CHAPTER 5

CHAPTER 5

NAGISING si Krisz dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Bigla siyang mapabalikwas ng bangon ng maalala niya ang nangyari sa nagdaang gabi. She felt the soreness down there. Masakit ang pagkababae niya dahil tatlong beses siyang inangkin ni Train. Hindi biro ang sinabi ng iba na masakit talaga kapag una.

Bumangon siya at napapa-igik kapag nasasagi ang bahaging iyon ng pagkababae niya. Dahan-dahan ang paglalakad na ginawa niya patungo sa banyo. Pagkatapos niyang maghilamos at mag mumog, hinanap niya si Train. Pero bago siya lumabas ng silid, ginamit niya ang kumot at pinulupot iyon sa hubad niyang katawan.

Natagpuan niya ang binata sa kusina ng penthouse nito at nagluluto. Napakabango ng aroma nang niluluto nitong omelet at fried rice. Nang mapansin nitong nakatayo siya sa pintuan ng kusina, humarap ito sa kanya at ngumiti.

Parang nalaglag ang puso niya sa ngiti na ibinigay nito sa kanya. It was a heart-thundering kind of smile. Bumibilis ang tibok ng puso niya sa ngiting yon.

"Good Morning," wika ni Train at tumalikod ulit sa kanya. "Upo ka."

Walang ingay na umupo siya sa silya na nasa harap ng lamesa at walang imik na tumingin sa binata na nagluluto pa rin.

"Cat got your tongue?" Anang baritonong boses ni Train na ikinaigtad niya. "Ang tahimik mo naman yata."

Tumikhim siya bago nagsalita. "Iniisip ko lang kung ano na ang mangyayari ngayon."

Tinapos ni Train ang pagluluto at humarap sa kanya. "What will happen now? You have it all planned out, right?" Naglakad ito palapit sa kanya at umupo sa silya na kaharap niya. "What happened last night was—"

"Was sex for convenience. Nakipagtalik ako sayo kagabi para mahiram ang pangalan mo, hindi ba?" Napakagat labi siya. "Kung ano man ang nangyari kagabe, nangyari 'yon dahil sa kagustuhan kong maisalba ang kompanya namin."

Nawalan ng kislap ang mga mata nito. "Oh. Yeah. Pasensiya na, nakalimutan kong 'yon pala ang rason mo."

Napakunot ang nuo niya. "Bakit mo naman nakalimutan? We talked about it before we had sex. At saka imposibling makalimutan ang mga impormasyong tulad no'n."

"Makakalimutin ako," anito at tumayo kapagkuwan ay inilagay sa lamesa ang niluto nitong pagkain. "Kumain ka na pagkatapos ay umuwi ka sa inyo. Bukas nalang tayo mag-usap. May kailangan lang akong asikasuhin ngayon." Pagkasabi no'n ay iniwan siya nito sa kusina.

Napatingin siya sa nilabasan nitong pinto. Saan napunta ang lalaki na nakaniig niya kagabi? Train had turned cold and unfeeling. But he smiled at her earlier, a part of argued. Teka, may nasabi ba siyang mali? That passionate man who made love with her last night was the reason why her heart was beating insanely fast.

Anong nangyari sa lalaking 'yon? May mood swing?

Nawalan na siya ng ganang kumain kaya bumalik siya sa silid. Naabutan niya si Train na inaayos ang necktie ng suit na suot nito. Nang mapansin nitong nasa loob siya ng silid may itinuro ito sa kama.

"Hayan ang damit mo," anito at humarap sa kanya. "Makakaalis ka na." Malamig ang boses nito. "Makakaasa ka na ipapahiram ko sa'yo ang apelyido ko but I will not be working with you. I will send an employee of mine, a very trusted one to do what I'm supposed to do. At 'yong kapalit para sa paggamit mo sa apelyido ko, hahayaan ko muna. Focus on your company. Make it grow again. At kapag nasa mood na ako na pagbayarin ka, tatawagan kita." Naglakad ito palabas ng silid, pero bago ito nakalabas, nagsalita ito. "Lock the door when you leave." Pagkasabi niyon ay tuluyan na itong lumabas.

Nanghihinang napa-upo siya sa gilid ng kama at napatingin sa pintuan na nilabasan nito.

This was what she wanted right? His surname. His help. Binayaran na niya ang kapalit niyon kagabi. At pansamantalang mawawala si Train sa buhay niya. Tulad ng sinabi nito, hindi ito magpapakita sa kanya kundi ang isa sa mga tauhan lang nito ang magpapakita bilang kahalili nito.

That would work out well. Pero bakit nakakaramdam siya ng disappointment?

Marahas niyang ipinilig ang ulo at mabilis na nagdamit. Pagkatapos ay umalis sa penthouse nito.

Wala siyang panahon para isipin ang mga walang kuwentang bagay na iyon. She had patients to care of and a company to manage. Doon dapat ang atensiyon niya, hindi na kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya.

"BOSS! KUMUSTA?" Bogart Cruz or simply Boggy said in so much enthusiasm. Ito ang pinagkakatiwalaan niyang tao na namamahala sa Wolkzbin Technologies na itinayo niya rito sa Pilipinas.

Boggy was twice his age and a very chubby man.

"Okay lang ako, Boggy," sagot niya at umupo sa swivel chair. "Kumusta naman ang kompanya?"

"Okay naman, Boss." Umupo ito sa visitor's chair. "Nagkaroon na tayo ng dalawang branches. Sa Cebu at sa Davao. At under construction na ang branch natin sa Hongkong, Singapore, at Dubai."

"That's good." Napatango-tango siya. "Very good." Huminga siya ng malalim. "Anyway, I will be here for a week maybe and then I'll fly back to Russia. Nasa Hospital pa rin ang ama ko. And I want to ask you a favor. A very big one."

Tumango naman kaagad si Boggy. "Ano 'yon, Boss? Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sa inyo. Kung hindi dahil sa kabutihan niyo, baka nasa kalsada na kami ngayon ng pamilya ko. Utang na loob ko sa inyo kung bakit narito po ako ngayon sa kinalalagyan ko. Sobrang salamat sa pagtitiwala—"

Natatawa na naiiling siya. "Hindi ba sinabi ko na noon na wala kang utang na loob sa akin? Tama na 'yan. It's all in the past. At kung ano man ang nagawa ko sa'yo noon, sobra-sobra na ang naibalik mo sa akin. Isa na sa sobra-sobra ang loyalty mo."

Ngumiti ito. "Salamat po, Boss. Anyway, ano 'yong pabor na hihingin niyo sa akin?"

"Oh, that." Umayos siya ng upo, "I want you to make an advertisement. Ipalathala mo iyon sa lahat ng business magazines o sa kahit na anong diyaryo na may business column."

"Ano ho ang ilalagay ko sa ad, Boss?"

"Wolkzbin is taking over half of Romero's Chains Of Hospitals. I want it big and bold. Gusto kong mabasa iyong ng lahat."

Nanlaki ang mga mata ni Boggy sa sinabi niya. "Hindi ba palugi na ang kompanyang 'yon?"

"Yeah, at tutulungan ko silang makabawi." Tumingin siya sa kausap. "Boggy, kailangan nila—no, kailangan niya ang tulong ko. At tutulungan ko siya. Ikaw na ang bahala sa lahat. Kapag may nagtanong, lahat gawin mo para lumabas na isa na ako sa namamahala o may-ari ng Romero's Chain Of Hospitals."

"Hindi ba ikaw ang isa sa may-ari? Bakit palalabasin ko pa kung isa ka naman sa may-ari?"

"It's complicated, Boggy. Basta gawin mo nalang ang pinapagawa ko."

"Yes, Boss." Tumayo ito. "Sisimulan ko ang pinag-uutos niyo."

"Thanks."

"No problem, boss," anito at pabiro pang sumaludo. "Ako ang bahala sa lahat. Lalagong muli ang Romero's Chain Of Hospitals. Apelyido niyo palang, makakahatak na iyon ng sandamakmak na investors."

Napangiti siya. Pareho itong mag-isip ni Krisz. Speaking of which... "By the way, you'll be working with Krisz Romero."

"The heiress... yes, I know her. She's a beauty."

Nakaramdam siya ng iritasyon. "Yeah, well, I have another job for you."

"Another one?"

"Yes." Tumalim ang mga mata niya. "Habang nagta-trabaho ka kasama siya, gusto kong espeyahan mo rin siya. Alamin mo kung may lalaking umaaligid sa kanya o kung may manliligaw ba o kasintahan siya."

Nanunuksong ngumiti si Boggy sa kanya. "Wow, boss, may gusto ka kay—"

"No. Wala akong gusto sa kanya," mabilis na tanggi niya. "May usapan lang kami."

"Okay, boss." May nanunuksong ngiti pa rin iyon sa mga labi habang naglalakad palabas ng opisina niya.

Nang makalabas na si Boggy sa opisina niya, tinawagan niya si Dark Montero. Ito ang mag-ari ng State Trend Magazine. Kilala ang magazine na iyon sa Amerika at Asya. At kailangan niya ang serbisyo nito.

"Hello, Dark Montero speaking."

Napangiti siya. "Train Wolkzbin, bud."

"Well, hello there, Wolkzbin. Anong maipaglilingkod ko sa'yo? The last time I talked to you was at Tyron's wedding. Kumusta ka na? Nabuhay ka yata."

"Naging busy lang ako sa family business namin. Anyway, may nagmamay-ari na ba ng business advertisement column ng magazine mo ngayong buwan?"

"Yeah. Ipini-print na—"

"Stop the printing," mabilis na sabi niya. "Babayaran ko ang expenses. Kailangan ko ang business advertisement column na 'yon. I need the whole page actually."

"O-okay," nag-aalangang sabi ni Dark. "May problema ka ba, Wolkzbin?"

"Put this in your business advertisement column, 'he Wolkzbin now owns half of Romero's Chains Of Hospitals."

"What the fuck, man?" Gulat na ani ni Dark. "Sigurado ka ba? Alam ba ito ng tagapagmana ng mga Romero?"

"Ano naman ang mamanahin niya kung bumagsak na ang kompanya nila? And yeah, alam ito ni Krisz Romero at ng pamilya niya." He sighed. "Basta gawin mo nalang ang pinapagawa ko. I want the world to know that I'm taking over half of the Romero's Chain Of Hospitals. Puwede mo bang gawin yon?"

"I'll stop the printing now."

Napangiti siya. "Thanks, man."

"No problem, pare. What are friends are for?"

Napatawa siya ng mahina at pinatay ang tawag.

Huminga siya malalim at tumingin sa labas ng glass wall ng opisina niya. Just wait Krisz, aahon din ang kompanya 'nyo. And when that happens, mas malaki ang babayaran mo sa'kin.

PAGOD na pagod na umupo si Krisz sa swivel chair niya. Katatapos lang ng meeting niya sa lahat ng directors. Sobrang saya ang lumulukob sa puso niya kapag naiisip niya ang laki na ng pinagbago ng kompanya nila. From a sinking ship to a soaring one.

Dawalang-buwan na rin ang nakakaraan mula ng ipagamit sa kaniya ni Train ang apelyido nito at tama nga ang nasa isip niya. Apelyido palang nito, marami na iyong nahatak na investor.

"Miss Krisz, I have the report from the different branches," Nakangiting wika ni Mr. Bogart Cruz, or simply Boggy. "At masaya ako na ibalita sa'yo na lahat ng hospital na pag-aari niyo rito sa Pilipinas ay puring-puri ng lahat. Mula sa mga trabahante hanggang sa mga pasyente. New Building. New equipment. New employees. Talagang pinag-uusapan ang biglang pagbabalik ng kompanya niyo sa himapapawid ng tagumpay."

Nginitian niya ito at napatingin sa isang page ng magazine na ginunting niya. Wolkzbin Is Taking Over Half Of Romero's Chains Of Hospitals. That phrase alone attracted many investors. Sa loob ng dalawang buwan, nakatayo silang muli. Lahat ng ito ay dahil sa isang tao na 'yon.

"Salamat, Boggy. Salamat at kahit nakatayo na kami, tinutulungan mo pa rin ako sa pamamahala."

Nginitian lang siya nito. "Walang anuman." Inilapag nito ang report sa ibabaw ng mesa niya at lumabas na ito ng opisina niya.

Napatingin siya muli sa isang page ng magazine na ginunting niya at inilagay sa ilalim ng salamin ng mesa niya. Naroon ang larawan ni Train Wolkzbin na nakangiti sa camera.

It had been two months since she last saw him. Hindi ito nagpakita o tumawag man lang. Parang hindi ito nag-i-exist at pinagpasalamat niya iyon kasi nakapag-focus siya sa kompanya nila. At dahil sa pagtayong muli ng kompanya nila, ang ama niya ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa.

Masaya siya na sa wakas ay nakabangon silang muli pero parang may kulang. At hindi niya alam kung ano yon.

MAGKAHARAP si Train ang ama at ang ina nito sa hapagkainan habang nag-aagahan. Nakalabas na rin ito ng hospital pagkalipas ng dalawang buwan na ipinagpasalamat ni Train. Kahit papaano ay napanatag siya na maayos na ang lagay nito sa ngayon.

"Kalem Romero called me to say thank you," ani ng ama niya na ikinakunot ng nuo niya. Masama kasi ang tingin nito sa kanya.

"What does it have to do with me?"

Tumingin muna ang daddy niya sa mommy niya bago nagsalita. "What you did was wrong."

Nagpanting ang tainga niya sa narinig. "Dad, I helped your friend. You're very much welcome."

"No. I'm not thankful," ani ng ama niya na mas dumagdag sa inis na nararamdaman niya. "You didn't think it through. You think letting them use your surname can help them rise again?"

"Their company is on the top again, isn't it?" Puno ng iritasyon ang boses niya. "I helped them—"

"Anak, hindi mo sila tinulungan."

Napatingin siya sa ina niya. "Ano naman ang ibig mong sabihin, Ma?"

Huminga ito ng malalim. "Oo nga at nakatayo na silang muli dahil sa pagpapagamit mo sa apelyido na'tin pero pansamantala lang 'yon. Kapag nalaman ng mga inverstors na wala ka naman talagang shares sa Romero's Chains Of Hospitals, anong mangyayari? Babagsak muli ang mga Romero at baka sa pagkakataong ito ay malugmok na talaga sila—"

"I won't let that happen." Tumingin siya sa ama niya. "Dad, their growth will continue—"

"Marry her, son," wika ng ama niya na ikinatigil niya sa pagsasalita. "Marry Krisz Romero. Through that, their company will never stop growing. Please, son, do this for me. Now that you know what your surname can do for their company, it will very helpful if you and Krisz tie the knot. The investor will continue to invest if you marry her. You will finally own half of Romero's Chains Of Hospitals."

Napasandal siya sa likod ng silya na inuupuan at hindi makapaniwalang tumingin sa ama niya. "Dad, I thought we're over this."

"No, son, we're not." Tumingin ito sa mga mata niya. "I am forcing you to marry her because his father once saved my life. And marrying Kalem's daughter is not even enough for what Kalem did for me. You see son, Kalem saved me from drowning after those ruthless men beat me up and throw me in the lake unconscious."

Napatiim-bagang siya. "No. Utang na loob mo 'yon, labas na ako roon," galit na malakas na binitawan niya ang kutsara at tinidor na hawak at tumayo. "I'm done eating."

Akmang aalis na siya sa hapagkainan ng galit na tumayo ang ama niya at pinigilan siya sa braso.

"No!" Ani ng ama na namumula sa galit. "You are going to do what I told you too, Train!"

Mabilis na lumapit ang ina niya sa kaniyang ama. "Relax, iyobuv moya." Masamang tingin ang pinukol ng ina niya sa kanya. "Marry her, Train. Kasalanan mo kung babagsak silang muli—"

"No!" Galit niyang sigaw. "I have plans, okay? You can't force me to marry Krisz Romero!"

"I told you to marry her! That's the only way to help them, you moron!" His dad shouted.

"Why don't you marry her instead of forcing me?!" Galit na sigaw niya sa ama. Hindi na niya kayang pigilan ang galit na nararamdaman. "I have a plan for myself and you can't force me to do your bidding—" Tinangay ng hangin ang iba pa niyang sasabihin ng makita niyang sinapo ng ama ang puso nito at biglang bumagsak sa sahig.

"Dad!" Mabilis niyang dinaluhan ang ama. "Fuck it! Shit! Damn it!" Tumingala siya sa kanyang ina na puno ng luha ang mga mata. "Call an ambulance, mother."

Mabilis naman na tumalima ang ina niya. Siya naman ay naiwan na kasama ng ama niya. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon.

"I'm sorry, dad. I'm really sorry. Please, forgive me for shouting at you." Puno ng pagsisisi ang boses niya. "Dad, please, I'll do anything. Just forgive me. Please, don't leave me and mom. Please."

Bahagyang bumukas ang mata ng ama at mahina ang boses na nagsalita ito. "M-Ma-r-rry daddy-her." Sinubukan nitong pisilan ang kamay niya pero wala iyong lakas. "T-Then, I-I'll f-f-for-give daddy-you." Then his father lost consciousness.

No! "Dad! Dad! Wake up!" No! This wasn't happening! Kasalan ko 'tong lahat!


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top