CHAPTER 14

CHAPTER 14

"KAILAN mo kami ipapakilala sa bago mong apple of the eye?" Tanong sa kanya ni Haze habang sinisimsim nito ang order na java latte.

Nag-aya si Haze at Czarina sa Starbucks para lang interview-hin siya. Nalaman ng mga ito mula sa mga magulang niya ang tungkol kay Dark kaya naman ginawa yatang misyon nang dalawa na paaminin siya kung sino si Dark at kung ano ang nararamdaman niya para rito.

"Spill, Any," pamimilit ni Czarina habang pinanlalakihan siya ng mata. "Magkuwento ka na kasi at nang hindi na humaba ang usapan."

"Wala naman akong iku-kuwento." Napakagat labi siya. "Hindi naman kami, e."

Umingos si Haze. "Hindi kayo pero may nangyari na sa inyong dalawa? Anong tawag 'don?"

Namumula ang pisngi na nagbaba siya ng tingin. "Tumigil nga kayo. W-Wala naman 'yon, e. Hindi porket naulit 'yon ay—"

"Oh to M to the G!" Tili na wika ni Czarina. "Naulit?"

Nahihiyang tumango-tango siya. "Oo. Naulit."

Halos malaglag ang panga ni Haze na nakatingin sa kanya. "Oh my God, Any. Naulit? Masarap ba?"

Pinukol niya ng masamang tingin si Haze. "Uulitin ko ba kung hindi?"

Ngumisi si Haze. "Kaya naman pala blooming ka. Nadidiligan ka palang kasi."

Mas lalong namula ang pisngi niya. "Tama na, please. Nahihiya na ako."

"At sa amin ka pa talaga nahiya?" Iningusan siya ni Czarina. "Umamin ka nga, Any, mahal mo siya no?"

Napakagat labi siya at hindi makatingin sa kaibigan. "I'm getting there."

Tumili na naman si Haze. "Salamat naman at nabura na si Paul sa puso mo. Thank God for that!" Halata ang kasiyahan sa mukha nito. "Anyway, we need to meet this guy."

"Huwag muna," kaagad niyang pigil sa mga ito. "Gusto ko munang makasiguro. Ayokong magkamali na naman. Minsan na akong nasaktan at ayoko nang maulit iyon. Natatakot ako na masaktan ulit. Lalo na kung si Dark ang mananakit sakin. Masakit ang ginawa ni Paul, pero mas doble ang sakit kung si Dark ang gagawa no'n. Ewan ko ba pero parang iba ang kapit ni Dark sa puso ko."

Huminga ng malalim si Haze saka hinawakan ang kamay niya. "Cheer up, Any. Okay lang 'yan. Tama ka naman, e. Mahirap na magtiwala muli sa pag-ibig pagkatapos ng nangyari sayo. We understand that."

"But we still have to meet this guy named Dark," dagdag ni Czarina.

"Oo nga," segunda ni Haze. "Kailangan namin syang makilala."

Akmang aaya siya sa gustong mangyari ng dalawa ng marinig niya ang pamilyar na boses sa likuran niya.

"Anniza?"

Mabilis siyang lumingon nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon. Ganoon din ang ginawa ng mga kaibigan niya. At nang makita kung sino ang nasa likuran niya, tumibok ng mabilis at malakas ang puso niya.

Dark! After three days, she saw him again.

He looked gorgeous today. Naka-itim itong cargo shorts at nakaputing plain V-neck t-shirt. He was wearing black sunglasses and a black cap. May nakalagay na earphone sa isang tainga nito samantalang ang isa ay wala. Hawak ng isang kamay nito ang cellphone at nasa isang kamay naman ang Starbucks cup. And he had this cute grin on his lips.

"Dark," sambit niya sa pangalan nito habang nakatitig sa guwapong mukha ng binata.

Nginitian siya ni Dark. "Hey, ómorfos." Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa mga labi na para bang normal na nilang gawain 'yon.

It was just a peck, but it sent tingles down her spine. Shucks! This man and his effect on her were very not healthy for her. Pakiramdam niya nagpa-palpitate ang puso niya. Malalagutan siya ng hininga dahil dito, e!

"Ómorfos means beautiful in Greek," anang boses ni Czarina na pumutol sa pagtititigan nila ni Dark.

Bumaling ang tingin ni Dark kay Czarina na nakataas ang kilay habang nakatingin sa binata.

Kaagad namang inilahad ng kaibigan niya ang kamay kay Dark. "Hi. I'm Czarina Salem. Any's friend and the one who will kill you if you hurt her."

Kumunot ang nuo ni Dark at napatingin sa kanya saka ibinalik ang mga mata kay Czarina. "If I hurt her? Hmm. May lalaki nang nanakit sa kanya, siguro naman kilala mo siya. Gusto mo siyang patayin? Sama ka sakin, pupulbusin natin siya."

Napanganga si Czarina. "Ano?"

Mahinang tumawa si Dark saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Czarina. "I'm Dark Nikolov Megalos Stavros Montero. Nice to meet you."

Mas lalong umawang ang mga labi ni Czarina. Pati na rin si Haze ay nakanganga na sa sobrang haba ng pangalan ni Dark.

"Tao ka ba?" Manghang tanong ni Haze. "Ang haba ng pangalan mo."

"Tao ako." Umupo si Dark sa katabi niyang upuan kahit hindi naman niya sinabing umupo ito. "Gwapong tao." Bumaling ito sa kanya. "Hindi ba, agápi mou?"

"Agápi mou means my love," sabad ni Czarina na ikina-awang ng mga labi niya.

Nanlalaki ang mata na tumingin siya kay Dark. "My love?"

Dark grinned slyly. "Yes, agápi mou?"

Sumikdo ng mabilis ang puso niya. "T-totoo?"

"Yes." Hinaplos ni Dark ang pisngi niya. "It means my love." Kapagkuwan ay inilahad ni Dark ang kamay kay Haze. "I'm Dark and you are?"

Mabilis na nakipagkamay si Haze sa binata. "Haze."

"Nice to meet you, Haze," ani Dark na may magiliw na ngiti sa mga labi. Kapareha ang ngiti nito ng kaharap ng binata ang mga magulang niya.

What a weirdo.

Nagulat si Anniza ng biglang tumayo si Czarina habang hawak-hawak ang latte nito.

"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong niya sa kaibigan.

"'Diba Haze may pupuntahan pa tayo?" Sabi ni Czarina kay Haze sabay hila rito patayo. Hindi man lang nito sinagot ang tanong niya.

Bumadha ang kaguluhan sa mukha ni Haze. Kapagkuwan ay ngumiti ito na para bang may alam ito na hindi niya alam. "Oo nga pala. May pupuntahan pa tayo." Bumungisngis ito saka tumayo. "Sige. Aalis na kami."

Kinunotan niya ng nuo ang mga kaibigan. "Iiwan niyo ako? Kayo ang nag-aya sakin dito e!" Naiinis na sabi niya. "Sama ako."

Inginuso ni Czarina si Dark na nakangiti sa tabi niya. "Hayan naman ang agápi mou mo. Bahala na siya sayo." Kinindatan siya ng kaibigan. "Bye." Pagkasabi nito ay sabay mabilis na hinila palabas ng Starbucks si Haze.

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa mga kaibigang naglalakad palabas ng café saka binalingan niya si Dark na komportabling naka-upo sa katabi niyang upuan. Nang magtama ang mga mata nila, kinindatan siya nito.

Lihim siyang napangiti sa ginawa nito saka ipinako ang paningin sa Cappuccino na inorder niya na nasa mesa. Ayaw niyang tumingin kay Dark. Ang puso niya kasi ay parang tumatalon sa tuwa dahil nakita niya ito. Nag-paalam ito sa kanya na mawawala ng tatlong araw dahil sa negosyo nito at sino naman siya para pigilan ito? At sa tatlong araw na iyon, palagi niya itong hinahanap-hanap. Nababaliw na siya sa kakaisip dito.

"Anniza?" Malambing ng tawag ni Dark sa pangalan niya.

Pinaikot-ikot niya ang lalagyan ng cappuccino at nanatiling nakatitig sa harapan niya. "Ano 'yon?"

"I miss you."

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso niya at parang lalabas iyon sa dibdib niya.

Pilit niyang pinapakalma ang puso niya na parang nagwawala sa dibdib niya. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan," sabi nalang niya ng walang ibang maisip na sabihin.

Kinuha nito ang kamay niya na nilalaro ang takip ng cappuccino saka pinisil 'yon. "I do miss you. I haven't seen you for three days, Anniza. Buti nalang nakita kita rito. Pupunta na sana ako sa bahay niyo."

Pasimple siyang humugot ng malalim na hininga. Ang puso niya, hindi na kayang tumanggap ng matatamis na salita galing kay Dark. Baka mas lalo pang mahulog ang loob niya rito at masaktan lang siya. Pero gusto niyang sulitin ang mga oras na binibigay sa kanya ni Dark. Walang nakakaalam kung kailan, kaya hanggat may interes pa ito sa kaniya, susulitin na niya.

Humarap siya kay Dark at lakas loob na nagtanong. "Would you like to go out on a date? With me?"

Namilog ang mata ni Dark na para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Nakaawang ang mga labi nito at titig na titig sa kanya. "A-ano?"

Lakas-loob na nagtanong siya ulit. "Date tayo. Gusto mo?"

Itinikom nito ang bibig saka hindi pa rin makapaniwalang tumango. "Y-Yeah. Gusto ko."

"Good." Hinawakan niya ang binata sa kamay at hinila ito patayo at palabas sa Starbucks.

Na-miss niya ito. Hindi niya iyon kayang aminin dito ng harapan kaya ipaparamdam nalang niya kung gaano niya ito na miss sa tatlong araw na hindi ito nagpakita sa kanya dahil bumalik ito sa U.S. para sa negosyo nito.

"Dala mo ang Ducati mo?" Tanong niya kay Dark habang magkahawak kamay silang naglalakad sa sidewalk.

"Hindi," anito. May itinuro ito sa harapan nila na malapad na gate na may nakasulat na 'Bachelor's Village'. "That's where I live," sabi nito.

"So." Sumulyap siya sa binata. "Malapit lang ang bahay mo rito?"

Tumango si Dark. "Yeah. Doon lang."

Isang pilyang ideya ang pumasok sa isip niya. Hindi niya alam kung bakit gusto niya itong masarili kahit ilang oras lang. Ang totoo, nami-miss na niya ang mga pasimple nitong paghaplos sa katawan niya at paghalik sa mga labi niya. And she wanted that now. She wanted to kiss him and to do more.

"Tara, doon nalang tayo mag date sa bahay mo," sabi niya saka hinila ang binata patungo sa gate ng Village.

"SPG date?"

Mabilis siyang napabaling kay Dark na may kislap ng pagnanasa ang mga mata. "Is that what you like?"

Kaagad na yumapos sa beywang niya si Dark saka hinalikan siya sa pisngi saka bumulong sa tainga niya. "Kung sasabihin kong higit pa do'n ang gusto ko, papayag ka ba? Ibibigay mo ba?"

Sa halip sa sagutin ito, humigpit ang hawak niya sa kamay nito saka hinila ang binata patungo sa gate ng village na kaagad naman silang pinapasok ng makita si Dark ng security guard.

Habang naglalakad sila patungo sa bahay ni Dark, halos mahulog ang panga niya sa naggagandahang bahay na nadadaanan nila. Dito rin nakatira si Tyron at ang asawa nitong si Raine. Pero gabi nuon nung makapunta siya rito kaya hindi niya nakita masyado ang mga bahay.

"Mukhang mayayaman ang nakatira rito," komento niya habang naglalakad.

"Not really," ani Dark saka iginiya siya papasok sa isang gate.

Hanggang beywang lang niya ang gate. At sa loob ng itim na gate ay isang kulay puti na mansyon.

It was a modern mansion. Bermuda grass and bonsai plants were dotted around the house. It had glass walls, beautiful fountain on the side and a swimming pool on the other side. May mga recliner sa gilid ng swimming pool at may jacuzzi sa tabi niyon. The mansion was three stories high and it had a flat concrete roof. Mula sa kinatatayuan niya, napakaaliwalas ng loob ng mansiyon.

Parang ang sarap tumira sa bahay na 'to.

"Ito ang bahay mo?" Manghang tanong niya.

"Yep," aagot ni Dark saka inakbayan siya at iginiya siya patungo sa pinto ng bahay.

At habang binubuksan nito ang pinto ng bahay, nasa likod niya ang binata at hinahalik-halikan ang batok niya. Napakagat-labi nalang siya ng maramdaman ang kilit sa puson niya dahil sa ginagawa nito. Ni hindi nga niya namalayan na nabuksan na pala nito ang pinto at nakapasok na siya sa loob kung hindi niya narinig ang pagsara niyon. At hindi pa siya nakakapag-komento sa ganda ng loob ng bahay, ang mga labi ni Dark ay nakalapat na sa mga labi niya.

Nagulat man sa ginawa ng binata, kaagad naman niya iyong tinugon ng buong puso. Ipinalibot niya ang mga braso sa leeg ni Dark at mas hinapit pa ito palapit sa kanya habang mas nagiging mapusok ang halik na pinagsasaluhan nila.

God! She missed this man!

Their lips clasped together. Their tongue battled. Their breathing mixed. Kinagat ni Dark ang pang-ibaba niyang labi na parang nanggigigil at ang kamay nito ay nasa pang-upo niya at pinipisil iyon.

Mahinang napadaing si Anniza at kinagat din ang pang-ibabang labi ng binata.

Napaigtad siya at nakagat ang sariling labi ng pumasok ang kamay nito sa loob ng suot niyang blusa at kaagad na pinisil ang mayayaman niyang dibdib. Nag-umpisa nang mag-init ang katawan niya sa ginagawa ng kamay ni Dark, lalo na ng masuyo nitong pinisil-pisil ang korona sa tuktok ng mayayaman niyang dibdib. At akmang huhubarin niya ang t-shirt na suot ni Dark ng makarinig siya ng malakas tikhim.

"I want a grandchild this instant but live action is not really my thing," anang boses ng babae at halata ang kakaibang accent nito habang nagsasalita ng lengguwaheng English.

Parang napaso na humiwalay siya kaagad kay Dark at napatingin sa pinanggalingan ng tikhim at boses.

Anniza's eyes settled on a woman regally sitting on the single sofa. Her back straight and her chin up. The woman had a very strong resemblance to Dark. Napakaganda ng babae kahit na may edad na ito. She sat with poise and grace. Pero ang nakakuha sa atensiyon niya ay ang katawan nito. She was not skinny. Malaman ang katawan ng babae. Parang siya lang. Pero parang mas malaki siya rito... I think.

"Hey, mom," ani Dark na parang wala lang nangyari. "What are you doing here?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Mom? Ina ito ni Dark?

Oh my God! Oh my God! Oh my God! Gusto niyang lumubog sa kinatatayuan. Nagdasal siya na sana bumuka ang lupa at kusa niyang ililibing ang sarili niya sa sobrang hiyang naramdaman sa mga sandaling 'yon.

Oh, God! Please! Ilibing mo nalang ako! Nakakahiya! Halos umusok ang pisngi niya sa sobrang init niyon dahil sa hiyang nararamdaman.

Hindi niya kayang tumingin ng deretso sa ginang kaya naman nagbaba siya ng tingin. Nahihiya siya. Baka anong isipin nito sa kanya dahil sa nakita nitong paghahalikan nila ni Dark ngayon-ngayon lang.

"I told you that I'll be visiting you, didn't I?" Anang boses ng ina ni Dark. Mula sa gilid ng mga mata niya, nakita niyang ibinuka ng ginang ang braso kay Dark. "Come here, my son, give your mitéra a hug."

Malalim na bumuntong-hinga si Dark bago naglakad palapit sa ina nito at niyakap.

Kaagad namang tinugon ng ina ni Dark ang yakap ng anak nito saka sinapo ang mukha ni Dark. "I miss you, my son. I haven't seen you for a while now."

"Yeah. Yeah. I miss you, too," ani Dark na parang napipilitan.

At mula sa gilid ng mga mata niya, nakita niyang bumaling sa kanya ang ginang at nakabuka pa rin ang mga braso nito.

"Well?" Nagtatanong ang mga mata nito ng nahihiyang bahagyan siyang nag-angat ng tingin dito. "Aren't you gonna hug me?"

Napakurap-kurap siya sa ginang. Ano daw?

Anniza blinked in disbelief. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan sa sobrang gulat sa sinabi nito kaya ito na ang lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit bago pinakawalan at nginitian siya ng pagkatamis-tamis.

"Is your name Anniza?" Tanong nito na nag niningning ang mga mata.

Nag-aalangan na tumango siya.

Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa mga labi ng ina ni Dark saka tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Thanks God you are not skinny. We, the Stavros Family, like big-boned women." Tumingin ito kay Dark na nakatingin sa kanila. "Good choice of a woman, my son. I like her. So." The woman beamed. "When is the wedding?"

Nag-aalangan at nagtatanong ang mga mata na tumingin siya kay Dark. Nginitian lang siya ng loko at nagkibit-balikat. Pasimple niya itong pinukol ng masamang tingin. Pahamak talaga ang binata. Bakit hindi nalang nito sabihin sa ina na wala naman silang relasyong dalawa at walang kasalang magaganap.

Hindi niya kayang makipagtitigan sa ina ni Dark kaya naman nagbaba nalang siya ng tingin. "There is no wedding, ma'am," aniya saka nag-aalangang nginitian ang ginang.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ng ginang. "Oh, you are so cute, Anniza." Pinanggigilan nito ang pisngi niya. "Call me mamá Nikola." Pinukol siya nito ng matiim na tingin. "Say it. Say it, Anniza, dear."

"M-Mamá Nikola," naiilang na sabi niya.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi nito saka niyakap siya ng mahigpit. "I love how you say it!" Impit itong tumili. "Amazing!" Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap saka humarap ito kay Dark. "Dark! Marry her! Now!" Patiling sabi nito at humarap na naman sa kanya. "Let's go to Greece, méli. You two must be wed there! Gosh! So cute!"

Nakatanga lang siya sa ina ni Dark habang inaaya siya nito papuntang Greece para doon daw sila ikasal ni Dark. Oh my God! This was very awkward for her.

"Mom," matigas ang boses na sabi ni Dark. "Stop it. You're scaring her."

Tumigil naman bigla ang ina nito at napalabi. "Sorry, méli." Hinalikan siya nito sa pisngi. "I'm just excited."

Hinawakan siya nito sa kamay at hinila siya palapit kay Dark. "Here, my son, go. Make a baby with Anniza," nakangiting sabi nito. "I'll just be in the kitchen making cupcakes." Naglakad ito patungo sa isang pinto. "Have fun making babies! I want twins, Dark. If you can, I want quadruplets!" Pahabol na sabi ng ginang na papasok na sa pinto ng kusina.

Nagkatinginan sila ni Dark nang tuluyan nang nawala ang ina nito.

Nang hindi siya magsalita, tumaas ang sulok ng labi ni Dark saka may pilyong kislap ang mga mata.

"So, let's go make babies?" Tanong nito na may pilyong ngiti sa mga labi.

Umawang ang labi niya. "M-make what?"

"Make babies," ulit nito. "Naghihintay pa naman si mamá. Dapat after nine months, magluwal ka ng quadruplets."

Hindi niya napigilan ang sarili, sinuntok niya ito sa braso. "Baliw! My vagina can't take that, moron!"

Lumapad ang ngisi ni Dark saka dumukwang ang inilapit ang labi sa labi niya. "Hmm... one violent move..."

Pinaikot niya ang mga mata. "One kiss," pagpapatuloy niya saka siya na ang gumawad ng halik sa mga labi ng binata.

Mahinang tumawa si Dark ng maghiwalay ang mga labi nila. May panunudyo ang kislap ang mga mata ito. "Natututo ka na. That's great."

Inirapan niya ito. "Yes, I'm learning but I'm still not making babies."

Sumimangot si Dark. "Paano ang SPG date natin?"

"Postponed," sagot niya saka tinalikuran ito at akmang maglalakad palabas ng bahay ng pigilan siya ni Dark sa braso.

Pinihit siya ni Dark paharap dito at para siyang sako ng bigas na isinampay sa balikat nito.

Impit siyang napatili. "Dark! Ano ba ang ginagawa mo? Ibaba mo ako—" Namilog ang mata niya ng ma-realize ang posisyon nila ng binata. "Wait, what?! Kaya mo akong buhatin?!" Naeskandalo siya sa kaalamang kaya siyang buhatin ni Dark.

She was freaking heavy and she knew that!

Tumawa lang ang binata habang umaakyat ito sa hagdan. "Kasing bigat ka ng barbell na palagi kong binubuhat." Kapagkuwan ay tinampal nito ang pang-upo niya.

"Dark!" Nag-init ang pisngi niya. "Huwag mong tampalin ang pang-upo ko!" Namumula ang pisngi niya.

Tumawa lang si Dark saka nagpatuloy sa paglalakad. Siya naman ay hindi pa rin makapaniwalang kaya siyang buhatin ng binata. At sa unang pagkakataon sa buhay niya, pakiramdam niya ay napakagaan niya.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top