CHAPTER 1

CHAPTER 1

Zehannah chose to be single after what her break-up with Rommel and her stupidity with Reigo. And it had been nearly a year since then. It was not really a hard choice to make. She's happy with her life and contented with what she has. And as she always said, being single was peaceful.

Yes. Very peaceful that the only chaos in her life was her newlywed best friend, Cassia. Oo, ang halos walang muwang niyang kaibigan ay ikinasal na. Though it was not a marriage because of love, it was arranged. And her husband happened to be gay—well, according to Cassia, and Zehannah took it with a grain of salt.

Medyo kakaiba mag-isip si Cassia kaya hindi niya masyadong dinibdib ang sinabi nitong lalaki rin ang gusto ng asawa nito kahit pa nga alam niya ang rason kung bakit.

She's a believer of 'to see is to believe' kaya hanggang hindi niya nakikita ang asawa ni Cassia nang personal, hindi siya maniniwala sa kaibigan niyang may hangin yata ang utak.

Pero hindi lang naman si Cassia ang nagpapasakit ng ulo niya. Pati na rin ang mga magulang niya na hindi niya maintindihan kung bakit ayaw ng mga ito tanggapin ang allowance na palagi niyang binibigay sa mga ito buwan-buwan.

At ang mas lalong nagpapasakit sa ulo niya, nalaman niyang ang allowance pala na binibigay niya sa mga ito simula ng makapagtrabaho siya ay inilagay lang ng mga ito sa bangko at hindi ginalaw. At ngayon nga, nasa condo niya ang mga magulang niya para ibalik sa kaniya ang pera na palagi niyang ibinibigay sa mga ito.

"'Nak, hindi naman namin kailangan ng Papa mo ang pera na 'to." Ang tinutukoy nito ay ang passbook na nasa ibabaw ng center table sa sala kung nasaan sila. "May negosyo naman kami. Komportable naman ang buhay namin. Bakit hindi mo na lang ipasok ang pera sa account mo para may mahugot ka kapag kailangan mo ng pera."

Nagpapadyak si Zehannah. "Papi naman, e! Binigay ko 'yan sa inyo. I am not taking it back."

"Paano 'yan, hindi rin namin tatanggapin 'yan?" anang Papa niya na natatawa sa pagpapadyak niya. "Ang dami mo nang naitulong sa 'min, Zehan. Napalago na namin ang puhunan na ibinigay mo sa 'min noon. Saka ilang taon pa bago mag-retire ang Papi mo sa university bilang professor. We're doing well, Zehan."

Tumango ang Papi niya. "Very well, so stop worrying, okay? Your Papa is good at managing the business, and we're both living a comfortable life."

Napasimangot na lang si Zehannah dahil alam niyang wala siyang masasabi na makakapagpabago sa isip ng mga magulang niya.

Her fathers, Daniel and Cameron, were both amazing, after all, and they loved her so much. Hindi itinago ng dalawa sa kaniya na ampon siya. Ipinaliwanag ng mga ito kung bakit dalawa ang papa niya sa murang edad kaya madali niyang natanggap ang sitwasyon niya noon. Pero dahil na rin 'yon sa sobrang pagmamahal sa kaniya ng Papi at Papa niya. Hindi man sila magkadugo pero ang mga ito ang tinuturing niyang pamilya.

Her Papi Dan and Papa Cam loved her so much that they dedicated their lives to raising her, an abandoned child. Iniwan siya ng ina niya sa Papi niya ilang buwan pagkatapos siyang ipanganak. Magkaibigan ang dalawa kaya pumayag ang Papi niya na noon ay kakasimula pa lang ng relasyon nito sa Papa niya. Pumunta ng ibang bansa ang ina niya para magtrabaho at nangakong magpapadala ng pera kay Papi para sa kaniya pero parang naglaho na lang na parang bula ang ina niya. Hanggang ngayon, wala silang balita at hindi rin naman siya interesado.

Kaya mula noon, si Papi na at Papa niya ang nag-alaga sa kaniya. Sabi ng Papa niya, siya raw ang naging dahilan kung bakit mas naging matibay ang pagsamama ng mga ito kahit pa nga ang daming nanghuhusga sa relasyon ng mga ito noon.

Though she was an abandoned child, she didn't have a bitter view in life. Maybe because she had an amazing upbringing. Her fathers loved her so much that she didn't need her biological mother's love. For her, her Papi and Papa were enough. Nag-uumapaw ang pagmamahal ng mga magulang niya sa kaniya kaya gusto niyang suklian 'yon sa abot ng makakaya niya.

"Just take it and keep it," anang Papi niya. "Baka kailanganin mo in the near future."

Nakasimangot pa rin si Zehan kaya naman lumipat ng upuan sina Dan at Cameron at pinagitnaan si Zehan sa mahabang sofa.

"Tingnan mo ang anak natin, mahal. Nakasimangot. Papangit ka niyan, sige ka."

Her Papa chuckled before kissing her temple. "Stop worrying about us. Nakikita mo naman, 'di ba? Maayos ang kalagayan namin ng Papi mo."

"I know, but..." Zehannah's shoulder fell. "I just want to help and give back."

"You already did."

"Pero kulang pa 'yon sa pagmamahal at pag-aalaga niyo sa 'kin."

Her Papi flicked the tip of her nose. "Sino'ng may sabing kailangan mong suklian ang pag-aalaga namin sa 'yo? Sapat na sa 'min na lumaki kang mabuting anak."

Nakasimangot pa rin si Zehan. "Kahit wala akong jowa?"

Natawa ang Papa niya. "Kahit wala kang jowa, ayos lang."

"Kahit wala akong asawa? Kahit malapit nang lumampas ang edad ko sa kalendaryo? Kahit manang na ako?"

Pinisil ng Papi niya ang pisngi niya. "Ang importante sa 'min ay masaya ka. At anong manang? Look at you." Inilagay ng Papi niya ang kamay nito sa baba niya na para bang pinagmamalaki ang mukha niya. "Fresh na fresh pa ang Zehannah ko. Kung sino man ang tumawag sa 'yong manang, hambalusin mo. Utos ko."

Napailing si Cameron sa kapareha. "Dahil sa 'yo kaya naging basagulera itong anak natin."

"Kaysa namin api-apihin siya? Hindi ako makakapayag!"

Cameron sighed and shook his head. "Sabi ko nga."

Naiiyak na natatawa na yumakap si Zehannah sa mga magulang niya. She had become a strong, independent woman because of her amazing parents. They raised her that way. They raised her to be confident.

"Pero 'nak, wala ka talagang jowa ngayon? Ayaw mo talagang mag-boyfriend?"

Zehannah sighed and leaned back on the sofa. "I'm just not feeling it, Papi. Ewan kung bakit. Nawalan ako bigla ng gana na makipag-date kasi alam ko naman ang ending n'on. Either they'll break up with me because I don't want to marry them or they'll cheat on me. 'Yon lang 'yon."

Napabuntonghininga ang Papa niya saka kinurot ang pisngi niya. "I know why you don't want to marry, but it still baffles me that you feel that way."

"Hindi naman kasi basehan ang kasal para magtagal ang pagsasama." Iminuwestra ni Zehannah ang mga kamay sa mga magulang niya. "Look at you two. You're not married and people always say bad things about your relationship, but you're still together and proving me right."

Ang Papi niya ang sunod na napabuntonghininga. "'Nak, kung legal lang ang same-sex marriage rito sa bansa natin, nagpakasal na kami."

"Precisely. And you're still together, even after all these years," may diing sagot ni Zehannah. "And it's so scary to get married these days. Iba na ang panahon ngayon, Papi. Cheating is so rampant these days that no one gets shocked anymore. Imagine being married to a cheater with no way out? Napakamahal ng annulment at napakahaba ng proseso kung wala kang koneksiyon. Hindi lang 'yon, paano kung nananakit ang mapangasawa ko? Paano kung impyerno pala ang magiging buhay ko sa kaniya?"

Napailing si Cameron sa pinagsasasabi ng anak. "Zehan, wala namang pumapasok sa relasyon na 'yan ang iniisip. They enter a relationship with dreams of being together forever."

Zehannah snorted. "Yeah. And when that didn't work out? What happens next? Hindi lahat ng kinasal, masaya."

"Hindi rin naman lahat ng kinasal ay miserable," her Papa countered.

"Enough you two." Kaagad na namagitan si Dan sa mag-ama. "Cameron, love, don't argue with Zehan. You know how she is."

Cam sighed at Dan and looked at their daughter. "Zehan, why don't you open your mind to marriage a little—"

"Nope. No way, Papa."

Dan silently shook his head at his partner, signaling him to stop. Dan knew how stubborn their daughter was.

Cam sighed and kissed Zehannah's forehead. "Fine. Hindi na kita pipilitin."

Kaagad na napangiti si Zehannah at niyakap ang Papi at Papa niya saka umalis sa sofa, kinuha ang passbook sa center table, at nakapamaywang na humarap sa mga magulang. "Okay. Let's have dinner together. My treat."

Dan and Cameron smiled.

"Saang restaurant mo kami dadalhin, 'nak?" tanong ni Dan. "I know some high-end restaurant... want my recommendation?"

Cameron chuckled, seeing his partner coercing their daughter into taking them into a high-end restaurant.

"Ang mamahal ng pagkain sa mga 'yon, Papi. Tapos ang liliit pa ng serving. May turo-turo sa kabilang block ng condo ko. Masarap ang pagkain do'n, mura pa."

Bumagsak ang balikat ni Dan. "Sabi ko nga. Sa turo-turo."

Mahinang natawa si Cameron saka inakbayan ang kapareha at ang anak. "Come on. Kumain na tayo. Kahit naman saan, basta magkakasama tayo, masarap palagi ang pagkain."

That made Zehannah smile. Her fathers were really amazing. But still... she didn't take them to a high-end restaurant. It's just too expensive. But she took them to a good one with amazing food and service just below her condo.

Tulad ng sabi ng Papa niya, kahit saan, basta magkakasama sila, masarap ang pagkain.

And Zehannah believed that too.



MALAPIT LANG ANG condo ni Zehannah sa kompanya na pinagtatrabahuan kaya naman may karapatan siyang hindi gumising nang maaga. Pero alas-singko pa lang ng umaga, mulat na mulat na ang mga mata niya.

Groaning, she left her bed and readied for work.

Just like yesterday, it was a simple, uneventful day at work. She's a marketing supervisor in her best friend's parents' company, but the funniest thing was, her position was higher than Cassia's.

Masakit sa ulo ang pamilya ng kaibigan niya kaya naman sinisiguro niya palagi na available siya kapag kailangan ng kausap ni Cassia. She knew what Cassia had been through and the trauma it had left behind. Kahit masakit din sa ulo minsan si Cassia dahil sa pag-iisip nitong hindi niya maintindihan minsan, hinahayaan na niya.

Tulad na lang ngayon na nasa canteen sila. Tahimik ito at nakatulala sa hangin. Hindi 'yon gawain ni Cassia na palaging bukambibig ang asawa nito kaya naman pilit niyang ginigising ang isip nito na wala siyang ideya kung nasaan.

"Hello. Earth to Cassia!" Zehannah kept snapping her fingers in front of Cassia's face which had been having a conference with the air. "Cassia... Cassia! Cassia...!"

Sa wakas, napakurap-kurap din ito at nagtatanong na tumingin sa kaniya. "What?"

Malakas siyang napabuntonghininga saka kunot ang noong tinanong ito. "Nasaang planeta ka ba? Kanina ka pa nakatulala riyan."

Bumuntonghininga ang kaibigan saka uminom ng tubig na para bang pinaghahandaan ang susunod nitong sasabihin. "I met my husband's boyfriend last night."

Hindi napigilan ni Zehannah ang mapasinghap. Since the two got married, Zehannah knew the real score between them because Cassia made it her mission to tell her everything. Yes. Everything. Cassia didn't know what too much information meant.

"OMG!" Nasapo pa ni Zehannah ang bibig sa gulat. "Girl, nakaka-shook ba?"

Parang wala sa sariling tumango si Cassia. "He's so handsome up close that I felt so small." Sinapo nito ang pisngi na parang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. "I was so nervous last night. I think they were arguing, Zehan. Is it because of me? I don't want to cause trouble. Thorn has been really nice to me."

Hindi maiwasan ni Zehannah na makaramdam ng awa sa kaibigan dahil sa sitwasyon nito. "Hay, mabait nga ang napangasawa mo, pero sobrang nakaloloka naman ang set-up niyo. Anyway, pinakilala ka ba niya or tinago ka?"

"Pinakilala," pabulong na sagot ni Cassia na para bang hindi ito makapaniwala.

"Tapos?" Kung kailan gusto niyang malaman ang pangyayari, saka naman pabitin ang kuwento ni Cassia. "Anyare, girl?" Zehannah was getting impatient. "Ano'ng pangalan ng jowa ng asawa mo?"

Bumuntonghininga si Cassia. "Reigo Vasquez. See? Pangalan pa lang, guwapo na, Zehan. As in, ang guwapo niya."

Palihim na natigilan si Zehannah sa narinig. Reigo Vasquez? How could she forget that name? But... gay? I doubt it. Must be a different Reigo Vasquez from the one she knew. Marami naman ang magkakapangalan sa mundo. Yeah. Must be. It's just so impossible for that guy who made me sore all over to be gay.

Napabuntonghininga na lang si Zehannah sa laman ng isip niya saka ibinalik ang atensiyon sa kaibigan. "Cass, ganiyan na talaga ang panahon ngayon. Ang guwapo, guwapo rin ang hanap."

Tumango si Cassia saka unti-unting humaba ang nguso.

"Oh, anyare sa 'yo?" tanong niya nang makita ang nguso ng kaibigan. "Bakit parang hinang-hina ka riyan? Para namang hindi mo alam ang tunay na katauhan ng asawa mo bago mo siya pinakasalan. 'Di ba nga, sabi mo pa, susuportahan mo kung ano'ng gusto niya? Heto na 'yon."

Nagbaba ng tingin si Cassia. "Hindi ko nga rin alam ba't ako nagkakaganito. Pagkatapos akong ipakilala ni Thorn kay Reigo, pumunta sila ng kusina. I can hear them arguing. I can't make out the words, but I knew they were arguing. After that, Reigo stormed out of the kitchen and I was so guilty, so I spoke to Reigo to clear everything up. I apologized for accepting the marriage and I told him that I will support his relationship with Thorn."

Oh! A development! Parang nanonood si Zehannah ng pelikula. "What did he say?"

"Reigo seemed shocked. His anger disappeared, and then he went back to the kitchen while I went upstairs to rest."

"That was intense."

Tumango si Cassia. "Super intense. Pero sa tingin ko, nagkaayos na sila. Kaninang umaga, bago ako pumasok sa opisina, nakasalubong ko sa gate si Reigo at nagpasalamat siya sa 'kin. Nakangiti pa nga siya kaya sa tingin ko, maayos na sila."

Napatitig si Zehannah sa kaibigan saka huminga nang malalim. "Cass, girl, ang intense ng married life mo." The reason I didn't want to marry.

A faint smile appeared on Cassia's lips. "But I'm actually enjoying my married life. My husband is nice, he treats me well, he cooks really well, and I'm not his type, so I'm happy."

Zehannah was not buying what Cassia was selling. She didn't seem happy to Zehannah. "Sure ka na masaya ka? Because your face looked sad from where I'm sitting."

Tumango si Cassia saka ngumiti. "Yes, I'm happy."

Hindi na nakipag-argumento pa si Zehannah sa kaibigan pero hindi siya naniniwala na masaya si Cassia. Zehanna had known Cassia since they were in college, so she knew when Cassia was genuinely happy or not. And something was telling her—a gut feeling—that her best friend was not as happy as she claimed to be.

Naputol ang pag-iisip ni Zehannah nang tumuon ang mga mata niya sa daliri ng kaibigan. "Binili ng asawa mo?"

That was the only explanation. It was, after all, a beautiful engagement and wedding ring.

A genuine smile made its way to Cassia's lips before nodding. "He even bought me an engagement ring even though he doesn't really have to."

"It's pretty. Bagay sa 'yo. Your husband got taste."

Cassia nodded while caressing the rings on her finger. While Zehannah just shook her head while looking at her friend and thought if this continued, she's really gonna fall.

"Cass, don't forget that your husband is gay, okay?" seryosong paalala ni Zehannah sa kaibigan. Baka makalimutan nito iyon at masaktan ito. Masakit lang sa ulo si Cassia pero hindi niya gustong makita itong nasasaktan.

Kinunotan siya ng noo ni Cassia. "Bakit ko naman makalilimutan 'yon? I saw them, remember?"

"Just a fair warning. Anyway, kailan mo ipakikilala sa 'kin ang asawa mo? Kailangan ko siyang pasalamatan sa pagiging mabait sa 'yo."

Cassia's smile was back on her lips. "Soon."

"Okay. Asahan ko 'yan."

Iinom sana ng tubig si Zehannah nang bigla na lang inanunsiyo ng kaibigan na late na sila. Siyempre, sabay silang tumakbo palabas ng canteen at patungong elevator para bumalik sa kaniya-kaniyang trabaho.

Ang bagal ng oras kapag nasa trabaho na gusto nang maglupasay ni Zehannah kasi gusto na niyang umuwi.

Gusto niyang mag-Netflix and chill nang mag-isa. Oo. Mag-isa! Wala namang nagsabi na kailangan may kalandian para ma-enjoy niya ang Netflix at makapag-chill siya.

Thankfully, her office hour finally came to an end, and she went home. Nauna na siya kay Cassia dahil may sasakyan ito habang siya naman ay maglalakad lang. Malapit lang naman ang condo niya at hindi na ganoon kainit ang araw. Sayang sa gas kung dadalhin niya ang sasakyan niya sa trabaho.

When she arrived at her condo, she took a quick bath, changed clothes, and went to the supermarket to buy groceries. Her stock of food was running low.

After the supermarket, Zehannah went around looking for something sweet. Mayroon namang mga café at cake shop malapit sa condo niya pero palagi na lang iyon ang kinakain niya. Nananawa na siya.

So she went looking for a new café. Some were too luxurious, and some were not her vibe. An hour later of looking, she finally came across a cozy looking one by the road.

Bitter Sweet Café.

From the outside, it was cozy looking and when she went inside, it surprised her how warm it looked and felt.

Definitely my scene. Sana masarap ang pagkain nila rito. Zehannah was really hoping for that as she walked towards the counter.

Zehannah was looking at the cake near the counter, deciding to herself what to buy, even debating to herself how many she should buy when she felt someone staring at her. So she turned her head to the side, and in front of the cashier stood a man who was looking at her in shell shock.

She should be shell-shocked too, but she's Zehannah-freaking-Sevil. Poker face was her middle name.

She returned her attention to the cakes, picked four different slices of cake, paid for them, left the café, and drove away with her car.

She did not panic. Did not stutter. Did not falter. Nor did she make a fool of herself in front of Reigo Vasquez.

Yes. That was him. Her drunken, stupid mistake. Reigo Vasquez. After nearly a year... damn. Guwapo pa rin ang gago. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top