CHAPTER 7
CHAPTER 7
ABALA si Etheyl sa paghahanda ng daldalhin niyang tanghalian ni Seth ng makarinig ng katok mula sa pinto ng apartment niya. Kaagad na nagsalubong ang kilay niya. Wala naman siyang inaasahang bisitang darating. At kung isa iyon sa myembro ng pamilya niya, tiyak na magti-text ang mga 'yon sa kaniya bago pumunta. At nasisiguro niyang hindi si Beth 'yon dahil kakatext palang nito na nasa studio ito at naglilinis daw.
Balak niyang hindi pansinin ang kumakatok pero mapilit talaga kung sino man 'yon kaya naghugas siya ng kamay saka tinuyo iyon gamit ang laylayan ng apron na suot niya saka naglakad siya patungo sa pinto at padaskol na binuksan 'yon.
"Ano ba ang kailangan—" Parang nalunok ni Etheyl ang dila at namilog ang mata niya ng makilala kung sino ang nasa labas ng pinto. "C-Calyx?" Her eyes nearly came out from its sockets. "Anong ginawa mo rito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira? Ano ba ang kailangan mo?" Sunod-sunod nitong tanong.
Sumilip ito sa loob ng apartment niya kapagkuwan ay tumingin sa kanya. "Mag-isa ka lang ba?"
Mabilis siyang tumango. "Oo, kaya umalis ka na."
"I can't," anito saka bumaba ang tingin sa mga labi niya. "May kailangan ako sayo."
"Ano naman? Naibalik ko na sayo yong pera mo kung yan ang dahilan kung bakit nandito ka." Pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng dibdib saka tinaasan ito ng kilay para itago ang kabang nararamdaman. "Ano ba ang ginagawa mo rito at paano mo nalaman na dito ako nakatira?"
Hindi ito makapaniwalang napatitig sa kanya. "Hindi mo talaga ako papapasukin?"
Umiling siya. Baka kung ano pa ang mangyari kung papapasukin niya ito. "Hindi."
Tumiim ang titig nito sa kaniya. "Why not?"
"Because!"
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Afraid of me, beautiful?"
Nagtapang-tapangan siya. "N-No."
Inisang hakbang nito ang pagitan nila saka inilapit nito ang mukha sa mukha niya.
Nahigit ni Etheyl ang hininga ng makitang ilang dangkal nalang ang layo ng mga labi nila ni Calyx. Naamoy niya ang mabango nitong hininga at pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya.
"Calyx," she whispered his name as her eyes dropped to his sexy lips.
Umangat ang kamay nito para haplusin ang pisngi niya habang matiim itong nakatitig sa mga mata niya. "Are you afraid of me, Etheyl?"
Umiling siya. "H-Hindi." Nagtatapang-tapangan lang siya.
"Is that so?" His lips were getting closer to hers.
She felt her lips tingled in anticipation. "Y-Yes."
He softly gripped her chin then he brushed his lips against hers, making her whimper quietly. Hindi napigilan ni Etheyl ang mga matang mapapikit ng tuluyan na nitong angkinin ang mga labi niya. Hindi rin niya napigilan ang ungol na kumawala sa mga labi niya ng ipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya.
She felt a thousand bolt of electricity shoot down to her belly. It made her whimper.
Parang may sariling isip ang mga brasong yumakap iyon sa leeg ng binata ng maramdaman niya ang mga braso nitong yumakap sa beywang niya saka hinapit siya palapit rito.
Nawala na siya sa tamang huwisyo. Nadarang na siya sa masarap nitong mga labi at halik. Lumaban siya rito ng halikan. Nag-espadahan ang mga dila nila at sumisipsip iyon. Mas naging mapusok ang halikan nila ng binata ng isandal siya nito sa gilid ng pinto ng apartment niya habang ang kamay nito ay gumagapang pababa sa pang-upo niya.
Etheyl bit Calyx's lips when his other hand caressed her inside thigh. Pleasure shot through her. She was losing her mind again, letting her body took over. Pero bago siya tuluyang madarang sa init na nararamdaman ng katawan niya, nakarinig siya ng papalapit na yabag.
Natauhan siya sa kagagahang ginawa saka mabilis na tinulak palayo sa kanya si Calyx. "Leave," habol ang hiningang sabi niya.
"I don't think so," ani Calyx saka akmang hahalikan siya ng umalis siya sa pagkakasandal sa gilid ng pinto saka umatras siya.
"Ano ba ang kailangan mo sakin?" Tanong niya habang panay ang atras dahil panay naman ang hakbang nito palapit sa kaniya. "Just leave, Calyx." She couldn't lose her mind again over a hot kiss. "Please... Umalis ka na."
Umiling nito. "No."
"Calyx—"
"'I came here to ask you on a date and I'm not leaving without a positive response."
Natulos siya sa kinatatayuan saka hindi makapaniwalang napatitig sa binata habang nakaawang ang mga labi. "Pakiulit ng sinabi mo?"
Tumingin ito sa mga mata niya. Wala siyang mabasang biro do'n. "Date ta'yo."
Ang kabang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ay nauwi sa mahinang pagtawa.
Gumuhit ang iritasyon sa mukha ni Calyx. "Bakit ka tumatawa?"
"Kasi nakakatawa ang sinabi mo," ani Etheyl na tumatawa pa rin. "You really want to date me? Oh, please, Calyx."
"I'm not joking, Etheyl." He looked so serious. Dead serious.
Napatigil siya sa pagtawag saka tumingin sa binata. "No. Nagbibiro ka lang."
Umiling si Calyx. "Hindi. Hindi ako nagbibiro. I'm serious."
"Bakit mo naman ako aayaing makipag-date?" Mapait siyang ngumiti. "So, you could have sex with me? Calyx naman, be honest. Huwag mo akong pinaglololoko."
Nawala ang emosyon sa mukha ng binata. "Iyon ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit kita inaaya ng date? Etheyl, kung gusto kitang maka-sex, kanina ka pa nakahubad at umuungol sa sobrang sarap habang paulit-ulit kitang inaangkin."
Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito saka mabilis na nag-iwas ng tingin. "Ayokong makipag-date sayo."
He looked pissed. "And why is that?"
"Kasi ayoko." Naging mailap ang mga mata niya, ayaw niyang mabasa nito ang laman niyon. "Kailangan bang may rason ako para tanggihan ka?"
"Oo. Kailangan bigyan mo ako ng isang valid reason kung bakit ayaw mong makipag-date sa'kin. Am I not good enough for you? Don't you find me attractive? Mabaho ba ako? Tell me." Halata ang frustrasyon sa boses nito. "Sabihin mo sakin ang dahilan para alam ko kung anong babaguhin ko para lang makipag-date ka sa akin—"
"Hindi ko sinabing magbago ka. Geez, Calyx!" Pagalit na sansala niya sa pagsasalita ng binata. "Ayoko kasi ayoko. Period!" Nang magsalita ulit siya, malumanay na ang boses niya. "Please, huwag ka nang babalik dito." It's not healthy for me to feel like this towards you.
"One date," ani Calyx habang matiim na nakatitig sa kaniya. "Kapag hindi mo nagustuhan ang date natin, your free to leave. Isang date lang, Etheyl."
"Calyx..."
"Kapag hindi ka makipag-date sa akin ngayon, I'll just keep on coming back," pananakot nito. "Hindi ako titigil hangga't hindi ka nakikipag-date sa'kin."
Etheyl could see determination in Calyx's eyes. In that moment, Etheyl knew that she has to say yes. Hindi talaga siya nito titigilan hanggat hindi siya pumapayag.
Napabuntong-hinga siya saka bagsak ang balikat na sumagot. "Fine. One date. And then you'll leave me alone."
A sexy smile appeared on Calyx lips. "One date."
Tumango siya. "One date—"
In a blink of an eye, his lips are on hers, kissing her fervently.
Napapikit nalang muli si Etheyl ng kusang umawang ang mga labi niya para tanggapin ang halik ng binata. Nang pakawalan nito ang mga labi niya, naroon pa rin ang ngiti nito sa mga labi.
"Aalis na ako baka magbago pa ang isip mo," ani Calyx, "I'll pick you up at five P.M. sharp." He kissed her lips again before hurriedly leaving her apartment.
Napatitig naman si Etheyl sa papalayong likod ng binata. Wala sa sariling pinaglandas niya ang daliri sa nakaawang niyang mga labi.
Akala niya hindi na ito magpapakita pa sa kanya kasi isang linggo na niya itong hindi nakikita. She actually missed him. Good God!
He kissed her. And she enjoyed it. Kahit anong kaaayaw niya at kakalaban niya, palaging nananaig ang katawan niya kapag malapit lang si Calyx. But she couldn't bear another heartache. Pinagdarasal niya na sana hindi niya magustuhan ang date nila ni Calyx para may dahilan siyang iwasan at kalimutan ito ng tuluyan.
Kinuha niya ang cellphone sa kuwarto niya saka tinawagan si Beth.
"Hey, girl." Matinis ang boses na bungad sa kanya ni Beth ng sagutin nito ang tawag. "Patapos na ako sa paglilinis. May kailangan ka?"
"Ahm," nag-aalangan siyang sabihin ang kailangan niya rito pero wala siyang ibang pagpipilian. She needed someone she could trust. "Puwede bang bantayan mo mamaya si Seth?"
"Ha? Bakit? May pupuntahan kang kleyente?"
"Wala. May lakad lang ako."
"At ano naman itong lakad mo?" Usisa ng nasa kabilang linya.
"Hindi ko puwedeng sabihin." Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "So, puwede ka ba mamaya? Wala kasi si Ate Edna. Nasa beach kasama ang pamilya niya. Wala akong mapag-iiwanan kay Seth."
Napabuntong-hininga ang kaibigan. "I can babysit Seth for you. Pero kailangan mo munang sabihin kong saan ka pupunta."
Itinrik niya sa inis ang mga mata. Mukhang wala siyang ibang choice. "Fine. I'm going on a date with Calyx Vargaz." Biglang tumili si Beth sa kabilang linya dahilan para sumakit ang tainga niya. "Beth! Ano ba?! Stop shrieking! Geez!"
Nauwi sa tawa ang tili ni Beth. "Kinikilig ako para sa'yo, Etheyl. Oh my God. Calyx Vargaz, one of the most sought-after bachelors in the country and even in Asia! Oh my god! Kinikilig ako! Oh! My! God!"
Nagpakawala siya ng mahabang buntong-hininga. "Tapos ka na magtitili?"
"Yes!" Beth exclaimed. "Papunta na ako riyan. Oh my God! Hindi pa rin ako makapaniwala. Bye! Wait for me!"
Napailing-iling nalang si Etheyl ng mawala ito sa kabilang linya. Mukhang mas excited pa yata ito kesa sa kanya, e.
And true to Beth's words, sampung minuto lang ang lumipas, nasa apartment na niya ito at napakalapad ng ngiti nito sa mga labi.
"Oh my God, Etheyl. Hindi pa rin ako maka-move on sa sinabi mo sa telepono," anito habang tinutulungan siyang maghanda para sa pananghalian na dadalhin niya kay Seth. "The Calyx Vargaz asked you on a date. Woah!"
Nginitian niya lang ito na parang hindi siya interesado sa sinasabi nito at ipinagpatuloy ang pagluluto.
"Basta tatandaan mo, kung dadalhin ka niya sa bar, huwag kang papaya," paalala ni Beth. "The last time you went to a bar, you got drunk and you got knocked up."
Etheyl's lips thinned, a bit annoyed. "Beth, hindi na ako ang twenty-years old na Etheyl na nagpakalasing sa isang bar at nagising kinaumagahan sa kuwarto ng isang estranghero na hindi ko man lang nakilala kasi kumaripas ako ng takbo sa sobrang takot na harapin ang katutuhanan na ibinigay ko ang pagkababae ko sa lalaking hindi ko kilala."
Napatungo si Beth. "I'm sorry." Puno ng pagsisisi ang boses nito. "Hindi ko lang talaga napigilan ang bibig ko. Pasensiya na. Nag-aalala lang ako sayo at the same time ay masaya na rin." Tiningnan siya nito. "Hindi mo ba talaga naalala ang nangyari sa gabing 'yon?"
Ilang ulit na ba siyang tinanong ni Beth kung naaalala niya. Maybe, a hundred times.
Umiling siya at mapait na ngumiti. "Kahit anong pilit ko, hindi ko maalala. I was so drunk that night. Ang tanging naalala ko lang ay ang itsura ng silid na namulatan ko kinaumagahan. I can't erase that room in my mind. I can picture the whole room in my head na para bang kahapon lang nangyari ang lahat."
Niyakap siya ni Beth at hinagod ang likod. "That was six years ago, Etheyl. Kalimutan mo na 'yon, okay? Ang isipin mo nalang, makaka-date mo si Calyx Vargaz. Have fun on your date, okay?"
Tumango siya at kumawala sa pagakayakap dito. "Thank you, Beth."
"Don't mention it. I'm your best friend, remember?" Nginitian siya nito ng malapad. "Smile and enjoy life."
She nodded and continued cooking.
NANG SUMAPIT ang oras kung kailan siya susunduin ni Calyx, kaagad na lumabas si Etheyl sa apartment niya para sa labas nalang hintayin ang binata. Ayaw niyang pumasok ito sa apartment niya kasi nandoon na si Seth.
Nang pumarada isang magarang kotse sa harapan niya, alam niyang si Calyx 'yon.
And she was right.
A very handsome Calyx stepped out from the car He looked at her and smiled. "Excited?"
Ngiting aso lang ang tugon niya rito sana nauna nang sumakay sa passenger seat ng sasakyan nito. Naiiling na pumalibot si Calyx patungo sa driver's seat at pinausad ang sasakyan.
Pareho silang walang imik habang nagmamaneho si Calyx sa kung saan man siya nito dadalhin. Pareho silang may malalim na iniisip hanggang sa iparada nito ang sasakyan sa labas ng isang flower farm. Nakakunot ang nuong napatitig siya sa entrance ng farm.
"Flower farm? Really?" Aniya. "Tingnan mo nga ang suot ko. I'm wearing a dress. E, di sana nag jeans ako," reklamo niya kasi akala niya ay sa isang restaurant siya nito dadalhin tulad ng mga iba niyang naka-date.
"And you're very beautiful in tha dress." Nginitian siya nito saka napatingin sa entrance ng farm. "I used to come here when I was a kid. Espesyal sa akin ang lugar na 'to."
So why bring her? Kasi espesyal siya rito?
Palihim na tinawanan ni Etheyl ang sariling imahenasyon. That would never happen. Ever. He was Calyx Vargaz, and she was just Etheyl Vallega.
Sa isiping 'yon, binuksan niya ang pinto ng kotse nito saka lumabas. Kaagad namang sumunod si Calyx sa kanya saka magkatabi silang naglakad patungo sa entrance ng flower farm.
"Ang ganda mo ngayon," pabulong na sabi ni Calyx sa kaniya.
Hindi niya napigilan ang mapangiti saka tiningnan ito mula ulo hanggang paa. "You're not so bad yourself," sagot nito.
Ngumisi ito. "I know, right?" May pagmamalaki nitong sabi. "Ang gwapo ko talaga. My mother always told me that I am a handsome man."
Inirapan niya si Calyx. "Hindi mo ba naisip na baka nagsisinungaling lang ang ina mo?"
"Nah." Pinagbuksan sila ng guard ng gate saka sabay silang pumasok ni Calyx. "Hindi nagsisinungaling ang mommy ko. You see, my rule kami sa bahay noon na bawal magsinungaling. At nadala ko 'yon hanggang ngayon."
Kinunotan niya ito ng nuo. "Totoo? Hindi ka nagsisinungaling?"
"I lie in terms of business pero sa personal kong buhay o sa mga kaibigan ko at sa mga taong nakapaligid sa akin, hindi ako nagsisinungaling." Ngumiti ito na parang may naaalala. "Kapag nagsinungaling ako noon at nalaman ni mommy, pipingutin niya ako at wala akong baon sa loob ng isang lingo. Trust me, nakakabaliw ang walang baon. Lalo na kapag sa isang private school ka nag-aaral at mayayaman ang mga classmates mo. Kaya naman naging habit ko na na hindi magsinungaling kasi ako rin naman ang napaparusahan. And I agree with my mom. Ang taong hindi sinungaling, walang problema."
Habang nagkukuwento si Calyx, may paghanga siyang naramdaman dito habang titig na titig naman siya sa mukha nito at matiim na nakikinig rito. At mukhang napansin nito ang pagtitig niya rito dahil nagsalubong ang kilay nito.
"What?" Calyx asked.
"Wala naman." Nag-iwas siya ng tingin. "I just didn't think that you would share your childhood with me."
Ngumiti ang binata. "Hindi ako pala-kuwento sa mga taong walang halaga sa'kin."
Her heart hammered inside her chest. Darn! Dahil sa mga lumalabas na salita sa bibig ni Calyx, parang nakikipag-running marathon ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok niyon.
Tumikhim siya para pakalmahin ang sarili. "So, nasaan ang mga bulaklak dito?" Pag-iiba niya ng usapan.
Inabot ni Calyx ang kamay niya saka pinagsiklop ang kamay nilang dalawa.
"Shall we start our date?" Tanong ni Calyx habang nangiting nakatingin sa kaniya.
Tumango siya. "Sige. Let's start."
Napakunot nuo siya ng hindi naman ito gumalaw sa kinatatayuan. "Oh, bakit hindi ka pa gumalaw diyan?" Usisa niya sa binata. "Halika na. Umpisahan na natin 'to kaagad."
Parang tumigil ang paghinga siya ng bigla nalang itong dumukwang at sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya kapagkuwan ay pinakawalan din nito ang mga labi niya saka kinindatan siya. "Okay. Puwede na taong magsimula."
Napailing-iling siya pero ang totoo, sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Sa sobrang lakas ng pakiramdam niya ay parang magigiba ang dibdib niya.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top