CHAPTER 22

CHAPTER 22

CALYX frowned when he saw Etheyl's reaction when she entered his room. Mabilis niyang ipinalibot ang paningin sa dati niyang silid para alamin kung may kalat ba o madumi para sumama ng ganoon ang mukha nito pero wala naman siya nakita.

Ibinalik niya ang tingin kay Etheyl at matiim itong nakatitig sa kama niya.

"Hey," pukaw niya kay Etheyl sabay yugyog sa balikat nito. "Okay ka lang?"

Dahan-dahang dumako ang mga mata nito sa kanya. "T-This is your r-room?" Parang hindi makapaniwalang tanong nito.

Naguguluhang napatango siya. "Yes. Bakit, anong problema?"

Hindi makapaniwalang tumawa ito ng walang emosyon. 'Yong uri ng tawa na walang lamang pero makapanindig balahibo naman.

"Etheyl, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.

Tumango ito. "Y-Yeah."

Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kama niya at umupo sa gilid niyon. Dahan-dahan din nitong ipinalibot ang tingin sa kabuonan ng silid niya. Etheyl looked at every inch of his room. From the furniture to the windows and the floor.

Nababahala na siya sa reaksiyon nito kaya naman nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito.

"You really look pale and bothered," aniya. "Ayos ka lang ba? Is there something wrong with my room?"

Tumuon ang mga mata nito sa kanya. May galit at kaguluhan don. "Ilang babae na ang dinala mo rito?"

Napakunot nuo siya sa tanong nito. "Etheyl, hindi issue satin ang pagiging playboy ko noon—"

"I'm asking you, Calyx. Ilang babae na ang dinala mo rito?"

Naiinis na ihinilamos niya ang kamay sa mukha bago sumagot. "Only one. Sa maniwala ka sa hindi isa lang. Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi ako magdadala ng babae rito sa bahay ng mga magulang ko. I respect this house. I respect my room. I don't know what happened to me that night, but I brought a woman here in my room. I was drunk, so was she. We rode a taxi from the club. Sa tingin ko may nangyari sa amin. Lasing ako no'n, e. Hindi ko masyadong maalala. Kinaumagahan ko na nalaman mula sa may-ari ng bar na may inihalo pala silang druga doon sa alak ng i-si-ni-serve nila. It was a especial liquor, he said. Bumalik ako roon para magtanong kung kilala nila ang babaeng inuwi ko nang nakaraang gabi. But no one saw me leaving with her.

"At nang magising ako ng umagang 'yon, hindi lang ang babaeng 'yon ang nawala, pati na rin ang memorya ko ng gabing 'yon. That drug did something to me. I don't know what kind of drug that was but I don't remember anything. Ang naalala ko lang may dinala akong babae rito. Ni mukha niya hindi ko masyadong maalala. And hell! That was six fucking years ago!"

"And you didn't even look for her?"

Napasabunot siya sa sariling buhok. Alam na niya kung saan hahantong ang usapan nilang ito.

"Sino naman ang pagtatanungan ko? Bumalik na nga ako sa bar diba para sana hanapin ang babaeng 'yon. Pero wala ngang nakakita sa amin. Ni mga kaibigan ko nga hindi alam na umuwi ako, e. I was so drunk that night, Etheyl. Give me a break."

"Ang sabihin mo iresponsabli ka lang talaga!" Anito na puno ng hinanakit ang boses. "Hindi mo man lang ba inisip ang babaeng 'yon? Paano kung nabuntis mo siya—"

"Kung nabuntis ko siya kasalanan na niya iyon dahil hindi siya bumalik dito sa bahay. She was the one who left, okay? Hindi ko siya pinagtabuyan. Basta nang magising ako wala na siya. Only the blood on the sheet was left."

Marahas itong umiling-iling. "No! Babaero ka kasi talaga! Paano kung tumakbo 'yong babae dahil sa takot at pangamba? At bakit ka pa nakikipagsex sa taong hindi mo nga kilala at lasing ka pa—"

"I was a fucking twenty-five-year-old hormonal male, Etheyl! Normal lang sa aming mga lalaki na makipag-sex! At diba sinabi ko na sayo na wala nga akong maalala dahil lasing ako at may druga pala sa ininom kong alak? Ano pa ba ang gusto mong paliwanag mula sa'kin?"

"Sabihin mo, gago ka talaga."

Bumuga siya ng marahas na hangin at sinapo ang mukha niy Etheyl na puno ng halo-halong emosyon. "Where is this coming from, huh? Etheyl naman, e. Mula ng makilala kita, wala nang ibang laman ang isip ko kundi ikaw, ikaw, ikaw! And then this! What are you trying to say? Na lolokohin din kita? Na tatakbuhan?" Parang sasabog ang dibdib niya sa pinaghalong galit at frustrasyong nararamdaman. "Etheyl, paano kita lolokohin at tatakbuhan? My day is not even complete without seeing you and Seth. Sa tingin mo ba araw-araw akong pupunta sa apartment niyo kung pinaglalaruan lang kita? Please! Use your freaking brain! Paano ko iiwan ang babaeng mahal ko, ha? How could I fool and hurt the woman that I'm in love with?"

Nanlaki ang mga mata nito sa gulat habang hindi makapaniwalang nakatingin dahil sa huli niyang sinabi.

"Yes, Etheyl." Inialapat niya ang nuo sa nuo nito at ipinikit ang mga mata. "I love you. And I love Seth. Hindi ko alam kung paano at bakit minahal kita ng ganito pero yon ang nararamdaman ko. Yon ang sinasabi nito." Dinuro niya ang puso niya. "So please, stop this. Oo, babaero ako noon. Oo, marami akong nasaktang babae. Oo, gago ako. Pero mula nang makilala kita, I tried so hard to become a better man for you and for Seth so I would deserve you both. Kaya, please naman, give me a fucking break. Huwag mo namang isampal sa akin ang mga pagkakamali ko noon kasi inaako ko naman ang mga 'yon at pinagsisisian ko. I regret every single mistake I did.

"God knows how much I love you, Etheyl. Hindi ko lang inamin sa'yo 'yon kasi ayokong ipagtabuyan mo na naman ako. I know someone hurt you and I'm really trying my best to heal your heart. And I think I did. Right? Don't deny it. I know that I already healed your bitter and broken heart. I know asking for something in return for what I did is an ass move, but all I'm asking is for you to not break my heart, and for you to love me, too." Hinalikan niya ang nuo nito at niyakap ito ng mahigpit. "Is that too much to ask, Etheyl?"

Hinintay niyang magsalita si Etheyl pero nananitili itong tahimik. Kaya naman pinakawalan niya ito sa pagkakayakap at sinapo ang mukha nito. She was crying but her eyes have no emotion as she looked back at him.

Ayaw niyang mag-away silang dalawa dahil lang sa pagtatapat niya ng kaniyang damdamin. Kaya siya nalang ang iiwas. Hindi niya kakayanin kung iiwan siya nito. Dahil hindi lang ito ang mawawala sa kanya. Pati na rin si Seth na natutuhan na niyang mahalin ng sobra-sobra.

"I'll leave you here alone," aniya. "Please, pag-isipan mo ang mga sinabi ko. I really love you, Etheyl. Wala 'yong halong biro o panloloko. Mahal kita. Mahal na mahal. Sana maniwala ka."

Tumayo siya at hinalikan ang nuo nito pagkatapos ay naglakad siya palabas ng silid.

When Calyx closed the door behind him, napadausdos siya ng upo sa sahig at sinapo niya ang ulo. Pinipilit niya ang utak niya na mag-isip kong ano pa ang puwede niyang gawin para mahalin din siya ni Etheyl, pero wala na siyang maisip. Naibigay na niya lahat ng puwedeng ibigay. Ano pa?

"Daddy?"

Mabilis na nagtaas ng tingin si Calyx ng marinig ang boses ni Seth. "Yes, kiddo?"

Sinapo ng maliliit nitong kamay ang pisngi niya. "Ayos ka lang po ba? Okay lang ba kayo ni mommy? Narinig kasi namin ni lolo sa terrace na nagsisigawan kayo ni mommy, e. Nag-aaway po ba kayo?"

Umiling-iling siya. "Hindi, kiddo. May hindi pagkakaintindihan lang kami ng mommy mo pero hindi kami nag-aaway." Hinawakan niya ang kamay nito na nakahawak sa pisngi niya. "Promise me one thing, kiddo."

"Ano po 'yon?"

"Huwag mo akong iiwan, ha?" Ginulo niya ang buhok ni Seth na nakakunot ang nuong nakatingin sa kanya. "Huwag mong iiwan si daddy kasi kapag iniwan mo ako, masasaktan dito si daddy, oh," sabi niya sabay turo sa parte ng dibdib kung nasaan ang puso niya. "Kaya mangako ka na hindi mo iiwan si daddy kasi hindi ko kakayanin na mawala ka sakin." Niyakap niya si Seth ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo."

Kumawala sa pagkakayakap niya si Seth at nginitian siya ng pagkatamis-tamis. "Daddy, hindi po kita iiwan kasi mahal din po kita. Gusto niyo po ng cookies dipped in barbarian chocolate?"

Natatawang tumango siya. "Gusto ko, anak."

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya. "Halika na po, daddy. Susubuan kita ng cookies tulad ni lolo."

Medyo gumaan ang pakiramdam ni Calyx habang hila-hila siya ni Seth patungo sa terrace. This kid already owned half of his heart and the other half was owned by Etheyl. Wala nang natira para sa sarili niya. Kaya hindi talaga niya alam ang gagawin kapag iniwan siya ng mga ito. Sana naman hindi.

NANG marinig ni Etheyl na sumara ang pinto ng silid saka palang siya nakahinga ng maluwag. Hindi siya makapaniwala, gusto niyang hindi paniwalaan pero hindi niya makakalimutan ang silid na minulatan niya anim na taon na ang nakakaraan.

This was the room that she couldn't forget. Ito ang silid ng lalaking nakakuha sa pagkababae niya. Ito ang silid ng nakabuntis sa kanya. At ito ang silid ni Calyx, ang lalaking mahal niya.

Anong klaseng biro ito? Kung kailan tanggap na niya na walang ama ang anak niya at kung kalian nandiyan na si Calyx para tumayong ama ni Seth, saka naman mangyayari 'to.

Galit si Etheyl sa lalaking nakabuntis sa kanya. Ito ang lalaking nagparanas sa kanya ng pangungutya at panghuhusga ng kapwa. Pero paano siya magagalit sa lalaking iyon kung mahal niya ito ngayon?

At ngayon lang niya lubos na naintindihan kung bakit wala siyang maalala ng gabing 'yon kahit anong pilit niya. A drug, huh? So that was the reason why she couldn't remember shit? Akala niya ay lasing na lasing lang siya ng gabing iyon. But no. She was doped.

At paano niya ngayon sasabihin kay Calyx na ito ang lalaking nakatalik niya ng gabing iyon, e hindi rin nga nito maalala ang nangyari. Paano niya ipapaalam dito na ito ang tunay na ama ni Seth?

Napatitig sa pintuan si Etheyl ng marinig niya ang boses ng anak niya. And when she heard Calyx voice, she felt her heart dropped. Palagi niyang pinapangarap na sana si Calyx nalang ang ama ni Seth. At ngayon na ito pala talaga ang ama ng anak niya, hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano haharapin si Calyx.

Dinig na dinig niya ang usapan ni Calyx at Seth.

"Huwag mo akong iiwan, ha?" Anang boses ni Calyx. "Huwag mong iiwan si daddy kasi kapag iniwan mo ako, masasaktan dito si daddy, oh. Kaya mangako ka na hindi mo iiwan si daddy kasi hindi ko kakayanin na mawalay ka sa'kin. Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang luha na gusto na namang kumawala sa mga mata niya.

Anong gagawin ko ngayon? Should I tell him or not?

Napailing-iling siya at naglakad pabalik sa kama.

Parang nanghihinang nahiga siya sa kama. Nakahiga siya sa kama na minsan na nilang pinagsaluhan ng init ng katawan ni Calyx pero pareho nilang hindi maalala 'yon.

Hinaplos niya ang kanang bahagi ng kama kung saan doon nakahiga si Calyx ng magising siya sa umagang iyon. Nakadapa ito sa kama kaya hindi niya nakita ang mukha nito.

Kung nanatili siya sa silid at hinintay na magising si Calyx, mai-in love kaya sila sa isa't-isa katulad ng nangyari ngayong sa kanila? At ano ang ibig sabihin ng lahat ng 'to?

Tinakbuhan niya noon si Calyx kaya hindi natuloy ang love story nila. Ito ba ang continuation niyon? Ito ba ang paraan ng diyos para para sabihing 'para kayo sa isa't-isa o isa lang itong napakalaking biro ng tadhana sa kanila?

Bumangon siya sa kama at lumabas ng silid ni Calyx pagkatapos ay hinanap ang teresa ng bahay. Nang mahanap niya iyon, nakita niyang nakasakay sa duyan si Calyx at Seth. Nagsusubuan ang dalawa ng cookies at masayang nagku-kuwentuhan.

Nang makita siya ni Seth, inilapat niya ang daliri sa ibabaw ng labi niya para hindi ito magsalita. Pagkatapos ay sinenyasan niya itong umalis sa duyan. Sumunod naman ang anak niya at lumapit sa kanya. At dahil medyo tago ang kinaruruonan niya, hindi sila nakita ni Calyx.

"Seth? Come back here, kiddo," ani Calyx sa malakas na boses.

"Wait lang po, daddy," matinis ang boses na sabi ni Seth.

Patingin-tingin ang anak niya sa direksiyon ni Calyx. "Ano po 'yon, mommy?"

Nginitian niya ito. "Kailangan naming mag-usap ni daddy. Puwede bang ihatid muna kita sa baba, kasama si lola mo?"

Tumango naman kaagad si Seth. "Okay lang po sakin, mommy. Basta po magbabati na kayo ni daddy."

Tumango siya. "Mag-uusap kami at magkakabati."

"Okay po."

"Salamat, baby." Binuhat niya ito at napangiwi siya ng maramdamang medyo mabigat na ito. "Mabigat ka na, baby."

"Kasi po big na ako," sagot naman nito.

Nangingiting naglakad siya patungo sa may hagdanan.

Akala ni Etheyl ay isang hakbang pa bago ang hagdan at dahil karga niya si Seth, hindi niya nakita ang nilalakaran.

It happened so fast. Namalayan nalang ni Etheyl na nahuhulog na sila ni Seth sa hagdanan. Walang ibang nasa isip niya kundi ang mailigtas ang anak niya kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit.

Etheyl felt her body dropping in so much speed and then her butt and back hit the floor for two times! And then they were falling again. Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya ang tumama sa sahig. Nilabanan niya ang sakit ng katawan at iminulat niya ang mga mata.

"Seth..." Etheyl whispered her son's name.

Ang unang natitigan niya ay ang dugo sa sahig, ang pangalawa ay ang walang malay niyang anak na kinukubabawan niya.

"No! Seth!" Sigaw niya pero wala siyang lakas para bumangon. "Seth! Seth!"

Umiiyak na sinubukan ni Etheyl na bumangon para laitan ang anak niya at dalhin ito sa Hospital, nilalabana niya ang sakit sa katawan niya pero hindi niya kaya, unti-unting nagdidilim ang paningin niya. Ang huli niyang namalayan ay ang papalapit na yabag at ang nagpa-panic na boses ni Calyx.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top