CHAPTER 8
CHAPTER 8
NAIILANG na nag-iwas ng tingin si Etheyl sa matiim na titig sa kaniya ni Calyx habang tumitingin siya sa naggagandang bulaklak sa loob ng isang malaking green house. Ayaw niyang salubungin ang mga titig ni Calyx dahil kaagad na bumibilis ang tibok ng puso niya at ayaw niyang maramdaman 'yon.
Hindi iyon makabubuti sa kanya.
"Nakatanggap ka na ba ng bulaklak?" Biglang basag ni Calyx sa katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa.
Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Oo," sagot niya habang hinahawakan ang magagadang bulaklak sa paligid niya. "High school ako noon. Bigay ng boyfriend ko."
"Boyfriend?" May talim ang boses nito na ikinakunot ng nuo niya. "Hindi kaya ang bata mo pa para mag boyfriend? High school? Really?"
Natatawang binalingan niya ang binata. "Ano naman ngayong kung bata pa ako? High school palang ay may boyfriend na ako. Wala namang masama roon kasi alam ko naman ang tama sa mali at pinagbutihan ko naman ang pag-aaral ko. Vincent was my first boyfriend. Nag-break kami after college graduation."
"Oh." He sounded reliev. "Bakit kayo naghiwalay?" Tanong nito kapagkuwan.
Tumalikod siya kay Calyx bago sumagot para hindi nito makita ang lungkot sa mukha niya. "Kasi may nangyari tapos kasalanan ko. Kaya naghiwalay kami."
"Kung ganoon hindi ka niya mahal."
Nakakunot ang nuong hinarap niya ang binata. "At sino ka para sabihin sakin 'yon?"
"I'm Calyx Vargaz and I can say whatever I want because we have freedom of speech." Bumuntong-hinga ito saka namulsa at matiim siyang tinitigan. "At saka nasabi ko 'yon dahil kung talagang mahal ka niya, hindi ka niya iiwan kahit ano pa man ang mangyari." Nginitian siya nito kapagkuwan. "Anyways, what's your favorite food?" Pag-iiba nito ng usapan na ikinahinga siya ng maluwang. "Sabi nila, malalaman mo raw ang gusto ng isang babae sa pamamagitan ng pagkain na paborito niyang kainin."
Inungusan siya nito. "At saan mo naman nakuha 'yan?"
Ngumisi ito. "Kay Mr. Suave. Doon ko nalaman 'yon."
Mahina siyang natawa. "Inaasahan ko na sasabihin mong sa isang article mo 'yon nabasa pero kay Mr. Suave talaga?" Umiling-iling siya habang nakangiti pa rin. "Ewan ko sayo, Calyx. Hindi ka matinong kausap."
"Matino ako," depensa nito sa sarili habang nakapamulsa pa rin at nakatingin sa kanya.
"Akala ko ba hindi ka nagsisinungaling?" Usisa niya sa binata habang nakataas ang kilay niya. "Nagsinungaling ka palang ngayon, e."
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Matino akong kausap. Pero bilang isang lalaki? No. Hindi ako matino."
"Buti inamin mo." Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi ka naman kasi talaga matino."
Mahina itong tumawa. "Gwapo naman ako."
Napapantastikuhang napatitig siya rito. "Anong kinalaman no'n sa pinag-uusapan natin?" Nagtatakang tanong ni Etheyl habang nakatingin sa binata.
"Because it's a fact," ani Calyx saka kinindatan siya na ikinabilis ng tibok ng puso niya.
Nag-iwas siya ng tingin saka ibinaling ang mga mata sa ibat-ibang klase ng rosas na nasa kanang bahagi ng green house. "Ang gaganda naman ng mga 'yon."
"Yeah. Agreed."
Bumaling siya sa binata. Parang tumalon ang puso niya ng mahuli itong titig na titig sa kaniya.
Mas bumilis pa lalo ang tibok ng puso niya ng maglakad ang binata palapit sa kaniya kapagkuwan ay tumigil lang ito ng ilang dangkal nalang ang layo ng mga katawan nila.
Etheyl felt the heat of his body and it automatically affected her rationale thoughts again. This is not good! Damn it!
"Calyx..."
Umangat ang kamay nito saka hinaplos ang pisngi niya habang matiim pa rin ang titig sa kaniya. "You're really beautiful, Etheyl," pabulong nitong sabi habang paunti-unting lumalapit ang mukha sa mukha niya. "The most beautiful woman that I have ever seen."
Parang nagkabuhol-buhol ang paghinga ni Etheyl ng maramdamang humaplos ang mga labi nito sa mga labi niya. Oh, God...
"Calyx..."
"Can I kiss you?" He asked in a whisper.
Napalunok siya. "N-no?"
Tumaas ang sulok ng labi nito. "I'll take that as a yes."
Nahigit niya ang hininga ng sakupin nito ang mga labi niya at ipinasok ang dila sa loob ng bibig niya.
Mahina siyang napadaing ng mas diniinan pa nito ang paghalik sa kaniya at mas naging mapusok ang bawat paggagad ng labi nito sa labi niya. Para namang may sariling isip ang mga braso niya na pumulupot 'yon sa leeg ng binata at tinugon ang mapusok nitong halik.
Parehas silang napadaing na dalawa sa ginawa niyang pagtugon sa halik nito. Mariin siyang napapikit ng mag-espadahan ang mga labi nilang dalawa at napapadaing siya sa masarap na sensasyong nararamdaman.
Parang nakuryente ang balat ni Etheyl ng maramdaman niyang lumapat ang kamay ni Calyx sa mga hita niya saka dahan-dahan iyong gumapang ng pataas, tinatahak niyon ang daan patungo sa kaselanan niya. Pero bago pa makarating ang kamay nito sa destinasyon, nakarinig siya ng malakas na tikhim dahilan para mabiliw na bumitaw siya kay Calyx at namumula ang pisnging nagbaba siya ng tingin sa lupa.
Nakakahiya! Her cheeks burnt even more when Calyx spoke.
"Sorry. Can't help ourselves."
"I apologize for the disturbance, Mr. Vargaz," anang boses ng isang lalaki na medyo may katandaan na. "Pumunta lang po ako rito para sabihing nakahanda na ang lahat."
"And my requests?" Calyx asked.
"All were approved and granted," sagot ng lalaki.
"Thank you."
"You're very much welcome, sir."
Nang maramdaman niyang wala na ang lalaki, kaagad siyang nagtaas ng tingin saka nakakunot ang nuong tumingin kay Calyx. "Ano 'yon?"
"Nothing much." Lumapit ito sa kaniya saka inabot ang kamay niya at pinagsiklop ang kamay nilang dalawa. "Let's go?"
"Saan?" Naguguluhang tanong niya. "Hindi ko pa nakikita yong may orchids sa kabila. Nandito nalang din naman tayo, puntahan na natin."
"Later."
Kunot ang nuong nagpatianod siya kay Calyx ng igiya siya nito palabas ng greenhouse at naglakad sila sa isang maliit na pathway na napapalibutan ng kulandong na gawa sa pinaghalong bulalak at dahon.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya ng makalabas sila sa pathway at tinahak na naman nila ang daan patungo sa isa pang pathway na may nakakulandong na mga bulaklak at dahon.
"It's a surprise," ani Calyx saka hinawi nito makapal at maraming mahahabang kulandong ng dahon at bulaklak saka iginiya siya papasok sa loob.
All Etheyl could do was gape at the sight inside the thick canopy of leaves and flowers.
Hugis pabilog ang loob niyon at napapalibutan iyon ng magagandang orchid na mas lalong gumanda sa paningin niya dahil sa mga maliit na ilaw na nakapalibot sa puno ng orchid na nagbibigay liwanag sa buong paligid. At sa gitna niyon ay may nakalatag na picnic blanket at dalawang picnic basket na sumisilip pa ang champagne mula sa loob.
"Is this—" Ang naguguluhan niyang mga mata ay tumuon kay Calyx na nakatingin lang sa kanya. "A-anong... a-ano ba ang..." Hindi siya makapagsalita ng deretso dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.
A sexy irresistible smile stretched on Calyx's lips. "This is for you." Iminuwestra nito ang kamay sa picnic blanket. "Our date."
Umawang ang labi niya, "Akala ko yong... yong sa greenhouse...'yon na 'yon."
Nginitian lang siya ni Calyx saka nauna na itong umupo sa picnic blanket saka tinapik nito ang space sa tabi nito habang nakatingala sa kaniya. "Come here. Sit." Calyx tapped the space beside him again when she didn't move. "Upo ka na rito. Pinahanda ko 'to para sa'yo kaya upo na."
Dahan-dahan siyang umupo habang nakatanga pa rin sa binata. Akala niya sa restaurant sila kakain pero nagpahanda ito ng picnic para sa kanila. Para sa kanya? She could feel her heart melting.
Nakamasid lang siya kay Calyx ng buksan nito ang isang basket at kumuha roon ng dalawang pinggan, dalawang set ng utensil, dalawang bote ng mineral water, dalawang baso saka inilabas na din nito ang Champagne. And then he opened the other basket. Puno naman iyon ng pagkain.
"Pinaghanda mo talaga 'tong date natin?" Tanong niya.
Naglagay ng pagkain si Calyx sa pinggan saka binigay sa kanya iyon. "Oo naman. Sa tingin mo basta-basta kitang dadalhin sa isang date na hindi ako handa? No freaking way, beautiful."
Ang gulat na naramdaman niya ay napalitan ng kilig at kasiyahan. It's nice to be treated like this. Simula nang ipinanganak niya si Seth, wala nang trumato sa kanya ng ganito. Kapag nalalaman ng mga kalalakihan na nakaka-date niya na may anak na siya, mas mabilis pa sa alas-kuwatro na kumakaripas ang mga ito ng takbo palayo sa kanya o kaya naman iba ang gusto sa kanya kaya nananatili sa tabi niya.
And then Cole Paller came. Akala niya iba ito sa lahat ng lalaki na nakilala niya. He made her feel loved and bonded with Seth like what father does to his son. Hinayaan niya na mahulog ang loob niya rito pero nalaman niyang sex lang pala ang habol nito sa kanya. Mas masakit ang nangyari kasi kahit papaano ay naging mahalaga ito sa kaniya. Sex naman talaga palagi ang habol ng mga kalalakihan sa mga single parent na katulad niya.
Akala siguro basta-basta siyang makikipag-sex dahil may anak na siya. No way! Gusto niyang ipagmalaki siya ng anak niya. Pero nabali ang paniniwala niyang iyon ng dahil sa binatang kaharap ngayon.
Calyx Vargaz. Sa lahat ng lalaki na naka-date niya, kay Calyx lang siya nakipagtalik. Hindi niya alam kung sex lang ang habol nito sa kanya. They already had sex. Ano pa ba ang kailangan nito sa kanya? Para sa kanya ay wala na siyang maibibigay pa rito.
"Ang layo ng tingin mo," pukaw ni Calyx sa kanya.
Napakurap-kurap siya. "May naisip lang ako." Wala sa sariling ini-awang niya ang mga labi ng i-umang nito ang kutsara na may lamang kanin at ulam sa bibig niya. "Thanks."
"Welcome." Nginitian siya nito at kumuha ulit ng pagkain at isinubo naman iyon na sarili nitong bibig. "Ang sarap talaga magluto ni Melody."
Nagsalubong ang kilay niya ng marinig ang pambabaeng pangalan na 'yon. Hindi niya napaghandaan ang selos na naramdaman kaya naman nagulat siya ng maramdaman ang berdeng halimaw na iyon na namahay sa puso niya ng marinig ang pangalang Melody.
"Sino siya?" Mataray niyang tanong.
Nagpapasalamat siya na hindi napansin ni Calyx ang matalim niyang boses.
"Melody Cortez. She's my cousin. Magaling siyang magluto." He chuckled liked he remembered something. Halata sa mukha nito na close ito sa pinsan nito. "Kumakain iyon ng death threat sa umaga. Sila tita Mikee na kapatid ng mommy ko na mommy ni Melody, palaging nag-aalala. Well, Melody is a criminal lawyer. Hindi maiiwasang makatanggap siya ng death threats."
Parang gumaan bigla ang pakiramdam niya knowing na pinsan naman pala nito ang Melody na 'yon.
"Ah." Tumango-tango siya. "Mabuti pinagluto ka. Hindi ba siya busy sa trabaho?"
"We're tight," anito na may munting ngiti sa mga labi. "Nang malaman niyang para sa date ko 'to, pinagluto kaagad niya ako."
Nagsalubong ang kilay niya. "So, palaging siya ang nagluluto kapag may picnic date ka?"
Umiling ito. "I don't do dates, Etheyl." Parang hindi ito diretsong makatingin sa kanya. "I don't date my women. I'm an asshole kind of guy."
I know. Gusto niya iyong sabihin kay Calyx pero pinigilan niya ang sarili. Alam niya kung anong klase itong lalaki. Beth had all the magazines he was featured in kaya alam niya kung gaano na karami ang mga babaeng pinaiyak nito.
Nahiga siya sa picnic blanket at tumingin sa kalangitan na puno ng nagkikislapang mga bituin. "Ayoko sa mga katulad mong lalaki," aniya at nakita niya mula sa gilid ng mga mata na bumaling sa kanya ang binata.
"Bakit?"
"Kasi nananakit kayo."
"Alam lahat ng mga babaeng na-involve sa akin na ayoko sa commitment. They're okay with it they say."
Mapait siyang ngumiti. Iyon din kaya ang iniisip ng lalaking nakabuntis sa kanya nuong gabing may nangyari sa kanilang dalawa? "Kahit ano pa ang sabihin at idahilan mo, nanakit ka pa rin. Hindi mo ba naisip kung ano ang mararamdaman ng mga babaeng sinaktan mo at hindi mo man lang sila pinahalagahan? Did you even thank them for pleasuring you?"
Natahimik si Calyx.
Huminga siya ng malalim at tumingin kay Calyx na nahuli niyang malayo ang tingin.
"Calyx?" Pukaw niya sa binata.
Calyx slowly looked at her direction. "Yes?"
Bigla siyang nawalan ng gana. "I-uwi mo na ako."
Nanlaki ang mga mata nito. "No," pigil nito sa desisyon niya. "Mamaya na. Hindi pa nga nangyayaring ang pinunta natin rito."
That made her frown. "Bakit mo nga ba ako dinala rito sa flower farm nito. Maliban sa paborito mo itong puntahan ng bata ka pa." Nang hindi ito nagsalita, tumalim ang mga mata niya. "Kapag hindi mo sinabi sa akin—"
Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng may mahagip na liwanag ang mga mata niya. Kaagad na tumuon doon ang tingin niya at dahan-dahang umawang ang mga labi niya ng makita ang maraming paper lantern na may iba-ibang hugis at kulay ng bulaklak at lumulutang iyon pataas.
So beautiful...
"I brought you here for this," anang boses ni Calyx. "Nuong bata ako, palagi akong isinasama ni Mommy rito at palagi silang nagpapalipad ng mga paper lantern na hugis bulaklak."
Nawala ang pait na nararamdaman niya kani-kanina lang. Nabalot ng kakaibang damdamin ang puso niya para kay Calyx. This man really knew how to melt a woman's defenses and hers just half-melted. This picnic and floating flower paper lantern? Damn. Hindi tumigil ang mabilis na pagtibok ng puso niya mula pa kanina.
Naramdaman niyang nahiga si Calyx sa tabi niya at pinagsiklop ang kamay nilang dalawa.
"Sana nagustuhan mo," bulong nito. "Happy first date, Etheyl."
Hindi niya napigilan ang mapangiti. "May happy first date pala?"
Calyx chuckled. "Wala. Gawa-gawa ko lang 'yon. Pampadagdag pogi points."
Natawa siya sa sinabi nito. "Additional one point then." She looked at Calyx and saw him staring at her. "What?"
Umiling ito. "Nothing. I just want to say thank you."
"Thank you saan?"
"Salamat at nakipag-date ka sa'kin, kahit pa nga pinilit lang kita. Sana nag-enjoy ka na kasama ako."
Na-touched siya sa pagpapasalamat nito. "Hindi ko sasabihing you're welcome kasi nag-enjoy din naman ako na kasama ka. So, thank you, too."
Tumagilid ng pagkakahiga si Calyx at dumukwang ito palapit sa kanya para gawaran siya ng halik sa mga labi. She should had pulled away. Pero hindi niya magawa. Kahit pa nga sinasabi ng isip niya na hindi puwede, iba naman ang dinidikta ng katawan niya.
Nang maghiwalay ang mga labi niya, walang namutawing salita sa mga labi nila. They just looked into and smile at each other.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top