CHAPTER 15

CHAPTER 15

NAPAIGTAD si Vienna ng makarinig ng tikhim mula sa likuran niya habang nakaupo siya sa recliner na nakaharap sa swimming pool. Kakauwi lang niya galing China at napagod siya kaya naman kailangan niyang magpahinga dahil nasisiguro niyang mapapasabak siya sa labanan nitong mga darating na araw.

"You owe me an explanation," anang boses sa likuran niya.

Sumikdo ang puso niya ng marinig ang pamilyar na baritonong boses ni Lander.

Kaagad niyang pinakalma ang puso saka umalis siya sa recliner at humarap sa binata. "Umalis ka na, Lander." Hanggat hindi nawawala si Exxon, nasa panganib ang binata lalo na kapag nakita silang magkasamang dalawa. "Baka mapahamak ka—"

"Bullshit." His eyes looked sunken. Mukha rin itong kulang sa tulog.

Hindi niya pinahalatang nag-aalala siya para rito. Ang gusto niyang gawin sa mga sandaling iyon ay yakapin ito at magpaliwanag pero hindi niya iyon pwedeng gawin. Mas mapahamak pa lalo ang binata ng dahil sa kanya.

"Umalis ka, please," aniya.

Umiling si Lander. "No. You owe me an explanation—"

"I don't owe you anything." Matigas ang boses niyang sabi pero parang ang puso niya ay kinakatay lalo na ng mawala ang emosyon sa mukha ng binata. Pero kailangan niya itong ipagtabuyan para hindi ito mapahamak. "Umalis ka na, Lander, wala kang mapapala sakin."

Nilampasan niya ang binata at nang nasa may pinto na siya na kumukonekta sa swimming pool, nagsalita si Lander na nagpatigil sa pagtibok ng puso niya.

"Akala ko ba mahal mo ako," ani Lander. "Ano 'to ngayon? Naglalaro ka lang ba? Pinaglalaruan mo na naman ba ako? Tulad noon, iiwan sa ere ng ganoon nalang?"

Napaawang ang labi niya habang pinipigilan ang mga matang gustong umiyak. "Umalis ka na Lander." I have to keep him safe by pushing him away. "Please, iwan mo na ako. Huwag ka nang babalik dito sa bahay." Nahulog ang isang butil ng luha sa mga mata niya. "Please lang." Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Ayaw na kitang makita pa."

Mabilis siyang pumasok sa kabahayan. Nang maisara niya ang pinto, doon niya hinayaan ang mga luha na mamalisbis sa pisngi niya.

Sinapo niya ang bibig na palakas na ng palakas ang hikbing lumalabas doon at hinayaan na umiyak ang nadudurog at nasasaktan niyang puso.

Mahal na mahal niya si Lander at ang pinakamahirap niyang ginawa sa tanang buhay niya ay ang itulak ito palayo. God knew how much she wanted to keep Lander. To love him. But he would be in danger if she let her heart cloud her better judgement.

No! She had to keep Lander safe. At kung ang kapalit no'n ay ang pagkadurog ng puso niya, kakayanin niya para sa lalaking minamahal.

Napaigtad siya ng parang may sumuntok sa pinto na pinasukan niya. "Damn it, Vienna! Talk to me! Hindi ako aalis hanggat hindi mo ako kinakausap! Hanggat hindi ka nagpapaliwanag sakin!"

Pinakalma niya ang sarili saka sumigaw pabalik sa binata. "Umalis ka na." Pinipigilan niyang mangatal ang boses niya. "Please, Lander, just leave me alone. Please."

"No, Vienna— "

"Leave me the fuck alone!" Sigaw niya saka patakbong tinungo ang kuwarto niya at doon niya hinayaan ang sariling umiyak ng umiyak.

"VIENNA, may problema tayo," ani Hellion na nakikipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng mini-speaker na nasa tainga niya. "Kanina ko pa sinusundan ang kotse ni Lander Storm sa pamamagitan ng satellite at nakita kong may sumusunod sa kaniyang isang kotse at dalawang motorsiklo."

Kinain ng takot at kaba ang puso niya. "Give me the coordinates and I'll be there in a jiffy."

Mabilis namang ibinigay sa kaniya ni Hellion kung saan parte si Lander. Mabilis niyang tinapos ang palihim na paglalagay ng tracking device sa mga sasakyan ni Mr. Exxon saka maingat na lumabas sa garahe ng bahay nito at patakbong tinungo ang motor niya at pinaharurot iyon patungo kay Lander.

"Kinonekta ko ang GPS mo sa lokasyon ni Lander," anang boses ni Hellion tainga niya. "Tell me if you need help."

"Copy that."

Mas pinabilis pa niya ang pagmamaneho sa motorsiklo patungo sa lakasyon kung nasaan si Lander. Napamura siya ng makita ang GPS na nakakonketa sa motorsiklo niya ng mapansin kung nasaan si Lander. Nasa free way ito, hindi masyadong ma traffic sa daang iyon sa mga oras na 'to.

"Shit!"

Mas binilisan pa niya lalo ang pagmamaneho at nang paliko na siya at papasok sa free way, tinawagan niya si Lander. Nagtagal bago nito sinagot ang tawag at bumungad sa pandinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa kabilang linya.

Kinain ng takot ang buo niyang pagkatao. "Lander? Lander!"

"Nandito ako." Nagpapanic ang boses nito pero pinipilit lang nitong maging matatag.

"Just keep on driving, baby. Malapit na ako sayo."

"Ano? Huwag!" Pigil sa kaniya ni Lander. "Hayaan mo na ako. Kaya ko ang sarili ko."

Hindi niya ito sinagot at mas binilisan pa ang motor. Ang puso niya ay inatake ng takot at kaba ng makita ang lalaki sa dalawang motor na binabaril si Lander.

"Vienna? Vienna?" May pagpa-panic sa boses nito. "Please, don't come. Baka mapahamak ka. Please... please, don't."

Galit na nagtagis ang bagang niya saka kinuha ang silencer na naka-strap sa gilid ng hita niya saka walang mentis na binaril niya ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na motor. Sabay na natumba ang dalawa.

"Tumigil ka, Lander, pero huwag kang lalabas ng sasakyan," pagkausap niya sa binata na nasa kabilang linya pa rin.

Hindi sumagot ang binata pero nakita niyang tumigil naman ang kotse nito. Mabilis niyang pinarada ang motor sa likod ng sasakyan nito saka naglakad palapit sa driver's seat at kumatok sa pinto.

Nang buksan ni Lander ang pinto, nakita niyang mahigpit ang hawak nito sa monabela at namumutla ang buong mukha. Normal lang na reaksiyon ng isang taong unang nakaranas na binaril.

"Umusog ka doon sa passenger seat," wika niya.

Walang tanong-tanong na lumipat ito sa passenger seat saka siya naman ang umupo sa driver's side.

"Hellion," tawag niya sa partner niya na nasa kabilang linya. "Pick up my motorcycle. Thanks. Bye." Inalis niya ang mini-speaker sa tainga saka binulsa iyon kapagkuwan ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan paalis.

Nabalot ng katahimikan ang buuong kotse hanggang sa basagin iyon ni Lander.

"Explain, Vienna."

Umiling siya. "Iuuwi kita at mananatili ka sa bahay mo hanggang sa maayos na ang lahat—"

"Explain!" Galit nitong sigaw. "You are carrying a gun for Chirst sake, Vienna! Normal lang na magtanong ako kung bakit!"

Umiling ulit siya. "Hindi ko puwedeng sabihin—"

"Palagi nalang yan ang sinasabi mo!" May panginginig sa boses nito. "Am I not worth it to know the truth?"

"Please, Lander." Huminga siya ng malalim. "Huwag mo akong kulitin diyan. Hindi kita masasagot."

"But Vienna—"

"Mahal kita, Lander," aniya saka inabot ang kamay nito at pinisil iyon. Nakahinga siya ng maluwang ng hindi nito binawi ang kamay. "Mahal kita at yan lang ang kaya at puwede kong sabihin sayo. Mahal kita at hindi ipapahamak kaya ginagawa ko to. So please, stop asking questions I'm not allowed to answer."

"Pero Vienna—"

"Hindi pa ba sapat na sabihin ko sayong mahal kita?" Tanong niya kay Lander.

Malakas itong napabuntong-hininga. "Sige. Pagbibigyan kita pero ipangako mo sa aking magpapaliwanag ka pagkatapos ng lahat ng 'to."

Huminga siya ng malalim. "Okay."

Nakahinga ng maluwang si Vienna ng makapasok sila sa Bachelor's Village. Kahit papaano ay safe dito. Mas pina-igting pa ng may-ari ng village and seguridad pagkatapos nang nangyari sa bahay ni Cali.

"Pumasok ka sa bahay mo," utos niya kay Lander ng maiparada niya ang sasakyan sa labas ng bahay nito. "Hintayin mo ako sa loob. Kukuha lang ako ng bala ng baril."

Mabilis na lumabas ng sasakyan si Lander saka pumasok sa bahay nito, siya naman ay pumasok sa bahay ni Cali para kumuha ng bala saka nagtungo sa bahay ni Lander kung saan nasa sala ang binata at mukhang hinihintay siya.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top