CHAPTER 15

CHAPTER 15

KARGA-KARGA ni Calyx si Seth habang naglalakad sila papasok sa apartment. Mula ng lumabas sila sa hopsital, hindi na nagpababa si Seth kay Calyx. Si Etheyl na ang nagmaneho ng Kotse ni Calyx dahil panay ang lambing ni Seth sa binata.

Hanggang sa makapasok sila sa kanilang apartment ay hindi pa rin maalis ni Etheyl ang mga mata kay Calyx at Seth.

There was joy in her heart, but there was also sadness.

Ngayo lang ni Etheyl naisip na gusto talaga ni Seth na magkaroon ng ama. Etheyl could see how Seth clung to Calyx's neck. Panay ang paglalambing ng anak niya sa binata. Si Calyx naman ay halatang natutuwa.

Nag request ang binata na hindi niya sabihin kay Seth ang totoo pero umayaw siya dito. But seeing her son happy, she didn't have the heart to take away the happiness from Seth. Hindi niya kayang saktan ang anak niya. Ngayon lang niyang nakitang ganito kasaya si Seth. Etheyl wanted to tell Seth the truth, pero sa tuwing nakikita niya ang masayang ngiti sa mga labi nito, hindi niya magawang sabihin dito ang katutuhanan.

Naduduwag siya na baka masaktan ito na siyang iniiwasan niyang mangyari.

"Tapos? Nakailang star ka naman sa school?" Narinig niyang tanong ni Calyx sa anak niya habang nakaupo ang dalawa sa sofa at nakakandong sa hita ng binata ang anak niya.

Pinakita ni Seth ang kamay at tinuro ang pulsohan. "Daddy, dito nilalagay ni teacher ang stars ko. Kaya lang binura na ni mommy nuong naligo po ako."

Calyx faked a gasped of horror. "Binura ni mommy?! Bakit niya binura? That's a star at pruweba 'yon sa katalinuhan mo!"

Humagikhik ang anak niya. "Oo nga daddy, e. Sabi kasi ni mommy, dirty 'yon sa skin. Tapos alam mo po daddy, alam ko na kung paano isulat ang pangalan ko." May pagmamalaki sa boses ni Seth. "Tapos alam ko na kung paano magbilang mula one to twenty," excited na kuwento ni Seth kay Calyx.

Nakangiting ginulo ni Calyx ang buhok ni Seth. "Talaga? Wow naman. Ang galing. Gustong makita ni daddy kung talagang marunong ka na ngang magsulat sa pangalan mo. Puwede ba, kiddo?"

"Yes po!" Biglang umalis sa pagkakaupo si Seth kay Calyx. "Kukunin ko po ang bag ko." Excited na wika nito sa matinis na boses at patakbong pumasok sa silid nito.

Nangingiting bumaling sa kanya si Calyx at natigilan ito ng magtama ang mga mata nila.

"What?" Calyx inquired innocently. "Bakit ganyan ang tingin mo sakin?"

Umiling siya. "Nothing." Pinapangarap ko lang na ikaw na lang sana ang nakabuntis sa'kin, lihim niyang aniya.

Nakikinita na niyang magiging isang mabuting ama si Calyx. Pilit niyang iniisip na napipilitan lang si Calyx na pakisamahan si Seth pero hindi iyon ang nakikita niya. Nakikita niya ang masayang kislap sa mga mata ni Calyx sa tuwing tinatawag itong daddy ni Seth.

Would she dare hope?

"Earth to my beautiful Etheyl."

Napakurap-kurap siya ng maramdamang may humaplos sa pisngi niya.

Nagtama ang mga mata nila ni Calyx. Bahagya siyang nagulat dahil hindi man lang niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya.

"Nasaan ka na naman at bakit palagi kang nawawala?" Usisa nito sa kanya na magkasalubong ang kilay.

Nag-iwas siya ng tingin. "Wala. May iniisip lang ako."

"Mind telling me what you're thinking?"

Umiling siya. "Too personal."

Magsasalita pa sana ito ng marinig nila ang matinis na boses ng anak niya.

"Daddy! Daddy! Here po, oh. This is my name," ani Seth sa matinis na boses.

"We'll talk later," anito sa kanya at ginawaran siya ng halik sa nga labi at nakangiting humarap sa anak niya.

Bumuga ng hangin si Etheyl habang nakatingin kay Seth at Calyx na parehong nakadapa sa sahig at nagsusulat gamit ang lapis.

Nilukob ng kasiyahan ang puso niya. Pagkalipas ng ilang segundong pagtitig sa anak niya at kay Calyx, nagtungo siya sa kusina para maghanda ng meryenda para sa dalawa.

IDINIPOSITO ni Calyx si Seth sa kama nito at pinakatitigan ang bata. Isang araw palang niya itong nakakasama pero magaan kaagad ang loob niya rito.

In just one day, this kid managed to enter his heart. Kapag nakikita niya ang masaya nitong mukha, pakiramdam niya ay maayos na ang lahat. Kung sino man ang mga lalaki na tumakbo kapag nalalaman na may anak si Etheyl, mga gago sila.

Those imbeciles miss the chance to be a father to this wonderful kid.

Nang maihiga niya ito, inayos niya ang unan nito. Natigilan siya ng may nakitang magazine center fold sa ilalim ng unan. Nang kuhanin niya iyon at tingnan parang may sumuntok sa dibdib niya sa nakita. Napatitig siya kay Seth na mahimbing nang natutulog pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa hawak niya. It was a picture of him in a magazine center fold at may nakadikit doon na ginupit na picture ni Seth at may nakasukat doon na 'my daddy' gamit ang krayola.

Bumuga siya ng marahas na hangin ng maramdamang parang naninikip ang dibdib niya. Marahas siyang nagbuga ng hangin at ibinulsa ang center fold.

Lumabas siya sa kuwarto ni Seth at bumalik sa sala kung saan naroon si Etheyl at nanunuod ng T.V.

"Hey." Hinalikan niya ito sa pisngi at umupo sa tabi nito. Hinugot niya mula sa bulsa ang nakita niyang centerfold sa ilalim ng unan ni Seth at ipinakita rito. "I saw this under Seth's pillow."

Kinuha ni Etheyl ang centerfold na hawak niya at malutong itong napamura.

"Mapapatay ko talaga si Beth!" Galit na wika nito. "How dare she do this to my son!"

Nanggagalaiti ito at namumula sa galit ang mukha.

"That's okay, Etheyl," aniya saka humarap dito. "I'm sure Beth means well."

Hindi maipinta ang mukha nito. "Pero wala naman siyang karapatan na gawin sa anak ko 'to. Seth doesn't need a father—"

"I disagree," Calyx cut her off. "Nakikita mo ba kung gaano kasaya 'yong bata?"

Matalim ang matang tiningnan siya ni Etheyl. "Masaya siya ngayon, pero paano kung magsawa ka na at dumating ang araw na ayaw mo na samin? Sobra-sobrang sakit ang maidudulot niyon sa anak ko. I don't want that day to come! Ayokong masaktan ang anak ko, Calyx!"

Tumiim ang bagang niya. Naguumpisa na siyang mairita kay Etheyl. "Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa'yo na hindi nga ako aalis at wala akong balak na iwan ka o si Seth." Pinipigilan niya na humulagpos ang inis na nararamdaman.

Hindi naman siya aalis, bakit hindi ito naniniwala sa kaniya? Kung sex lang ang habol niya rito, kaya naman niya iyong makuha sa iba. Napakadali para sa kanya na humanap ng babae na ibubuka ang mga hita para sa kanya. But Etheyl is different. She captured something in him, and it seemed to him that she didn't even know that.

Nagdadalawang-isip naman siya na sabihin dito dahil alam niyang hindi rin naman ito maniniwala.

Calyx was dragged away from his thought when his phone rang.

"Give me a minute," sabi niya kay Etheyl at sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan ang Caller I.D.. "Hey, who's this?"

"Lander is in the hospital," boses iyon ni Shun. "Nabaril yata ang loko."

Napamulagat siya. "Ayos lang ba siya?" He asked frantically. "Saan siya nabaril? What the fuck happened, Shun?!"

"Chill, Vargaz. Lander is fine," ani Shun. "Nasa Romero's Hospital siya ngayon. Kung gusto mo siyang bisitahin, feel free. Pero kailangan ko ng katulong sa pag-aayos ng bahay niyang mukhang dinaanan ng bagyo."

He rolled his tongue over his lips. "Kailan natin aayusin?"

"Bukas. Free ka ba?"

Nilingon niya si Etheyl at nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. "Hold on a sec," sabi niya sa nasa kabilang linya at lumapit kay Etheyl. "Etheyl, puwede ba akong sumama sa mga kaibigan ko bukas? May aayusin lang kami."

Sa halip na sagutin siya, tumitig lang sa kanya si Etheyl na para bang gulat na gulat at hindi ito makapaniwala na nagtanong siya.

"Etheyl?" Bahagyan niyang niyugyog ang babae.

Napakurap-kurap ito. "Ha?"

Kumunot ang nuo niya. "Papayagan mo ba ako?"

Bumadha ang pagtataka at pagkailang sa mukha nito. "Kailangan ba ang permiso ko?"

Tumango siya. "Oo. Baka hanapin ako ni Seth bukas, e. Ayoko namang bigla nalang hindi magpakita, baka ano na naman ang isipin mo."

Nagbaba ito ng tingin. "Oo naman. P-Puwede kang s-sumama."

Kahit nakatungo ito, nakikita niyang namumula ang pisngi nito. What could possibly be the reason of her blush? I wonder.

"Salamat, ganda." Hinalikan niya ito sa mga labi at ibinalik ang atensiyon sa kausap sa cell phone. "Sure, Shun. Free ako bukas."

Tumawa ang nasa kabilang linya. "Really, Calyx? Nag-paalam ka talaga sa kanya? Ano mo siya, asawa mo?"

He stiffened at what Shun said and then a smile crept onto his lips. Hmm. "That's actually a good idea, my friend. Maybe i should ask her—"

"Whatever, lover boy. Save me the cheesiness," putol ni Shun sa iba pa niyang sasabihin at pinatayan siya ng tawag.

Napailing-iling nalang siya at bumaling kay Etheyl. "I have to go, beautiful," paalam niya. "Gabi na rin at hindi pa ako nagpapalit ng damit mula kaninang umaga. I feel greasy."

Napakagat labi si Etheyl at parang nahihiyang nagsalita. "Y-You could stay. M-Medyo malapad naman ang kama ko."

Natigilan siya saka napabaling dito. "You sure?"

Tumango ito. "Yeah."

"Pero wala akong damit dito." Bumagsak ang balikat niya. "I have to bath and all that shit."

"Ahm, bakit hindi ka umuwi ngayon, maligo ka at kunin mo lahat ng kakailanganin mo hanggang bukas tapos balik ka rito," suhestiyon ni Etheyl habang kagat nito ang pang-ibabang labi.

At sino siya para tumanggi?

"Sigurado ka?" Paninigurado niya. Baka napipilitan lang ito.

Tumango ito at tipid a ngumiti. "Oo, sigurado ako." Lumamlam ang mga mata nito. "I want to be with you tonight at may tiwala naman akong wala kang gagawin sa aming masama ni Seth."

Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya. "Salamat sa tiwala, ganda."

Etheyl nodded and pushed him towards the door. "Sige na. Umalis ka na para makabalik ka kaagad."

"Okay. I'll be back as fast as I could," wika niya at nagmamadaling lumabas ng apartment ni Etheyl.

And for the first time in his life, he moved with a speed of lightning. Na-i-excite na siya sa isiping makakasama niya si Etheyl sa isang kama sa buong magdamag.

He had a problem though. Makakatulog kaya siya habang nasa tabi niya si Etheyl sa kama at nagkalapit ang mga katawan nila? Good God!

NANLALAMIG ang kamay ni Etheyl habang hinihintay na dumating si Calyx. Nakapaligo na siya at naayos na niya ang silid niya. Pinalitan niya ang bed cover, pillow cover at pati ang kumot ay pinalitan din niya.

Kinakabahan siya habang patingin-tingin sa pintuan ng apartment niya.

Bakit naman kasi naisip ko pang patulogin dito si Calyx—

Napatigil siya sa pag-iisip ng makarinig ng katok mula sa pinto. Huminga muna siya ng malalim bago naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon.

"Hi," aniya na may kiming ngiti ng makita si Calyx.

Calyx smiled back. "Hey."

Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto. "Pasok ka."

Nakangiting pumasok ito. Napapikit siya ng lampasan siya nito at nanuot sa ilong niya ang panlalaki nitong amoy. Naramdaman niyang nanubig ang bagang niya. Shit! Bakit ba ang bango ng lalaking 'to? Was he seducing her? Because it was freaking working.

Ini-locked niya ang pinto at humarap kay Calyx. Nakalagay ang kamay nito sa harap ng bulsa ng jeans at parang naiilang na hindi makatingin sa kanya. Kahit siya naiilang pero nilabanan niya iyon at hinawakan ito sa kamay pagkatapos ay hinila ang binata patungo sa kuwarto niya.

Etheyl left the door unlock in case Seth wakes up.

"Mahiga ka na," sabi niya habang tinatangal ang pagkakatali sa buhok. Naka-pajama na siya at naka spaghetti strap na damit kaya naman hindi na niya kailangan pang magbihis. 'Yon ang palagi niyang suot kapag natutulog. "Sa kanan ka, sa kaliwa ako," aniya.

Etheyl heard a chuckle. Nilingon niya ang binata at nakita niyang nakatingin ito sa kama.

"So...." Calyx trailed off and pointed the right side of the bed. "Matutulog tayo kaagad?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano gusto mo, mag jack 'n poy tayo?"

"We could talk," suhestiyon nito.

Tinuro ni Etheyl ang wall clock na naroon. "Talk? Tingnan mo nga ang oras. Alas-onse na. Matulog na tayo."

"My life actually starts at eleven," tugon ni Calyx na ikinataas ng dalawa niyang kilay.

Naglakad siya palapit sa kama at umupo sa kanang bahagi ng higaan. "So, you mean to say, natutulog ka madaling araw na?"

Tumango ang binata. "Yep. Kapag ganitong oras, I'm usually getting laid or I'm bar hopping."

Nahiga siya sa kama at matalim ang mata na tumingin dito. "Sige, kung ayaw mong matulog, lumabas ka at maghanap ka ng babaeng makikipagtalik sayo." Pagkasabi niyon ay tumagilid siya ng higa. Ang likod niya ay nasa kay Calyx.

Ethel heard a light chuckle followed by a rustling sound of clothes. And then seconds later, may tumabi ng higa sa kanya sa kama at yumakap sa beywang niya.

What the fudge? Nakahubad-baro ba si Calyx? Pasimpling niya pinatama ang siko sa katawan nito at ganoon na lamang ang panunuyo ng lalamunan niya ng maramdamang wala ngang suot ng pang-itaas ang binata.

Temptation!

Napakagat-labi si Ethel ng maramdaman niya ang matitipunong dibdib ng binata na nakadikit sa likod niya. She wa wearing a spaghetti strap kaya naman ramdam niya ang init na nanggagaling sa katawan nito. And not to mention his arms draped over her waist. Damn it!

Kinapos siya ng hininga ng maramdamang pumasok ang kamay nito sa likod niya at ini-unhook ang suot niyang bra pagkatapos ay dahan-dahan iyong hinubad sa kanya.

"Calyx..." She was breathing heavily now.

His lip touched her nape. "Sabi sa nabasa kong article, masama raw sa babae na matulog na may suot na bra." Mahigpit siya nitong niyakap mula sa likuran at bumulong. "Good night, my beautiful Etheyl."

Nakabalik na sa wakas ang normal niyang paghinga. "Good night, Calyx."


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top