CHAPTER 2

CHAPTER 2

PARANG nanghina ang tuhod ni Krisz ng makita ang isang hindi inaasahang bisita sa labas ng pinto ng bahay nila. Pale charcoal eyes. Straight and regal looking nose. Wet kissable red lips. Sharp jaw line. Neatly brush hair that made the man look like a handsome prince.

"Train Wolkzbin..." mahinang aniya.

Mas lalo pang gumuwapo ang binata ang hindi niya maiiwas ang tingin sa gwapo nitong mukha. God. It should be a crime to be this achingly gorgeous. Pero sa kaso ng binata, it was God's grace from heaven.

Bahagyang umawang ang labi nito at doon tumuon ang tingin niya. "Krisz Romero..."

"Anong ginagawa mo rito?" Parang wala sa sariling tanong nito habang titig na titig pa rin sa mukha niya.

Doon siya natauhan sa pagtitig dito at kaagad na nag-iwas ng tingin. "Joke 'yon? Dito ako nakatira, malamang."

Napakurapkurap ito at ang nakita niyang emosyon sa mga mata nito ay kaagad na naglaho. "Wala ka pa bang sariling bahay?"

Nainsulto siya sa tanong nito. Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Pinapamukha mo ba sa'kin na wala akong pera para bumili ng sarili kong bahay?"

"Hindi yan ang sinasabi ko, pero kung yan ang pagkakaintindi mo, so be it. Hindi naman lumalayo sa katutuhanan ang sinabi mo. Wala ka naman talagang sapat na pera para bumili o magpagawa ng bahay. Nalulugi na ang kompanya niyo. I'm pretty sure babagsak na 'yan sa pamamahala mo—"

Tumaas ang kamay niya at malakas na dumapo iyon sa pisngi ng binata.

"Don't you dare insult me!" Nanggagalaiti na sabi niya.

Tumalim ang mga mata ng binata. Hinawakan siya nito sa braso at isinandal siya sa likod ng pintuan ng bahay nila.

"B-Bitawan mo ako." Nautal siya ng maamoy ang mabangong hininga nito na tumatama sa mukha niya dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. "L-Let go o-of me."

"Ang lakas ng loob mong sampalin ako," anito na bakas ang galit sa mga mata. "Ang dapat sa mga katulad mo, pinaparusahan para hindi na umulit."

"A-Anong—" Natangay ng hangin ang iba pa niyang sasabihin ng dumukwang ito at inilapat ang labi sa leeg niya pagkatapos ay sinipsip nito iyon at bahagyang kinagat. "Uhm!"

Bahagyang inilayo ni Train ang mukha sa leeg niya at pinakatitigan ang leeg habang may kislap ng kasiyahan sa mga mata nito. "There." Parang demonyo itong ngumisi. "Subukan mong lumabas na may hickey sa leeg mo."

Napasinghap siya at mabilis ang dumapo ang kamay niya sa parte ng leeg niya na kinagat at sinipsip nito.

Nanlilisik ang matang pinukol niya ng nakamamatay na tingin ang lalaki. "You brute! Sino ka sa tingin mo para—"

"Krisz, sinong kausap mo?" Anang boses ng ama niya mula sa loob ng bahay.

Mabilis niyang kinalma ang sarili at umaktong walang nangyari. "May kausap lang ako, daddy," sabi niya sabay takip ng kiss mark sa leeg niya gamit ang kaniyang kamay.

Tumaas naman ang sulok ng labi ni Train. "Kaya huwag mo na akong sasampalin ulit, dahil hindi ako mangingiming parusahan ka ulit."

Inirapan niya ito. "Screw you!"

"Sino ang kausap mo, anak?" Tanong ng ama niya.

Napabuntong-hininga siya. "Si Mr. Wolkzbin ho."

Mabilis na binuksan ng ama ang pinto ng bahay nila at mabilis na hinanap ng mata nito ang tinutukoy niyang tao. Nang makita nito si Train na nakatayo malapit sa kanya, ngumiti ito.

"Good evening, hijo," wika ng ama niya sa magalang na boses.

Namulsa si Train at tumango sa ama niya. "Good morning din, ho." Tumikhim ito at tumingin sa kanya. "Nandito ho ako para pag-usapan ang Romero's Chain of Hospitals."

Lumiwanag ang mukha ng kaniyang ama samantalang namilog naman ang mga mata niya.

"Sana pinatawag mo nalang ako," anang ama niya. "Pupunta naman ako, e."

"Minabuti kong ako nalang ang pumunta," wika ni Train na ikinataas an kilay niya. "I have a proposal to make."

Tumingin sa kanya ang kaniyang ama na parang humihingi ng permiso. Sasabihin sana niya rito ng dapat kasama siya sa business meeting ng magsalita ni Train.

"Kung puwede lang sana, tayong dalawa lang ang mag-usap," wika ni Train na ikinaawang ng mga labi niya.

Ang hinayupak!

Hinawakan ng ama niya ang kaniyang kamay at pinisil. Ibig sabihin no'n ay hayaan nalang niya ang nangyayari at huwag nang umangal.

"Sige." Hinalikan siya sa nuo ng kaniyang ama at humarap kay Train. "Tayong dalawa ang mag-uusap." Kapagkuwan ay bumalik ang atensiyon sa kaniya ng ama. "Pumasok ka na sa trabaho anak." Niyakap siya nito. "Ingat ka sa daan."

Inirapan niya si Train ng dumako ang tingin nito sa kanya bago tuluyang lumabas ng bahay at sumakay sa Honda Civic niyang sasakyan at pinaharurot niya iyon paalis ng bahay nila patungo sa Romero's Chain Of Hospitals kung saan siya ang director doon.

Habang minamaneho niya ang sasakyan patungong hospital, may bumabagabag sa isip niya. Paano ko maitatago ang kiss mark sa leeg ko?

SUMUNOD ang tingin ni Train sa papalayong dalaga na hindi maipinta ang mukha. Sa hindi malamang kadahilanan, gustong-gusto niyang makitang nagagalit ito.

Hmm. Pretty. Train could still remember Krisz's scent when he leaned in to suck and nipped her skin to give her a hickey. Damn boy! Nararamdaman naman niyang nabubuhay ang pagkalalaki niya sa naiisip.

Tumikhim siya para maibalik ang isip sa kasalukuyan. "Mr. Romero, puwede na ho ba tayong mag-usap?"

"Of course," mabilis na sinagot nito at pinapasok siya sa loob ng bahay.

Iginiya siya ni Mr. Romero sa hagdanan patungong second floor. Habang naglalakad patungo sa kung saan siya dadalhin ni Mr. Romero, may nadaanan sila na dahilan para tumigil siya sa paglalakad.

Train looked at the wall in front of him. Lihim siyang napangiti sa nakita. Displayed on the wall were Krisz Romero's achievements from elementary to college. Ang daming medals, certificates and trophies. Mayroon din itong apat na nakasabit na diploma: elementary, secondary and college diplomas. Ang pang-apat nitong diploma ay sa pagtatapos nito sa kursong doctor.

This amazed him. Nice. Maganda na matalino pa.

"Masipag talaga mag-aral si Krisz," wika ni Mr. Romero na tumigil din pala sa paglalakad.

Humarap siya rito. "Halata nga." Iminuwestra niya ang kamay sa harapan. "Shall we?"

Tumango si Mr. Romero at iginiya siya patungo sa opisina nito. Nang makaupo sila sa opisina, napatingin si Train sa naka-framed na larawan ni Krisz sa gilid ng mesa ni Mr. Romero. She was really pretty. At mukhang mahal na mahal ito ng ama dahil may larawan ito sa mismong opisina nito katabi ng larawan ng ina nito.

"So, ano ang proposal na sinasabi mo kanina?" Tanong ni Mr. Romero sa kanya pagkalipas ng ilang segundong katahimikan.

Umayos siya sa pagkakaupo at tumingin ng diretso sa kausap. "Mr. Romero, alam ko ang usapan niyo ng daddy ko. Alam ko rin na sinabi ni Mommy sayo ang nangyari kay daddy. Kaya narito ako ngayon para i-propose na ako nalang ang mag-i-invest para makabawi ang kompanya ninyo."

"Mag-i-invest ka lang?"

"Yes. Hindi ako makikialam sa pagma-manage ng kompaniya niyo," he said flatly. "Mag-i-invest ako ng fifty million. Bahala na kayo kung anong gagawin niyo sa investment ko."

Mapaklang natawa ang kausap. "Nagsasayang ka lang ng pera, Mr. Wolkzbin. Pasensiya na. Malulugi rin ang kompanya namin dahil hindi sapat ang fifty million. We need something more than money. Alam kong nalulugi na ang kompanya namin pero hindi ako tumatanggap ng limos. Iyon ang tingin ko sa proposal mo. Alam kong ginagawa mo ito para sa ama mo pero pasensiya na, hindi ko matatanggap ang fifty million investment mo."

"Pero, sir, makakatulong ito sa kompaniya niyo," pamimilit niya rito.

Umiling ang kausap. "Inuulit ko, Mr. Wolkzbin, hindi ako tumatanggap ng limos." Nginitian siya nito. "Pasensiya ka na pero kaya pa naman ng kompanya naming na tumayo sa sarili nitong mga paa na wala ang limos mo. My daughter is doing everything she can to save our hospitals and she's doing good."

Nagsalubong ang kilay niya. Doing good? Ayon sa datus na nalakap niya mula sa pinagkakatiwalaan niyang tao sa kaniyang kompaniya, nagsara na ang dalawang branch ng Romero's Chain of Hosptals. Hindi ba iyon alam ni Mr. Romero?

Hindi ba sinabi ni Ms. Romero sa ama nito?

Akmang magsasalita siya at itatanong ang status ng mga hospitals nito sa probensiya ng maunahan siya nitong magsalita.

"Makakaalis ka na, Mr. Wolkzbin."

Sa sinabi nito ay bigla siyang tumayo. Tulad ng ama niya, halata sa mukha ni Mr. Romero na matigas ang ulo nito kaya hindi na niya ito pinilit. He could see his father on him.

"Kung ganoon, aalis na ho ako. Paalam, Mr. Romero." Lumabas siya sa opisina nito at tinahak ang parehong daan palabas.

Napatigil naman siya sa paglalakad ng makita ang mga larawan ni Krisz sa sala.

Ipinalibot niya ang tingin para tingnan kung may tao. Nang makitang wala, ginagawa niya ang isang bagay na hindi pa niya nagagawa sa tanang buhay niya.

Fuck it! What the heck am I doing? Oh, well...

NANG makauwi si Krisz sa bahay nila, hinihintay siya ng ama niya sa sala. Halata kaagad niya na malalim ang iniisip nito at sigurado siyang ang hospital na naman 'yon.

"Hello, dad, good morning," bati niya sa ama sabay halik sa pisngi nito.

"Pagod ka ba, anak? Tanong nito na puno ng pag-aalala ang mukha. "Kulang ka ba sa tulog?"

"Ayos lang po ako, daddy." Nginitian niya ang ama. "Ang aga niyo naman po magising." It was just five in the morning.

"Maaga talaga akong nagising para maabutan kang gising. Alam kong matutulog ka hanggang mamayang hapon," anito. "Gusto kitang kausapin tungkol sa proposal ni Mr. Train Wolkzbin."

Huminga siya ng malalim. "Oh. Okay po." Umupo siya sa pang-isahang sofa. "Dito nalang po tayo sa sala mag-usap."

Umupo ang ama niya sa sofa na nakaharap sa kaniya. "Anak, mag-i-invest daw ng fifty million si Mr. Wolkzbin sa kompanya natin para makaahon tayo."

Tumaas ang kilay niya. "Pumayag ka ba?"

"Hindi."

"Mabuti naman at hindi ka pumayag," aniya. "Mas malaki pa sa fifty million ang kailangan natin para umangat ulit ang kompanya natin. Kailangan natin ang mga Wolkzbin. Apelyido palang nila, makakahatak na tayo ng maraming investors at makakakuha pa tayo ng magagandang deals pagdating sa medical equipments."

Bumadha ang pag-aalala sa mukha ng ama niya. "Alam ko iyang kislap ng mga mata mo, anak. May binabalak ka."

Matamis niyang nginitian ang ama. "Kung ano man po ang binabalak ko, para ito lahat sa kompanya natin. Hindi ko hahayaan na malugi ang kompayang pinaghirapan niyong itayo."

"Kung ano man iyang binabalak mo, mag-ingat ka. Ipangako mo lang sa'kin na hinding-hindi ka masasaktan sa gagawin mo." Puno ng pag-aalala ang mukha nito. "When you took over, lahat ng responsabilidad ay naatang sa balikat mo kaya pinapaubaya ko na sa'yo ang lahat, anak. Kaya mo 'to."

Hindi siya makatingin ng diretso sa kanyang ama. Nakokonsensya siya dahil hindi niya masabi rito na nagsara na ang dalawang hospital branch na pag-aari nila.

"Hindi po ako masasaktan," wika niya. "Pangako."

"Sige, kung iyan ang sabi mo." Tumayo ang ama niya. "Mag-agahan ka na at magpahinga." Iniwan siya ng ama sa sala at bumalik sa ito sa second floor kung saan naroon ang silid nito at ng kaniyang ina.

Huminga siya ng malalim at wala sa sariling napatingin sa nga larawan niya nakalagay sa maliit na table na nasa gilid ng sofa. Napakunot ang nuo niya ng makita ang isang picture frame na blangko. Walang laman.

She was pretty sure na may nakalagay na larawan diyan.

Nang makitang papalapit ang katulong nilang si Aning, tinawag niya ito. Madali namang lumapit sa kanya ang binata. "Ano po 'yon ma'am Krisz?" Tanong nit.

"Kinuha mo ba ang larawan ko riyan?" Tanong niya sabay turo sa picture frame na walang laman.

Kumunot ang nuo ng katulong nila. "Naku, ma'am, hindi ho. Kahapon pong umaga nuong naglinis ako rito sa sala may laman pa 'yan."

Napabuntong-hinga siya. "Anong nangyari kung ganoon? Bakit nawala ang picture ko? Saan napunta 'yon?"

Nagkibit-balikat si Aning. "Hindi ko po alam, ma'am."

Napailing-iling siya. "Hala, sige, bumalik ka na sa ginagawa mo."

"Opo, ma'am," anito at iniwan siya sa sala.

Pinulot niya ang walang laman na picture frame at dinala iyon sa silid niya. Saan naman kaya namasyal ang larawan niyang iyon?

TINATANONG ni Train ang sarili kung bakit mga kaibigan niya ang mga ugaling pang-mental na kainuman niya ngayon. Nasa mini-bar sila ngayon sa cruise ship na pag-aari ni Cali Sudalga. Sa susunod na linggo pa ang alis nun para libutin ang asya kaya solo nila ang cruise ship sa pagkakataong iyon.

"Pare, sa tingin ko malapit nang sapian itong si Vergara ng virus na kumapit kay Tyron," nakangising sabi ni Lander. "Alam mo bang sabi niya sa akin kahapon na magsi-settle down na raw siya?" Natatawang binalingan nito si Iuhence na umiinom ng beer sa bote. "Pare, umamin ka, alien ka ano?"

Pinukol ito ng masamang tingin ni Iuhence. "Ikaw, Lander, kapag ikaw ang pinana ni kupido, siguradong mababaliw ka."

Umikot lang ang mga mata ni Lander. "Yeah, right. Bago ako mapana ni kupido, ikaw muna."

"Hindi ka pa nga ba napapana?" Makahulugang tanong ni Cali kay Lander. "Hindi pa ba, pare?"

Pinukol lng ito ng masamang tingin ni Lander. "Tigilan mo ako, Cali. Baka maibato ko itong beer sa mukha mo."

Natawa si Cali na hindi alintana ang pagdidilim ng mukha ni Lander. "Chill, Lander, wala naman akong sinasabi."

Bago pa makapagsalita ang isa sa kanila, may pumasok sa magandang babae sa cruise ship at lumapit sa kanila sa mini bar.

"Hello, everybody," bati ng babae at tinanggal ang suot na sunglasses kapagkuwan ay nakatinging tumingin kay Cali. "Hello, dear step-brother." Inilahad nito ang palad kay Cali. "Give it to me."

May kinuhang susi si Cali sa bulsa nito at inilagay sa palad ng babae. "Vienna, I'm telling you, huwag mong babaguhin ang pintura ng bahay ko. I can still remember what you did to my penthouse. Pinapahiram ko lang iyon sayo kasi kailangan mo ng malaking space para sa fashion line na ginagawa mo. After that, lalayas ka na sa bahay ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Maarteng umikot ang mga mata ng babae. "Dear step-brother, hindi ko kasalanan kung napinturahan ko ng kulay pink ang penthouse mo noon. Ang boring kasi ng kulay, e. Kasing boring mo." Lumapit si Vienna kay Lander na tumutunga ng alak na kaagad din namang natigilan ng mapansin nitong lumapit ang babae rito.

"What do you fucking want, Vienna?" Matigas ang boses na tanong ni Lander sa babae na hindi man lang tinitingnan ito.

Bumungisgis ang babae. "Oh my, Lander. Aren't you excited? Magiging kapit-bahay mo na ako." Bigla nitong hinalikan si Lander sa pisngi at tatawa-tawang naglakad palayo.

Sa halip na mag komento, inubos ni Lander ang beer na iniinom at tumayo. "May pupuntahan lang ako." Nang makalabas ito sa mini bar, narinig nilang tinawag nito ang pangalang Vienna.

Mahinang natawa si Cali. "Lander is in a huge trouble."

Tumango siya bilang pagsang-ayon. He saw the desire in Lander's eyes when Vienna kissed Lander.

Inubos niya ang natitirang beer at tumayo. "Gabi na guys, mauuna na ako sa inyo."

Sabay na itinaas ni Vergara at Cali ang hawak na beer.

"Ingat, pare," sabi ni Iuhence.

Si Cali naman ay tinanguan lang siya.

Nang makalabas sa cruise ship, pinaharurot niya ang Cadillac patungo sa penthouse niya. Nang makarating doon, natigilan siya ng paglabas niya sa sinakyang elevator ay nakita niya si Krisz Romero na nakahilig sa pintuan ng penthouse niya.

Krisz was wearing a midnight sexy dress that showed her bare small waistline and shoulders. Napaka-ikli ng damit na suot nito at nararamdaman niyang naglalaway ang bagang niya sa mahaba at mapuputi nitong hita.

"Anong ginagawa mo rito?" Sa wakas ay nakaya na niyang magsalita at tanungin ito.

Namumungay ang matang nginitian siya nito. "I have a proposal for you."


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top