CHAPTER 2

CHAPTER 2

TITIG na titig si Etheyl sa guwapong mukha ni Calyx Vargaz. Mahimbing itong natutulog kaya malaya niyang napagmamasdan ang gwapo nitong mukha. The magazine photos did not do him justice. His pitch-black eyes were magnetizing as he looked at her earlier. And those dimples and his lips... Damn it. He was gorgeous and he knew how to use it.

What happened last night was a mistake on her part. Siya ang unang humalik dito. Siya ang nang-akit dito. But she couldn't deny that she was satisfied.

Pero alam niyang hindi na masusundan pa ang nangyari sa kanila ni Calyx kaya kampante siya na hindi na sila nito magkikita pa. He was a billionaire, and she was just a normal woman trying to survive every month. Napakalayo ng agwat nila sa buhay. Kung ano man ang nangyari sa kaniya kagabi, isa nalang iyong magandang ala-ala sa kaniya. It would never happen again. She was sure of that.

Nagkita lang naman sila ni Calyx dahil pumunta siya sa magarang hotel na 'to dahil nakipag-usap siya kay Cole tungkol kay Seth at kung puwede pa nilang ayusin ang dapat ayusin. Alam niyang malungkot si Seth dahil sa pagkawala ni Cole sa buhay nila at gusto lang naman niyang pasayahin si Seth.

Seth liked Cole. So much. Pero nagutay-gutay ulit ang puso niya ng sabihin nitong ayaw na nito sa kanila. Ayaw nito kay Seth at mas lalong ayaw nito sa kanya dahil ayaw niyang gawin ang hinihingi nito. What an asshole! Hindi siya makapaniwalang pinatulan niya ang lalaking 'yon! Akala niya mahal siya ni Cole. Isa lang palang kasinungalingan ang lahat. Gusto lang pala siya nitong i-kama kaya ganoon. Pagpapanggap lang ang lahat. Tulad ng mga lalaking dumaan sa buhay niya. Mga manggagamit. Buti nalang ay wala ang mga itong nakuha sa kaniya, pero nasaktan naman ang puso niya.

Nasaktan siya ng sobra sa mga sinabi sa kanya ni Cole. Akala pa naman niya ay tanggap nito ang lahat sa kanya, isa lang pala iyong kalokohan. At naroon si Calyx para maibsan ang lungkot at sakit na naramdaman niya.

She would not have sex with a stranger if it were not Calyx Vargaz.

God. Hindi ito puwedeng malaman ni Seth. Speaking of which, kailangan na niyang umuwi. Mag-uumaga na. Mula sa glass walls ng dingding ng hotel, nakikita niyang malapit ng ngumiti si haring araw.

Mabilis siyang bumangon at maingat na umalis sa kama. Pagkatapos ay pinulot niya ang nahubad na damit na nasa sahig at isinuot iyon. Pagkatapos ay maingat siyang lumabas ng hotel.

Magulo pa ang buhok niya dahil hindi pa siya nagsusuklay pero kailangan niya talagang umalis bago pa magising si Calyx.

Last night was unforgettable but she needed to put it aside and face her life. Hindi na mauulit ang nangyari kagabi. Days from now, it would be a distant erotic and sexy memory. Pero alam din niya sa sarili niya na hindi niya makakalimutan ang nangyari sa kanila ni Calyx.

Nang makalabas ng hotel kaagad siyang pumara ng taxi at nagpagatid sa apartment niya. Kaagad siyang sinalubong ni Beth ng makapasok siya sa pinto ng apartment niya.

"Saan ka galing? Alalang-alala ako sayo," ani Beth saka niyakap siya. "Bakit hindi ka umuwi kagabi? Hinanap ka ni Seth."

"Wala, nalasing lang ako kagabi," pagsisinungaling niya.

"Saan ka naman nalasing?"

"Sa bar ako nakatulog." Paghahabi niya ng kuwento saka iniba niya ang usapan. "Nasaan si Seth?"

"Naku, hayon, tulog pa," imporma sa kaniya ni Beth. "Maghahating gabi na kasi yan natulog sa kakahintay sayo."

Napabuntong-hinga siya saka umupo siya sa sofa at sinuklay ang mahabang buhok. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Beth." Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Nag-break na kami ni Cole kagabi."

Napasinghap ang kaibigan. "Oh my God." Umupo ito sa tabi niya saka hinawakan ang kamay niya. "Ayos ka lang ba? Kaya ka ba naglasing?"

Nag-iwas siya ng tingin ng maalala niya ang nangyari kagabi. "Oo, kaya ako naglasing sa sobrang sama ng loob. Pero okay na ako." Huminga siya ng malalim. "Wala na akong pakialam sa kaniya. Tulad ng iba, sex lang din ang habol niya sakin. Hindi porket ganito ako ay patakbuhin na akong babae."

Bumudha ang lungkot sa mukha ni Beth. "Akala ko iba siya."

Mapait siyang ngumiti. "Pare-pareho lang naman ang mga lalaking 'yon. Mga manggagamit at manloloko."

Beth sighed. "But this is just too much, Etheyl." Napailing-iling ito. "Lima na ang naging boyfriend mo pero lahat isa lang ang habol sayo at nang hindi mo naibigan, iniwan ka."

Ngumiti siya ng pilit kay Beth. "Ayos lang 'yon. Ang mahalaga sakin ngayon ay ang maging masaya si Seth."

Ngumiti din si Beth. "Oo nga. Anyway." Tumayo ito. "Kailangan ko nang umalis. Nandito ka na naman kaya aalis na ako."

Tumango siya saka niyakap ang kaibigan. "Salamat, ha?"

"Walang anuman."

Pinakawalan niya ito sa pagkakayakap. "See you sa party mamaya."

"See yah."

Nang makaalis si Beth, ini-lock niya ang pinto saka pumasok sa kuwarto niya at nahiga sa kama. Pinikit niya ang mga mata para makatulog siya para makapagpahinga siya dahil may party pa siyang pupuntahan mamayang gabi. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod sa paulit-ulit na pag-angkin sa kaniya ni Calyx kagabi.

NAGISING SI Calyx na wala na si Etheyl sa kuwarto. Ginalugad niya lahat pero mukhang nakaalis na ang dalaga.

His eyes fell on the bed. Biglang pumasok sa isip niya ang mainit na pagtatalik nila kagabi ni Etheyl. Parang naririnig pa niya ang mga halinghing nito sa tuwing nag-iisa ang katawan nilang dalawa.

He could still feel her lips on him. And he felt his cock stirred again.

Fuck!

Hindi siya makapaniwalang bumaba ang tingin sa pagkalalaki niya. He was actually having a hard on just by thinking about that woman. Hindi pa ito nangyayari sa kanya.

What was so special about that woman that his cock couldn't seem to get enough?

Napabuntong-hininga siya saka napailing-iling. "Fuck."

Marahas niyang ipinilig ang ulo at nahiga ulit sa kama. Naamoy pa niya ang natural na mabangong amoy ni Etheyl.

"Fuck it!" Tinapon niya ang unan sa sahig.

Hinilamos niya ang dalawang kamay sa mukha at nagdamit. Pagkatapos ay mabilis siyang umalis sa inuukupa niyang silid. Habang nasa elevator na bumabiyahe pababa sa lobby ng hotel, tinawagan niya si Lander pero unattended ang kaibigan.

Napabuntong-hinga siya saka tinawagan si Ymar. Pagkalipas ng dalawang ring, sumagot ang kaibigan.

"Hey. Kumusta?" Tanong niya sa nasa kabilang linya.

Ymar grunted. "Bakit ka napatawag? Hindi ako naniniwalang nangungumusta ka." Walang buhay ang boses nito.

Mahina siyang natawa. "Inuman tayo. Libre mo."

Tumawa si Ymar. "Ikaw ang nag-aya pero ako ang manlilibre? Saang planeta ka ba ipinanganak? Napaka-kuripot mo, bud. At saka baka nabubulag ka na, ang aga-aga, inom na agad ang inaatupag mo? Wala bang gamot sa pharmacy mo na pampatanggal ng tuyo sa utak kasi 'yon ang mayroon sa utak mo ngayon."

He rolled his eyes. "Come on. I need a drinking buddy. And no, wala akong tuyo. Come on. Let's drink."

"Let's drink pero ako ang manlilibre?" Ymar chuckled dryly. "Now, that's fantastic."

"I know, right?" He smirked. "Inuman na tayo."

"Nasaan si Lander?" Tanong nito kapagkuwan.

"Unattended."

"Kaya pala ako ang ginugulo mo." Malalim itong napabuntong-hinga. "Fine. Let's meet in Bachelor's Bar in twenty minutes. Siguro naman bukas pa sila ngayon."

"Twenty-four hours ang bar na 'yon," aniya. "I need to get wasted."

Calyx ended the call and went to the parking lot. Sumakay siya sa kotse niya niya at mabilis iyong pinaharurot patungo sa Bachelor's Bar.

"MARAMING SALAMAT talaga Ms. Vallega, my daughter looks glamorous and that's thanks to you," anang ina ng debutante na ngayon ay isa-isang kinakausap ang mga bisitang dumalo sa engrande nitong eighteenth birthday party kung saan imbitado rin siya at nang kanyang assistant na si Beth.

"Walang ano man 'yon, Mrs. Sanchez," nakangiting tugon niya sa ginang. "It was my pleasure guiding your daughter to be as glamorous as she is now."

Halatang proud na proud ang ginang sa anak nito. "Nakakatuwang makitang ganoon ang anak ko." Nginitian siya nito. "Oh, siya, kumain lang kayo, ha? Maiwan muna kita. Enjoy the party, Ms. Vallega."

She smiled. "I will."

Nang makaalis ang ginang, bumaling siya sa katabi niyang si Beth na sumisimsim ng wine. "Gusto ko nang umuwi, Beth," reklamo niya. "Nag-aalala na ako kay Seth."

Pinaikot ni Beth ang mga mata. "Hay, naku, Etheyl, enjoy the night." Tinaasan siya nito ng kilay. "Kailan ka ba huling nag enjoy sa isang party na katulad nito?"

Etheyl sighed then rolled her eyes. "Beth, wala akong time sa mga ganito. Ang dami ko pang gagawin sa bahay, e. Kung hindi lang talaga kailangang narito ako, nunkang umattend ako sa party na 'to."

Umingos si Beth. "Ewan ko sa'yo." Umalis ito sa kinauupuan. "Kukuha lang ako ng maiinom. Gusto mo?"

Umiling siya. "Magmamaneho pa ako pauwi."

Pabiro lang siyang inirapan ni Beth saka umalis na ito. Siya naman ay itinuon ang atensiyon sa pinggan niyang hindi pa niya nauubos ang laman. Akmang kukuha siya ng vegetable salad na nasa pinggan ng marinig niya ang pamilyar na baritonong boses na hindi niya inaasahan na maririnig niya pagkatapos ng kagagahan niya ng gabing nagdaan.

"I didn't expect to see you here, Etheyl."

Kumabog ng mabilis ang puso niya. No! It couldn't be Calyx! He couldn' be here! Pero isang businessman ang ama ng debutante. Hindi nakapagtatakang imbitado si Calyx.

Pilit niyang pinakalma ang sarili saka walang emosyon ang mukhang tiningala niya ang nagsalita. "Mr. Vargaz," pormal niyang sabi sabay tango rito.

Tumaas ang sulok ng labi nito. "So, I'm Mr. Vargaz now, not oh, Calyx, oh."

Namula ang pisngi niya sa huling tinuran nito na parang umuungol. Pasimple siyang nag-iwas ng tingin para pakalmahin ang pisngi niyang namumula saka ibinalik ang tingin sa binata. "Kung wala ka namang kailangan sakin, makakaalis ka na. Ibang babae nalang ang isturbuhin mo, huwag ako," pagtataray niya.

Tumiim ang titig nito sa kaniya. "What changed?" Humaplos ang daliri nito sa pisngi niya at nilabanan niya ang sariling huwag mapapikit sa masarap na pakiramdam na dulot niyon. "Last night, you were a sex goddess and now you are demure. I wonder..."

"I'm not drunk anymore," taas nuo niyang sabi saka tumayo. "That's what changed."

Akmang iiwan niya ang binata para makatakas sa binubuhay nitong sensasyon sa katawan niya ng pigilan siya nito sa braso.

"Not so fast, honey." Mabilis na hinapit siya nito palapit sa katawan nito saka parang nang-aakit na hinaplos ang likod niya. At dahil backless ang damit na suot, nagsitaasan ang mga balahibo niya ng humaplos ang mainit nitong palad sa balat niya. "Not so fast, Etheyl," he whispered. "You left without saying goodbye."

Pilit niyang nilalabanana ang nararamdaman ng katawan niya. "Mr. Vargaz, what happened to us was just a one-night stand. Lasing ako at wala sa tamang huwisyo kaya ko nagawa 'yon. So, please, let go of me."

Etheyl sucked her breath when Calyx tightened her hold on her. Magkadikit na magkadikit ang dibdib nila. Alam niyang ramdam na ramdam nito ang mayayaman niyang dibdib at halos hindi siya gumalaw dahil gahibla nalang ang layo ng mga labi nila ni Calyx.

He was inching closer to her and she could feel her body responding to their closeness.

"Mr. Vargaz—"

"Just a one-night stand?" Tanong nito sa nanunuring tingin.

Napalunok siya. "Please, let go of me."

Her body... it was starting to react. iIt was starting to burn for him.

"Please, let go of me," pilit niyang nilalabanan ang pagkadarang na nararamdaman.

"What if I don't want to?"

"I'll scream," pananakot niya.

He smirked. "Go ahead, honey. Scream as loud as you can."

Pilit siyang nagpupumiglas para makawala sa mahigpit nitong pagkakayapos sa beywang niya. "Bitawan mo sabi ako, e." She couldn't help herself. Her eyes dropped down to his lips. Damn those lips.

"Go on," may panunudyo ang kislap sa mga mata nito. "Kiss me like you did last night."

Mabilis niyang iniiwas ang tingin. "Bitawan mo ako. Uuwi na ako."

Mas lalo pang inilapit nito ang mukha sa mukha niya na mas lalong bumuhay sa katawan niya. "Care to dance before going home?"

Umiling siya. "No."

"I'll take that as a yes."

Walang nagawa si Etheyl ng igiya siya ng binata patungong dance floor. Ayaw niyang gumawa ng eksena na makakasira sa party na 'yon kaya naman nagpatianod nalang siya sa binata. Kaagad na yumapos ang mga braso ni Calyx sa katawan niya ng makarating sila sa dance floor. Napakalapit ng katawan nila at mukha na naamoy na niya ang mabango nitong hininga na mas lalong dumadagdag sa pagnanasang nararamdaman niya para sa binatang kasayaw.

Please, God, help me! This temptation will not do me any good.

Nahigit ni Etheyl ang hininga ng maramdamang gumapang pababa sa pang-upo niya ang kamay ng binata.

Malalaki ang matang tumingin siya sa pangahas. "Calyx!" She hissed.

He smiled, showing his set of dimples that almost made her knees buckle. "There's my name." Tumaas na naman ang kamay nito mula sa pang-upo niya saka ang beywang naman niya ang niyapos habang sumasayaw sila sa saliw ng malamyos na musika. "It actually sounds good when you say it."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi ng maramdaman niya ang hininga ni Calyx sa mga tainga niya.

Good, God! What was this man doing to her? Simpleng yapos palang nito pero halos manginig na ang kalamanan niya.

Hindi ito puwedeng magpatuloy na ganito. Kailangan niyang iwasan si Calyx. Hindi makabubuti sa kaniya ang epekto nito sa katawan niya.

She had to get away from him!

Kaya naman ay marahan niya itong tinulak palayo sa kaniya, sapat na para mapaatras ito at hindi mapansin ng mga naroon ang ginawa niya, saka malalaki ang hakbang na umalis sa dance floor at nagtuloy-tuloy palabas ng solar, patungo sa gate ng bahay.

She should not have come here. Hindi na sana siya umattend sa party na 'to. E, di sana hindi niya nakita si Calyx na kompyansa siya na hindi na niya makikita kailanman pero doon siya nagkamali.

Mabilis siyang lumapit sa kotse niyang nakaparada saka nagmamadaling pinaharurot iyon palayo sa lugar na 'yon. Palayong sa temtasyong gusto niyang iwasan, sa temtasyong walang maidudulot na maganda sa kaniya kundi sakit lang ng ulo.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top