CHAPTER 6
CHAPTER 6
"KAILAN ba namin makakausap si Mr. Wolkzbin?" Tanong ng isang investor habang nasa conference room sila. Ilang beses na rin ang mga ito umasa na makikita nito si Train Wolkzbin pero alam ni Krisz na umaasa lang ang mga ito sa wala.
Hindi kasama sa usapan nila na makikipagkita ito sa mga investor.
Pasimpli siyang tumingin sa gawi ni Boggy. Hindi niya alam kung anong isasagot dito. Hiniram lang niya ang pangalan ni Train Wolkzbin. Hinding-hindi pupunta rito ang binata.
"Miss Romero," anag isang investor na halata ang iritasyon sa mukha. "Nag-invest kami sa kompanyang ito sa kaalamang isa si Mr. Wolkzbin sa mamahala. Pero magtatatlong buwan na, hindi pa rin namin siya nakikita."
"Talaga bang may share siya rito? Ilang percent ba ang share niya?" Tanong pa ng isa.
"No offence Ms. Romero, but we only invest because of Mr. Wolkzbin. If not for him, we will not waste our money in your company," ani ng isa pa.
"Yes, Miss Romero," sangayon ng isa pang investor. "Alam namin na kumikita ang kompanya mo, pero kapag hindi nagpakita si Mr. Wolkzbin, wala kaming choice kundi i-withdraw ang investment namin—"
Biglang bumukas ang pintuan ng conference room. Then the high and mighty Train Wolkzbin strode in.
"Sorry, I'm late," sabi ni Train at umupo sa katabi niyang silya. "Nice to meet you all."
Parang mga hantik ang mga investors na lumapit kay Train na para bang isa itong matamis na pagkain. The investors shook hands with Train. Samantalang siya ay nakaawang ang mga labi at nakatitig lang sa binata. Gulat na gulat siya na nakita niya ito rito pa mismo sa conference room.
Bumaling ito sa kanya. His eyes held irritation. Bakit naman ito naiirita sa kanya? Bakit ito narito? Maniningil na ba ito sa paggamit niya sa pangalan nito?
Tumibok ng mabilis ang puso niya.
Nginitian ni Train ang mga investor na lumalapit at nakikipagkamay dito. "How's business, everyone? I hope my absence didn't affect anything."
"Of course not, Mr. Wolkzbin," sagot ng investor na kanina lang ay iwi-withdraw ang investment. "Everything is fine."
Mas lumapad pa ang ngiti ni Train. "Great! Meeting adjourned."
Nakangiti lang lahat ng investors habang isa-isang naglalabasan sa conference room. Halatang masaya ang mga ito na nakita si Train Wolkzbin, ang batang-bata na namamahal sa Wolkzbin Empire. Sino nga naman ang hindi gugustuhing makadaupang palad ang isang Wolkzbin lalo na at si Train iyon?
Businessmen around the world know who Train Wolkzbin was. He made a name for himself. Napakarami nitong negosyo sa iba't-ibang panig ng mundo. Kilala rin ang pamilyang pinagmulan nito sa Russia.
"Boss, nandito ka pala sa Pilipinas?" Anang boses ni Boggy na ikinatigil niya sa pag-iisip.
"Kaninang umaga lang ako dumating," sagot ni Train na may ngiti sa nakakaakit nitong mga labi. "Anyway, Boggy, puwede mo bang iwan mo muna kami Miss Romero kahit ilang minuto lang? May pag-uusapan lang kami."
"Yes, Boss." Umalis si Boggy na may nanunuksong ngiti sa mga labi.
I don't like that kind of smile.
Nang sila nalang dalawa ang nasa conference room, nawala ang magiliw na ngiti sa mga labi ni Train at napalitan ng iritasyon ang mukha nito.
"Dad is in the hospital again," anito na para bang kasalanan niya iyon. Puno ng iritasyon na sinuklay nito ang buhok gamit ang kamay nito. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Siguro nga I'm just delaying the inevitable."
"Train, hindi mamamatay ang daddy mo—"
"No, that's not what I meant." Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at inisang hakbang lang ang pagitan ng katawan nila. "Maniningil na ako." Kinuha nito ang kamay niya at may isinuot na singsing sa daliri. "Magpakasal tayo."
Sa sobrang gulat sa sinabi nito, nakanganga lang siya at hindi kumukurap na nakatitig lang sa guwapong mukha ng binata. Nag sink-in na sa isip niya ang sinabi nito pero hindi siya makapaniwala na narinig niya iyon mula sa bibig ni Train.
Eight years ago, siya ang naghahabol sa lalaki. Siya ang namimilit na i-kasal sila. Siya ang pinagsisiksikan ang sarili para mas lumago pa ang kompanya nila. Pero hindi ito pumayag. Train eluded her proposal of marriage. Hindi naman niya ipipilit ang sarili kung walang go signal sa mga magulang niya at magulang nito. Pero hindi pumayag si Train at pinagsalitaan pa siya ng hindi maganda, causing her to retreat and forget her marriage proposal.
Naaalala pa niya ang masasakit na salitang sinabi nito walong taon na ang nakakaraan sa labas ng penthouse nito. Hindi iyon nawala sa isip niya dahil iyon ang naging rason kung bakit umatras ang mga magulang niya sa kasal.
Ngayon, ito ang nagaayang magpakasal sila. Anong nangyari? Anong nakain nito?
"A-Anong sabi mo?" Sa wakas ay may lumabas ding salita sa bibig niya.
"Let's get married," anito na wala manlang emosyon ang boses. "Na-heart attack si daddy at kasalanan ko 'yon kasi gago ako at sinigawan ko siya. And for him to forgave me and for me to made peace with my conscience, kailangan kitang pakasalan. Hindi lang naman ako ang magbi-benefit sa pagpapakasal natin. Hindi lingid sa kaalaman ko na hinahanap na ako ng mga investors at balak nilang i-withdraw ang investment nila kapag hindi ako nagpakita. Sooner or later, malalaman nila na hindi naman talaga ako ang may-ari ng kalahati ng Romero's Chains Of Hospitals. Bago pa malaman nila, magpakasal na tayo. Through that, mananatili ang investors sa kompanya niyo at mapapatawad ako ni daddy." Malakas itong napabuntong-hinga. "So, what do you say? Will you marry me?"
Sa kabila ng gulat na nararamdaman, nakuha niyang tumawa ng mapakla. "Are you proposing marriage to me?"
"Yes."
"No, you're not." Tinaasan niya ito ng kilay. "You are proposing business, Mr. Wolkzbin." Tinanggal niya ang singsing sa daliri niya at inilapag iyon sa conference table. "I'm sorry, but I don't do marriage for convenience."
"What?"
Taas nuo siyang naglakad palabas ng conference room. Hmp! Take that, Train Wolkzbin! Namnamin mo ang pinaramdam mo sa'kin noong tinanggihan mo ako! Letse!
Naiinis na lumabas siya ng conference room at naglakad patungo sa opisina niya. Natigilan siya ng makapasok sa opisina at nakita si Trina na naka-upo sa visitor's chair na nasa harap ng mesa niya.
"Anong ginagawa mo rito?" Mataray niyang tanong sa babae.
Si Trina ang namamahala sa hospital na siyang kakompetensiya ng hospital nila. Naging ka-klase niya rin ito noon nuong nag-aaral siya sa medical school at masasabi niyang mula pa noon ay hindi na sila magkasundo ng babae.
Ngumiti ito ng peke. "Wala naman. Gusto lang kitang balaan. Alam kong ginagamit mo lang ang apelyidong Wolkzbin para makalakap ka ng investors. Well, hindi ka magtatagumpay dahil lalabas din ang kasinungalingan mo. At gagapang kayo sa lupa," wika ni Trina sa kanya habang matalim ang mga mata na nakatingin sa kanya.
Huminga siya ng malalim. "Wala akong baho. Unlike you."
Ngumisi ang babae na parang demonyita. Demonyita naman talaga ito. "Ows? Sige lang. Itago mo lang. Lalabas din ang kasinungalingan mo. Nakakahiya ka."
Tumaas ang kilay niya habang naka-upo sa swivel chair niya. "Umalis ka na sa opisina ko, Trina, bago ko pa tawagin ang security guard."
Nang-uuyam na tumaas ang sulok ng labi nito. "Napirata ko na noon ang mga doktor ng hospital niyo. Kaya ko ulit iyong gawin." Tumayo ito saka dumukwang palapit sa kaniya. "So please, stop fighting. Matatalo na matatalo kita, Romero. Tandaan mo 'yan."
Akmang sasagot siya ng bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok si Train na kunot ang nuo.
"Mr. Wolkzbin, puwede bang umalis ka sa opisina ko. As you can see, I'm talking to someone," mataray na sabi ni Krisz sa binata.
Hindi ito nakinig. Sa halip ay lumapit ito sa mesa niya. "Krisz, come on, makinig ka naman sa'kin—"
"Oh my. Train." Dahil kay Trina napatigil sa pagsasalita ang lalaki at kunot ang nuong napabaling kay Trina.
"What?" May iritasyon sa boses ng binata.
"Nakalimutan mo na ba ako? It's me, Trina." Inayos ni Trina ang pagkakasilip ng cleavage sa damit nitong nakulangan yata ng tela. "I miss you." Hinaplos nito ang pisngi ni Train. "Hindi ko alam na narito ka pala sa bansa. Dapat tayong mag dinner mamaya. I'll wait for you in Yanzee's Restaurant." Ginawaran nito ng halik ang mga labi ni Train na ikinatagis ng bagang niya. "See yah." Kapagkuwa ay bumaling ito sa kaniya. "Huwag mong kalilimutan ang sinabi ko. Nagawa ko na minsan, kayang-kaya ko iyong gawing muli."
Nagtatagis ang bagang ni Krisz sa iritasyon habang nakatingin sa papalayong bulto ni Trina. Ang higad ng babaeng 'yon!
Ang matatalim niyang mga mata ay bumalik kay Train. "Inaalok mo ako ng kasal pero ng halikan ka ng haliparot na 'yon, hindi mo man lang pinigilan?" Mapait siyang tumawa. "Marriage for convenience na nga, loveless marriage pa, tapos mangangabit ka pa? Ngayon sabihin mo sa akin na dapat kong tanggapin ang marriage proposal mo."
"Nagulat lang ako sa ginawa ni Trina—"
"Nagulat. Yeah, right." Umingos siya. Hindi siya naniniwala. "Umalis ka na sa opisina ko. Naiirita ako sa pagmumukha mo."
Napabuntong-hinga ito. "Come on, Krisz, marry me!"
Mas tumalim pa ang mga mata niya. "No. Magsama kayo ng haliparot na Trina na 'yon. Letse!"
Bumuga ito ng malakas na hininga kapagkuwan ay nagtatanong ang mga matang tumingin sa kaniya. "Teka nga muna. Ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang nagawa ko noon, kayang-kaya kong gawin ulit 'yon ngayon?"
Kumuyom ang kamao niya ng maalala ang ginawa ni Trina noon na isa sa mga naging dahilan ng unti-unting pagkalugi ng mga hospitals nila.
"Pinerata ng hospitals na pag-aari nila ang mga doctor sa hospital namin. Ang pamilya nila Trina ang mahigpit naming kakompetensiya sa negosyo. At binalaan niya ako kanina."
"Tinatakot ka niya?" Nagdilim ang mukha nito. "Natatakot ka ba?"
Buong tapang niyang sinalubong ang mga mata nito na parang inaarok ang laman ng isip niya kung makatitig sa kaniya.
"Hindi." Matapang niyang sabi. "Gawin niya ang gusto niya at gagawin ko kung ano ang gusto ko. Hindi ako natatakot sa higad na 'yon." Pagkasabi niyon ay inirapan niya ito. "At ikaw, umalis ka na sa opisina ko. Baka sayo ko maibunton ang galit ko. Buwesit ka!"
"Krisz, come on—"
"Train! Get out!"
Napapitlag ito sa malakas niyang pagsigaw. Mukhang hindi nito inaasahang sisigawan niya ito.
Ang gulat sa mukha ni Train ay kaagad na napalitan ng galit. "Fine. Huwag kang magpakasal sa'kin. Tingnan lang natin kung hindi bumagsak ang kompanya niyo kapag nalaman nila ang totoo." Pananakot nito at nagmamartsang umalis sa opisina niya.
Nang makaalis sa opisina niya si Train, nakahinga ng maluwag si Krisz. Train just fucking proposed! She was hyperventilating! Wala ba siyang karapatan na palayasin ito sa opisina niya para pakalmahin ang baliw at nagwawala niyang puso?
Bakit ba kasi ang bilis ng tibok ng puso niya? Bakit ba siya naapektuhan sa presensiya nito. He was nothing! He was just a man who happened to make her heart thump loudly and fast. Shit naman, e!
Dapat kadenahan itong puso niya at ibalot iyon sa yelo para hindi makaramdam ng mga estrangherong damdamin katulad ng nararamdaman niya ngayon.
Sumandal siya sa likod ng swivel chair at napatingin sa kisame. Paulit-ulit na nagri-replay sa utak niya ang sinabi ni Trina.
Napakurap-kurap siya sa ala-ala ng maikling pag-uusap nila ni Trina. Ang pinagtataka niya, paano nito nalaman na nagsisinungaling siya? Hindi nito malalaman 'yon kung walang nagsabi rito. Pero sino? May ispeya ba ito rito sa loob ng kompanya niya? Kung sino man iyon, hahanapin niya ito at pagbabayarin!
Galit na kinuha niya ang cell phone at tinawagan ang matalik niyang kaibigan na alam lahat ng problema niya at pinapakinggan ang mga hinaing niya sa buhay. She met him in Baguio, nuong hinahabol-habol pa niya si Train.
Actually, isa ito sa mga kaibigan ni Train at palaging ito ang kumokonsola sa kanya kapag naiinis siya sa kakaiwas ni Train sa kanya noon.
"Hello, foxy lady." Lath purred on the other line. "What are you wearing today?"
Mahina siyang napatawa sa flirty voice nito. "Puwede ba Lath, tigilan mo ako. May problema ako ngayon."
"Hay naku," Napabuntong-hinga ang kausap. "Problem absorber lang naman ang tingin mo sa'kin, e." Nagtatampo ang boses nito. "Nagtatampo na ako sayo, Krizzy baby."
Umikot ang mga mata niya. "Lath, si Train Wolkzbin, inaaya akong magpakasal." She dropped the bomb.
Biglang napa-ubo ang nasa kabilang linya. "What the fuck?"
"Narinig mo ako, Lath. Inaaya ako magpakasal ni Train." Huminga siya ng malalim. "Lath, anong gagawin ko?"
"I can't answer that over the phone, Krizzy, baby," ani Lath. "Nandito ako ngayon sa Cebu, sakay ako sa Black Pearl. Ipapasundo kita sa helicopter ko. Pumunta ka na ngayon sa helipad na nasa rooftop ng building niyo. Then we'll talk about Wolkzbin's proposal when you get here."
"Okay." Akmang papatayin na niya ang tawag ng nagsalita ulit ang nasa kabilang linya.
"Oh, and by the way, it's a date. Right?" May bahid na ngiti sa boses nito.
Itinirik niya ang mga mata. "Are you flirting with me while I'm discussing my problem with you?"
Mahina itong natawa. "Is it working?"
"Lath naman, e!"
Tumawa ng malakas si Lath. "Binibiro lang kita, Krizzy, baby. Anyway, ingat."
"Okay." Pinatay niya ang tawag at nagmamadaling lumabas sa opisina niya.
Nakasalubong niya si Boggy habang naglalakad patungo sa elevator. May dala itong folder.
"Miss Krisz, I have a report for the expansion of the—"
"Puwede bukas na 'yan?" Sabi niya habang paulit-ulit na pinipindot ang button ng elevator para bumukas yon. "May pupuntahan lang ako sa Cebu."
Halos lumuwa ang mga mata nito sa gulat. "Sa Cebu? Anong gagawin mo sa Cebu?"
Ngumit siya. "I have a date. Susunduin ako ngayon sa helicopter na pag-aari ng ka-date ko."
Ano kaya ang sasabihin ni Lath kapag narinig nito ang sinabi niya? Ang lalaking 'yon pa na napakalandi. Kahit siya na best friend nito ay nilalandi. Buti nalang walang epekto ang kaguwapuhan nito sa kanya.
Nang bumukas ang elevator, sumakay siya roon at pinindot ang floor papuntang roof top.
TRAIN was pissed off as he drove his Cadillac to his penthouse. Ang babaeng 'yon! Baka nakakalimutan nito ang usapan nilang dalawa? Sino ba ito para sigawan siya ng ganoon!
Napakunot ang nuo niya ng tumunog ang cellphone niya at nakitang si Boggy ang tumatawag.
Itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at sinagot ang tawag.
"What is it, Boggy?"
"Miss Krisz has a date. In Cebu. Sinundo siya ng Helicopter na pagmamay-ari raw ng ka-date niya. Hindi ko alam ang pangalan ng lalaki."
Hindi siya sumagot at pinatay ang tawag.
'Yon ba ang rason kung bakit ayaw nitong magpakasal sa kanya? Nakahanap na pala ito ng iba. Nagtagis ang bagang niya at humigpit ang hawak sa manobela. "Ty moya, Krisz. I'll show you what happens when you say no to a Wolkzbin," sabi niya sa sarili.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top