CHAPTER 6

CHAPTER 6

MASAKIT ang ulo ni Calyx nang magising siya dahil sa pag-inom niya ng nagdaang gabi na nauwi sa pagkalasing. Nagulat siya ng makitang nakahiga siya sa sariling kama sa penthouse niya. Ang huli niyang naaalala ay nakasakay siya sa kotse ni Lander mula sa cruise ship ni Cali dahil doon sila nag-inuman.

Baka hinatid ako ni Lander, aniya sa sarili.

Sinubukan niyang bumangon at malutong na napamura ng parang biniyak ang ulo niya sa sakit. "Fuck! Shit! Fuck! Hindi na ako iinom." Yeah, right.

Kahit masakit, pinilit niyang bumangon para uminom ng gamot para sa sakit ng ulo.

Pagkatapos niyang uminom ng gamot, naligo siya at lumabas sa penthouse niya. He put a dark sunglass on before stepping out from the elevator.

Nang makasakay siya sa Kotse niya, nagmaneho siya patungo sa pinakamalapit na Starbucks at doon nag-agahan. Paunti-unti, nawawala na ang sakit ng ulo niya kaya naman medyo gumagaan na ang pakiramdam niya.

Habang iniinom ang inorder na black coffee, may umupo sa bakanteng silya ng kina-u-upuan niyang mesa.

"Nice seeing you here, bud," anang pamilyar na boses.

Tumingin siya sa kaharap niyang upuan at nakita si Shun. Kaagad siyang ngumiti. "Well, well, well," he chanted. "If it isn't the infamous Shun Kim. Kumusta?"

They bumped their fist and did a handshake.

"I'm cool," nakangiting sagot nito at sumandal sa likod ng upuan. "Ikaw? Kumusta? How's the information I gave you?"

"I have a massive headache, I felt like shit and the information you gave me is okay. Useful."

"Syempre naman," pagmamalaki nito. "Ako ang nagbigay niyon sayo."

"Useful, but expensive," komento niya.

Mahinang tumawa si Shun. "Calyx, that's the thing about useful. They are very expensive. Ang sabihin mo, kuripot ka lang talaga."

Pinaikot niya ang mga mata. "Ang sabihin mo mandurugas ka."

Tumawa lang si Shun saka ininom ang laman ng hawak nitong kape. "Hindi ako mandurugas. I am a businessman and that's what I do for a living."

Nailing na itinirik niya ang mga mata. "Yes, Shun, mandurugas ka. Pag-aari mo ang Royal Housing Real Estate, diba kasosyo mo do'n ang may-ari ng Bachelor Village, si Lysander Callahan? Sa tingin ko naman sapat na ang kinikita mo sa mga negosyo mo. Kinukotungan mo pa kami."

Ngumisi ito. "Come on, Calyx. Hindi ko kayo kinukotungan. I merely sell properties."

"In exchange for freaking informations."

"Information that you needed, my friend. And I provide that information. Alam mo ba kung gaano kahirap maghanap ng impormasyon tungkol sa isang tao?"

"Mahirap?" Napapantastikuhang tanong niya. "Anong mahirap? You found out information about Etheyl in just a matter of second. Ang sabihin mo, mandurugas ka lang talaga."

Nagkibit balikat lang si Shun. "Whatever makes you sleep better at night, Vargaz."

Humugot siya ng malalim na hininga saka kinagat ang pang-ibabang labi habang nag-iisip kung tama ba ang gagawin niya. "Ahm, may ipapahanap akong address. Kaya mo?"

Shun smirked. "Piece of cake."

"Great." Huminga ng malalim si Calyx saka sinabi dito kung kaninong address ang ipapahanap niya. "Magkano?"

"I have a new car—"

"Sold." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Baka magmahal pa ang presyo ng impormasyon na kailangan niya. "I'll send the check later."

Tumaas ang gilid ng labi ni Shun habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Anong nangyari sa kuripot na Calyx na kaibigan ko? Alien ka from outer space no?"

"Just find her," aniya sa malamig na boses.

Itinaas ni Shun ang isang daliri. "A minute," anito at may kung anong pinindot-pindot sa cell phone nito.

Calyx heard beeping and then more beeping. At pagkalipas ng isang minuto, nag-angat ng tingin sa kanya si Shun. "She's in Royal Apartment. Pag-aari ko ang apartment na iyon. It's cheap so people who are less fortunate can afford to live in a decent place."

Tumaas ang isang kilay niya sa huling sinabi ni Shun. "May puso ka pala."

Shun just chuckled quietly. "Sino ba ang wala?"

Napatingin si Calyx sa isang lalaki na lumapit sa kanila.

"Boss, nakabili na po ako," wika ng lalaki habang nakatingin kay Shun. "Naroon na po sa loob ng gusali ang mga pinabili niyo. Naroon na rin po ang mga bata, hinihintay kayo."

Ngumiti si Shun. "Great." Bumaling sa kanya ito. "I have to go." Kinuha nito ang kape at tumayo. "See yah, Vargaz."

Naguguluhan siya ng lumabas si Shun ng Starbucks. Out of curiosity, sinundan niya si Shun. Sa halip na sumakay ito sa kotse, naglakad lang si Shun at ang lalaking lumapit sa table nila. Sinundan niya ang mga ito hanggang sa ikalawang kanto. Pumasok ang dalawa sa isang abandonadong gusali. Nang makapasok si Calyx sa gusali, laking gulat niya sa nakita.

Nakita niya si Shun na binubuksan ang sampung malalaking karton na puno ng mga gamit sa eskuwela at maraming-maraming pack lunch. Pagkatapos ay isa-isang binigyan ni Shun ang maraming bata na naroon katulong ang lalaki na kasama nitong pumasok sa gusali.

Pagkatapos ipamigay ang lahat ng gamit, pagkain naman ang sinunod ng dalawa. At dahil marami ang mga bata na naroon, halos magkanda-ugaga ang dalawa sa pamimigay.

Kaya naman tumulong na siya.

Halatang nagulat si Shun ng makita siya pero nginitian din siya nito kapagkuwan at hinayaan siyang tumulong.

"Lahat ba ng naritong bata, mga palaboy?" Tanong niya kay Shun ng matapos nilang maipamigay lahat.

"Some of them. 'Yong iba naman ay mahihirap na walang pambili ng mga gamit sa eskuwela pero gusto pa rin nilang mag-aral." Ngumiti si Shun at ginulo ang buhok ng isang bata na umiiyak sa sobrang saya dahil sa mga bagong gamit. "I talk to some politicians to help these kids, pero wala naman silang ginawa. They told me that they are already working on it pero lumipas na ang isang taon, wala namang nangyari. This is my building, actually. Patatayuan ko dapat ito ng hotel, pero bago matapos, may mga batang palaboy na dito na natutulog kapag gabi. Nakakaawa sila. Hindi ko sila kayang ipagtabuyan at tanggalan ng tahanan. So, hindi ko tinuloy iyong hotel at hinayaan nalang ang gusali na ganito. Para kahit naman papaano ay may maitulong ako sa mga batang 'to. Parami sila ng parami kaya kailangan kong mangotong ng mangotong sa inyo. Mayayaman naman kayo, e. Iyong isang milyon, barya lang iyon sa inyo. Gusto ko silang bigyan ng permanenteng tahanan at scholarship, pero hindi ko pa kaya sa ngayon. I need more money to do those things."

Calyx was stun. Akala niya talagang mukhang pera at mandurugas lang si Shun. Iyon pala ay may pinaggagamitan ito sa pera na nakokotong sa kanila.

"Magkano ba ang kailangan mo para mabigyan sila ng permanenteng tahanan?" Tanong niya.

Binalingan siya ni Shun. "Are you willing to help?"

"Yeah." Tiningnan niya ang masasayang bata. "Kalilimotan ko pansamantala ang pagiging kuripot ko."

Mahinang natawa si Shun. "Thanks, man."

"You should ask our friends help. I'm sure tutulong ang mga iyon."

"Alam ko. Pero under renovation pa ang foundation na tinatayo ko. Baka kapag naayos na iyon, saka ako hihingi ng tulong."

Napangiti siya. Natutuwa siya at may napuntahan naman palang maganda ang pera na kinokotong nito sa kanila. Who would have thought that Shum Kim actually helps homeless and poor kids? Ni sa hinagap niya hindi niya naisip 'yon.

NANGGO-GROCERY si Etheyl ng mag-isa sa araw na iyon. Usually, kasama niya si Beth pero may ka-date ito kaya naman kinalimutan siya nito. Ayos lang naman 'yon sa kanya. Natutuwa nga siya at may ka-date ang kaibigan niya.

Akmang itutulak niya ang cart patungo sa meat section ng may mahagip ang mga mata niya.

Her heart instantly went crazy. Is that Calyx?

Nang masiguro niyang si Calyx nga 'yon, mabilis niyang iniliko ang cart at itinulak sa ibang direksyon. Ayaw niyang makita ito dahil hindi niya gusto ang reaksiyon ng katawan niya kapag malapit lang ito. It scared her.

Bakit ba kasi palagi silang pinagtatagpo ng lalaking 'to? Dapat iwasan niya ito. She didn't like being close to him. It mde her knees turns to jell-o.

Pero nakaka-ilang hakbang palang siya ay narinig niya ang baritonong boses ni Calyx na tumawag sa pangalan niya.

"Etheyl?"

Napalunok siya. Shit!

Huminga siya ng malalim at nilingon ang binata. "Hi." Pilit siyang ngumiti.

Namulsa ito habang titig na titig sa kaniya. "Hey. How are you?"

"I'm good." Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya kayang makipagtitigan dito. "Sige, mauna na ako—"

"Wait." Pinigilan siya nito sa kamay.

Mabilis na bumaba ang kamay niya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Napakabilis ng tibok ng puso niya.

"B-Bitawan mo ako," nauutal niyang sabi.

"Yong tungkol pa do'n sa sinabi ko sa office. " His gaze held hers. "Do you believe—"

"No," putol niya sa iba pa nitong sasabihin. "Hindi ako naniniwala."

Matiim itong tumango. Wala siyang mabasang emosyon sa gwapo nitong mukha. "Bakit hindi ka naniniwala?" Kapagkuwan ay tanong nito.

Tipid siyang ngumiti. "Because you're a liar and a playboy. At ayoko sa mga lalaking katulad mo."

A man with blue eyes behind Calyx chuckled. "Burn, Calyx. You just got burt."

Pinukol ng masamang tingin ni Calyx ang lalaking may asul na mata na nasa tabi na nito. "Shut up, Storm."

Ngumiti lang si Lander saka bahagyang yumukod sa kanya. "Hi, I'm Lander Storm." Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya. "Kinagagalak kitang makilala, magandang binibini."

Madilim ang mukhang nakatitig lang si Calyx sa kamay niyang hawak ng kasama nitong si Lander, hanggang sa bitawan ni Lander ang kamay niya at madilim pa rin ang mukha nito at nagtatagis ang bagang.

"Anong problema mo?" Hindi niya napigilang tanong kay Calyx na masama ang tingin sa kasama nito.

His jaw tightened. "He touched you."

Tumaas ang kilay niya. "So?"

"I don't like it."

Sumikdo ang puso niya kaya naman mabilis siyang umiwas. "S-sige, a-alis na ako."

Iiwan na sana niya ang dalawa ng pigilan siya ni Calyx sa kamay. "Etheyl, can we talk?"

Tinaasan niya ito ng kilay. Kailangan niyang labanan ang nararamdamang kagustuhang kausapin pa ito ng matagal. She needed to get rid of him!

Inagaw niya ang kamay na hawak nito. "Ano naman ang pag-uusapan natin?" Mataray niyang tanong.

Calyx took a deep breath and looked at Lander who just shrugged. Naiiling na ibinalik ni Calyx ang atensiyon sa kanya. "I think I like you."

Pekeng tumawa si Etheyl para itago ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil sa tinuran nito. "Joke 'yon?" Natatawang tanong niya saka napailing-iling. "Mr. Vargaz, kung sex ang habol mo sa'kin kaya sinasabi mo 'yan, sinasabihan na kita ngayon palang na hindi mo ako madadala sa ganyan. Maghanap ka nalang ng ibang babaeng mapapaniwala mo sa 'I think I like you' mo at mauuto mo. I read magazine and tabloids, Mr. Vargaz, kaya hindi mo ako maloloko."

"You don't know me, Etheyl." He took a threatening step closer to her. "So don't judge me like that."

Napalunok siya ng maramdaman ang init ng katawan ni Calyx. She smelled his manly scent... God, get a grip, Etheyl!

Huminga siya ng malalim saka sinalubong ang tingin ng binata, "You and other men are all the same. Different packaging but the insides are all the same."

Nagpapasalamat si Etheyl nang hindi siya pinigilan ni Calyx ng humakbang siya palayo rito tulad ng ginawa nito kanina. Nagtuloy-tuloy siya sa counter at binayaran ang mga pinamili, pagkatapos ay lumabas siya ng grocery store.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top