CHAPTER 7

CHAPTER 7

UMALIS si Vienna sa Pilipinas patungong China na hindi nagsasabi kay Lander. Hindi na siya nagpaalam dahil sa wala naman itong pakialam sa kanya at sigurado siyang magtatanong ito kung bakit aalis siya ng bansa. Hindi naman niya puwedeng sabihin dito kung saan siya pupunta at kung anong gagawin niya roon kaya mas mabuti pang wala itong alam sa mga whereabouts niya.

Nakatatak sa isipan niya ang tanging batas na sinusunod nila sa ahensiyang kinabibilangan. Bawal sabihin sa kahit na kanino ang ginagawa nila o ang tabaho niya kung walang pahintulot mula sa big boss. Mayroon na noon sumubok na suwayin ang nag-iisang batas na iyon ng ahensiya nila at hindi pa lumilipas ang isang araw ay namatay ang agent kasama ng pinagsabihan nito.

Ang tanging nakakaalam kung ano talaga ang tunay niyang trabaho maliban sa pagiging fashion designer ay ang hilaw niyang kapatid na si Cali dahil ito lang ang hinayaan siya ng big boss na pagsabihan.

At ngayon nga, nakatayo siya sa puso ng Beijing. Kasama si Hellion—ang partner niya sa misyong iyon. Katulad niya, isa ring Filipino si Hellion. Magaling ang binata sa computers. Naiisip niya minsan na kumakain yata ito ng mga codes.

"Same tactics," ani Hellion. "Ikaw ang offence, ako ang defence. I'm good with guns and fists, but against you, I'm average. Ako bahala sa mga kakailanganin mong datus. Ikaw ang papasok kasi hindi ka nila kilala. Hindi ako puwede kasi kilala na ako. I'd been doing surveillance before you accepted this mission. At mukhang nalaman ng mga ito ang tungkol sakin."

Tumango siya. "Okay."

"Alam mo na kung anong gagawin mo," anito na bini-briefing siya. "Always keep your phone with you. I'll send datas and coordinates. I'm just a call away. Good luck."

Tumalikod si Hellion at iniwan siyang nakatayo habang nakatingin sa malaking Billboard ng Lamborghini.

Huminga siya ng malalim at naglakad patungo sa hotel na ikuukupa niya.

Habang naglalakad, naramdaman niyang parang may nagmamasid sa kanya. Pasimple niyang pinalibot ang mga mata sa kabuonan ng kalsada. Ihinanda niya ang sarili ng mahagip ng mata niya ang sasakyang Porsche sa bandang kanan at ang driver niyon ay matiim na nakatitig sa kanya.

Umakto siyang walang nakita at tinawagan si Hellion.

"Give me the list of plate numbers of Porsche that has been smuggled just this week," aniya ng sagutin ni Hellion ang tawag.

"They are armed with fake plate numbers." Hellion paused. "Sent."

"Thanks." Pinatay niya ang tawag at binuksan ang e-mail niya.

Pagkalipas ng ilang segundo, natanggap niya ang listahan at tumuon ang mga mata niya Porsche na inilabas sa bansang Italy. Gusto niyang matawa ng pasimpli niyang tingnan ang Porsche na sumusunod sa kanya.

Same plate number. Same color.

"Ano 'to? Bakit hindi nila binago bago gamitin?" Nagtatakang tanong niya.

At mula sa malayo, nakarinig siya ng malakas at parang rumaragasang tonog ng sasakyang papalapit. Nang lingunin niya para alamin kung anong nangyayari, huli na ang lahat para makailag siya. Sinagasaan siya ng sasakyan dahilan para tumilapon siya sa pader at tumama ang likod niya. Nang mahulog ang katawan niya sa semento, kaagad siyang nawalan ng malay sa lakas ng impact ng pagkabundol sa kaniya.

NAGISING si Vienna sa loob ng hospital. Nasa tabi niya si Hellion at natutulog. Dahil abot-kamay naman niya ito, niyugyog niya ang balikat nito para gisingin ang binata.

"Hellion." Mahina ang boses niya.

Kaagad na nagmulat ng mata si Hellion at tumingin sa kanya. "Okay ka lang?"

Napangiwi siya ng subukang bumangon at sumakit ang likod niya. "I—" She groaned in pain. "I think so," aniya habang minamasahe ang likod niya.

Umayos ng upo si Hellion at nagsalita. "Mabuti at hindi ka nila tinuluyan. Sinagasaan ka nila para balaan na hindi ituloy ang misyon. Dalawang araw ka na rito sa hospital. Kailangan na nating bumalik sa Pilipinas. Nakuha ko na ang mga datus na kailangan natin para sa susunod nating galaw." Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at may binasa mula roon. "Lamar Exxon. Iyan ang pangalan ng leader ng mga magnanakaw ng kotse. They are called Lexxon GTA. I hacked into the data base of all car import and exports companies in Asia. At napag-alaman kong may account si Lamar Exxon sa LaCars Import and Export. Lord Vandreck said that LaCars is Lexxon GTA next target."

Inatake siya ng kaba at nanlamig ang buong katawan niya sa narinig. "No! Kilala ko ang may-ari ng kompanyang 'yon—"

"The more reason na kailangang lipulin ang mga magnanakaw na 'yon. Kailangan nating kumilos ng mabilis."

Huminga siya ng malalim. "Kailan ang balik natin sa Pilipinas?"

"Ngayon din. Kung kaya mo na." May kislap na pag-aalala ang mga mata nito. "Tumama ang likod mo sa semento. Pasalamat ka at hindi nabali ang spinal cord mo. May pasa ka sa likod pero sabi ng doctor gagaling din naman daw 'yon. We have to go but if you need to rest—"

"I'm fine. Pain reliever lang at magiging ayos na ako."

Hellion gave her a tight smile. "Okay. Pain reliever." Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga at napailing-iling. "Let's go, then."

"Ano naman ang ibig sabihin ng buntong-hininga na 'yon at 'yong pag iling-iling mo?" Tanong niya habang dahan-dahang bumabangon.

Bahagyang ngumiti si Hellion. "You are one hell of a strong woman. Nasagasaan ka na at lahat-lahat, sige ka pa rin ng sige."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Kailangan, e. Kahit ano, kung para sa taong mahal ko, gagawin ko."

BUMADHA ang gulat sa mukha ni Cali ng pumasok si Lander sa penthouse nito. That was what Cali got for not locking his doors..

"Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ni Cali sa kanya.

Umupo siya sa sofa na nakaharap sa kinauupuan nito at nagpakawala ng malalim na hininga. "Nasaan si Vienna?"

Kahapon pa niya hinahanap ang dalawa. Pero kahit hinalughog na niya ang buong lungsod, hindi pa rin niya ito makita.

Kinunotan siya ng nuo ni Cali. "Ako ba ang hanapan ng mga taong nawawala?"

"Hindi. Pero alam kong alam mo kung nasaan siya."

"Bakit mo hinahanap?" Tanong nito. "Akala ko naka move on ka na?"

"I already moved on. Gusto ko lang malaman kung nasaan siya." Fuck this!

Cali smirked at him. "Bakit ba hindi mo nalang tanggapin ang katutuhanan na hanggang ngayon, mahal mo pa rin ang hilaw kong kapatid?"

Tumiim ang bagang niya. "Hinanap ko lang hindi kaagad ako nakapag-move on? Hindi ba puwedeng may kailangan lang ako sa kanya?"

"Anong kailangan mo?"

"May itatanong lang ako sa kanya."

"Ewan ko sayo, Storm. Wala akong alam kaya makakaalis ka na." Iminuwestra niya kanyang ang kamay sa isang pinto. "A very stunning woman is waiting for me. So, do you mind?"

Napailing-iling siya at tumayo. "Hindi ako naniniwala na wala kang alam. Thanks, anyway."

Nang makalabas siya sa penthouse ni Cali, napailing-iling siya sa kanyang sarili. Bakit ba ako nandito at bakit ko ba hinahanap ang babaeng 'yon?

Maybe because he was going crazy thinking about that freaking woman! Kailangan niya itong makita! Kailangan niya itong mahawakan kung hindi...hindi siya mapapakali.

TWO days later, magkahalong gulat at pagkalito ang naramdaman ni Lander ng bigla nalang pumasok si Vienna sa opisina niya habang nasa likod nito ang sekretarya niya na mukhang pinipigilan ang dalaga na makapasok.

Pasimpli siyang tumingin kay Kathie na nakakandong sa kanya na pilit siyang hinahalikan. Bigla siyang nakaramdam ng pangamba baka kung ano ang isipin ni Vienna sa posisyon nila ni Kathie, pero naisip niya na ano naman ang pakialam nito sa kanya? They didn't have a relationship. The fact that they didn't was irritating him? Oh, fuck! This is not good.

"S-sir, si Miss k-kasi, e," kinakabahan at nauutal na ani ng sekretarya niya habang nakatingin sa sahig.

"It's okay," aniya. "Leave us."

Tumango si Stephanie at mabilis na lumabas ng opisina niya.

Tumingin siya kay Vienna na nakatingin kay Khatie. Nanunuri ang klase ng pagkakatingin ni Vienna sa dalaga na nasa kandungan niya.

It had been three days—yes, he was counting— after they shared that hot steamy sex. Tapos bigla itong nawala ng dalang araw at heto na naman ang dalaga nagbabalik na parang kabote. Saan na naman kaya ito nanggagaling? Naiinis siya sa sarili dahil sa dalawang araw na nakalipas ay palaging ito ang laman ng isip niya. Palagi niyang hinahanap ang presensiya nito. Hindi niya makalimutan ang masarap nitong mga labi at ang nakakabaliw nilang pagtatalik na palaging laman ng mga panaginip niya sa nakalipas na dalawang araw.

"Vienna," sambit niya sa pangalan ng babaeng palaging umuukopa sa isip niya nitong mga nakaraang araw.

Naglakad palapit sa mesa niya sa Vienna at walang emosyon ang mga mata nito na tumitig sa kanya. "I want to buy a car."

"E bakit ka narito? Doon ka sa shop ng LaCars bumili—"

"Kinakausap ba kita?" Mataray na tanong ni Vienna kay Kathie dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita. "Kung hindi ka kinakausap, hindi ka dapat nagsasalita. Simple etiquette for women. Dapat alam mo 'yon. You are after all a daughter of a prominent scumbag senator."

"My father is not a scumbag!" Sigaw ni Kathie at sinugod ng sampal si Vienna.

Panay ang subok ni Kathie na makalmot ang mukha ni Vienna pero mabilis na umilag si Vienna. She had this triumphant smirk on her lips that irritated Kathie to death. Habang panay ang subok ni Kathie na makalmot o masampal si Vienna, ang dalaga naman ay panay ang atras hanggang sa aksidenteng napaatras si Vienna sa indoor plants na naroon dahilan para matumba ito sa sahig at tumama ang likod at ulo nito.

"Aray!" Malakas itong napa-igik sa sakit ng matumba ito.

"Shit!" Lander cursed and went to Vienna's side as fast as he could. "Okay ka lang?" Pinukol niya ng masamang tingin si Kathie. "Ano ba ang problema mo? Hindi ba sabi mo, hiwalay na tayo at okay lang 'yon sakin. Ayoko nang magkabalikan pa tayo. So, please lang, umalis ka na."

Nagtagis ang bagang ni Kathie. "Sino ba ang babaeng 'yan sa buhay mo, Lander?"

"Wala ka nang pakialam kung ano ko man siya." Ibinalik niya ang atensiyon kay Vienna na nakahiga pa rin sa sahig at marahang minamasahe ang likod ng ulo. "You okay?" Hindi niya maitago ang pag-aalala sa boses niya kahit anong pilit niyang itago 'yon.

Damn it!

MARIING napapikit ng mga mata si Vienna at lihim na napamura ng maramdamang tumama ang parting iyon ng likod niya na may pasa. Dahil sa hindi matagumpay nilang misyon sa China, may injury siya ngayon at nagpapagaling. At dahil sa letseng babae na nakakandong kay Lander, mukhang madadagdagan ang injury niya

Bakit naman kasi kasali sa protocol na bawal manakit ng civilian. E, di sana nasapak niya ang babae ng subukan nitong kalmutin siya. Nang makita niyang nakakandong ang higad kay Lander, kinain ng selos ang buong pagkatao niya pero pinigilan niya ang sarili dahil alam niyang wala siyang karapatang magselos. Kaya naman pinakalma niya ang nagseselos na puso at kinalimutan ang sakit na dulot ng nakita kani-kanina lang.

Kinapa niya ang likod kung saan may benda siya. "Shit."

Nang magmulat siya ng mata nakita niya ang babae na nakakandong kanina kay Lander, nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya at nagma-martsang lumabas ito ng silid.

"You okay?" Tanong ni Lander na may bahid na pag-aalala ang boses na lihim niyang ikinangiti.

So, he was worried. Aww. Sweet.

Napangiti siya ng subukan niyang tumayo. "A-Ayos lang ako."

Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at pinangko siya. Napa-igik siya ng lumapat ang kamay nito sa likod niya na may baling buto. Kahit ang pain reliever hindi iyon sapat para hindi niya maramdaman ang sakit.

Nagmamadali namang inilapag siya ni Lander sa ibabaw mesa nito at ininspeksiyon ang ulo niya, kapagkuwan ay pinatagilid siya nito at akmang itataas ang damit niya sa likod pero mabilis siyang tumihaya at tumingin sa asul nitong mga mata. Ayaw niyang makita nito ang mga bandage sa likod niya.

It would only raise questions that she wouldn't have answers to. It was against the protocol.

"Ayos lang ako." Nginitian niya ang binata at pilit na umalis sa mesa na hindi umiigik sa sakit kahit nararamdaman niyang sumisigid ang kirot sa baling buto sa likod niya.

"Are you sure?"

Tumango siya at nalukot ang mukha ng maalala ang babae na nakakandong dito kanina. Bigla niyang nakalimutan ang sakit sa likod niya.

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Ikaw na talaga. Grabe ka." Umiiling-iling na sabi niya. "Hindi ka ba talaga nababakante o talagang ganyan ka na talaga?"

Nagsalubong ang kilay ni Lander habang naka-upo sa swivel chair nito at nakatingin sa kanya. "Ano ba 'yang sinasabi mo?"

"Days ago, we shared a hot steamy sex," aniya na nagngingitngit ang kalooban. "Huwag mong sabihin sa akin na sa nakalipas na ilang araw ay ang babaeng 'yon na anak ng senador ang katalik mo? My god, Lander!" She exclaimed. "Ganoon ka ba talaga ka-adik sa sex? I mean, three days? Really?"

"Bakit mukha kang apektado?" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Nagseselos ka?"

"Malamang!" Sigaw niya rito at nakasimangot na humalukipkip. "God, Lander. Inamin ko na nga sayong mahal pa rin kita diba? Tapos magtatanong ka kung nagseselos ako? Malamang, oo." Inirapan niya ito. "Pero mukhang siyang-siya ka naman na nasasaktan ako, e."

Matiim siyang tinitigan ni Lander. Iyong uri ng titig na nakakapaghina ng tuhod. "Hindi ako naniniwalang mahal mo ako."

"At bakit naman?" Sikmat niya.

Ano ba ang dapat niyang gawin para maniwala ito?

"I just don't."

"Bakit nga?"

Tumayo ito mula sa pagkaka-upo sa swivel chair at inilapit ang mukha sa mukha niya. "Kasi kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan tulad ng ginawa mo walong taon na ang nakakaraan." Naglakad ito patungo sa pinto ng opisina nito. Bago ito tuluyang lumabas ng opisina, Lander looked back at her. "By the way, I haven't had sex for three days now and no, hindi ako adik sa sex. Depende 'yon sa babae na makakatalik ko kung ma-a-adik ako." Lalabas na sana ito pero muling ibinalik ang tingin sa kanya. "Stay here. May board meeting lang ako tapos babalik ako kaagad. May itatanong ako sa'yo." He narrowed his eyes on her. "Stay. Here."

Tumango siya at ngitian ito.

Nang makaalis ang binata, kaagad na ginawa niya ang pakay kung bakit narito siya sa opisina ni Lander. At iyon ay para hanapin ang file ni Exxon. I have to bring those fuckers down as fast as I can.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top