CHAPTER 12

CHAPTER 12

TITIG na titig si Lander kay Vienna na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at naisipan niyang dito matulog sa bahay nito. Gumagawa lang siya ng dahilan para makasama ang dalaga. Pagkatapos kasi niyang marinig ang boses ni Hellion sa kabilang linya kanina, gusto niyang bakuran ang dalaga.

He wanted to possessively wrapped his arms around her sexy waist and pull her closer so no man would ever have the privilege of getting close to her.

Bumangon siya sa kama at hinanap ang purse ni Vienna. Nakita niya iyon na nakapatong sa vanity mirror. Kinuha niya ang cellphone sa purse nito saka binuksan iyon. Protektado iyon ng password.

Mataman niyang tinitigan si Vienna habang iniisip kong ano ang password ng cellphone nito. Hindi iyon yong apat na password na nakasanayan niya sa kaniyang cellphone. Iyon yong klase ng password na talagang pinag-isipan.

Ibinalik niya ang tingin sa screen ng cellphone nito. Ang pangalan nito ang inilagay niya sa password pero incorrect password ang naging sagot no'n sa kaniya.

He groaned and type Vienna's surname. Tulad ng sagot kanina, incorrect password na naman. Kapaguwan ay pumili siya ng mga ramdom na bagay na ma-i-ko-connect niya kay Vienna pero wala pa rin at kailangan niyang maghintay ng sampong minuto para masubukan muli na buksan ang cellphone nito.

Habang naghihintay ng paglipas ng sampung minuto, nahiga siya tabi ni Vienna at tinitigan ang dalaga. Isang ngiti ang kumawala sa labi niya ng maalala ang sinabi nito na siya lang ang mahal nito at wala nang iba. Gustong-gusto niya itong paniwalaan pero hindi niya magawa. At kailangan din muna niyang alamin ang rason ng pag-alis nito para sa peace of mind niya.

Nagpasalamat siya na lumipas na ang sampung minuto kaya sinubukan na naman niyang buksan ang cellphone nito. Nakaka-tatlong subok na siya ng tumagilid ng higa si Vienna, paharap sa kanya at bahagyang ngumiti na parang nananaginip.

"Lander," bulong nito sa pangalan niya.

Napabuntong-hinga siya at parang wala sa sariling pinindot niya ang mga letrang L-A-N-D-E-R pagkatapos ay pinindot niya ang okay button.

Nabitawan niya ang cellphone at tumama iyon sa ilong niya ng biglang bumukas ang cell phone nito.

"Holy hell," he murmured under his breath and stared at Vienna. "Your password is my name?" Hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman.

Ganoon ba siya ka-importante sa dalaga para ang pangalan niya ang gamitin nitong password? Parang may humaplos sa puso niya sa nalaman.

Binuksan niya ang GPS nito, pati na rin ang GPS ng cell phone niya. And then he registered her number on his GPS tracking app and connected his number on her GPS.

'Would you like to allow this number to access your GPS?'

Lander quickly pressed the 'allow' button that pops up on Vienna's phone. Sa ganoong paraan, malalaman niya kung saan ito nagpupupunta kapag nawawala ito bigla. Hindi na niya hahayaang iwan na naman siya nito sa ikalawang pagkakataon. Not again, my sweet. Never again.

Alam niyang kalabisan na ang pag-connect niya sa GPS nito sa GPS tracking app niya pero wala na siyang pakialam doon. Ang gusto lang niya ay malaman kung saan ito pumupunta kapag nawawala ito.

At dahil nabuksan na niya ang cellphone ng dalaga, binuksan niya ang gallery nito. Wala namang kakaiba sa mga larawan na laman ng photos folder ni Vienna hanggang sa may mahagip ang mata niya na pamilyar na larawan.

Of course it was fucking familiar! Siya mismo ang nag-encode ng file ni Lamar Exxon. Kinunan nito ng larawan ang listahan ng order na sasakyan ni Mr. Exxon. From the list to cars prices and its technical specification.

Nakaawang pa rin sa gulat ang mga labi niya ng balingan niya si Vienna na mahimbing na natutulog.

"Bakit mo kinunan ng litrato ang file ni Mr. Exxon?" Tanong niya sa natutulog na dalaga. Biglang pumitik sa ala-ala niya ang memoryang nakita niya si Vienna sa harao ng nakabukas niyang laptop. "Iyon ba ang ginawa mo habang nasa board meeting ako?"

Nanghihinang inilapag niya ang cell phone ni Vienna sa night stand at tumitig sa dalaga.

Bakit?

Magkakilala ba ang dalawa? May relasyon ba ang mga ito? Ano ang koneksiyon ni Mr. Exxon kay Vienna para alamin ng dalaga ang listahan ng ino-order na sasakyan ni Mr. Exxon? Did Mr. Exxon send her to spy on him?

Kailangan niyang malaman ang katutuhanan. Kinapa niya ang cell phone niya na nasa night stand at tinawagan ang pinakamagaling sa larangan ng pagkalap ng impormasyon.

Pagkatapos ng dalawang ring, sinagot ni Shun Kim ang tawag niya. "You better have a fantastic reason why you're calling me at this hour." Puno ng iritasyon ang boses nito. "Ano ba ang kailangan mo, Storm? Bibili ka ba ng bahay sa akin kaya ka tumawag?"

"Hindi," aniya. "Puwede mo bang imbestigahan si Vienna Sugon?"

Ilang minuto ang lumipas bago sumagot ang nasa kabilang linya. "How much are you going to pay?"

"Name your price."

Walang buhay na tumawa si Shun. "Trust me, Lander Storm, hindi mo kayang bilhin ni kuko ko. Sabi doon sa bachelor's magazine, nagkakahalaga ako ng bilyones, pero dahil kaibigan kita at isa ka sa mga investors ng kompanya ko, bibigyan kita ng discount. How about buying a lot?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano naman ang gagawin ko sa lot na 'yan?"

"Kainin mo baka masarap ang lasa ng lupa." Puno ng sarkasmo ang boses ni Shun. "Malay ko kung anong paggagamitan mo. Basta iyon ang kabayaran mo sa pag-i-imbestiga ko sa ex-girlfriend mo."

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Magkano ba ang lupa na 'yan?"

"Fifty million. Barya mo lang naman 'yon. And anyway, malaki naman ang lupa na 'yon. You can even build a race track out there."

"No, thanks. My race track na ako," aniya. "Anyway, I'll send you the check tomorrow."

"Great. Tatawagan kita kapag nalaman ko na ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya."

"Okay."

Tinapos niya ang tawag at ibinalik ang cellphone sa night stand pagkatapos ay napatitig sa maamog mukha ng dalaga. Sana naman mali ang nasa isip ko ngayon.

KINAUMAGAHAN, maagang nagising si Lander saka nagtungo siya sa kusina para ipagluto ng agahan si Vienna. Pero natigilan siya at nakaawang ang bibig na napatitig sa stove.

"What the hell am i supposed to cook?" Napailing-iling siya. "E, wala nga akong alam sa pagluluto."

Nagpakawala siya mg buntong-hininga saka tinawagan si Train.

"Hey, man," bati niya sa kaibigan. "Am i dusturbing you?"

"Hindi. Bakit?"

Nag-aalangan siyang magsabi—more like nahihiya siya. Tumikhim siya. "Pwede mo ba akong turuan magluto?"

Ilang segundong natahimik ang kabilang linya bago nagsalita si Train. "What the fuck, Storm?"

"Turuan mo ako," aniya saka maglakad palapit sa stove. "Ano bang gagawin ko?"

"Ano bang lulutuin mo?" Parang hindi pa rin makapaniwala si Train. "Teka, ano ba ang nangyayari sayo? Are you okay? Wait, are you high?"

"Wolkzbin, I dont do those kind of shits." Hinilot ni Lander ang sentido. "Its just that... gusto kong ipagluto si Vienna ng breakfast at—"

"Vienna?" Gagad nito. "Cali's sister?"

"Yeah."

Napalatak ito. "Damn. Malapit ka na bang maging myembro ng Possessive Men's Club?"

"Hindi."

Train snorted. "Sige, Storm, magsinungaling ka pa." Tumikhim ito. Aanong gusto mong lutuin? Tuturuan kita step by step."

"Ahm." Ni-ransak niya ang isip para sa gustong lutuin pero walang pumasok sa isip niya/ "Something special?"

Mahinang natawa si Train. "Nasaan ka?"

"Sa bahay ni Cali."

"Lumabas ka riyan," ani Train. "Nasa labas ako ng bahay ni Cali, nagja-jogging kasi ako/ Tamang-tamang napadaan ako. I'll teach you in person."

"Nandiyan na ako," aniya at pinatay ang tawag at lumabas ng bahay. "Hey, man," bati niya kay Train ng makita ito.

Makahulugang nginitian siya ni Train. "Hey. Come on?"

Tumango siya. "Lets do it."

Pagkalipas ng isang oras na puno ng murahan at pagsigaw ni Train kay Lander, natapos din silang dalawang magluto.

"Hindi na kita ulit tutulungang magluto," naiiling nito sabi saka itinapon ang nasunog niyang kawali sa basurahan. "You nearly burnt the house!"

Napangiwi siya. "Hindi ko naman kasi alam na—"

"No talking, Storm. Aalis na ako bago pa kita mabatukan diyan."

Nang makalabas si Train sa bahay niya, napatitig siya sa niluto nila ni Wolkzbin. Napatingin siya sa mga paso niya sa daliri at pulsohan dahil sa mainit na kawali.

"Fuck!" Mabilis niyang kinuha ang first aide kit saka pinahiran ng ointment ang mga paso. "Fuck. Fuck."

Kahit mahapdi pa, hindi niya iyon pinansin at naghain siya sa lamesa. Pagkatapos ay lumipat siya sa bahay niya para maligo at magbihis narin.

Nagsalubong ang kilay niya ng makita si Calyx sa labas ng bahay niya. Nakahiga ito sa hood ng sasakyan at naka-shade habang nakatingin sa kalangitan.

Nilapitan niya ang kaibigan at tinapik ang balikat nito.

Mabilis na bumangon si Calyx saka tinanggal ang sunglasses at humarap sa kaniya. "Hey, man."

Kinunotan niya ito ng nuo. "You look like shit." Komento niya ng makita ang malalaking eye bag sa ilalim ng mga mata nito.

Walang buhay na ngumiti si Calyx. "I know and I don't give a fuck." Tumingin ito sa pinto ng bahay niya. "Pwede na ba tayong pumasok para makapag-kape ako?"

Pinaikot niya ang mga mata. "Doon ka magkape sa bahay mo. May gagawin akong importante."

Naglakad siya patungo sa pinto ng bahay at binuksan iyon pagkatapos ay humarap sa kaibigan na sumunod sa kaniya at nasa likod niya. "Seriously, Calyx, umalis ka na. May gagawin nga akong importante."

"Like what?"

"Like cooking breakfast for Vienna."

Napamulagat ito at halatang nagulat sa sinabi niya. "Okay na kayo?"

Nagkibit balikat siya saka pumasok sa loob ng kabahayan habang nasa likod niya si Calyx, nakasunod pa rin sa kanya.

"So, nagkabalikan na kayo?" Tanong ni Calyx kapagkuwan ay napalatak. "Alam ko namang mahal mo pa si Vienna. In-denial ka lang talaga. That word love is a fucking disease."

Napatigil siya sa paglalakad at humarap dito. "Come again?"

Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "I meet this woman and it was a love at first sight. I know, its cliché, its cheesy and it's yucky but I don't care." Tinuro nito ang puso. "Kahit anong gawin ko, hindi ko 'to matalo-talo. Kaya naman sinabi ko kanina kay Etheyl ang nararamdaman ko. Alam mo ba kung anong sagot niya?"

"Ano?"

"She said that I'm a worthless playboy who needs to be buried six feet underground." Walang buhay itong natawa. "Halos lipulin ko ang lahat ng tapang na mayroon ang katawan ko. Kahit kinakabahan ako, sinabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko, tapos iyon ang isasagot niya sa akin? Fuck!" Sinipa nito ang malapit ditong indoor plant. "Inuman nalang tayo. Tara. Maglasing ta'yo. Libre ko."

Hindi makapaniwalang napatitig siya kay Calyx. "Ikaw, ang first runner up sa pagiging kuripot, tapos manlilibre ka? Anong nakain mo?"

"Lander, my friend." Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. "I'm brokenhearted right now. Pwede bang damayan mo ako? Malapit na akong maging pasyente sa mental hospital. Malapit na malapit na kasi mababaliw na ako sa kakaisip kong paano ko papapaniwalin ang babaeng 'yon na totoong mahal ko siya. So, habang wala pa akong maisip na paraan, maglasing muna tayo."

Nagpakawala siya ng buntong-hininga at napailing-iling. "Okay. But let me call Wolkzbin. Ayokong makipag-inuman sa'yo na tayong dalawa lang."

"Sure, whatever."

Bago niya tawagan si Train, nagpadala muna siya ng mensahe kay Vienna.

'Good morning, Vien. Nasa mesa na ang agahan mo, sana magustuhan mo. May importante lang akong gagawin, tatawagan kita kapag hindi na ako busy. Bye. – Lander S.

Walang sumasagot sa telepono ni Train ng tawagan niya ito kaya naman hindi na niya ito tinawagan. Mamayang gabi nalang niya ito tatawagan, baka may ginagawa itong importante. Pinaalam niya kay Calyx na walang sumasagot sa phone ni Train kaya naman wala siyang choice kundi makipag-inuman ng mag-isa kay Calyx.

Habang nagmamaneho patungong Bachelor's Bar, nakatanggap siya ng text galing kay Vienna.

'Good morning. Ingat sa kung ano man iyang impotante mong gagawin. Salamat sa agahan. Mwah. Love you.' – Vienna S.

Hindi niya napigilan ang ngiti sa kumawala sa mga labi niya ng mabasa ang dalawang salita na 'yon na nasa hulihan ng mensahe ni Vienna.

I'm fucked!


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top