CHAPTER 7
CHAPTER 7
NANG lumapag ang helicopter na sinasakyan ni Krisz sa Black Pearl Cruise Ship, kaagad siyang lumabas sa helicopter at napangiti ng makita si Lath na hinihintay siya.
Lumapit siya rito at niyakap ang binata. "Nandito na ako."
Mahinang tumawa si Lath. "Yeah. Yakap mo na nga ako, diba?"
Natawa siya at pinakawalan ito. Pagkatapos ay tumingin siya sa kulay lilak nitong mga mata. "Na-isturbo ba kita?"
"Ipapasundo ba kita kung naiisturbo mo ako?" Inakbayan siya nito at iginiya papasok sa first deck kung saan matatagpuan ang isang luxurious restaurant, Black Pearl Bar, a huge ballroom and the Black Pearl Casino. Nasa lower deck naman ng cruise ship ang mga kuwarto. From expensive to insanely expensive rooms. Tanging mayayaman lang ang sumasakay sa naturang cruise ship.
Tinahak nila ang daan patungo sa second upper deck ng Black Pearl. Naroon naman ang iba't-ibang uri ng recreation. Nahahati sa dalawa ang second upper deck. Ang sport and luxury recreation. Sa sport recreation, kahit na anong laro ang hanapin mo, naroon. They had a gym for basketball and volley ball. They had lawn tennis and table tennis. They had space for golf at mayroon ding bowling at billiards. Mayroon ding video games para sa mga bata. Ang luxury recreation naman ay naroon ang spa, beauty and hair salon, nail art at lahat ng kaartehan ng mga kababaehan.
Lath led her to the third upper deck. The wall was made of glass and it let the passengers see the view of the ocean. Mayroon doon tea shop, boutique, coffee shop and of course a department and grocery store.
Hawak ang kamay niya, umakyat sila ni Lath sa hagdanan na maghahatid sa kanila sa top deck kung saan naroon ang napakalaking swimming pool at man-made falls. Maraming nagkalat na upuan, beach umbrella at kung ano-ano pang bagay na makikita mo sa isang beach resort na nakapaligid sa pool.
Umupo sila ni Lath sa isang malapad na recliner at humilig siya sa balikat nito. Krisz was comfortable sitting beside Lath. Ewan ba niya, alam niya na kapag si Lath ang kasama niya, safe siya. Alam kasi niya na hindi ito nagti-take advantage sa kahinaan niya.
Krisz met Lath Coleman in Baguio. Yon yong mga panahong hinahabol-habol niya si Train. Hanggang sa makita niya si Tyron Zapanta, isa sa mga kilala niyang kaibigan ni Train. Pagkatapos niyang sabihin kay Tyron ang gusto niyang iparating nito kay Train ay kaagad siyang umalis. Ang hindi niya alam, sinundan siya ni Lath.
Nagpakilala itong kaibigan ni Train. And then Lath started flirting with her. Wala namang epekto iyon sa kanya. Hindi niya alam ang nangyari basta namalayan nalang niya na sinasabi na niya rito ang mga problema niya at ito naman ay walang pagod na nakikinig sa mga hinaing niya, hanggang sa namalayan niya na matalik na silang magkaibigan.
Naalala pa niya nuong pumasa siya sa board exam at talagang matatawag na siyang doktora, kasama niya si Lath na nag celebrate. Maliban sa party sa bahay nila, nag bar-hopping pa sila ni Lath. At nuong nalasing siya, sa penthouse siya ni Lath natulog.
She was drunk. Lath took good care of her like she was his sister. She appreciated it. Wala siyang kapatid kaya naman para na niyang nakakatandang kapatid si Lath. Malanding nakakatandang kapatid.
"So, kumusta ang proposal ni Wolkzbin?" Tanong nito pagkalipas ng mahabang katahimikan. "Sinabihan na kita noon na magsabi ka lang kung kailangan mo ang tulong ko, pero ayaw mo namang tulungan kita."
"Kasi problema ko 'yon." Napabuntong-hinga siya. "Nag proposed sa akin si Train sa kadahilanang nasa hospital ang ama niya at siya ang may kasalanan. Actually, pareho naman kaming may makukuha kung magpapakasal kami. Pero tama ba na isakrepesyo ko ang kinabukasan ko para sa kompanya namin? Am I ready to enter a loveless marriage?"
Humarap sa kanya si Lath. "Hindi ba ikaw pa ang naghahabol dati kay Wolkzbin? Dapat handa ka na para sa isang loveless marriage. Bakit ngayon parang nag-aalangan ka na? Siya na ang nagaalok sayo ng kasal, Krizzy, baby. Si Wolkzbin na. Bakit ayaw mo? 'Yon naman diba ang gusto mo? Ang makasal kayo para mas lumago pa ang kompanya niyo?"
Tumingin siya sa karagatan. "Natatakot ako, e."
Sinapo ni Lath ang mukha niya at pilit na ihinarap ang mukha niya sa mukha nito. "Krizzy, baby, bakit ka natatakot? Care to tell me?" Lath smiled sweetly at her. "I am your best friend after all."
Humugot siya ng isang malalim na hininga at malakas na pinakawalan iyon. "I dream of having a husband like my dad. Hindi nambababae at mahal na mahal si mommy. Natatakot ako na kapag mag-asawa na kami ni Train, saka niya matagpuan ang babaeng mamahalin niya. Anong mangyayari sa'kin? Hindi uso ang divorce dito sa Pilipinas."
"Then marry him in Russia or in other countries na may divorce. Doon, kapag gusto mong maghiwalay kayo, you can file a divorce anytime. Or better yet, makipag-deal ka sa kanya. Like, you will only stay married to each other hangga't hindi niyo pa nakikita ang taong mamahalin niyo. At kapag dumating na ang 'true love' niyo—" Lath rolled his eyes at the word true love. "Maghiwalay na kayo."
Umaliwalas ang mukha niya sa narinig. "That's brilliant, Lath! Ganoon nga ang dapat naming gawin!"
Umawang ang labi nito sa kaniya. "Sineryuso mo talaga ang sinabi ko? Krizzy, baby, I'm just kidding. Mag-isip ka nalang ng ibang—"
"No. Your idea is brilliant!" Napasigaw siya habang may malapad na ngiti. "Kakausapin ko si Train ngayon din!"
Napatitig ito sa kaniya na parang napugutan siya ng ulo. "Brilliant ang idea ko? Wow. Feeling ko ang talino ko."
"Aalis na ako. Kailangan kong makausap si Train. At saka, matalino ka naman e, baliw nga lang minsan."
Tumawa ito. "Gusto mo ipasyal kita rito sa Cebu? Sayang naman kung uuwi ka na ngayon. Mamaya ka na umuwi. Maaga pa naman."
"Yeah, sure," mabilis niyang tugon. Oo nga. Maaga pa naman.
Hindi pa siya nakakapasyal sa Cebu and what was better than touring around Cebu with Lath Coleman as her tour guide?
"WHAT do you want, Wolkzbin?" Madilim ang mukha na tanong ni Lander kay Train ng pumasok si Train sa opisina ng kaibigan.
Lander Storm office was in the sixtieth floor of LaCars Import and Export Building. He ruled the cars like he was the one who invented it. Simple lang ito manamit at hindi mo mahahalatang kumikita ito ng milyones taon-taon.
Umupo siya sa visitor's chair at at humarap sa kaibigan. "May tanong ako?"
Lander gave him a 'really' look. "Wolkzbin, kung nagpunta ka rito para magtanong tungkol sa amin ni Vienna, wala kang makukuhang sagot sa'kin."
Napangisi siya. "Well, I'm not here to ask you about Cali's step-sister but if you want to talk about her, I'm all ears."
Mas lalong sumama ang mood ni Lander. Akala niya palalayasin siya nito pero nagkakamali siya.
"I hate that woman to the core!" Nanggagalaiting wika ni Lander. "Akala naman niya kung sino siya magbabalik sa buhay ko ng ganoon-ganoon lang. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, sa tingin naman niya hahayaan ko siyang guluhin muli ang tahimik kong buhay? No fucking way!"
Mukhang galit nga si Lander kay Vienna dahil napakadilim ng mukha ni Lander habang binibitawan ang mga salitang iyon.
Kung ano man ang nangyari kay Lander at Vienna, sigurado siyang isang hindi magandang memorya iyon para sa kaibigan.
Malakas itong napabuntong-hininga. "Pasensiya ka na. Si Cali kasi nakaka-irita, e. Tanong ng tanong. Akala ko 'yon din ang pinunta mo rito. Anyway, enough about me." Humugot ito ng isang malalim na hininga. "Honestly speaking Wolkzbin, anong ginagawa mo rito sa opisina ko?"
Should I tell him? Oh well... "I need—no, a friend of mine needs an advice. Cave man style of advice."
Pinukol siya nito ng masamang tingin. "Ano naman ang tingin mo sa'kin, kalahi ni Tarzan?"
Mahina siyang natawa. "Hindi ko naman sinabing ikaw si Tarzan. I'm just saying na kailangan ko—I mean, ng kaibigan ko ang advice na ala-cave man ang dating."
Umikot ang mga mata nito. "Kung ala-cave man ang kailangan mong advice, kay Iuhence ka humingi, Cave man 'yon e."
Natawa siya sa sinabi nito. "Lugi pa ni Iuhence si Tarzan kaya ayokong humingi ng advice sa kanya. Simple lang naman ang problema ko— I mean, ng kaibigan ko."
"Ano?"
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. Kailangan niyang mag-ingat sa pagsasalit baka mabuko siya.
"Ito ang problema ng kaibigan ko," panimula niya. "May babae siyang gusto pakasalan, pero ayaw sa kanya nung babae dahil may ibang lalaki na itong nagugustuhan. Ano ang dapat kung gawin—I mean, ano ang dapat gawin ng kaibigan ko?"
May sinusupil na ngiti si Lander habang nakatingin sa kanya. "Bud, wala akong maipapayo sa'yo. Loveless din ako, e. Kay Tyron ka manghingi ng advice. Si Zapanta lang ang may love life sa ating magkakaibigan."
Malalim siyang napabuntong-hinga. "Nagsayang lang pala ako ng oras." Tumayo siya. "Bahala na. I'll woo her using Wolkzbin style."
"Akala ko ba ang kaibigan mo ang may problema?" Nakangising usisa ni Lander.
Naningkit ang mga mata na tiningnan niya ang kaibigan. "Kapag may pinagsabihan ka nito, ipagsasabi ko rin ang problema mo kay Vienna."
Kaagad na nawala ang ngisi sa mukha ni Lander. Nagdilim ang mukha nito. "Subukan mong ipagkalat at kakatayin kita. I'm not kidding, my friend."
He smirked. "And I'm not kidding either."
Naglakad na siya palabas ng opisina nito. When he reached the door, Lander spoke again. "Kailan ang kasal?" Tanong nito.
Train smiled. "Soon, my friend. Soon."
Lumabas siya ng opisina nito na may planong naiisip. Kailangan lang niyang kausapin ang babaeng iyon na matigas ang ulo. Akala naman nito at makakatakas ito sa kanya. You're very wrong, Ms. Romero. Very wrong...
GABI na nang makauwi si Krisz sa bahay nila. Nang makapasok siya sa kabahayan, kaagad na nakita niya si Train na patingin-tingin sa mga larawan niya sa sala.
Kumunot ang nuo niya. Anong ginagawa nito rito? Tumukhim siya para kunin ang atensiyon nito. Mabilis naman na lumingin sa direksiyon niya ang binata.
"Oh, you're here," anito saka naglakad palapit sa kaniya. "Kanina pa kita hinihintay. Gusto kitang makausap."
"Good. Gusto rin kasi kitang makausap." Matapang niyang sinalubong ang mga mata nito. "I have a proposition to make," wika niya bago pa siya atakihin ng kaduwagan.
Tumaaas ang isang kilay nito. "What is it? Kung hindi 'yon maganda sa pandinig ko, 'no' ang answer ko."
"Tungkol ito sa kasal na'tin."
Kaagad itong ngumiti. "I'm all ears."
Itinirik niya ang mga mata. "Payag na akong magpakasal sa'yo."
Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "What's the catch?"
Pinilit niya ang sariling ngumiti. "Papayag akong magpakasal sa'yo basta hindi rito sa Pilipinas. Sa ibang bansa nalang o kaya naman sa Russia. Wala akong pakialam kahit saan, basta hindi rito."
Nagsalubong ang kilay nito. "Bakit?"
Nagbaba siya ng tingin. "Kasi walang divorce dito."
Hindi makapaniwalang tumawa ang lalaki. "Hindi pa nga tayo kinakasal, divorce na kaagad ang nasa isip mo. Iba ka rin Krisz Romero. Ibang-iba." Hinawakan nito ang baba niya at iniangat ang mukha niya kapagkuwan ay inilapat nito ang mga labi sa mga labi niya.
Para siyang nauupos na kandali at nanghihina sa halik nito. Napayakap siya sa leeg ng binata para doon kumuha ng lakas.
Pinakawalan ni Train ang mga labi niya at matiim na tumingin sa mga mata niya. His charcoal eyes glimmered with an unreadable emotion in them.
"Sige, payag ako sa proposition mo. But I have proposition of my own. At susundin mo 'yon sa ayaw at sa gusto mo."
Napalunok siya sa sobrang tiim ng pagkakatitig nito sa kanya. Tumatagos ang mga mata nito sa kaluluwa niya patungo sa puso niya na nag-iiba ang tibok para sa kaharap na binata.
"A-Ano 'yon?" Nanginginig ang boses na tanong niya.
"You are not allowed to talk to any male species other than me." He smiled innocently at her. "Deal?"
"Deal," mabilis niyang sagot at pakiramdam niya ay nakipag-deal siya sa demonyo. Marahan niyang pinilig ang ulo. "May isa pa akong hiling."
Hindi na naman maipinta ang mukha nito. "Ano na naman?"
"I will file a divorce, if and only if, I meet the man that I will love for eternity."
Nakita niya kung paano napatiim-bagang si Train sa sinabi niya. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya dahil halata naman iyon sa itsura nito, kaya naman nagulat siya ng pumayag ito.
"Fine." Train was gritting his teeth. "Basta 'yong deal na'tin, huwag mong kalilimutan. If you break our deal, you will be severely punished."
She gulped at the intensity of Train's eyes as he stared at her. "A-Ano namang punishment 'yon?"
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Akin nalang 'yon."
"O-Okay," aniya at nagbaba ng tingin.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top