CHAPTER 14
CHAPTER 14
NANG makalabas sa banyo, nagsuot siya ng pulang lingerie at naglakad patungo sa bintana na nakaharap sa silid ni Lander. Mula sa kinatatayuan niya, kitang-kita niya si Lander na naka-upo sa study table at nakaharap sa laptop nito.
Wala itong suot na pang-itaas. Shit! Bakit ba nakapaglalaway ang kakisigan ng binata?
Kinuha niya ang roba at isinuot iyon pagkatapos ay tumalon mula sa bintana ng kuwarto niya sa second floor. Eksperto at balanseng lumapag ang paa niya sa semento sa ibaba. Napangiti siya. Sanay siyang tumatalon sa mga matatas na gusali kapag nasa misyon siya kaya naman hindi siya nahirapan na tumalon.
Tumingala si Vienna sa maliit na balkonahe sa kuwarto ni Lander. Huminga siya ng malalim at nag-umpisang inakyat iyon.
Nang makahawak ang kamay niya sa railing ng balkonahe, nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Vienna pulled herself up and she expertly landed on the terrace floor.
"Whew." Habol niya ang hininga. "Kailangan ko nang mag rock climbing," aabi niya sa sarili bago kumatok sa nakasarang sliding window.
Mabilis na napalingon si Lander ng kumatok siya sa pinto. Nginitian niya ito ng magtama ang mga mata nila.
Gumuhit ang gulat sa mukha nito ng makita siya. "Saan ka dumaan?" Nagtatakang tanong nito ng buksan nito ang salamin na sliding window.
Nginitian niya ang binata. "Inakyat ko ang terrace mo. Gusto kitang makasama, e." Ipinalibot niya ang dalawang braso sa leeg ni Lander. "Hmmm..." She pressed her lips on him. "Please? Papasukin mo naman ako."
Hinila siya papasok ni Lander at niyakap siya ng mahigpit. Napangiti siya ng sakupin nito ang mga labi niya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at nginitian ang binata. "Anong ginagawa mo at mukhang abala ka?"
"Searching for new cars to sell," sagot nito at sinakop na naman ng halik ang mga labi niya.
Siya ang pumutol sa halik na pinagsasaluhan. "Ano ba ang importanteng ginagawa mo? Bakit ayaw mo akong makasama ngayong gabi?" May pagtatampo sa boses niya. "Mas importante pa ba yun kesa sa'kin?"
"E, ako, importante ba ako sayo?"
"Syempre, importante ka—"
"Kung ganoon, bakit ka nagsinungaling sakin?" Sabi nito na ikinaputla ng mukha niya at kinabahan siya.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
Napailing-iling si Lander at mapait na ngumiti. "Huwag ka nang magmaang-maangan, please? Alam kong nasa Exxon Garage ka kanina." Umatras ito at umupo sa gilid ng kama. "Bakit ka ba nagsisinungaling sakin, Vienna? Wala ba akong karapatan na malaman ang katotohanan? Bakit kailangan mong magsiningaling sakin? Bakit? I'm opening myself to you again, Vienna, pero ikaw naman itong isinasara ang sarili sa akin? Kaya nagdududa ako kung mahal mo nga ba talaga ako o baka naman pinaglalaruan mo lang ako."
Habang nagsasalita si Lander, sobrang kaba ang nararamdaman niya. "P-Paano mo nalaman n-na naroon ako?"
"I have my ways," sagot nito at hinuli ang mailap niyang mga mata. "Bakit ka nagsinungaling sakin? Am I not worthy of the truth?"
Huminga siya ng malalim. "Sorry." Humakbang siya palayo rito. "Hindi ko puwedeng sabihin sayo ang katotohanan."
Pinigilan siya ni Lander sa kamay at nakatiim-bagang na tumingin sa kanya. "Bakit? Akala ko mahal mo ako."
"Mahal kita," aniya. "Mahal na mahal kita, Lander. Sobra." Lumapit siya ulit dito at hinalikan sa mga labi ang binata. "Mahal na mahal kita—"
"Pero hindi ganoon kamahal para sabihin mo sa akin ang totoo."
"Kasi hindi pwede. Ayaw kitang mapahamak at iyon ang mangyayari sayo kapag sinabi ko sayo ang lahat ng nililihim ko." Lumamlam ang mga mata niya at inagaw ang kamay na hawak nito. "Hindi ko kakayanin kung masasaktan ka ng dahil sakin."
Nagmamadali siyang tumungo sa teresa at tumalon mula roon. Nang tumingin siya sa balkonahe, nakadungaw doon si Lander at nakaawang ang mga labi na nakatingin sa kanya. Nasa mukha nito ang gulat at pagkalito sa nakita.
Damn it!
Malalaki ang hakbang na naglakad siya papasok sa bahay ni Cali. Habang patagal ng patagal, mas dumarami ang katanungan ni Lander. Mga katanungan na hindi niya puwedeng sagutin. Dahil kapag sinagot niya, tiyak na mapapahamak ito.
HINDI nakagalaw sa kinatatayuan si Lander habang nakatingin sa dalaga na papasok sa bahay ni Cali. Maraming katanungan sa isip niya. Tulad nalang kung paano nagawang tumalon ni Vienna mula sa teresa na nasa ikawang palapag at hindi man lang ito natumba o nawalan ng balanse.
Nagmamadali siyang nagsuot ng t-shirt at lumabas sa bahay niya. Nang makarating siya sa bahay ni Cali, bukas ang pinto. Hindi man lang ba natatakot si Vienna na baka may masamamg loob na pumasok sa bahay nito?
"Vienna? Nasa taas ka ba?"
Walang sumagot.
Napailing-iling siya at umakyat sa hagdan na patungo sa second floor. Kaagad na pumasok siya sa kuwarto ni Vienna. Naabutan niya ang dalaga na nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame.
Ipinatong niya ang tuhod sa gilid ng kama at kinubabawan si Vienna. Agad na nagtama ang mga mata nila ng dalaga.
"Vienna..."
Hinaplos nito ang pisngi niya. "I'm sorry, Lander... I didn't meant to—" Tumigil ito sa pagsasalita at magkasalubong ang kilay na tumingin sa pinto ng silid.
"Narinig mo 'yon?" Tanong nito. "Bumukas ang pinto ng bahay."
Nagsalubong namam ang kilay niya. "Ha? Wala. Wala akong narinig. Bakit?"
"Bumangon ka," utos nito.
Akmang magsasalita siya ng takpan ni Vienna ang bibig niya at sinenyasan siyang huwag mag-ingay. Naguguluhan siya pero sinunod niya ang hiling nito. Umalis siya sa pagkakakubabaw dito at ito naman ay bumangon pagkatapos ay sumilip sa bintana.
Mas lalong lumalim ang gatla sa nuo niya. "Ano ba ang ginagawa mo?" Tanong niya at ginaya si Vienna na sumilip sa binatana.
Hinawakan siya ni Vienna sa balikat at hinila siya palayo sa bintana, pagkatapos ay tumingin ito sa mga mata niya.
"Dito ka lang. Huwag kang lalabas ng silid na 'to," anito at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.
At dahil matigas ang ulo niya, lumabas siya ng silid pagkalipas ng ilang minuto na lumabads si Vienna at naglakad patungo sa hagdanan.
Natulos siya sa kinatatayuan ng makababa siya ng hagdan at nakita niya si Vienna na nakikipagbakbakan. Halos malaglag ang panga niya ng makita ang dalaga na nakikipaglaban sa isang lalaki. Suntok at sipa ang ginawa ni Vienna at para itong lumilipad sa hangin habang pinagsisisipa ang lalaki. Napakabilis ng mga kilos ni Vienna. Para itong kidlat sa bilis ng pag-igkas ng kamao sa kalabang lalaki.
Panay ang salag ng lalaki sa mga atake ni Vienna.
Malakas ang bawat suntok na pinapakawalan ni Vienna dahil napapaatras ang lalaki. Vienna jumped in mid-air and kicked the man on the left side of the neck.
Napaigik ang lalaki at natumba.
Tumakbo si Vienna patungo sa mahabang sofa at may kinuha mula sa ilalim niyon. Napamulagat siya ng makitang baril 'yon.
Shit! Napamura siya ng makitang itinutok ni Vienna ang baril sa lalaki at kinalabit ang gatilyo.
"Fuck!" Sigaw niya ng makitang nangisay ang lalaki at nawalan ng buhay.
Mabilis na tumingin sa direksiyon niya si Vienna. Bumadha ang gulat at takot sa mukha nito pero kaagad ding nawalan ng emosyon ang mukha nito ng bumukas ang pinto at may lalaking pumasok doon na may dalang baril.
Biglang kinalabit ni Vienna ang gatilyo na hindi manlang nagdadalawang isip.
Hindi kayang ipaliwanag ng salitang gulat ang nararamdaman niya habang nakatingin sa dalawang lalaki na nakahandusay sa sahig at wala nang buhay.
Nanlalamig ang kamay niya, malakas ang tibok ng puso niya, at pinagpapawisan siya sa takot. Hindi siya makahinga ng maayos at nakaawang ang bibig niya sa nasaksihan.
Humarap ito sa kanya. "Lander let me explain—"
"N-No." Nanginginig ang boses niya. "I-I'm leaving."
Malalaki ang hakbang niya na lumabas ng bahay. Nanlamig ang buong katawan niya ng madaanan niya ang dalawang bangkay. He couldn't breath!
"Lander—"
"No!" Sinapo niya ang ulo at umiling-iling. "D-Don't—No, Vienna—No..."
Tuluyan na sana siyang makakalabas ng bahay ng pigilan siya ni Vienna sa kamay. Binalingan niya ang dalaga na hawak pa rin ang baril na kumitil sa dalawang kalalakihan na nakahandusay ngayon sa sahig.
Vienna's eyes were begging as she stared at him. "Please... Lander... let me explain." Nanginginig ang boses nito at nag-uumpisang manubig ang mga mata. "Please? Please?"
Nakaawang ang mga labi niya habang nakatingin kay Vienna na nagmamakaawa.
He was still in shock.
Tinanggal niya ang kamay nito na hawak ang braso niya habang umiiling-iling. Walang salitang lumalabas sa bibig niya kahit napakaraming katanungan sa isip niya. He couldn't speak. Naninigas ang panga niya at nababalot ng kakaibang emosyon ang buong pagkatao niya.
Hindi siya nagsalita at tuluyan nang lumabas sa bahay ni Cali.
Abot-abot ang kaba niya habang malalaki ang hakbang na naglalakad patungo sa bahay niya. At nang makapasok siya sa loob ng bahay, bumigay ang tuhod niya na kanina pa nanginginig. Napa-upo siya sa sahig at sinapo niya ang ulo na gulong-gulong. Pilit niyang isinisiksik sa utak niya na baka panaginip lang ang lahat ng ito na baka nagha-hallucinate lang siya, na baka isa lang itong prank o biro sa kanya ni Vienna. Pero hindi ... hindi ito isang panaginip lang.
Nakita talaga niya si Vienna na pumatay sa harapan niya mismo.
Fuck!
NAPATITIG si Vienna sa pintuan na nilabasan ni Lander. Hindi niya masisisi ang binata kung hindi na siya nito gustong makausap o makita man lang. He just saw her kill two men! Sinong may matinong pag-iisip ang babalikan pa siya para marinig ang paliwanag niya?
Nanghihinang sumalampak siya ng upo sa sahig at napahikbi. Bakit? Bakit nangyayari ito sa kanya? Wala naman siyang ginagawang masama. She was just serving her country. She was an agent not because she wanted to kill people but because she wanted to save lives.
Pero ang kapalit ng trabahong ito ay ang pagkawala ng lalaking mahal niya. Ano pa ang silbi ng lahat ng ito? Minsan nang nawala sa kaniya si Lander dahil pinili nia ang trabaho niya, ayaw na niyang maulit iyon sa pagkakataong ito. Gusto lang naman niyang mailigtas ang kompanya nito na malaki ang posibilidad na manakawan pero wala iyong halaga kay Lander.
Wala.
Kahit ayaw niyang gumalaw, tinawagan niya si Hellion para magpadala ng maglilinis sa bahay ni Cali. Pagkatapos ay bumalik naman siya sa pagtitig sa kawalan.
Hanggang sa dumating ang cleaning crew na kasama si Hellion, nakatingin pa rin siya sa kawalan. Walang laman ang isip niya kundi ang kausapin si Lander at magpaliwanag dito.
Pero ang tanong... anong ipapaliwanag niya rito? Bawal niyang sabihin ang kahit na anong may kinalaman sa ahensiyang pinagtatrabahuan niya. Paano niya lilinisan ang pangalan niya kay Lander kung hindi naman niya puwedeng sabihin sa binata ang katutuhanan.
Ayaw niyang mamili... pero kailangan. Ang trabaho ba niya o ang pagmamahal niya kay Lander?
NAKATANGA sa hangin si Lander habang naka-upo sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan ng kakambal niya. Ngayon lang siya nakaroon ng lakas ng loob na manatili sa hospital ng ganito katagal. Dalawang araw na siyang narito. Dalawang araw na siyang hindi umuuwi sa bahay niya. At dalawang araw na rin siyang hindi pumapasok.
Sinapo niya at ulo at marahas na ipinilig iyon ng pumasok na naman sa isip niya ang nangyari dalawang araw na nag nakakaraan. Fuck this!
Hinilamos niya ang dalawang kamay sa mukha at nagpakawala ng isang malalim na hininga. "Ano na ang gagawin ko? Bakit ba nangyayari sakin to?"
Panay ang buntong-hinga niya ng biglang may nagsalita.
"S-She's back?"
Napamulagat ang mata niya at mabilis na tumingin sa nakahiga niyang kakambal. Nag-uumapaw na kasiyahan ang lumukob sa buong pagkatao niya ng makita niyang gising na si Lance. Nakaawang ang labi niya at hindi makapaniwala.
"I-Itikom mo 'yang b-bibig mo, Lander." Anito sa mahinang boses. "B-Baka pasukan ng l-langaw."
Lander chuckled and then his chuckle turned into a fit of laughter. Then he stood up.
"Ibukas mo lang iyang mga mata mo. Tatawagin ko lang ang doctor," wika niya at nagmamadaling lumabas para tumawag ng Doctor.
Nang bumalik siya sa silid ng ni Lance, gising pa rin ito. Ang kasama niyang doctor ay kaagad na sinuri si Lance. Pagkatapos i-check ng doctor ang vital signs ni Lance, kinausap siya nito.
"Your brother is in good state. It's a miracle na nagising siya. Pero kahit maayos naman ang kalagayan niya, kailangan pa rin natin siyang obserbahan para makasiguro tayo. Kaya naman ini-a-advice ko na manatili muna kayo rito sa hospital. Sa ngayon, kausapin mo siya at huwag hayaang matulog ulit."
Tumango siya at nginitian ang doktor. "Salamat ho."
Pagkaalis ng doktor, hinawakan niya ang kamay ng kakambal at pinisil iyon. "You dumb ass! You made us worry!"
Lance frowned. "Who's us?"
"Me, our little sister, and Eizel."
Ngumiti ito ng marinig ang pangalan ni Eizel. "Kumusta na ang babaeng mahal ko?"
"Okay lang naman siya. Panay ang iyak. Umuwi lang siya ngayon para magligo at magbihis. Don't worry, that woman loves you. Kung pwede nga lang dalhin niya rito ang lahat ng gamit niya para hindi ka niya iwan, gagawin niya."
Lumapad ang ngiti sa mga labi nito. "I love her, too. So damn much." Lance let out a sigh. "Anyway, sabihin mo nga sakin, bumalik na ba siya?"
"Hindi pa. Kasasabi ko lang diba na umuwi si Eizel—"
"Si Vienna ang tinutukoy ko."
Maliban sa mga kaibigan niya, alam din ni Lance ang tungkol kay Vienna at ang nangyari sa kanila dati.
"Oh."
"Yeah. She's back?"
Tumango siya. "Problema ko na 'yon. Pahinga ka muna. Baka mabinat ka, kakatayin ako ni Zel."
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ng doktor? Hindi ako puwedeng matulog." Mataman siyang tinitigan ni Lance. "Mahal mo siya diba? Kung ganoon, huwag mo siyang hayaan na iwan ka ulit. Wala akong alam sa nangyari sa'yo habang wala akong malay pero isa lang masasabi ko, magsisisi ka kapag pinakawalan mo ang babaeng mahal mo."
Napangiti siya. "And why should I listen to a man who has just woke up from a coma?"
Lance chuckled. "Just because. Makinig ka nalang. Kakambal mo naman ako, e."
Itinirik niya ang mga mata. "Okay, I will."
Bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok doon si Eizel. Napasinghap ito at nauunahang mahulog ang luha mula sa mga mata niya ng makitang gising na si Lance.
"Umalis ka na," pagtataboy sa kanya ng kakambal. "Makaka-isturbo ka samin ni Eiz."
Natawa lang siya, pagkatapos ay lumabas ng silid. Masaya siya. Gising na ang kakambal niya. Sa wakas, nawala rin ang takot sa puso niya na baka iwan siya nito. Makakahinga na siya ngayon nang maayos dahil maayos na ang kakambal.
Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at nagdadalawang isip kung bubuksan niya ang GPS. Pero sa huli, binuksan niya at umawang ang labi niya ng makita kung nasaan ngayon si Vienna.
"Anong ginagawa ng babaeng 'yon sa China?"
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top