CHAPTER 1
CHAPTER 1
ANNIZA woke up with a massive headache. Sapo ang ulo na bumangon siya sa pagkakahiga at umalis sa kama. Napakurap-kurap siya ng bumaba ang tingin niya sa katawan at nakitang wala siyang saplot.
Kaagad na nagsalubong ang kilay niya. Huh? Bakit wala akong damit? Nagtatakang tanong niya sa sarili.
Naguguluhang ipinalibot niya ang paningin sa kabuonan ng silid na kinaruruonan niya habang parang agos ng tubig na dumaloy ang ala-ala niya sa mga nangyari kahapon.
Naliligo siya sa sa sariling pawis habang mabilis na tumatakbo sa treadmill na nasa tabi ng swimming pool ng bahay nila. Desidido talaga siyang mabawasan ang timbang niya kahit kaunti lang bago ang kasal nila ni Paul. Alam niyang gusto ng fiancé niya ng mga skinny na babae at napaka-suwerte niya dahil nagustuhan pa rin siya nito kahit medyo may katabaan siya.
Ginagawa niya talaga ang lahat para naman maging proud sa kanya si Paul bilang bride nito.
"Balak mo bang magpakamatay, Any?" Tanong ng kaibigan niyang si Haze.
'Any' ang tawag nito sa kanya dahil may kahabaan daw ang pangalan niya na Anniza. Hindi naman e, pero wala talagang tumatawag sa kaniya sa buo niyang pangalan. Kapag hindi 'Any' ay 'Iza' ang tawag ng kamag-anak at kaibigan niya sa kanya.
"Kailangan mabawasan ang timbang ko kahit ilang kilo lang," sagot niya kay Haze habang hinihingal na tumatakbo sa treadmill. "Paul wants me to be sexy in our wedding day."
Sinabi talaga iyon sa kanya ni Paul sa kanya at naiintindihan naman niya ito. Gusto raw nito na sa araw ng kasal nila ay nabawasan na ang timbang niya.
"Any, kung mahal ka talaga ni Paul, hindi niya hihilingin na magpapayat ka," ani Haze na umingos. "Kung totoo ang pagmamahal niya, tatanggapin ka niya kahit ano ka pa."
"Hayaan mo na ang babaeng 'yan, Haze," ani Czarina na abala sa pagbabasa ng isang malapad at makapal na aklat. "Obsess 'yang pumayat."
Naiinis na inihinto ni Anniza ang treadmill at humarap sa mga kaibigan niya. "Ano ba naman kayo? Sa halip na i-motivate niyo ako, inaaway niyo ako."
Malakas na bumuntong-hinga si Czarina saka bumaling sa kanya. "Any, tama naman kasi si Haze, e. Kung mahal ka ng lalaking 'yon, hindi niya hihilingin na magbago ka." Tumayo ito mula sa pagkaka-upo sa gilid ng swimming pool at isinukbit ang shoulder bag sa balikat nito pagkatapos ay naglakad paalis. "Mauna na ako. May manganganak akong pasyente ngayon, e." Pahabol nitong sabi bago nawala sa paningin nila ni Haze.
Czarina Salem is an ob-gyne Doctor. Pero sa edad na twenty-eight, hindi pa yata ito nakontento sa natapos na kurso kaya naman nag-aaral ito ngayon para maging Psychiatrist.
"Tama si Czarina, Any," ani Haze ng sila nalang dalawa. "Stop changing yourself."
Napabuntong-hininga siya. "Masama bang magbago para sa taong mahal mo?"
Si Haze naman ang bumuntong-hinga at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Any, kaibigan mo ako mula ng high school tayo. Alam na alam ko lahat ng pinaggagagawa mo para pumayat ka pero wala namang nangyari. Tanggapin mo nalang na hindi ka magiging payat na babae. Your body is voluptuous. Hindi ba 'yon ang sabi ng nutritionist mo nuong nag diet ka at dinala ka sa hospital dahil hindi na kinaya ng katawan mo? Just accept it. You are not fat, okay? Malaman ka lang talaga."
Nagbaba siya ng tingin. Totoo nga na dinala siya noon sa hospital. 'Yon yung panahon na nag-propose sa kanya si Paul at sinabihan siya nitong mag-diet para sa kasal nila. She wanted to be sexy for Paul. Gusto niyang sexy siya sa araw ng kasal nila. May tatlong buwan pa siya para pumayat bago ang kanyang kasal.
"I just want to be sexy, you know," aniya sa malungkot na boses.
Malalim na huminga si Haze. "Ewan ko sa'yo. Basta para sakin, dapat hindi mo binabago ang sarili mo para sa iba." Kinuha nito ang pouch sa recliner. "Aalis na ako. I have some business to take care off." Hinalikan siya nito sa pisngi. "See yah, Any."
"See yah."
Naiwan siyang mag-isa sa gilid ng swimming pool. Walang tao ngayon sa bahay nila kundi siya lang. Ang mga magulang niya ay nagbakasyon sa Spain. Inilibre ito ng kapatid niyang nagta-trabaho sa Barcelona bilang manager ng Zapanta Hotel na pag-aari ng pinsan niyang si Tyron Zapanta. Babalik ang nga ito sa susunod na buwan pa.
Kaya naman siya ngayon ang namamahala sa restaurant na pag-aari ng mga magulang niya. She was a chef in Zaired Restaurant. Pero ngayon, pansamantalang siya ang manager at at nag wi-waiter din siya kapag marami ang costumer.
Huminga si Anniza ng malalim at pumasok sa loob ng bahay. Habang naglalakad patungo sa silid niya, tinutuyo niya ang pawis.
Nang makapasok sa silid niya, kinuha niya ang cell phone na nasa bed side table at tinawagan ang kaniyang kasintahan. Nakakailang ring na pero walang sumasagot sa kabilang linya.
Oh, well, susurpresahin niya nalang ito mamaya.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis, kinuha niya ang cake na ginawa niya para kay Paul. Pinuntahan niya ito sa condo nito para surpresahin.
Nakangiti siya habang kumakatok sa pinto ng condo nito pero walang sumasagot. Naiinis na sinubukan niyang pihitin ang doorknob kung bukas at laking gulat niya ng bumukas nga iyon.
Anniza went inside Paul's condo. Nasa sala palang siya, naririnig na niya ang ungol na nanggagaling sa silid ni Paul.
Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang sanhi ng mga ungol na naririnig niya. At habang naglalakad siya palapit sa kuwarto ni Paul, unti-unti nabibiyak ang puso niya. Para iyong pinipitas-pitas sa sobrang sakit ng naririnig niya.
"Oh! Yeah! Baby! Fuck me hard! Oh!" Sigaw ng isang boses babae. "God. I love you, Paul."
"I love you too, baby," boses naman iyon ni Paul. "Oh, yes! Ang sarap mo, baby. Fuck. Ah!"
"Oh! Isagad mo pa, Paul!" Sigaw ng babae habang umuungol. "Ang sarap mo."
"Masarap ka rin, baby. Masarap na masarap. Oh, God! Fuck. Oh!"
Dahan-dahang itinulak ni Anniza ang pinto at hindi na siya nagulat ng makita si Paul na hubo't-hubad at ang babae naman na nasa ilalim nito ay ganoon din. Her heart shattered as she stood there watching her fiancé hump a woman. Parang ilang milyong patalim ang tumarak sa puso niya sa nasaksihan.
Namalisbis ang mga luha niya sa pisngi. Pero agad niyang tinuyo ang mga iyon. Hindi ito karapat-dapat na iyakan. Wala itong kuwentang lalaki! Ginawa niya ang lahat para rito. Halos mahimatay siya sa gutom dahil sa pagda-diet niya. Binago niya ang sarili para rito pero wala rin pala. Tama ang mga kaibigan niya. Kung mahal siya nito, hindi siya nito babaguhin. Bulag lang siya kaya hindi niya iyon makita.
Pero ngayon, sapat na ang nakikita niya para magising siya sa katutuhanan. Sinayang niya ang dalawang taon ng buhay niya.
Mabilis niyang inayos ang sarili niya. Tumikhim siya dahilan para tumigil ang dalawa at mapatingin sa dereksiyon niya.
Nanlaki ang mga mata ni Paul ng makita siya. "Anniza!"
Nagtagis ang bagang niya. "Hi, Paul. Masarap ba ang malandi mong sekretarya?"
Tinakpan ni Paul ang pagkalalaki nito gamit ang unan at lumapit sa kanya. "Anniza, let me explain—"
Her tears betrayed the braveness on her face. "Anong ipapaliwanag mo, Paul? Nakita ko na. Wala na. Sapat na yon sa akin." Nahilam ng luha ang pisngi niya. "Ano ba ang mali sakin at ginawa mo 'to?"
Hinawakan siya nito sa kamay. "Anniza—"
"Huwag mo akong hawakan!" Singhal niya sa binata na akala niya ay kasama niyang haharap sa altar. "Hayop ka. Mga hayop kayo—"
"Sinong hayop?" Sabad ng babae na walang pakialam kung hubad ang katawan. "Ikaw ang hayop kasi baboy ka." Dinuro siya nito. "Ang taba-taba mo kasi. Baboy. Kaya sa akin nakikipagtalik ang fiancé mo kasi masarap ako. Ikaw, nakakaumay ang taba mo."
Sobrang sakit na ng puso niya. Hindi lang ang puso niya ang napira-piraso, pati rin ang ego niya bilang isang babae. She was so insecure when it csme to her weight. Nasaktan siya sa mga sinasabi nito.
"Clare, please! Tama na!" Saway ni Paul sa babae. "This is between me and my fiancé."
"Anong tama na? Totoo naman ang sinasabi ko." Nang-iinsultong ngumisi ang babae sa kaniya. "You are an ugly, fat duckling!"
That was it. She lost it. Her anger got the better of her.
Puno ng galit na isinampal niya sa mukha nito ang ang cake na ginawa niya kay Paul pagkatapos at binigyan niya ng mag-asawang sampal si Paul.
"The wedding is off," aniya at umalis sa condo ni Paul na pira-piraso ang puso niya sa sobrang sakit na nararamdaman.
Nang makapasok siya sa elevator, doon lang niya hinayaan ang sarili na mag mukhang kawawa. Humahagulgol na umiyak siya habang yakap at awang-awa sa sarili. Kailan pa siya niloloko ni Paul? Kailan pa siya nito ginagawang tanga?
Bakit ba nangyayari sakin 'to? Nag mahal lang naman ako? Bakit ako nasasaktan ng ganito?
Pagkatapos no'n, pinilit niya ang sarili na pumasok sa restaurant at doon siya biglang hinalikan ng lalaking nakasama niya kagabi sa club. Nasapo niya ang nakaawang na bibig. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang hubad na lalaki na nakahiga sa kama.
Anniza could perfectly see the face of the man.
"Oh my God," pabulong na sabi niya ng makita ang pagkalalaki nito na nakatayo. "Oh, God... Oh my God... Anong ginawa ko? Anong nangyari? Oh, God... Oh, shit."
Parang nagpa-palpitate ang puso ni Anniza habang nakatingin sa lalaking nakahiga sa kama.
This man... his name was...
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at inalala ang nangyari sa nagdaang gabi sa Club pagkatapos niyang uminom. Paunti-unting bumalik ang memorya niya.
At ganoon nalang ang lakas ng singhap niya ng maalala ang buong pangyayari kagabi. Ang paglalasing niya. Ang halik na pinagsaluhan nila ni Dark na nagpainit sa katawan niya na nauwi sa mainit nilang pagtatalik sa silid na ito.
"Oh, no..." Sinapo niya ang ulo na gulong-gulong at hindi alam ang gagawin.
Napatitig siya sa lalaki na natutulog pa rin. "Oh, God," sambit na naman niya. "No... hindi ko ginawa iyon kagabi."
Pinakiramdaman niya ang pagkababae. Bahagyan iyong masakit. Oh shit! Oh no! I really did it! No! Hell, no!
Dahil sa pinaghalong nerbiyos at takot na nararamdaman, ginawa niya ang sa tingin niya ay pinaka-ligtas para sa kanya. Mabilis niyang pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig at isinuot iyon at kumaripas siya ng takbo palabas ng hotel room na saksi ng pagkawala ng pagkababae niya na pinaka-iingatan niya sa loob ng dalawamput-walong taon.
IMINULAT ni Dark ang mga mata na kanina pa niya pilit na pinipikit ng marinig na bumukas at sumara ang pinto ng hotel. Bumuga siya ng hangin bago umalis sa pagkakahiga sa kama.
He could still remember clearly why he approached the woman in the club.
Malakas na napabuntong-hinga si Dark habang nakikinig sa nakakairitang matinis na boses ng ka-date niya. Ang pinakaayaw pa naman niya sa babae ay 'yong maarte at panay ang salita na wala namang sense. Bakit nga ba niya kasama ang babae na nag ngangalang Sarah? Oo nga pala, isa ito sa mga kleyente niya at para tumigil na ito sa kasusunod at kakukulit sa kanya, tinanggap niya ang imbitasyon nitong kumain sa labas kasama ito. Ang pagkakamali niya ay dito niya dinala ang babae sa paborito niyang restaurant.
Dark was thankful when the server arrived with their food.
Lihim na tinitigan ni Dark ang babaeng abala sa pagsi-serve ng pagkain sa mesa nila. Her name was Anniza Gonzales. Ang alam niya, chef ang dalaga kaya minsan lang lumabas sa kusina. Lumabas man ito ay palagi itong sinusundo ng boyfriend nito na fiancé na nito ngayon.
Hindi niya alam kung anong mayroon sa babae na nakuha nito ang atensiyon niya mula ng una niya itong makita.
As Dark stared at Anniza, he saw that she had swollen red eyes. Halatang umiyak ito. But even though her eyes were swollen, she still looked beautiful. Maganda ang kulay chokolate nitong mga mata. Matangos ang ilong nito at manipis ang mapupula nitong mga labi. Napalunok siya ng makaramdam ng pagkagusto na matikman ang mga labing iyon.
Her red lips looked so sexy. This woman rocked the color red lipstick like nobody's business. Maputi ito kaya bagay na bagay ang kulay na iyon dito. And then she stood five eight in height kaya naman maganda ang tindig nito.
And she wasn't skinny. Thanked God. May mga babae parin palang hindi alam ang salitang diet.
Dark was pulled out from his reverie when he heard the irritating voice of his date.
"Bobo ka ba?" Sikmat ng ka-date niya sa waitress na parang wala sa sarili. "I said i want ice! Pero wala namang ice 'to!" Napakatinis ng boses nito na mas nagpa-irita sa kanya. Kapagkuwan ay bumulong ang ka-date niya. "Baboy na nga bobo pa."
Dumilim ang mukha ng dalaga. Mukhang narinig nito ang ibinulong ng ka-date niya.
Hinilot niya ang sentido at naglabas ng limang libo pagkatapos ay inilagay iyon sa mesa.
"Let's go, Sarah," aniya at hinawakan ang babae sa pulsohan. "Huwag kang gumawa ng eskandalo rito. Nakakahiya."
Nang magpantay ang mukha nito ng dalaga, nagsalita siya. "Sa susunod, mag focus ka sa trabaho mo, hindi na para kang wala sa sarili. Tingnan mo tuloy, nainsulto ka. Next time, do your job properly."
Dark smelled the sweet scent of the woman. Nanunuot iyon sa ilong niya kaya naman agad siyang dumistansiya sa babae.
Naglalakad na sila ni Sarah palabas ng restaurant ng may tumama sa likod niya. Napaigtad siya dahil nasaktan siya sa kung ano man ang tumama sa likuran niya.
Nakatiim-bagang na lumingon siya at tiningnan kung ano ang tumama sa kanya. At nang makitang sapatos ang tumama sa kanya at walang sapatos ang dalaga, biglang nagdilim ang paningin niya. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang binabato siya o patalikod siyang inaatake.
Binitiwan niya si Sarah at inilang hakbang lang ang pagitan niya ng babae.
Walang sere-seremonyang nilukumos niya ng halik ang babae na nanigas sa kinatatayuan nito para ipahiya ito at bigyan ito ng leksiyon. Pero habang hinahalikan niya ang babae, napapikit siya ng maramdaman ang malambot nitong mga labi na ilang segundong nagpawala sa huwisyo niya. Dark couldn't stop himself from snaking his tongue inside her mouth. Imahinasyon niya lang siguro na narinig niya itong dumaing pero imahinasyon man o hindi, sapat na 'yon para mabuhay ang pagkalalaki niya.
And he had to pull away really quick to compose himself.
Inilayo niya ang mga labi sa labi ng babae. "Take that as your punishment, agápi mou," aniya at mabilis na tinalikuran ang babae at naglakad palabas.
"Dark!" Tawag ni Sarah sa pangalan niya na iniwan niya sa loob. "Wait up, Dark!"
He just rolled his eyes and hurriedly went to where he parks his Ducati Motorcycle.
"Dark! Ano ba!"
Marahas siyang bumuga ng hangin at hinarap ang babae. He didn't like to be harsh, but this woman left him no choice.
"I don't want to date someone like you," aniya. "Hindi kita type. Napaka-tinis ng boses mo at ayoko no'n. Napaka-kapal ng kolorete mo sa mukha at ayoko sa clown. At isa pa, sino ka ba para mang-insulto ng kapwa mo? Are you perfect? Last time I checked marami kang kapintasan."
Bumukas ang bibig ng babae pero wala naming lumabas na salita mula roon.
Dark straddled his Ducati. Isinuot niya ang leather jacket at isinunod ang helmet pagkatapos binalanse niya ang motorsiklo bago pinaharurot iyon paalis sa restaurant kung saan may hinalikan siyang babae na masarap ang mga labi.
Hmm... Mukhang mas madadagdagan pa ang kagustuhan niyang magbalik-balik sa Zaired Restaurant.
Malalim siyang bumuntong-hinga saka pinailalim ang hubad na katawan sa malamig ng shower. Ilang minuto rin siyang naligo sa banyo bago nagbihis ng damit din niya kagabi at lumabas siya ng hotel. Naka-park pa rin ang Ducati niya sa parking lot ng Bachelor's Bar. He drove off towards the house of one of his good friends, Tyron Zapanta. Nang makarating siya sa bahay ni Tyron, nag-door bell siya at kaagad namang bumukas ang pinto.
Ngumiti siya ng makita si Raine. Dati itong journalist sa State Trend Magazine na pag-aari ng pamilya niya pero nag-resign ito para maging plain housewife na lamang ni Tyron at siyang-siya naman doon ang kaibigan.
"Well, hello there, beautiful?" He said in a husky teasing voice.
Hindi na siya nagtaka ng biglang sumulpot si Tyron sa likod ni Raine.
"Ano na naman ang ginagawa mo rito, Montero?" Pasikmat na tanong sa kaniya ni Tyron na halata ang disgusto sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.
Walong taon na mula ng ikasal ang dalawa pero nagseselos pa rin sa kanya si Tyron.
Bumaling siya sa kaibigan. "I need some advice from you."
Naguguluhang tumingin sa kanya si Tyron. "And since when did you ask advice from me?"
"Ngayon lang." Pumasok siya sa loob ng bahay kahit hindi naman siya inimbitahang pumasok. "I just need it."
Hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya si Tyron. "What happened, Montero?"
Malakas siyang napabuntong-hinga saka sinalubong ang hindi makapaniwalang tingin ng kaibigan. "Nahanap ko na siya, Zapanta. What now?"
LUGONG-LUGO na umuwi si Anniza sa bahay nila. Wala siya sa sarili at muntik pa siyang mabunggo habang nagmamaneho pauwi dahil sa samu't-saring laman ng isip niya.
Kung kahapon ang laman ng isip niya ay ang panloloko ni Paul sa kanya, ngayon naman ay ang nangyari sa kanila ni Dark 'the Greek' Montero. Habang patagal ng patagal, mas lumilinaw ang memorya niya sa nangyari kagabi at mas lalong hindi siya mapakali.
Nakakahiya ang ginawa niya! Her voluptuous body was in full show last night. Hindi man lang siya nahiya. At talagang sa harap pa ng isang mala-adonis ang kaguwapuhan na lalaki siya naghubad! Goodness!
Ipinarada niya ang sasakyan sa labas ng bahay nila at lumabas siya ng kotse. Napatigil siya sa paglalakad ng makita niya si Paul na nasa labas ng bahay nila.
Kaagad na bumalik ang sakit ang galit na naramdaman niya kahapon ng makita ang manloloko niyang ex-fiancé.
Naniningkit ang mata sa galit na nilapitan niya ang lalaki.
"Anong ginagawa mo ritong hayop ka?!" Tanong niya habang ang kamay niya ay pinagbabayo ang dibdib ng binata. "Hayop ka! Paano mo nagawa sakin 'yon! Kailan mo pa ako niloloko, ha?!"
Hinuli ni Paul ang mga kamay niya saka matiim siyang tinitigan. Noon ang titig na iyon ay nakapagpapahina ng tuhod niya at bumibilis ang tibok ng puso niya. Pero ngayon, pagka-disgusto ang nararamdaman niya at mukhang nakita nito iyon sa mga mata niya na sinalubong ng matalim ang titig nito.
"Let me explain, Any," sabi nito sa malambing na boses. "We could start over again. Hindi ka na makakahanap ng lalaking katulad ko na gwapo at mayaman. Ako lang ang papatol sayo kaya dapat mo akong tanggapin ulit. I mean, look at you. You're fat. Kahit anong gawin mo, hindi ka na papayat katulad ni Clare. Kapag hindi mo ako tinaggap muli, alam mong mapapahiya ang pamilya mo. Naipamigay na ang imbitasyon sa kasal natin. Siguradong malalaman ng mga bisita natin na iyang pagiging mataba mo ang dahilan kung bakit hindi tuloy ang kasal. Kasalanan mo naman lahat, e. Hindi ako magloloko kung nagpapayat ka lang."
Hindi siya makapaniwalang pinatulan niya ang isang kagaya nito na ganoon pala ang iniisip sa kanya. Akala pa naman niya noon na mahal sya nito. Kalokohan. Isa lang pala itong kasinungalingan at nagpapanggap lang ito. At talagang siya pa ang may kasalanan?
Mapait siyang napangiti. "Sa tingin mo tatanggapin ulit kita o kaya magmamakaawa ako na bumalik sayo pagkatapos ng nakita ko?" Ngumisi sya. "Oo nga at mataba ako pero hindi naman ako tanga. Magsama kayo ng malandi mong sekretarya. Isaksak mo sa baga mo iyang ka-sexy-han niya. At kung 'yong kasal ang inaalala mo, huwag kang mag-alala, ako mismo ang magsasabi sa kanila nang dahilan kung bakit hindi ko itinuloy ang kasal."
Hinablot niya ang kamay na hawak nito.
Tumawa si Paul na parang hindi ito naniniwala sa sinabi niya. "No. Hindi mo kayang gawin 'yon. Mahal mo ako kaya tatanggapin mo ako ulit. Twenty-eight ka na at malapit ka nang mamaalam sa kalendaryo. Wala nang papatol pa sayong lalaki kung hindi ako lang."
Biglang pumasok sa isip niya si Dark Montero. Ang lalaking pumatol sa kanya kagabi. Ang lalaking umangkin sa kanya at kumuha sa pagkababae niya na matagal ng hinihingi ni Paul. She was reluctant to give in into Paul's sexual demands. At tama lang pala ang ginawa niyang hindi pagpayag na magtalik silang dalawa. Manloloko pala ito. Hayop!
Umiling-iling siya. "Siguro nga walang papatol sa akin dahil sa size ko pero hindi ako magpapakatanga sayo. Hindi naman ako kikita ng isang milyon kung magtatanga-tangahan ako, e." Taas nuong tinitigan niya ang lalaki. "Oo nga at mataba ako pero hindi ako tanga. Gago!"
Malakas niya itong sinuntok sa mukha at mabilis siyang pumasok sa bahay niya at ini-locked ang pinto.
"Any! Any!" Sigaw ni Paul habang sinisipa ang naka-lock na pinto ng bahay nila.
"Umalis ka na, Paul!" Kinakabahang sabi niya mula sa loob. "Kapag hindi ka umalis, tatawag ako ng pulis."
"Luluhod ka rin sa harapan ko, Any," sabi ni Paul na may pagmamalaki at pagbabanta ang boses. "Hindi mo ako kayang kalimutan kasi mahal mo ako at baliw na baliw ka sakin. Ako lang ang lalaking magta-tiyaga sayo. Kapag nalaman ito ng mga magulang mo, ano nalang ang sasabihin nila? Babalik ka rin s'kin at sisiguraduhin kong maghihirap ka muna bago kita tanggapin ulit!"
Nang makarinig siya ng papalayong yabag, napadausdos siya ng upo sa sahig at niyakap ang sarili.
Iyon ba talaga ang tingin nito sa kanya? At ano ang sasabihin ng mga magulang niya? Magagalit kaya ang mga ito dahil ang lalaking pakakasalan niya ay niloko siya?
Ang totoo, hindi na niya alam ang gagawin.
Nasisiguro niyang ayaw na niyang balikan pa si Paul. Hindi siya tanga at martir. At ngayong nalaman niyang ganoon pala ang tingin nito sa kanya, hindi pa siya nasisiraan ng bait para balikan ang hinayupak na iyon.
Pilit siyang tumayo at nagtungo sa silid niya. Kailangan niyang maligo at magbihis. Kahit nananakit ang pagkababae niya at wala siya sa mood magtrabaho, kailangang pumasok siya sa restaurant.
GABI NA AT abala pa rin si Anniza sa pagsi-serve ng mga pagkain sa costumer ng restaurant nang may mahagip ang mga mata niya. Maraming tao ngayon sa restaurant nila pero hindi nakalampas sa mga mata niya ang gwapong lalaking kapapasok lang sa restaurant.
It was him!
Para siyang tinulos sa kinatatayuan ng makilalang si Dark Montero nga iyon. Mag-isa lang ito at mukhang dereksiyon niya ang tinatahak nito.
Oh my God! Magtatago ba siya? Makikilala ba siya nito?! Shit! Nakakahiya talaga! Oh, God... anong gagawin niya? Magtago kaya siya sa kusina?
Huli na para makapagtago siya sa kusina dahil nakalapit na ito sa kanya.
Dark's deep granite eyes captivated her chocolate ones. Hindi niya maibaba ang tingin niya. Parang may kakaiba sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya at nahihipnotismo siya.
"Table for two," anito.
Nang marinig niya ang baritono nitong boses, napakurap-kurap siya at bumalik sa kasalukuyan.
"A-Ano?" Nakakahiya!
Dark lips curved into a sexy smile. "I said, table for two."
Tiningnan niya ang likod nito na para bang may itinatago itong kasama.
"Ahm." Nagsalubong ang kilay niya. "May kasama ka?"
Tumango ang lalaki. "Oo. Busy pa siya. Susunod nalang 'yon."
See! Ang mga lalaking gwapo paniguradong may kasintahan iyon na pang FHM ang katawan. Kung ano man ang nangyari sa kanila kagabi, malamang ay hindi nito maalala 'yon. Sigurado lasing ito habang nagtatalik silang dalawa. Sino ba naman ang lalaking magkakagustong makipagtalik sa kanya na hindi lasing?
"Okay." Iminuwestra niya ang kamay patungo sa bakanteng mesa. "This way, sir."
Nang makaupo si Dark, hindi nito binasa ang menu. Umorder ito kaagad at mukhang memorize na nito ang nakasulat sa menu nila.
Suki ba ng restaurant namin ang lalaking 'to?
"I want a steak with gourmet onion mushroom gravy and then—" He frowned, as if thinking deeply. "Do you serve burger?"
Tumango siya. "Yes. We serve monster juicy burger and crunchy juicy and cheesy burger. This is an American restaurant after all."
Dark chuckled. So handsome.
"Sorry. I've been eating here but I haven't ordered a burger and I think I have a bad habit of not reading the menu before I order." He smiled making him more gorgeous than he already was. "So, ahm, one monster juicy burger and just water." He gave her a questioning look. "May ma-i-ri-recommend ka ba na masarap sa menu niyo?"
Kaaagad siyang tumango. "Yes. Bolognese Trevelle Pasta and Fettuccini with garlic bread." Isa iyon sa mga paborito niya. Kaya lang ilang buwan na rin siyang deprive sa pagkain dahil diet siya.
"Okay," ani Dark. "Isang order sa recommended menu mo at 'yong mga inorder ko. 'Yon lang." Nginitian na naman siya nito.
Nag-iwas siya ng tingin dahil ang puso niya ay hindi tumigil sa mabilis na pagtibok niyon. "Okay. Just a minute, sir."
Pumasok siya sa kusina at pinaluto ang order nitong pagkain.
Habang hinihintay na maluto ang pagkain na order nito, ang ibang costumer muna ang inasikaso niya.
Nasa kusina sana siya ngayon at nagluluto kung hindi nagkasakit ang isang waitress nila. May lagnat daw ito kaya siya na muna ang humalili para hindi naman masyadong mapagod ang ibang waitress. Saka may ibang chef naman sa loob ng kusina na mapagkakatiwalaan niya.
Habang inaasikaso ang ibang costumer, hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa gawi ni Dark. Relax na relax itong naka-upo at nakahilig sa likod ng upuan at sa tuwing nagagawi ang tingin niya sa lalaki, palagi siya nitong nahuhuling nakatingin at nginingitian siya nito.
Siguradong imahinasyon niya lang iyon. Why would a handsome man like Dark 'the Greek' Montero would smile at someone like her?
Ipinilig niya ang ulo at ibinigay nalang ang lahat ng atensiyon niya sa ginagawa.
Nang pumasok ulit si Anniza sa kusina, luto na ang order ni Dark kaya naman inilagay niya ang mga iyon sa tray at lumabas ng kusina.
Parang nanlalambot ang tuhod niya habang naglalakad palapit sa mesa na inuukupa ni Dark. Matiim kasi itong nakatitig sa kanya at hindi niya kaya ang titig nito. Her heart was palpitating for goodness's sake!
Binilisan niya ang paglapit dito at mabilis ang kilos niya na inilapag ang pagkain na order nito. "'Yong recommended menu ko, niluluto pa, ho. It will take a couple of minutes."
"Okay lang. Busy pa naman ang hinihintay ko," anito. "How about you? Hanggang kailan ka magiging busy?"
Nahihiwagaan siya sa tanong nito pero sinagot pa rin niya dahil nga naniniwala siya na customer was always right. "Hindi na naman masyadong marami ang kumakain. It's past dinner na rin kasi so baka ang order niyo na ang last na i-si-serve ko."
Tumango-tango ito. "Okay. Salamat sa pagsagot."
Nagtatakang pilit siyang ngumiti at iniwan ang lalaki. Pumasok siya sa kusina para kunin ang shoulder bag niya. Nagtungo siya sa employee's restroom para mag retouch.
Pagkatapos ng order ni Dark, aasikasuhin na niya ang sales nila ngayon araw tapos uuwi na siya para bukas bagong pakikibaka na naman.
Pagkalabas niya ng restroom, tamang-tama naman na tapos na ang recommended dish niya kay Dark. Inilagay niya iyon sa tray at dinala niya sa lalaki na hindi pa masyadong nagagalaw ang order nitong pagkain.
"Hindi niyo ho ba nagustuhan ang lasa?" Nangangambang tanong niya. Baka hindi maganda ang pagkakaluto ng order nito.
But, no, all their chefs were competent and skilled in their fields.
Para siyang nakahinga ng maluwang ng umiling si Dark. "May hinihintay lang ako."
Maybe his girlfriend.
Inilapag niya ang lamang pagkain ng tray. "Busy pa rin ba ang hinihintay niyo?" Hindi napigilan niyang tanong.
"I don't know." Nagkibit-balikat ito. "Are you busy?"
Nag-isang linya ang kilay niya. "Hindi na—"
"Good. Have a seat."
Naguguluhang tiningnan niya ang lalaki. "A-Ano?"
Ngumiti ulit si Dark. "Ikaw ang busy na hinihintay ko at kasasabi mo palang na hindi ka busy so," iminuwetra nito ang kamay sa katapat nitong upuan. "Have a seat."
"At bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Kasi pag-uusapan natin ang nangyari satin kagabi."
Halos lumuwa ang mata niya sa gulat at kaba.
Tumaas ang sulok ng labi ni Dark. "Akala mo nakalimutan ko, no?"
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top