CHAPTER 12
CHAPTER 12
THE WHOLE Sunday was fun. Kung honeymoon man ang tawag sa ginawa nila, then it was the best honeymoon in the world. They did more than one position and every position was orgasmic. Iyon na yata ang pinakamasaya at pinaka-nakakaibang araw sa tanang buhay niya.
At kahit hindi niya gustuhin, sumapit na ang lunes.
Parang gusto niyang sakalin ang salitang lunes. Pagod na pagod siya pero kailangan niyang bumangon dahil nakatanggap siya ng text mula sa sekretarya niya na gusto siyang maka-usap ng mga investors.
"Argh!" Naiinis na napasabunot siya sa sariling buhok saka naghihikab na pumasok sa banyo para maligo.
Mukhang kanina pa nagising ang asawa niya dahil wala na ito sa kama at may naamoy siyang mabangong aroma ng pagkain. Mukhang naghahanda na ito ng agahan nila. The perks of having a chef husband. Hindi sila nauubusan ng pagkain.
Pagkatapos niyang maligo, pagkalabas niya sa banyo ay natigilan siya ng makita si Train na may inilapag na damit sa ibabaw ng kama.
"Ano 'yan?" Kunot ang nuong tanong niya at lumapit sa kama.
Hinalikan siya nito sa nuo. "Good morning, moya zhena."
"Good morning." Tumingin siya sa damit na nasa kama. "Ano 'yan?" Ulit na tanong niya.
"Oh, yon ang susuotin mo ngayong araw," ani nito at iminuwestra ang kamay sa damit. "Gusto ko 'yan ang suotin mo. Okay?"
Napapantastikuhang tumingin siya kay Train. "Hubby, I don't do slacks in the office. Gusto ko above the knee pencil cut skirt and—"
"No. May-asawa ka na kaya hindi mo na puwedeng isuot 'yon."
Inungusan niya ito at hinalungkat ang maleta kung nasaan ang mga damit niya. Pinili niya ang damit na gusto niyang suotin. Above the knee ang haba non. Kalahati ng damit ay itim, samantalang ang mula beywang pataas ay kulay crema.
Nawala sa isip niya na naroon pala si Train sa loob ng silid. Hinubad niya ang roba na suot at nagsuot ng kulay itim na lingerie and same color bra. Nang maisuot ang damit na napili, may yumakap mula sa likuran niya.
"Bakit iyan ang damit mo?" Tanong nito na may bahid na inis ang boses.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "Train, hindi porke't asawa mo na ako ay puwede mo na akong baguhin. I am your wife." Humarap siya rito. "Not a robot that will do your bidding. May sarili akong isip, may sarili akong paniniwala at may sarili akong desisyon. I choose to wear this kasi komportable ako. So, I'm telling you, hubby, kung balak mo akong baguhin, nagsasayang ka lang ng lakas at panahon."
Mataman siya nitong tinitigan sa mga mata. "I just don't want other men to oggle their eyes at your delectable legs. Asawa mo na ako ngayon. Hindi nila puwede pagnasaan ang asawa ko."
Itinirik niya ang mga mata. "Bahala ka sa gusto mong isipin. Basta ako, magdadamit ako na naaayon sa kagustuhan ko." Nginitian niya ang asawa saka hinalikan ito sa mga labi. "Huwag ka ng magalit, hubby, kahit naman anong titig nila sa legs ko, hind naman 'yon nila matitikman. Kaya chill lang, pwede?"
Nagsalubong ang kilay nito at walang imik na lumabas ng kuwarto nila.
Napailing-iling nalang siya at kinuha ang handbag at lumabas na rin sa silid nila.
Hinanap niya si Train at natagpuan niya ang asawa sa kusina at nagkakape.
"Train?" Kuha niya sa atensiyon nito.
"Yeah?" Lumingon ito sa kanya at may inabot sa kanyang isang tasa ng kape at isang tasa ng kape na may gatas. "Which one do you prefer? Coffee or coffee with milk? Hindi ko alam kung anong gusto mo, so pili ka na lang."
Kinuha niya ang kape. "I'm a black coffee kind of girl."
Train just smiled.
Habang sumisimsim siya ng kape, may inilapag itong kulay puti na plastic lunch box.
"Nandito ang pagkain mo para sa lunch," wika ni Train. "Ngayong mag-asawa na tayo, ako ang magluluto sa kakainin mo. Ayokong kumakain ka ng luto ng iba."
Kapagkuwan ay may inilapag na naman itong kulay asul na lunch box. "Nandito naman ang meryenda mo. May tuna at chicken sandwich diyan."
Parang may humaplos sa puso niya habang nakatingin sa mga lunch boxes na nasa ibabaw ng mesa. Train really made those for her? Aww. Why did he have to be so sweet? Hindi niya tuloy mapigilan ang malakas na pagtibok ng puso niya. Hindi niya mapigilan ang kilig na nararamdaman.
"Salamat," aniya.
Train nodded. "Finish your coffee. Pagkatapos ay aalis na tayo."
Tumango siya at hindi umimik. Pinagmasdan lang niya si Train na inilagay sa paper bag ang dalawang lunch box.
Nang matapos siyang magkape, sabay silang lumabas ng penthouse ni Train. Tulad ng sinabi nito, hindi nga siya nito pinasakay sa kotse niya. They rode in his Cadillac.
Hinatid siya nito sa main branch ng hospital nila. Akala niya ay aalis na ito pagkalabas niya sa sasakyan nito pero nagkakamali siya dahil lumabas si Train sa Cadillac nito at pinagsiklop ang kamay nila.
"Train, hindi mo namang kailangan—"
"Ihahatid kita hanggang sa opisina mo," putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "Gusto kong malaman ng lahat ng tao sa gusaling ito kung sino ako sa buhay mo."
Nagsalubong ang kilay niya. "At ano naman ang koneksiyon niyon sa paghahatid mo dito sa opisina ko?"
"Makikita mo," makahulugang sabi nito at hinila siya papasok sa gusali.
Confusion filled her when Train pulled her towards the information desk. Nang makarating doon, bumaling sa kaniya si Train na para bang hinihintay na mgasalita siya.
"What?" She inquired. "Anong sasabihin ko?"
Itinaas ni Train ang kamay nito at ipinakita sa kanya ang wedding ring nito. "Sa tingin ko ay alam mo ang sasabihin mo sa kanila."
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at tumingin sa mga empleyado niya na nasa likod ng information desk.
"I—" Napalunok siya kapagkuwan ay tipid na ngumiti, "I am married ... to ..." Binalingan niya si Train, "...him. Train Wolkzbin."
Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Train. "Spread the news ladies." Pagkasabi niyon ay hinila siya nito patungo sa elevator.
Ihinatid talaga siya ni Train sa opisina niya kung saan iniwan niya ang handbag at paper bag na ang laman ay ang lunch boxes, pagkatapos ay hinatid pa rin siya ni Train hanggang sa conference room. Naiinis na hinarap niya ang asawa. "Seriously, Train, bodyguard ba kita? Wala ka bang ibang gagawin maliban sa ihatid ako?"
Nagkibit balikat lang ito saka binuksan ang pinto ng conference room. Lahat ng investors na naroon ay napatingin sa kanya.
"Good morning," bati niya sa mga ito at umupo sa upuan na para sa kanya. "Anong pag-uusapan natin ngayon?"
Tumayo ang isang investor saka tumingin sa kaniya. "Miss Romero, kanina ka pa namin hinihintay. Totoo ba itong naririnig naming balita na hindi naman talaga pag-aari ni Mr. Wolkzbin—"
"Wrong," Train cut the investor off.
Malalaki ang mata na nilingon niya ang asawa. Akala niya hindi ito pumasok sa conference room.
May isa pang investor na tumayo at humarap kay Train. "Mr. Wolkzbin, we just want to clarify—"
"She is no longer a Romero," ani Train at kinindatan siya. "She is now Mrs. Krisz Romero-Wolkzbin." Hinarap nito ang mga investor. "Meet my wife, everyone. Sorry, hindi ko kayo naimbitahan sa kasal namin. Sa Russia kasi kami nagpakasal."
Lahat yata ng investors ay naka-awang ang mga labi sa sobrang gulat sa sinabi ni Train.
"Well, aalis na ako," ani Train at naglakad palapit sa kanya kapagkuwan ay ginawaran siya ng halik sa mga labi. "Susunduin kita mamaya. Naka-save sa cellphone mo ang number ko. Tawagan mo ako kapag uuwi ka na."
Tango lang tugon niya sa sinabi nito. Hanggang sa makalabas ito ng conference room, naka-awang pa rin ang mga labi niya sa sobrang gulat.
Hindi alam niya ni Krisz ang sasabihin o ang dapat niyang maramdaman. Kung hindi siya nito hinatid sa conference room, siguradong hindi maniniwala sa kanya ang investors na nagpakasal na sila ni Train.
Her very sweet husband just saved her freaking ass.
"Excuse me for a minute." Mabilis siyang lumabas sa conference room at hinabol si Train para magpasalamat sa ginawa nito.
Naabutan niya ang binata na hinihintay na bumukas ang elevator. Nasa tabi nito si Boggy at nag-uusap ang dalawa. At dahil malapit siya sa dalawa, hindi maiwasang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Salamat at sinabi mo sakin, Boggy," ani Train.
"Wala 'yon, boss. Nang malaman kong pinagkalat ni Trina Lopez ang balita na ginagamit lang ni Miss Krisz ang apelyido niyo, nagkagulo ang mga investors."
"Alam ko nang mangyayari 'to. Buti kinasal na kami."
"You got it bad, boss."
Train chuckled. "Mukha nga, Boggy. Ayokong mapahiya siya o masaktan o may mangyaring masama sa kanya. Kaya nang malaman ko ang balak na gawin ng mga investor, hinatid ko talaga siya. Hindi ko sila hahayaan na pagsalitaan ng hindi maganda ang asawa ko. She's now under my care. At gagawin ko ang lahat maalagaan lang siya."
Napatango-tango si Boggy. "Boss, ipapalathala ko na ba na kasal na kayo ni Miss Krisz?"
Umiling si Train. "Huwag na muna. Hayaan mong unti-unting kumalat ang balitang kasal na kami. Alam kong hindi magugustuhan ni Krisz na maging center of attention sa business world."
"Okay, at siya nga pala boss, tawag ng tawag si Miss Trina Lopez, sabihin ko raw sa'yo na inaaya ka niyang mag-dinner sa Yanzee Restaurant."
Hindi na niya narinig ang sagot ni Train dahil bumukas na ang elevator at pumasok na roon ang lalaki.
Isang malapad na ngiti ang kumawala sa labi ni Krisz habang niri-replay sa isip niya ang narinig niyang usapan ni Train at Boggy.
Train was the sweetest man she ever had the pleasure of meeting. Oo nga at hindi naging maganda ang simula nila pero hindi maikakaila na napaka-suwerte niya at ito ang asawa niya. Hindi nakapagtataka na nahulog ang puso niya para rito— wait, what?!
Napatigil siya sa paglalakad at natulos sa kinatatayuam. Oh, God... bakit hindi niya napansin 'yon? Ang mabilis na pagtibok ng puso niya kapag malapit lang ito. Ang panlalambot ng tuhod niya kapag nginingitian siya nito. Nuong araw ng kasal nila, when she said 'I do', she actually meant it. And yes, she was jealous of Trina. Nang makita niyang hinalikan nito si Train, parang may sumakal sa puso niya.
All those things ... lahat, naramdaman niya, all because she was falling for Train.
Kinapa niya ang puso niya at naramdaman niya ang mabilis na pagtibok niyon. Her heart was beating for her husband. It was shouting Train's name.
Sweet heavens. She wasn't just falling. She already fell in love with Train Wolkzbin.
Sinong hindi mahuhulog ang puso para rito? Nuong unang inangkin siya nito, he was gentle, kahit pa nga ginusto niya iyon at parte iyon ng kasunduan nila. Those kisses they shared were breathtaking, the holding hands were bone melting and last night, they made love over and over again and she didn't complain. Her heart welcomed Train like he belonged there all this time. At naniniwala siya na hindi niya ibibigay ang katawan sa taong wala naman siyang nararamdaman ni katiting.
Eight years ago, she was attracted to him. Ayaw lang niyang aminin sa sarili. Hindi niya inakala na hanggang sa magkita silang muli ay naroon pa rin ang atraksiyon na nararamdaman niya para sa lalaki. Kaya hindi siya nahirapan na ibigay rito ang katawan niya. Hindi siya nahirapan na tanggapin ang proposal nito. In-denial lang siya sa nararamdaman niya noon para sa asawa, sa kadahilanang natatakot siya baka iwan siya nito kasi alam niyang wala naman itong nararamdaman para sa kaniya.
Bakit ba hindi niya kaagad na realize na nahuhulog na ang puso niya para kay Train, e di sana napigilan niya. Pero hindi, kahit pigilan pa niya, mahuhulog pa rin ang puso niya para rito. Train was like a ghost who crept into her heart unnoticed. He claimed her heart, owned it, at ngayon, nasa kamay na na nito ang puso niya ng hindi man lang niya namamalayan.
And Krisz knew that her love for her husband was unrequited. Oo at sweet ito sa kanya pero hindi ibig sabihin 'non ay mahal siya nito. At mukhang may kontrabidang papasok sa buhay nila.
Si Trina Lopez.
Pero hindi iyon sapat para sumuko siya. Kung napirata ng haliparot na iyon ang mga doctor sa hospitals niya, hindi niya hahayaang pati ang asawa niya ang piratahin nito. She wouldn't be Krisz Romero-Wolkzbin if she would just give up and do nothing.
"I'm sorry, my dear hubby, pero mukhang hindi kita pakakawalan tulad ng una kong sinabi," nakangiting aniya habang naglalakad pabalik sa conference room at ang utak ay abala sa pag-iisip ng mga plano para makuha ang puso ng asawa.
NANG makapasok si Train sa sariling opisina, kaagad na nakita niya ang diyaryo para sa araw na iyon. Umupo siya sa kaniyang swivel chair saka binasa ang nakalathala sa diyaryo.
Biglang sumama ang mood niya ng makita ang headline ng diyaryo.
'THE HERIESS OF ROMERO'S CHAINS OF HOSPITALS IS A BIG FAT LIAR.'
Mabilis niyang binasa ang article at napatigil ang matalim niyang mga mata sa pangalang Trina Lopez na naroon at nabanggit sa nasabing article.
Natagis ang bagang niya. "Fuck that woman." Tinapon niya ang diyaryo na hawak at tinawagan ang numero ni Trina na binigay sa kaniya ni Boggy.
"Hello? Trina Lopez speaking," ani ng babae ng sagutin nito ang tawag niya.
"This is Train Wolkzbin," aniya na madilim ang mukha. "I think we need to talk."
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top