CHAPTER 21

CHAPTER 21

NANLAKI ang mga mata ni Vienna sa pinaghalong takot at galit ng makitang nabuwal sa pagkakatayo si Lander pagkatapos niyang makarinig ng putok ng baril. Sa sobrang takot at galit na naramdaman niya, itinutok niya ang baril kay Lamar Exxon at binaril ito hanggang sa maubos ang bala ng baril niya.

Tadtad ng bala ang katawan ni Lamar Exxon nang matumba ang katawan nito sa sahig.

"Tingnan natin kung mabuhay ka pa riyan." Nagtatagis ang bagang na wika niya at binalingan niya si Lander na nakahandusay sa sahig at naguumpisa nang maligo sa sariling dugo.

"Call an ambulance, dad," Kalmadong aniya. Walang magbabago kung magpa-panic siya. "Ako na ang bahala kay Lander."

"Roger," ani ng ama at may tinawagan.

Abala naman ang ibang tauhan na kasama nang ama niya na linisin ang bangka at ilagay ang lahat ng bangkay sa itim na body bag.

Pasalampak na umupo siya sa sahig at pinakatitigan si Lander. Nag-uumpisa nang mamutla ang binata kaya naman hinawakan niya ang pulsuhan nito.

Nang maramdaman niyang medyo malakas pa ang pulso ni Lander, nabuhayan siya ng loob. "Kampante ako kasi alam kong hindi mo ako iiwan. Alam kong hindi mo hahayaan na makahanap ako nang iba, hindi ba? Sabi mo mahal mo ako, patunayan mo 'yon ngayon, huwag kang mamamatay, huwag mo akong iiwang mag-isa. Please, Lander, mabuhay ka," pakiusap niya habang tumutulo ang luha niya.

Umuklo siya at inilapat ang mga labi sa mga labi nito. "Just hang in there, my love. Parating na ang tulong," bulong niya sa mga labi nito habang walang patid pa rin ang pag-iyak.

Lumapit sa kanya ang ama. "The ambulance is coming, Vienna."

Nag-angat siya ng tingin sa daddy niya. "Thanks, dad."

"He'll be fine," anito. "He won't leave you."

"I know."

"He'll just have to make sure that he is going to marry you afterwards, because I'll kill him if he doesn't," banta ng ama na ikinangiti niya.

Kapagkuwan ay narinig niya ang tunog ng ambulansya.

Nakahinga siya nang maluwang nang pumasok sa barko ang mga nurses at attendants. Inilagay ng mga ito sa stretcher si Lander at inilabas ng barko habang siya naman ay sumusunod sa mga ito.

"Vienna, call me when you get the chance, okay?" Anang daddy niya na nakasunod sa kanya. "I'll stay here to clean things up."

"Thanks dad, I'll call you," aniya.

Nang ipasok ng mga nurses si Lander sa loob ng ambulansiya, pinapasok din siya ng mga ito sa loob at mabilis na humarurot iyon patungo sa hospital.

HABANG nasa operating room si Lander para kunin ang bala na bumaon sa likod nito, nasa labas si Vienna nang OR at hindi mapakali.Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad. Hindi niya alam kung ilang oras nang naroon si Lander sa loob. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya habang naghihintay. Hope. Fear. Love. Guilt. Napakahirap maghintay sa labas habang nagdarasal siya na sana walang mangyaring masama sa binata habang inooperahan.

Nagdarasal siya na sana maging maayos ang kalagayan ni Lander. Gusto niya itong makita ulit. God, I love him. Please, save him.

"Is he okay?" Boses iyon nang ama niya.

Mabilis siyang tumingin sa direksiyon na pinanggalingan ng boses. "Daddy."

Siguro tapos na nito linisin ang barko kaya narito na ito ngayon. Hindi niya ito tinawagan pero alam nito kung saan dinala si Lander dahil ito ang tumawag ng ambulance.

Nginitian siya nito. "What did the doctor say?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi pa ltapos yong operation, dad." Yumakap siya sa ama. "I'm worried."

"Don't be," ani ng ama. "He'll be okay."

"I know," aniya na tumatango-tango pa na parang konikombensi ang sarili. "Alam ko magiging okay lang siya. Hindi niya ako iiwan kasi mahal niya ako. Diba, Dad?"

Hinagod nang ama ang likod niya na parang pinapaklama siya. "He'll be fine, Vienna."

"Sana nga, daddy. Sana nga." Kumawala siya sa pagkakayakap sa ama at umupo sa sofa na naroon. "Hindi ko lang maiwasan na mag-alala. I love him, Dad. Hindi ko kakayanin kong may mangyayaring masama sa kanya."

"Nothing bad will happen." Puno ng kompiyansang sabi ng ama niya. "He'll survive."

Hindi na siya nagsalita pa at hinintay nalang na lumabas ng OR si Lander.

It was a long painful hours of waiting. At sa wakas, inilabas din ito. Mabilis ang kilos nang mga nurses at nursing attendant. They were wheeling Lander towards the ICU. Mabilis niyang sinundan ang mga ito.

Nang makapasok siya sa ICU, ang daming tubo na ikinabit kay Lander. May IV para sa dugo, mayroong IVF na nakakabit sa pulsohan nito. Mayroon pa itong catheter at oxygen.

Nangangamba siya habang nakatingin kay Lander na inaasikaso mg mga nurses. Kapagkuwan ay pumasok ang doktor sa loob ng ICU.

"Doc, kumusta po si Lander?" Tanong niya nang makapasok ang doctor.

"He's fine. Wala namang natamaang vital organs sa katawan niya," Sagot nang doctor na ikinahinga niya nang maluwang. "Wala lang siyang malay kasi under sedative pa siya. Naka-cateter siya dahil bawal siyang bumangon. Katatapos lang niyang operahan kaya bawal siyang maglakad-lakad. At kailangan siyang salinan ng dugo dahil marami ang nawala sa kanya. Magigising siya pagkalipas ng mga lima o anim na oras kasi mawawalan after mawalan ng bisa ang sedative na itinurok sa kanya."

"Thank you, doc."

"Don't mention it. Sige alis na ako," wika ng doctor. "Babalik ako later para i-check ang lagay niya."

"Okay po, doc. Thank you."

Nang makalabas ang doctor, pumasok naman ang ama niya. Tinitigan nito si Lander at tumingin sa kanya. "I approve him for you."

Napatitig siya sa kanyang ama. "Really?" Nuong nag-aaral pa siya, wala itong inaprobahan na boyfriend niya. Pero mukhang iba ang tingin nito kay Lander.

"Yes. Only a man who loves you so much will risk his life to save yours. And because of that, he earned my respect and trust."

Napangiti siya. "Salamat, daddy."

Inakbayan siya nito at hinalikan sa nuo. "I have to go now. I still have to talk to some people."

"Okay, dad." Hinalikan niya ito sa pisngi. "Salamat sa pagpunta, daddy."

Tinapik nito ang balikat niya saka lumabas na nang ICU. Nang masigurado niyang maayos na ang lagay ni Lander, lumabas din siya nang silid at nakitawag sa telepono ng information desk.

Tinawagan niya si Cali.

"Who's this?" Masungit na tanong nito.

"Si Vienna 'to. Puwede mo bang hanapin si Eizel San Diego? Pakisabi sa kanya na nasa Leyma Medical Hospital si Lander."

"At ano naman ang kinalaman ng model na iyon kay Lander?" Naguguluhang tanong ni Cali sa kabilang linya.

"Basta. Gawin mo nalang ang pinapagawa ko."

"And why would I do that?"

"Kasi kaibigan mo si Lander at kapatid mo ako. Now, do it," utos niya at ibinaba ang telepono.

Nagpasalamat siya sa Information Clerk at bumalik sa ICU. Tulog pa rin si Lander kaya naman umupo siya sa sofa na naroon at isinandal ang likod para makapagpahinga rin siya.

She was so tired. She needed to rest. Hindi naman malala ang mga pasa niya para magpagamot siya. She only need pain reliever and lots of rest.

NAGISING si Vienna dahil sa mga boses na naririnig. Napabalikwas siya ng bangon at tumingin sa higain ni Lander.

"Lander!" Sigaw niya, puno ng pag-alala ang boses niya.

Three pair of eyes looked at her direction.

"Sino ka?" Tanong nang lalaki na kamukhang-kamukha ni Lander.

Alam niyang may kakambal si Lander pero hindi niya ito nakilala noon. Hindi niya akalain na magkamukhang magkamukha ang dalawa.

Sinuklay niya ang buhok at umayos ng tayo. "I'm Vienna Sugon—"

"Oh, yeah. I know you," putol ng lalaking kamukha ni Lander sa iba pa niyang sasabihin. "Ikaw 'yong nang-iwan sa kakambal ko nang walang paalam."

Napatungo siya. "Oo, Ako 'yon."

"Anong nangyari sa kakambal ko?" Nasa boses nito na parang kasalanan niya ang nangyari, which is, kasalanan naman talaga niya. "Bakit siya nabaril? Ano ba ang nangyari?"

Nag-angat siya ng tingin. "May ahm," shit! Ano ang sasabihin niya? Wala siyang order na sabihin sa mga kapatid ni Lander. "May gustong magnakaw ng mga sasakyan ng LaCars. Nanlaban siya kaya siya nabaril."

"Ano naman ang nangyari sayo? You look like someone beat you up," sabad ng babae na medyo kamukha rin ni Lander.

"I—ahm... the reason why he got shot," pag-amin niya.

Lander's twin glared at her. 'Yong babae na kamukha ng kasintahan ay umupo sa gilid ng kama at si Eizel San Deigo naman ay yumakap sa beywang ng lalaking kamukha ni Lander at parang pinapakalma nito ang lalaki.

Are they a couple? I think so.

"Hindi naman niya kasalanan 'yon," wika ni Eizel. Kilala niya ito dahil isa itong sikat na model. "Sigurado akong hindi niya ginustong mabaril si Lander. Tingnan mo nga, kahit nga siya, nabugbog, oh."

Matiim siyang tiningnan ng lalaki. "Mahal mo ba ang kakambal ko?"

"Oo," mabilis niyang sagot.

"Hindi mo siya iiwan?"

"Hindi."

"Papakasalan mo siya?"

Natigilan siya. "Kapag nag-propose siya, oo, magpapakasal ako sa kanya. Ayoko namang ako ang mauna. Nakakahiya 'yon"

"Mabuti naman," anito at inilahad ang kamay. "Lancelott Storm, call me Lance. Kakambal ako ni Lander." Itinuro nito si Eizel. "And this beautiful woman beside me is my fiancé, Eizel San Diego."

"Hi. Nice to meet you. I'm Vienna Sugon." Tinanggap niya ang pakikipagkamay ng dalawa.

Iyong babae naka-upo sa gilid ng kama na kinahihigaan ni Lander ay pumihit paharap sa kanya at inilahad ang kamay, "I'm Louie Storm, their little sister."

Tinanggap niya ang pakikipagkamay din nito. "Vienna Sugon."

At pagkatapos ng mga tanong at pagpapakilala, parang naging magaan na ang pag-uusap nilang apat. They talked, they joked around, and they shareed their worries with Lander's condition. Masarap sa pakiramdam na hindi na galit ang kakambal ni Lander sa kanya. Ayaw niyang may isang kapamilya si Lander na hindi siya gusto. She wanted peace and harmony with Lander's siblings.

After an hour, the three left with a promise that they would be back later.

Naiwan siyang mag-isa sa ICU. Umupo siya sa gilid ng kama ni Lander at hinawakan niya ang kamay nito.

"Gumising ka na," pakiusap niya rito. "Nag-alalala na kaming lahat. Please? Gusto kong makita ang asul mong mga mata na nagniningning at ang mga labi mo na nakangiti. Wala na si Lamar Exxon at sisiguraduhin kong wala nang mangyayaring masama sayo... sating dalawa."

Pinakatitigan niya ang guwapong mukha ni Lander. Kahit may oxygen ito, hindi nabawasan ang taglay nitong kakisigan.

Bigla siyang napalingon sa pintuan ng ICU nang makarinig nang katok mula roon. Nang bumukas iyon, pumasok si Hellion.

"Hey," anito at ngumiti. "Kumusta?"

Sinuklian niya ang ngiti nito. "Okay lang naman ako. Medyo nabugbog nang kaunti pero ayos lang naman."

"How about Lander?"

"He's fine. He got shot but he is fine."

Tumango-tango ito at naglakad palapit sa higaan ni Lander. Napailing-iling ito ng makita nang malapitan ang binata.

"What?" Nagtatakang tanong niya.

"Akala ko hindi ko makikita si Lander na binubuwis ang sariling buhay para sa isang babae. Sabi niya noon, wala siyang babaeng mamahalin. Only to find out, sinabi pala niya iyon dahil may mahal na siya noon pa."

Napamaang siya kay Hellion. Nagtataka siya kung bakit alam nito ang mga bagay na iyon tungkol kay Lander.

"Paano mo nalaman ang mga yon?" Kunot ang nuo na tanong niya. "A-Anong... S-Sino ka ba?"

Misteryosong ngumiti si kanya si Hellion. "Hindi mo naman siguro inisip na Hellion ang tunay kong pangalan diba? At saka nag-volounter lang akong magtrabaho sa ahensiya. I ought to have a code name."

Bigla siyang na curious. "So, anong pangalan mo?"

Ngumisi ang lalaki at inilahad ang kamay sa kaniya. "Shun Kim at your service, Miss Sugon."

"Shun Kim?" Gagad niya. "Are you related to Lander?"

Mas lumapad ang ngiti nito. "I'm one of his many friends."

Naguguluhan pa rin siya nang tanggapin ang pakikipagkamay nito.

"Kaibigan ka niya tapos hindi mo man lang sinabi sa akin?" Medyo naiinis na sabi niya.

"Hindi tayo close. By the way, tell Lander i said 'get well soon'." Nakangiting wika nito at lumabas ng ICU.

Nakatanga pa rin siya sa nilabasan nitong pinto. Kilala ni Lander si Hellion na ang tunay palang pangalan ay Shun Kim? What the fuck! At hindi sila close para sabihin nito ang tunay na pangalan samantalang pinagkatiwalaan niya ito? Letse! Hindi pala close, hah!

Kainis! Akala ko pa naman matino ang partner ko. 'Yon pala ay hindi.

Naiinis pa rin siya kahit nakalipas na ang ilang minuto. Nawala lang ang inis na nararamdaman niya ng marinig niya ang pabulong at mahinang boses ni Lander.

"Vienna..." tawag nito sa pangalan niya.

Nanlaki ang mga mata niya. "Gising ka na."


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top