CHAPTER 20

CHAPTER 20

MABILIS na bumangon si Krisz mula sa pagkakahiga at parang nilipad ang distansiya patungo sa banyo ng maramdamang parang hinahalukay ang tiyan niya. Nang makarating sa harap ng lababo, doon siya nagduwal ng nagduwal hanggang sa laway nalang ang lumalabas sa bibig niya.

A warm hand rubbed her back.

"Ayos ka lang ba?" Anang boses ni Train mula sa likuran niya.

Nagmumog siya pagkatapos ay humarap kay Train. "Okay lang ako." She hugged his hubby "Medyo masakit lang ang ulo ko."

"Huwag ka munang pumasok ngayon sa opisina," wika ni Train habang hinahaplos ang buhok niya. "Dito ka na muna. Magpahinga ka. Baka may nakain kang hindi maganda."

Kumawala siya sa pagkakayakap dito. "No. Papasok ako. Okay naman ako, e."

"Krisz, huwag matigas ang ulo."

Sinimangutan niya ito. "Okay lang ako. Swear."

Nagpakawala ng buntong-hininga si Train. "Fine. Papayagan kitang pumasok, pero kapag nagduwal ka na naman, tawagan mo ako. Iuuwi kita."

Napangiti siya sa pag-aalala nito. "Okay." Pinalibot niya ang mga braso sa beywang nito at naglalambing na binati ito. "Hmm. Good morning, hubby."

"Hindi ka na galit sa'akin?" May bahid na gulat sa boses nito.

Nag-angat siya ng tingin dito at umiling. "Hindi na."

Napakunot ang nuo nito. "Wow. Your mood change fast."

"Bakit? Gusto mong magalit ako sa'yo?"

"Of course not. By the way." Train kissed the tip of her nose. "Good morning, wifey."

Malapad siyang napangiti kasabay nang mabilis na pagtibok ng puso niya. "Pwede mo ba akong ipagluto ng agahan? Oh! I know!" Excited siyang ngumiti. "Can you make me a coffee with milk?"

Napapantastikuhan itong tumingin sa kanya. "I thought you're a black coffee kind of girl. Sigurado ka ba? Coffee with milk?"

Tumango siya. "Oo. Natatakam ako sa coffee with milk. Tapos ikaw ang magti-timpla. Hmm. Yummy!"

"Ooo-kay." May pagtataka pa rin sa mga mata ni Train. "Sige, magti-timpla na ako."

"Thank you!" Masaya niyang sabi saka ginawaran ng halik sa mga labi ang asawa. "Excited na ako."

Napapantastikuhan paring lumabas ng silid nila si Train. Kahit siya man ay naguguluhan sa pagbabago ng gusto niya. Oh well, masarap naman ang coffee with milk.

AS USUAL, ihinatid siya ni Train sa hospital. Nang makarating siya sa opisina niya, naroon si Boggy at mukhang hinihintay siya.

"Boggy? Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa lalaki ng maka-upo siya sa swivel chair niya.

Nginitian siya nito at may inilapag na folder sa ibabaw ng mesa. "Isang linggo na ang nakakaraan ng tumawag si boss. Pinapa-imbestigahan niya ang sekretarya niyo. At ito ang resulta ng imbestigasyon. Sabi ni boss, ibigay ko raw sa'yo."

Napatitig siya sa folder. "Bakit naman pa-iimbestigahan ni Train ang sekretarya ko?"

Tinuro ni Boggy ang folder. "Mukhang malalaman niyo po ang dahilan kapag binasa niyo ang laman ng folder. Sige po, Madam Krisz. Aalis na ako."

Nang makaalis si Boggy, inabot niya ang folder at binuksan iyon pagkatapos ay nag-umpisang basahin ang resulta na sinasabi ni Boggy.

HINDI pa rin makapaniwala si Krisz habang paulit-ulit na binabasa ang report na ibinigay sa kanya ni Boggy. Mula ng i-take over niya ang Romero's Chain Of Hospitals, si Marky na ang sekretarya niya. Marky was efficient and good at what he did kaya naman bawat taon, tinataasan niya ang sahod nito dahil ayaw niyang mag-resign ito, tapos malalaman niya na ito pala ang espeya ni Trina sa kompanya niya.

Akala niya loyal ito sa kanya pero nagkamali siya.

Nang mabasa niya ang report na iyon, kinausap niya si Marky at umamin ito. Kahit ilang sorry pa ang sabihin nito, hindi pa rin niya magawang patawarin ito. Sinisante niya si Marky kaya naman bakante ngayon ang posisyon na iniwan nito.

Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga at ipinikit ang ulo ng maramdamang umiikot ang paningin niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng maramdamamg parang may humahalukay sa tiyan niya. Kaninang umaga pa niya nararamdaman ito. Pinipigilan lang niya ang magduwal.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair at nagtungo sa banyo. Napahawak siya sa gilid ng lababo ng maramdamang niyang nanunubig ang bagang niya kasabay no'n ay bigla siyang sumuka.

Mabilis siyang nagmumog at inayos ang sarili. Hindi pa nga siya nakakahakbang palayo sa lababo, hayan na namam ang pakiramdam na nasusuka siya.

Mabilis siyang humarap sa lababo at sumuka peo wala naman siyang isinusuka kundi tubig at laway lang. Nagmumog ulit siya at bumalik sa swivel chair niya.

Krisz was pulling herself together when the door to her office opened, then Mrs. Wolkzbin,Train's mother entered her office.

Napamulagat siya ng makita ito at mabilis na tumayo. "Mommy, anong ginagawa niyo rito?" Naasiwa pa rin siyang tawagin itong mommy, but the woman insisted.

Bago pa sila ikasal ni Train, gusto na nitong tawagin niya itong mommy. Halos one-week siyang nanatili sa isang penthouse nito sa Moscow bago sila ikinasal ni Train. Doon, naka-bonding niya ang ginang at masasabi niyang napakabait nito.

"Oh, hello, Krisz," nakangiting wika ng ina ni Train. "Akala ko nawawala na ako at mali ang napasukan kong hospital."

"Bakit hindi kayo nagpasabi na darating kayo? Sana nasundo namin kayo." Niyakap ang ginang bilang pagbati.

Agad naman nitong sinuklian ang ng mahigpit yakap niya. "Oh, hija. It's fine. May pinuntahan kasi akong charity ball sa Singapore. Naisipan kong dumaan dito bago ako bumalik sa Russia. I'm just visiting." Nginitian siya nito. "Kumusta na kayo ng anak ko? May apo na ba kami?"

Namula siya sa tanong nito. She automatically remembered her and Train's hot love-making.

"Okay naman po kami," sagot niya ng may munting ngiti sa mga labi.

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. "Aha, I know that red cheeks and that happy glint in your eyes." The woman giggled. "Oh, God! I'm so happy! Alam kong bagay na bagay kayo ng anak ko nuong makita ko ang picture mo na pinadala ng daddy mo noon." Panay ang tili ng ina ni Train at napakasaya ng bukas ng mukha nito. "Bagay na bagay talaga kayo ni Train."

"Salamat po," kiming wika niya.

Hinawakan siya nito sa kamay at hinila siya patungo sa sofa. Magkatabi silang naupo sa mahabang sofa.

Mrs. Wolkzbin looked so excited. "Okay! Spill the beans!"

Nagsalubong ang kilay niya. "Ha? Ano pong spill the beans?"

"Spill the beans. Sabihin mo sakin lahat!" Excited na nakangiti ito ng malapad. Puno ng kislap ng kasiyahan ang mga mata nito. "Oh my God! Kinikilig ako! When did you two confessed your love for each other? Si Train ba ang naunang magsabi sayo na mahal ka niya? Saan nangyari at kailan?"

Nawala ang ngiti niya sa tanong nito. "Ahm, wala pong confession na nangyari. Hindi naman po ako mahal ng anak niyo."

Nawala rin ang ngiti sa mga labi ng ginang at tumitig sa mga mata niyang pilit na itinatago ang pagmamahal sa asawa. Pero hindi pa sapat ang pagtatago niya dahil nakita iyon ng ginang.

"Krisz." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Napakasaya ko nuong ikinasal kayo ng anak ko. You are perfect for him kaya lang hindi 'yon makita ni Train. Palagi namin siyang pinagdudul-dulan na umuwi o bumisita rito sa Pilipinas sa kadahilanang umaasa kami na magkakamabutihan kayo. And when you two got married, we and your parents were the happiest. Mas naging masaya ako ng makita ko ang kislap ng pagmamahal sa mga mata ng anak ko habang sinasabi ang salitang 'I do'."

Mapait siyang ngumiti. "Mommy, hindi po ako mahal ni Train. Maybe he is attracted to me pero iba naman po ang attraction sa love."

Matamis na ngumiti ang ginang at hinaplos ang buhok niya. "Krisz, it all starts in attraction. Lahat nag-uumpisa roon. And if you nurture it well and take good care of it, like a flower, it will bloom. And that's love."

Mapait pa rin ang ngiti na nakaguhit sa mga labi niya. "Mommy, pinakasalan lang naman ako ni Train dahil sa daddy niya. Maliban doon, wala nang ibang rason."

Makahulugang ngumiti ang ginang. "Gusto mo bang malaman kung mahal ka niya o hindi?"

Natatakot siyang sagutin ang tanong na iyon. Natatakot siya na mapatunayan na unrequited nga talaga ang nararamdaman niya para sa binata. Natatakot siya na malaman na kahit kasal sila, hinding-hindi siya nito matututunang mahalin.

"Krisz, magtiwala ka sakin," anang ginang habang hinahaplos ang buhok niya. "I'm Train's mother. Alam kong mahal ka nang anak ko. Mother knows everything. Maniwala ka sa akin. Matigas ang ulo ni Train at walang lakas ng loob kaya hindi iyan magtatapat sayo. Just like his freaking father. Kaya dapat tayo ang gumawa ng paraan para mapilitang magtapat ang loko-loko kung anak. Nandito lang naman ako. Why the hell not mess with my son a little? Tutulungan kita. Ayokong nakikitang malungkot ang daughter-in-law ko."

Napatitig siya sa ginang.

Tama ito. Ayaw na niyang maghintay pa na si Train ang magtapat. Nahihirapan na siyang itago ang nararamdaman para sa asawa niya. She wanted to know, once and for all, if he loved her or not. Gusto niyang malaman kung may nararamdaman ba ito para sa kanya. Walang mangyayari kung maghihintay lang siya sa gagawin nito. Oo nga at si lalaki dapat ang nagtatapat, pero minsan, kaylangan ding gumawa ng paraan ni babae para makapagtapat si lalaki.

Men need assurance if the woman they love loved them back before they confess, and women need confirmation if the man they love loved them back. This is how it work. Kasi ang pagkaduwag, hindi iyan nawawala kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Nasa tao na 'yon kung hahayaan mong kainin ng kaduwagan ang puso niya. At hindi niya hahayaang maduwag na naman siya.

She loved Train, and she would fight to get his love and she would not stop until he finally say those three magic words to her.

Krisz looked into her mother-in-law's eyes. "Ano po ang gagawin ko?"

Malapad itong ngumiti. "Ang kailangan mo lang gawin ay manatili rito sa opisina mo." She grinned deviously. "Ako na ang bahala sa lahat. Sit pretty and wait for your husband." Kinindatan siya nito. "I'll be leaving now."

Napatitig siya sa pintuang nilabasan ng ina ni Train. Ano kaya ang gagawin nito?

NAPAKUNOT ang nuo ni Train ng tumunog ang cell phone niya at nakitang ang ina niya ang tumatawag. Hmm. Maybe she's checking on what's going on in his married life.

Sinagot niya ang tawag. "Hello, mother. What can I do for you?"

"Hello, son." Her mother's voice was calm. "Tumawag ako para ipaalam sa'yo na matutupad na ang gusto mo."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ha? Anong gusto?"

"Hindi ba ayaw mo namang makasal kay Krisz? Napilitan ka lang dahil sa daddy mo. So, I called to tell you that finally, mawawala na ng bisa ang kasal niyo ni Krisz."

Nagdilim ang paningin niya. "What?!"

"Oh, you didn't know?" Her mother inquired innocently. Hindi nito pinansin ang pagtaas ng boses niya. "Oh my! Hindi ba sinabi sa'yo si Krisz?"

Ikinuyom niya ang kamao. "Anong hindi sinabi?"

"Krisz filed a divorce. Hindi mo ba alam?"

His eyes widened in disbelief. Nangyayari na ang kinatatakutan niya.

"No!" Galit niyang sigaw. "She can't divorce me!"

"Sure, she can," ani ng ina niya na parang wala lang ang ibinalita nito sa kaniya. "Kaya niyang gawin 'yon. Kinasal kayo sa Russia. And divorce is legal in Russia." Nagpakawala ng buntong-hininga ang ina niya. "Sayang naman. I really like Krisz for you. Oh well, paalam na, anak."

Nawala na ang ina niya sa kabilang linya.

Nanghihinang napasandal siya sa likuran ng swivel chair at napatitig sa kawalan. No... it couldn't be! Maayos silang naghiwalay kanina ni Krisz. They even had a good breakfast together. They even made love last night!

Galit na itinapon niya ang cell phone at tumama iyon sa dingding at nagkawasak-wasak.

"Fuck!"

Kumukulo ang dugo niya sa galit na tumayo at nagtungo sa parking lot ng Wolkzbin Technologies kung saan doon nakaparada ang Cadillac niya.

Pagkasakay niya sa Cadillac, agad na pinaharurot niya iyon patungo sa Romero's Chain Of Hospitals-Main Branch.

"Hindi kita hahayaang i-divorce ako, Krisz!" Madilim ang mukha na sabi niya. "Hindi mo ako puwedeng iwan! Akin ka lang." Napatiim-bagang siya. "Akin lang."


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top