CHAPTER 3
CHAPTER 3
NAKATINGIN lang si Calyx sa papalayong sasakyan ni Etheyl. Nang umalis ito sa dance floor ay mabilis niya itong sinundan pero hindi siya nagpakita rito. It seemed that the beautiful Etheyl did not want to see him.
Too bad he liked to see her again.
Huminga siya ng malalim at sumakay sa Aston Martin niya pagkatapos ay pinaharurot iyon patungo sa penthouse niya. Pumunta lang naman siya sa party kasi inimbitahan siya ng kapatid ng nag debut na pinaunlakan naman niya dahil wala naman siya gagawin pagkatapos nilang mag-inom ni Ymar. Isa siyang investor sa kompanya nito kaya imbitado siya.
Nang makarating sa penthouse niya, nag-text siya kay Lander saka pinindot ang send. Ilang segundo ang lumipas, nag-ingay ang cell phone niya.
Sinagot niya ang tawag. "Nabasa mo ang text ko?"
"Yeah," ani Lander. "Si Shun Kim ang tanungin mo huwag ako."
Umikot ang mga mata niya. "Mukhang pera si Shun Kim. Ayoko siyang kausapin."
"Ang kuripot mo talaga," natatawang sabi ni Lander. "Siya ang makakatulong sa'yo ngayon. Sabi ni Iuhence, magaling si Shun Kim. He even recommended him to me kung may ipapahanap daw ako."
He grunted. "Fine. I'm calling Shun."
Pinatay niya ang tawag at tinawagan si Shun. Isang ring lang, sinagot kaagad nito ang tawag niya.
"What do you need, Vargaz?" Tanong kaagad nito mula sa kabilang linya.
"Can you check who owns this plate number?" Sinabi niya rito ang plate number na pinapahanap niya. "And can I have a discount?"
Tumawa ng malakas si Shun. "Really, Calyx? Ang kuripot mo talaga." Tumawa na naman ito. "Hindi naman mahal ang ibabayad mo sa impormasyon na ibibigay ko."
"Magkano ba?"
"You see, may pinagbibili akong bahay sa Bachelor's Village. Maganda 'yon. May malaking solar, dalawa ang swimming pool. You can raise a family in there—"
"How much, Shun?" Walang buhay niyang tanong.
"Thirty million only, my friend. Deal?"
Umawang ang labi niya at nanlaki ang mga mata niya. "What the fucking fuck? Thirty fucking million?!" Ipinilig niya ang ulo. "No deal!"
"Madali lang naman akong kausap, e. No deal, no information. Bye, see yah—"
"Wait." Huminga siya ng malalim at mariing ipinikit ang mga mata. "Fine. Deal."
Mahinang natawa si Shun. "Kahit pala ang kuripot, maglalabas ng pera may malaman lang na impormasyon tungkol sa isang babae."
Nagsalubong ang kilay niya. "I don't know what you're talking about." Napabuntong-hinga siya saka napailing-iling. "Paano mo nalamang babae ang may-ari niyan?"
Shun chuckled. "Because I'm awesome. Anyway, hold on a minute."
Nawala ito sa kabilang linya ng mga dalawang minuto. Pagkatapos ay nagsalita ulit ito. "Ang may-ari ng plate number na pinapahanap mo ay si Etheyl Vallega."
"Ang bilis mo namang maghanap," komento niya.
"I have a very powerful database, my friend. Anyway, she's twenty-five years old and she is an Etiquette and Personal Development teacher."
Lumalim ang gatla sa nuo niya. "Ano 'yon?"
"Teacher siya sa Etiquette and Personal Development." Tinagalog lang nito ang sinabi. "I'll send you the number kung kakailanganin mo ang serbisyo niya. Seriously, Vargaz, you should enroll."
"Fuck off." He ended the call and wait for the number.
Nang matanggap niya ang numero kaagad niya iyong tinawagan. Babae ang nakasagot sa tawag niya at nasisiguro niyang hindi iyon si Etheyl base sa boses ng nasa kabilang linya.
"Who's this?" Tanong niya na magkasalubong ang kilay.
"Good evening. This is Beth Farer, secretary of Miss Etheyl Vallega. How may I help you?"
Nasapo niya ang nuo ng wala siyang masabi. Fuck! "I want to enroll." Holy shit! I have an excellent etiquette, thank you very much, mouth!
"I'm sorry to inform you, sir, but our enrollment is now closed. We have already reached the maximum numbers of our students."
Humigpit ang hawak niya sa kaniyang cellphone. "I'll pay triple."
"I'm sorry, sir—"
"One hundred thousand for every session." Napalatak siya ng mag-sink in sa utak niya ang lumabas sa bibig. Parang ang laki ng one hundred thousand. "Still a no?"
Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya kapagkuwan ay nagsalita rin ito ulit. "A-Are you s-sure, sir?" Nasa boses ng kausap niya na hindi ito makapaniwala.
"Ibigay mo sa akin ang bank account name and number niyo. I'll send the money first thing tomorrow."
Bumuga ng hangin ang kausap na para bang kanina pa nito pinipigilan ang hininga. "Kung hindi po kayo nagbibiro, you'll be in Miss Etheyl's especial class."
"Especial class?" He frowned. "Ano 'yon?"
"'Yong mga nag-enrolled po kasi ay kailangan pumunta sa studio namin, pero kayo po na kasali sa especial class, pupunta po mismo si Miss Etheyl diyan sa bahay niyo kung ayos lang. Kung hindi naman, you could come in our studio—"
"Okay sa akin 'yong pupunta siya rito sa bahay ko." Kaagad niyang ibinigay ang address niya. "That's the address of my penthouse. Papuntahin mo nalang siya rito bukas para maumpisahan na namin ang pagtuturo niya sa akin ng—" Tumikhim siya. "Etiquette and Personal Development."
"Yes, sir," masayang tugon ng babae kapagkuwan ay nagsalita ito ulit. "Anyway, sir, kakailanganin ko lang po ang ilang information tungkol ho sa inyo."
Kaagad niyang ibinigay ang mga impormasyong hiningi nito. Maayos siyang sumagot sa mga tanong hanggang sa nagpaalam ang babae sa kabilang linya.
Nang matapos ang tawag, nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. "I have an excellent etiquette and personal development. This is freaking hilarious as fuck," aniya sa sarili habang papasok sa kuwarto niya.
PAGPASOK palang si Etheyl sa studio niya, sinalubong kaagad siya ng isang malakas na tili ni Beth.
"Etheyl! Etheyl!" Tili nito ng makita siya. "Oh my God! I have good news!"
"Tumama ka sa lotto?"
"Gaga. Hindi no." Napakalapad ng ngiti ni Beth. "May kleyente tayo na handang magbayad ng one hundred thousand per session."
Napamulagat siya. "Totoo?"
Tumango ito habang nakangiti pa rin. "Yes! Totoong-totoo. Sabi ko nga sa kanya na sa special classes siya dahil—"
"Beth! Walang tayong especial classes."
"Mayroon na ngayon." Nilapitan siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat. "Isipin mo 'to, Etheyl, one hundred thousand per session. Madali lang naman ang gagawin mo. This is what you do best, Etheyl. Kahit maka-sampung session ka lang, makaka-isang milyon na tayo. Mabibili na natin sa wakas itong tudio na buwan-buwan nating binabayaran para lang maging sa atin na at hindi tayo palayasin ng may-ari. At ang good news ay nagbayad na siya para sa tatlong session!"
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Mukhang wala na siyang magagawa. Nakabayad na pala, e. At tama si Beth, makakatulong sa kaniya ang malaking pera na 'yon. Katatanggap lang niya ng mga bills niya nuong makalawa at kasama na doon ang buwanang bayad sa studio na 'to.
"Fine. I'll do it," aniya na ikinangiti pa lalo ng malapad ni Beth.
"Great." May ibinigay sa kaniyang munting papel si Beth. "Calyx Ventura ang pangalan ng kleyente mo. Lalaki siya at sa timbre ng boses niya, feeling ko gwapo siya."
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Calyx ang pangalan niya?"
"Oo, bakit?"
Umiling siya. "Wala naman." Nag-iwas siya ng tingin. This just must be a coincidence. Maraming lalaki sa mundo na ang pangalan ay Calyx. Saka Ventura naman ang apelyido ng isang ito, hindi Vargaz kaya nasisiguro niyang hindi ito ang binatang gusto niyang iwasan. "Anyway, tinanong mo ba siya ng ibang mahahalagang impormasyon na kailangan natin?"
Mabilis na tumango si Beth. "Nagta-trabaho siya sa CureMed Pharmaceutics Company. Ibinigay niya sa akin ang contact number ng HR Department ng pinagta-trabahuan niya at kinonfirm nga nila na may Calyx Ventura silang empleyado."
CureMed Pharmaceutics? Just a coincidence again. She was sure of that.
"Nandiyan ang address niya sa papel na 'yan," pagpapatuloy na sabi ni Beth. "Sinabi ko sa kanya na baka mamayang hapon ka na makapunta kasi may tuturuan ka ngayon."
As if on cue, isa-isang pumasok ang mga estudyante niya na halos anak lahat ng mayayaman.
"I'll be in the office," ani Beth at iniwan siya sa studio kasama ang mga estudyante niya.
Huminga muna siya ng malalim bago matamis na ngumiti sa mga estudyante niya. "Okay, class, our lesson for today is about different smiles in every different occasion and situations."
And her class of etiquettes and personal development began.
PAGKATAPOS nang klase ni Etheyl, nananghalian muna siya saka siya nagpunta sa address na nasa papel na binigay ni Beth sa kaniya. Naririnig ni Etheyl ang malakas na pagtibok ng puso niya habang lulan siya sa elevator patungo sa penthouse nitong special student niya. Kinapa niya ang pepper spray sa loob ng bag baka sakaling gamitin niya. Oo nga at may mga impormasyon siyang alam tungkol sa bagong estudyante, at kinonfirm naman ng pinagta-trabahuan nito na mabuti itong tao, the fact still remained na hindi niya personal na kilala ito.
Bakit naman kasi niya tinanggap 'to, e.
Kailangan niyang mag-ingat. Kung hindi lang malaki ang ibabayad sa kaniya, nunkang pupunta siya, kaya lang kailangan kasi niya ngayon ng pera, e.
Nang tumigil ang elevator, humugot siya ng isang malalim na hininga bago lumabas at naglakad patungo sa nag-iisang pinto sa floor na iyon.
Pinindot niya ang doorbell.
Nang lumipas ang tatlong minuto na walang nagbukas, nagbakasakali siyang pihitin ang doorknob kung bukas. Nagulat siya ng bumukas ang pinto. What the heck? Hindi ba marunong mag lock ng pinto ang may-ari ng bahay na 'to?
Kahit walang pahintulot, pumasok siya sa loob ng penthouse at isinara ang pinto. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa sala.
Nalula siya sa mga mamahaling kagamitan na naroon. Simple lang ang ayos ng penthouse pero halatang bawat gamit na naroon ay tanging mayayaman lang ang makakabili. The owner of this house even had a piano! And that cost an arm and a leg.
"Hello? May tao po ba rito?" Malakas ang boses na sigaw niya habang kinakapa ang pepper spray sa bag niya. "I'm Etheyl Vallega, the Etiquette and Personal Development teacher."
Nang walang matanggap na tugon, naiinis na umupo siya sa pang-isahang sofa. "Nasaan kaya ang may-ari ng penthouse na 'to?"
As if to answer her question, nakarinig siya ng yabag sa likuran at biglang may lumapat na labi sa leeg niya.
Malalaki ang mata na nilingon niya ang pangahas at inihanda ang pepper spray. Laking gulat niya ng makita niya si Calyx Vargaz na ilang dangkal lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya.
Her heart flipped. "C-Calyx?"
Tumuwid ng tayo ang binata. He was not wearing a freaking shirt at nakatapi lang ng tuwalya ang pang-ibaba nito. "That's me." He smiled. "Sorry, naliligo ako kaya hindi kita narinig." Umikot ito patungo sa mahabang sofa na kaharap ng pang-isahang sofa na kinauupuan niya. "So, a teacher huh?"
Pinukol niya ng masamang tingin ang binata ng mag-sink in sa isip niya ang nangyayari.
Hindi siya makapaniwalang natawa. "Really? Calyx Ventura?
He gave her an apologetic smile. "Sorry, though it's not a lie. My mother's maiden name is Ventura, so..."
Tumaas ang kilay niya. "Plinano mo ba 'to?"
"Yeah." Walang pag-aalinlangan nitong sagot.
Hindi makapaniwalang napatawa siya. "Good, God! Nagbayad ka ng one hundred thousand para pumunta ako rito sa penthouse mo?"
"Nope." Humilig ito sa likod ng sofa at matiim siyang tinitigan. "I paid one hundred thousand for you to teach me."
"Teach you what?" Hindi mapigilan ni Etheyl ang mga mata na bumaba sa matitipuno nitong dibdib. Crap!
"Teach me something. Ikaw bahala kung ano ang ituturo mo sa'kin." Calyx smiled. "Kahit ano, basta may matututunan ako."
Napalunok siya ng dumako ang tingin niya sa tuwalya na nakatapo sa kasilanan nito. Marahas niyang ipinilig ang ulo at tumingin sa mga mata ng binata.
"Mr. Vargaz, alam ko 'yang kislap ng mga mata mo. Etiquette at Personal Development ang tinuturo ko hindi ang mga posisyon sa Kama Sutra."
Calyx chuckled. His eyes held amusement. "Wala naman akong sinabing ang mga posisyon sa Kama Sutra ang ituro mo sa akin, pero kung iyan ang ituturo mo, isa naman akong mabait na estudyante. Makakaasa kang makikipag-cooperate ako sa bawat posisyon na ituturo mo."
Inirapan niya ito. "Pinaglalaruan mo ba ako? I take my job seriously, Mr. Vargaz. Nagbayad ka at iyon ang rason kung bakit hindi pa ako umaalis ngayon sa penthouse mo. Now, kung paglalaruan mo lang ako at hindi seseryusuhin ang pagtuturo ko, mas makabubuti para sa ating dalawa na umalis nalang ako at ibabalik ko sa'yo ang pera mo."
Akmang tatayo siya ng kasing bilis ng kidlat na lumapit sa kanya si Calyx at inilapit ang mukha nito sa mukha niya.
Nahigit niya ang hininga sa biglang pagkakalapit ng mukha nila ng binata. "A-Ano ba, Calyx. Lumayo ka nga." Kinakapos siya ng hininga kapag malapit lang ito sa kanya.
"Let the class begin." Calyx smiled innocently. "Shall we?"
Lihim siyang napalunok at tumango. Diyos ko. Tulungan niyo po akong labanan ang tukso na nag ngangalang Calyx Vargaz.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top