CHAPTER 23


CHAPTER 23

"KNIGHT, baby," tawag ni SM kay Knight na nasa loob ng banyo at naliligo. He just came home from work— and work means it's bloody— literally and he needs to take a bath, "ang ingay ng cellphone mo. Panay ang tunog ng notification. Naiinis na ako."

"Open it!" Sagot naman ni Knight mula sa loob ng banyo.

Hindi nangingialam si SM sa cellphone ni Knight, ito ang unang beses na pakikialaman niya ang cellphone nito.

To her shock, it doesn't have a passcode.

Tumaas ang kilay niya. "Bakit walang passcode? Hmm..."

Balak niyang i-silent lang ang cellphone ni Knight pero aksidenteng napindot ng daliri niya ang chat message na bigla na lang lumabas sa itaas ng cellphone nito.

And she saw a group chat with a name: Jumbo Hotdog Club.

Kumunog ang noo niya. "What the hell..."

At hindi man niya gustuhin ay nabasa niya ang chat-chat ng mga tao sa loob. And everyone was tagging Knight.

Ymar Stroam: Ano na @Knight? May asawa ka na't lahat-lahat, hindi ka pa rin magpapa-barbecue na tang'na ka?

Phoenix Martinez: @Knight bakit ba sa tuwing nagbubukas ang ng group chat na 'to palagi kang may pasabog na bago?

Khairro Sanford: @Knight you're fucking married?! Isusumbong kita kay Sweet.

Doon siya natigilan. Khairro Sanford? As in the Captain?!

They know each other— no, it seems that they're friends!

Holy shit!

Calyx Vargaz: @Knight ano na, nasaan na ang BBQ at Beer?

Iuhence Vergara: @Knight Sinong nagbigay sa 'yo ng karapatan na hindi kami ilibre?

Train Wolkzbin: Kapag libre talaga lumalabas ang makakapal ang mukha. Hindi ko sinasabing kayo 'to @Iuhence @Calyx pero parang ganun na nga 🖕🏻

Thorn Calderon: 😏😏😏 someone put an ointment on the burnt area 🤣

Cali Sudalga: Baka naman pati ointment palibrehin pa ng dalawang 'yan?

Iuhence Vergara: 🙄🙄🙄 @Cali, wala akong utang sa 'yong gago ka. Wala kang karapatang pagsalitan ako ng ganiyan. How dare you 😡

Cali Sudalga: Anong wala @Iuhence? Nakalimutan mo na yong 20 pesos mong hiram na tang'na ka?

Valerian Volkzki: 😡 Bakit ba kapag nagbubukas ako sa group chat na 'to palaging may naniningil sa 'yo ng utang, ha, @Iuhence? Magbayad ka nang tang'na ka!

Iuhence Vergara: 😑😑😑 I hate you all.

Tyron Zapanta: @Iuhence my wife cooked a delicious steak. Come over with your fam.

Iuhence Vergara: 😍😍😍 I feel loved! I'm coming!!!

Titus Morgan: @President Gago ka rin. Mangingimbita ka si Iuhence lang? Ano kami, nanglilimos ng pagmamahal?! 🤬

Dark Montero: My wife is grilling korean meat. Wanna come?

Lath Coleman: See that ☝🏻 @President? Pa-steak-steak ka pang nalalaman tapos si Iuhence lang ang iimbitahan mo? 😡 Buti pa si Montero.

*** Train Wolkzbin removed Tyron Zapanta from the Group ***

Lander Storm: Serves you right you motherfucker! May pa-steak steak ka pang nalalamang tang'na ka!

*** Iuhence Vergara added Tyron Zapanta to the Group ***

Tyron Zapanta: @Train how dare you kicked me? 😡

Train Wolkzbin: @President 😛 who you? Wala akong kilalang madamot 😏

Tyron Zapanta: 🙄 fine, come to my house.

Titus Morgan: Anong tingin mo sa 'min nanglilimos ng pagmamahal?

Nate Moretti: @President 's wife makes great steak.

Titus Morgan: We're coming 😋 @Phoenix ihanda mo na ang Helicopter.

Phoenix Martinez: 👌

Valerian Volkzki: @Knight you coming?

Gusto niyang mag reply pero ayaw niyang mangialam kaya naman ibinalik na lang niya ang cellphone nito sa bedside table pagkatapos i-silent.

Nahiga siya sa kama saka napatitig sa kisame.

No wonder Knight is weird... he has weird friends as well.

Ipipikit sana niya ang mga mata ng ang cellphone naman niya ang tumunog.

It was a text message from an unknown number— no, not unknown. Ito ang numero na gamit ng ama niya.

'I told you to leave Knight and stay away from him. Why are you not listening to me? He's bad news!'

Humigpit ang hawak niya sa cellphone bago nag-reply sa ama niya.

'I'm not leaving him. I love him, Dad.'

Her father replied after a couple of minutes.

'He will be the death of you, Sweety.'

Iritadong kumuyom ang kamao niya at hindi na ni-replayan ang ama niya. Makikinig siya sa lahat ng sasabihin nito maliban na lang ang pag-iwan kay Knight.

She wanted to protect him at all cost, and she promise to stay by his side. At wala siyang balak na sirain ang pangakong 'yon!

"You okay, baby?" Tanong ni Knight na kalalabas lang ng banyo at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kaniya.

Tahimik siyang tumango.

Lumapit sa kaniya si Knight saka umupo sa kama, sa tabi niya. "Dry my hair?"

Kaagad naman siyang bumangon saka paharap na umupo sa mga hita ng kasintahan at tinuyo ang buhok nito gamit ang tuwalyang nakasabit sa balikat nito.

"You're not okay." Obserba ni Knight na nakatitig sa kaniya habang tinutuyo niya ang buhok nito. "I can read you, you know."

Tumigil siya sa pagtuyo sa buhok nito saka pinakatitigan ang kasintahan. "Mangako ka sa 'kin, Knight."

"Anong pangako?"

Masuyo niyang sinapo ang mukha nito, "mangako ka na hindi mo ako iiwan kahit na anong mangyari. Kahit magkagulo o kung ano pa man, huwag tayong bibitaw sa isa't-isa."

Knight gathered her in his arms and embrace her tightly, "Sweet Monday, my mind, my heart and my body can no longer tolerate your absence. With that, I don't think I have the strength to let you go. That's not happening."

Pinagsiklop niya ang kamay nilang dalawa ni Knight saka tumingin siya sa mga mata nito. "I promise— I'm not letting go either. Kahit anong sabihin sa 'kin ng ama ko, mananatili ako sa tabi mo."

Kumunot ang noo ni Knight, "did your father contacted you again? Sinabihan ka na namam ba niyang iwan ako?"

Tumango siya. "But don't worry... I'm not gonna do that."

Knight sighed heavily before burying his face on her neck, "thank you... for not leaving me. Thank you for letting me taste heaven and not shoving me back to hell again."

Niyakap ni SM si Knight saka hinalikan ito sa gilid ng nuo. "Enough with my father. May chat pala sa 'yo ang mga kaibigan mo. Pasensiya na, aksidente kong nabuksan."

"That's okay." Umayos ng upo si Knight saka inabot ang cellphone na nasa bedside table saka binasa ang chat ng mga kaibigan nito saka napailing at tumingin sa kaniya, "how about steak for dinner?"

Natigilan siya sa tanong ni Knight. Steak? Tyron Zapanta's wife steak?

"Isasama mo ako?" Gulat niyang tanong kay Knight kasi hindi niya inaasahang ipapakilala siya nito sa mga kaibigan nito.

"Yeah." Knight smiled, "I think it's about time you meet my friends."

That made her smile. "I wanna meet them too."

"Great." He dropped three sweet little kisses on her lips, "go change. Huwag ka masyadong magpaganda."

Natatawang umalis siya sa pagkakaupo sa hita nito saka tinungo ang closet— yes, nasa closet na ni Knight ang mga damit niya.

Simpleng kulay krema na off shoulder blouse, ripped blue jeans na pinaresan niya ng itim na scarf at kulay dilaw na loafers.

Nang humarap siya kay Knight, nameywang siya. "How do I look, baby?"

"Gorgeous." Kapagkuwan ay lumapit ito sa kaniya para ayusin ang scarf na suot na matatakpan ang mga balikat niya, "your shoulders are mine. I'm selfish when it comes to you, remember?"

Natawa na lang siya saka inayos ang scarf para kahit papaano ay matakpan ang balikat niya. "How about this?"

Knight grinned. "Perfect."

SM chuckled. "Okay na? Komportable ka na sa suot ko? Baka magselos ka na naman."

Knight smiled. "Just don't let other men touch you and I won't go beast mode."

Napailing na lang siya at akmang maglalakad na palabas ng kuwarto ng pigilan siya ni Knight sa pulsuhan.

"Wait."

Kaagad naman siyang humarap sa kasintahan. "Hmm?"

May kinuha ito sa bulsa at nagulat siya ng makitang singsing iyon.

Bahagyang umawang ang mga labi niya ng isuot nito iyon sa daliri niya.

"Knight..."

Knight smiled at her. "It's a promise ring."

"A promise ring?" Ulit niya. "Anong pangako?"

Inisahang hakbang ni Knight ang pagitan nilang dalawa saka hinalikan siya sa noo saka bumulong malapit sa tainga niya, "a promise that I'll marry you."

Pasimpleng nahigit ni SM ang hiningal habang ang puso niya na malakas at mabilis ang tibok. It's like she forgot how to breath for a couple of seconds because of what Knight said.

Napakurap-kurap siya, kapagkuwan ay unti-unti nang nakabawi sa pagkabigla saka napatitig siya sa mukha ng binata.

He was dead serious. His eyes say it all.

He kissed her forehead again. "Don't look so shock, baby. Ano sa tingin mo, hahayaan kitang makawala pa sa 'kin? Hell no. Sisiguraduhin kong hindi lang tayo boyfriend at girlfriend."

SM was still frozen while her heart throbbed and raced.

"I plan to make you my wife." Anito saka niyapos ang katawan niya at niyakap siya ng mahigpit. "I'm being selfish, remember? And this selfish man will do anything and everything just to keep you."

Pumalibot ang mga braso ni SM sa beywang ng binata saka mahigpit itong niyakap habang mariing nakapikit ang mga mata.

Hindi niya alam kung bakit naiiyak siya. Siguro dahil hindi lang niya inaasahan na ganun na pala kalayo ang plano ni Knight para sa kaniya— para sa kanila.

He kissed her temple. "Let's go eat some steak?"

Mahina siyang natawa saka kumawala ng yakap dito at hinalikan ito sa mga labi na kaagad naman nitong tinugon. At nang maghiwalay ang mga labi nila, nginitian nila ang isa't-isa.

"Let's go eat some steak." Aniya saka pinagsiklop ang kamay nilang dalawa.

Magkahawak kamay silang lumabas ni Knight ng kuwarto saka bumaba sa hagdanan. Naabutan nila sa salas si Jacques at Cloud na pinapalitan ang mga nasirang gamit ni Knight ng mabaliw ito nuong isang araw.

Kaagad na nalukot ang mukha ng Marquess ng makita si Knight.

Mukhang galit pa rin ito.

"Sa labas kami kakain." Sabi ni Knight na nakatingin kay Cloud. "Mag nuggets na lang kayo."

"Yes, my Lord." Kaagad na sabi ni Cloud.

Siya naman ang kumausap sa Marquess. "Kumain ka na rin kasama si Cloud. Have a fun dinner you two."

The two just grunted before returning to what they were doing.

Sila naman ni Knight ay lumabas ng bahay at naglakad lang patungo sa pupuntahan nila na mukhang nasa loob lang ng Village.

Hindi alam ni SM kung bakit nangingiti siya ng akbayan siya ni Knight habang naglalakad sila.

"What?" Knight asked, innocently.

"Wala naman." Nangingiting sagot niya. "Ito ang unang beses na inakbayan mo ako habang naglalakad tayo. Ayaw na ayaw ko noon ng ganito pero iba pala kapag ikaw, no?"

"Syempre naman." May pagmamalaking sabi ni Knight, "espesyal ako sa 'yo e."

"Espesyal— you mean abnoy ka?" Biro niya.

Tiningnan siya ng masama ni Knight. "I hate you— oh, no! I take it back. I don't hate you. Nagtatampo lang ako. How dare you call me abnoy."

Bibiruin pa sana niya ang kasintahan ng bigla itong kumaway sa magkasamang babae at lalaki na kalalabas lang ng bahay.

"Best friend!" Sigaw ni Knight dito.

It's Valerian Volkzki together with a woman. Kaagad na bumaba ang tingin niya sa daliri ng babae. May wedding ring itong suot.

Maybe Valerian's wife.

"Who you?" Kaagad na tanong ni Valerian kay Knight ng makalapit sila sa dalawa.

Kaagad na sumama ang mukha ni Knight. "Bakit tinatango mo ako, ha?"

Kumunot ang noo niya kay Knight. Tinatango? Did she hear it right?

Sumama naman ang mukha ni Valerian. "Anong tinatango? Baka tinatanggi ang ibig mong sabihing tang'na ka—"

"Val." Nananaway ang boses ng babaeng kasama nito. "Alam mo namang ayokong nagmumura ka 'di ba?"

Kaagad na lumambot ang mukha ni Valerian, "sorry, Mooncake. Itong gagong Espanyol kasi e—"

"Valerian!" Saway na naman ng asawa nito rito.

Valerian glared at Knight. "Lumayo ka nga sa 'kin. Ayaw kong makita ang pagmumukha ng may lahing mananakop."

SM looked at Valerian, shocked. Mananakop? Is he talking about the Philippine History?

Knight just stuck his tongue out at Valerian like a kid before introducing her to the couple. "Meet my girlfriend, soon to be wife, Sweet Monday Canja Lopez. She's amazing and just plain amazing. Baby, this is my best friend, Valerian Volkzki and his wife, Grace Oquendo-Volkzki."

Kaagad siyang nakipagkamay kay Grace. "Nice to meet you."

"Likewise." Grace smiled sweetly at her. "You're very pretty."

She smiled. "Thank you."

Natigilan siya ng inilapit pa talaga sa kaniya si Grace ang mukha nito at pinakatitigan siya. "Woah... ang hahaba ng pilik-mata mo. Your skin looks refined and soft. Ang ganda-ganda mo talaga."

Nakangiti lang siya habang pinupuri ni Grace. "You're beautiful too."

Grace just smiled.

Akmang ilalahad niya ang kamay kay Valerian ng tumaas ang dalawang kamay ng lalaki sa ere. "Don't bother. We don't shake hands with our friend's wives or girlfriend because there will be hell to pay."

"That's my best friend—"

"You're not even my friend." Inis na sabi ni Valerian kay Knight.

Pasimple siyang napangiwi. Looks like same feather flocks together. Both are weird.

"Sa bahay ba nila Tyron ang punta niyo?" Tanong ni Grace sa kanila ni Knight.

Si Knight ang sumagot. "Yep. Steak dinner."

"Doon din ang punta namin. Sabay na tayo." Ani Grace.

"Sure." Ani Knight saka inilang hakbang ang pagitan nito at si Valerian saka inakbayan nito ang kaibigan. "Best friend! Akala mo hindi ko napapansin na hindi mo na ako binibilhan ng cake? You're so mean!"

Inis na inalis ni Valerian ang pagkakaakbay ni Knight dito pero makulit ang kasintahan niya. Kahit bumilis ang paglalakad ni Valerian ay hinabol talaga nito si Valerian para akbayan at hingan ng cake.

Napailing naman si Grace. "Masanay ka na. Ganiyan talaga ang dalawang 'yan kapag magkasama. Mga baliw."

Magina siyang natawa. "Pansin ko nga." Knight looks happy though, she likes seeing him happy like this. "They're really best of friends, huh?"

Tumango si Grace. "Yang asawa ko, panay tanggi lang 'yan na hindi niya best friend si Knight pero kapag may problema naman si Knight, kaagad na dinadamayan ng asawa ko."

"That's so sweet." Aniya. Thank God Knight has a friend like Valerian.

Tinitigan na naman siya ni Grace habang naglalakad sila. "I like your eyes. This is the first time for me to see an amber eyes up close. It's like the color gold. They're really pretty."

Ngumiti lang siya. She got them from her father.

"Grace, stop staring at my baby." Narinig niyang sabi ni Knight habang pilit na inaakbayan nito si Valerian. "I know her eyes are very pretty but stop staring. She'll feel uncomfortable! Even I don't stare at her mesmerizing eyes."

"Don't you shout at my wife, Velasquez!" Valerian hissed at Knight.

"I'm not! I'm just explaining— ouch! Fuck! Stop punching me, Val— fuck!"

Mula sa pilit na pag-akbay ni Knight kay Valerian, ngayon ay naghahabulan na ang dalawa. Si Valerian ang humahabol habang tawa naman ng tawa ang kasintahan niya.

Such a kid.

Hanggang sa makarating sila sa bahay ng mag-asawang Tyron at Raine, naghahabulan pa rin at nagsusuntukan si Knight at Valerian.

SM knew that Knight was not taking Valerian seriously. He was holding back his punches. They're really best of friends.

Napailing na lang siya ng bumalik sa tabi niya si Knight saka pinagsiklop ang kamay nilang dalawa, nang hindi pa ito masiyahan ay inakbayan siya nito saka hinalik-halikan ang gilid ng noo niya na parang nanggigigil.

Napapangiti naman siya hanggang sa makapasok sila sa gate ng isang magarang bahay. Dumeretso sila sa may tabi ng swimming pool kung saan nanggagaling ang ingay na naririnig nila mula pa ng makapasok sila sa gate.

SM immediately saw Knight's friends— a bunch of handsome men drinking bear, some are eating steak and some are eating grilled meat.

Then her eyes settled on a big-boned woman grilling meat. May nakayakap ditong guwapong lalaki at hinahalik-halikan ang balikat ng babae.

Aww... they look so sweet.

Naputol ang pagmamasid niya ng makita ang Doktora na sumuri sa kaniya ng magkasakit siya.

Nag-init ng pisngi niya ng magtama ang mga mata nila.

Kaagad itong ngumiti sa kaniya saka kumaway at malakas ang boses na nagsalita. "Everyone," tinuro siya nito, "that's Knight's wife!"

Sa sinabing 'yon ng Doktora ay dinumog siya ng mga kalalakihang naroon at nagkaniya-kaniya ng pakilala sa kaniya. Si Knight naman ay hindi maipinta ang mukha pero kahit papaano ay hindi ito nagselos dahil umiwas talaga siyang makipagkamay.

"Sorry," hingi niya ng tawad sa mga nagpapakilala sa kaniya. "No handshake. Knight is a very jealous man."

"Yes, I am!" May pagmamalaki pa na sabi ng loko saka inakbayan siya, "Guys, ladies and gentlemen, this is my woman, my person, my baby, my Sweet Monday Canja Lopez. SM for short. And don't you dare touch her if you still like your hands attached to your arms."

His friends tsked then the man named Phoenix asked her. "Bakit mo pinatulan ang sintu-sinto na 'yan? Hindi mo ba alam na baliw siya? Imi-mental na nga namin 'yan, e."

Tumango ang lalaking nagpakilalang si Titus Morgan. "Dahil sa sobrang kakakain ng cake kaya mami-mental na siya."

"Tapos deretso sa Ospital kasi diabetic na." Tumatawang dagdag ni Calyx Vargaz.

"Tapos the end na si Knight Velasquez." Pang-aasar ni Cali dito.

But Knight was just smiling and laughing. Napangiti na lang siya dahil masaya siyang makita si Knight na nakikipagbiruan at tumatawa.

But somehow, she can see, deep down, in the depths of his eyes, he's sad. She can tell that something's bothering him even though he was smiling and joking with his friends.

Pasimple siyang yumakap sa binata at bumulong sa tainga nito. "You okay, baby?"

Napatingin sa kaniya si Knight habang nakangiti. "You know me too well."

She smiled. "Of course, you're my baby."

"Mi reina..." he kissed her forehead, "I was just thinking of something. Don't worry."

"Steak— second serving— is now ready!" Anang lalaki na nakilala niyang si Tyron Zapanta na asawa ni Raine.

At ang babae namang naggi-grilled ng karne ay Anniza ang pangalan at ang nakayakap dito ay ang asawa nitong si Dark.

"Hey!" Humaba ang nguso ni Anniza nang ilapag nito ang inihaw na karne ay naubos kaagad. "Ang tatakaw niyo talaga!" Sumama ang mukha nito, "magtira nga kayo sa hindi pa nakakakain."

Tumawa lang si Evren Yilmaz. "First come, first serve ang batas namin."

Dinuro naman ito ni Anniza ng hawak nitong stainless clamp, "ikaw kaya ang ihawin ko?"

Humalukipkip si Evren. "Try and I'll sue you."

Tiningnan ito ng masama ni Anniza, "no grilled meat for you, Attorney."

Namilog naman ang mat ani Evren. "That's not fair. I'm not gonna sue you anymore, Anniza. Give me some meat, damn it!"

"Don't damn it my wife, Yilmaz!" Singal naman ni Dark kay Evren at patuloy na nagsagutan ang dalawa.

Siya naman ay nakikinig at nagmamasid lang habang kumakain.

"Kumain ka pa." ani Raine na asawa ni Tyron na nilagyan pa siya ng isang steak sa pinggan.

"Salamat." Nakangiting sabi niya.

Raine smiled. "Welcome."

Then Raine's husband— Tyron— got Knight attention. "Velasquez, welcome to underStanding Club. May you rest in peace, motherfucker."

Pinakita lang ni Knight sa mga kaibigan nito ang gitna nitong daliri saka pinagpatuloy ang paghiwa ng steak para sa kaniya.

Biglang tumayo si Iuhence at itinaas sa ere ang beer nitong hawak. "Cheers, lunatics! Binata na si Knight. May love life na siya! Yehey!"

Tumayo naman lahat ng mga lalaking naroon saka nagkaniya-kaniyang taas ng hawak na bote ng beer.

"Cheers!" Sabay-sabay na sabi ng mga ito.

"Cheers sa sintu-sinto nating kaibigan na ngayon ay marunong nang gumamit ng emoticons!" Ani Beckett Furrer.

"We're so proud of you, Velasquez." Nang-aasar na sabi ni Ream.

"So proud of you, Velasquez." Umaakto pang umiiyak si Lysander. "The emojis are freaking happy for you, bud."

Knight pouted. "Val, naririnig mo sila, they're bullying me!"

Valerian just show his middle finger at Knight. "Fuck off, Spaniard."

Sa kaniya humarap si Knight, "baby, they're bullying me!"

Napatingin sa kaniya lahat ng kaibigan ni Knight na naroon na ikinatigil niya kapagkuwan ay matamis siyang ngumiti. "Please, stop bullying him?"

Ymar murmured. "Pasalamat ka mabait ang asawa mo sa panaginip."

"Iwan mo na 'yan." Sabi sa kaniya ni Phoenix, "mauubusan ka ng dugo sa kakaintindi sa kabaliwan niyan."

Mabilis na pinulot ni Knight ang malapit na tinidor saka ibinato 'yon kay Phoenix na madali nitong nailagan.

"Are you trying to kill me?" Phoenix glared at Knight.

Knight smirked. "Yes. I am."

"Fuck you!"

"You're welcome, a-hole!"

"YOLO!" Biglang sigaw ng pamilyar ma boses mula sa pinto ng kusina ng bahay at lumabas doon so Capt. Sanford na may hawak na beer sa magkabilang kamay. "WOLO!!!"

"Pagpasensiyahan mo na ang isang 'yan," ani Lysander sabay turo kay Capt. Sanford, "hindi siya duty ngayon kaya inaatake ng kabaliwan. Mamaya magkaka-epilepsy na 'yan. Stay tuned."

Napatigil ang pagsigaw ng WOLO ni Capt Sanford ng makita siya. "Sweet! What are you doing here—" naputol ang pagsasalita ni Khairro ng tumayo si Knight habang hawak ang Stainless clam na ginamit kanina ni Raine para hawakan ang steak.

"Wanna use the grave I made for you?" Matalim ang mga matang tanong ni Knight kay Khairro.

"Don't wanna!" Sigaw ni Khairro saka tumakbo pabalik sa loob ng kabahayan. "911! A crazy motherfucker is after me!"

Siya naman ay pasimpleng hinilot ang sentido.

This is one noisy and crazy steak dinner.

Pasimple siyang umalis sa kinauupuan niya ng makitang hinabol ni Knight si Capt. Sanford saka lumipat sa pabilog na mesa kung saan naroon ang mga asawa ng kalahati ng kalalakihan na naroon.

They're sipping champagne as they watch the men in their life being crazy ass kids.

Vienna sighed. "Kids."

Raine chuckled. "Mas isip bata pa sila sa anak ko."

Krisz nodded. "Agree."

Nangalumbana si Faith, "sana inihaw na lang ni Anniza ang asawa ko. Ang ingay e."

Hindi niya mapigilan ang natawa kasama ang mga kababaehang naroon. Tama naman kasi ang mga ito. Mga isip bata talaga halos lahat ng lalaki na naroon.

"Alam niyo 'yong kaya naman naming kumain ng steak sa Baguio pero kailangan pa naming pumunta rito kasi libre raw." Ani Red na asawa ni Phoenix.

Mace tsked. "Parang mga patay gutom ang mga baliw. Parang mga walang perang pambili ng steak."

"Alam niyo naman kapag libre," sabad ni Etheyl, "ang mga asawa natin, sinasapian ng kabaliwan."

Mhelanie sighed. "Minsan nga hindi ko na alam kung anong itatawag ko sa asawa ko. Kuripot ba o sadyang may sayad lang talaga siya?"

Grace smiled. "Buti na lang si Valerian ko mura lang ang problema ko." Then Grace looked at her, "ikaw, SM, anong problema mo kay Knight?"

"Ahm..." kinagat niya ang pang-ibabang labi, "he's a baby most of the time?"

Halos lahat ng babaeng naroon ay sabay-sabay na nagsabi ng 'same'.

Kapagkuwan ay biglang tumili si Dra. Czarina. "Those babies can also make babies, so it's okay. Anyways, sino rito ang may asawang magaling sa kainan?"

Lahat tumaas ang kamay maliban sa kanila ni Grace na nagkatinginan pa.

"Hindi naman matakaw ang Valerian ko." Ano Grace.

Czarina glared at Grace. "Kainan as in magaling kumain doon sa ibaba!"

Kaagad na namula ang pisngi ni Grace saka nagtaas ito ng kamay. Kaagad din siyang nagtaas ng kamay.

Doc. Czarina grinned. "Nice! Buti naman pareho-pareho tayo na may jowa na magagaling sa kama, sa sofa at sa iba pang parte ng bahay."

Natawa siya kay Czarina at napailing. Medyo napapansin niya na walang filter ang bibig nito kung magsalita na ikinakatawa nilang lahat.

"Anyways," ang Doktora ulit iyon, "sino ang nakasubok na rito sa loob ng kotse?"

Halos kalahati sa kababaehang naroon ay nag-angat ng kamay, kasama na si Grace.

Czarina narrowed her eyes at her. "Girl, subukan mo. Titirik ang mata mo."

Pigil niya ang matawa saka tumango.

"Good!" Pumalakpak pa si Czarina saka napatigil ito sa pagsasalita ng may yumapos sa beywang nito mula sa likuran saka pinatayo ito.

It was Ymar. Czarina's husband.

"Ikaw na naman ang bida." Ymar tsked. "I told you to put a filter in your mouth once in a while."

Czarina just stuck her tongue out at her husband. "This is me... take it or leave it."

Ymar kissed Czarina on the lips before saying, "I'll take it all the way."

"Good."

At naghalikan ang dalawa sa harapan nilang lahat. At mukhang nainggit ang lahat kasi nagkaniya-kaniya ang mga itong lapit sa asawa saka naglambing.

And it made her turn her head at Knight who's staring at her as well. Sa halip na siya ang lumapit, senenyasan niya itong ito ang lumapit sa kaniya na kaagad naman nitong ginawa.

Umupo si Knight sa tabi niya saka pinalipat niya nito ng upo sa mga hita nito.

Sinuklay niya ang buhok nito gamit ang mga daliri, "you have crazy friends."

Knight chuckled. "Yep."

Bumaba sa pisngi nito ang kamay niya saka hinaplos ang pisngi nito. "You look sad earlier. Are you okay?"

Napangiti si Knight. "Hindi talaga nakakatakas sa 'yo lahat ng emosyon ko."

"Because I'm over sensitive when it comes to you." Aniya. "I always pay attention, that's why I know when you're sad or happy."

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Knight. "I like that— that you're over sensitive and you pay attention when it comes to me." He buried his face on her neck, "palagi naman akong ganito kapag magkakasama kami. I'm happy at the same time sad because they don't know the real me. I hate pretending in front of them, but I have to, in order to keep them safe."

Hinaplos niya ulit ang buhok ng kasintahan. "You're a good friend, Knight. Siguro darating din ang araw na makikilala nila ang tunay na ikaw. Someday, you'll be free to do whatever you want."

Knight looked at her. "And you're still by my side when that happens, right?"

Nakangiting tumango siya saka tumingin sa gawi na nag-iingay.

It's Tyron Zapanta, the owner of the house. "Mukhang kompleto tayong lahat— maliban kay Baltazar na natabunan na ng strawberry, ang kambal na Coleman at ang mandurugas na nasa cruise— na nandito dahil libre ang pagkain at alam kong mga busog na kayong mga gago kayo, kaya maglaro tayo. Pampatunaw."

"No thanks." Ani Capt. Sanford. "Natunawan na ako kanina ng habulin ako ni Velasquez. Nag-CR na nga ako e. Ganun siya kabilis natunaw."

Knight immediately showed his middle finger at Capt. Sanford.

Napangiwi siya. Mukhang hindi niya talaga dapat na ipaalam kay Knight na naging crush niya noon si Capt. Sanford. Siguradong sasabog si Knight.

I better keep it to myself.

"E di huwag kang sumali." Sabad ni Pierce Muller.

"Fuck you, Muller." Kaagad na sagot ni Capt. Sanford na ikinailing niya.

Capt. Sanford was always formal at work, she didn't know that he has this side of him. It's weird hearing him cussed.

Nagtaas ng kamay si Thorn para kunin ang atensiyon ng lahat. "Anong laro?"

"Ayoko ng pambata." Sabad ni Titus. "Please mag-isip kayo ng matino."

Sunod na nagtaas ng kamay ay si Iuhence, ang asawa ni Mhelanie. "Musical Chairs!"

"That's for kids!" Kaagad na reklamo ni Titus.

Pabirong sinabunutan naman ito ng asawa nitong si Mace. "Bakit nagiinarte ka? Mas isip bata ka pa nga keysa sa anak natin."

Titus just pouted.

"Oo nga." Sabad ni Czarina, "tutal mga isip bata naman kayo, 'yan na lang ang laruin niyo. Tapos manonood kami kung gaano kayo kababaliw. Okay?"

Reigo Vasquez raised his hand. "If it's musical chair, where's the music?"

Tyron grinned before entering his house and when he came back, he has this huge speaker with him. "It's a bluetooth speaker."

Knight raised his hand. "What's a bluetooth speaker? Is it the same as the bluetooth earphone?"

Natawa siya ng batuhin ni Valerian ng buto ng steak si Knight. "Inaatake ka na naman ng kabaliwan mong tang'na ka!"

Kaagad na tiningnan ng masama ni Knight si Valerian. "I'm just asking! Meany!"

Lihim siyang napailing at natawa. May napapansin siya. Alam niyang magaling magTagalog si Knight pero kanina, namali ang Tagalog nito na tinama ni Valerian at ngayon naman ay nagtatanong ito ng kung ano ang bluetooth.

Now she gets it. This is the crazy side of Knight that he only gets to be with his friends. Sa tingin niya sinasadya talaga nitong magbaliw-baliwan... o sinasadya nga ba?

Pinakatitigan niya ang kasintahan.

Hmm... he's crazy even without his friends so therefore she concludes that her boyfriend is a crazy weird ass person.

Knight stared at her. "What?"

Ngumiti siya. "Nothing." Tinuro niya ang mga upuan na sinasalansan ng pabilog ng mga kaibigan ni Knight. "Sumali ka, ha? Make me laugh, okay, baby?"

Knight flex his arm muscle, "for my baby. I'll win."

Tumayo na ito saka lumapit sa mga kaibigan nito habang silang mga kababaehan naman ay nagkumpulan sa pabilog na mesa at sila ang may kontrol kung anong kanta ang patutugtugin at kung kailan 'yon patitigilin.

"Me first!" Wika ni Raine, "ako naman ang unang nag-asawa sa 'ting lahat dito."

Lahat naman sumangayon.

As the men take their position, they keep threatening each other.

"Ano bang premyo nito?" Tanong ni Dark. "Effort 'to."

"May take home ng steak saka grilled korean meat." Sagot ni Tyron.

"Hell, yeah! Mananalo ako!" Sigaw ni Calyx.

"No. I'll win! It's take home!" Sabad ni Iuhence.

"Nix," tawag ni Titus kay Phoenix na katabi lang nito, "let's take these motherfuckers down and take home that steak and grilled korean meat. Pulutan natin mamaya."

"Okay." Nakangiting sabi ni Phoenix.

And finally, it starts.

Raine picked the song Despacito. At nagkaniya-kaniyang sayaw ang mga loko-loko habang umiikot sa mga upuan. May paikot-ikot pa ang beywang ng mga ito habang nagtatawanan. At habang tumatagal ang kanta ay naggigitgitan na ang mga kasali sa laro.

And when the music stopped, tulakan ang mga loko makaupo lang.

"You kicked me!" Sigaw ni Khairro kay Knight.

Knight showed Khairro his middle finger. "That's called mad skills that you don't have. Wanna see the grave I made for you?"

"Fuck you!"

"My turn!" Ani Czarina saka PONY ang pinili nitong kanta.

She knows because she watched Magic Mike. At hindi nila napigilang mga babae na matawa ng sumayaw na parang mga macho dancer ang mga naglalaro.

Lalo na nang pumasok ang chorus ng kanta.

'If you're horny, let's do it, ride it, my pony,

My saddle's waitin, come and jump on it,

If you're horny, let's do it, ride it, my pony,

My saddle's waitin, come and jump on it.'

"Infairness," ani Ruth na asawa ni Beckett, "they can dance."

Pare-pareho silang tumango.

Then the music stopped.

Nagulat na lang sila ng bigla na lang itinulak ni Lander si Ymar para makaupo ito.

Ymar shook his head, "animals."

Lander replied with, "rawr."

"Ako naman." Nakangiting sabi ni Faith saka pinili ang kantang Dura.

Mahina natawa si SM ng magkantahan ang mga kalalakihang naglalaro habang umiikot. Lalo na si Knight na bigay na bigay sa pagkanta at naka-akbay pa kay Valerian na nakabusangot ang mukha.

And when the music stopped, Knight kicked Calyx for Valerian to have a chair.

"Cheater!" Singhal ni Calyx kay Knight.

Tumawa lang ang kasintahan niya.

And the game continued. Isa-isang natalo ang mga naglalaro hanggang sa lima na lang ang natira.

Knight, Phoenix, Titus, Nate and Valerian.

And it was her turn to pick the music.

"Baby," sigaw ni Knight sa kaniya, "I believe in you. You're my good luck charm."

Kaagad namang inasar si Knight ng mga kaibigan nito.

"Binata na ang sintu-sinto natin!" Sigawan ng mga kaibigan nito.

Knight just grinned. "What can I say, I treasure my baby. Now, let's play! Hit it, mi reina! I feel like dancing tonight!"

Nangingiting pinatugtog niya ang kantang careless whisper.

Tawa sila ng tawa ng makitang sumasayaw si Knight na para na namang macho dancer, walang pakialam kung may mauna sa upuan habang ang iba ay seryosong naglalaro.

May pagiling-giling pang nalalaman ang kasintahan niyang baliw.

Kaya naman tinigil niya ang tugtog.

Knight was far away from the chairs, but he still managed to snatch one by having a hand to hand combat against Nate.

Knight grinned when he won.

Napailing naman si Nate. "Hindi ako makapaniwalang nakipaglaban siya sa 'kin para sa isang upuan."

While Knight was grinning and shouting. "Can't spell Awesome without ME!"

Napangiwi si SM. Siya ang nahihiya para kay Knight.

And the game continued. Only three remaining chairs for four people. And Knight, Titus and Phoenix fought when the music stop.

Hindi alam ni SM kung musical chair pa rin ba ang nangyayari kasi nagsusuntukan at nagsisipaan na ang tatlo habang si Valerian naman ay tahimik lang na nakaupo.

Mace sighed. "I feel ashamed."

Red nodded. "Me too. Just for a chair, they're trying to kill each other."

Siya naman ay lihim na napangiti ng makitang nanalo si Knight laban sa dalawa.

"That's my baby." She really hates losing in any way.

Now, Titus is out.

Just Phoenix, Valerian and Knight.

"Nix, galingan mo." Bilin ni Titus kay Phoenix, "kapag natalo ka, isasabit kita sa landing skids ng helicopter mo!"

And Phoenix just chuckled and looked at his wife, "baby, mahal mo pa rin naman ako kahit matako ako 'di ba?"

Nag flying kiss si Red kay Phoenix. "Of course, baby."

Si Mace naman ay masama ang tingin kay Titus, "huwag ka ngang isip bata. Baka ikaw ang isabit ko sa Landing skids ng helicopter ni Phoenix."

Kaagad na niyakap ni Titus si Mace at nilambing ito.

Siya naman at tumuon ang atensiyon sa larong nangyayari.

The music is now playing and when it stopped, Knight and Phoenix immediately fought. Hand to hand combat.

And of course, her baby won.

Hindi maitago ni SM ang ngiti sa mga labi niya.

And it's down to one chair. For Knight and Valerian.

Kaagad na inakbayan ni Knight si Valerian. "May malalaki akong daga na pakakainin sa bahay. Let me win."

Valerian just glared at Knight.

Pero nang mag-umpisa ang kanta at nang tumigil iyon, walang umupo sa dalawa. Nagtinginan lang ang mga ito hanggang sa magsalita si Valerian.

"Sit you motherfucker!" Singhal nito kay Knight.

Nakangisi namang umupo si Knight saka itinaas nito ang mg braso at sumigaw. "I wooooooon! Thanks, Val."

Tiningnan lang ito ng masama ni Val bago ito lumapit kay Grace at yumakap. Si Knight naman ay ganun din ang ginawa. Tumakbo ito palapit sa kaniya saka mahigpit siyang niyakap at binuhat pa sa ere na ikinatawa niya.

"May pagkain na ang mga malalaking daga sa bahay." Anito.

Napailing siya saka niyakap na rin ang kasintahan hanggang sa may nagpatugtog ng disco song dahilan para magsayawan ang lahat at nakisayaw na rin sila ni Knight.

SM can't stop smiling and laughing. It was one of the best nights of her life. Dancing with Knight, laughing with him and just being with him makes her heart elated.

And she actually felt a little sad when it's time to go home. She was having so much fun dancing and being with Knight.

Inakbayan siya ng kasintahan habang naglalakad sila pabalik sa bahay nito. Hindi nila kasama si Valerian at Grace dahil nauna ang dalawa umuwi dahil nahilo si Grace.

"Did my baby had fun?" Tanong sa kaniya ni Knight.

Malapad ang ngiting tumango siya. "It was so fun. I like your friends and their wives. They're so fun to be with. It's amazing!"

Knight kissed her temple. "Mabuti naman nag-enjoy ka."

Nginitian niya ang binata saka niyakap ito sa beywang habang naglalakad sila at naka-akbay ito sa kaniya. Ganun ang posisyon nila hanggang sa makarating sila sa mansiyon ni Knight.

Nang makapasok sila, naabutan nilang nagba- vacuum ang mga butler nila.

Kaagad na inabot ni Knight ang take home nilang pagkain na napanalunan nito. "Pasalubong ko." Ani Knight. "Enjoy it. Grabe ang effort ko riyan. Nakipaglaban pa ako."

Sinilip ni Jacques ang laman ng paper saka naka-arko ang mga kilay na tumingin kay Knight. "You fought for steak and grilled meat."

"Yes. It was a hand to hand combat so enjoy."

Tumingin sa kaniya si Jacques, "is he going crazy again?"

She chuckled. "He's always crazy."

Napailing si Jacques saka humarap kay Cloud. "Let's eat? It's steak and grilled meat. Better than nuggets and eggs. Fuck! Our dinner was like breakfast."

Cloud shrugged. "We're broke."

Jacques tsked. "Let's go buy some groceries tomorrow."

Cloud nodded, "sounds good to me as long as you pay for it."

"Of course. I'm a Billionaire after all."

Cloud just grunted before entering the kitchen with Jacques.

Si Knight naman ay hinila siya patungo sa kuwarto nito sa ikalawang palapag at pabagsak silang nahiga sa kama.

And they're in Knight's favorite position.

"So tired..." bulong ni Knight saka naghikab ito.

Hinaplos niya ang buhok nito. "Then sleep.

Mas lalong isiniksik si Knight ang katawan nito sa katawan niya habang yakap siya. "Okay." Pagkatapos ay pinikit nito ang mga mata.

Siya naman ay hinaplos lang ang buhok nito hanggang sa maramdaman niya ang malalim nitong paghinga. Nagpapasalamat siya dahil simula ng tumira siya sa bahay nito ay palagi na itong nakakatulog.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang iwan si Knight dito sa bahay nito. He will go back to not sleeping again and she doesn't like seeing him with bags under his eyes. Gusto niyang makapagpahinga ito palagi lalo na nang malaman niya ang trabaho nito.

She kissed his forehead. "Good night, my Lord. Dream of me." Bulong niya bago ipinikit ang mga mata.

And before she fell into a deep sleep, she felt a pair of soft lips pressed against hers and then she heard Knight whispered.

"Good night, mi reina."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top