CHAPTER 2

CHAPTER 2

NGINITIAN ni Vienna ang step-brother niyang si Cali ng makita itong nasa labas ng private plane nito at mukhang hinihintay siya. Buti nalang talaga sinundo siya nito rito sa Japan. Ayaw niyang ma-hassle pauwi sa Pilipinas.

"Hey, dear brother," bati niya rito saka niyakap ito.

Tinugon naman ni Cali ang yakap niya saka tinapik ang likod niya. "Kumusta?"

Nakangiting tumango siya. "Okay naman."

Hinawakan siya sa siko ni Cali at iginiya papasok sa private plane nito.

"Dalawang buwan ka lang sa Pinas?" Tanong ni Cali ng makapasok sila sa loob ng eroplano.

Tumango siya. "May kailangan lang akong tapusin na fashion collection tapos babalik kaagad ako sa London."

"Fashion collection?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Hindi ako naniniwala. Kilala kita Vienna. Alam kung narito ka sa Pilipinas dahil may mahalaga kang rason. Now, tell me what it is."

Humugot siya ng malalim na hininga saka tumingin sa mga mata ni Cali. "I want Lander back."

Malakas na natawa si Cali sa sinabi niya. "Nagbibiro ka?"

Umiling siya. "I'm serious."

Tumigil ito sa pagtawa. "Oh, akala ko nagbibiro ka lang." Napailing-iling ito. "Bakit mo kasi siya iniwan ng hindi nagpapaalam? You could have at least said good bye to him. Alam mo ba kung anong nangyari sa kaniya ng umalis ka? Naging bitter na siya. Hindi na siya ang Lander na naging kaibigan ko sa Stanford na masayahin at walang problema sa mundo. Dahil sayo, minsan nalang makakitaan ng emosyon ang mukha niya."

Kinain ng konsensiya ang puso niya. "Alam kong nasaktan ko siya kaya nga heto ako ngayon at babawi."

"Bakit ngayon? Bakit hindi noon na umaasa pa siya na babalik ka?"

Tumingin siya sa labas ng bintana ng eroplano. "Kasi naduwag akong bumalik noon. Alam kong galit siya sa'kin. At saka, nangako ako sa sarili ko na hindi ko na hahayaan na may masirang buhay ng dahil sa'kin at sa kapabayaan ko."

Nagpakawala ng buntong-hininga si Cali. "Sana nga matanggap ka pa ni Lander uli."

Vienna sighed. "I hope so, too, brother. I hope, so, too."

Paagkalipas ng ilang oras, mahigpit na napahawak si Vienna sa arm chair ng kinauupuan ng maramdamang pababa na ang eroplano. Nang tuluyan na itong makalapag, huminga siya ng malalim at sabay silang lumabas ng eroplano ng kanyang kapatid.

Habang naglalakad sila ni Cali patungo sa exit ng airport, kinuha nito ang cellphone sa bulsa saka may tinawagan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig na sinambit ni Cali ang pangalan ni Lander.

"Hey, Storm," ani Cali sa kausap sa telepono. "Sino ang kukuha ng pinadala mong spare parts?"

Lumapit siya sa kapatid at idinikit ang tainga sa cell phone nito para marinig ang boses ng mahal niya.

Tinulak siya palayo ni Cal. "Shhh!" Pinandilatan siya nito bago nagsalita ulit. "Oh? Okay. I'll wait then."

Tinapos nito ang tawag at ibinalik ang cellphone sa bulsa. Pagkatapos ay kumuha ito ng pera sa wallet at iniabot sa kanya.

"Here. Go and buy yourself coffee," ani Cali sa kanya.

Sinimangutan niya ang kapatid. "Gusto mo lang akong paalisin, e. Sinuhulan mo pa ako." Inungusan niya ito. "Hindi porke't paborito ko ang Starbucks coffee ay susuhulan mo ako."

"So, ayaw mo?"

Mabilis na kinuha niya ang pera na hawak nito. "Gusto!"

"'Yon naman pala, e." Napailing-iling ito saka namulsa, "Sige, hintayin mo kami sa Starbucks. I-order mo na rin kaming dalawa, okay?"

Pinaikot niya ang mga mata bago naglakad patungo sa starbucks at umorder doon ng black coffee, cappucino, at java latte.

Pagkatapos niyang umorder, umupo siya sa bakanteng mesa na nasa gitna para madali siyang makita ng kapatid niya.

Nang tawagin ang pangalan niya sa counter, kaagad siyang lumapit doon at kinuha ang inorder. Isang sachet lang ng asukal ang inilagay niya sa kape niya saka sumimsim. Nalukot ang mukha niya at napaubo siya sa sobrang pait ng kape.

"Bitter ako pero hindi ganito ka-bitter," aniya at nilagyan ng tatlong sachet ng asukal ang kape.

Nang tikman niya iyon ulit, napatango-tango siya ng malasahang matamis na ang kape na kanina lang ay pinatay ang dila niya sa sobrang pait.

Bumalik siya sa kinauupuan kanina saka doon ininom ang kape. Kapagkuwan ay wala sa sariling napalingon siya sa pintuan ng starbucks.

Parang tumigil ang paghinga niya ng makitang pumasok doon ang kapatid niya at ang lalaking may kulay asul na mga mata.

Hindi niya ma-i-alis ang tingin sa binata. Mas lalo itong gumuwapo sa paglipas ng panahon.

He became more manlier over the years. His shoulder was broader. He was taller. And he he became one hundred times more drop dead gorgeous than before. His piercing blue eyes, his aristocrat nose, his kissable thin red lips, and his stubborn sqaure jaw still made her uneasy.

"Lander," sambit niya sa pangalan ng binata nang nagtama ang mga mata nila.

She noticed Lander stilled. He stopped walking when thier eyes met.

"Vienna." She saw him mouthed her name as thier gaze locked with each other.

Vienna pressed her lips together and looked down. Hindi niya kayang makipagtitigan ng matagal kay Lander. Nararamdaman niya ang pamilyar na tibok ng puso niya.

After all these years, si Lander pa rin ang tinitibok no'n. Walang nagbago. Mas lalo lang nga yata lumala ang nararamdaman niya para rito.

LANDER was irritated. Panay ang request ni Kathie na magtalik sila sa bahay niya. Kung hindi raw sila roon magtatalik, iiwan siya nito.

As if I cared.

He smiled coldly at the woman who was trying to enter his haven. "You don't belong there. Wala pang babae na nakakapasok doon. So, please lang, huwag mo ng ipilit."

Umalis ito sa pagkakakandong sa kanya at pinulot ang mga nagkalat na damit sa sahig at nagmamadaling isinuot iyon.

"Gago!" Sigaw nito sa kanya. "You're just using me for your own pleasure—"

"Just leave and stop shrieking like a banshee." Tinakpan niya ang tainga. "It's annoying."

Napapitlag siya at pinag-krus ang braso sa harap ng ulo ng makitang pinulot nito ang stapler at binato sa kanya. Mabuti nalang at tumama iyon sa braso niya. Medyo masakit lang.

Nang marinig niya bumukas at sumara ang pinto ng opisina niya, ibinaba niya ang mga braso at napatingin sa nag-iingay niyang cellphone.

Nang makitang si Cali ang tumatawag, sinagot niya iyon.

"Hey, Sudalga," aniya.

"Hey, Storm," ani Cali sa kabilang linya. "Sino ang kukuha ng pinadala mong spare parts?"

"Nandito ka na?" Nakakunot ang nuong tanong niya. "Ang bilis naman—" Napatigil siya sa pagsasalita ng makarinig ng ingay galing sa kabilang linya. "You're still there, Sudalga?"

"Shhh!" He hushed him.

"Oh, okay. Ako pala ang kukuha ng pinadala ko."

"Oh? Okay. I'll wait then." Pagkasabi no'n ay pinatay nito ang tawag.

Nang ma-realized na hindi pala niya alam kung nasaan ang eroplano nito, he called back Cali.

"Hey, Sudalga?" Aniya ng sagutin nito ang tawag. "Saang airport?"

"Sa AirJem Airport."

"Okay."

Pinatay niya ang tawag at mabilis na lumabas ng opisina. Habang nakasakay pababa sa elevator, tinawagan niya ang sekretarya niya.

"Yes, sir?" Anang boses ni Stephanie Torero sa kabilang linya.

Sekretarya niya ang dalaga simula ng makapatapos ito ng pag-aaral, apat na taon na ang nakakaraan. Nagtagal ito sa kanya dahil nasasakyan nito ang pagpapalit-pait ng mood niya at kahit kailan ay hindi ito nagnasa sa kanya.

"Cancel all my appointments for today," sabi niya kay Stephanie. "May aasikasuhin akong importante."

"Copy, sir," anito.

"Goodbye."

Pagbukas ng elevator, inilagay niya sa bulsa ng pantalon ang cell phone at malalaki ang hakbang na tinungo ang Audi na naka-park sa labas ng LaCars Building. Mabilis ang mga kilos niya ng makasakay sa kotse niya.

Habang nagmamaneho siya, naalala niya ang pag-uusap nila kaninang umaga ni Cali. Kaya ito pumunta ng Japan dahil nagpapasundo si Vienna. Magkasama ba ang dalawa ngayon?

Was Vienna really here? Was she really back?

Halos lumipad ang sasakyan niya habang patungo sa airport. Kaya hindi nakapagtataka na pagkalipas ng limang minuto ay nakarating na siya. Kaagad niyang nakita si Cali pagpasok niya sa airport. Kasama nito si Valerian na hindi maipinta ang mukha.

"Hey," aniya at napatingin sa papalayong bulto ni Valerian "Anong nangyari sa isang 'yon?"

"Galit kasi itinabi ko raw ang eroplano ko sa mga eroplano niya tapos galing pa ako ng Japan, kaya 'yon," naiiling na sagot ni Cali.

Napailing-iling nalang siya sa ginawi ni Valerian. "Kahit kailan talaga may tupak ang lalaking 'yon."

Tumango-tango si Cali habang nakatingin din sa papalayong likod ni Valerian. "Hindi ko pa rin lubos maisip kong bakit hindi siya maka-move on sa history."

Mahina siyang napatawa. "Baka avid fan siya ni Lapu-lapu at ni Andres Bonifacio."

Nagkibit-balikat si Cali. "Whatever." Humarap ito sa kanya. "By the way, pinapalabas ko palang ang spare parts mo sa eroplano ko. Medyo matatagalan pa 'yon kasi dadaan pa yata 'yon sa checking-customs-escaner-and many more." Itinuro nito ang starbucks na ilang metro ang layo sa kanila. "Coffee while waiting? Tatawagan nalang naman daw ako ng contact ko sa loob kapag pwede nang kunin."

"Sure," aniya.

Sabay silang naglakad ni Cali patungong Starbucks.

"Kumusta na pala si Lancelott?" Tanong sa kaniya ni Cali kapagkuwan. "Narinig ko yong nangyari sa kaniya. Okay lang ba siya?"

"He'll survive."

"Buti naman."

"Yeah, he's a fighter—" Tumigil siya sa pagsasalita, pati na rin sa paglalakad ng magtama ang mga mata nila ng babaeng kailanman ay hindi niya inakalang babalik pa sa Pilipinas pagkalipas ng walong taon.

As thier gaze locked with each other, everything turned to silence. He felt like they were put in another dimension where there are no people aside from them.

Lander couldn'tlook away from those beautiful almond eyes that caught his attention at first sight. At tulad ng una nilang pagkikita noon, nakasuot ito ng kulay pulang damit na nangangalahati sa hita nito.

"Vienna," mahing sambit niya sa pangalan ng dalagang bumaliw sa kaniya noon.

Tumikhim si Cali na siyang pumukaw sa diwa niya. "Shall we?"

Napakurap-kurap siya at napabaling sa kaibigan. "Ano?"

Iminuwestra nito ang kamay patungo sa mesang kinauupuan ni Vienna. "Shall we?"

Tumango siya saka namulsa. Sa loob ng bulsa niya ikinuyom ang kamao niya habang naglalakad palapit sa dalagang walong taon din niyang hindi nakita. Ang dalagang iniwan siya ng walang paalam.

Fucked it! She still looked beautiful.

Nang makaupo sila ni Cali, inabot ni Vienna ang isang Starbucks cup kay Cali. "Capuccino for you." At inabot nito ang isa sa kanya. "Java latte for you." Ngumiti ito. "Tama ba ang inorder ko?"

"Yeah," sabay nilang sagot ni Cali.

"Great," Vienna chirpped and sipped her coffee.

Hindi napigilan ni Lander ang sarili na tumitig sa magandang mukha ng dalaga. Time really did her well. Mas gumanda pa ito lalo at mas naging sopistikada.

Mas lalong kumuyom ang mga kamao niya saka marahas na ipinilig ang ulo niya.

"I have to go," aniya. Hindi niya kayang makipag-usap kay Vienna na parang wala lang. He hated her. Damn it! Tinapik niya ang balikat ni Cali. "Tawagan mo nalang ako kapag ready na ang spare parts." Pagkasabi no'n ay umalis na siya at iniwan ang dalawa.

MALUNGKOT ang mga mata ni Vienna habang nakatingin sa papalayong bulto ni Lander. Nang magkatitigan sila kanina, nakita niya ang galit sa mga mata nito. She had faced deadly situations pero wala nang mas nakakatakot pa kaysa sa mga mata ni Lander na puno ng galit para sa kanya.

"God, please, help me win him back."

Cali chuckled. "You need to pray harder than that if you want him back." Tinapik nito ang balikat niya. "Hindi na siya ang dating Lander na nginitian at hinalikan mo lang, madadala na. Nagbago na siya. Good luck sayo."

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Good luck talaga sa'kin. Sa tingin ko mahihirapan akong makapasok ulit sa buhay niya."

Tumango si Cali bilang pagsangayon. "Mahihirapan ka talaga kaya magdasal ka na. Kakailangan mo 'yan."

Bumaba ang tingin niya sa java latte na binili niya para sa binata. Ni hindi man lang nito nagalaw iyon. Shit! Unang pagkikita palang pero nararamdaman na niya ang kirot sa puso niya. Ano pa kaya kung magkita sila ulit?

He was her first love. First in everything. Ang she wanted to be his everything, too.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top