CHAPTER 22
CHAPTER 22
NAPANGITI si SM habang pinagmamasdan si Jacques na nagsi-serve ng order sa customer ng café. He's wearing the café uniform with pink apron making him cute and cuddly in their customer's eyes. Pero wala itong pagkailang na nararamdaman sa suot.
He even looks comfortable with pink apron on. It's like he doesn't mind at all. Wala itong pakialam kung pinagtitinginan ito ng ibang customers nila.
And he even tied his slightly long blond hair in top knot making him more handsome. For a Marquess, he has a rugged look.
Sumama ang binata sa kaniya kaninang umaga, gusto raw siya nitong tulungan sa abot ng makakaya nito. At hinayaan niya itong gawin kung anong gusto nito.
He wants to play butler, then she will let him.
"Milady," nginitian siya ni Jacques ng makalapit ito sa kaniya, "am I doing it right?"
Mahina siyang natawa saka tumango. "Yes. Thank you. Pero alisin mo 'yang apron na suot mo, pinagtitinginan ka."
"Nah. I look awesome in this apron." Tumawata nitong sabi saka tumingin sa labas ng café. "The ten snipers are still out there, I see."
Napangiwi siya. "Yon lang ang tanging paraan para mapapayag ko si Knight na buksan ang café ko."
Napatitig sa kaniya ang Marquess. "You will really do whatever he says? I never peg you for a submissive type."
"I'm not." Aniya saka ngumiti, "ayoko lang na pinag-aalala siya. Ang dami na niyang problemang dinadala, ayokong dumagdag pa sa alalahanin niya."
The Marquess tsked, "lucky motherfucker."
Natawa siya.
"Wala ka bang kapatid?" Kapagkuwan ay tanong ng Marquess, "I'll marry her this instant— fuck! On second thought, forget about it. If the Count hear me say that, he will skin me alive because he's a weird motherfucker and he'll think differently of course."
Tiningnan niya ang screen ng cellphone na hawak ng tumunog 'yon.
It's a text from Knight.
'Tell that fucker than I heard him!'
Her café is still bugged? Si Knight talaga!
Nag-reply siya sa text nito.
'No sex for you.'
Napailing siya ng kaagad na tumawag si Knight. Hindi niya iyon pinansin at kinausap lang si Jacques. "You're doing a great job, Jacques. Thank you for helping me."
"Anything for you, milady."
Nag-text na naman si Knight.
'Tell that motherfucker to stop flirting with my baby!'
Napailing siya saka tinanong ang Marquess. "Can I get your number?"
"Sure." Kaagad na ibinigay sa kaniya ni Jacques ang numero nito na kaagad naman niyang senend kay Knight.
'Hayan ang number ni Jacques. Tell him yourself. And take these bugs off my café! Hindi ako natutuwa, Knight! No sex for you!'
And he replied with the most incredulous message.
'Nooo !!! 😱😱😱'— That's Knight's reply.
Napailing siya. Why is my boyfriend such a kid sometimes?
"Ahm..." Jacques trailed before showing her his phone, "someone threatened me on text. I think it's the Count. Did you give him my number?" Namimilog ang mata nito na parang nani-nerbiyos. "Fuck! He said he will skin me alive! Holy shit! What do I do? Should I kneel and beg? Fuck! I should beg for forgiveness!"
Napailing siya saka pumasok sa opisina niya.
Ayaw niyang makialam sa dalawang dugong-bughaw na 'yon na mukhang parehong weirdo kung mag-isip. Itinuon na lang niya ang atensiyon sa paggawa ng cake hanggang sa makatanggap siya ng mensahe sa cellphone galing sa isang hindi kilalang numero.
'You're doing great, sweety.'
Napatitig siya sa mensaheng natanggap. Isang tao lang ang tumatawag sa kaniyang 'Sweety'.
Mabilis niyang tinawagan ang numero na sumagot naman pero walang ingay sa kabilang linya.
SM took a deep breath, "Dad?" Aniya, "is that you?"
Walang sagot mula sa kabilang linya.
"Someone told me that you're alive." Kumuyom ang kamao niya. "If you're Mufasa," that's her nickname for her father, because ever since she was little, her father always tells her that he's the king of jungle making her laugh all the time, "please know that I miss you so much. It's been more than year. I wanna see you so bad, Dad. I miss you so much, my King of the jungle."
It was faint, but she heard a shaky breath from the other line before the line died.
Tumulo ang isang butil ng luha sa pisngi niya. Kung buhay nga ang ama niya tulad ng sabi ni Shun, kung may katutuhanan 'yon, nasisiguro niyang nasa paligid lang ang ama niya.
SM took a deep breath as tears keep falling from her eyes.
Napahawak siya sa necklace na palagi niyang suot na galing sa ama niya. "Daddy... I miss you."
Ilang beses siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili saka pabagsak na naupo sa swivel chair niya.
Mas lalong lumalakas ang kutob niya na ang ama niya 'yon. Knowing her father, he must have a very burdensome reason to do this to her. Hindi siya nito basta aabandonahin lang ng walang dahilan.
He's Mufasa after all, her very own King of the Jungle.
Tinuyo niya ang luha sa pisngi niya ng may kumatok sa pintuan ng opisina niya.
It was Monet.
"Boss, may naghahanap sa 'yo."
Kaagad niyang inayos ang sarili saka tiningnan ang sarili sa salamin bago lumabas ng opisina niya.
"Monet," tawag niya sa kahera, "sino ang naghahanap sa 'kin?"
Tinuro nito ang lalaking medyo may edad na nakaupo sa gilid ng café niya. Jacques was serving him coffee and grilled cheese sandwich.
Nagkatinginan sila ni Jacques bago siya naglakad palapit sa lalaki. Nang magkasalubong sila ni Jacques, bumulong ito sa kaniya.
"If you need backup, just look at me."
Nakangiting tumango siya. "Thank you."
Dumeretso siya sa medyo may edad nang lalaki na gusto siyang makausap saka tumigil sa tabi ng mesa nito.
"Hi." Magiliw niyang bati sa lalaki, "I'm Sweet Monday Canja Lopez. May kailangan daw ho kayo sa 'kin?"
Ilang segundong tumingin sa kaniya ang lalaki bago iminuwestra ang kamay sa kaharap nitong upuan, "have a sit."
Umupo naman siya. "Thank you. So, ahm," tumingin siya sa mata ng kaharap, "what can I help you with, Sir?"
Bumuntong-hininga ang kaharap saka napakamot sa batok bago nagsalita, "actually, inutusan lang ako. And I can't say no because I sort of owe him a lot."
Walang nag-iba sa ekspresyon ng mukha niya. She was waiting for him to say something important.
Bumuga ng marahas na hininga ang lalaki bago nagpakilala. "I'm Dom, by the way. Nice to meet you."
SM smiled. "Nice to meet you too."
Dom sighed before speaking, "that irritating person has a message for you." Nagpatuloy sa pagsasalita ang kaharap habang nakikinig siya. "He said be safe and you must stay away from Knight Velasquez and his father. Break up with Knight, leave him. That's what he said. It's for your own good."
Napuno siya ng iritasyon. "And why would I do that?"
"Mufasa." Anang kausap na ikinatigil ng paghinga niya, "he said you'll understand that name."
Nasapo niya ang umawang na mga labi sa sobrang gulat. SM can feel her body turning cold and her hands shaking.
Daddy... so you're really alive.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata para pakalmahin ang sarili saka tumingin sa kaharap. "Thank you for coming here."
Napatitig naman kaniya ang kaharap saka ngumiti, "in behalf of that motherfucker, I apologize."
Pilit niyang ibinalik ang ngiti. "Kindly tell Mufasa that I'll wait for him to come see me."
Dom smiled. "That'll be a while... but one thing is for sure, Miss Lopez, that king of the motherfucking jungle will do everything for you like how I would do everything for my Princess. Please don't be mad at him."
Tipid siyang ngumiti. "If he's really Mufasa then he knows that I don't get mad easily."
The man sighed. "I'll tell him. " Napailing ito saka tumingin sa kaniya, "I'll get going then. Take care." Tumayo ito at kinuha ang tasa na may kape at ang platito na may lamang grilled cheese sandwich saka lumabas.
Napakurap-kurap siya sa likod ng lalaking kausap lang niya kanina.
Naramdaman niyang tumabi sa kaniya si Jacques na nakatingin din sa lalaki. "Did he just leave with the café's cup and plate with him?"
Tumango siya. "I guess he's still not finished?"
"Weird dude." Ani Jacques.
She chuckled. "Definitely."
Seconds later, her lips thinned when she remembered what Dom said.
Iwan si Knight? Hindi niya gagawin 'yon. She won't leave the man she already came to treasure so much. She will not hurt him in any way!
Nagtagis ang bagang niya.
I will not leave my baby. Never!
"That's an scary expression on your face, milady." Anang boses ni Jacques.
Kaagad niyang binura ang matalim na tingin at madilim na mukha saka ngumiti siya sa katabi, "may iniisip lang ako."
"You have a murderous look on your face." Anito.
Nanatili ang matamis na ngiti sa mga labi niya. "Sorry you have to see that."
Napatitig sa kaniya ang Marquess, "you're not just a normal woman, are you?" May paghihinala sa boses nito.
SM chuckled. "I'm Definitely not an Alien, Jacq."
"That's not what I meant!" Pahabol nitong sabi ng naglalakad na siya pabalik sa opisina niya.
Nginitian lang niya ang butler bago pumasok sa loob ng opisina niya. Nang makapasok, kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi niya at pabagsak siyang naupo sa sofa na naroon sa loob.
Kumuyom ang kamao niya.
Bakit gusto ng ama niya na iwan niya si Knight? May ginawa ba itong hindi nagustuhan ng ama niya? Hindi lang 'yon, gusto rin ng ama niya na iwasan niya ang ama ni Knight.
What's the meaning of this? What's the reason behind?
Wala siyang maisip na dahilan para paiwasin siya ng ama kay Knight. He may have many flaws but Knight is a good man. He didn't deserve to be treated like a bad person—
The door to her office suddenly opened.
And Knight enters while catching his own breath.
Kaagad itong tumakbo palapit sa kaniya ng magtama ang mga mata nila saka niyakap siya ng mahigpit sa beywang habang nakaluhod sa harap ng kinauupuan niyang sofa.
"Don't leave me... please don't... please..." he begged and she can't stop staring at Knight. "Please... don't... I'll do everything, SM. I'll be a good man. I'll be a good boyfriend— please— don't leave me, baby... please don't."
Napakurap-kurap siya sa binata. Pumunta ito rito sa opisina niya— hinihingal— para lang sabihin sa kaniyang huwag itong iwan?
Looks like he heard what she and Dom talked about.
Huminga siya ng malalim saka hinaplos ang buhok ng kasintahan. "Hindi mo kailangang magmakaawa, hindi ko naman gagawin ang gusto ng ama ko."
Knight looked up at her, stunned. "Hindi mo ako iiwan? Hindi ka makikinig sa kaniya?"
She smiled, "Knight, it's my life. I get to decide what I want to do with it and I wanna be with you." Masuyo niyang sinapo ang mukha nito, "so stop begging 'cause I'm not leaving."
Knight blows a loud breath and buried his face on the center of her breasts. "Thank God! Akala ko iiwan mo ako. I was so scared, SM. So damn scared." His voice was shaking.
Niyakap niya ang kasintahan. "There's nothing in this world that can make me leave you, Knight. Masyado kang mahalaga sa 'kin para iwan ko."
Iniluhod ni Knight ang isang tuhod sa gilid ng sofa para lang masapo ang mukha niya at mahalikan ang mga labi niya na kaagad naman niyang tinugon.
Iniyakap niya ang mga braso sa leeg ng kasintahan habang mapusok na tinutugon ang halik nito.
Naghiwalay lang ang mga labi nila ng pareho silang kinapos ng hininga saka siya nito niyakap ng mahigpit. Walang namutawing salita sa mga labi nito basta niyakap lang siya ng mahigpit na mahigpit na para bang ayaw na siyang pakawalan.
"Let's go home, SM." Ani Knight, "baka may maghanap na naman sa 'yo para sabihan kang iwan ako. Makakapatay ako, SM. I won't let anyone take you away from me."
"Knight..."
"I will eliminate every person or every possibility of losing you, Sweet Monday." Nangangako ang boses nito. "I'm not losing you. I'm not... I won't allow it. You're mine."
She smiled and caress Knight's back. "Yes, I'm yours... now, calm down. I'm not gonna leave you, Knight. So, calm down."
Sa wakas ay kumalas din ito sa pagkakayakap sa kaniya saka pinakatitigan siya. "I'm sorry if I'm being selfish. Ayoko lang na iwan mo ako, baka hindi ko kayanin. Ayos lang naman 'di ba? Ayos lang naman na maging makasarili ako pagdating sa 'yo? Sa 'yo lang naman ako ganito— sa 'yo lang ako nagkakaganito. You don't mind if I'm being selfish, right?"
Tumango siya saka nginitian ang kasintahan. "I don't mind, Knight. It's okay. Maging makasarili ka— ipagdamot mo ako— kung 'yan ang magpapasaya sa 'yo, ayos lang sa 'kin."
Finally, he smiled. "Kung ganun, ipagdadamot kita. Akin ka." Knight place a lingering kiss on her lips before whispering, "you are the center of my world, Sweet Monday, and I will do everything— anything— to be the center of yours, mi reina."
Bumilis ang tibok ng puso niya. This man... He doesn't even had the slightest idea that he's already the center of her world.
Hinaplos niya ang pisngi ng kasintahan. "Let's go home, baby. I wanna make love to you."
Knight smiled naughtily. "What a coincidence, I wanna make love to you too."
Mahina siyang natawa saka yumakap sa kasintahan ng mahigpit.
Sorry, Daddy... but I'm keeping my baby.
*
HINIHINGAL NA BUMAGSAK ang hubad na katawan ni SM sa kama. Habol niya ang sariling hininga habang kinukumutan ang sarili. Katatapos lang siyang angkinin ng pangalawang beses ni Knight at halos wala itong kapaguran.
He's really insatiable when it comes to making love to her. And she likes that about him— that he can't get enough of her.
Napangiti na lang si SM ng patagilid na nahiga sa tabi niya ang kasintahan saka umunan sa braso niya at yumakap sa beywang niya.
His favorite position.
"Baby?"
"Hmm?" Sagot niya.
"Don't leave me."
Natigilan siya. He's still not over that? Iniisip pa rin ba nito ang pinapagawa sa kaniya ng ama niya na wala naman siyang balak sundin?
Sinuklay niya ang buhok nito. "Knight, 'di ba sinabi ko na sa 'yo na wala akong balak na sundin si Dad? I'm keeping you."
Humigpit ang yakap nito sa kaniya. "I don't know what I did to be dislike by your father, Sweet Monday. Maybe he knows what I do? Siguro nalaman niyang masamang tao ang boyfriend ng anak niya? Damn it! I can't think straight. I've never been this scared to lose someone... fuck!"
Huminga ng malalim si SM saka hinagod ang likod ng kasintahan. Nasa isip niya kung paano pagagaanin ang loob nito.
And she has an idea. "Come on, get up." Aniya na nauna nang umalis sa kama, "ibi-bake kita ng cake."
That finally put smile on Knight's lips. "Hell, yeah."
Naglinis muna siya ng katawan bago nagbihis saka nauna nang lumabas kay Knight sa kuwarto at tinungo ang kusina. Inihanda niya kaagad ang mga gagamitin sa pagbi-bake ng cake.
Nang makapasok si Knight sa kusina, kaagad niya itong sinuotan ng apron.
Tumaas ang dalawang kilay ni Knight sa kaniya. "What's this?"
"Tutulungan mo akong gumawa ng Molten Lava Chocolate Cake." Nakangiting sabi niya. Gusto niyang maaliw ito at mawala sa isip nito ang nangyari kanina.
Napangiwi ang kasintahan, "I'm more on eating the cake, not baking them."
Hinawakan niya ito sa kamay. "Tutulungan mo pa rin ako. Come on."
Nagpaubaya naman sa kaniya si Knight at sinunod ang mga inuutos niya rito para sa ginagawa nilang cake.
Nasa kalagitnaan sila ng paggawa ng cake ng mapansin niyang natigilan si Knight habang nakatingin sa itlog na nasa bowl.
"Baby," tumingin ito sa kaniya na parang naguguluhan, "how the hell am I gonna separate that yellow thing from the white thing?"
Natawa siya dahil sa emosyon ng mukha nito. "Ano bang ginawa mo?"
Pinakita nito sa kaniya ang kamay. "I washed my hands and tried to pick it up but it always slips and it exploded. Sigurado ka bang puwedeng paghiwalayin ang dalawang 'to? I mean, it's egg. They always go together."
Nangingiting napailing siya saka pinakita rito kung paano paghiwalayin ang egg yolk at egg white.
And Knight was gaping at her in shock. "Wow... you make it look so easy."
"It is." Natatawa niyang sabi saka binigay rito ang isang itlog, "subukan mo."
And Knight did try... but failed.
"It slipped again, baby!" Knight looks so frustrated at fifth try. "Ayoko na. I told you I'm a cake eater, not cake maker."
Napailing na lang siya saka siya na ang tumapos sa ginagawang cake habang nakaupo naman si Knight sa stool na katabi ng island counter at nakapangalumbaba ito.
He was just watching her move in the kitchen and he would smile every time their eyes met.
"Woah.... I'm salivating." Kaagad na na sabi ni Knight ng ihain niya rito ang ginawang Molten Chocolate Lava Cake na kaaalis lang niya sa loob ng ramekin.
SM just smiled and serve one to Knight. "Tikman mo kung masarap."
Kaagad namang tinikman iyon ng kasintahan.
The moment he sliced a small fork-full of cake, the soft chocolate in the center gushed out making Knight gulped.
"Fuck! It's chocolate!" Para itong bata na mabilis na kinain ang chocolate na nasa gitna ng cake at nakapikit pa ito na parang ninanamnam ang lasa niyon. "Fuck! It's so good. I need more!"
Natawa na lang si SM habang inihahain ang lahat ng Molten Chocolate Lava cake na ginawa niya para kay Knight.
SM smiled while looking at Knight who's excitedly eating the cake, specially the soft chocolate filling.
And she was just watching him until he dipped his finger on the chocolate filling then he put it on her lips.
Bago pa siya makapag-react sa ginawa ng kasintahan, dinidilaan na nito ang chocolate filling na nasa mga labi niya at mariin siyang hinalikan.
At nang maghiwalay ang mga labi nila, nakangisi ang loko.
"It tastes better on you." Anito habang gumuguhit ang pagnanasansa mukha nito. "I should spread this chocolate filling all over you and then lick you."
Napailing siya. Knight and his horniness. "Maybe some other time, baby."
Humaba ang nguso nito. "Why?" Parang bata nitong tanong.
Hindi na siya sumagot dahil pumasok si Cloud at Jacques sa loob ng kusina at kaagad na kumuha ang dalawa ng molten chocolate lava cake na ginawa niya para kay Knight.
"This looks good." Puri ni Jacques sa gawa niya.
"Thanks." Nakangiti niyang sabi.
While Cloud was sniffing the cake. "Smells good too."
Habang si Knight naman ay walang imik na umalis ng kusina.
"Anong nangyari dun?" Tanong niya sa sarili.
Akmang susundan niya ang kasintahan ng pumasok ulit ito sa kusina at may dala itong dalawang espada!
And he's livid while looking at Cloud and Jacques. "That's my cake!" He hissed at the two. "My baby baked it for me you assholes! Put it down! Don't you dare eat my cake!"
Nagkatinginan lang si Cloud saka si Jacques bago kinain ang cake.
"You bastards!" Galit na sigaw ni Knight saka sinugod ang dalawa ng espada.
And she was just standing there, watching as the craziness in the kitchen unfold.
"My Lord, you'll murder me just because of a cake?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cloud kay Knight habang umiiwas ito sa espadang hawak ng kasintahan niya. "My Lord!"
"Yes! That's my precious cake!"
"Milady! Help us!" Hingi ng tulong sa kaniya ni Jacques na nagtatago sa likod ng upuan. "Milady!"
"Don't call my baby's help you motherfucker!" Knight attacks Jacques. "She's mine! She will never side with you!"
Panay ang atake ni Knight kay Cloud at Jacques na panay naman ang iwas hanggang sa tumakbo ang dalawa palabas ng kusina.
Si Knight naman ay kumain muna ng cake bago hinabol ang dalawa.
Napailing na lang si SM. Yep. Craziness as it's finest.
Naririnig niya mula sa kusina ang pagkabasag ng mga gamit sa labas at ang sigawan ng tatlo pero hindi niya pinansin ang kabaliwan na naman ng mga ito.
Gumawa na lang ulit siya ng cake.
An Eggless Truffle Cake.
At tapos na siyang gumawa, maingay pa rin sa labas ng kusina.
Naiiling na lumabas siya ng kusina habang dala-dala niya ang ginawang Eggless Truffle Cake.
And there they are— the crazy weird-ass people in the living room, still attacking each other.
Kung kanina si Knight lang ang may espada, ngayon, may hawak na ring espada si Cloud at Jacques na ang kalaban ay si Knight.
Hinilot niya ang sentido ng makitang may sugat na ang Marquess sa braso saka si Cloud naman ay gutay-gutay na ang suot na damit.
Naiiling na lumapit siya sa naglalaban at pumagitna.
Kaagad namang tumigil ang tatlo, takot na baka masaktan siya.
Lumapit siya kay Knight saka binigay rito ang eggless truffle cake na ginawa niya.
"Calm down, will you?" Aniya sa kasintahan.
"Cake for me!" Kaagad na nagningning ang kanina lang ay matalim na mga mata nito saka binitawan ang dalawang espadang hawak para tanggapin ang cake na ginawa niya. "Yey! Looks so good!" Bigla na lang siya nitong hinalikan sa mga labi bago naglakad pabalik ng kusina para siguro doon kumain. "Cloud! Take care of my katana at clean up the mess you made!"
Napatingin siya sa dalawang butler na parang nanghihinang napaupo sa sahig.
"Fuck." Jacques cussed before looking at Cloud, "your Lord is a crazy asshole!"
Tumango naman si Cloud bilang pagsang-ayok habang pinupulot ang espadang binitawan ni Knight. "Yes. He is."
Pinalibot ni Jacques ang tingin sa kabuonan ng sala na maraming nasirang base at ibang furniture lalo na ang sofa. "All this... for a freaking cake?!"
"Yep." Ani ulit ni Cloud saka tumingin sa kaniya, "thank you for saving us, Lady SM."
Tumingin naman sa kaniya si Jacques. "He's a crazy mother fucker!"
"I heard you, Marquess!" Ani Knight na kalalabas lang ng kusina, habang dala pa rin ang truffle cake na gawa niya pero ngayon ay kumakain na ito. "How dare you call me a motherfucker in front of my baby! You're the motherfucker!" Knight tsked, "Cloud, clean this mess and replaced them."
Cloud looked at Knight flatly, "my Lord, we're out of funds, remember?"
Natigilan naman si Knight bago nito tinuro si Jacques. "Humingi ka ng pera sa kaniya, dito naman siya nakatira sa bahay ko. Renta niya 'yon. Wala nang libre ngayon, baka akala mo."
The Marquess glared at the Count. "You're the one who destroyed it but you want me to pay for it?!" He was looking incredulously at Knight.
"Yeah." Kalmadong sagot ni Knight habang kumakain ng cake, "ikaw naman ang rason kung bakit ko nasira ang mga 'to. Pay for it, Marquess. You're a Billionaire after all. Nakakahiya ka kung hindi mo babayaran ang nasira mo."
Hindi alam ni SM kung matatawa siya ng malakas o maaawa kay Jacques na pinagsisipa na lang ang nasirang sofa dahil sa sobrang inis kay Knight.
Kapagkuwan ay nagpapadyak na ito habang sumisigaw sa inis.
And Knight was really good at pissing people off.
"Wow, Marquess, I didn't know that you're good at dancing." Ang tinutukoy ni Knight ay ang pagpapadyak sa inis ni Jacques.
Nanlilisik ang matang tumingin sa kaniya si Jacques, "can I kill him, milady?"
Pigil ang ngiting umiling siya. "He's my baby."
"Well, your baby is an ass!" Galit na sigaw ni Jacques saka hinawakan sa kuwelyo si Cloud at hinila palabas, "come on. Let's replace those fucking vases and furniture."
"What the fuck— wait!" Cloud hissed at Jacques. "Nakikita mo ba ang gutay-gutay kong damit? Gusto mo akong lumabas na ganito."
"I have a spare shirt in my car." Anang Marquess.
Nang makaalis ang dalawa, tumingin siya kay Knight na nakaupo sa hagdan at kumakain ng cake.
"That was not nice." Aniya habang naglalakad palapit dito.
Patuloy lang sa pagkain ng cake si Knight. "Kinain nila ang cake na gawa mo para sa 'kin. It's unacceptable!"
Napailing na lang siya saka umupo rin sa hagdanan, sa tabi ni Knight. "Don't do it again. Kapag inulit mo pa 'yon, hindi na kita gagawan ng cake."
"Baby!"
"I'm serious, Knight." May diin niyang sabi.
Knight sighed heavily, "fine. I yield."
Lihim siyang napangiti saka kinuha ang tinidor na hawak nito. "Gusto mo subuan kita?"
Knight immediately grinned before nodding his head excitedly.
Mahinang napatawa na lang si SM saka sinubuan ng cake ang kasintahan.
Knight looks happy while she feeds him with cake. That's good. Kailangan nitong kalimutan ang pinapagawa sa kaniya ng ama niya dahil wala naman siyang balak na sundin ito.
She has always been a good girl to her father— not going against him and always doing what her father says— but she will not do what he wants this time. Hindi niya iiwan ang lalaking nagpapasaya sa kaniya at nagbigay ulit ng kulay sa mundo niya.
And if that means she's a bad girl, then so be it. I'm willing to be a bad girl for Count Knight Alastair Minrod Velasquez.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top