CHAPTER 1
CHAPTER 1
SAPO ang ulo na umupo si Train sa visitor's chair sa labas ng ICU. Sinugod ang ama niya sa hospital dahil na heart attack ito. Pinagsabihan na niya itong hindi mag-trabaho dahil medyo matanda na ito pero hindi ito nakinig sa kanya. As usual.
His father wanted to widen the coverage of Wolkzbin Enterprise. Iyon ang ginagawa niya simula ng mag-take over siya. He put branches in every known country in the world. So far, all feedbacks had been good from each country.
The Wolkzbin Enterprise was built by his great-great-great grandfather. It all started when vodka was discovered. Isa ang Wolkzbin Enterprises sa mga unang manufacturer ng Vodka. Nuong una, tanging sa Russia lang inilalabas ang vodka pero hindi nagtagal inilabas na rin iyon sa iba't-ibang bansa. Doon nag-umpisa ang Wolkzbin Enterprise. Lumago iyon ng lumago kasabay ng pagsikat ng inumin.
The Wolkzbin Enterprise was passed on to every first male in the family. At sa henerasyon niya, nag-iisa lang siyang anak at lalaki pa. Kaya nakaatang sa balikat siya ang responsabilidad na mas palaguin pa iyon.
"Magiging maayos din ang daddy mo," anang boses ng ina niya na naka-upo sa tabi niya.
Palaging nagsasalita ng tagalog ang kaniyang ina kapag silang dalawa lang. Gusto nitong hindi siya maging banyaga sa salitang tagalog.
"He suffered a heart attack, mom," aniya sa mahinang boses. "Anong mangyayari sa kanya ngayon? Hindi puwedeng mawala si daddy. Marami pa akong dapat matutunan sa kanya. Hindi pa siya pweding mawala. Hindi kasi nakikinig, e," naiinis na aniya.
"Anak, magiging maayos din ang daddy mo," wika ng ina niya na parang mas kinokombensi nito ang sarili kaysa sa kanya.
As he looked at his mother, he could see the love in her eyes as she gazed at his father. Hanggang ngayon, in love na in love pa rin ang dalawa sa isa't-isa. A love like his parents was hard to find. Not that Train was looking for love. Wala pa sa isip niya ngayon ang pag-aasawa o pagpapakasal.
Speaking of which, kumusta na kaya ngayon si Krisz Romero—the woman who offered him marriage eight years ago. Walong taon na rin pala ang nagdaan mula ng makatanggap siya ng mensahe sa kaniyang ina na hindi na tuloy ang kasal dahil umatras ang mga Romero. Mula noon, umiwas na siya sa mga babae. He wasn't the 'happy ever after kind of guy', he was just a 'once upon a time' kind of guy. He didn't do relationship. He was very busy to bother with women. For him, they were just nuisance.
"Magiging maayos ang daddy mo, anak," wika ng ina niya na pumukaw sa pag-iisip niya. "Makikita mo, bukas, magigising na siya."
"Hindi kasi siya nakikinig sa akin, e," naiinis na aniya. "Sinabi ng huwag na magtrabaho—"
"Alam mo naman kung bakit nagta-trabaho ang ama mo, diba? Gusto niyang makakuha ng hospital na may may naitayo nang pangalan, at yon ang dahilan kung bakit gusto niyang makuha mula pa noon ang Romero's Chain of Hospitals.
Napatiim-bagang siya. "Hindi pa ba sapat ang Wolkzbin Enterprise?"
Napabuntong-hinga ang ina niya. "Anak, isang doctor ang ama mo. You know what happens when he get obsess over something. He wanted to manage a hospital ever since pero dahil siya ang tagapagmana ng Wolkzbin, wala siyag nagawa. Ngayong ikaw na ang namamahala sa negosyo ng pamilya, gusto naman niyang ang pangarap niya ang matupad. He is friends with Kalem Romero at ayon sa ama mo, nag-uumpisa ng malugi ang kompanya nila. Kaya nagta-trabaho ang ama mo para kumita ng pera para maisalba ang kompanya ng kaibigan niya. Ayaw niyang gumamit ng pera na galing sa Wolkzbin Enterprise. Gusto niya yung pinaghirapan niya. Kapag nagawa niya iyon, kalahati ng chain of hospitals ng mga Romero ay magiging pag-aari ng ama mo. Iyon ang kasunduan nila ni Kalem." Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "Hindi mangyayari ito kung nagpakasal ka kay Krisz Romero noon."
Not this again!
Tumayo siya. "Sa cafeteria lang ako, mommy." Ayaw niyang makipagtalo sa ina niya.
Nang makarating sa cafeteria ng hospital, umorder siya ng dalawang basong brewed coffee to wake him up. Kailangan pa niyang pumasok sa opisina dahil may board meeting siya ngayon.
Habang sumisimsim ng kape, napatingin siya sa relong pambisig. It was already four A.M. in the morning. Ibig sabihin mga hapon ngayon sa Pilipinas.
Kinuha niya ang cell phone at tinawagan si Zapanta. Out of coverage ang loko. Sinunod niyang tinawagan si Lander. Voice mail message ang sumagot sa kanya.
This is the most handsome man on earth, Lander Storm. If you hear this, meaning I'm busy having sex. Ciao. In English, bye. The line died.
Napailing-iling siya at tinawagan si Vergara. Thankfully, he answered after the first ring.
"I'm bored, Wolkzbin," anito ng sagutin ang tawag.
Pinaikot niya ang mga mata. "Ano naman ang gusto mo, kantahan kita?"
"Puwede? Ako ang magtotono, sayo ang lyrics. Go! Tanananananan—"
"Gago." Medyo nabawasan na ang pagkairita na nararamdaman niya. "May problema ako."
Mahinang tumawa ang kausap. "Sa katulad mo, dalawa lang ang problema. Either it's a woman or family. Which of the two?"
Isinandal niya ang likod sa upuan. "Both."
"Then, you are in dire danger, my friend," ani na tumatawa. "Anong gagawin mo ngayon?"
"Magpapakamatay," walang buhay ang boses niyang tugon.
"Gusto mo bigyan kita ng kadena? Bigti ba. Para dramatic at may thrill ang pagkamatay mo," sagot nito.
Itinirik niya ang mga mata. "Wala kang kuwentang kausap."
"Mr. Wolkzbin, I beg to disagree. Hindi mo ba alam na according sa isang business magazine, I'm worth a billion."
Train rolled his eyes again. "And I am worth a trillion," sniya sa bored na boses. "Dahil sa magazine na iyon, makikidnap tayo nito."
Natawa si Vergara. "Dahil sa magazine na iyon, mas dumami ang mga babaeng naghahabol sa akin."
Napailing-iling siya. "At sinamantala mo naman?"
Naging walang buhay ang boses ni Vergara. "Nah. Nabo-bore na rin ako mambabae, e. I just want to find the perfect woman and settle down."
Napasipol siya sa sinabi nito. "What did you do to the real Iuhence Vergara?"
Natawa ang nasa kabilang linya. "Gago. Teka, ano ngayon ang gagawin mo sa problema mo?"
"Kailangan ko munang makausap ang ama ko. And then—"
"Train! Your father!" Anang boses ng ina niya na nagpa-panic.
"I got to go." Hindi na niya hinintay na makasagot ang nasa kabilang linya. Kaagad na pinatay niya ang tawag.
Mabilis siyang tumakbo patungo sa ICU.
Naningkit sa galit ang mga mata niya ng makitang nagpipilit na tumayo ang ama niya. Hindi lang iyon, pinagtatanggal nito ang mga tobo na nakakabit sa katawan nito.
"Dad! To chto ad vy delayete?!" Sigaw niya na ikinatigil ng ama niya.
Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "I n-need to g-get out. I n-need to daddy-work." Nahihirapan ito sa pagsasalita.
Ihinilamos niya ang kamay sa mukha. "Dad! Ostonovit'!" He shouted in Russian. It meant stop. "You don't need to work. Damn it! We are already well off!"
"N-No." Umiling ito. "I—daddy-have t-to—"
"No." Pinilit niya itong humiga sa kama . "Dad, stop it. Okay?"
Umiling ang ama niya. "Hospital—need it. Help—Romero. Marry her—daughter..."
Mariin niyang ipinikit ang nga mata. "No. I will invest in their company so it will rise again, but I'm not gonna marry her."
"M-Marry her!"
"No!"
Ipinikit nito ang mga mata at umaktong natutulog. Alam niyang ayaw siya nitong kausapin. Naiinis na hinilamos niya ang kamay sa mukha. Ano ba ang mayroon sa babaeng iyon para pilitin siya ng ama niya? Argh!
"Fix him up!" Train shouted at the nurses and left the ICU.
KRISZ was worn out when she entered their house. Kagagaling lang niya sa isa sa mga hospital na pag-aari nila. Habang nagmamaneho pauwi, tumawag ang matalik niyang kaibigan na kinulit at kinulit siya sa telepono. Palibhasa nagmamaneho ito ay madali itong ma bored. Wala itong pakialam sa babala na bawal gumamit ng cellphone kapag nagmamaneho.
Pagkapasok niya sa bahay nila, naabutan niya ang ama sa sala na may kausap sa telepono. Ang ina naman niya ay nasa tabi nito. Kasabay no'n ang pagbaba ng telepono.
"Hey, mom." Hinalikan niya ang ina sa pisngi. "Hey, Dad." Nilapitan niya ang ama at hinalikan ito sa pisngi. "Good evening po."
"Ginabi ka na naman," ani ng ama.
"Maraming pasyente, e," sagot niya.
"Ganoon ba. Magpahinga ka na," ani ng ina niya.
"Okay po."
Nasa hagdanan na sana siya ng marinig na nagsalita ang ama niya.
"Mr. Wolkzbin is in the hospital. Na-heart attack siya." Malungkot ang boses ng ama niya.
"Sana maging okay siya," anang ina niya. "Ipagdarasal ko ang mabilis niyang paggaling."
Hindi siya nagsalita at nagtuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat sa hagdan. Nang makapasok sa kaniyang kuwarto, napatingala siya sa kisame at malakas na napabuntong-hinga.
Ang daming problema sa hospital, pati na rin ang ibang branch nila. Hindi lang kakulangan sa pondo ang problema niya kundi pati na rin sa mga namamahala ng bawat branch.
Pinagkatiwala sa kaniya ng kaniyang ama ang pamamahala sa business nila pero unti-unti, sa paglipas ng panahon na hawak niya iyon ay nalulugi sila. Hindi niya kayang sabihin sa kaniyang ama na nagsara na ang dalawang branch ng hospital nila sa probinsiya. Ang alam lang ng kaniyang ama ay nalulugi sila. Natatakot siya sa magiging reaksiyon nito. Lalo na ngayong may sakit ito sa puso. Ayaw niyang mapahamak ito dahil sa kapalpakan niya.
Kasalanan niya kung bakit nalulugi ang mga hospitals niala. Hindi naging maayos ang pamamahala niya. Paano magiging maayos na kulang sa pondo, kulang sila ng kagamitan at gustuhin man nila ay kulang ang pera nila para makabili ng mga high-tech na gamit sa paggagamot.
Kung mas nakumbensi pa sana niya noon si Train Wolkzbin na pakasalan siya, sana nasagip niya ang Hospital. Kaya naman sa paglipas ng mga taon, nakabuo siya ng plano sa kaniyang isip. At iyon ayuang kausapin muli si Train Wolkzbin. Kailangan niya ang tulong nito. Naniniwala siya na maisasalba ang hospitals nila kung tutulungan siya nito.
Pero paano?
Ang tagal naman kasi nitong bumalik sa Pilipinas. Balita niya ay dalawang taon na itong hindi bumabalik sa Pilipinas. The minute his feet touched the Philippine soil, she would seek him again. Hindi siya magpapa-apekto sa pang-iinsulto nito noon.
Ngayon niya kailangan na kailangan ang tulong ng mga Wolkzbin. Kakapalan na niya ang kaniyang mukha. Para ito sa mga taong nagta-trabaho sa hospitals nila at para sa ama niya na siyang nagsikap noon na palaguin ang business nila.
She needed Train Wolkzbin to save her family's company. Kaya kailangan niya itong makita. Kailangan niya itong makausap. Gagawin niya ang lahat maisalba lang ang nalulugi nilang kompanya.
IT WAS a cold day in Russia when Train decided to return to the Philippines after two years. Na-miss niya ang bansang 'yon. Hindi narin niya nabibisita ang Wolkzbin Technologies na itinayo siya sa Pilipinas. Pero may pinagkakatiwalaan naman siyang tao na namamahala roon habang wala siya.
Unlike some billionaire, he didn't like flying in his private jet. Mas gusto niyang sumakay sa public plane dahil marami siyang nakikilalang mga tao. Sixteen hours and biyahe niya mula Russia pagkatapos ay mag-i-stop over sa Hongkong, and then sa Pilipinas na.
Nasa ICU pa rin ang ama niya. Gising na ito at medyo maayos na ang lagay pero kahit ganoon binilin niya sa ina niya na huwag muna itong palalabasin sa hospital. Alam niyang magta-trabaho na naman ito habang wala siya.
Itong pag-uwi niya sa Pilipinas ay dahil kailangan niyang makausap si Mr. Kalem Romero.
INUNAT ni Train ang mga braso ng lumapag ang sinasakyang eroplano sa AirJem Airport. Nang makalabas sa Airport, kaagad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa LaCars Garage and Racetrack na pag-aari ni Lander Storm. This man owned lots of Business that had something to do with vehicles. LaCars Garage and Racetrack, LaCars Import and Export and LaCars Auto shop.
"Yow, how's it going?" Sigaw niya ng makapasok sa garahe.
"Train!" Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa labi ni Lander ng makita siya at tinapik ang braso niya. "Damn, man! Two years kang hindi umuwi rito sa Pilipinas. Kumusta?"
"Heto, gwapo pa rin?" Ngumisi siya. "Ikaw, kumusta?"
"Ayos lang din. Heto, mas gwapo pa sayo."
Napailing-iling siya. "Anyway, where's my baby?"
Nakangiting umiling-iling si Lander at tinuro ang sasakyan na may takip. "There's your baby. As promise, inalagaan ko siyang mabuti."
Mas lumapad ang ngiti niya. "Thanks man."
Naglakad siya palapit sa sasakyan niya at tinanggal ang takip. Napasipol siya ng makita ang pinakamamahal niyang Cadillac. It looked good as new.
"Nice. Parang hindi dalawang taon na nakaburo."
Tumabi sa kanya ng tayo si Lander at tumingin sa sasakyan niya. "Car wash once a week and I drive it from time to time around the racetrack."
"Thanks, bud," aniya.
Pareho silang napalingon ni Lander ng may tumigil na sasakyan sa likuran nila. It was a Porsche. Its door opened and Lath Coleman stepped out from car. Nasabi niyang si Lath ito at hindi ang kakambal nitong si Lash dahil fan na fan ang binata sa sunglasses at naka-sunglasses ang lumabas sa kotse.
May tumigil na Dodge Viper sa likod lang ng sasakyan ni Lath at lumabas doon ang kakambal nitong si Lash. Or was it Lath? Naka-sunglasses rin kasi ang lalaki.
Ngumisi ang dalawa ng makita siya.
"Who's who?" Tanong kaagad niya ng lumapit ang dalawa sa kanya.
"Holy hell, bud." He and Lath—at least he thought it was Lath— shook hands. "Kumusta ka na, pare? By the way, I'm Lath, the handsome one."
Thanks God, nagpakilala ito.
Nang maghiwalay ang kamay nila ni Lath, si Lash naman ang nakipag-kamay sa kanya.
"Hi. Kumusta? I'm Lash, the gorgeous," ani Lash na walang emosyon ang mukha.
"I'm good," sagot niya at ngumiti. "Kayo? Still racing, I see."
Nagkibit balikat ito. "We're bored."
Napailing-iling siya. "You should be in your cruise ship, working."
Lath rolled his eyes. "Yeah, right. Our cruise ship can travel without us. Hindi naman yata namin hawak ang makina ng cruise ship namin."
"Ewan ko sa inyong magkambal." Naiiling na aniya. "Anyway, let's catch up later. May pupuntahan pa ako e."
"Cool, bud. Bye," Sabay na sabi ng kambal.
"Kung saan ka man pupunta, good luck," wika ni Lath. "Mukhang importante ang pupuntahan mo." Tinuro nito ang Cadillac niya. "Pati sasakyan mo naka-porma, e."
May nanunuksong ngiti na gumuhit sa mga labi ni Lash. "Aha! Manliligaw ka 'no?"
Train rolled his eyes. "Aalis na ako."
Tinapik muna niya ang balikat ni Lander bago sumakay sa Cadillac niya at pinaharurot iyon patungo sa bahay ng mga Romero.
Pagkalipas ng mahigit dalawampong minuto, nakarating siya sa bahay ng mga ito. Alam niya ang bahay ng mga Romero dahil minsan na siyang nakarating dito noong nag-birthday si Mr. Kalem Romero at imbitado siya walong taon na ang nakakaraan.
Huminga siya ng malalim bago pinindot ang doorbell.
After a minute, the door opened and a woman wearing a doctor's robe and a stethoscope around her neck stepped out from the house. Her hazel eyes were tantalizing and beguiling. Her nose was straight and pointed. Her lips were thin, sultry, and kissable. Her hair was a mixture of black and brown. She stood five seven in height and she was sexy as hell. She was Aphrodite and Helen of Troy personified. This woman possessed a dangerous beauty that rendered Train's capability to speak.
Krisz Romero...
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top