CHAPTER 11

 CHAPTER 11

HINDI makatulog si Anniza kahit anong pilit niya. Magkadikit ang mga hubad nilang katawan ni Dark habang yakap siya nito at siya naman ay nakaunan sa braso nito. Sinusuklay pa rin nito ang buhok niya pero hindi siya dinadalaw ng antok.

Ito ang unang pagkakataon na may lalaki siyang makakasamang matulog sa kama niya at hindi siya mapakali.

Anniza was thinking hard of what to say to Dark when she remembered the conversation back at the dining room earlier.

"Bakit mo 'yon ginawa?" Basag niya sa katahimikang bumabalot sa kanila at patagilid na nahiga para makaharap siya kay Dark. "Ten million ang pagkakabili mo sa lupa. Bakit five million mo lang pinagbili sa amin?"

Dark continued brushing her hair. "Honestly?"

Hinuli niya ang mga mata nito. "Yes."

Parang nagdalaawang isip pa ito bago sumagot. "I want to be in your parent's good side, Anniza."

Nagtataka siyang nagtanong. "Bakit naman?"

"Sa akin nalang 'yon," anito saka misteryusong ngumiti.

Pinaikot niya ang mga mata. "Ewan ko sayo. Hindi ka matinong kausap."

"Paano ako titino e baliw na baliw nga ako sayo?"

Ilang segundo siyang natigilan kapagkuwan ay naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. "A-Anong s-sabi mo?"

"Ayoko nang ulitin," natatawang sabi ni Dark at pinangigilan ang pisngi niya. "Nakakahiya."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit ngayon ka pa nahiya? Hindi ka nga nahiya nang halikan mo ako sa maraming tao Tapos ngayon mahihiya ka?"

Kaagad na sumama ang mukha ni Dark saka napailing. "Hayan na naman tayo sa mataba ka at dapat akong mahiya na kasama ka." Masuyo nitong sinapo ang mukha niya at pinakatitigan siya sa mga mata. "Anniza, hindi ako nahihiya na kasama ka. I could kiss you in front of so many people and I wouldn't care less what they think. Kasi sa mga mata ko, ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko."

Umiling siya, hindi siya naniniwala. "Hindi ko matatanggap iyang sinasabi mo hangga't hindi ako nagiging sexy."

Bumuga ng marahas na hangin si Dark. "Anniza, maganda ka. Bakit ba hindi mo yun matanggap?"

"Kasi hindi ako sexy," diin niya.

Dark puffed a breath again. "Fine." Irritation filled his voice. "You want to be sexy? Mag gym tayong dalawa. Sasamahan kita."

Napamulagat siya. "Talaga? Pero nakakahiya mag gym kasi maraming nakatingin sa akin tapos—"

"Mas sarili akong gym sa bahay, puwede mong gamitin 'yon."

Natigilan siya at may pagdududang tumitig sa binata. "Tutulungan mo talaga akong magpa-sexy? Like Megan Fox sexy?"

Gumuhit ang iritasyon sa mukha nito. "I like Anniza Gonzales body better. Pero kung iyan ang gusto mo, sige mag gym tayo. Pero may isa akong tanong bago kita tulungan sa kabaliwan mong pagpapapayat."

Nagsaubong ang kilay niya, may kaunti siyang kabang naramdaman sa itatanong nito. "Ano?"

"Bakit mo 'to ginagawa?"

Natigilan siya. Bakit nga ba? She had tons of reasons. Pero ang talagang pinakamabigat niyang rason sa pagpapapayat ay ang kagustuhan niyang matanggap sa lipunan. Dahil kahit ano pa ang sabihin ni Dark, magka-iba pa rin ang trato sa mataba at payat.

"Gusto kong pumayat kasi—" Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Kasi gusto kong matanggap nila ako. Gusto ko na mahalin din ako ng totoo. Sa tingin ko kasi makukuha ko lang ang kagustuhan kong iyon kapag pumayat ako. Dahil sa karanasan ko kay Paul, natutunan kong size na pala ang basehan ng pag-ibig ngayon. At halata naman, palaging may plus points kapag sexy. Masakit man aminin, pero ganoon na siguro ang mga tao ngayon, kapag may magandang mukha at sexy, napakadali para sa kanila na pagbigyan at asikasuhin ito ng may respeto. Pero kapag plus size, parang napakahirap sa kanila na asikasUhin kami. I always feel it, you know, being degraded because of I'm a plus size. So please, help me." Nangungusap ang mga mata niya.

Nawala ang iritasyon sa mukha ni Dark. "Sige. Tutulungan kita. Pero labag ito sa kalooban ko. Mas gusto ko ang Anniza ngayon na yakap ko. Mas gusto ko ang Anniza na nag-i-enjoy kumain ng masasarap na pagkain na dala ko. Pero dahil iyan ang gusto mo, sige, susuportahan kita."

Matamis niyang nginitian ang binata. "Yes! Salamat." Niyakap niya ito ng mahigpit at isiniksik pa lalo ang katawa sa katawan nito. "Weirdo ka pero mabait ka naman," nakangiting sabi niya. "Sobrang bait mo at—"

"Hindi ako mabait." Biglang nawala ang emosyon sa boses nito. "Masama akong tao, Anniza."

Napatitig siya kay Dark. Naguguluhan siya sa pinagsasabi nito. Ito na yata ang pinakamabait na tao na nakilala niya pero weirdo naman. He helped her a lot. He boosted her confidence at tanggap siya nito kung anong size niya. Para sa kanya mabait ito.

"Paano ka naman naging masama?" Nagtatakang tanong niya kapagkuwan.

Hinintay niya ang sagot nito pero nagulat nalang siya ng bigla nalang itong ngumiti na parang wala itong sinabing kakaiba.

"You're weird, alam mo ba yon?"

Nakangiting umiling ito. "Nope. All I know is I'm hot, handsome, and I'm gorgeous as fuck."

Napailing siya sa kahanginan nito. "You are weird, alright." Itinanday niya ang binti sa hita nito at naramdaman niyang tumutusok ang kahabaan nito sa bukana ng pagkababae niya pero hindi niya iyon pinansin. "Sa sobra mong pagka-weird, ang sarap mong kurutin." Pinanggigilan niya ang binata sa tagiliran saka kinurot ito doon.

"Bayolente ka talaga no?" Nakangiwi si Dark dahil sa sakit ng pagkurot niya. "Tama nga si Paul, bagay tayong dalawa."

Sumama ang mukha niya. "Banggitin mo pa ang pangalan ng hinayupak na 'yon at tatamaan ka sakin."

"E, di tamaan mo." Nginisihan siya nito. "Basta tandaan mo na one violent move, one kiss."

She stuck out her tongue at him. "Ewan ko sayo. Hindi tayo bati!" Tinalikuran niya ito sa pagkakahiga at pinikit na niya ang mga mata.

NANGINGITI si Dark habang yakap si Anniza mula sa likuran. Hindi raw sila bati kaya tinalikuran siya nito. So cute.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya ng maalala ang tulong na hinihingi ni Anniza sa kanya. Gusto nitong magpa-sexy. Anniza was already sexy! Damn it! Nunkang tutulungan niya ito sa gusto! Ayos na sa kanya si Anniza ngayon. Gusto niya na malaman si Anniza.

He didn't want Anniza to be skinny. Hindi siya papayag.

Tutulungan niya itong mag gym pero may plano siya para hindi mabawasan ang timbang nito. He wouldn't let her change just to be accepted. For him, Anniza was already perfect. And she didn't need to change for anyone. Dapat ang ginagawa nito ay pag-aralan kung paano tatanggapin ang sarili nito at hindi na magbabago ito para matanggap ng iba.

"Dark?"

Napatigil siya sa pag-iisip ng marinig ang boses ni Anniza. Akala niya tulog na ito. "Hmm?"

"I like you."

Natigilan siya at parang nakalimutan niyang huminga sa narinig. At nang makabawi sa pagkabigla, mas humigpit ang pagkakayakap niya sa dalaga saka bumulong, "I like you too, Anniza."

They cuddled until they fell asleep. It was the best damn night of his life; to sleep beside the woman that could make his heart beat like crazy.


NANG magising si Anniza kinaumagahan, wala na si Dark sa tabi niya. Mabilis siyang tumingin sa bintana. Nakasara iyon pero hindi naka-lock. Nakangiti na napailing-iling siya. Mukhang sa bintana na naman ito dumaan.

Bumangon siya at inayos ang kanyang sarili bago lumabas ng silid niya. Nang pumasok siya sa kusina para mag-agahan, naroon na ang mga magulang niya.

"Good Morning," bati niya sa mga magulang saka humalik siya sa pisngi ng mga ito.

"Good morning din sayo, anak," balik bati sa kaniya ng ina niya.

"Morning too, Any," balik na bati naman sa kaniya ng ama niya.

Umupo siya sa bakanteng upuan saka sinaluhan ang mga magulang. Habang nag-aagahan, biglang si Dark ang naging topic nila.

"Any, Dark is handsome, yes?" Ani ng kaniyang ina na may nanunudyong ngiti sa mga labi.

Nagbaba siya sa tingin sa plato niya. "Oho, gwapo siya."

"Hmm." His father turned his head at her. "Wala ka bang gusto sa kanya?"

"Dad naman, e!" Namula siya dahil naalala niya ang sinabi niya kagabi kay Dark bago sila natulog. Those three words.

His father clicked his tongue. "I saw how he looked at you, Any. That's how I look at your mother."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano?" Nag-angat siya ng tingin sa kanyang ama. "Anong ibig mong sabihin, daddy?"

"Any, iba siya tumingin sayo. I saw it. Hindi naman ako bulag." Sumimsim ng kape ang daddy niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "At saka, halata naman na may gusto sayo yung binata. Binili niya ang lupa para hindi ka umiyak? Kahit mabait na tao, hindi iyon gagawin. Maliban nalang kung may gusto siya sayo."

Umawang ang mga labi niya. "H-Hindi 'yan totoo."

Her mother snorted. "Yeah. And pigs can fly."

"Ma! Huwag kayong gumawa ng issue," naiinis na sabi niya. "Wala siyang gusto sakin."

"Deny it, Any. Deny. Deny. Sige lang. Magigising ka nalang isang araw na siya na ang buhay mo," anang ama niya.

Napasimangot siya. "Dad naman, e! Wala nga, e. Saka hindi darating ang araw na 'yon, okay?"

So, ano ang ibig sabihin nang nangyayari sayo ngayon? Anang munting tinig sa isip niya. Nakikipag-sex ka pero wala kang maramdaman? Ano 'yon? Init lang ng katawan?

Init lang ba 'yon ng katawan? Parang hindi naman. She felt something ... something she couldn't or didn't want to name.

Nauna na siyang tumayo sa hapag-kainan at lumabas ng bahay. Ayaw niyang hintayin matapos ang mga magulang niya sa mesa dahil baka saan na naman mapunta ang usapan nila.

Akmang maglalakad siya patungo sa kotse niya ng may marinig siyang busina sa labas ng bahay nila. Binuksan niya ang gate ng bahay at nagulat siya ng makita roon si Dark na nakasakay sa Ducati nito.

"Anong ginagawa mo rito?" Gulat niyang tanong saka bumaba ang mata niya sa relong pambisig saka ibinalik ang tingin sa binata. "It's just six in the morning."

"Sinusundo ka," anito at umalis sa pagkakasakay sa Ducati nito. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa mga labi. "Nasaan ang mga magulang mo? Ipagpapaalam kita."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ha? Ano ba ang sinasabi mo?"

Hinawakan siya nito sa kamay at hinila siya pabalik sa bahay nila.

"Dark, ano ba? Bitiwan mo nga ako! And why the heck are you looking for my parents? Ano ba ang gagawin mo?" Sunod-sunod niyang tanong habang hila-hila siya nito.

"I'm trying to be a gentleman, Anniza," sagot nito. "And I'm trying to be a good man for you."

"What?" Naguguluhan siya. "Ano ba ang pinagsasasabi mo?"

Madali nilang nakita ang mga magulang niya na nasa sala at naghahanda nang umalis.

"Good morning, Mr. And Mrs. Gonzales," ani Dark.

"Dark," gulat na sambit ng ama niya sa pangalan ng binata. "Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhang tanong nito sa binata.

Itinaas ni Dark ang magkahawak nilang kamay." Magpapaalam lang po sana ako kung puwedeng imbitahan si Anniza na lumabas kasama ako. I know it's a workday and all, but can I take her out?"

Parang hindi naman nagulat ang ama niya sa sinabi ni Dark. Her father just smiled and then nodded. "Sure. Basta ba iuwi mo siya mamayang gabi na buo pa at walang gasgas."

"Dad!" Pinandilatan niya ang ama. "Marami akong gagawin sa restaurant. Tapos pakiramdam ko maraming tao ngayon doon. Kailangan niyo ang tulong ko—"

"Go, Dark, take her away from the restaurant for a day and make her happy," anang ama niya na ikinatigil niya sa pagsasalita.

Masayang ngumiti si Dark. "I'll keep her safe, Sir Anton."

"Call me tito Anton, Dark."

If it was even possible, mas lumapad pa ang ngiti sa mga labi ni Dark. "Okay po. Salamat, tito Anton." Kapagkuwan ay tinanguan nito ang ina niya. "Salamat po tita Analiza."

Ngumiti ang ina niya bilang tugon.

Nginitian naman siya ni Dark saka masuyo na naman siyang hinila palabas ng bahay, palapit sa Ducati niya. Kapagkuwan ay sinuotan siya nito ng helmet at salamat sa diyos naka-jeans siya kaya hindi nakakaasiwang sumakay sa motorsiklo nito.

Nakayakap siya sa likod ni Dark habang umaandar ang motor.

"Saan ba tayo pupunta?" Malakas ang boses na tanong niya kay Dark.

"It's a surprise," pasigaw din na sagot ni Dark para marinig niya.

Anniza rested her head on Dark's back. Naamoy niya ang mabango nitong panlalaking pabango. God! This man smelled good.

Napatigil siya sa pag amoy sa binata ng tumigil ang motorsiklo nito sa isang parking lot na puno ng mga mamahaling sasakyan.

"Nasaan tayo?" Tanong ni Anniza habang bumababa sa motorsiklo.

Nginitian lang siya ni Dark saka pinagsiklop ang kamay nila. Kapagkuwan ay iginiya siya nito patungo sa isang elevator na naroon sa parking lot at pinindot nito ang PGF.

Nang makarating sila sa ground floor at bumukas ang elevator, nagulat siya ng makitang nasa airport sila. Nakikita niya mula sa glass wall ang mga nakahanay na mga eroplano sa labas.

"Dark, bakit tayo nasa airport?" Nagtatakang tanong niya.

"May pupuntahan tayo," anito at magkahawak kamay silang naglakad palapit sa isang guwapong lalaki. "Hey, Volkzki."

The man named Volkzki just grimaced. "Montero, may I remind you that I am the owner of a very famous airline and not your employee. Hindi mo ako assistant kaya huwag mo akong utusan."

Tinawanan lang ni Dark ang iritasyon sa mukha ng kaharap. "Whatever, Volkzki. Thanks."

Volkzki rolled his eyes. "Whatever. 'Yong pinapabili ko, huwag mong kalimutan. I want you to buy me a moon cake. And if you don't have a moon cake when you return, I will not let your plane land inside my airline's border. And I will tell the airport's management to kick your plane out just for the fun of it."

Dark chuckled. "Akala ko ba bad trip ka sa mga singkit? Alam mo ba kung saan ang origin ng moon cake na pinapabili mo sakin?"

Mabilis na nag-iwas ng tingin si Volkzki. "Bilhin mo nalang. May pagbibigyan ako niyan."

"Hmm... malapit ka na maging miyembro sa club nila Tyron, no?"

Volkzki glared at Dark. "Kapag may pinagsabihan ka nito, pasasabugin ko yang eroplano mo. I swear, Montero, kapag may nakaalam sa moon cake na 'yan, mamaalam ka na sa private plane mo," pananakot nito sa matigas na boses.

Tinawanan lang ito ni Dark at hinila siya papasok sa isang maliit na pathway na nagdala sa kanila sa loob ng isang pribadong eroplano.

"What the heck, Dark?" She was worried. "Saan mo ba ako dadalhin? Akala ko lalabas lang tayo?"

Pinaupo siya ni Dark at isinuot ang seat belt niya. "There. Huwag mong tatanggalin," anito at umupo sa tabi niya saka isinuot din ang seat belt.

And then Anniza heard a voice from the speaker. "This is your pilot speaking. Put your seatbelt on, we are ready for takeoff. Buckle up and enjoy the ride to our destination, Singapore."

"Singapore?!" Namimilog ang matang bumaling siya kay Dark. "Bakit mo ako dadalhin sa Sinagpore?!"

The plane started to move.

Dark smiled. "We're going to have our first date there."

Pabilis na nang pabilis ang eroplanong sinasakyan.

Mas tumalim pa ang mga mata niya. "Nababaliw kana, Dark! Baliw ka na!"

Tumawa lang si Dark. "Matagal na, Anniza. Matagal na akong baliw sayo."

Wala nang pagkakataon na klaruhin ni Anniza ang huling sinabi ni Dark dahil bigla nang lumipad ang eroplano dahilan para mapasigaw siya sa sobrang gulat.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top