CHAPTER 1
CHAPTER 1
MARIING ipinikit ni Lander ang mga mata at tumingin sa ICU kung saan naroon ang kakambal niyang si Lance, comatose. Nagka-hemorrhage ito. Nagpapasalamat siya sa panginoon na nadala nila ito kaagad sa hospital. Habang karga-karga niya ang kapatid, tumutulo ang dugo nito sa sahig na dinadaanan niya. Ayaw na ayaw niya sa dugo kaya nga ayaw niya sa kulay na pula. Pinapaala kasi ng kulay na 'yon sa kanya ang mga madidilim na pangyayari sa buhay niya.
Hanggang ngayon, naaalala pa rin niya ang nagkalat na dugo ng magulang niya sa kalsada. Naaksidente ang kotseng sinasakyan ng mga ito at dead on arrival na nang makarating sa hospital. Ang kakambal niyang si Lance ang nagmamaneho ng sinasakyang kotse ng mga ito. Ito lang ang natira sa kanya at ang kapatid niyang babae na hindi kasama ng mga ito. Inuna pa kasi niya ang pakikipagkarera kesa ipagmaneho ang mga magulang niya.
Ang katanungang palaging umuukilkil sa isip niya, mamamatay kaya sa car crash ang mga magulang niya kung siya ang nagmaneho? Ang kalagayan ngayon ng kakambal niya, magiging ganoon din kaya ang kalagayan kung siya ang nasa kotse at hindi ito?
Napatingin ulit siya sa sa ICU kung saan nakahiga ang kapatid niyang walang malay. God, please, save my twin.
Marami ang nagkalat na dugo na damit niya. He was in a bad state, mentally and emotionally. But Eizel, Lance girlfriend was in much worse state than him. Walang tigil ito sa pag iyak habang hawak ang kamay ng kakambal niya. Pagkatapos ng car accident na dahilan ng pagkawala ng mga magulang niya, heto na naman, ang kakambal naman niya.
Can this get any worse?
Tumayo siya at nilapitan ang kasintahan ng kakambal niya na kahit papaano ay naging malapit na sa kanya.
"Okay ka lang, Zel?"
Humihikbing tumango ito. "Sinusubukan kong maging okay, Lander. Sinusubukan kong maging matatag. Pero ang sakit-sakit e. Hindi pwedeng mawala ang lalaking mahal ko."
Huminga siya ng malalim at umupo sa tabi nito. "Minsan sa buhay ko, sinabi ko rin ang mga salitang lumabas sa bibig mo." Mapait siyang tumawa. "Pero alam mo 'yong pinagkaiba natin?"
"Ano?"
"Ikaw, nariyan pa ang kakambal ko, mabubuhay siya at makakasama mo. Ako? Iniwan niya ako ng walang paalam at hinding-hindi na siya babalik pa." Ginulo niya ang buhok nito. "Sige, uwi muna ako at maliligo pagkatapos ay may aasikasuhin lang ako. Babalik din ako kaagad para dalhan ka ng pagkain."
Tango lang ang tinugon sa kanya ni Eizel habang hawak pa rin ang kamay ni Lance.
Umalis si Lander na mabigat ang pakiramdam. Ayaw niyang iwanan ang kakambal niya pero may mga kailangan siyang asikasuhin. Darating ngayon ang import cars niya galing Europe. Hands-on siya kapag import cars and pinag-uusapan. Kasama naman ni Lance ang kasintahan nito kaya magiging maayos lang ito.
Nang makalabas siya sa sasakyan, kaagad siyang sumakay sa Audi niya at pinaharurot iyon patungo sa tinuturing niyang palasyo kung saan siya ang hari. Sa LaCars Building.
I-PI-NARK ni Lander ang kotse sa pribadong parking lot niya sa LaCars saka lumabas. Lahat ng nakakakita sa kanya na empleyado ay napapasinghap at halos lumuwa ang mga mata. Salamat sa nagkalat na dugo sa suot niyang damit, mukhang magiging headline of the day siya ngayon.
Nang makarating sa opisina niya, ini-locked niya ang pinto at isa-isang hinubad ang damit at nagtuloy-tuloy sa banyo na nasa loob ng private room niya. Katulad ng bahay niya, mayroon siyang pribadong silid sa opisina niya kung saan may banyo, closet, mini-bar at king size sa kama. As much as possible, ayaw niyang manatili sa bahay niya.
Being home alone sucked big time. Ayaw na ayaw niyang nag-iisa siya sa bahay na 'yon, naalala lang kasi niya ang mga panahong may kasama pa siya roon... ng kasama pa niya si— Don't go there! 'Yon ang parte ng buhay niya na pinagsisisihan niya.
Pagkatapos niyang maligo at ayusin ang sarili, nagtungo siya sa opisina niya at tinawagan si Valerian Volkzki, ang may-ari ng AirJem Airlines.
"Hey, Storm," ani Valerian sa kabilang linya ng sagutin nito ang tawag. "To whom do I owe this fucking call?" Puno ng sarkasmo ang boses nito.
Itinirik niya ang mga mata. "Volkzki, I need transportation for my car spare parts. Magbabayad ako kahit magkano. Kailangan ko 'yon sa makalawa."
"Storm, tao lang ang pinapasakay ko sa mga pag-aari kong eroplano. Kung car spare parts ang ipapa-transport mo, call Iuhence Vergara. Kahit punoin mo pa ng spare parts ang mga barko niya, ayos lang 'yon."
Naupo siya sa swivel chair at nagsalita. "Volkzki, hindi naman ganoon kabigat 'yon. Kaunti lang 'yon. Mga sampong kilo lang ang bigat. Kailangan ko na ang mga iyon sa makalawa kaya nga tinawagan kita."
Nagpakawala ng buntong-hininga si Valerian. "You owe me for this, Storm. Nasaan ba ang mga cars spare parts mo?"
"Sa Japan—"
"Oh, hell no, Storm. I don't do Japan," putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "Ayon sa history, sinakop tayo ng mga hapones at hindi maganda ang ginawa nila sa mamamayan ng Pilipinas. At dahil doon, hindi ko pinapayagan ang airline ko na pumasok sa Japan. So, bye. I'm not the one you need." Pagkasabi n'on ay pinatay nito ang tawag.
Napailing-iling nalang siya at tinawagan si Iuhence Vergara, ang may-ari ng Pacific Pearl Shipping. Mukhang wala talaga siyang choice kundi padaanin sa dagat ang mga cars spare parts na binili niya sa Japan. Loko naman kasi itong si Valerian. Hindi maka-move on sa history, e. Pakiramdam naman nito ay purong Pilipino ito, e, samantalang one fourth lang yata ang Pilipinong dugo na nananalaytay sa ugat nito.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga ng sagutin ni Iuhence ang tawag niya.
"Hello, Vergara," aniya.
"Hello, my man," ani Iuhence. "May kailangan ka?"
"I need transportation for my car spare parts. It's in Japan."
"Kaalis lang ng barko ko pa-Japan. Sa susunod na linggo pa ang next shipment. Yung ibang barko ko rito, hindi sila dadaong sa Japan kasi iba naman ang bansa na dadaongan nila." Wika ni Iuhence at napalatak siya. "Makakapaghintay ka pa ba?"
Mahina siyang napamura. "Kailangan ko ang mga spare parts na 'yon sa makalawa." Mahina siyang napamura. "Damn it."
"Well, you don't have a freaking choice—oh, you do! Why don't you call Volkzki?" Suhestiyon ng kausap. "Baka naman payagan ka niyang isakay ang mga car spare parts mo sa eroplano niya."
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Hindi maka-move on si Volkzki sa history at ayaw niya sa mga hapon."
Tumawa ng malakas si Iuhence. "Well, Storm, wala kang ibang pagpipilian kundi ang maghintay."
Ayoko nang naghihintay. 'Yon nalang palagi ang ginagawa niya. Maghintay sa mga bagay na hindi naman mangyayari.
"Fine," sabi niya. May pagpipilian ba siya? "Sige, susubukan kong tumawag sa iba kung matutulungan nila ako," aniya at pinatay ang tawag.
Huminga siya ng malalim at pinindot-pindot ang dial pad para tawagan si Cali.
"Hello, Cali?" Aniya.
"Storm!" Cali exclaimed on the other line. "Why you called, dude?"
Napabuntong-hinga siya bago nagsalita "May kakilala ka ba na airlines na nagpapadala ng car spare parts other than AirJem? Mukhang hindi pa kasi nakaka-move on si Valerian sa mga hapon kaya wala siyang eroplano na patungong Japan. Kailangan ko kasi ang mga spare parts na yon sa makalawa. Kaunti lang naman 'yon, e. Pwedeng ilagay sa duffel bag."
"Nasaan ba ang spare parts na 'yan?" Tanong ni Cali.
"In Japan."
"Cool. Papunta ako sa Japan ngayong araw, puwede kong dalhin pabalik sa Pilipinas ang mga spare parts na kailangan mo. I'm gonna use my private plane, so yeah, it's cool."
Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. "Thanks, man. Siyanga pala, bakit ka pupunta sa Japan? Sabi mo nuong huli tayong mag-usap, ngayong week ang alis ng cruise ship mo and you usually travel by sea. You hate planes, remember?"
Mahinang tumawa ang nasa kabilang linya. "Yeah, I did say that but my dearest step sister is asking me to pick her up—oh, shit—" Bigla itong tumigil sa pagsasalita. "Ayaw mo palang pinaguusapan siya. Sorry, man."
Ikinuyom niya ang kamao ng mabanggit nito ang hilaw na kapatid. Vienna Sugon. "It's okay. I'm over her." Please, don't fucking ask. "Anyway, bakit siya nasa Japan?" Fucked it!
Nawalan ng imik sa kabilang linya si Cali. Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita rin ito. "Ahm, she's—ahm, coming home. Dalawang buwan yata siyang mananatili sa Pilipinas."
"Tapos aalis din siya?"
"Kilala mo naman 'yon."
"Sadly." Napatiim-bagang siya. "I do."
Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Cali. "Yeah, well, I have to go. Bye, Storm."
"Bye, Sudalga."
"Tawagan nalang kita kapag nasa Japan na ako."
"Okay."
Sabay nilang tinapos ang tawag at napasandal siya sa likuran ng swivel chair at mariing ipinikit ang mga mata.
Mabilis siyang napamulagat ng pumasok ang babaeng 'yon sa isip niya. Hindi ba talaga siya nito tatantanan? Magwawalong taon na mula ng umalis ito ng walang paalam pero bakit nasa isip pa rin niya ito? Nagpakawala siya ng marahas na buntong-hininga. After all these years, Vienna still lingered his mind like an undeletable virus.
At isa lang ang tanging paraan para mawala ang babaeng 'yon sa sistema niya.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Kathie. Ang latest lover niya.
"Hey, handsome." Nang-aakit ang boses na sagot nito sa tawa niya. "What can I do for you, honey?"
"I need someone to fuck." Walang emosyon na aniya. "Are you available?"
Kathie giggled. "I'll be right there, honey."
"Good. I'm in my office." Pinatay niya ang tawag at mariing ipinikit ang mga mata.
Nang pumasok na naman sa isip niya ang babaeng 'yon, napatiim-bagang siya. Fuck that woman!
HINDI GUMAGALAW si Vienna habang hinahalukay niya ang isip kung anong dapat gawin sa apat na kalalakihang nakapalibot sa kaniya. Nakatali ang kamay niya sa likod gamit ang lubid at may nakatutok na baril sa ulo niya at matalim na espada sa leeg niya.
"Who are you working for?!" Matigas ang English accent ng hapones na nagsalita na kumakausap sa kanya.
Matapang na sinalubong niya ang singkit nitong mga mata. "I. Don't. Know. Anything."
Umigkas ang kamao nito at malakas tumama sa mukha niya. Mariin siyang napapikit ng maramdamang nagdilim ang paningin niya sa lakas ng suntok nito. Para siyang nakakita ng mga bituin ng makabawi siya sa sobrang sakit na naramdaman niya.
"Who are you working for?!" Sigaw ng hapon at ng hindi siya sumagot. Sinuntok na naman siya sa mukha.
Parang wala nang maramdaman ang mukha niya dahil sa mga suntok na tumama do'n.
Nag-angat siya ng tingin at matalim ang mga matang sumagot. "I. Don't. Know. Anything!"
"Aarrrrggghh!" Sigaw ng hapon at akmang kakalibitin na ang gatilyo ng baril ng mabilis niyang itinumba ang stool na kinauupuan at napangiti siya ng masira iyon.
Gotcha!
Mukhang nagulat ang mga hapones dahil nanigas ang mga ito sa kinatatayuan at parang hindi ng mga ito alam ang gagawin. Napailing-iling nalang siya. Sinamantala niya ang paninigas ng mga hapon at mabilis siyang kumilos.
Mabilis siyang bumangon at sinipa ang paa ng isang hapon na malapit sa kanya na may hawak na baril, dahilan para mawalan ito ng balance. Mabilis niyang pinulot ang baril na nabitawan nito at mabilis na itinutok iyon sa tuhod ng natumbang hapon at kinalabit ang gatilyo.
Napasigaw ang hapon habang sapo ang tuhog nito na tinamaan ng bala.
"Sorry." She gave him a half-meant apologetic look.
Behind her, Vienna heard a whooshing sound. Hindi na niya kailangang pang lumingon para alamin kung ano 'yon. She was pretty sure that it was the sound the sword made when you were slashing in a lightning speed. Before it could hit her, she back flipped and swiftly pointed the gun on the Japanese swordman's temple.
"What's with Japanese and Samurai?" Naguguluhang tanong niya saka napailing-iling. "Facts about guns." Itinaas niya ang baril na hawak. "They can kill in just a blink of an eye."
"Arrrghhh!" Sigaw ng lalaki habang sumusugod sa kanya.
Ibinaba niya ang baril at tinutok sa tuhod nito at kinalabit ang gatilyo.
Napabuntong-hinga nalang siya. "I told you. They can easily kill."
Hindi niya pinansin ang pagsigaw ng hapon dahil sa sobrang sakit. Itinutok niya ang baril sa dalawang lalaki na may mga hawak na samurai.
Umatras siya patungo sa bag niya na nasa sahig na tinapon na mga ito ng madakip siya. May sobra pang C4 doon at iyon ang kailangan niya para matapos na ang misyon niya. Nakakapagod na. Kailangan na niyang magpahinga.
"Who are you working for?" Tanong ng isang hapon.
"Answer us and we will not kill you!" Pagalit na sigaw ng isa namang hapon.
Habang nakatutok pa rin ang baril sa dalawa, pinulot niya ang backpack at kinuha roon ang cellphone pagkatapos ay isinukbit ang bag sa magkabilang balikat.
Nang makitang mabilis na naglalakad palapit sa kanya ang dalawang lalaki, mabilis niyang kinalabit ang gatilyo ng baril. Malakas siyang napamura ng makitang naubusan na iyon ng bala.
"Fuck!" Malakas siyang siyang napamura. Gamit ang pinakamalakas niyang puwersa, binato niya ang isang hapones ng baril na hawak niya saka mabilis niyang pinulot ang espada na nakakalat sa sahig. "I don't like swords. Damn it."
Dumugo ang ilong ng hapon ng tumama ang baril sa mukha nito. The Japanese man on her left stopped to regain his bearing.
Vienna focused half of her attention on the man on her right. Then other Japanese man slashed the sword at her. She quickly dodge it and kicked the man on the stomach. Madaling nakabawi ang lalaki saka bumalik kaagad ito sa pagsubok na hiwain siya at saksakin. Pinaikot niya ang espada sa pulsohan niya saka gamit ang hawakan no'n, itinarak niya iyon sa dibdib ng lalaki.
Napa-ubo ang lalaki at sinapo ang dibdib nito dahil sa ginawa niya.
Napatigil siya sa pag-atake ng marinig na nag-ring ang cellphone niya na nasa loob ng bulsa niya.
Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki habang kinuha ang cellphone niya sa loob ng bulsa at sinagot ang tawag. "Yow! Who's this?"
"It's me, Cali," wika ng nasa kabilang linya. "My plane is about to land. Nasaan ka na?"
"Saang airport ka—Shit!" Kasing bilis ng kidlat na umuklo siya ng makitang nakabawi na ang isang hapon at sinusubukang tagain siya.
Panay atake sa kaniya ng hapon gamit ang matalas na espada nitong hawak at panay namna ang atras niya hanggang sa masagi ng paa niya ang mahabang kadena. Mga nasa tatlong metro din ang haba no'n.
"Hold on just a sec, brother dear," aniya.
"What—wait? Where the fuck are you, Vienna?!"
Tumingin siya sa dalawang lalaki at sa kadena na naapakan niya. "Hold on for a sec, my dear step-brother."
"Vienna, where the heck—" Hindi na niya narinig ang iba pa nitong sasabihin dahil inilagay na niya sa bulsa ng pantalon niya ang cell phone.
Nang makitang sunugod ang isang lalaki, mabilis niyang pinulot ang kadena at ipinalibot sa beywang ng lalaki pagkatapos hinila palapit sa kanya at malakas na sinipa ito sa dibdib. Nang makita niyang muntik lang itong mabuwal, ikiniyom niya ang kamao at sinuntok ito sa mukha ng maraming beses at sinipa ang leeg nito. Napaatras ang lalaki kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na gawaran ito ng isang malakas na sipa sa mukha.
Bunagsak ang lalaki sa sahig. Nang makita niyang susugurin na naman siya ng isang lalaki na kasama nito, napamura siya at mabilis na tumakbo palabas ng warehouse na iyon. This has to end. Damn it! I'm not here to get killed!
Nang makarating siya sa pinto ng warehouse, naglagay siya ng dalawang C4 sa bawat sulok ng pinto at lumabas siya pagkatapos isinara iyon mula sa labas.
Nang ma-i-locked niya ang pinto mula sa labas, biglang may sumipa noon pabukas mula sa loob pero hindi ito nagtagumpay. Napangisi siya ng makitang hindi nito nabuksan ang pinto.
Mabilis niyang kinuha ang C4 detonator sa kaniyang bag. Habang paatras siyang naglalakad, bumalik ang memorya niya kung bakit naroon siya sa lugar na 'yon.
Ang misyon niya ay lagyan ng C4 ang bawat sulok ng warehouse na iyon. Mula sa labas, parang wala lang ang warehouse pero sa basement no'n ay may nakatagong mga fake Japanese dollar plates na dahilan sa paglipana ng mga fake na pera sa Japan. Ang misyon niya ay kunin ang mga fake money plates na ngayon ay nasa bag niya at pasabugin ang buong warehouse.
Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at kinausap muli ang hilaw na kapatid habang humahakbang pa rin paatras. "Hey, dear brother, where were we?"
Napabuntong-hininga ito. "Nakalapag na ang eroplano ko. Nasaan ka na?"
"I'm on my way."
"Okay ka lang?"
"Nag-aalala ka?" Tudyo niya.
"Oh, shut up. Bye!" Napipikon na pinatay nito ang tawag na ikinatawa niya.
Ibinalik niya ang phone sa bulsa at naghanap ng pwedeng pagtaguan.
Nang makakita ng malaking bato, umupo siya sa likod niyon at kinuha ang iPod niya at naglagay ng earphone sa tainga pagkatapos ay pinatugtog niya ang kantang 'My Song Knows What You Did In The Dark' ng Fall out boys.
She tapped her feet on the ground when the song hit the chorus, then in a dramatic way, she pressed the button of the detonator. BOOM! She grinned triumphantly when she felt the ground shook beneath her.
Malapad siyang napangiti ng umalis siya sa pinagtataguan at nakita niya ang resulta ng C4. Mas lalong lumapad ang ngiti niya ng makitang wasak na wasak ang ware house.
Tinanggal niya ang earphone na nasa kanang tainga ng may tumawag sa cellphone niya. Kaagad niya iyong sinagot.
"Yow. How's it going?" Agad na tanong niya sa nasa kabilang linya.
Mahinang tumawa ang nasa kabilang linya. "Mission accomplished. Well done, Light. You executed your mission beautifully."
"Thanks. Pero mukhang may black eye ako. Mababawasan nito ang kagandahan ko."
Tumawa ang nasa kabilang linya. "You can now have your two months off. Enjoy your vacation, Agent Light."
Nang mawala ang kausap sa kabilang linya, napangiti siya ng maalala kung bakit humingi siya ng dalawang buwang leave sa trabaho.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top