CHAPTER 4

CHAPTER 4

NAG-TAAS ng tingin si Lander ng marinig na bumukas ang pintuan ng opisina niya. Nang makitang pumasok si Kathie na nakangiti, kinunotan niya ito ng nuo. "Anong ginagawa mo rito?"

Kaagad na lumapit sa kaniya ang dalaga at hinalikan siya sa mga labi. Wala siyang maramdaman sa halik nito. Parang isang patay ang humalik sa kanya. Hindi man lang siya naapektuhan. His body didn't even react like it usually did.

Nang hindi siya tumugon sa halik nito, pinakawalan ni Kathie ang mga labi niya.

"What's with you? Kiss me back."

Mas lalong lumalim ang gatla sa nuo niya. "What are you doing here? Akala ko hiwalay na tayo."

Nakasimangot na tinampal nito ang braso niya. "I was just kidding that day. Alam mo naman na hindi ko kayang mawala ka sa'kin."

Malamig niyang tiningnan ang dalaga. "Umalis ka na."

Napamulagat ito. "What?"

"Umalis ka na. Wala ako sa mood i-entertain ka."

Napatigalgal ito sa sinabi niya. "Please, tell me you're just kidding. Kailan mo pa ako tinanggihan?"

"I'm not kidding." Malamig pa sa ice ang emosyon sa mga mata niya. "Out."

Hindi makapaniwala si Kathie habang nakatingin sa kanya. "Ano ba ang nangyayari sa'yo?"

Vienna is back, ani ng isang bahagi ng isip niya na ikinatigil niya.

"What?" He asked himself.

"Anong what?" Pinandilatan siya ni Kathie. "Huwag mo akong what what-tin, Lander. I am not just a normal woman. I am a very famous daughter of a senator—"

"Kung hindi ka aalis, ako ang aalis," putol niya sa pagsasalita nito.

Pinukol siya ng masamang tingin ni Kathie. "How dare you?!"

Naiirita na tumayo siya at lumabas sa opisina niya pagkatapos ay lumapit siya sa mesa ng sekretarya niya. "Nasaan ang list of cars na order ni Mr. Anderson?"

Mabilis na kinuha ni Stephanie ang listahan at ibinigay sa kaya. "Heto po, sir. At siya nga po pala, sir, tumawag si Mr. Cali Sudalga. Pinapasabi po niya na nasa Auto shop niyo po 'yong sasakyan niya at ikaw daw po ang gusto niyang mag-ayos."

Napabuntong-hininga siya. Napaka-arte talaga ni Cali kahit kailan. "Thanks."

Naglakad siya patungo sa elevator at habang sumakay doon. Nakahinga siya ng maluwang ng sumara ang pinto bago pa makasakay si Kathie. Wala siya sa mood para i-entertain ito.

PAGKALIPAS ng isang oras, ipinark ni Lander ang sasakyan sa labas ng Auto shop niya at pumasok doon. Napatigil siya sa paglalakad papasok ng makita si Vienna na naka-upo sa hood ng sasakyan ni Cali. That bastard was nowhere to be found!

Where the hell was that guy?!

Mataman niyang tinitigan si Vienna na umalis sa pagkaka-upo sa hood ng sasakyan at nanalamin sa side mirror. Tinitingnan nito ang pisngi na namamaga pa rin. And then something inside her sling bag started ringing. Hula niya ay cellphone nito ang nag-iingay.

He was right.

Kinuha ni Vienna ang cellphone sa sling bag nito saka sinagot ang tawa. At dahil hindi naman siya malayo rito, naririnig niya ang sinasabi nito sa kausap.

"Hello?" Mataray na sabi nito. "I thought I have two months vacation? Why the fuck are you calling me now?" Madilim ang mukha ni Vienna habang nagsasalita. "Come on! This is my freaking vacation!" Galit na sabi ni Vienna at talagang naku-curious siya sa kung sino ang kausap nito para sumigaw ito ng ganoon.

Nakita ni Lander kung paano bumagsak ang balikat ng dalaga.

"Okay," Vienna said in a low voice. "I accept it. Send the files to my e-mail and I'll take it from there." Nakasimangot ito. "Okay. No problem."

Tinapos nito ang tawag at wala sa sariling napatitig sa kawalan at napailing-iling.

Ipinilig niya ang ulo at lumapit dito. "Bakit ikaw at hindi si Cali ang narito?"

Napaigtad si Vienna ng marinig ang boses niya at lumingon sa gawi niya. "Lander..." Tinitigan siya nito ng ilang segundo at tumikhim. "Bigla kasing nagkaroon ng board meeting si Cali kaya ako nalang ang pinapunta niya rito."

KITANG-KITA ni Vienna na ayaw ni Lander na makita siya pero wala itong magagawa dahil naroon na siya.

Ayaw sa kanya ni Lander. Nararamdaman niya iyon. Alam na alam 'yon ni Vienna kaya naman nagulat siya ng lumapat ang kamay ni Lander sa pisngi niyang namamaga at masuyong hinaplos 'yon.

"Saan mo ba nakuha 'to?" Tanong nito habang hinahaplos pa rin ang pisngi niya.

Bumilis ang tibok ng puso niya sa simpleng paghaplos lang nito sa pisngi niya. She missed this. She missed him.

Kinailangan niyang huminga ng malalim bago nakapagsalita. "May naka-away nga ako. Diba sinabi ko na 'yon sa'yo sa hospital ng magkita tayo?"

Mas lumapit ito sa kanya. Napalunok siya ng maramdaman ang init na nanggagaling sa katawan nito.

Lander's face moved in closer to hers. Sinusuri ng mga mata nito ang pasa niya sa pisngi. "Kung sino man ang nakaaway mo, mukhang galit na galit sa'yo para gawin niya ito." Hinuli nito ang mailap niyang mga mata. "Iniwan mo rin ba siya tulad ko?"

Inirapan niya ito at tinabig ang kamay. "Puwede ba, Lander, tigilan mo ako."

Lander chuckled, coolly. "Bakit? Mali ba ako?"

"Maling-mali." Bumalik siya sa pagkaka-upo sa hood ng sasakyan ni Cali. "Sige na, ayusin mo na. Gagamitin yata 'to ni Cali mamaya kaya minamadali." Pagkatapos ay ngumiti ng may maisip. "Alam ko na, tutulungan nalang kita para mabilis mong matapos."

Kinunotan siya ng nuo ni Lander. "Ano naman ang alam mo sa pag-aayos ng sasakyan?"

Nagkibit balikat siya. "Try me and I might surprise you."

Mataman siyang tinitigan ni Lander at kapagkuwan ay pumayag din ito. "Kapag hindi ka nakatulong at mas lalong bumagal ang pag-aayos ko ng sasakyan ni Cali, magbabayad ka."

"Ano naman?"

"Kahit ano." Kibit-balikat na sagot nito. "Ikaw, anong gusto mong pambayad?"

"Ipagluluto nalang kita." Please, say yes! She begged inwardly.

Bumakas ang gulat sa mukha ni Lander. "Marunong ka ng magluto?"

Tumango siya. "Yeah. There are a lot of things that you don't know about me."

"Yeah." Nawala na naman ang emosyon sa mukha nito. "Paano ko naman malalaman ang mga bagay na iyon tungkol sa'yo? Iniwan mo ako, remember?"

She gave him an apologetic look. "Sorry."

"Wala namang magagawa ang sorry mo, e." Bigla nitong hinubad ang pang-itaas nitong damit dahilan para manlalaki ang mga mata niya at mapatingin sa matitipuno nitong dibdib at bumaba ang mga mata nita sa mga pandesal nito sa tiyan. Shit! Temptation, please, stay away from me!

"Eyes up here, Vienna. Don't eye-rape my abs, please."

Namumula ang pisngi na nagtaas siya ng tingin. "A-Ahm, I am not eye-raping you," kaila niya. "I'm just looking and appreciating it."

"Appreciating?" Tumaas ang sulok ng labi nito. "That's a big word. Appreciating, huh?"

Mas lalong nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. "T-Tigilan mo nga ako."

Lander's eyes held amusement and it made her happy.

"You're enjoying this," komento niya.

Biglang naging blangko ang mga mata ni Lander at nawala ang kislap niyon. "I'm not. Bakit naman ako mag-i-enjoy na kausapin ka? I hate you, don't you know that?"

Malungkot siyang ngumiti at parang may kumurot sa puso niya. "Alam ko 'yon. Nararamdaman ko, actually."

"Good." He flexed his arms. "Let's start."

Binuksan nito ang hood ng sasakyan at tinuro nito ang tools na nasa gilid. "I need ratcheting box wrenches, voltmeter, non-contact IR thermometer and ball driver."

Mabilis niyang kinuha ang mga kailangan nito at iniabot sa binata.

Gulat na napatitig sa kaniya si Lander. "You really know these things, huh?"

Tumango siya. "Tinuruan ako ni Storm."

Tumaas ang dalawang kilay nito. "Storm?"

Storm ang pangalan ng partner niya sa mga misyon na naging kaibigan na rin niya.

Tumango siya. "Yeah. Storm is the name of my friend." Hindi nito iyon tunay na pangalan kundi code name lang.

Tumalim ang mga mata nito. "Storm, huh? Just a friend?"

"Yeah."

"Liar." Kinuha nito ang mga tools sa kamay niya at nag-umpisang kalikutin ang sasakyan ni Cali. Panay ang buntong-hininga nito. Pagkalipas ng ilang segundo, nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Kaibigan mo lang talaga ang Storm na 'yon?"

"Oo nga," sabi niya. "Malapit ko siyang kaibigan. At saka, eww, hindi kami talo. Babae siya na adik sa mga sasakyan. Magkakasundo kayo."

Biglang nawala ang pagdidilim ng mukha nito at hindi makapaniwalang napailing-iling.

"Fuck this," he muttered under his breath but Vienna still heard it.

"Bakit ka naman nagmumura riyan?" Usisa niya rito.

"Wala."

Nagpatuloy ito sa pag-aayos ng sasakyan at hindi na nagsalitang muli.

Tinitigan ni Vienna si Lander habang nag-aayos ng sasakyan. Pinakiramdaman niya ang puso niya. Hindi nawala ang pagmamahal niya para sa binata. Lumipas man ang walong taon, naroon pa rin ang pagmamahal na iyon sa puso niya at hinding-hindi na mawawala pa.

"Staring is rude Vienna."

"I know."

"Then stop staring." Nang nanatili siyang nakatitig dito, nagsalita na naman ito. "Seriously, stop staring. Kapag hindi ka tumigil, palalayasin kita sa auto shop ko."

Umikot ang mga mata niya saka binuksan niya ang passenger seat door ng sasakyan ni Cali saka umupo doon habang ang mga paa niya ay nasa labas.

"Lander?" Kapagkuwan ay tawag niya sa pangalan ng binata.

"Yes?"

"Galit ka ba sa'kin?"

"Ano sa tingin mo?"

"Sa tingin ko galit ka."

"Buti alam mo."

Parang may tumusok na karayom sa puso niya. "May puwang pa ba ako riyan sa puso mo?" Tulad noon? Nang bago ako umalis."

That Lander before loved her and trusted her so damn much.

Hindi siya sinagot ng binata. Akmang magtatanong ulit siya ng pumasok ang hilaw niyang kapatid sa auto shop at may dala itong tatlong starbucks coffee.

"Hello, people," nakangiting wika ni Cali at ibinigay ang isang coffee kay Lander at inabot sa kanya ang isa. "How are you, little sis?"

Vienna puffed a breath. "I'm good, until you came."

Nagsalubong ang kilay ni Cali at pinukol siya ng masamang tingin. "Ano na naman ang ginawa ko?"

"Hey, Sudalga," tawag ni Lander sa atensiyon ng kapatid. "Can you get that?" Anito sabay turo sa isang bagay na medyo malayo sa kanila.

Nang tumalima si Cali, nagsalita si Lander. "We'll take some other time. Maybe in my office. May tanong ako na kailangan ng kasagutan."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Okay."

"Don't be happy. I just want closure and nothing else."

Parang may pumiga sa puso niya at kaagad na nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Talagang galit ito sa kanya kahit ano pa ang gawin niya.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top