CHAPTER 4
CHAPTER 4
'Good morning, Boss. Can't work today. I'm busy.' Same text message from Knight for four days now. Apat na araw nang hindi ito pumapasok at nagpapadala lang ng text sa kaniya. Gusto niyang intindihin ang binata pero ang café naman niya ang nahihirapan.
To: Knight V.
Good afternoon, Knight. Kung hanggang bukas ay hindi ka pa rin makakapasok, sorry pero kailangan na kitang palitan. I need another waiter in the café since Juls is taking care of the deliveries. If you can't come tomorrow, fell free to drop by for your compensation.
SM hit send.
Ibinalik niya ang cellphone sa bag saka inilabas sa oven ang cake na ginawa niya. Iniwan niya muna iyon sa lamesa para palamigin saka lumabas siya ng opisina niya para tumulong.
Since Knight is not here, she'd been helping out especially in lunch time. Pero ganun na lang ang gulat niya ng makita si Knight na nagsi-serve ng pagkain sa mga costumers nila.
Why is he here? Akala ko ba hindi siya papasok?
Lumapit siya kay Monet. "Kanina pa ba si Knight?
"Ngayon-ngayon lang, Boss." Sagot ni Monet. "Nakita siya ni Juls sa labas na papadaan kaya hinabol ni Juls."
"Ah..."
Natigilan siya ng lumapit si Knight sa counter dahil may nagpapadagdag ng order. He still has emotionless expression on his face, but what stunned her was her reaction when he looked at her and didn't smile like he used to.
Sanay siyang palagi itong may ngiti para sa kaniya pero... bakit ngayon wala?
And why did she feel bad all of the sudden? There's a twitch of sadness on her chest.
SM shook her head like she's shaking the sadness she's feeling away. "Knight." Tawag niya sa pangalan ng binata.
Kaagad naman siyang tiningnan ng binata. "Yes?"
Lumapit siya rito para magtanong. "Ilang araw ka ring hindi pumasok. Ayos ka lang ba?"
He stared at her for a long minute. "Yeah. I'm fine. Why do you ask?"
SM froze. His voice... it's kind of different today. Standing this close to him, there's something different on his tone. Come to think of it... he smells different too... he feels different. The way he looked at her is different... his hair is a little bit lighter than his usual brown hair...
Did he coloured it again?
Itinaas niya ang kamay para haplusin ang buhok ng kaharap.
He saw him stiffened.
"Sorry." Nakangiwing sabi niya saka napatitig sa kamay niya.
Is it just me or his hair feels different when I was caressing his hair that night? Naaalala niya kung anong pakiramdam niyon dahil hinaplos niya ang buhok ng binata hanggang sa makatulog siya.
This man... everything seems different.
Is it possible that... can't be...
"By the way, kumusta na ang paggawa mo ng masarap na kape?" Tanong niya sa binata habang nakatingin sa mukha nito, "sinunod mo ba yong sinabi ko kung ilang beans ang gagamitin para maging masarap 'yon?"
"Yeah. The coffee is good."
Bahagyan siyang natigilan sa sagot nito kapagkuwan ay ngumiti. "I'm glad. Sige, balik ka na sa trabaho. Don't tire yourself."
The Knight in front of her smile. "Sure thing."
Nang bumalik na ito sa pagta-trabaho, wala sa sariling nakapatitig siya sa binata.
The Knight she knew— who called her to ask about the coffee— would know that she used coffee powder when he asked how she made his coffee.
Huminga siya ng malalim saka napailing. This is messed up.
He didn't know Knight has a twin. How else can she explain this?
Kaya siguro hindi ito ngumiti sa kaniya ng makita siya, hindi katulad ni Knight na palaging may ngiti para sa kaniya kasi hindi naman siya nito kilala.
It's either Knight has a twin or her mind was just playing tricks on her.
Though whatever it is... it's still none of her business.
Hanggat maayos ang trabaho ng mga ito sa Club niya, labas na siya sa personal na buhay ni Knight. Kung ano man 'yon.
But this is still messed up! Kung kambal man ito ni Knight, bakit ito ang nagta-trabaho para sa kakambal nito?
Is Knight okay?
Bumuga siya ng marahas na hininga.
Why is she worried of him all the time?
Bumuga na naman siya ng marahas na hininga. Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Si Knight na lang palagi ang laman ng isip niya.
Is that even normal? Nope. Not normal. Even she, herself, knew it's not normal to think of a single person the whole goddamn day!
Umupo siya sa swivel chair niya saka isinandal ang katawan sa likod ng kinauupaan.
Ipinikit niya ang mga mata para sana ipahinga iyon ng biglang pumasok sa isip niya ang nagkalat na sariling dugo sa sahig.
Kaagad siyang nagmulat at mabilis na tumayo saka itinaas ang damit para tingnan sa salamin ang likod niya kung dumudugo 'yon tulad ng nasa isip niya.
SM calmed down a little when she saw her back. No blood. Just a year old scars.
Nanghihina ang kamay na ibinaba niya ang damit saka napatingin siya sa sarili sa salamin.
She can see fear, agony, weariness and sorrow in her eyes through the mirror.
Kumuyom ang kamao niya. "Don't worry..." Mama. Papa. "This won't break me. I won't let them break me."
Tumulo ang isang butil nang luha sa mga mata niya pero kaagad niya iyon tinuyo. No used crying. It can't bring back her parents.
Naglakad siya pabalik sa mesa niya ng tumunog ang cellphone niyang naroon sa ibabaw.
"Hello?" Aniya ng sagutin ang tawag.
"SM, pasensiya na," ang Abogado iyon na may hawak sa kaso ng mga magulang niya. "I tried everything but they won't approve the appeal unless we have an evidence in our hands."
Sumakit bigla ang ulo niya. "Hintayin mo ang tawag ko. Titingnan ko kung anong magagawa ko."
"Sige."
Nang magpaalam ang abogado, tinawagan niya ang kapitan niya sa PNP nuong nasa serbisyo pa siya.
"Hello, Captain. Si SM 'to."
"SM!" He sounded glad to hear from her. "Kumusta ka na? Totoo ba 'yong narinig ko na may-ari ka na raw ng Café ngayon?"
She smiled. "Yes, Cap."
"That's nice." He chuckled then he went silent. "I'll assume you call about your parent's case?"
"Yes, Captain."
Capt. Sanford sighed. "I'm doing everything I can, but the higher-ups won't let me re-open the case for thorough investigation. Alam kong nangako akong gagawin ko ang lahat, pero wala pa rin akong nagagawa. It's been more than a year already."
Bumagsak ang balikat niya pero ngumiti pa rin siya. "Mas mahalaga sa 'kin na hindi mo pa rin sinusukuan ang kaso ng mga magulang ko, Cap. Alam kong hindi rin ito madali para sa 'yo." Aniya.
"I promise you, didn't i?" He blows a loud breath. "Hindi ako susuko. It's my fault that it happened to you—"
"It's not." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. "We both know it's not so stop blaming yourself, Captain."
"Can't help it." He whispered in a low worried voice, "how are you really? And don't lie to me. I had enough with your 'I'm fine'."
Mapait siyang ngumiti. "Takot pa rin ako sa dilim pero, medyo kaya ko naman na. I still have anxiety attacks but it's not as often as before, only when I'm having nightmares. I told you when I was in the Hospital, didn't i? I won't let what happened break me. I'm stronger than that, Cap."
"I'm still worried."
"Don't be." Saway niya rito. "May naisip ka bang ibang paraan para mabuksan ang kaso ulit? May maitutulong ba ako?"
"Leave it to me." Sagot nito. "I have a connection in the higher up. We're just waiting for the right moment to move. Just wait a little longer, okay?"
"Yes, Cap." Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. "Salamat."
"Don't mention it." Wika nito. "I have to hang up now. Duty calls."
Napangiti siya. "Ingat, Cap."
"Ikaw din."
Magaan ang pakiramdam na pinatay ni SM ang tawag. Maasahan talaga niya ang superior niya nuong nasa serbisyo pa siya.
Capt. Khairro Sanford.
Hanggang ngayon, sinisisi pa rin pala nito ang sarili dahil kasama niya ito nang mangyari 'yon sa kaniya. Ang dahilan kung bakit nawala siya sa serbisyo.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga saka napangiti ng makitang tumatawag ang matalik niyang kaibigan.
"Hey." Kaagad na sabi niya ng sagutin ang tawag.
"Don't hey me!" Inis na sabi ni Eli sa kaniya. "When was the last time we hanged out? Huh?"
Napangiti siya. "A month ago? Pareho tayong busy e."
"Whatever." Eli tsked. "I'm coming over later. Anong gusto mong kainin? I won't take no for an answer."
"Lots of carbs." Nakangiting sabi niya.
"Got it." She sounded excited. "Though baka ma-late ako ng kaunti. Ang batugan kong boss, wala na naman dito sa opisina. Ako na naman ang gagawa ng mga trabaho niya."
Mahina siyang natawa, "hindi ka pa nasanay diyan sa boss mo. Sige na. Magtrabaho ka na."
"Okay. Bye!"
"Bye."
Nang mawala ang nasa kabilang linya, ibinalik niya sa inilabas niyang cake kanina sa oven ang atensiyon. Malamig na 'yon kaya naman inumpisahan niyang disenyuhan 'yon ayon sa gusto ng umorder.
Hindi namalayan ni SM ang paglipas ng oras habang nagta-trabaho. Nang tumingin siya sa wall clock, nagulat na lang siya na gabi na pala.
Shit! She has a bonding date with Eli!
Lumabas siya ng opisina niya at nagulat nang makita ang kahera niya. Ito na lang ang naroon.
"Monet, nandito ka pa?" Umiinom ito ng tubig, "umuwi ka na. Ako na ang magsasara."
"Hinintay lang talaga kitang lumabas, boss. Pinauna ko na sila Knight, Juls at Josh na umuwi." Nakangiting sabi sa kaniya ni Monet, "Sige, boss, mauna na ako. Ingat."
Tumango siya saka hinintay itong makalabas bago ini-lock ang pinto ng café saka bumalik sa opisina niya para magligpit na rin ng gamit.
Pagkatapos maayos ang mga dapat ayusin, lumabas na siya ng café niya at isinara 'yon. Pero ang pinto palang ang inila-lock niya ng may maramdamang presensiya sa likod niya.
Kaagad na kumuyom ang kamao niya at handa nang protektahan ang sarili ng magsalita ang nasa likuran niya.
"You're going home late again." Anang boses na nasa likuran niya.
Namilog ang mga mata niya at nakangiting humarap sa nagsalita. "Knight!"
SM was so happy to see Knight after four days that she hugged him tight. He feels the same this tine, smells the same and even his voice was the same.
Na-realize lang niya ang ginawa ng maramdaman niyang nanigas ang binata sa kinatatayuan.
"Sorry." Kaagad niyang binigyang distansiya ang mga katawan nila. "I was just happy to see you. It's been four days. Kumusta ka na?"
Sa halip na sagutin ang tanong niya, inisang hakbang nito ang pagitang binigay niya sa isa't-isa saka ipinalibot nito ang mga braso sa beywang niya.
Then he whispered on her ear, "I missed you too, boss."
Her heart skips a beat, stunning her.
She stilled. What the...
Hindi pa rin normal ang tibok ng puso niya ng pakawalan siya ni Knight sa pagkakayakap at ito na ang nagpatuloy sa pagsasara ng café niya.
"Hatid na kita." Kapagkuwan ay sabi nito ng humarap ulit sa kaniya.
SM was still stunned at how her heart reacted that she couldn't move.
Knight blinked at her. "What, boss?"
Napakurap-kurap siya, "n-nothing..." then she changed the topic, "by the way, bakit apat na araw kang hindi pumasok?"
"Anong ibig mong sabihin?" Kinunotan siya ng noo ni Knight, "pumasok ako kanina, 'di ba?"
"No, you didn't." Mabilis niyang sabi.
"Yes, I did." He was convincing alright. "Kung hindi ako 'yon, sino kung ganun?"
Napatitig siya sa mukha ni Knight. Alam niyang ibang tao ang Knight kanina. Hindi nito alam ang pinag-usapan nila ni Knight sa cellphone ng tumawag ito.
She's sure that it wasn't Knight. So why is he pretending that it was him?
Ayaw ba nitong malaman na may kakambal ito?
"Never mind." Was all she said. It's none of her business anyway.
MAS LALONG NAGULUHAN si Knight sa sinagot sa kaniya ni SM. Never mind? What does she mean by that? After saying it wasn't him, she would just say never mind?!
Nakikita niya sa kislap ng mga mata nito na may alam itong hindi niya alam. He was trained to read people... and at that very moment. He can read her.
She knew something.
Midnight was there, working as him! Hindi niya alam kung bakit ito nasa café.
Nakita niya kanina ang paghaplos ni SM sa buhok ni Night. Ni minsan hindi siya nakaramdam ng galit sa kapatid kapag nagpapanggap itong siya— kahit sa harap pa ng mga kaibigan niya.
But earlier... it was his first time getting angry at Midnight for pretending to be him. In front of SM! Gusto niyang pumasok sa café kanina para itama ang maling akala ni SM na siya 'yon pero alam niyang gulo lang ang idudulot niyon.
Hindi man lang ba napansin ni SM na hindi siya 'yon?
Fuck! He's getting angry again!
No one can differentiate the two of them, even the people who knew Night's existence was having a hard time identifying them except their father, Orlando and Cloud.
But SM... he wanted her to see him, not to mistook him with someone else!
"What do you mean by never mind?" Tanong niya sa dalaga na kinukuha ang cellphone sa bag.
Ibinalik ni SM ang tingin sa kaniya. "Never mind means I understand."
Nagsalubong ang kilay niya. "Understand what?"
"Understand that maybe you don't want anyone knowing that you have an identical twin." Ani SM na parang wala lang saka naglakad na patungo sa Taxi niyang nakaparada.
While Knight was frozen in place, with wide eyes and parted lips, unable to move or react in shock. He didn't know what to say. Basta malalaki lang ang matang nakatitig siya kay SM na papasakay na sa taxi niya.
He was dumbstruck. Shocked. Stunned. Dazed. Dumbfounded.
But how?
How did this woman saw what other people didn't? How did she differentiate him from Midnight? How can she tell?
How?!
"SM!" Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa saka binuksan ang pinto ng passenger side na kasasara lang nito.
Gulat na napakurap-kurap sa kaniya si SM. "What?" Kumunot ang noo nito. "You looked like in panic. Ayos ka lang ba?"
"H-how?" His heart was pounding. "H-how— ahm— w-what... h-how can you differentiate me from— f-from—"
"Oh, that? You feel different." Sagot nito na para bang hindi iyon big deal. "You smell different too. At saka hindi siya ngumiti ng makita ako— I mean, palagi kang may ngiti para sa 'kin kapag nakikita kita."
Nakaawang lang ang mga labi niya kay SM habang nagpapaliwanag ito.
"Oh, and your voice sounds different too."
He stiffened. "My voice?"
Tumango si SM. "Yes. Para sa 'kin magkaiba ang boses niyong dalawa. Palagi kong pinakikinggan ng maigi ang boses mo kapag nagsasalita ka. It's because of your emotionless face when you speak, I have to rely on my hearing every time you say something so I can grasp what you're really feeling. My father taught me to read emotions based on voice tones."
Tumiim ang bagang niya. "It's still not enough proof that I have a twin. I don't have one." He lied with a straight face. Eye to eye.
"Knight," tumitig ito sa mga mata niya. "Seriously, I don't care if you're twins or triplets. And as a proof, I bait him you know?"
His eyes widen. She baited... Night? "How?"
"Tinanong ko siya tungkol sa coffee beans, kung sinunod ba niya 'yong sinabi ko kung ilang piraso ang gagamitin para masarap ang kape. Alam mo ba kung anong sinagot niya sa 'kin?"
Knight stayed silent. He knew that it wasn't coffee beans... it's coffee powder! That's what she told him over the phone.
So, this is how she caught Night.
"Sabi niya, oo, masarap ang kape niya." Ibinalik nito ang cellphone sa bag saka tumingin ulit sa kaniya. "Maybe you're lying that you don't have a twin for a reason— everyone has a reason for everything they do. Consciously and unconsciously. My father taught me that—"
This woman... why does she understand him? It bothers him.
"—Kaya sige lang, magsinungaling ka lang. I don't mind. I don't know why you're lying but I'll try to understand. Myself knows for a fact that I know the truth and that's enough for me—"
Why is she saying the words he wanted to hear from someone? Why?
"—Huwag kang mag-alala, wala akong pagsasabihang iba. If you wanna keep it a secret then I'll pretend that I didn't know it. And over all, it's really none of my business—"
He pressed his lips on hers, unable to stop himself. He stopped her words with his mouth, earning a small gasp from her and feeling how soft her lips were against his.
Tasting her lips made him hungry, tasting the sweetness of her tongue, made his body stiffened with desire to hold her close. He wanted to bite her lips, tease her tongue and sucked it inside his mouth... but he didn't do any of those.
He didn't want to scare her.
Instead... he slowly pulled away and whispered over her wet parted lips. "I'm not gonna say sorry for that."
Itinikom nito ang mga labi at matapang na sinalubong ang mga mata niya. "Hindi ko naman hinihingi ang sorry mo, paliwanag mo ang kailangan ko. Bakit mo ako hinalikan?"
"Because I feel like kissing you."
Nagdilim ang mukha nito saka malakas siyang sinikmura.
Napaubo siya at napaatras siya habang sapo-sapo ang tiyan na sinuntok nito.
Tiningnan siya nito ng masama. "Huwag kang basta-basta manghahalik sa ganiyang kababaw na dahilan." Malakas nitong isinara ang pinto ng passenger seat.
"Fuck!" Knight hissed. "That woman can throw a punch."
SM is stronger that he thought.
Sapo-sapo pa rin niya ang tiyan habang umiikot patungo sa driver's seat, nang makasakay siya, binuhay niya ang makina ng sasakyan bago bumaling sa katabi.
"That wasn't nice."
Tinaasan siya nito ng kilay. "Oh? Really? So, kissing me just because you feel like it wasn't rude?"
He stiffened then let out a loud breath. "Fine. Keep this in mind. The next time I kiss you, that's because I like you."
Tiningnan siya nito ng masama. "Knight, I'm a nice person but I have my limit. Huwag mo na akong hahalikan ulit kung ayaw mong sikmurain ulit kita. Wala akong pakialam kung sumasakit pa ang likod mo. Kissing someone without permission is downright disrespectful!"
He smiled at SM. "So, it's okay to kiss you again if I ask first?"
Deretso itong tumingin sa unahan ng sasakyan. "Huwag mo na akong hahalikan ulit. Period."
"You didn't like my kiss?" He asked while manoeuvring the car, "well, it's been a long time since I kiss someone—"
"That's TMI!"
Malakas siyang natawa. "Come on, boss, there's no such thing as too much information."
"Ewan ko sa 'yo."
"Boss?"
"Tigilan mo ako, Knight. Baka makalimutan kong mabait ako at sikmurain ulit kita." May pagbabanta sa boses nito.
Knight chuckled. "It's nice to rile you up once in a while. You're always calm. Akala ko hindi ka marunong magalit."
SM stayed silent.
"Boss?"
Hindi umimik si SM.
Lihim siyang natawa. "Did you blush when I kissed you?"
Awtomatikong tumama ang likod ng kamao ni SM sa tiyan niya. "I told you so."
Knight winched and laughed after. "Boss, just a heads up. Ayokong magulat ka. Bukas ng umaga, hahalikan kita ulit."
"Try and I'll fire you."
Why does he fell that it was an empty threat? "Sino namang ipapalit mo sa 'kin? Hindi ka na makakahanap ng waiter na kasing guwapo ko."
Natahimik si SM saka pabulong na nagsalita. "That's true. Guwapo ka nga."
Knight stopped breathing for a couple of seconds. That was a fucking compliment! "Thanks, boss. Magpapaguwapo pa ako para sa 'yo."
Nailing si SM at hindi na nagsalita hanggang sa makarating sila sa bahay nito.
Kumunot ang noo niya ng mapansing bukas ang ilaw sa loob ng bahay nito.
"May kasama ka pala sa bahay?" Tanong niya kay SM na inaalis ang seatbelt.
"Wala." Wika nito. "Baka si Eli 'yon. She has a key to my house."
He smiled. Relax, Knight. It's a 'she'.
"Huwag mo na akong bayaran." Sabi niya sa dalaga ng maglabas ito ng pera.
"Namamasada ka kaya dapat lang kitang bayaran." Nang hindi niya tinanggap ang bayad ay inilagay nito iyon sa dashboard saka binuksan nito ang passenger seat.
"G'night, boss." Sabi niya bago ito makalabas.
Akala niya iritado ito sa kaniya pero nilingon siya nito at nginitian.
"Goodnight din."
He smiled. "See you tomorrow."
"Make sure it's gonna be you tomorrow, okay?" Sabi nito bago pumasok sa gate ng bahay nito.
Mahina siyang natawa. Make sure that it's me?
Will I be enough this time?
Knight sighed before speeding away towards BV. Nang makarating sa bahay niya, kaagad siyang pumasok sa loob.
Sinalubong naman siya ni Cloud.
"Good evening, my Lord." Anito sabay yukod, "kumusta ang pamamasada? May kinita ka ba? Wala na tayong pagkain."
He looked at Cloud questioningly. "May pinambayad ka sa dalawang matanda at sa ibang tao sa Hospital ng ma-ospital ako tapos wala kang pera pambili ng pagkain natin?"
"Your father froze my account again, my Lord."
Napatigil siya sa paglalakad at kinuha ang pitaka sa bulsa ng pantalon saka ihinagis iyon kay Cloud. "Catch."
Nasalo naman iyon ng butler niya.
"My payment for the whole month as a DJ." Sabi niya saka naglakad patungo sa hagdanan. "Yan muna ang gamitin mo."
"Yes, my Lord."
Nagtatagis ang bagang na umakyat siya ng hagdanan.
His father always freezes his and Cloud's account whenever he's staying in the Philippines for more than two weeks. Gusto kasi nitong palipat-lipat siya ng bansa at tanging sa organisasyon lang nakatutok ang buo niyang atensiyon at wala nang iba.
And because his father closely monitors his financials and expenses, he has no means to hide money from him to used it when he's staying here in the country.
So, he has to work.
Sinasabi lang niya sa mga kaibigan niya na gusto niyang gawin 'yon— na gusto niyang maranasan 'yon. Pero ang totoo, ayaw lang niyang malaman ng mga ito ang totoo.
Yes, he can't eat his pride but— that's how he is. After all, he was taught that being proud is not a sin.
Tinulak niya pabukas ang pinto ng kuwarto niya saka pumasok.
"Mag-usap tayo." Sabi niya kay Night na naka-upo sa mahabang sofa at mag-isang naglalaro ng chess.
Night's eyes were glued on the chessboard. "Ano 'yon?"
"Bakit nasa Bitter Sweet Café ka?" Deretsahan niyang tanong sa kapatid saka umupo sa kaharap nitong pang-isahang sofa. "Did father sent you to keep tabs on me?"
Night moved his pawn, "it was an accident." Sagot nito. "Napagkamalan nila akong ikaw habang dumadaan ako."
Hinilot niya ang sentido. "Bakit nandito ka pa? Aren't you the boss of North America? This is my territory. Sa susunod na gumawa ka ng gulo sa teretoryo ko, paparu—"
"What?" Night cut him off before looking at him, "you'll whip me too?"
He stiffened.
Midnight sighed. "Your move."
"What?"
"The chess. Your move."
Bumaba ang tingin niya sa chess board.
Midnight wants to play. It made him happy. It's been a long time.
Gumalaw ang kamay niya para igalaw ang horse piece. "Done. You move."
Midnight's hand move dand they continued playing chess.
It's been a long time since they played chess together. Kahit pareho silang walang imik habang naglalaro, alam nilang pareho silang nag-i-enjoy sa paglalaro laban sa isa't-isa.
Then the game ended. Nanalo siya pero wala siyang maramdamang kasiyahan.
"Let's play again." Aya niya sa kapatid.
"Ayoko na." Umalis sa pagkakaupo sa sofa ang kapatid. "Napagod ako sa pagwi-waiter ngayong araw. Fuck..." padapa nitong ibinagsak ang katawan sa malambot ng kama. "I'm sleepy."
"Then sleep." Sabi niya saka tumayo na rin at naglakad patungo sa pinto. "If you need anything, I'll be next door."
Hindi umimik si Night kaya lumabas na siya at tumuloy sa kuwarto niya.
Deretso siyang pumasok sa banyo para maligo. Nang lumabas siya, nakatapi lang siya ng tuwalya. Kukuha sana siya ng damit ng makita niyang may nakahiga sa kama niya.
It's Midnight.
What is he doing here?
Mabilis siyang nagbihis saka nilapitan ang kapatid. "Night—"
"Hindi malamig ang aircon sa kuwarto ko." Sagot nito. "I'm sleeping here. Leave if you want."
Napangiti siya. Alam niyang hindi sira ang aircon sa kuwarto niya.
Maybe it's not too late to fix this mess... after all, he didn't break his promise.
But what if they made up and became close and his father would take him away again?
Kumuyom ang kamao niya. Mas mabuti na sigurong hindi sila magkabati at magkalapit ulit... sa ganun ay makita niya palagi ang kapatid at mabantayan kung anong pinaggagagawa nito. Para hindi na naman ito ilayo ng ama niya sa kaniya.
Maybe monitoring Midnight from a far is the best decision.
Inabot ng kamay niya ang buhok ng kapatid at ginulo 'yon.
Sorry, little brother. Mahina pa rin ang kuya mo. For now, this is the only thing I can do... to protect you, I have to stay away from you.
"I'll sleep in the other room." Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka tinalikuran ang kapatid at lumabas ng kuwarto.
Sorry, little brother.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top