CHAPTER 17

CHAPTER 17

PINAKALMA ni Vienna ang sarili habang kumakain. Kailangan relax siya habang nag-uusap sila ni Lander. Ayaw niyang mahalata nito na kinakabahan siya kaya naman huminga siya ng malalim at maingat na pinakawalan 'yon.

"Anong pag-uusapan na'tin?" Kalmado ang boses na tanong niya.

Lumunok muna si Lander bago nagsalita. "Gusto kong malaman kung bakit mo ako iniwan noon? Siguro naman puwede kong malaman 'yon pagkatapos ng nasaksihan ko."

Palihim siyang huminga ng malalim bago sumagot. "Nuong unang gabing may nangyari sa'tin, may misyon ako no'n na tinanggigan ko. Ang partner ko ang sumalo sakin. Tapos nalaman kong may namatay na civilian kasi kulang sa manpower ang nag-rescue sa kanila. Mag-isa lang sa kasi ang partner ko ng mga oras na yon kasi ayaw niyang sabihin sa boss naming na tumanggi ako kasi may date ako. Nang malaman kong namatay siya, my conscienece ate me up but still, I chose to stay with you and be with you. Pagkatapos dumating ang second monthsary na'tin, may misyon ulit, tinanggihan ko tulad ng nauna. My partner got me covered again. Sabi niya ayaw niyang masira ang monthsary natin at kaya naman daw niya 'yon. She even said it was just a piece of cake. Madaling araw no'n ng monthsary natin, nandito ako noon sa bahay mo, kasama ka, ng tumawag ang boss ko at binalita sakin napatay ang partner ko." May nakawalang luha sa mga mata niya

Mapait siyang ngumiti. "My partner died for that mission and it was on me. At ang tanging magagawa ko lang ay tapusin ang misyong sinimulan niya. I left because I wanted to redeem my conscience. Hindi ko naisalba ang mga taong iyon, ang kaibigan ko, kaya naman bilang kapalit, gusto kong pagbayaran ang buhay na nasira ko ng dahil sa pagiging makasarili ko. Dahil sa pagiging selfish ko, dahil sa kagustuhan kong makasama ka ng matagal, may namatay at hanggang ngayon, mabigat pa rin sa kalooban ko ang pagkawala niya. So, when my boss told me to come back to finish the mission that my partner lost her life for, I left you." Uminom siya ng tubig para pakalmahin ang sarili. "Iyan ang rason kung bakit ako umalis. Alam kong makasarili ang rason ko, pero sa panahong iyon, kinain ng guilt ang buong pagkatao ko."

Tumingin siya kay Lander na tumigil na sa pagkain at nakatitig sa pinggan nito.

"Magsalita ka naman," aniya ng hindi umimik ang binata.

Parang slow motion nag-angat ng tingin sa kanya si Lander. Puno ng samu't-saring emosyon ang asul nitong mga mata.

"Naiintindihan ko ang rason ng pag-alis mo, pero hindi mo ba inisip ang mararamdaman ko kapag umalis ka? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin? Bakit mo ako iniwan na wala man lang paliwanag?"

"Ano naman ang sasabihin ko sa'yo? Aalis ako dahil nagi-guilty ako dahil may mga namatay ng dahil sa'kin? Nakakalimutan mo na ba na hindi ako puwedeng magsalita tungkol sa ahensiya na pinagtatrabahuan ko?"

"Bakit ba kasi pumasok ka pa sa ahensiya na 'yon?"

Nainis siya sa tinuran nito. "For your information, bago pa kita makilala, kasapi na ako sa ahensiya na 'yon. Bago pa kita makilala, pumapatay na ako ng mga halang ang bituka at walang kaluluwa. Ginagawa namin ang lahat para mawala ang mga ganoong klaseng tao na walang gustong gawin kundi ang saktan ang mga inosenteng mamamayan. Ako, tinataya ko ang buhay ko para maisalba ko ang sa'yo. Pero kahit mapanganib ang trabaho ko, wala akong pinagsisisihan sa ginawa kong pagsali."

Nagpakawala ng buntong-hininga si Lander. "Wala akong sinasabing negatibo tungkol sa ahensiya na pinagta-trabahoan mo." Tumingin ito sa mga mata niya. "Pero masakit dahil iniwan mo ako dahil do'n. Ni paliwanag wala."

Lumamlam ang mga mata niya. "I'm sorry, Lander. Hindi ko inisip ang mararamdaman mo," madamdaming sabi niya. "Alam kong masasaktan ka pero hindi ko inisip iyon at sinunod ko ang gusto ng isip ko at kinalaban ang gusto ng puso ko. My heart wanted me stay, but I couldn't let my heart win ... so I chose what my mind was telling me to do, then. And that was to left, and do my job."

After a long silence, Lander finally spoke. "But you came back," he said.

"I did."

"Why? Because you love me or because of your goddamn mission?"

Tumayo siya at nilapitan ang binata pagkatapos niyakap ito. "Ano ba ang dapat kong gawin para maniwala kang mahal kita? Bumalik ako kasi mahal kita at gusto kitang makasama kahit pansamantala lang—"

Inalis ni Lander ang braso niya na nakayakap dito at matatalim ang mga mata na tumingin sa kanya. "Pansamantala lang? Anong ibig mong sabihin, iiwan mo rin ako pagkatapos ng misyon na 'to? Is that it? 'Yon ba ang nasa isip mo ngayon?" Nagtatagis ang bagang na tumayo ito at pinukol siya ng masamang tingin bago siya iniwan sa kusina.

Malalim siyang napabuntong-hininga. "Hindi man lang niya ako pinatapos magsalita," nalulungkot na sabi niya at niligpit ang kinainan nila.

Ang natirang kanin ay ibinalik niya sa rice cooker at 'yong natirang caldereta naman ay inilagay niya sa refrigerator. Pagkatapos ay hinugasan niya ang kinainan.

At habang naghuhugas, lumilipad ang isip niya patungo sa binata na hindi man lang siya pinatapos na magsalita. Mamaya ka sa'kin.

NASA teresa nang silid niya si Lander ng makita niya si Vienna na palakad-lakad sa loob ng bakuran ng bahay niya. Biglang nawala ang pagtataka na naramdaman niya ng maalala ang trabaho nito at ang misyon nito ay bantayan daw siya.

Walang emosyon siyang napangiti ng maalala na nandito lang ito ngayon sa tabi niya ay dahil sa misyon nito.

Nagalit siya kanina ng marinig ang salitang 'pansamantala' na lumabas sa bibig nito. Tama nga ang hinala niya. Iiwan din siya nito. Tulad noon.

Sa loob ng walong taon, ginawa niya ang lahat mawala lang sa sistema niya si Vienna. Pero kahit anong gawin niya, kahit anong malaman niya tungkol dito, mahalaga talaga sa kaniya ang dalaga. At kahit pa nga nakita niya itong pumatay ng tao, nawawala iyon sa isip niya, nakakalimutan niya iyon kapag tumititig siya sa mga mata nito na may samu't-saring emosyon na napakagandang pagmasdan.

Lander sighed and looked down at Vienna who was roaming around, as if she was looking for something. Mukhang naramdaman nito ang mga mata niya dahil bigla itong pumihit at nag-angat ng tingin sa kanya.

Nang magtama ang mga mata nila, naramdaman niya ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso niya. Marahas siyang napailing at akmang aalis sa teresa, pero hahakbang palang siya paalis, kumaway sa kanya si Vienna pagkatapos ay naglakad palapit sa teresa at ekspertong inakyat ang balkonahe.

Nang makarating ito sa itaas, umupo ito sa railing ng terrace at tumingin sa mga mata niya at ngumiti.

"Akala ko lalaki lang ang umaakyat sa teresa at hindi babae," hindi napigilang komento niya.

Mahina itong natawa. "Isipin mo nalang na umaakyat ako ng ligaw."

Nag-iwas siya ng tingin para hindi nito mapansin ang masayang kislap ng mga mata niya. "Lalaki rin ang gumagawa no'n."

"Bakit? Lalaki lang ba ang may karapatang umakyat ng ligaw?" Sinapo nito ang pisngi niya at hinuli ang mga mata niya. "Sa tingin ko may karapatan din naman kaming mga babae na manligaw, lalo na kung 'yong lalaki in denial king at pakipot."

Nagsalubong ang kilay niya. "May pinapatamaan ka ba?"

"Bakit?" Tumaas ang isang kilay nito. "Tinatamaan ka ba?" Tumawa ito. "Hindi ka naman in-denial king at mas lalong hindi ka naman pakipot, diba?" Nang uuyam ang ngiti sa mga labi nito.

Nagulat siya ng bigla nalang siya nitong itulak papasok sa loob ng silid niya at ini-locked ang sliding door ng terrace ng makapasok din ito.

"Hindi ka puwede sa mga open na lugar tulad ng terrace mo," anito. "Someone could easily take you out there."

"Wala namang—"

Napatigil siya sa pagsasalita ng itulak na naman siya nito sa dibdib dahilan para mapaatras siya.

"Shut up. Ako ang agent sa ating dalawa, ako ang mas nakakaalam."

Lander rolled his eyes. "Hindi porke't agent ka ay ikaw na ang nakakaalam ng lahat."

Vienna smirked and pushed him with a lot of force,causing him to fell back to his bed. Lander could feel the beast between his legs awakening. Nabubuhay iyon at napakahirap niyong patulugin lalo na at nasa harapan lang niya ang babaeng iniibig.

"Vienna, I'm warning you. Huwag kang lalapit sakin." Bumilis ang tibok ng pulso niya. He could feel his blood rushing through his veins as Vienna looked at him with desire in her eyes.

Fuck!

Alam ni Lander sa sarili na hindi niya pipigilan si Vienna kung ano man ang gustong gawin nito sa kanya. Hindi niya ito pipigilan dahil iyon din ang gusto niya. I missed her. So damn much!

Lumuhod si Vienna sa gilid ng kama at dumukwang palapit sa kanya.

"Lander." Tuluyan na siya nitong kinubabawan at lumamlam ang mga mata. "Ang hirap sayo hindi pa nga sinasabi, nangunguna na iyang isip mo. Sinabi ko bang iiwan kita? Hindi naman diba? Sinabi ko bang hindi kita mahal? Hindi rin naman diba?" Inilapat nito ang labi sa mga labi niya at pinawakan din kapagkuwan. "Mahal na mahal kita, Lander. The Lexxon GTA mission was given to me after I asked you to make love to me one last time. Iyan ang dahilan kung bakit hindi ako umalis kinabukasan. I'm actually thankful, because of the mission, nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ka. Hindi ko kayang i-explain kung gaano kita kamahal pero sa tingin ko naman hindi na 'yon kailangan. Kasi ikaw lang ang lalaking kayang patibukin ng mabilis at malakas ang puso ko, ikaw lang ang lalaking nilalaman ng puso at isip ko at ikaw lang din ang lalaki na handa kong ibuwis ang buhay ko ma-protektahan ka lang. Ganoon kita kamahal, Lander. So, please, don't question my love for you. Nasasaktan ako kapag hindi ka naniniwala na mahal kita. Kasi dito sa puso ko, ikaw lang talaga."

Nanikip ang dibdib niya ng mahulog sa pisngi niya ang luha galing sa mga mata ni Vienna.

Mabilis niyang tinuyo iyon gamit ang hinlalaki niya at ini-angat ang ulo para mailapat niya ang labi sa mga labi ni Vienna.

"I'm sorry. I'm a jerk." Hinalikan niya ang mga mata nito na basa ng luha. "Alam kong hindi sapat na dahilan ang 'natakot akong mahalin ka' pero 'yon talaga ang nararamdaman ko. I'm sorry if I often question your love for me. Noon kasi, iniwan mo ako ng walang paalam o paliwanag man lang kaya tumatak na sa isip ko na hindi mo ako mahal. You never told me why you left until tonight. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay 'yong iniiwan ako pero 'yon ang ginawa mo. Iniwan ako nila mommy at daddy, tapos ikaw ang kauna-unang babae na minahal ko nang totoo, iniwan din ako. Ang sakit lang. Tapos babalik ka na parang walang nangyari, na parang hindi mo ako sinaktan. Sa tingin ko rin naman, hindi lang babae ang may karapatang magpakipot, kami rin namang mga lalaki, lalo na kapag 'yong babae ay sinaktan kami. As I told you before, trust can be easily broken, pero kahit nasira mo ang tiwala ko sa'yo, still, you reside in my heart for eight years. You never left my heart, Vienna. I tried forgetting you but it didn't work. Sinubukan kong paalisin kita sa puso ko pero ang puso ko mismo ang may gustong manatili ka roon."

Mahirap talagang itago ang tunay na nararamdaman. Talagang totoo ang sinabi ni Eizel, na kapag puso ang kinalaban mo, hinding-hindi ka mananalo.

Bigla nitong sinakop ang mga labi niya na kaagad din namang naghiwalay ng makarinig siya ng putok ng baril kasabay niyon ay nabasag ang sliding door sa terrace.

Vienna ] stared at his blue eyes.

Then he saw blood dripping unto his chest. Nang tingnan niya kung saan nanggaling iyon, pakiramdam niya ay humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan ng makitang may tama si Vienna sa braso at dumudugo iyon!

Oh, hell!

Fear seared through the very foundation of his soul. Naalala niya ang dugo nang mga magulang niya na nagkalat sa semento noon. Now, he was seeing blood again. The blood of the women he loved dearly! No! He couldn't lose Vienna!

"Vienna! Shit!" Nanginginig ang kamay niya na tinakpa niya ang tama nito gamit ang kamay niya.

Takot siya sa dugo pero sa pagkakataong iyon, nakalimutan niya ang takot.

Pero tinabig ni Vienna ang kamay niya. "Don't. Daplis lang yan. Huwag kang mag-alala."

Mabilis na bumangon ito na parang walang tama ng baril pagkatapos ay hinawakan siya sa braso at hinila siya patayo at palabas ng silid niya.

Hinayaan lang ni Lander na hilain siya ni Vienna. Nakatingin siya sa kamay niya na nababalot ng dugo ni Vienna. Namalayan nalang niya nasa silid na sila ng dalaga at may iniabot itong baril sa kanya.

Lander could see his hands shaking. He felt nauseous.

He looked at the gun. "What?" Wala sa sariling tanong niya.

Sapilitang inilagay ni Vienna ang baril sa duguan niyang kamay. "Shoot whatever that moves."

Napatingin siya sa baril na nasa kamay niya. What the hell?


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top