CHAPTER 8
CHAPTER 8
NAPAKUNOT ang nuo ni Lander pumasok siya sa kaniyang opisina at nakitang nasa harap ng laptop niya si Vienna at abala sa kung ano ang ginagawa nito. He had issues when it comes to other people using his laptop.
Baka maulit na naman ang nangyari noon ... pero si Vienna naman gumagamit niyon at hindi ibang tao.
Speaking of which...
Mataman niyang tinitigan ang dalaga na abala sa harap ng laptop niya. Curious siya sa kung anong ginagawa ng dalaga sa harap ng laptop niya.
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. Mabilis na isinara ni Vienna ang laptop kasabay ng pag-angat nito ng tingin sa kaniya.
"Hey." Nginitian siya nito. "Tapos na ang board meeting mo?"
"Yeah," sagot niya habang nakakunot parin ang nuo niya. "Why are using my laptop? Did Stephanie give you the password?"
Wait, Stephanie was with me the whole time.
Mas lalong kumunot ang nuo niya habang iniisip kung paano nito nabuksan ang laptop niya na hindi mabubuksan kung hindi alam ang password niya.
"Sino si Stephanie?" Tanong nito at tumayo mula sa pagkaka-upo sa swivel chair niya at tumingin sa glass wall ng LaCars building kung saan kitang-kita ang nangyayari sa labas ng gusali.
"My secretary," aniya at naglakad palapit dito. "Sa kanya mo ba nalaman?"
"Anong naman ang big deal kung kanino ko nalaman? Wala naman akong ginawang masama sa laptop mo. Na bored kasi ako habang naghihintay na matapos ang board meeting mo, so pinakialaman ko ang laptop mo."
Napabuntong-hinga siya. "I have issues regarding other people using my laptop. Minsan na kasing nanakawan ako ng file at hindi ko nalaman. I trusted my secretary with my laptop and she freaking stole some of the company's confidential files."
Tumango-tango ito at humarap sa kanya. "At wala kang tiwala sa akin? Wala naman akong ginawang masama sa laptop mo. Hindi ko pinakialam ang files mo. Aanhin ko naman ang mga 'yon? Trust me when I say that I didn't do anything with your freaking files."
"The last time I trusted you, I ended up like a trash in the gutter."
Nagbaba ito ng tingin at may malungkot na kislap ang mga mata. "Hindi mo na ba ako pagkakatiwalaan ulit?"
"That's the thing about trust." Inangat niya ang mukha nito at hinaplos ang pisngi ng dalaga. "Madaling makuha pero napakadali ring mawasak. At kapag wasak na, napakahirap nang ibalik pa."
Tinitigan siya ni Vienna sa mga mata. "Kahit mahirapan ako, gusto ko paring makuha ulit ang tiwala mo."
Mapait siyang napangiti. "Vienna, Hindi na ako ang Lander na nakilala mo eight years ago. Nagbago na ako. Hindi na ako madadala sa pangako mo na hindi mo ako iiwan. Hindi na ako maniniwala sa kahit na anong sabihin mo. Hindi na ako aasa sa matatamis na salita na lumalabas diyan sa bibig mo. I've changed and there are lots of things that you don't know about me—"
"I don't care." Tumingkayad ito ng tayo saka ginawaran siya ng halik sa mga labi. "Just give me a chance, Lander. Kung ayaw mo akong bigyan ng isa pang pagkakataon, hindi pa rin ako titigil. Kukulitin kita hanggang sa magsawa ka na sa pagmumukha ko."
Mahina itong natawa. "Hindi kita bibigyan ng isa pang pagkakataon dahil mas gusto kong makita at maranasan kung paano mo ako kukulitin." Nginisihan niya ito. "Tingnan natin kung kaya mo akong papaniwalain ulit sa mga kasinungalingan mo."
Tumalim ang mga mata nito. "Hinahamon mo ba ako?"
Tumango siya. "Oo, hinahamon kita."
Vienna smirked at him. "Challenge accepted."
Lihim siyang napangiti sa sinabi nito pero kaagad din naman 'yong nawala ng maalala ang itatanong niya rito. "Teka, ano pala ang ginagawa mo rito? Bakit ka narito sa opisina ko? At saan ka ba nagpunta?"
Nag-iwas ito ng tingin at naglakad patungo sa visitor's chair kung saan naroon ang dala nitong purse.
"Kailangan ko na palang umalis," anito.
Nagsalubong ang kilay niya. "Ano nga ang ginagawa mo rito? Na-miss mo ako, no?" Biro niya.
Bumaling ito sa kaniya saka nginitian siya. "Oo, na miss kita, masaya ka na? Okay na ba? Puwede na ba akong umalis?"
Pinigilan niya ang dalaga sa braso at pinaikot paharap sa kanya pagkatapos ay hinapit palapit sa katawan niya.
Nahigit niya ang hininga ng maramdaman ang mayayaman nitong dibdib na nakalapat sa katawan niya. Biglang nag-init ang katawan niya at nabuhay ang parteng iyon ng pagkalalaki niya.
"L-Lander... b-bitiwan mo ako—"
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Inilapit niya ang mukha sa mukha nito. Ramdam niya ang paninigas ng pagkalalaki niya. "Hindi ba sabi ko may itatanong ako sa'yo?"
Mas lalong naging mailap ang tingin nito sa kaniya. "A-Ano ang i-itatanong mo sa'kin?"
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya habang nag-uumpisang lumalim ang paghinga dahil sa magkadikit nilang katawan. "Pagkatapos mong mawala ng ilang araw babalik ka na parang wala lang. Saan ka ba nagpunta at anong ginagawa mo rito sa opisina ko?"
"Bitiwan mo ako." Pilit siya nitong tinutulak palayo pero hindi niya hinahayaang makawala ito. "Lander, bitiwan mo ako kung ayaw mong humandusay sa sahig—"
"No." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa dalaga. "Saan ka nagpunta at anong ginawa mo roon?"
"Wala—"
"You want my trust, right? Then tell me where you were and why were you there?"
Tumigil ito sa pagpupumiglas at tumitig sa mga mata niya. "Kung saan man ako nagpunta, hindi ko puwedeng sabihin." Nawala ang kislap ng emosyon sa mga mata nito. "Pasensiya ka na, pero kahit pa tiwala mo ang pabuya, hinding-hindi ko puwedeng sabihin sa'yo."
Mataman siyang napatitig sa dalaga. "Bakit? Am I not worthy of your answer?"
Umiling ito. "Hindi. Basta hindi lang puwede. It's confidential."
Confidential? Mas lalo siyang na curious na sagot nito.
"Bakit naman 'confidential'?" Tanong niya.
"Kasi ayaw ng boss ko na may nakakaalam n'on."
"Boss mo?" Gagad niya.
Tumango ito. "Yeah."
"Okay," aniya at pinakawalan ito. "Makakaalis ka na."
Pilit na ngumiti si Vienna saka umalis sa opisina niya.
Nang makaalis ang dalaga sa opisina niya, ilang segundo ang binilang niya para mapagdesisyonang sundan si Vienna.
Nang dumaan siya sa mesa ng sekretarya niya, hinarap niya si Stephanie na abala sa harap ng computer.
"Stephanie," kuha niya sa atensiyon nito.
Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "Yes, sir?"
"Cancel all my appointments this afternoon. And oh, cancel my reservation at Yanzee's Restaurant, too."
Tumango ito. "Magpapa-deliver po ba ako ng chicken joy at french fries sa bahay niyo?"
Lihim siyang napangiti. Kilala na talaga siya ng sekretarya niya. Kapag ayaw niyang kumain sa restaurant, alam kaagad nito na sa fast food na pagkain ang gusto niya, lalo na ang pagkain sa paborito niyang fast food restaurant.
"Nah. Ako nalang ang o-order sa fastfood," aniya at mabilis na tinahak ang direksiyon patungo sa elevator para sundan si Vienna.
LUMABAS si Vienna sa opisina ni Lander kahit pa ayaw niyang lumayo sa binata. She missed him. Pero kailangan niyang umalis. Baka kapag tumagal pa siya sa piling nito ay bumigay na siya, baka masabi na niya rito kung saan siya nagpunta na mahigpit na pinagbabawal ng ahensiyang pinagta-trabahuan niya.
Nakapasok na siya sa elevator at sasara na iyon ng may humarang na braso para hindi iyon tuluyang sumara. Nang bumukas ang elevator, bumalaga sa kanya si Lander na habol ang hininga na parang tumakbo ito.
"Lander..."
Pumasok ang binata sa elevator at ng sumara iyon, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at walang sere-seremonyang sinakop ng halik ang mga labi niya.
Hindi rin siya nagpatumpik-tumpik, mabilis niyang tinugon ang halik nito na parang uhaw na uhaw at nanggigigil na kinagat ang labi nito.
Lander moaned and then pinned her against the elevator wall. Itinaas nito ang damit niya hanggang sa makita ang dibdib niya na natatakpan ng itim na lacy bra.
The looks in Lander's eyes as he stared at her breast were intense. Akmang ilalapit nito ang bibig sa mayayaman niyang dibdib ng biglang tumunog ang elevator, sinyales na bubukas iyon at may papasok.
Mabilis silang naghiwalay ni Lander at inayos niya ang damit. Nang pumasok ang mga empleyado sa loob ng elevator, kaagad na binati ng mga ito si Lander.
"Good noon, sir," bati ng isang babae na binigyan na nang-aakit na ngiti si Lander na hindi naman pinansin ng binata.
"Happy lunch time, sir," ani ng isa pang empleyado na may dalang maraming files.
"Happy lunch time, sir," nati naman ng isang lalaki na hinuha niya ay ka-edad niya.
Nang magtama ang mga mata nila ng lalaki ay nginitian siya nito. Kaagad na napansin ni Vienna na naakit ang binata sa taglay niyang ganda. Hindi naman sa pagmamayabang pero may ibubuga naman siya kung kagandahan ang pag-uusapan.
Magiliw niyang nginitian ang lalaki. Hindi siya ang tipo ng babae na nagtataray sa mga lalaki. Ayaw niyang husgahan ang nakikita niyang kislap ng paghanga sa mga mata nito. Malay niya, baka mali pala ang obserbasyon niya.
"Hi," ani ng lalaki na nakangiti sa kanya.
"Hello," aniya.
Tumikhim ito bago inilahad nito ang palad sa kanya. "I'm Matt Enriquez. Mechanical Engineer."
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "I'm Vienna Sugon. Part time Fashion Designer." Full time government agent, dagdag niya sa kaniyang isip.
"And I'm Lander Storm." Inagaw ni Lander ang kamay niya na hawak ni Matt. "Come on babe, let's go."
Nang marinig ni Mike na tinawag siyang babe ni Lander, namutla ito at halatang kinabahan at nagulat. Kahit man siya ay nagulat din sa tawag sa kanya ng binata.
"S-Sorry, sir— ahm, I—ahm," nauutal na ani ni Mike habang nakayuko. "H-hindi ko po alam na kasintahan niyo si Miss Vienna—"
"Now you know, so please, don't touch her again or I'm going to cut those hands of yours," pananakot ni Lander kay Mike. "At huwag mo siyang tawaging Vienna, ako lang ang puwedeng tumawag sa kanya ng ganoon. It's Miss Sugon for you. Kapag tinawag mo siya sa pangalan niya, I. Will. Fire. You. Understand?"
"Yes, sir," mabilis na sagot ng namumutlang si Mike kay Lander.
Hinila siya ni Lander palabas ng elevator ng bumukas iyon.
"That was rude." Naiinis na sabi niya. Parang napahiya si Matt sa ginawa nito. "Sana hindi mo naman siya pinahiya ng ganoon, kawawa naman 'yong tao."
Tumigil ito sa paghila sa kanya at matalim ang matang tumingin sa mga mata niya. "Rude? Sana hindi ko ginawa? So, what are you insinuating? Gusto mo si Matt?" Madilim ang mukha nito. "Do you want her to fuck you like I did?"
Mabilis na umigkas ang kamay niya at sinampal ang binata. Naramdaman niyang lahat ng tao sa lobby ay nakatingin sa kanya. Lander ruled this building and she just slapped their so-called king.
Malalaki ang mata na napatitig sa kanya si Lander. Hindi ito makapaniwala na sinampal niya ito. Kahit man siya ay hindi makapaniwala sa giniwa. Naisulto lang talaga siya sa sinabi nito.
"Para iyon sa pang-iinsulto mo sakin," nanginginig ang boses na wika niya. "For your fucking information, wala pang ibang lalaki na umangkin sa akin kundi ikaw lang. Kaya wala kang karapatan—"
"That's good to hear," anito at hinila na naman siya.
"Ano ba!" Nagpupumiglas siya. "Let go of my hand, Lander!"
"No." Matigas ang boses na sabi nito. "Sasama ka sa akin."
Kahit nagpupumiglas siya, hindi siya binitiwan ni Lander hangga't hindi siya naisasakay ng sapilitan sa Audi nito.
Akmang bubuksan niya ang passenger side-door para makalabas ng sasakyan pero naka-lock iyon. Wala siyang ibang choice kung hindi ang manatili sa passenger seat.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong niya kay Lander ng makapasok ito sa loob ng sasakyan.
"Bili tayo ng lunch sa fast food tapos doon natin kainin sa bahay," wika nito habang pinapausad ang sasakyan paalis sa parking lot.
Bigla siyang natakam. "Fast food?" Matagal na rin mula ng makakain siya sa fast food.
"Yep." Tipid itong ngumiti. "Na-miss ko nang kumain sa fast food. Nuong huli akong kumain hindi ka pa umaalis no'n."
Napatitig siya sa binata. "Ganoon na katagal?"
Tumango ito habang nakangiti pa rin. "Nang umalis ka, nawalan na ako ng ganang kumain sa fast food. Lalo na't naalala kita palagi kapag nakakakita ako no'n."
Napatitig lang si Vienna sa binata. Mukhang naapektuhan talaga ito sa pag-alis niya noon. Pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Kinain siya ng konsensiya ng malaman niya ang kinalabasan ng pagiging makasarili niya. Kung sana lang sinamahan niya si Kate sa misyong binigay sa kanila, sana kasama pa niya ito ngayon.
Marahas niyang ipinilig ang ulo ng pumasok sa ala-ala niya ang memoryang gusto na niyang ibaon sa limot. She didn't want to remember Kate in the morgue because of her. Hanggang ngayon, kinakain pa rin siya ng kaniyang konsensiya.
Napukaw ang pag-iisip niya ng maramdaman ang mabilis na pagmamaneho ni Lander.
"Ganito ka ba talaga magmaneho?" Usisa niya habang sinusuot seatbelt. "Hindi ka naman ganito magmaneho dati, ah."
"Namatay ang mga magulang ko sa isang car accident kaya naman natakot ako na magmaneho ng mabilis no'n. Pero na realized ko, wala naman 'yon sa bilis ng pagmamaneho, kung oras mo na, oras mo na."
Wala ang isip ni Vienna sa mga huling sinabi ni Lander. Ang nasa isip niya ay ang pagkamatay ng mga magulang nito.
"Bakit hindi ko alam na namatay ang mga magulang mo?" Nagtatakang tanong niya sa binata. "Alam ba ito ng mga kaibigan mo?" Hindi man lang sinabi sa kanya ni Cali.
"Oo, alam nila. Sila nga ang dahilan kaya kahit papaano ay hindi ako nahirapang tanggapin na wala na sila," kuwento nito habang nakatutok ang mata sa kalsada.
"I'm sorry." Nakaramdam siya ng lungkot para rito. "Hindi ko alam."
Sinulayapan siya ni Lander, nakaguhit sa mukha nito ang kaguluhan. "Hindi sayo na-i-kwento ni Cali?"
Umiling siya. "Hindi. Ngayon ko lang nalaman."
"Namatay sila ilang buwan mula ng umalis ka ng walang paalam." Kumunot ang nuo nito kapagkuwan. "Pero bakit hindi sayo sinabi ni Cali?"
Nagkibit-balikat siya. "Baka nakalimutan niyang i-kwento sakin." Napabuntong-hinga siya habang nakatitig dito. "Is that the reason why you took over the LaCars Import and Export at an early age?"
"Kailangan, e," anito. "Ayaw ng kapatid ko dahil gusto niyang maging photographer. Yung kapatid kong babae naman, ayaw din kasi gustong maging wedding organizer. Kaya sa akin napunta ang family business namin at pinalago ko iyon sa abot ng makakaya ko."
May pagtatampo siyang naramdaman. "Hindi ko rin alam na may mga kapatid ka."
"Bago kita maipakilala sa kanila noon, umalis ka na."
Tumingin siya sa labas ng bintana. "I have my reason, Lander."
"And what is that?""
"Nothing." Huminga siya ng malalim at isinandal ang likod sa likuran ng sasakyan.
Kung siya lang, gustong-gusto niyang malaman nito ang rason ng pag-alis niya pero hindi talaga puwede. Baka mapahamak ito ng dahil sa kaniya at hindi niya gugustuhin iyon. Siya nalang ang masaktan, huwag lang ang binata. Hindi na kakayanin ng konsensiya niya kung may isa pang taong mahalaga ang mawala ng dahal sa kaniya.
"Anyway, kumusta na pala ang kapatid mo? 'Yong nasa Hospital," pag-iiba niya ng usapan. "Okay na ba siya?"
Ayaw man nito, binitawan nito ang tinatanong sa kaniya kanina. "Tumawag si Eizel, yong girlfriend ng kapatid ko, okay na daw si Lance. Sa wakas, nagising din."
"Mabuti naman pala." Masaya siya para rito. "Siyanga pala, anong o-orderin mong pagkain?"
"Tingnan ko mamaya," wika ni Lander habang naka-focus sa pagmaneho.
Ilang minuto ring namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan ng basagin iyon ni Lander. "Nandito na tayo," anunsiyo ni niya.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top