sayo," aniya na parang napipilitan pero ang totoo excited na siyang makasama ito ng isang linggo sa Greece.

Lihim siyang napangiti ng masayang ngumiti si Dark sa pagpayag niya. Napailing nalang siya ng maramdamang ang kakaibang pagtibok ng puso niya para rito. Ito ang nagagawa ni Dark sa kanya. Kaya naman hinayaan lang niya ang binata ng iginiya siya nito patungo sa nakaparada nitong motor at sinuotan siya ng helmet. At nang nasa biyahe na sila, mahigpit ang yakap niya kay Dark.

Nang makarating sila sa bahay niya, kaagad siyang bumaba sa motor nito saka tinulungan siyang tanggalin ang helmet na suot.

"Pasok ka muna," aya niya sa binata ng maalis ang helmet sa ulo niya.

"I'm tempted to go in and kiss and hug you, but I can't." May pilyo itong ngiti saka dumukwang at hinalikan siya sa mga labi. "Kailangan ko ring mag impake ng dadalhin kong damit. Uuwi muna ako sa bahay at aasikasuhin ko pa ang eroplanong sasakyan natin at ang mga papeles na kakailanganin natin. Just give me two hours. Pagkatapos susunduin kita kaagad. Okay?"

"Sige," naangiting sabi niya saka siya na ang humalik sa mga labi nito na ikinagulat ng binata. "Mag-ingat ka," wika niya saka hindi na hinintay ang sagot ng binata, kaagad siyang pumasok sa loob ng bahay niya at nagtungo kaagad sa kuwarto niya para maghanda.

Anniza was so excited as she packed her clothes. At nang matapos siyang mag-impake ay naligo siya. Habang nasa ilalim siya ng shower, hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi niya.

She couldn't wait to be with Dark for the whole week!  


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top