CHAPTER 8
CHAPTER 8
TRAIN disliked riding in his private jet, pero para kay Krisz, nakasakay sila ngayon sa private plane niya patungong Russia. After they agreed to get married a week from now, pinag-usapan din nila kung saan sila ikakasal at kung sino ang imbitado.
Tinawagan niya ang kaniyang ina kagabi para magpatulong sa wedding invitation at masayang-masaya ito na isasama niya is Krisz sa Russia. At sabi ng mommy niya, naging maayos daw ang kalagayan ng ama niya ng malamang nitong ikakasal na siya at si Krisz.
Lahat ng nangyayari ay hindi naayon sa planong binuo niya sa kaniyang isip. Dahil sa ama niya, napilitan siyang pakasalan si Krisz. Ngayon, hindi niya maiwasang tanungin ang sarili, ano ba ang magiging buhay niya kapag ikinasal na sila ni Krisz?
Would it be heaven or hell?
Malalaman din niya ang kasagutan sa tanong niya. Soon.
Binalingan niya ang katabing babae na mahimbing na natutulog. She fall asleep right after the plane took off. Alam niyang natulog ito dahil gusto siya nitong iwasan.
Dumako ang tingin niya sa purse nito na nakabukas at sumisilip mula roon ang cellphone nito. It was invading her privacy pero hindi niya mapigilan ang sarili. Dahan-dahan niyang kinuha ang cellphone sa purse nito at nagsalubong ang kilay niya ng makitang may new message ito.
Mukhang nag-text ang sender bago pa sila umalis sa Pilipinas at nawalan ng pagkakataon si Krisz na basahin iyon dahil natulog ito.
It was wrong. Very wrong indeed. Pero binuksan pa rin ni Train ang inbox. The new message came from a person named Mr. Flirt. Pinukol niya ng masamang tingin ang babaeng natutulog sa katabi niyang upuan.
"Sino naman itong Mr. Flirt na 'to?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya sa hangin.
Walang pag-aalinlangan na binuksan niya ang nasabing mensahe at umakyat ang dugo sa ulo niya sa nabasa.
Krizzy, baby, hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo na magpakasal kay Wolkzbin. Magsabi ka lang, tutulungan kita. I will lend you my money, my name and hell; I can even lend you my body! That's how much I love you, my Krizzy baby. Just say the word and this handsome sender will be your knight in shining armor.
Galit niyang binura ang mensahe na iyon pero paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang sinabi nitong 'that's how much I love you'. Ganoon na ba kalalim ang relasyon ng dalawa?
Ibinalik niya ang cell phone ni Krisz sa purse nito at inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga at inilapat ang labi niya sa mga labi nito. Pero mabilis niyang inilayo ang labi sa mga labi nito bago pa nito maramdamang hinalikan niya ito.
"Ty moya, Krisz," bulong niya rito.
He kissed her lips one last time and then he closed his and forced himself to sleep.
DAHAN-DAHANG iminulat ni Krisz ang mga mata at tiningnan ang katabi. Mahimbing itong natutulog kaya naman malaya siyang pagmasdan ang mala-adonis nitong kaguwapuhan. Gusto niyang hawakan at haplusin ang mukha nito pero pinigilan niya ang sarili.
This man would be her husband a week from now. Ano kaya ang pakiramdam na maging asawa ito? Ano kaya ang pakiramdam na alagaan nito bilang isang asawa? Malapit na niya iyong malaman.
Ikakasal na sila sa susunod na linggo at kinakabahan siya. She was already twenty- eight but she didn't know a thing or two about married life. Sana maging maayos ang pagsasama nila ni Train, dahil sa oras na mambabae ito, makikita nito kung gaano siya ka-demonyita.
Dumukwang siya palapit sa binata at inilapat ang labi sa pisngi nito. She smelled his aftershave and it intoxicated her. Mabilis siyang bumalik sa dating posisyon ng maramdamang gumalaw ang binata.
Umakto siyang walang nangyari ng nagmulat ito ng mga mata at tumingin sa kanya.
"Gising ka na pala," anito at naghikab. "Masakit ba ang likod mo? It's uncomfortable to sleep in the plane."
"Ano namang pakialam mo?" Walang buhay ang boses na aniya.
"Hindi ba ako puwedeng nag-alala sa soon-to-be-wife ko?"
"Bakit ka naman mag-aalala sa'kin?"
"Kasi nga magiging asawa na kita. You will be my wife and I always take good care of what's mine."
May munting ngiti na gumihit sa mga labi niya. "I take good care of what's mine, too. From my parents to my family's company to my friend." Bumaling siya sa binata na nahuli niyang titig na titig sa mukha niya. "Would you like me to take care of you?"
Hindi niya alam kung bakit niya naitanong iyon sa binata pero nanggaling iyon sa puso niyang may kakaibang pagtibok para sa katabing binata.
May gumuhit na munting ngiti sa mga labi nito. "How about you? Would you want me to take care of you?"
Mahina siyang napatawa. "Magiging mag-asawa na tayo, Train. Kailangan nating alagaan ang isa't-isa."
Umawang ang labi niya ng tumagilid ng upo si Train at ihinilig sa balikat niya ang ulo nito pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon.
"Alagaan ang isa't-isa," anito habang hinahalik-halikan ang likod ng kamay niya. "I like the sound of that. Take care of me then. Take good care of me now."
Her heart nearly leaped out from her ribcage. Parang tinatambol ang puso niya sa ginawa nito. Gusto niyang agawin ang kamay na hawak nito dahil nanlalamig iyon pero mahigpit ang pagkakahawak nito at hindi siya hinayaang agawin ang kamay niya.
"Just this once, iyubov moya. Ngayon lang. Hayaan mo akong mapalapit sayo. Pag lapag ng eroplanong 'to na sinasakyan natin, saka mo na ako itulak palayo."
Gumalaw ang kamay niya para haplusin ang pisngi nito at kapagkuwan ay humaplos ang mga kamay niya sa tungki ng ilong nito at bumaba sa mga labi nito.
"Anong gagawin mo kapag itulak kita palayo?" Tanong niya pagkalipas ng ilang minuto.
Nag-angat ng tingin sa kanya si Train. Ilang dangkal lang ang layo ng mga labi nila at parang kinapos siya ng hininga.
"Anong gagawin ko?" Ulit nito sa tanong niya at ngumiti. Parang nalaglag ang puso niya sa ngiting iyon. "That's for me to know and for you to find out."
Inirapan niya ito. "Gasgas na ang linyang 'yan."
Mahina itong tumawa. "Okay, let me rephrase what I said, kung ano man ang gagawin ko, sa'kin na lang 'yon. Okay?"
Inirapan niya ito. "Okay. Sabi mo e."
Umayos sa pagkakahilig sa balikat niya si Train at ilang segundo ang lumipas, his breathing became even. Mukhang natulog na naman ito.
Hinaplos niya ang buhok nito at ipinikit niya ang mga mata. Habang unti-unting kinakain ng antok, nasa isip niya kung ano ba ang pakiramdam kapag minahal siya ng isang Train Wolkzbin. Marunong nga ba itong magmahal?
KRISZ woke up with Train ligtly shaking her shoulder. Akala niya ay lumapag na ang sinasakyan nilang eroplano pero ng tumingin siya sa labas ng binaa ay nakita niyang nasa himpapawid pa sila.
Kinusot niya ang mga mata at tumingin kay Train na nasa tabi niya. "Bakit mo ako ginising?"
"Kain ka," ani at may iniabot sa kanyang oeach. "Baka nagugutom ka na."
Tinanggap niya ang peach na inabot nito at kumagat ng kaunti. "Nasaan na tayo?"
"Wala akong makitang karatula kung nasaan na tayo, kaya hindi ko masasagot ang katanungan mo." Sagot nito na puno ng sarkasmo.
Inirapan niya ito. "Train, I'm asking a serious question."
"And I answered you as serious as I can be," he said with a smirk.
"Ewan ko sayo." Kumagat siya muli sa peach. "Wala ka na bang ibang prutas maliban dito?" Aniya at ibinalik dito ang peach na ibinigay nito.
Kumagat si Train sa peach na kinagatan na niya. "Bago ko sagutin 'yan, may tanong ako."
"Ano?"
"Ano ang paborito mong prutas?" Tanong nito na ikinakunot ng nuo niya.
Kahit naguguluhan, sinagot niya ang tanong nito. "Grapes. I like grapes. They're juicy, tasty, delicious and just freaking edible."
Tumango-tango ito at may ipinakita mula sa likuran nito. Napangiti siya ng makitang may hawak itong grapes.
"May dala kang grapes?" Maang tanong niya sa lalaki. "And you were hiding those behind your back?"
"Nakatago ito sa likod ng upuan na'tin. I brought Peach, my favorite fruit and then grapes, your favorite," anito at pumitas ng isang grape. "Nuong hinintay kita sa bahay niyo kagabi, nakausap ko ang daddy mo. We talked a lot of things and we came across of your favorite food."
"Bakit naman pati paborito kung pagkain ay gusto mong malaman?" Kunot ang nuong tanong niya rito. Hindi niya ito maintindihan.
Train just smiled sweetly. "Krisz, I'm a chef. I think that explains everything."
Kumunot ang nuo niya. "You're a businessman, Train. Paano ka naging chef?"
She was surprise. This handsome man was a chef? This ruthless, smart businessman was a freaking chef? Hindi halata. Lahat ng nabasa niya sa magazine tungkol kay Train Wolkzbin, walang nabanggit na chef ito.
"I'm a chef by profession, businessman by choice."
"Oh." Impressive.
"Yeah. Oh." Ngumiti ito. "Anyway, eat up," sambit nito, at sinubuan siya ng isang grapes. Nag-init ang pisngi niya sa kaalamang sinusubuan siya ni Train. Wala pang lalaking sumubo sa kanya ng pagkain. Ayaw kasi niyang magpasubo sa kadahilanang kaya naman niya. Pero ngayong si Train ang sumusubo sa kanya ng prutas, parang may sariling isip ang bibig niya at bumuka iyon.
Napapikit siya ng malasahan ang grapes sa bibig niya. Oh, God! It was delicious. Napaungol siya sa sarap ng kagatin niya ang grapes na nasa bibig niya at yumakap sa panlasa niya ang tamis na lasa noon.
It was truly her favorite fruit in the world.
Nang nagmulat siya ng mga mata, nagtama ang tingin nila ni Train. She saw desire and raw hunger in his pale charcoal eyes. Parang inaakit siya ng emosyong yon na lumapit sa binata.
Nang mapansin ni Train na dahan-dahang lumalapit ang mukha niya sa mukha nito, Train put a grape between his lips and crashed his lips against hers.
Napaungol siya ng kagatin nito grape at umagos ang matamis na katas ng prutas sa loob ng bibig niya. Ang ibang katas naman ay dumaloy patungo sa baba hanggang sa leeg niya at hinabol iyon ng mga labi ni Train.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi ng gumapang ang labi nito pababa sa leeg niya. Train licked off the juices down to her chin and neck.
"Train.," ungol niya sa pangalan nito ng mas lalo pang bumaba ang mga labi nito sa mayayaman niyang dibdib.
Bumalik ang labi nito sa mga labi niya at mariin siyang hinalikan. Wala na siya sa tamang pagiisip. Tinangay na ng hangin ang mga rason kung bakit hindi niya dapat tugunin ang halik ng binata. She was lost in his kisses and she couldn't do anything but to kiss him back with equal ferocity.
Nang pakawalan nito ang mga labi niya, habol nilang dalawa ang hininga.
"Pasalamat ka nasa airplane tayo," anito habang puno ng pagnanasa ang mga mata.
Napalunok siya sa uri ng pagkakatingin nito sa kanya. He looked at her like a hungry wolf ready to devour the last piece of meat in the market.
"A-Anong gagawin mo kung wala tayo sa airplane?"
He grinned like a devil Cheshire cat. "Oh, iyubov moya. The things I will do to you are unexplainable even to me." Inilapit nito ang mukha sa mukha niya at pinagdikit ang mga labi niya. Naamoy niya ang mabango nitong hininga. "Pero huwag kang mag-alala. You have a week to prepare for me, my sweet. Babawi ako sa honeymoon natin."
Mabilis na kumakat ang dugo sa kaniyang pisngi sa sinabi nito. Oh, my Holy Jesus!
"DADDY-Honeymoon?" Napalunok siya. "S-Saan ang honeymoon?" Shit! Bakit ba nawala sa isip niya na pagkatapos ng kasal ay honeymoon na? Bakit nawala sa isip niya na pagkatapos ng kasal, may karapatan na si Train na angkinin siya.
Holy mother of God!
"Oh, bakit parang gulat na gulat ka?" Kumislap ang kapilyuhan sa mga mata nito. "Iyubov moya, after our wedding, I will own you. Body. Heart. Mind. And soul."
Umiling siya. "No. You will only own my body, and maybe my mind, but not my heart and my soul. Hindi naman kita mahal para mapasayo ang puso at kaluluwa ko."
"Oh? Well, dorogoy, I will creep into your heart like a phantom in the night. Tingnan natin kung hindi ko pa makuha ang puso mo. Sisiguraduhin kong mapapasaakin ang puso mo at mamamalayan mo nalang na nakasalalay na sa akin ang kaligayahan mo."
Mapait siyang ngumiti. "Train, ano ba ang makukuha mo kung mapapasayo ako ng buong-buo? Hindi pa ba sapat na sayo na ang katawan ko at matatali ako sayo?"
"Anong makukuha ko?" Tumingin ito sa mga mata niya na parang binabasa ang emosyong nakatago roon. "Hmmm. Ano nga ba sa tingin mo ang makukuha ko?"
"Hindi ko alam," aniya na umiiling-iling pa. "Wala namang interesante sa puso ko para pagka-interesan mo."
"Oh, my love, I beg to disagree. Your heart is a very interesting organ in your body and I want it to be mine. And when a Wolkzbin says your mine, then you are mine. Whether you agree or disagree."
Napamulagat siya. Oh, God. Was she marrying a very possessive Russian man? That's not good. Not good at all.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top