CHAPTER 3
CHAPTER 3
TINUNGA ni Lander ang beer na iniinom mula sa bote. Wala siya sa mood gumamit ng shot glass. He wanted to get wasted and to disappear into oblivion where his heart could no longer beat for that person. Pero kahit yata laklakin niya ang lahat ng alak sa mini-bar niya, hindi mawawala at aalis ang babaeng 'yon dito sa Pilipinas.
Naputol ang pag-iisip niya ng marinig na nag-ingay ang cellphone niya. Nasa ibabaw ng kama niya iyon kaya naman kailangan pa niyang maglakad patungong roon para masagot lang ang tawag. Nang makarating sa kama niya, umupo siya sa gilid no'n saka sinagot ang tawag.
"Hey, Lander speaking," aniya sa walang buhay ang boses.
"Lander!" Puno ng kasiyahan ang boses ni Zel sa kabilang linya. "Si Lancelott! Si Lancelott, gumalaw yung kamay niya! Sabi ng Doctor nagri-respond daw siya sa medesina at gagaling daw siya!"
Nawala ang kaunting kalasingan na naramdaman niya kanina at napalitan ng kasiyahan.
"Talaga? Sige, pupunta ako riyan." Excited na wika niya at pinatay ang tawag.
Nagmamadali siyang lumabas sa private chamber ng opisina niya at nagtungo sa parking lot ng LaCars kung saan naroon ang Audi niya.
Nang makasakay sa kotse niya, pinaharurot niya iyon patungo sa Romero's Hospital kung saan naroon ang kakambal niya. Masaya siya at kahit papaano ay nagri-react na ang kakambal niya. Salamat sa diyos.
Nang makarating siya sa hospital, kaagad siyang nagtungo sa ICU. Sinalubong siya ni Eizel sa may pintuan at niyakap siya ng mahigpit habang umiiyak.
"Lander... si Lancelott... magiging okay na siya..." Umiiyak ito pero alam niyang tears of joy 'yon. "Salamat sa diyos. Hindi ko kayang mawala siya."
Niyakap niya si Zel at hinagod ang likod nito. "It's okay. Magiging maayos din si Lance. Hintay lang ng kaunti. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin nakikita ang kakambal ko na ngumiti ulit. He deserves to live." Hinaplos niya ang buhok nito. "Tahan na. Magiging maayos din ang lahat."
Nag-angat ng tingin sa kaniya si Eizel. "Thank you, Lander."
Nginitian niya ito. "No problem."
Bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kanya at iginiya niya papasok sa loob ng ICU.
NAKASIMANGOT si Vienna habang pinagmamaneho siya ng hilaw niyang kapatid patungo sa main branch ng Romero's Hospital. Panay ang tingin nito sa may pasa niyang mukha at naiirita na siya.
"Huwag ka ngang tumingin sa akin ng ganiyan!" Sigaw niya na naiinis.
Napangiwi ang hilaw niyang kapatid. "Nakikita mo ba ang mukha mo? God, little sis, you look like shit."
Inirapan niya ito. "Kung ang mata ko ay nakahiwalay sa mukha ko, sobrang laki ng posibilidan na makita ko ang mukha ko"
"Stop being sarcastic, Vienna," ani Cali sa naiinis na boses. "You really look like shit."
"Thank you for boosting my confidence, dear brother." Puno ng sarkasmo ang boses niya.
Umikot ang mga mata ng hilaw niyang kapatid. "Pwede ba, Vienna, I'm just trying to be nice."
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. "Sorry. I'm just used to sarcasm. I grow up with my dad, remember?"
"Alam ko," anito. "Kumusta na pala kayo ni mommy?"
Inungusan niya ito. "Kung maka-mommy ka naman parang tunay mong ina, no?"
Tinapunan siya ng masamang tingin ni Cali. "Stop the sarcasm, remember?"
Itinirik niya ang mga mata. "Sorry again, dear brother."
Napailing-iling nalang si Cali. "Mula ng mag-asawa si daddy at ng mommy mo, mommy na ang tawag ko sa kanya."
"Excuse me, pero hindi sila nag-asawa." Tinaasan niya ito ng kilay. "Namangka si mommy sa dalawang ilog at ang daddy mo ang isda na nabingwit niya. My mother cheated on my father. Baka nakakalimutan mo kaya pinapaalala ko lang sayo."
Nagapakawala ng malalim na buntong-hininga si Cali. "Hindi ka pa rin ba makapag-move on sa nangyari ten years ago?"
Sumandal siya sa likuran ng upuan. "I'm trying to move forward."
"That's good."
"Yeah."
Cali parked his Lexus in the parking lot of Romero's Hospital. Sabay silang lumabas ng sasakyan nito at naglakad papasok sa entrance ng building.
Hinawakan siya ni Cali sa braso at hinila siya patungong information desk.
"Excuse me," ani Cali sa information clerk. "Nasaan ang opisina ni Dr. Castillo? May pasa itong kapatid ko. Ipapa-check up ko."
The clerk looked at Vienna. "Ahm, si Dr. Castillo?" Tinuro nito ang kanang pasilyo. "Doon po ang opisina ni Dr. Castillo. Dadaan kayo sa ICU tapos ang ika-apat na pinto mula sa ICU, iyon na po."
"Thanks," ani Cali at hinila na naman siya patungo sa kanang pasilyo.
Mabilis siyang naglalakad ni Cali ng bigla nalang ito tumigil. At dahil nasa unahan niya ito, bumungo siya sa likod nito.
Pinukol niya ng masamang tingin ang likod ni Cali. "Bakit ka ba tumigil?"
Biglang humarap sa kanya si Cali at hinila siya pabalik sa dinaanan nila. "Come on, let's go. Baka bigla kang maglupasay kapag nakita mo ang nakita ko."
Napapantastikuhang nagpahila siya at lumingon para alamin kung ano ang nakita nito.
Nanigas si Vienna sa kinatatayuan ng makita si Lander sa labas ng ICU at may kayakap ng magandang babae. Parang may pumiga sa puso niya sa nakita. Shit! No. Parang may yumurak sa puso niya ng makitang hinaplos ni Lander ang buhok ng babae at parang inaalo nito. That was the sweet Lander that she knew. Gusto niyang gumawa ng eksena para mapansin siya nito pero pinigilan niya ang sarili. Wala siyang karapatang magpapansin dito. Siya ang umalis. Siya ang nang-iwan. Wala siyang karapatan. Wala.
Mabilis siyang tumalikod ng maramdamang nanunubig ang mga mata niya at isinunsob ang mukha sa dibdib ng step-brother niya.
"Sinabihan na kita." Niyakap siya ng kapatid. "Wala ka nang babalikan."
Napahikbi siya. "Mahal ko siya, e."
"Alam ko." Hinagod ni Cali ang likod niya. "Halika na. Mukhang pumasok na sila."
Hinayaan niya ang kapatid na igiya siya patungo sa opisina ni Dr. Castillo. Nang dumaan sila sa ICU, hindi niya maiwasang mapatingin sa pinto niyon.
Ano ba ang ginagawa roon ni Lander?
Hanggang sa makarating sila ni Cali sa opisina ni Dr. Castillo, nasa isip pa rin niya ang katanungang iyon.
"Mr. Sudalga." Nakipapagkanay ang lalaking nakasuot ng doctor's robe kay Cali. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo?"
Ihinarap siya ni Cali sa doctor. "May pasa siya sa mukha, doc. Ano ba ang puwedeng gawin sa pasa niya?"
Hinawakan siya ng Doctor sa baba at pinatagilid ang mukha niya para tingnan ang pasa niya na gawa ng hapon na sumuntok sa kanya.
"Damn, anong nangyari sayo, hija?" Anang doctor na nakakunot ang nuo.
"Nakipag-away po ako, doc. Iyan ang nangyari kasi malakas ang nakasabunutan ko," pagsisinungaling niya. "Hindi pa naman siya namamaga kahapon, pero ngayon medyo namamanhid na." Kapagkuwan ay pinakita niya ang sugat sa may shoulder balde niya. "At ito pa ho, papalinisan ko sana."
"Mga three to four stitches ang sugat na 'to." Anang Doktor habang sinusuri ang sugat niya. "Dito lang kayo. Kukuha ako ng anesthesia at pantahi sa sugat. Isasabay ko na rin sa pagkuha ang ointment sa pharmacy para sa pasa mo. Hintayin niyo ako rito."
Sabay silang tumango ni Cali at mabilis naman na umalis si Dr. Castillo at hinayaan lang na nakabukas ang pintuan ng opisina nito.
"Masakit ba?" Tanong ni Cali.
"Ay, hindi, hindi masakit." Inirapan niya ito. "Suntukin kaya kita para maramdaman mo ang nararamdaman ko ngayon?"
Ngumiti ang loko niyang kapatid. "Bakit naman kasi nagpasuntok ka? Akala ko ba magaling ka sa martial art."
Vienna looked at Cali, dryly. "Ikaw kaya ang itali ko, tapos habang wala kang kalaban-laban, susuntukin kita." Hinawakan niya ito sa kamay at pinilipit iyon. "Gusto mo subukan natin?"
"Aray!" Hiyaw ni Cali. "Napaka-bayolente mo talagang babae ka." Inagaw ni Cali ang kamay nito na hawak niya.
Nang maagaw nito ang kamay na hawak niya, tamang-tama naman na bumalik si Dr. Castillo sa opisina nito.
"Here we go," ani ng Doktor saka iminuwestra ang kamay sa stretcher na naroon. "Upo ka para maayos kong matahi ang sugat mo." Tumingin ito kay Cali. "Hawiin mo ang buhok niya para maayos kong maitusok ang anesthesia."
Pumunta si Cali sa gilid niya at itinali ang buhok niya gamit ang kamay nito.
Napaigtad siya at napaigik ng maramdaman niya ang karayom na ini-inject na anesthesia sa kaniya ng doctor. Mariin niyang ipinikit ang mata para hindi siya makaramdam ng kagustuhang suntukin ang butihing doktor dahil sa hapding naramdaman.
"Kaya mo 'yan, little sis," pagpapalakas ni Cali sa loob niya. "Leksiyon na 'yon para mag-ingat ka palagi."
Gusto niyang itirik ang mga mata pero nakapikit iyon dahil hinihintay niya na matapos tahiin ng Doktor ang sugat niya bago niya buksang muli ang mga mata.
NANG masiguro ni Lander na maayos ang lagay ng kapatid niya, kinausap niya ang doctor ni Lancelott at naalaman niya na maayos naman na pala ang kalagayan ng kapatid niya kahit papaano.
Napatingin siya kay Eizel at nakitang sapo nito ang tiyan at lukot ang mukha.
"Nagugutom ka?" Tanong niya sa kasintahan ng kakambal.
Eizel nodded. "Medyo."
"Kailan ka ba huling kumain?"
"Kagabi pa."
Napailing-iling siya. "Ano gusto mong kainin, bibilhan kita," wika niya. "Dapat hindi ka nagpapalipas ng gutom baka kapag maayos na si Lancelott, ikaw naman ang ma-hospital."
Eizel gave him an apologetic smile. "Cup noodles nalang, Lander. Wala akong ganang kumain, e."
"Okay. Hintayin mo ako rito." Lumabas siya sa ICU at naglakad patungo sa cafeteria ng hospital.
Pero napatigil siya sa paglalakad ng marinig ang pamilyar na boses ng isang babae. How could he forget that voice? Iyon ang boses nang babaeng bumaliw sa kanya noon.
Sumilip siya sa silid na pinaggalingan ng boses at nanlaki ang mga mata niya ng makita si Vienna na mariing nakapikit ang mga mata habang tinatahi ng doktor ang hiwa nito sa may balikat.
Fuck! Where did she get that?!
Pinilit niyang umalis sa kinatatayuan pero hindi niya magawa. Lalo na nang tumuon ang mga mata niya sa kamay ni Cali na humahaplos sa likod ni Vienna.
Something boiled inside him. Was it anger? Hindi siya sigurado basta ang pinagmulan niyon ay ang nakayakap na braso ni Cali sa bewang ni Vienna.
He didn't like seeing Vienna so close to Cali like this. It was pissing him off!
Hanggang sa matapos ang pagtahi ng doktor sa sugat nito sa daliri at ang pagreseta ng doctor ng gamot para sa sugat nito at para sa mga pada nito sa mukha na ngayon lang niya nakita.
Hindi siya mapakali habang nakasilip siya at nakikinig sa usapan ng mga ito.
"Hija, sa susunod, huwag ka ng makipag-away. Okay?" Anang Doctor.
Nakipag-away si Vienna? That couldn't be true. Vienna was a peace-loving citizen of this country. Hindi ito palaaway.
"Yes, doc," bored ang boses na sagot ni Vienna.
"I'll make sure of it, doc," ani Cali. "Sige, aalis na ho kami. Salamat."
Mabilis siyang nagtago sa isang pinto na nakabukas na malapit lang sa nilabasang pintuan nila Vienna at Cali. Mula sa pinagtataguan niya, malinaw na naririnig niya ang pag-uusap ng dalawa.
"Next time, huwag ka ng magpapasuntok," anang boses ni Cali. "Tingnan mo ang nangyari sa'yo."
"Yes, dear brother," Vienna answered with a sigh. "Anyway, kumusta na pala si Lander? Bakit narito siya sa hospital? May pasyente ba siya rito?"
Natigilan siya sa tanong nito at nakinig ng maigi.
"Ayos lang siya. Nandito siya ngayon kasi nasa ICU yata ang kakambal niya, nag-aagaw buhay," ani Cali. "At sabi niya sa akin noon, naka move on na siya sayo kaya please, patahimikin mo na 'yong tao. Nakita mo naman kanina, may kayakap siyang babae. Baka 'yon ang babaeng mahal niya at hindi na ikaw."
Hinintay ni Lander na magsalita si Vienna. Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita ito.
"May puwang pa kaya ako sa puso niya?"
Tumawa si Cali na para bang nang-uuyam. "Sino ba ang nang-iwan?"
"Dear brother, alam mo ang rason kung bakit ako umalis."
"Yeah, whatever. You made me promise not to tell him."
Hindi na niya narinig ang sagot ni Vienna dahil naglakad na ang mga ito palayo.
Lumabas siya sa pinagtataguan at napatingin sa tinahak na daan ng magkapatid.
Pilit niyang pinapatigas ang puso niya kay Vienna pero kahit anong gawin niyang pagpapatigas no'n, mas lalo lang iyon nagtanong kung bakit umalis noon si Vienna. Bakit iniwan siy nito?
"Fuck!" He cursed.
Hindi ko dapat ito nararamdaman! Galit ako sa kanya. Damn it.
SAPO-SAPO ni Vienna ang pisngi habang naglalakad patungong parking lot. Nang matanggap niya kanina ang ointment kaagad siyang naglagay sa mukha.
Bigla siyang napatigil sa paghakbang ng maramdamang humapdi ang tiyan niya.
"Dearest step-brother, nagugutom ako."
Napabuntong-hininga ito at iritadong tumigin sa kanya. "May cafeteria yata rito sa hospital. Yan kasi, e. Hindi ka nag breakfast."
Sinamangutan niya ito. "Eh kasi naman, e. Hindi pa ako nagugutom kanina at saka hindi ako sanay mag-agahan."
Umiling lang ang ulo ni Cali saka binigyan siya ng perang pambili ng pagkain "Sige na, kumain ka na do'n," anito. "Hihintayin kita sa kotse."
Inungusan niya ito at tinanggap ang pera. Salamat sa mga karatula na nakasabit at tinuturo kung saan ang daan, kaagad siyang nakarating sa cafeteria. Nang makarating, kaagad siyang tumungo sa counter at bumili ng kape at isang slice ng cake. Nang makuha ang order, pumili siya ng bakanteng mesa at umupo roon.
Abala siya sa pagkain na inorder niya ng may pamilyar na baritonong boses na nagsalita sa harapan niya.
"What happened to your face?"
Nagtaas siya ng tingin at parang may tumambol sa puso niya ng makita si Lander na nakatayo roon at may hawak na cup noodle.
Tumikhim siya bago sumagot. "Anong gagawin mo sa cup noodle?" Ayaw niyang pag-usapan ang pasa sa pisngi niya.
"Anong nangyari sa pisngi mo?" Tanong nito ulit. Wala siyang makita na emosyon sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.
Sinubukan niyang itago ang namumulang pisngi sa pamamagitan ng pagtatago niyon sa buhok niya "Wala. Nasobrahan lang sa blush on," pagdadahilan niya.
Kumabog ng malakas ang puso niya ng inabot ng kamay nito ang pisngi niya saka masuyo iyong hinaplos. "Anong nangyari rito?"
Umiling siya. "Nadapa ako."
Nagdilim ang mukha nito. "Puro lang ba kasinungalingan ang alam mo?"
Nagbaba siya ng tingin. "Nakipag-away ako. There. That's the truth. Masaya ka na?"
"May pasa ka. Dapat ba iyong ikasaya?" Anito at inilayo ang kamay sa pisngi niya.
Gusto niyang ibalik ang kamay ni Lander sa pisngi niya pero nahiya naman siya. Gusto niyang maramdaman ulit ang naramdaman niya. Pero mukhang suntok sa buwan ang kahilingan niya dahil biglang may babaeng lumapit dito. Kilala niya ang babae. Kahit naman may extracurricular siya pag gabi, fashion designer pa rin ang fucos niya.
The woman beside Lander was Eizel San Diego, one of the highest paid models in Asia and America.
Bakit magkakilala ang dalawa?
"Natagalan ka kaya sinundan kita," sabi ng babae kay Lander.
Parang may punyal na tumarak sa puso niya ng makitang inakbayan ni Lander ang babae.
"Sorry, babe. Natagalan ako," ani Lander at iginiya palabas ng cafeteria ang babae ng hindi man lang tumitingin sa kanya.
At bakit naman ito titingin o magpaalam sa kanya? Sino ba siya? Mapakla siyang napangiti ng mapansing may nahulog na luha sa pisngi niya. Peste! Ang sakit naman nito! Sana hindi nalang siyang umuwi.
NANG makalabas si Lander at Eizel sa cafeteria, mabilis na pinalis ni Eizel ang braso niya sa balikat nito at matiim siyang tinitigan.
"Sino 'yong babaeng kausap mo bago ako dumating?" Tanong nito.
"Wala 'yon."
Tumaas ang kilay nito. "Kapag hindi mo sabihin kung sino siya, babalik ako roon at sasabihin kong hindi mo naman ako 'babe'."
Itinirik niya ang mga mata at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Her name is Vienna Sugon." Nagtagis ang bagang na nagsalita ulit. "My ex girlfriend."
Ngumisi si Eizel sa unang pagkakataon mula ng ma-hospital ang kakambal niya. "Ex? Hmmm. Still harboring feelings for her, I see."
Ibubuka niya ang bibig para itama ang sinabi nito ng itaas nito ang kamay at inilapat sa mga labi niya. "Don't deny, Lander. Halata sa mga mata mo." Ang lapad ng ngiti nito. "Ingat-ingat din kapag may time. Kasi kahit anong tago mo sa emosyong nararamdaman mo, lalabas at lalabas din 'yan. At wala kang takas." Itinuro nito ang puso niya. "Dahil kapag ito ang kalaban mo, hindi ka mananalo." Eizel smiled sweetly at him. "It's based on experience."
Kinuha nito ang cup noodle na hawak niya ang nginitian na naman siya nito ng pagkatamis-tamis. Pagkatapos ay nauna ng maglakad sa kanya. Naiwan siyang nakatanga sa papalayo nitong bulto.
"I still have feelings for Vienna?" Mapakla siyang ngumiti. "Is that a joke?"
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top