CHAPTER 19

CHAPTER 19

HINIHINGAL na bumagsak ang katawan ni Vienna sa kama sa tabi ni Lander na may ngiti sa mga labi. As usual, making love with Lander was always mind blowing and breath taking. Hindi niya alintana ang sugat niya sa balikat.

"That was amazing," hinihingal na sabi ni Lander.

That made her smile. "Yeah. Always is."

Tumagilid ng higa si Lander at yumakap sa beywang niya. "Vienna?"

"Hmm?"

"Huwag mo na akong iiwan ulit, ha?" Pakiusap nito sa kanya habang kinikiskis ang dulo ng ilong nito sa pisngi niya.

Ipinikit niya ang mga mata at ngumiti. "Hindi kita iiwan, Lander. Hindi ko na kakayanin pang mawalay sa'yo nang ganoong katagal."

Lander sighed in relief and kissed her cheeks. "Please, be safe. Always. Okay?"

"I will,"sagot niya. "I'll keep you safe too, Lander," pangako niya iyon sa binata at sa sarili niya. "Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo. Pangako 'yan."

Humigpit ang pagkakayakap ni Lander sa kanya. "I can keep myself safe, Vienn. Ang sarili mo ang isipin mo. Huwag ako. Kasi mas lalong hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sayo."

His words... did that mean he feel something for her? Hindi lang ba imahinasyon ang emosyong nakikita sa mga mata nito? Nakapasok na ba siya sa puso nito?

Pinagsiklop niya ang kamay nila ni Lander na nasa beywang niya. "I'll keep you safe. Hindi dahil iyon ang trabaho ko kundi dahil ikaw ang lalaking mahal ko at ayokong may hindi magandang mangyari sayo. So, please, let me."

"Kung ganoon, hayaan mo rin na protektahan kita sa abot ng makakaya ko," wika nito.

"Hindi na kailangan." Puno ng kompyansa na sagot niya. "Ako na ang bahala."

Lander kissed her cheek again. "No. Just let me. Please."

Huminga siya ng malalim. "Matulog ka na, Lander." Hahaba lang ang usapan nila. Hindi niya ito papayagan sa gustong mangyari. "Bukas na natin pag-usapan ito. You'll be safe, I promise."

"Okay. Good night, my sweet," bulong ni Lander sa tainga niya. "I love you so much, Vienna."

"I love you too, Lander."

Nilukob ng katahimikan ang buong private room ni Lander sa opisina nito. A moment later, Lander's breathing became even. Mukhang tulog na ang binata.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap ng braso ni Lander sa beywang niya at umalis siya sa kama.

Kinuha niya ang first-aid kit sa banyo bago siya lumabas sa pribadong silid na iyon na hawak ang cellphone niya. Wala siyang suot na kahit na ano. Hubo't-hubad siya habang naglalakad.

Vienna sat on Lander's swivel chair and dialed her father's number.

"Is this Vienna or Agent light?" Tanong ng Daddy niya ng sagutin nito ang tawag.

Kapag tumatawag siya, palagi itong nagtatanong kong si Vienna ba o si Agent light siya. Kapag sinabi kasi niyang si Vienna ito, alam nitong mangungumusta siya o gustong makausap ito kaya nawawala ang awtoridad sa boses nito.

Ini-loudspeaker niya ang cellphone pagkatapos ay inilapag sa ibabaw ng mesa at nag-umpisang linisin ang sugat niya sa braso.

"This is Vienna, dad," aniya sa mahinang boses.

Her father sighed. "Are you okay? I heard from Hellion that you got shot."

Lihim siyang napamura. Bakit ba sinabi pa niya kay Hellion na timaan siya? "Hindi naman po malala ang tama ko. Daplis lang po."

Her father couldn't speak Tagalog but he could understand the language.

"That's good to hear," wika ng ama. "Anyway, how's your talk with your mother?"

"Hindi kami nag-usap." Nalukot ang mukha niyang ng maramdaman niya ang hapdi dulot ng alcohol na ipinahid niya sa sugat. "Hindi ba sinabi ko na po na ayoko siyang makausap? So please, dad, stop it. Huwag ka nang gumawa ng paraan para makausap ko siya."

"Baby, you're mother is sad because you refuse talk to her."

"Paki ko naman. Bakit? Nalungkot ba siya ng iwan niya tayo para sumama sa lalaki niya? Hindi naman diba? Spare me, daddy. Hindi ako ikaw. I can't forgive her like you did."

Malalim na bumuntong-hinga ang ama niya. "Okay. Anyway, how are you? Where are you?"

"In LaCars building," aniya habang nilalagyan ng betadine ang sugat. "I'm worried, Dad. Nag-aalala ako para kay Lander. Can you please send him to a safe place?"

"Isn't he safe by your side?"

Umiling siya na parang nasa harapan niya ang ama. "Dad, please, I can't lose him."

"Okay, baby. I'll send a unit that will take him to a safe place," anito na ikinasaya niya.

"Thanks, daddy." Kumuha siya ng gauze at itinakip niya iyon sa sugat.

"Your welcome, Vienna. Now, go to sleep. Malalim na ang gabi."

Napangiti siya. "Sige po. Good night, Dad."

"Okay. Take care."

Akmang papatayin na niya ang tawag ng magsalitang muli ang ama. "You really love this Lander guy, huh?"

"Yes." Walang pag-aalinlangan na sagot niya. "I do."

"Then I should meet him personally, don't you think?"

Napangiti siya. "Soon, dad. Soon."

"I'll hold on to that," her father said before ending the call.

Nakangiti na napapailing-iling si Vienna. Medyo may pagka-intimidating ang ama niya pero malambot ang puso nito kapag pangangailangan ng iba ang pinag-uusapan. Kaya nga ito ang napili na maging pinuno ng ahensiya.

Her father had a heart for innocent people, but had none for criminals and murderers.

Isinara niya ang first-aid kit pagkatapos ay tumayo siya at naglakad palapit sa glass wall ng opisina ni Lander. Walang ilaw sa loob ng opisina ni Lander maliban sa dim light sa gilid ng opisina kaya hindi siya natatakot na maglakad nang nakahubad. She was confident to walk around naked because she was not ashamed of her body.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa ibaba ng gusali. This place wasn't safe for both of them. Kailangan maitago niya si Lander bago siya gumalaw. May inilagay na siyang C4 sa Exxon Garage. Madali lang pasabugin iyon. Makakagalaw lang siya nang malaya kapag alam niyang safe na si Lander.

Huminga ng malalim si Vienna at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay bumalik siya sa private room ni Lander.

Napangiti siya nang makitang mahimbing na natutulog si Lander sa kama.

Vienna sat on the edge of the bed and looked at Lander peaceful face. Gumalaw ang kamay niya para haplusin ang pisngi nito at dumukwang siya para halikan ang mga labi nito.

"Mahal na mahal kita, Lander. I promise to keep you safe," bulong niya sa kasintahan at humiga sa tabi nito.

NANG MARAMDAMAN ni Lander na tulog na si Vienna, iminulat niya ang mga mata. Nang marinig niyang papasok ito sa kuwarto ay mabilis siyang umaktong natutulog.

Nang umalis si Vienna sa kuwarto, naramdaman niya iyon kaya naman bumangon siya at nang makitang may tinawagan ito, nakinig siya. Nararamdaman niyang may plinaplano ito at tama nga siya.

Tinawagan nito ang ama nito. Dahil naka-loudspeaker ang tawag kaya naman dinig na dinig niya ang usapan ng dalawa.

Lander heard when Vienna's father asked her if she really loved him. Nang marinig niyang ang sagot ni Vienna, alam niyang hindi niya kakayanin kapag nawala ito sa kanya. Kaya naman hindi siya papayag na ilagay siya sa isang safe place samantalang ito ay malaki ang posibilidad na masaktan. Hindi siya papayag. Hindi.

Pinakatitigan ni Lander ang dalaga kapagkuwan ay kinumotan niya ito at bumulong siya sa tainga nito. "I love you, Vien."

NANG magising kinabukasan si Lander, wala na si Vienna sa tabi niya. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili, lumabas siya sa silid.

Natigilan siya ng maabutan si Vienna na may inilalapag na starbucks at mini-chiffon cake sa ibabaw ng mesa niya.

"Ano 'yan?" Tanong niya kay Vienna.

Ngumiti si Vienna ng makita siya. "Your breakfast."

Umupo siya sa swivel chair niya. "For me?"

"Yeah. Nag-jogging ako. Nang mapadaan ako sa starbucks, binilhan na kita ng agahan."

"Jogging?" Tumingin siya sa sugat nito sa braso. "Okay lang ba na mag-jog ka kahit may sugat ka?"

Tumango ito at ngumiti. "Oo naman. Okay lang 'yon."

"You sure about that?"

"Hmm-mm."

Akmang sisimsim siya ng kape ng may pumasok sa isip niya. "Ikaw, nag-agahan ka na?"

"Yeah." Umupo ito sa visitor's chair. "Doon na ako nag breakfast sa starbucks. I had a nice talk with the couple next to my table."

Tumaas ang kilay niya. "Couple?"

"Hmm-mm." Mas matamis ito na ngiti. "The man is very handsome."

Nagsalubong ang kilay niya at nagdilim ang mukha niya. "Handsome, huh?" Jealousy sipped through him. "Handsome than me?"

Vienna shrugged. "Medyo magka-level kayo sa kaguwapuhan.

"Not acceptable." Tumalim ang mga mata niya. "May gusto ka sa lalaking 'yon? Do you like him—"

"Train Wolkzbin."

Lumalim ang gatla sa nuo niya. "Ano?"

"Train Wolkzbin. 'Yon ang pangalan ng lalaki na nakausap ko sa starbucks. Magkaibigan kayo diba? He is with his wife. She's pretty. Bagay sila."

Nawala ang pagkakakunot ng nuo niya at sinimangutan si Vienna. "You're making me jealous, aren't you?"

Bumungisngis ito. "Nope." Tumayo ito at umikot patungo sa swivel chair niya at ginawaran siya ng halik sa mga labi. "Good morning, by the way."

"Good morning." He kissed her deeply. "That's the good morning kiss that I want. Not a peck kiss or light kisses."

Umikot ang mga mata nito. "Yes, baby." Hindi niya mapigilan ang mapangiti.

"I like you calling me endearments pero masyado nang overused ang baby, e. Mag-isip ka ng iba. Yong unique."

Umupo ito sa armrest ng swivel chair at inakbayan siya nito gamit ang isang braso na walang sugat. "How about 'my in-denial king' o kaya naman 'my pakipot guy'?"

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Iyon talaga? Puwedeng iba nalang?"

"Bakit naman iba?" May paglalambing sa boses nito. "Those endearments describes you well, my love."

"My love?" Gagad niya sa huling sinabi nito. "I like that endearment for me."

"Asus." Inungusan siya nito. "Ako raw ang pipili pero siya rin pala sa huli."

Mahina siyang napatawa. "I was just suggesting."

"Ewan ko sa'yo." Umalis ito sa pagkaka-upo sa swivel chair. "Anyway, pinakuha ko na ang mga gamit natin sa kotse mo. Nasa kuwarto na kanina pa."

Tumango-tango siya at nag-umpisang kainin ang agahan na binili ni Vienna para sa kanya. Habang kumakain siya, si Vienna ay nakatingin sa labas ng glass wall.

Lander could feel how tense she was. Her guard was up. Kahit pa nga nakatayo lang ito at nakatingin sa labas, kitang kita niya 'yon. Maybe Vienna was thinking about Lamar Exxon. She was thinking about his safety again.

Nawalan siya nang ganang kumain at nilapitan ang dalaga. "Ayos ka lang?" Niyakap niya ito mula sa likuran. "You look tense."

"Kanina, nuong nag jogging ako, may nakita akong kotse," kuwento nito. "Sinundan ako mula nang lumabas ako sa LaCars hanggang sa tumigil ako sa starbucks hanggang sa nakabalik ako rito. It's Lamar Exxon's men. Nararamdaman kong may plinaplano sila. Kung ano man 'yon, kaya ko 'yong harapin. Pero ikaw." Humarap ito sa kanya at puno nang pag-aalala ang mga mata na tiningnan siya. "Ayokong madamay ka sa gulong 'to."

"Vienna, ako ang habol niya. I mean, ang mga sasakyan ko ang habol niya. Why don't we call the police to take care of the matter?"

Tumawa ito ng pagak. "Kung kaya ng mga pulis, e, di sana matagal nang wala si Lamar Exxon. At isa pa, may mga contact din sila sa pulis. Hindi natin alam kung sino ang pagkakatiwalaan natin."

Bumagsak ang balikat niya. "Sino ba talaga si Lamar Exxon?"

"He's the leather of Exxon GTA. Iyon ang tawag sa grupo ng mga ito na nagnanakaw ng mga sasakyan para ibenta sa black market. Dito sa Asya, sila ang kilalang magnanakaw ng mga sasakyan. My mission was to destroy their home base in China and Philippines, pero nag-iba iyon ng pumasok ka sa eksena. The head of the agency I'm working for already sent another pair to destroy their homebase in China. Ngayon ang sa Pilipinas nalang ang hindi pa nasisira. I already put bombs in their home base—"

"Then destroy it already."

"No." Umiling ito. "Iyon lang ang tanging alas na hawak ko laban kay Lamar Exxon. I'll destroy it when the right time comes."

"Paano kung alisin nila lahat ng sasakyan sa Exxon garage para hindi mo 'yon masira?"

"Kaya nga kailangan maging mabilis ang kilos natin." Kinuha nito ang cell phone sa bulsa at may tinawagan.

"Hellion," ani Vienna sa nasa kabilang linya. "Under surveillance mo ang Exxon Garage diba?"

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Vienna.

Bilang sagot ay ini-loud speaker nito ang cellphone para marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito

"—is not good." Boses iyon ng isang lalaki. "Wala namang pagbabago sa garage, maliban sa isa-isang nawawala ang mga sasakyan at inilalagay nila sa isang barko na nakadaong sa isang pier."

"Shit," vienna cursed. "Gave me the coordinates of the pier. Pupunta ako roon."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"Okay. Coordinates ... sent," wika nang nasa kabilang linya.

"Thank you," ani Vienna. "Titingnan ko ang Pier at hahanapin ko ang barko na sinasabi mo. Dadaan ako riyan sa bahay mo para kumuha ng C4. I have to destroy that cargo ship before it leaves the Philippines."

"Okay. Ihahanda ko na ang mga kakailanganin mo."

"Thanks. I'll be there in ten." Pinatay nito ang tawag at akmang maglalakad patungo sa private room pero pinigilan niya.

"Hindi ka puwedeng pumunta roon!" Galit na wika niya.

"This is the only way, Lander. We'll be safe after this. Hindi ako puwedeng manatili rito sa opisina mo at walang gawin. Ang misyon ko ang protektahan ka at gagawin ko ang misyon ko dahil mahal kita at hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo. I love you, Lander."

Wala siyang imik ng halikan siya nito sa mga labi at pumasok sa private room niya.

Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas ito sa pribadong silid at nakasuot na nang kulay pulang overall leather suit at may dala itong duffel bag na ang hinala niya ay naroon ang mga baril nito.

"Vienna." He wouldn't not let her leave. Damn it! "Don't do this. We can run away to another country for our safety. Hihingi tayo ng tulong."

"No." Umiling-iling ito. "Ayokong tumakbo dahil ayokong mabuhay na palaging nakatingin sa likuran ko. At ayokong mabuhay ka ng ganoon."

"Okay." Hinawakan niya ito sa kamay. "Papayagan kita na umalis. Pero isama mo ako."

"No. You stay here and be safe. Please, Lander." Nagmamakaawa ang boses nito. "For me." May inilagay itong baril sa kamay niya. "This is for your protection. Kapag may pumasok sa opisina mo na sa tingin mo ay kahina-hinala, shoot them."

"No—"

Vienna kissed him, cutting him off his words.

Nakatanga lang siya sa hangin ng ilang momento. Fear was eating him inside. Natatakot siya para kay Vienna. Hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama rito. Hindi niya kaya kung mawawala ito sa kanya.

Mabilis niyang inilapag ang baril sa ibabaw ng lamesa niya at sinundan si Vienna. There were two elevators outside his office. Ang isa ay bumabiyahe pababa. Alam niyang si Vienna ang lulan niyon. Ang isa naman ay pataas. Baka si Stephanie ang sakay niyon dahil malapit nang mag alas-otso.

Hinintay niyang bumukas ang elevator, at nang bumukas iyon, umawang ang mga labi niya at nilukob ng takot ang buong pagkatao niya. Shit! Why did I leave my gun on my freaking table?

"Where are you going, Mr. Storm?" Tanong ni Mr. Exxon ng makalabas sa elevator kasama ang pito nitong mga tauhan.

Umatras siya. "Down?"

Mala-demonyong ngumiti ang lalaki. "Good." Tinutukan siya nito ng baril. "Get in the elevator. You're coming with me."

Ayaw niyang mabaril kaya naman sinunod niya ang gusto nito ng walang reklamo. Sumakay din si Exxon sa elevator at apat sa mga tauhan nito. Ang tatlo ay nagpa-iwan para siguro halughugin ang opisina niya.

Please,Ggod, keep Vienna safe, dasal niya habang pababa ang elevator at nakatutok ang baril ni Exxon sa kanya. Keep the woman I love safe.

"Don't make noises," ani Exxon. "Kung mag-iingay ka, madadamay ang mga empleyado mo, nagkakaintindihan ba tayo, Mr. Storm?"

Lander nod stifly. "Yes."

A sinister smile appeared on Exxon's face. "Good answer, Mr. Storm. Good answer."


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top