CHAPTER 13

CHAPTER 13

PAGKATAPOS niyang kainin ang agahan na hinanda ni Lander, umalis si Vienna ng bahay dahil itinext siya ni Hellion na pumunta sa bahay nito. Gusto sana niyang mag sketch ng mga damit na naging libangan nalang niya pero kailangan niyang magtrabaho.

Kaya nga hindi siya makapag-focus sa V Couture na tinayo niya noon pagka-graduate niya. Nawalan siya ng oras mag-desenyo ng mga damit dahil mas nag focus siya bilang Agent Light. Lalo na nang mamatay ang partner niya ng dahil sa pagiging makasarili niya.

Ngayon ang V Couture ay isa lang maliit na boutique sa Nevada na pinupuntahan ng mga dati niyang suki.

Nang makarating siya sa bahay ni Hellion, nasa sala ito at hinihintay siya.

"Good morning, Mr. Hellion." Bahagyang nanunudyo ang boses niya at umupo sa kaharap nitong pang-isahang sofa.

"Good morning, Ms. Light," anito at may iniabot sa kanyang black duffel bag. "May lamang anim na C4 ang bag na yan. Ilagay mo 'yan sa bawat sulok ng Exxon Garage. Tumawag si boss, kailangan ng tapusin ang misyon na 'to. Sa makalawa, babalik tayo sa China kaya maghanda ka." Pagkatapos ay may inilapag itong blue prints sa center table. "This is the blue print of the Exxon garage."

"Saan mo naman nakuha 'yan?" Natatakang tanong niya.

"That's a secret." Kinidatan siya nito at ibinalik ang atensiyon sa blue prints. "Dito mo ilalagay ang mga C4," anito sabay turo sa mga may kulay pulang tuldok. "Aalalayan kita mula rito para hindi ka mawala." May inabot sa kaniyang USS type port si Hellion. "Kailangan mong makapasok sa computer o CCTV room nila para ilagay ito sa CPU nila. Using this, I can hack into their database and cameras. Ito muna ang unahin mo bago mo ilagay ang mga C4 kasi kailangan kong alisin ang footage mo pagkatapos dahil siguradong hahanapin ka nila."

Kinuha niya ang port like USB na hawak ni Hellion. "'Yon lang?"

"And don't get caught."

Tumango siya. "Copy." Kinuha niya ang duffel bag at isinukbit iyon sa balikat. "Aalis na ako."

"Wait," ani Hellion at may ibinigay sa kanyang mini-microphone and mini-wireless earphone. "I'll help you from here."

"Okay." Tinanggap niya ang binibigay nito at umalis siya sa bahay ni Hellion at pumara ng taxi patungo sa Exxon Garage.

Habang nasa loob ng taxi, inilagay niya ang mini-microphone transmitter sa kuwelyo ng suot niyang overall red leather suit at inilagay naman niya sa tainga ang mini-wireless earphone.

Tinapik-tapik niya ang mini-microphone. "Sound check. Can you hear me?" Aniya sa mahinang boses.

"Yes, I can," anang boses ni Hellion mula sa mini-wireless earpiece. "Malapit ka na sa Exxon Garage. Huwag mong isasara ang GPS ng cellphone mo"

"Copy."

Nang tumigil ang sasakyan dalawang gusali ang layo bago ang Exxon Garage, huminga siya ng malalim bago lumabas ng taxi. Habang papasok si Vienna sa nasabing garahe, mahigpit ang kapit niya sa duffel bag na nakasukbit sa balikat niya. May dalawang armadong security guard sa labas ng gusali.

Inayos niya ang nakalugay na buhok at nang-aakit na nginitian ang dalawang security guard.

"Hey, boys," nakangiting aniya. "Puwede ba akong makigamit ng banyo?"

Nagkatinginan ang dalawang bantay at puno ang pagnanasa ang mga mata na ibinalik ang tingin sa kanya.

"Oo naman, miss," anang security guard na nasa kanan.

"Kailangan nga lang namin sumama sa'yo." Nakangisi na dagdag ng kasama nito.

"Okay lang sa akin." Peke siyang bumungisngis saka pasimple niyang kinuha ang syringe na naka-strap sa may hita niya. Pampatulog ang laman niyon. "Halina kayo."

Nang tumalikod ang dalawa para igiya siya patungong banyo, mabilis niyang binuksan ang takip ng syringe at at itinusok iyon sa leeg ng security guard. Nang lumingon ang kasama nito paara alamin kung bakit bigla nalang nalugmok sa sahig ang kasama, mabilis na itinurok niya ang isa pang syringe na naglalaman ng pampatulog sa leeg nito.

Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Vienna habang nakatingin sa dalawang security guard na nakahiga sa semento. At dahil nababalot ng pulang leather gloves ang mga kamay niya, hindi siya natakot na hawakan ang dalawang bantay. There would be no finger print to see.

Hinawakan niya sa paa ang dalawang lalaki at hinila ang mga ito papasok sa guard house.

Habol ang hininga niya ng maipasok niya ang dalawa sa guard house.

Mabilis na pumasok si Vienna sa loob ng Exxon Garage ng masigurong wala nang nagbabantay sa pintuan. Kaagad na ipinalibot niya ang tingin sa kabuonan ng garahe. Napakalaki niyon. Hindi na siya magtataka kung ang lahat ng sasakyan na narito ay puro ninakaw.

"Nasa may left hall ang computer room," anang boses ni Hellion sa tainga niya na ikinagulat niya.

Kung hindi pa niya narinig ang boses ng lalaki, baka nakalimutan na niyang may partner siya.

"Copy that," she replied.

Mabilis siyang nagtago sa ilalim ng isang sasakyan ng makitang may dalawang armadong kalalakihan na naglalakad patungo sa direksiyon niya. Mabuti nalang at medyo mataas ang sasakyan kaya pati ang duffel bag na dala ay naitago niya.

Oh, fuck!

Nang lagpasan ng dalawang kalalakihan ang sasakyan na pinagtataguan niya, mabilis siyang umalis sa pinagtataguan at malalaki ang hakbang na tinungo niya ang hall na sinasabi ni Hellion. Kaagad naman na nakita niya ang computer room. Hindi siya mawawala kasi maliban kay Hellion na nagga-guide sa kanya, may nakasulat talaga na computer room sa labas ng pintuan.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng computer room at nakitang may dalawang bantay doon na naghihilik habang may hawak na mga dikalebring baril.

Napangiti siya. Mukhang magiging madali ang misyong 'to, sabi niya sa sarili.

Kinuha ni Vienna ang syringe na naka-strap sa kabilang hita naman nito. Pagkatapos ay itinurok niya iyon sa leeg ng dalawang lalaki.

Nang masigurong hindi muna ang mga ito magigising, nakipag-usap siya kay Hellion.

"Saan ko ba ilalagay ang port like USB na 'to?" Tanong niya kay Hellion na nasa labilang linya.

"Hanapin mo ang CPU ng computers nila," sagot ng lalaki.

She groaned. "Magtatanong ba ako kung alam ko kung nasaan ang CPU na 'yon?"

"Use your eyes."

"Ay, hindi! Ilong ang gamit ko! Inaamoy ko kung nasaan ang CPU." Puno ng sarkasmo ang boses niya.

"Stop being sarcastic and find that CPU," naiinis na sabi ni Hellion.

Itinirik niya ang mga mata at hinanap ang CPU. May nakita siyang hugis parisukat na kulay itim at may mga saksakan ng USB. Baka ito na 'yon. Nakapikit ang isa niyang mata habang isinasaksak ang USB sa port na naroon.

"Okay na? Tama ba ang pinaglagyan ko?" Tanong niya kapagkuwan kay Hellion habang pigil ang hininga.

Vienna heard beeping sounds from the other line and then Hellion spoke. "Yeah. Tama ang pinaglagyan mo," imporma nito sa kanya.

Pinakawalan niya ang pinipigil na hininga pagkatapos ay naglagay ng isang C4 sa ilalim ng mesa na hindi basta-basta makikita ng mga tao at mabilis na lumabas ng computer room.

"Okay, Mr. Hellion, the computer whatever genius, lead the way."

"Okay." Humugot muna ito ng malalim na hininga. "Nakikita mo ang pathway na 'yon sa kanan mo, patungo iyon sa lugar kung saan mo puwede ilagay ang unang C4."

Sinunod niya ang sinabi nito at napag-alaman niyang recreational room ang silid na tinutukoy ni Hellion. Buti nalang at walang tao kaya madali niyang nailagay ang C4 sa isang lugar na hindi makikita.

Naging madali ang paglalagay ng C4 sa loob ng garahe dahil kaunti lang ang nagbabantay. Pero kailangan pa rin niyang magtago sa mga ilalim ng sasakyan para hindi siya makita.

Nakahinga lang siya ng maluwang ng safe siyang makalabas sa Exxon Garage. At hindi na niya kailangan tumawag, dahil naroon na si Hellion naghihintay sa kanya gamit ang sasakyan nitong Hammer.

Bago siya makasakay sa sasakyan ni Hellion, tumawag sa kanya si Lander. Bigla siyang kinabahan. Laking pasasalamat niya na tumawag ito kung kailan nakalabas na siya.

"Vienna, nasaan ka?" Kaagad na tanong nito ng sagutin niya ang tawag.

Tumikhim siya para itago ang kaba na nararamdaman. "Nasa labas ako."

"Alam ko, pero nasaan ka ba?"

"Hindi mahalaga kung nasaan ako. Pauwi na ako ngayon. Bye. Tawagan kita kapag nasa bahay na ako," aniya at pinatay ang tawag. I'm sorry, Lander.

Mabilis siyang sumakay sa Hammer ni Hellion at habang nagmamaneho ito patungo sa bahay niya, iniabot niya rito ang USP port na inilagay niya sa CPU kanina. "Heto. You want it back right?"

"Yes. I don't want to leave any evidence." Ngumiti si Hellion. "Thanks."

"No problem."

"Mag-ingat ka," ani Hellion habang nagmamaneho. "Hindi tayo nakakasiguro na hindi malalaman ni Exxon na nakapasok ka sa garahe nila. Don't let your guards down. Okay?"

"Okay."

PAGKATAPOS ihatid ni Lander si Calyx at Train na kailangan pa niyang alalayan sa paglalakad sa sobrang kalasingan, umuwi siya sa bahay niya. Buti nalang at hindi siya nalasing ng sobra. Bago siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay, napatingin siya sa bahay na katabi ng bahay niya. Walang nakabukas na ilaw ibig sabihin, walang tao sa loob.

Pumasok siya sa loob ng bahay niya at tinawagan si Vienna. After two rings, she picked up.

"Vienna, nasaan ka?" Kaagad na tanong niya ng sagutin nito ang tawag niya.

There was something in his voice. Fear, maybe? Kapag hindi niya nakikita si Vienna, inaatake siya ng takot at pangamba na baka iniwan na naman siya nito.

Tumikhim ito. "Nasa labas ako."

"Alam ko pero nasaan ka ba?" Pangungulit niya.

"Hindi mahalaga kung nasaan ako, pauwi na ako ngayon. Bye. Tawagan kita kapag nasa bahay na ako." Anito at pinatay ang tawag.

Ibinaba ni Lander ang cellphone at binuksan ang GPS ng cellphone niya at hinanap kung nasaan ngayon si Vienna. At dahil naka-rehestro naman ang numero nito sa GPS niya, madali niyang nalaman kung nasaan ang dalaga. Nagsalubong ang kilay niya ng makita kung nasaan si Vienna. Hindi siya pwedeng magkamali, 'yon ang address ng Exxon Garage. Anong ginagawa nito roon?

Then the blue dot—that's Vienna— started moving in a fast speed. Mukhang nasa loob ng sasakyan si Vienna dahil mabilis ang galaw niyon.

Umupo siya sa pang-isahang sofa at matamang tiningnan ang kulay asul na dot hanggang sa makarating iyon sa Bachelor's Village. Nang makitang tumigil ang asul na dot, sumilip siya sa bintana at nakita niyang lumabas si Vienna mula sa isang Hammer na sasakyan. Hindi niya maaninag kung sino ang nagmamaneho dahil madilim na sa labas dahil gabi na.

Nang makaalis ang sasakyan, kaagad na nag-ingay ang cellphone niya. Si Vienna ang tumatawag.

Sinagot niya ang tawa. "Hello?"

"Hey," anang boses ng dalaga mula sa kabilang linya. "I'm home."

"I know. Nakita kitang lumabas sa isang Hammer na sasakyan."

Mukhang napansin nitong walang emosyon ang boses niya dahil kaagad itong nagpaliwanag.

"Sasakyan 'yon ni Hellion. At bago ka mag-isip ng masama riyan, wala kaming ginawang masama maliban sa magdisenyo ng gown."

Napatiim-bagang siya. Why is she lying to me? "Okay. At hindi ako nag-iisip ng masama."

"Okay. Whatever you say." Nanunudyo ang boses nito. "Dito ka ba sa bahay ko matutulog?" May bahid na ngiti ang boses nito. "Gusto kitang makasama, puwede ba?"

"Hindi puwede." Umakyat siya sa hagdanan patungong second floor. "May gagawin ako, e."

"Oh." Halatang disappointed ito. "Ganoon ba? Good night, then."

"Good night." Pinatay niya ang tawag at pumasok sa silid niya.

ITINAPON ni Vienna ang cellphone sa ibabaw ng kama at bagsak ang balikat na napa-upo siya sa couch na naroon malapit sa bintana na nakaharap sa silid ni Lander.

Lander was acting weird. Okay naman sila kaninang umaga, anong nangyari? May mood swing ba ito o may sakit itong bipolar? Marami talaga siyang hindi alam sa binata. Kahit naman dalawang taon niyang pinagnasaan ito noon bago naging sila, maysadong misteryoso ang dating nito. 'Yon siguro ang nakakuha sa atensiyon niya.

Hinubad niya ang overall red leather suit na suot niya at nagtungo sa banyo para maligo. Her mission went well. That was worth celebrating. Sa makalawa, babalik na naman sila sa China. Kung sa kanya lang, ayaw niya. Ayaw niyang mawalay kay Lander kung kailan medyo nagiging okay na sila pero ito ang trabaho niya mula pa noon. At hindi niya hahayaang manakawan si Lander ng mga sasakyan kung may magagawa naman siya para pigilan ang mga magnanakaw na 'yon.

Hindi na siya ulit magiging makasarili para lang maging masaya. Ang huling beses na pinili niyang maging masaya sa piling ni Lander, pinagbayaran iyong ng buhay ng partner niya.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top