CHAPTER 14
CHAPTER 14
NAKATITIG lang si Etheyl kay Calyx habang naka-upo ito sa hospital bed at nakakandong si Seth sa hita nito. Naglalaro ang dalawa ng bato-bato-pick at panay ang tawa ng anak niya na bakas sa mukha ang kasiyahan. She felt a soft hand caressed her heart at the scene in front of her.
Ito ba ang pakiramdam na makita ang anak niya na nakikipaglaro sa ama nito? How she wished na si Calyx nalang ang ama ni Seth pero alam niyang napaka-imposible ng hinihiling niya. Nakikita ni Etheyl kung gaano kasaya si Seth habang kalaro si Calyx. Si Calyx ang ikinakabahala niya. Baka napipilitan lang ito na pakitunguhan ng maayos ang anak niya.
He was a freaking bachelor. Baka ayaw lang nitong paiyakin ang anak niya o baka naman ayaw nitong sumama ang pagtingin niya rito. Hindi na si Etheyl magtataka kung sa pag-uwi ngayon ni Calyx ay hindi na ito magpakita pa sa kanya. Ganoon naman palagi ang mga kalalakihan dumaan sa buhay niya.
Tumikhim siya dahilan para mapatingin sa gawi niya si Calyx. Nginitian siya nito at pinagpatuloy ang pakikipaglaro sa anak niya.
I have to set things right. Ayaw niyang magsinungaling sa anak niya.
"Seth, anak?" Ani Etheyl sa malumanay na boses at umupo sa gilid ng kama. "May tanong si mommy? Puwede mo ba akong sagutin?"
Binalingan siya nito. "Ano po 'yon, mommy?"
Tumingin muna si Etheyl kay Calyx na walang imik na nakamasid lang sa kanya bago nagsalita. "Anak, bakit mo tinawag na daddy si tito Calyx mo?"
Sumimangot ang anak niya. "Hindi siya tito! Daddy ko siya! Daddy!" Kaagad itong yumakap kay Calyx. "Daddy diba kita?" Tanong nito kay Calyx habang nakatingin sa mga mata nito. "We have the same hair color. Tapos po, you called me kiddo. Palagi ko po kasing napapanaginipan na tinatawag ako ng ganoon ng daddy ko. Tapos po nuong binantayan po ako ni tita Beth may pinakita siya sa aking picture. Sabi niya iyon ang daddy ko at ang picture po na 'yon ay kamukha ni Daddy," sabi nito sabay turo kay Calyx.
Tumaas ang kilay ni Calyx. Nakikita niyang may sinusupil itong ngiti sa mga labi. "May ipinakitang picture sayo si tita Beth mo?" Tanong nito.
"Opo," sagot ng anak niya kay Calyx. "Kamukha niyo po siya." Tumingin si Seth sa kisame na parang nag-iisip pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Calyx. "Ang name po ng daddy ko ay Calyx Vargaz. Sabi ni tita Beth secret lang namin 'yon kasi nga magagalit si mommy ko." Sinapo nito ang mukha ni Calyx. "Hindi po ba ang name niyo po ay Calyx?"
Tumango ang binata. "Yes. Calyx Vargaz."
Mabilis na nilingon siya ng kaniyang anak na siyang-siya. "See, mommy? Siya talaga ang daddy ko!"
Nasapo niya ang ulo at hinilot ang sentido na nag-uumpisang sumakit. Mapapatay talaga kita Beth! Wala itong karapatan na magsinungaling sa anak niya! Letse! Ano nalang ang mangyayari kay Seth kapag nagsawa na si Calyx? Siguradong doble-doble ang sakit na mararamdaman nito.
Bullcrap!
"Tulog ka na, kiddo," narinig niyang sabi ni Calyx pagkatapos ay ihiniga si Seth sa kama. "Past nine P.M. na. Kailangan mo nang magpahinga para bukas pwede ka nang makauwi."
"Okay po," sagot ni Seth.
Ginulo ni Calyx ang buhok nito. "Sige na. Sleep ka na."
Kaagad na ipinikit ni Seth ang mga mata. Akala ni Etheyl ay natutulog na ang anak niya ng bigla itong magsalita.
"Daddy?"
"Yes, kiddo?" Mabilis na tugon ni Calyx na para bang normal na na tawagin itong Daddy ng anak niya.
"Bukas po ba, paggising ko, narito pa rin kayo?" Tanong nito sa malungkot na boses.
Kinagat ni Etheyl ang pang-ibabang labi ng maramdamang nanubig ang mga mata niya sa tanong ni Seth. Oh, God! Please don't hurt my son.
Calyx looked at her before answering. Nababasa niya sa mukha nito na siya ang gusto nitong pasagutin sa tanong ng kanyang anak.
"Daddy?" Seth inquired again.
Nilapitan ni Etheyl ang anak at hinalikan sa nuo. "Oo, baby. Bukas paggising mo, narito pa si Tito Calyx mo." She dragged her gaze to Calyx who's looking at her intently. "Hindi ba? Narito ka pa bukas o dapat na akong maghanda ng mahabang eksplinasyon kung bakit hindi ka niya makikita ulit?"
Calyx looked at Seth and then his stare hopped back to her. May kakaibang kislap ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Nandito pa ako bukas at sa mga susunod pang bukas na darating."
Bumilis ang tibok ng puso niya at nabalot iyon ng kasiyahan. Totoo ba talaga? He would stay with her after knowing that she had a son? Ano 'to? Isang malaking biro o isang panaginip lamang? Sana hindi. Kasi kung nananaginip siya, ayaw na niyang magising pa. At sana naman hindi lang ito isang malaking biro ng tadhana.
NANG masiguro ni Etheyl at Calyx na natutulog na si Seth, lumipat sila sa mahabang sofa na naroon sa gilid ng Kuwarto.
Nakahiga sila sa sofa. At dahil hindi sila kasya, pareho silang nakatagilid ng higa at nakaharap sa isa't-isa. Ang isang braso ni Calyx ay nakayakap sa beywang niya at ang isa naman nitong braso ang ginawang unan ni Etheyl.
"Sinong ama ni Seth?" Kapagkuwan ay tanong ng binata sa kanya.
Alam ni Etheyl na magtatanong si Calyx pero hindi pa rin niya napaghandaan ang isasagot dito. Would she lie or would she tell him the embarrassing truth?
Etheyl choose the latter.
"Kaga-graduate ko lang no'n sa college. My boyfriend, Vincent, and I went to a bar to celebrate," panimula niya. "Lasing siya, lasing din ako. Nuong pauwi na ako, akala ko siya ang kasama ko. I was so drunk that night I don't know who I was dancing with or drinking with. Ang naalala ko lang, a guy took me home. Akala ko si Vincent 'yon." Mapait siyang ngumiti. "But then the next morning, nagising ako sa isang kuwarto na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko at masakit ang pagkababae ko. I saw the blood on the sheet. I assumed na may nangyari sa amin ng kung sino man ang lalaking 'yon na may-ari ng kuwarto na 'yon. I was scared and confused as hell and my head was throbbing, so, I run as fast as I could. And then nine months later, hello baby Seth."
"Anong nangyari sa boyfriend mo?"
"Galit na galit siya sa'kin. Iniwan niya ako and the rest is history."
Calyx raised his hand to touch her cheek. Naramdaman niyang tinuyo nito ang luha na hindi niya alam na namamalisbis na pala sa pisngi niya.
"Nakaraan na 'yon. Huwag mo nang iyakan pa," anito na seryosong nakatitig sa mga mata niya. Walang panghuhusga ang mga mata nito katulad ng inaasahan niya. "Pero alam mo, may magandang kinalabasan naman ang nangyaring 'yon sa'yo." Tumingin ito kay Seth at ibinalik ang atensiyon sa kanya. "You have Seth. At para sa'kin, dapat kang maging masaya. Don't dwell on the past because you will not have a bright future if you keep on looking back. Just focus on what's happening in the present. Kaya nga tinawag 'yong present diba, kasi isa 'yong regalo mula sa panginoon. Focus your attention on your son dahil siya ang present mo. Siya ang regalo ng diyos sayo."
Napatitig siya sa binata na nakangiti sa kanya. "Salamat at hindi mo ako hinusgahan."
"Who am I to judge?" Tanong nito. "I'm just a mere mortal who's going crazy over you."
Umawang ang labi niya sa sinabi nito. "A-ano?"
Umiling si Calyx. "Wala."
"Ano nga 'yon," pamimilit niya.
Ngumiti ito. "Huwag na, hindi ka naman maniniwala, e."
Inirapan niya ito at natahimik silang dalawa ng ilang minuto hanggang sa basagin niya iyon sa isang katanungang matagal na niyang tinatanong sa isip niya. "Minsan naisip ko, paano kaya kung hindi ako tumakbo? May ama kaya ngayon ang anak ko?"
Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Calyx at nagdilim ang mukha nito.
"Mabuti na ring tumakbo ka," anito sa walang emosyong boses. "Kasi hindi kita makikilala. Pero kung nangyari man iyang iniisip mo at nakilala kita, wala akong pakialam kahit may asawa ka pa. Hindi ako titigil hanggat hindi ka nagiging akin."
Malalaki ang matang nakatitig lang siya sa guwapong mukha ni Calyx habang sobrang bilis ng tibok ng puso niya. "Calyx, ano bang pinagsasasabi mo riyan..."
"I don't want to see you with another man, Etheyl." He possessively wrapped his arms around her waist. "I don't want you to think of another man. I'm a very jealous and possessive man, beautiful. Ang akin ay akin."
Parang sasabog ang puso niya sa bilis ng tibok niyon. "Pero hindi ako sa'yo—"
"You think that you are not mine, but you are mine, Etheyl." Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. "Kahit ikaila mo ng ilang libong beses, alam kong nakapasok na ako sa sistema mo. I can feel it, Etheyl."
Bigla siya nitong kinubabawan.
"Calyx—"
Inilapat nito ang labi sa mga labi niya pagkatapos ay matiim na tumitig sa kanya na parang binabasa nito ang nilalaman ng puso at isip niya niya.
"I don't want to hear you say that you are thinking about Seth's father, dahil nagseselos ako, Etheyl. Ayokong may ibang lalaking laman iyang isip mo maliban sakin. Hindi ako papayag na may ibang lalaking umagaw sayo."
Nakaawang lang ang mga labi ni Etheyl kay Calyx. Hindi siya makapagsalita. Parang nag-freeze ang utak niya sa mga narinig na sinabi nito.
"Ayaw mong maniwala sakin na ikaw ang tipo kung babae at hindi kita lolokohin, ayos lang 'yon sakin. But please, don't think of any guy other than me. Not Seth's father, not Vincent, or Cole. Ako lang. Just me, Calyx Vargaz."
Parang sasabog na ang dibdib niya sa bilis ng tibok niyon. "Calyx..."
Ipinikit ni Etheyl ang mga mata ng makita niyang unti-unting bumababa ang labi ni Calyx sa mga labi niya. At nang magtagpo ang mga labi nila, napabuntong-hinga nalang si Etheyl. Tama si Calyx, nakapasok na ito sa sistema niya. At 'yon ang kinakatakot niya. Baka dumating ang araw ma-realize nalang niya na nakapasok na rin ito sa puso niya.
Nang maghiwalay ang mga labi nila, hindi napigilan ni Etheyl ang bibig na magtanong. "Ako ba talaga ang tipo mong babae? Kasi, Calyx, magsabi ka lang kong sex ang habol mo sakin kasi ayokong masaktan—"
"Shhh." Dumapo ang mga labi nito sa leeg niya at hinalikan siya roon. Gumapang ang halik nito patungong tainga niya. "Etheyl, I will not have a difficulty of finding a willing woman to warm my bed. Kung sex lang ang habol ko sa'yo, kaya ko 'yong makuha sa ibang babae na walang anak at walang sabit. Pero hindi lang iyon ang gusto ko sa'yo, Etheyl. I want all of you. At kasama na roon ang anak mo."
Mapait siyang ngumiti. "Ang hirap lang paniwalaan ang lahat ng ito. Ayokong magising isang araw na panaginip lang pala ang lahat, or worse, baka isang bangungot." Napailing-iling siya habang nakapikit ang mga mata. "Ayoko ng ganito Calyx. Natatakot ako sa ganito."
Habang nakapikit siya, naramdaman niyang hinalikan ni Calyx ang nuo niya.
"Etheyl, I'm here to stay," wika nito.
Hindi siya umimik at nanatiling nakapikit ang mga mata. Bumukas lang iyon ng kunin ng binata ang atensiyon niya.
"Etheyl?"
She opened her eyes. "Hmm?"
"I have a request."
"Ano naman 'yon?" Kunot ang nuong tanong niya.
May pag-aalangan sa mukha nito bago nagsalita. "Puwede bang huwag mong sabihin kay Seth ang totoo? Gusto kong patuloy niyang isipin na ako ang daddy niya."
Nagsalubong ang kilay niya at marahas siyang umiling. "No. Hindi ako magsisinungaling sa anak ko."
"Please?"
"Hindi ako papayag. I don't want to lie to my son."
"So, you would rather tell him the truth and hurt him in the process?"
Natigilan siya kapagkuwan ay napabuntong-hininga. "Truth hurts. Pero mas mabuti na 'yon kesa magsinungaling ako sa kaniya."
Nag-iwas ng tingin si Calyx at umalis sa pagkakakubabaw sa kanya.
"May mali ba sa hiling ko?" Kapagkuwan ay tanong ni Calyx habang nakatingin kay Seth na mahimbing nang natutulog. "Gusto ko lang naman maging masaya 'yong bata. Did you see his face every time he calls me daddy and I call him kiddo? I don't know a thing or two about being a father, but I'm willing to learn. Doon din naman ta'yo pupunta diba? Mas makabubuti nang malaman ko ngayon kung paano ang maging isang ama kesa naman mangapa ako kapag magkasama na tayo."
Napatigalgal siya sa huling sinabi ni Calyx. Doon din sila pupunta? Wait! What?! Alam ba ng lalaking ito ang pinagsasasabi nito? Alam ba ni Calyx ang ibig sabihin ng sinabi nito ngayon-ngayon lang? It was an indirect marriage proposal! Or, maybe she was just over thinking again. But no... 'yon ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito.
"Earth to Etheyl. Hey!"
She heard someone snapped their finger.
Napakurap-kurap siya at nagtama ang mga mata nila ng binata.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Calyx sa kanya.
Napatitig siya sa binata. "Alam mo ba ang ibig sabihin ng mga pinagsasasabi mo?"
"Yes. I do."
Napailing-iling nalang siya at bumuga ng hangin. Sigurado siyang hindi nito alam ang pinagsasasabi nito. Pero umasa ang puso niya na sana, may katotohanan ang mga salita na lumabas sa bibig ni Calyx. Then she would be the happiest and luckiest woman in the world.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top