CHAPTER 18
CHAPTER 18
LARAWAN ng isang masayang pamilya si Etheyl, Calyx at Seth habang nagsa-shopping sila. Pumayag si Etheyl na ipasyal sila ni Calyx sa Hong Kong. Paano naman siyang makaka-hindi na pumalahaw ng iyak si Seth ng sabihin niyang busy siya at hindi sila makakasama.
Her son looked happy as they talked about what they would do on their trip to Hong Kong except visiting Disneyland. At iyon din ang dahilan kung bakit magsa-shopping sila ngayon. Ang totoo niyan, ayaw ni Etheyl na mag shopping sila dahil nga sa kakulangan sa pera, pero wala siyang nagawa dahil pinagtulungan siya ni Calyx at ng anak niya. Kaya naman heto sila ngayon sa mall, namimili para sa pag-alis nila mamayang hapon.
"Mommy, gusto ko po ang shoes na 'yon." Turo ng kanyang anak sa pambatang sapatos na naka-display.
Nasa loob sila ng isang mamahaling shoe boutique at ni ayaw niyang tumingin sa mga paninda na naroon kasi alam niyang libo-libo ang presyo ng bawat isa.
"Anak, hindi naman ta'yo narito para bumili ng shoes mo," sabi niya kay Seth na nakatingin pa rin sa sapatos na tinuro nito. "Narito tayo kasi sinamahan natin si tito Calyx mo na bumili ng bagong shoes."
Sumimangot ito at hindi na umimik. Alam niyang nagtatampo ito.
Huminga siya ng malalim at kinuha ang sapatos na tinuro nito pagkatapos ay tiningnan ang presyo. Muntik nang malaglag ang panga niya ng makitang halos sampong libo ang halaga ng sapatos. Mabilis niyang ibinalik 'yon sa lalagyan at hihilain sana paalis si Seth ng may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya.
"Etheyl?"
Nilingon niya ang tumawag sa kaniyang pangalan at ganoon na lamang ang pagkabigla na naramdaman niya ng makita si Vincent na nakatayo hindi kalayuan sa kanya.
"Vincent?" Hindi pa rin makapaniwalang sambit niya sa pangalan ng kaniyang ex-boyfriend.
Tumango ang lalaki. "Ako nga." Lumapit ito sa kaniya at natigilan ng makita si Seth na nasa tabi niya at nakatingin pa rin sa sapatos na tinuro nito. "Siya ba ang anak mo?"
Tumango siya. "Oo. Seth ang pangalan niya."
Matamang tinitigan ni Vincent ang anak niya. "Matagal na rin pala mula nuong maghiwalay tayo," anito na may panghihinayang ang boses. "Kung inintindi ko lang sana ang kalagayan mo noon, sana masaya tayo ngayon kasama si Seth."
Hindi naramdaman ni Etheyl ang palaging nararamdaman niya kay Calyx sa tuwing sinasabi nitong tanggap nito si Seth.
Tipid lang siyang ngumiti. "Matagal na 'yon. Dapat nang kalimutan."
Marahang tumawa si Vincent. "'Yon na nga, e. Ang tagal na no'n pero hindi ko pa rin makalimutan ang pinagsamahan natin noon. We've been together for more than six years, Etheyl, tapos magpapabuntis ka lang pala sa iba."
Napansin ni Etheyl na napapatingin sa gawi niya ang mga taong nakakarinig sa mga pinagsasasabi ni Vincent. Puno nang panghuhusga ang mata ng mga ito.
Judgmental people and their small brains! Pfft! Fuck shit!
Nagtagis ang bagang niya at matalim ang matang sinalubong ang tingin ni Vincent. "Hindi ako nagpabuntis, Vincent. Alam mong aksidente ang nangyari."
Vincent rolled his eyes. "Aksidente? Ano 'yon, nasagasaan ka tapos nabuntis ka?" Puno ng sarkasmo ang boses nito. "Kung nakinig ka sakin noon na ipalaglag mo ang batang 'yan, e di sana masaya ta'yo ngayon."
Etheyl was gritting her teeth and controlling herself not to slap the man in front of her. How dared he?!
Hindi pumasok noon sa isip niya na ipalaglag ang bata sa sinapupunan niya. Kahit wala iyong ama at kamamatay palang nang mga magulang niya at kasagsagan noon ng kahirapan nila, hindi niya naisip na patayin si Seth. At hindi niya pinagsisisihang binuhay niya ang anak niya.
Tama si Calyx. Seth was the best thing that ever happened to her.
"Mahal na mahal kita no'n, Etheyl. Tatanggapin naman sana kita kung ipinalaglag mo ang batang dinadala mo noon," dagdag pa ni Vincent. "Look at you now. Maganda ka nga pero nasisigurado kong walang tatanggap sayo kasi may anak ka na. Sino ba namang lalaki ang may gusto ng ready-made family? Wala." Binuntutan pa nito iyon ng nakakairitang tawa.
Handa na siyang sampalin ang lalaking kaharap ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran at hinalikan siya sa leeg.
"Hello there, beautiful," anang boses ni Calyx at binitiwan siya. Pagkatapos ay kinarga nito si Seth. "Hey, kiddo, may nagustuhan ka bang sapatos? Ituro mo lang at bibilhin 'yon ni daddy para sa'yo."
Gumuhit ang walang pagsidhang kalagayan sa mukha ng anak niya. "Talaga po, daddy? Ibibili mo ako ng shoes?" Malalaki ang matang tanong ni Seth kay Calyx.
Tumango naman si Calyx. "Oo, naman. Ikaw pa. Pili ka na."
Mabilis na tinuro ni Seth ang sapatos na tinuro nito kanina. "'Yon ang gusto ko daddy."
Binalingan ni Calyx si Vincent na nakamaang habang nakatingin kay Calyx at Seth. Hindi nakatakas sa paningin ni Etheyl ang pagtalim ng mga mata ni Calyx ng tumingin ito kay Vincent. May hinala si Etheyl na narinig ni Calyx ang mga pinagsasasabi ni Vincent kanina.
Bumaba ang tingin ni Calyx sa I.D. na suot ni Vincent. "Manager, right?"
Parang wala sa sariling tumango si Vincent.
"May size five ba kayo ng sapatos na 'yan?" Tanong ni Calyx kay Vincent habang ang daliri nito ay nakaturo sa sapatos na pinili ni Seth. "Pakikuha nga. Isusukat ng anak ko." Binigyang diin ni Calyx ang dalawang huling salita.
Hindi lang si Vincent ang nagulat sa sinabi ni Calyx. Pati rin siya. Anak ko? Really? Nababaliw na ba ang lalaking 'to? Inangakin talaga ang anak niyang si Seth? Halos nakaawang lang ang labi niya sa sobrang gulat habang nakatingin kay Calyx.
Sa halip na kumuha ng sapatos na size ni Seth, mapait na tumawa si Vincent habang nang-uuyam na nakatingin sa kanya.
"Siya ba ang pinagpalit mo sakin?" Tanong nito na matalim ang mga mata habang nakatingin kay Calyx. "Siya ang pinagmamalaki mo? I deserve you more than him!"
Pinagtitinginan na sila ng mga tao na naroon sa loob ng boutique.
"Ano ba, Vincent!" Etheyl was half-shouting and half-whispering. "Huwag ka ngang gumawa ng eskandalo rito."
"Anong eskandalo? Totoo naman, e! Siguro nagpanggap ka lang na aksidente ang pagkakabuntis sayo. Minahal pa naman kita. Isa ka kalang walang kwentang babae—"
Malakas na napasinghap si Etheyl ng biglang binigawasan ni Calyx sa mukha si Vincent dahilan para mawalan ito ng balanse at mapahiga sa sahig.
"Ikaw ang walang kuwenta." Calyx voice was so cold, it could freeze someone. "Kasi kung mahal mo siya tulad ng pinagsasasabi mo ngayon, hindi mo siya iiwan dahil lang sa isang pangyayari na hindi naman niya ginusto. Kaya hindi umaasenso ang bansang 'to, e. Kasi sa mga katulad mong makikitid ang utak at walang ginawa kundi ang manghusga ng kapwa. Wala kang karapatang tawaging walang kuwenta ang babaeng gusto ko. Gago." Binitiwan nito ang sapatos na hawak at tumama iyon sa mukha ni Vincent.
Binuhat ni Calyx ulit si Seth na ibinaba pala nito bago suntukin si Vincent, pagkatapos ay pinagsiklop ang kamay nila at hinila siya palabas ng nasabing boutique.
Nag-iisip si Etheyl kung paano ipapaliwanag kay Seth ang nasaksihan nito ng marinig niya ang boses ni Calyx.
"Sorry, kiddo, ha?" Wika nito habang sinusuklay ang buhok ni Seth. "Sorry at nakita mong may sinuntok si daddy. Nagalit lang ako kasi pinagsalitaan niya ng hindi maganda ang mommy mo, e. Huwag mong gagayahin ang ginawa ko, ha? Hindi lang kasi nakapag-pigil si daddy kaya nabigwasan ko ang gagong 'yon. At sorry dahil hindi natin nabili ang sapatos na gusto mo."
Ngumiti ang anak niya at niyakap si Calyx. "Okay lang 'yon daddy. Ang cool mo nga, e. At dapat lang 'yon kasi bad siya kay mommy ko."
Calyx smiled and hugged Seth back.
Hindi ma-i-alis ni Etheyl ang tingin kay Calyx at Seth na parang may sariling mundo habang nag-uusap. From the other person point of view, anak ni Calyx si Seth at nakikita niya ang pagmamahal ni Calyx sa anak nito. Etheyl could see in the depths of Calyx's pitch-black eyes that somehow, he cared for Seth and that touched her heart as a mother.
Calyx was really something.
Ipinalibot niya ang mga braso sa leeg ni Calyx at hinalikan ang binata sa likod ng tainga nito. "Salamat sa pagtatanggol sakin, Calyx. It means so much to me."
Binalingan siya nito at kinindatan. "No one insult the woman I like."
Etheyl bit her lower lip as her heart erratically hammered inside her chest at what Calyx had just said.
The woman whom he likes. God! Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya.
"Halika na," anang boses ni Calyx na pumutol sa pag-iisip niya. "Kain muna tayo tapos dadaan tayo sa apartment mo, then sa penthouse ko, and then we're off to the airport and hello Disneyland."
Masayang bumungisngis si Seth. "Yehey! Makikita ko na si Mickey Mouse!"
Mahinang natawa si Etheyl at magkasabay silang naglakad ni Calyx patungo sa pinakamalapit na kainan.
HONG KONG was only one hour and forty-one minutes away from the Philippines. Nang makita ni Etheyl ang pribadong eroplano ni Calyx, nakanganga lang siya at hindi makapaniwala na sasakay siya sa isang private plane na pag-aari ng binata.
Holy shit! Gaano ba talaga kayaman ang isang Calyx Vargaz? To think that he owned a freaking plane?! Bullcrap! Calyx was really too good to be true.
Nang makalapag ang pag-aaring eroplano ni Calyx sa Hong Kong, kinausap muna nito ang piloto bago sila lumabas ng eroplano. Hindi na si Etheyl nagulat nang may sumundo sa kanilang kotse na BMW at ihinatid sila sa Zapanta's Hotel, isa sa magagarang hotel dito sa Hong Kong. Nalula si Etheyl sa sobrang ganda ng nasabing Hotel. At mas lalo pa siyang nalula ng makapasok sila sa napiling silid ni Calyx.
"This is the Deluxe Room," anang lalaki na magsisilbing butler nila twenty-four-seven.
Having a butler was part of the hotel features.
"In this part of the room—" Iminuwestra ng butler ang kamay nito sa glass wall. "You will see the stunning view of Victoria Harbour and beyond to the popular Tsim Sha Tsui District on the Kowloon Peninsula." The butler slightly bowed his head. "On behalf of Zapanta Hotel, I wish you to have a very relaxing vacation. Just call me when you need anything." Then the butler exited.
Napatitig sila ni Calyx sa pintong nilabasan ng lalaki, kapagkuwan at pareho silang natawa.
"Ang gara naman ng kuwarto na 'to," komento niya habang pinapalibot ang paningin sa kabuonan ng silid.
"Yeah." Sangayon ni Calyx at niyakap siya mula sa likuran. "I once stayed here just for fun and it was fun. Ang dami nilang restaurants dito. Hindi mo na kailangan pang lumabas para kumain. And then they have this beautiful terrace restaurant. Very beautiful. If you enjoy Japanese cuisines, that's the restaurant for you."
"Hmmm." Humarap siya sa binata at ipinalibot ang mga braso sa leeg nito. "I want to go to this terrace restaurant but first—" She pressed her lips on his and quickly pulled away. "I want to say thank you. Sobrang maraming salamat dahil sa'yo, nakapunta ulit ako sa ibang bansa."
Napatitig ito sa kanya. "What do you mean?"
"I'll tell you later." Pinakawalan niya ang binata at hinanap si Seth.
Nakita niya ang anak niya na panay ang talon sa ibabaw ng kama. Mahina siyang napatawa ng parang bata na ginaya rin ni Calyx ang ginagawa ni Seth. Napailing-iling nalang siya sa pinaggagagawa ng dalawa.
Childish!
Lumapit si Etheyl sa luggage na naglalaman ng damit niya at kumuha roon ng tuwalya, pajama at spaghetti strap na pang-itaas.
Iniwan niya sa kuwarto si Calyx at Seth at pumasok sa banyo. Umawang ang bibig niya ng makitang may LCD T.V. sa loob ng banyo at mayroon ding Jacuzzi. Naka-separate ang shower room at marble ang sahig at dinding ng banyo.
Huminga siya ng malalim at nag-umpisang hubarin ang damit na suot.
Pagkatapos niyang mag shower at nang makalabas na siya sa banyo, natigilan siya ng makitang tulog na si Calyx at Seth. Magkatabi ang dalawa sa kama at nakayakap si Calyx kay Seth habang si Seth naman ay nakaunan sa braso ng binata.
Parang may kamay na humaplos sa puso niya sa nakita. She prayed to God na sana si Calyx na talaga ang lalaki na bubura sa lahat ng mapapait niyang karanasan sa pag-ibig. She wished that Calyx was the one. The one she would end up with and the one she will grow old with. Just a hopeful thinking.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top