EPILOGUE
EPILOGUE (EDITED)
One year later...
NANG pumutok ang panubigan ni Etheyl, halos mawalan ng malay si Calyx. Nanginginig ang kamay niya habang mabilis na nagmamaneho patungo sa main branch ng Romero's Hospital. Ang mga kaibigan niya ay nakabuntot lang sa sasakyan niya baka sakaling ma flat-tan siya, may sasagip sa kaniya.
"Calyx! Lalabas na!" Sigaw ni Etheyl. "Hayop ka! Ang sakit sakit! Bakit mo sa akin ginawa 'to?!"
Huminga siya ng malalim at pinilit ang sarili na hindi tumingin sa asawa niyang nasasaktan ng dahil sa kanya. Kung puwede lang niyang suntukin ang sarili, gagawin niya.
"Look at me, you moron!" Sigaw ni Etheyl. "Tingnan mo ang ginawa mo sakin!"
"Ayoko." Umiling-iling siya at nagmatigas na hindi balingan ang asawa niya.
This was his fucking fault! Fuck!
"Etheyl?" Mahinahon niyang tawag sa pangalan ng asawa niya.
"What?!"
"Masama ba akong asawa dahil binuntis kita at ngayon nahihirapan ka na?" Tanong niya.
Etheyl was quiet for a minute and then he heard her screamed again. "Kasalan mo 'to, Calyx! Ang sama mo! 'Yong kay Seth halos mawalan ako ng ulirat tapos ngayon nanaman! Calyx!"
Kasalanan niya talaga itong lahat! Fuck! Fuck! Fuck!
Gusto niyang halikan ang sasakyan ng mabilis silang nakarating sa Romero's Hospital. Lumabas siya ng sasakyan at umikot patungo sa passenger-side door. Binuksan niya ang pinto at pinangko ang asawa niyang namimilipit sa sakit.
"Oh, God. Fuck! Fuck!" He was cursing loudly.
"Shut up, Calyx!" Impit ang boses na sabi ni Etheyl. "Baka marinig 'yan ng anak natin!"
Hindi siya makapaniwalang tumitig sa mukha ng asawa. "Ikaw itong kanina pa ako tinatawag na hayop."
"Exemption ako kasi ako ang mag-i-ere kaya manahimik ka riyan!" Singhal nito sa kanya.
Napailing-iling nalang siya at kaagad na pumasok sa emergency room at ihiniga ang asawa sa stretcher na naroon.
"Anong nangyari?" Tanong ng isang lalaking doctor na lumapit sa kanila.
"Ang asawa ko kasi—"
"Aray!" Sigaw ni Etheyl habang hawak ang kamay niya, at ang isang kamay naman nito ay sapo ang sinapupunan. "Ang sakit! Manganganak na yata ako. Calyx!"
"Manganganak na ang asawa ko, doc," sabi niya. "Can you find a female ob-gyne doctor?"
"Okay, check ko lang siya cervix niya," anang Doctor.
Mula sa gilid ng mata niya, nakita niya ang lalaking doctor na naglalakad patungo sa paanan ni Etheyl. Nakahanda na ang daliri nito para-i-check ang cervix ng asawa niya. Ipapasok ang nito daliri sa loob ng pagkababae ng asawa niya!
Fuck! No!
Ibinuka ng lalaking doctor ang hita ni Etheyl at akmang ipapasok na ang daliri nito sa loob ng asawa niya. No!Biglang kinain ng selos ang buong pagkatao niya at nagdilim ang paningin niya sa nakita.
Ikinuyom niya ang kamao at malakas na sinuntok ang doctor sa mukha. Bumulagta ito sa sahig.
"Calyx! Ano ba ang ginagawa mo?!" Boses iyon ni Etheyl na nagpa-panic. "Itigil mo nga 'yan!"
Hindi siya roon tumigil. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang pagbukas nito sa hita ng asawa niya.
"Gago ka! Huwag mong hahawakan ang asawa ko!" Gait na sabi niya ang doctor na akmang babangon pero bumulagta rin ito sa sahig dahil sinuntok ulit niya sa ikalawang pagkakataon.
Madilim ang paningin niya kaya wala siyang pakialam sa hiyawan sa paligid niya. And then he felt strong hands stopping him and pulling him out from his dark intentions.
"Ano ba, Calyx! Tama na!" Anang boses ni Ymar.
"Stop it, you idiot!" Lander was strongly gripping his arms. "May balak ka bang patayin ang doctor na iyan?"
Calyx sneered at the doctor who was lying on the floor, nose and mouth bleeding. "Hinawakan niya ang asawa ko! Binuka niya ang hita at ipapasok niya ang daliri niya sa—"
"Idiot!" Krisz hissed at him. Kasama ito ni Train na dumating. Dinuro siya ng bagong dating. "You are a moron, Calyx. Talagang gagawin niya iyon kasi ob-gyne doctor siya."
Marahas siyang umiling. "No man is touching my wife in that part of her body but me." Etheyl was his! His! Walang ibang lalaki na puwedeng makakita sa bagay na palagi niyang sinasamba gabi-gabi. Only he was the one allowed to see it.
Pinandilatan ni Krisz ang mga nursing aide na nakatunganga lang sa kanila. "Tulungan niyo si Dr. Yongko na tumayo at gamutin niyo. Dali!" Pagkasabi niyon ay binalingan siya nito at sinuntok ang dibdib niya. "Ano ka ba naman, Calyx. Normal lang na gawin iyon ng doctor sa asawa mo. He is a fucking doctor!" Naiinis na hinilamos nito ang palad sa mukha. "Pareho lang kayong magkakaibigan!" Isa-isang tinuro sila nito maliban kay Ymar na wala pang asawa. "Palagi akong stress kapag nanganganak ang asawa niyo! At ikaw!" Pinanlakihan nito ng mata si Train na nakangiti. "Huwag kang ngingiti-ngiti riyan. Mas malala ka pa sa kanilang dalawa."
Train just rolled his eyes at his wife.
"Araaaayyy!" Sigaw ni Etheyl na ikinabaling nilang lahat sa asawa niya.
"Ganda?" Nag-aalalang sinapo niya ang mukha ng asawa. "Ayos ka lang ba?"
Mabilis ang kamay na sinampal siya ni Etheyl. "Gago! Malamang hindi! Lalabas na, e!"
Binalingan niya si Krisz. "Lalabas na raw. Gusto ko ang magpa-anak sa kanya ay babae. Kapag lalaki, I swear Krisz, mamamatayan ng doctor ang hospital na 'to."
Krisz groaned irritably. "This is what I'm talking about." Dinuro sila nito. "Bakit ba ang seseloso niyo at ang po-possessive niyo? Sakit niyo na talaga yan! At ikaw!" Dinuro nito ang dibdib niya. "Malala ka na!"
"Relax, Krisz," anang boses ng isang babae na lumapit sa kanila. "Tataas ang presyon mo."
Naka doctor's robe ang babae at nakapusod ang buhok nito. Wala itong make up at simpli lang ang ayos.
Natigilan siya ng makitang hinagod ng babae ng kakaibang tingin si Ymar. "Well, well, well, if it isn't Ymar Stroam."
Pinukol ng masamang tingin ni Ymar ang bagong dating na babae. "Huwag mo akong kausapin, puwede ba?"
Ngiting aso ang isinagot ng babae kay Ymar at naglakad patungo sa paanan ni Etheyl na kanina pa dinadaing na masakit na masakit na raw.
"I'm Dr. Czarina Salem," pagpapakilala ng babae habang binubuka ang hita ng asawa niya at ipinasok ang may guwantes nitong daliri sa loob ni Etheyl. "I'm an ob-gyn doctor and—" Tumingin ito sa kanya. "The baby is about to come out."
"You, you, you, you and you." Tinuro nito ang limang nurses na babae. "Dalhin niyo na sa delivery room si Mrs. Vargaz. Ako ang magpapa-anak sa kanya." Nauna na itong umalis at itinulak ng mga nurses ang stretcher na kinahihigaan ng asawa niya.
Calyx, Ymar, Lander, Train and Krisz trailed behind the stretcher. Nang makapasok si Etheyl sa delivery room, hanggang sa labas lang sila. Hindi sila pinapasok sa loob.
Tinadyakan niya ang pinto ng delivery room habang pinipigilan siya sa braso ni Ymar at Lander.
"Let me in! Damn it! That's my wife!"
Lander and Ymar strength were enough to hold him in place.
"Bitawan niyo ako," naiinis na sabi niya.
"Only if you promise not to kick the door," ani Lander na masama ang tingin sa kanya. "Sinuntok mo na nga 'yong doctor, maninira ka na naman ngayon ng pinto."
"She'll be fine," Ymar added. "Walang mangyayaring masama sa asawa mo."
Kumalma siya ng kaunti kaya binitiwan siya ng dalawa. Pero hindi siya mapakali. Pabalik-balik siya ng lakad habang nasa loob ang asawa niya sa delivery room.
"Tumigil ka nga sa kalalakad diyan, Calyx," saway sa kanya ni Krisz pero hindi siya nakinig. "Nakakahilo ka tingnan."
Tumigil siya sa paglalakad at napatitig sa pinto ng delivery room. Naroon ngayon sa silid ang asawa niya, nanganganak at namimilipit sa sakit. Parang may sariling isip ang paa niya na naglakad palapit sa delivery room. Pero bago pa siya makapasok, may malalakas na kamay na pumigil sa kanya.
"Bud, magiging okay lang si Etheyl mo," sabi ni Lander na humarang sa dinaraanan niya. "Trust me. Pinagdaanan ko na kay Vienna ang pinagdadaana mo ngayon."
Bumuga siya ng hangin. "I'm worried. Hindi ako makahinga ng maayos. Nanghihina ang tuhod ko at nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang pag-aalala na may halong takot at pangamba."
"Bago ka mag emo riyan, nadala mo na ba ang gamit ng baby mo?" Tanong ni Krisz. "Teka, ano ba ang gender ng anak mo?"
Humarap siya kay Krisz saka umiling at nagkibit-balikat. "I don't know. Etheyl won't tell me. Hindi niya ako pinapasama sa mga check-up niya. Surprise raw ang gender ng baby. At oo, ready na ang gamit. Nasa sasakyan ko."
"E, ano pa ang hinhintay mo! Kunin mo na!" Singhal sa kanya ni Krisz.
Hindi siya sumunod at nababahalang tumingin sa pinto ng delivery room.
Sunod-sunod na nag mura si Krisz. "Ay, ewan! Diyan na nga kayong nagkakaibigan! Mababaliw ako sa inyo!" Iniwan sila ni Krisz na kaagad din namang sinundan ni Train.
Si Ymar naman ay inagaw ang susi ng kotse niya na hawak-hawak pala niya at umalis. Ymar went to his car to get his baby's things.
Hinila siya ni Lander pa-upo sa sofa na nasa waiting area.
Sinapo niya ang nuo. "Kumusta na kaya si Etheyl sa loob?"
Lander blew a breath. "Trust me. You don't want to know. Dahil kapag nalaman mo, matatakot ka na talagang buntisin ulit ang asawa mo."
Napatingin siya sa kaibigan. "That bad?"
Tumango si Lander. "Kaya mabuti nang nasa labas tayo baka bigla ka nalang magwala sa loob kapag nakita mo ang asawa mong namimilipt sa sakit."
Lander would know that. Kapapanganak pa lang ng asawa nito dalawang buwan ang nakakaraan. Halos magkasabay lang naman silang ikinasal ni Lander. Kaya halos magkasabay din na nabuntis ang asawa nila. Nauna lang si Lander ng dalawang buwan. Levin, Lander's son, was now two months old.
Pero kahit sabihin niyang magiging okay lang si Etheyl, Natatakot pa rin siya. Natatakot siya na baka may mangyaring masama sa asawa niya.
Thirty minutes or so later, lumabas ang isang nurse. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib ng makitang nakangiti ito sa gawi nila.
"Sino sa inyo ang asawa ni Mrs. Vargaz?" Tanong ng nurse sa kanila.
Mabilis na itinaas niya ang kamay. "Ako. Bakit?"
"Kukunin ko po ang tatlong pranela, si," anang Nurse.
Naguguluhang tumingin siya sa nurse. Kahit ang mga kaibigan niya, naguluhan sa hinihingi ng nurse.
"Tatlo?" Gagad ni Ymar na kadarating lang dala ang gamit ng baby niya.
"Are you sure na tatlong pranela?" Tanong niya habang inilalabas mula sa bag na hawak ni Ymar ang tatlong dark blue na mga pranela na binili nila ni Etheyl sa Baby Planet.
"Opo, sir," sagot naman ng nurse sa siguradong boses. "Triplets na lalaki po kasi ang anak niyo."
Calyx froze and looked at the nurse, baffled and shock. "W-what?"
"Triplets ho ang anak niyo," ulit ng nurse.
Nang marinig niyang muli na triplets ang anak nila ni Etheyl, bigla nalang siyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.
BUMALIK ang malay ni Calyx pagkalipas ng ilang minuto. Nakahiga siya sa sofa na nasa waiting area at pinagtatawanan siya ng mga kaibigan.
"Damn, man." Nakangisi si Lander. "Pareho lang kayo ni Iuhence."
"That was epic, man," dagdag naman ni Ymar.
Calyx rolled his eyes. "Fuck off, you two."
Mabilis siyang bumangon ng makitang inilabas na si Etheyl sa delivery room pero wala itong malay. Ipinasok sa isang private room ang asawa niya at inilipat ito sa hospital bed.
Napatitig si Calyx sa mukha ng asawa na mukhang pagod na pagod sa kaka-ire. Pinahid niya ang pawis nito sa nuo gamit ang kamay niya.
"I love you, Etheyl," aniya sa natutulog niyang asawa at umupo sa gilid ng kama nito pagkatapos ay pinagsiklop niya ang kamay nilang dalawa. "Salamat sa pagbibigay sa akin ng triplets. Grabe. Wala naman sa lahi namin ang triplets, e." Tumingala siya at umusal ng pasasalamat sa diyos. "Salamat at mabuti ang lagay ng anak at asawa ko. Thank you, Lord."
Pumasok si Lander, Ymar, Train at Krisz sa loob ng silid. May ibinigay sa kanyang form so Krisz.
"Ano 'to?" Tanong niya ng tanggapin ang form.
"Form 'yan para sa pagkuha ng birth certificate. Fill it up," sagot ni Krisz.
Napatitig siya sa form at kay Etheyl. "Mamaya na kapag gising na ang asawa ko. Siya ang nahirapang manganak. Siya ang may karapatang mag pangalan sa anak namin."
"Okay. Sabi mo, e,"aAni Krisz na bumalik sa tabi ni Train.
Lander grinned at him. "Congratulations, my friend. Triplets."
Ymar chuckled. "Paano mo kaya papalakihin ang tatlong lalaking triplets. Baka sumabog na sa sakit ang ulo mo. Siguradong maghahasik ng lagim iyang mga anak mo."
Tinawanan lang niya ang sinabi ni Ymar bilang pag sang-ayon. Hindi na siya magugulat kung magkaka-totoo ang sinabi ni Ymar.
2 days later...
NATANGGAP na nila ang birth certificate at ngayon ay binabasa niya ang pangalan ng triplets niyang anak.
"Connor Vallega Vargaz," basa niya. "Caelan Vallega Vargaz. Corey Vallega Vargaz."
At mukhang narinig yata ng tatlo ang kaniya-kaniyang pangalan dahil nag-iyakan ang mga ito habang nakahiga sa hospital bed.
Mabilis niyang itinabi ang live birth at bumalik sa pagkakahiga ng patagilid sa kama. Etheyl was lying on the same position parallel to him. Pinagigitnaan nila ang triplets nilang anak.
"Salamat, ganda. Salamat sa pagbibigay sa akin ng mga anak," madamdaming sabi niya sa asawa na puno ang mga mata ng pagmamahal para sa kanya. "Mahal na mahal kita at pangako hindi na kita bubuntisin. Nakakabaliw."
Mahinang natawa si Etheyl. "Mahal din kita, Calyx. And no, hindi ako naniniwalang hindi mo na ako bubuntisin pa."
That made him laughed. Yeah. Medyo may duda rin siya sa pangakong binitawan.
Narinig niyang bumukas ang pinto at narinig niya ang boses ng panganay niyang anak.
"Daddy?" Boses iyon ni Seth.
Bumangon siya sa pagkakahiga at nilapitan ang anak niya pagkatapos ay binuhat ito. Then he looked at his triplets and wife. He felt complete. May apat siyang anak na lalaki. Mayroon siyang mapagmahal na asawa. Wala na siyang hahanapin pang iba.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top