CHAPTER 16
CHAPTER 16
TAMA nga ang hinala ni Krisz. Train wasn't just planning in cleaning her up. Ilang beses siyang inangkin ni Train sa ilalim ng shower. Pagkatapos nilang maligo, pagod na pagod siya kaya naman nakatulog siya ng hindi naghahapunan.
Nang magising siya kinaumagahan, nakahiga sa tabi niya si Train at malamlam ang mga mata na nakatitig sa mukha niya. Biglang tumibok ng mabilis ang puso niya. Oh, God, iba talaga ang epekto ni Train sa puso niya.
Nang magtama ang mga mata nila, nginitian siya ni Train. "Good morning, my love. How's your sleep?"
Sumikdo ang puso niya sa tawag nito sa kanya. My love. "Okay lang," sagot niya habang pinapakalma ang puso niya. "Ikaw? Kanina ka pa ba gising?"
Tumango ito. "Yeah. Mga madaling araw. Nagluto ako, e."
Tumaas ang kilay niya. "Hindi ka ba napagod sa ginawa natin kagabi? Sana natulog ka ulit nuong nagising ka."
Ngumiti lang si Train. "Napagod. Pero mas nari-relax ako sa pagluluto kesa kung matutulog ako ulit."
"Ikaw na ang Mr. Chef," nangingiting aniya.
Train smiled and then sat up. Saka lang niya napansin na may tray pala na may lamang sa soup sa bed side table. Inabot ni Train ang soup saka sinubuan siya.
"Say ah."
Pilya siyang napangiti. "Ah." Ungol niya.
Umikot ang mga mata ng asawa. "Inaakit mo ako."
"Hindi kaya." Nakangiting sabi niya kapaguwan ay natigilan ng may pumasok sa isip niya. "Gusto mo ipagluto kita ng agahan? Palagi nalang kasing ikaw ang nagluluto. Ako naman."
Lumiwanag ang mukha nito. "Really? Ipagluluto mo ako? For real?"
Tumango siya. "Oo. For real."
Bakas ang saya sa mukha ni Train sa sinabi niya. She smiled inwardly at that. Hmmm. Time to get even, my darling.
Bumangon siya sa kama at ginawaran ng halik sa mga labi si Train. "Hintayin mo ako rito, hubby. Dito ka lang. Ipagluluto kita ng masarap na breakfast."
"Thanks," Train said with a smile on his lips.
Magaan ang loob na lumabas siya sa silid nila at nagtungo sa kusina para ipagluto ang asawa niya.
Less than an hour later, natapos na siyang magluto. A simple omelet and fried rice. Inamoy niya ang niluto at napangiti. Minsan talaga ang maldita ko. Minsan lang naman.
Nagmamadali siyang bumalik sa silid niya at naabutan niya si Train na nakahiga sa kama habang nanunuod ng TV.
"I'm back!" Excited na sigaw niya at lumapit sa asawa.
Kaagad namang bumangon si Train at excited na tinanggap ang niluto niya.
"Hmmm." Inamoy nito ang niluto niya. "Ang bango naman."
"Syempre," may pagmamalaki na wika niya. "Ako yata ang nagluto niyan."
"Salamat, wifey." Puno ng galak na sabi nito at inumpisahang kainin ang niluto niya.
Train was enjoying the food when he suddenly stopped. Tumaas ang isang kilay niya. Oh hell! Umi-epekto na ba ang nilagay niyang pampa-LBM? Pinigilan niya ang malakas na matawa ng makitang namimilipit sa sakit ng tiyan ang asawa.
"What the— fuck!" Halos liparin nito ang distansiya patungo sa banyo.
Mabilis siyang naglakad palapit sa pintuan ng banyo at naririnig niya ang malutong na pagmumura ni Train.
Napabungisngis siya. "Sorry, iyobuv moya. Mahal kita pero sinaktan mo pa rin ako. So, now, we're even," natatawang bumalik siya sa kama at nahiga.
HALOS tawagin ni Train lahat ng santo na kilala niya para lang patigilan ang pagsakit ng tiyan niya at ang pagbalik-balik niya sa banyo. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang nagpabalik-balik sa banyo mula ng kumain siya ng agahan na luto ni Krisz.
Speaking of Krisz, kagat nito ang labi habang awang-awa na nakatingin sa kanya. He was lying on the bed, weak and drained.
"Okay ka lang?" Kagat-labi nitong tanong.
"I'm fine." Walang buhay na sagot niya. "Uminom naman ako ng gamot para matigil na itong LBM, maya-maya lang i-epekto na iyon. I'll be okay—" His stomach grumbled again. "Fuck!" Mabilis pa sa alas-kuwatro na nilipad niya ang distansiya patungo sa C.R.
"Holy fucking hell!" Sigaw niya ng maramdamang para tubig na ang nilalabas niya. "I'm going to die. Fuck it!"
It was silly, pero takot siya sa LBM. Nuong bata kasi siya, dinala siya sa hospital dahil sa diarrhea. Na dehydrate siya kahit ilang oras lang iyon. Nagka-phobia siya dahil sa rami ng karayom na itinurok sa kanya. Because of that, he learned to cook for himself. Gusto niyang siguradohing malinis ang kinakain niya. Krisz was the first person he permitted to cook him food because he trusted her. And here he was, suffering from fucking LMB.
Nanghihinang napasandal siya sa tile ng banyo at mariing ipinikit ang mga mata. Fuck! Ano ba ang nagawa niya ngayong araw na ito para mangyari ito sa kanya? Nag-umpisa lang naman ito ng kinain niya ang niluto ni Krisz—No.
Ipinilig niya ang ulo ng maisip na baka nilagyan ni Krisz ng pampa-LBM ang niluto nito para sa kanya. Hindi niya gagawin iyon sa akin. Krisz was too innocent to put laxative in his food. Baka sira lang ang itlog na naluto nito. Tama, iyon nga ang nangyari.
Pagkatapos niyang maglinis, lumabas siya ng banyo. Nakita niya si Krisz na nakaupo sa gilid ng kama at nakatingin sa kanya.
Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito.
"Sira ba ang itlog na ginamit mo para sa omelet?" Tanong niya sa asawa niya saka ihinilig ang ulo sa balikat nito.
Tumikhim ito. "Hindi." Humarap ito sa kanya dahilan para mapalis ang ulo niya na nakahilig sa balikat nito. "Train, may sasabihin ako sayo. Kasi yung—"
That sudden feeling you get when you're about to poo, naramdaman 'yon bigla ni Train, kaya naman mabilis siyang tumakbo sa banyo. Hindi na niya narinig kung ano man ang sasabihin ni Krisz.
Pagkalipas ng halos sampung minutong pakikibaka sa banyo, lumabas na siya at nagulat ng makita si Krisz na nakatayo sa labas ng pinto ng banyo. Puno ng pag-aalala ang mukha nito at may kislap ng guiltiness sa mga mata nito. Mukhang sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kanya.
Nginitian niya ito at niyakap. "Don't worry, wifey. I'm okay."
"Train." Kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa mga mata niya. "'Yung niluto ko para sayo—" Kinagat nito ang pang-ibabang labi. "Nilagyan ko ng pampa-LBM." Mahinang sabi nito habang nakatingin sa baba pero dinig na dinig niya ang lumabas sa bibig nito. "Ginawa ko 'yon kasi naman e! Bayad mo 'yon dahil nagpahalik ka sa babaeng 'yon!"
Mariin niyang ipinikit ang mga mata.
No! Ang taong pinagkatiwalaan niyang hindi lalagyan ng kahit na ano ang kakainin niya ay siya pa ang naglagay ng pampa-LBM sa kinain niya.
Nagmulat siya ng mga mata. "Bayad sa paghalik sa akin ni Trina?" Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Hindi ba pwedeng kausapin mo nalang ako?"
Guilt was written all over her face. "I just want to get even."
Anger filled his nerves. He trusted her. He fucking trusted her! And then she did something like this. Gustong-gusto niyang sakalin ang leeg ng asawa pero pinigilan niya ang sarili. Calm down, Train. Calm fucking down!
Pero galit siya. Galit na galit siya kay Krisz. "Akala ko ba maayos na tayo?!" Fuck!
"Sorry na." Nakanguso ang mga labi nito habang nakatingin sa kanya. She hd those puppy dog eyes but it wasn't working right now. Hindi niyon mawawala ang galit na nararamdaman niya. "Hindi ko naman alam na manghihina ka tapos—"
Tinabig niya ang kamay nito na akmang hahawakan siya sa pisngi. "Don't. Touch. Me. I trusted you, Krisz!" Hindi niya napigilan ang sarili na sigawan ito. "Nagtiwala ako sayo. Alam mo ba kung gaano ako kasaya na pinagluto mo ako? Tapos malalaman kong pinagluto mo lang ako para malagyan ng laxative ang kakainin ko at ikaw pa ang dahilan ng pagbalik-balik ko sa CR?" Hinilamos niya ang kamay sa pisngi. "Hindi mo ba alam na puwede akong mamatay sa LBM? I know I lied to you and if this is your way of getting even, sana masaya ka na."
"Mamatay kaagad? Hindi pa puwedeng maghihina ka muna?"
Pinanlisikan niya ito ng nga mata. "Doctor ka kaya dapat alam mong may posibilidad na mamatay ako kapag na dehydrate ako!"
Nagbaba ito ng tingin. Nakonsensiya siya sa pag-sigaw rito pero ng maalala niya ang ginawa nito sa kanya, nawala ang konsensiya na nararamdaman niya.
Sapo-sapo ang tiyan, kinuha niya ang cellphone sa bed side table at lumabas sa silid nila. Baka masakal niya ang babaeng 'yon sa sobrang galit at tampo na nararamdaman niya. Fuck! Fuck! Argh!
Akmang tatawagan niya si Boggy para kumustahin ang pinapagawa niya rito ng tumawag sa kaniya si Iuhence. Oh well, this lunatic man will do. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili bago harapin ang asawa niya na matigas ang ulo at talagang naghigante pa sa isang bagay na hindi naman niya ginustong mangyari!
Nagpupuyos pa rin ang kalooban na sinagot niya ang tawag. "Thanks, man. You saved me from throttling that stubborn vixen! Bakit ko ba pinakasalan ang baliw na ito?!" He was really mad! He felt cheated. Nagtiwala siya rito.
"Anong nangyari?" Anang boses ni Iuhence sa kabilang linya.
Huminga siya ng malalim. "That stubborn woman put something in my food this morning." Nanggigigil ang boses niya. " I'd been visiting the comfort room since breakfast! Tapos ngayon-ngayon lang, umamin siya na nilagyan niya ng pampa-LBM ang pagkain na hinain niya. That bitch!"
Krisz maybe a bitch but that bitch was special to him. Kaya nagagalit siya dahil pakiramdam niya niloko siya nito which is niloko naman talaga siya nito.
Iuhence sighed. "Tapos ka na?" He inquired. "Ako naman, puwede?"
Kumunot ang nuo niya. "Bakit, pare? Mag i-emote ka rin?"
"No, Mr. Chef. Gusto ko lang malaman kung ano ang ingredients ng fried chicken at kung paano yon lutuin."
Umawang ang labi niya sa narinig. Bigla niyang nakalimutan ang sariling problema. Holy hell! What happened to his friend? Had he been replaced by aliens? Ilang minuto ang lumipas bago siya nakapagsalita sa gulat.
""What happened to my friend, Iuhence? Pinatay mo ba? Teka, saan mo inilibing ang katawan? Goodness! This is disastrous!" He exclaimed in disbelief.
"Fuck you, Train," Iuhence sneered.
Train chuckled. Pansamantala niyang nakalimutan ang ginawa ng napakagaling niyang asawa "Kidding aside, man. What the fucking hell happened to my good friend, Mr. Iuhence-I-don't-know-how-to-cook? Bakit bigla kang nagtanong, ha?"
Iuhence puffed a breath and sighed. "May babae kasi—"
"Woah, woah! What the fuck?! Ulitin mo nga ulit ang sinabi mo" Now, he was shock. Talagang alien na Iuhence ang kausap niya ngayon.
"Gusto ko siyang ipagluto," Iuhence said.
"Okay." He was still shock. "Anong gusto mong lutuin para sa kaniya?" Woah! Parang hindi si Iuhence ang kausap niya.
"Fried chicken," sagot ni Iuhence.
"At hindi mo alam kong paano lutuin 'yon?" He asked dryly. Hindi makapaniwalang tanong niya. "Vergara, iyan na yata ang pinaka-madaling lutuin sa lahat."
"I'm not you," simpling anito.
Train sighed. "Fine. May Wi-Fi ka ba riyan?" Hindi ito matututo kung sa cell phone lang sila mag-uusap.
"Yeah," nag-aalangang sagot nito.
Great. "Good. Skype tayo. I'll show you. Just promise me one thing."
"What?"
"Please, don't burn down your kitchen," Aniya sa nagmamakaawang boses. He could still remember what happened the last time Iuhence tried to cook.
Tinapos niya ang tawag at kinuha ang laptop sa silid nila ni Krisz. Nagpapasalamat siya at mukhang gumagana na ang gamot na ininom niya para matigil ang pag-i-LBM niya.
Nang makapasok siya sa silid, naabutan niya ang asawa sa kuwarto na nakikinig ng music sa iPod nito. Nang makita siya ni Krisz, inirapan siya nito.
Napaawang ang labi niya sa kaniyang asawa. At ito pa talaga ang may ganang mang-irap. Mamaya ka sa'kin. Paparusahan kita hanggang hindi ka na nakakalakad.
Pagkatapos niyang kunin ang laptop niya, lumabas ulit siya sa silid at nagtungo sa sala. Binuksan niya ang laptop at skype saka hinintay na mag online si Iuhence.
Napangisi siya ng nag-online na ang loko at binuksan ang Skype.
"This better be good, Wolkzbin." Wika ni Iuhence sa kanya. "Kapag hindi nasarapan dito sa Mhelanie, pupuntahan kita riyan sa Budapest at ikaw ang pipritohin ko."
Tumawa siya sa sinabi ni Iuhence. Akala nito ay nasa Budapest siya para sa honeymoon nila ni Krisz. Nasaan ba ang loko-loko na ito at mukhang nahuhuli sa balita? Hindi niya tinama ang maling akala nito.
"Masarap akong magluto, Vergara," aniya sa nang-uuyam na boses. "Masarap akong magluto, Vergara. Ewan ko lang sa'yo. Naalala mob a nuong pingaluto mo ang mama mo? Muntik mo nang sunugin ang buong mansiyon niyo." Tudyo niya.
Iuhence grimaced. "Don't remind me."
He chuckled. "Okay. Step one," Train started instructing his friend. Iuhence listened attentively on the other line. "Heat the pan and put oil. Damihan mo ang oil, masarap ang deep fried."
Iuhence did what he told him
Humagalpak ng tawa si Train ng ilagay ni Iuhence ang manok sa kawali at tumilansik ang mantika sa katawan nito.
"Fuck! Shit! Fuck!" Hiyaw ni Iuhence at mabilis na hinugasan ang napasok. "Fuck! This fucking hurt."
Mas lalong tumawa ng malakas si Train. "Vergara, if you want to cook for your woman, you have to be hurt in order to do so."
Nakasimangot si Iuhence habang pinagpapatuloy ang pagpi-prito ng manok.
Napakunot ang nuo niya ng bigla nalang nag offline si Iuhence. "Huh?" Tinapik niya ang screen ng laptop. "Iuhence? Nariyan ka pa?" Bumulong siya sa hangin. "Baka nalunod na ang loko sa mantika." Natawa siya at napailing-iling.
Akmang isasara niya ang laptop ng tumunog ang cell phone niya. It was Lander.
Sinagot niya ang tawag. "Yes? Train speaking."
"Bud, sama ka sa'min?" Tanong ni Lander na nasa kabilang linya.
"Saan?"
"Bar hopping tayo," anito. "Sagot daw ni Calyx."
Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Si Calyx? Manlilibre? Anong meron?"
Tumawa si Lander. "Nagtapat siya ng kaniyang pagsintang pururot kay Etheyl. Hayon, nabasted yata ang loko. Maglalasing daw siya."
Mas doble ang gulat na naramdaman niya kesa sa malaman niyang manlilibre ng inom si Calyx. Sa kanilang magkakaibigan, first runner up si Calyx Vargaz sa pagiging kuripot. Syempre, ang champion ay si Iuhence.
"Saang bar?" Tanong niya habang isinasara ang laptop.
"Sa Bachelor's Bar. Pero kung hindi ka papayagan ni Misis—"
"Sama ako. Meet you all there." Tinapos niya ang tawag at nagtungo sa silid nila.
NAGSALUBONG ang kilay ni Krisz ng pumasok si Train sa silid nila at walang imik na nagbihis. Hindi siya nakapagpigil kaya nagtanong siya.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
Natigilan ito. "Anong pakialam mo?"
Parang may kumurot sa puso niya sa talas ng boses nito. Parang sinaksak no'on ang puso niya.
"Nagtatanong lang naman."
Humarap ito sa kanya habang inaayos ang pagkakatupi ng polo sa suot nito. "Huwag kang mag-alala, walang babae sa pupuntahan ko. At kung mayroon man, makakaasa ka na hindi ako makikipaghalikan. Baka sa sunod hindi lang pampa-LMB ang ilagay mo sa pagkain ko," walang emosyon na sabi nito at umalis.
She forced herself not to cry. Ang gaga kasi niya. Bakit ba kasi nilagyan pa niya iyon ng laxative? E, di sana maayos na sila ngayon ni Train. Nagpadala kasi siya sa selos na nararamdaman sa tuwing maaalala niya ang paghalik ni Trina rito. Mabigat ang dibdib na humiga siya sa kama at nagsisi sa ginawa. Pesteng selos naman kasi 'to, e.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top