EPILOGUE

A/N: I dedicate this story to Ivy and Iris. Thank you so much dahil hinayaan niyo akong gamitin ang pangalan niyo. It was an honor. Sana nagustuhan niyo ang kuwento na 'to at sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa.

At sa lahat ng readers ko na nag-abang ng updates, nag vote at nag comment, maraming-maraming salamat. You inspire me and motivate me. Sana patuloy niyong suportahan ang mga susunod ko pang kuwento.

IRIS GONZAGA story (Ivy's Twin) is in Temptation Island (Desidero Me, Amore Mio).

😍THANK YOU😍

EPILOGUE

GUMUHIT ANG ngiti sa mga labi ni Ivy ng pumasok ang asawa sa kuwarto at may dala itong cake. "Para saan 'yan?" Pagmamaang-maangan niya.

Syempre alam niya kung anong mayroon ngayong araw.

How can she forget?

"Happy anniversary, baby!" Malapad ang ngiting anunsiyo ni Andrius saka lumuhod sa kama at inabot ang pabilog na cake sa kaniya. "Happy sixteenth anniversary, baby."

Napatitig siya sa cake saka sa asawa kapagkuwan ay mas lumapad pa ang ngiti. "Akala ko makakalimutan mo."

"Ako?" Parang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. "Makakalimutan ko? Baby, makalimutan ko nalang kung kailan ang birthday ko, pero hindi ang araw na 'to."

Her husband is still the sweetest. Even after all these years.

Tinanggap niya ang cake saka bumaling sa pinto ng kuwarto nila. Matalas pa rin ang pandinig niya kaya naririnig niya ang kambal na nagbubulungan sa labas.

"Come on in you two." Sabi niya habang nakatingin sa pinto.

Nakangiting pumasok naman si Evve at Erres saka lumapit sa kanila ni Andrius at binigyan sila nang tag-tatatlong cupcake.

"Happy Anniversary, Mom, Dad." Sabay na sabi ng dalawa.

"Aww..." tinanggap niya ang cupcakes, "you bake these?"

Nagmamalaking tumango si Evve. "I'm good at it now."

Erres nodded and smiled. "Yes. We baked it. With love."

Umalis siya ng kama at niyakap si Evve at Erres saka pinupog ang mga ito ng halik sa buong pisngi kapagkuwan ay si Andrius naman ang niyakap ng dalawa.

"Mom, Dad, we have something to say—"

Naputol ang iba pang sasabihin ni Evve ng marinig niya ang boses ng bunso nilang anak.

"Mom! Dad!" Hinihingal itong pumasok sa kuwarto nila saka may ibinigay na puting papel sa kanila ni Andrius. "I don't know how to bake, so I draw it." Fourth grinned. "It's bigger than Ate Evve and Erres cupcake." Then he stuck out his tongue at his sisters.

"Andrius Theodore Gonzaga Salazar IV." Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Don't disrespect your sisters."

Fourth pouted. "Don't call me by my full name, Mommy. Its cringe." Tiningnan nito ng masama si Andrius. "Bakit naman kasi ginawa mo pa akong the fourth, Dad?"

Tumawa lang si Andrius saka kinarga si Fourth kahit sampung taong gulang na ito at dinala sa kama. "Stay there. Your sister has something to say."

Nahiga nalang ang bunso nila sa kama saka yumakap sa kaniya mula sa likuran ng makabalik siya sa pagkakaupo sa kama.

Napangiti nalang siya saka itinuon ang atensiyon sa kambal niyang anak na tuwid na nakatayo sa paanan ng kama.

"Mom..." Erres looked at her before pulling out a piece of paper from the back of her denim short. "Homework namin 'to last month. Dapat ibibigay namin sa inyo 'to kasi 'yon ang sabi ni Teacher pero napagkasunduan namin ni Evve na ngayon namin basahin."

"Maghahanda na ba si Mommy ng tissue?" Pabiro niyang tanong.

Ngumiti lang si Erres saka nag-umpisang basahin ang nakasulat sa papel. "My Mom is my Hero."

'Yon palang ang narinig niya nangilid kaagad ang luha niya.

"Mom!" Napasimangot sa kaniya si Evve. "Hindi pa nga kami nag-uumpisa eh. Don't you dare cry."

Natatawang tumango siya. "I'll try."

Erres smiled at her before continuing, "Before we were even born, she was already a superhero. She fought for us to be delivered safely and she didn't let anyone hurt us. She always takes care of us even though she's busy with work. There's no single day in our life that Mom isn't there for us. She's tired from working and expanding our business but she still gave us her undivided attention at home. She always try her best to be with us and to support us. From then to now, My mom never make excuses.

"Even when she's tired, if she promised to watch movie with us after dinner, she will be there laughing with us if its a comedy film and crying with us if it's a drama film. We never once heard her say 'I'm tired' and we never once heard her complain.

"To my Mom," tumingin ito sa kaniya na kanina pa namamalisbis ang luha dahil sa mensahe ng anak sa kaniya, "thank you for everything that you have done for us. If there is one thing we learn from you that is to never give up and keep pushing forward and always strive and do your best for your family. That's why she's my Hero, she may not have superpowers but she have us. Me, Evve, Fourth and Daddy are her powers and source of strength. Mom... Te amo. Happy Anniversary."

"Oh, mi reinita..." grabe ang pag-agos ng luha niya mula sa mga mata niya.

Hindi niya lubos akalain na napapansin 'yon ng mga anak niya. She's a mother and she doesn't need recognition. Sapat na sa kaniya na maayos ang pamilya niya. Pero ngayong narinig niya ang mga sinabi ni Erres, napakasarap pala sa pakiramdam na pasalamatan ng kaniyang anak dahil sa pagiging isang mabuting ina.

"My baby..." umiiyak na niyakap niya si Erres saka mahina siyang napahagulhol. "Pinaiyak mo si Mommy."

Yumakap sa kaniya ang anak. "Huwag ka ng umiyak, Mommy. Wedding Anniversary niyo 'to ni Dad. Dapat masaya ka."

Natawa siya saka tinuyo ang basang pisngi. "Masaya naman ako eh. Umiyak nga ako sa sobrang saya."

Malakas na tumawa si Erres ng kilitiin niya ito at sabay silang bumagsak sa kama kapagkuwan ay niyakap niya at itinuon ang atensiyon kay Evve na tumikhim at seryusong nakatingin kay Andrius.

"Will I be needing a tissue?" Her corazoncito asked making her chuckle.

Umiling si Evve saka inumpisahang basahin ang nakasulat sa hawak nitong papel.

"My Dad is my Hero." Panimula nito. "Why? Because he's extraordinary. He only lives for us. He lives to be with us, play with us, support us and love us. That's who he is. A man who can and will do everything for us. Other people see him as a tough soldier but to us, he's our softy Daddy.

"Dad." Tumingin si Evve kay Andrius bago nagpatuloy sa pagbabasa, "thank you for working hard for us. Me and Erres is so proud to be your daughter and I'm sure Fourth feels the same. Even when Dad is busy, he still manage to make us feel important and loved. Even when he has important things to do, just one call from us and he'll come running. My Dady didn't attend his own Promotion party just because i fell from the bicycle and broke my arm. My Dad even disobeyed his Superiors order to not leave the meeting just because Erres and I catch a cold and Mom was in Bogotá at the time.

"My Dad is a Hero because he can and he will do anything for us. My Dad is our pillar of strength. He's strong and brave and responsible and dependable. Someday, i will be like you, Dad. I will be a soldier and I will make you proud. Te amo, Papa. Happy Anniversary."

Andrius smiled with teary eyes and spread his arms, "come here, my Princess, give Daddy a hug."

Lumapit naman si Evve at niyakap ang ama nito.

"Ang laki-laki mo na." Ani Andrius habang hinahaplos ang buhok ni Evve habang yakap ito. "Siguradong may nagkakagusto na sayo sa School."

Tumawa si Evve saka kumawala sa yakap ni Andrius. "Wala naman akong gusto sa kanila. Saka aral muna, bawal boyfriend. Baka ipa-snipe ni Mama."

"At ako na naman ang nakita." Pabiro siyang umirap saka tumingin kay Erres, "may nagkakagusto na ba sa kakambal mo sa school niyo?"

"Ahm..." Erres was thinking deeply before she answered. "Parang...pero hindi ako sure. Actually one year lang ang gap namin sa kaniya at matalino siya."

Kaagad na umingos si Evve. "Huwag mong sabihing si KN ang tinutukoy mo?"

Tumango si Erres saka ngumiti. "Naalala mo last week? Nawala yong Math Notebook mo na nandoon ang assignment mo? Tapos nuong pauwi na tayo, hinarang tayo ni KN sa corridor tapos binigay niya ang notebook mo at may sagot pa! Siguro dahil narinig ka niyang panay ang reklamo."

Kaagad na umirap si Evve. "Oh, tapos? Gusto mo maglupasay ako sa saya na sinagutan niya ang Math problems ko? Hindi ako kasing talino niya pero kaya kong sagutin 'yon. At bakit ako magkakagusto sa weird na 'yon? Di'ba pinatawag siya sa Guidance kasi nalaman na ang laman pala no'ng water bottle niya ay vodka?"

Nagkatinginan sila ni Andrius. Parang kilala na niya ang tinutukoy ng dalawa.

"Si KN ba ay si Knight Nixxon Velasquez? Ang anak ng Tito Knight niyo?"

Kaagad na tumango si Erres. "Siya nga po."

Pinagkrus ni Evve ang mga braso sa harap ng dibdib nito. "Bakit puro ako ang laman ng kuwento mo?" Tiningnan nito ng masama si Erres. "Bakit hindi mo ikuwento kina Dad at Mom yong nangyari sa Valentines Day."

Kaagad na namula ang pisngi ni Erres. "That was an accident!"

"Nope." Evve smugly smiled. "The flowers and chocolate was from Vraxx Vitale but when you went to your locker to put it there, Verdect was there and he stole your first kiss." Evve smirked. "He's one of the hottest boy in our School."

"No!" Marahas na umiling si Erres. "That was an accident. He just fell, that's all."

Natawa nalang si Ivy. Her daughters is now on their teens and experiencing attraction towards opposite sex. And she want them to experience what she didn't experience growing up.

"Wala ba tayong gagawin sa mga nalaman natin?" Pabulong na tanong ni Andrius sa kaniya.

Umiling siya. "Experience is the best teacher. Ang magagawa lang natin ay gabayan sila at paalalalahanan kung ano ang tama at mali."

Lukot pa rin ang mukha ni Andrius. "Hindi ko pa rin gusto 'yong first kiss na narinig ko."

Napailing siya saka hinaplos ang buhok ni Erres. "Erres, 'nak, para kay Mommy, baby ka pa. So wala munang boyfriend ha? Aral muna. At 'yong first kiss na 'yan, maaasahan ba ni Mommy na hindi na mauulit 'yon? Magagalit kami ni Daddy mo."

Tumango si Erres. "Yes, Ma. Hindi po mauulit 'yon."

"That's good." Hinalikan niya ito sa nuo, "ang mga bilin ko huwag kalilimutan, okay? Palaging mag-iingat."

Evve nodded again. "Don't be alone with a boy because they are predators like Daddy."

Andrius looked at her flatly. "Since when did I preyed on you? Ikaw 'tong nag-aya sakin sa penthouse noon para doon mo ako akitin—"

Binato niya ang asawa ng unan. "Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Me! Me!" Biglang kuha ni Fourth sa atensiyon nila. "May crush na ako sa School."

"Talaga, kiddo?" Ginulo ni Andrius ang buhok ni Fourth, "sino naman?"

"Hindi ko alam ang pangalan niya, basta maganda siya."

"Kiddo," bumuntong-hininga si Andrius. "You're just ten. Saka na ang crush na yan."

"Eh sa maganda siya eh!"

"There is more to a girl than just a pretty face." Sabi niya sa bunsong anak. "As much as possible, don't let a beauty fool you. Look inside."

Fourth frowned. "Inside? Like a panty?"

Napatanga siya sa anak. "W-what?"

Kinarga ni Andrius ang bunso nila. "A man to man talk, kiddo. Ang bata-bata mo pa, alam mo na 'yon?"

Napakurap-kurap at napailing si Ivy saka bumaling kay Evve at Erres. "Who wants cake for breakfast?"

"Me!"

"Me!"

Sabay na sabi ni Erres at Evve.

Nangingiting iniwan nila si Andrius at Fourth sa kuwarto at tinungo ang kusina. Pero bago pa nila makain ang cake at cupcakes ay narinig nila ang ingay sa labas.

"Ano 'yon?" Tanong ni Andrius ng makababa sa salas kasama si Fourth.

Ivy shrugged. "No idea. Tingnan natin."

Hinawakan ni Andrius ang kamay niya saka sabay silang lumabas ng bahay at gate.

"What the hell—"

"Happy Anniversary!" Sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ni Andrius na ikinagulat niya.

Kahit si Andrius ay hindi makapaniwala. "Naalala niyo talaga?"

Beckett grinned. "Paano namin makakalimutan eh ito ang araw na pinautang ka namin ng walang porsyento?"

Natawa si Andrius. "So ano 'to, debt anniversary."

Sanford nodded. "Though nabayaran niyo 'yon within three years, dapat may anniversary pa rin. Pauso ba."

Napailing nalang siya saka napatingin sa gilid ng kalsada kung saan may naka-hilerang mga grill at may mga barbecue 'yon na niluluto. May nagdala rin ng dalawampung case nang beer at may mga mesa talaga ang mga loko kasama ang mga asawa't anak nito.

"Ano 'to, fiesta?" Naiiling na tanong ni Ivy.

"Fiesta ng mga baliw." Natatawang sabi ni Gladz ng dumaan sa harapan niya at narinig ang sinabi niya.

Inilapit niya ang bibig sa tainga ng asawa. "Dapat hindi na ako nagugulat dahil palagi nila ito ginagawa taon-taon pero parang pabaliw ng pabaliw ang mga ideya ng mga kaibigan mo."

Tumawa lang ang asawa saka tinanggap ang binigay na beer ni Lysander dito. "Well, baby, masanay ka na. Ganiyan sila."

She tsked. "Remember Valerian and Grace's wedding anniversary?"

"Yep." Andrius grinned. "It was a mooncake party. Halos masuka ako sa sobrang pagkaumay ko sa mooncake dahil sa rami ng kinain ko."

Yeah, she remembers that. "At ilang oras kang nagkampo sa banyo kasi nakakain ka ng cupcake ni Grace."

Andrius chuckled. "That was hell. Halos isumpa ko ang lahat ng cupcake sa mundo."

Napailing siya saka napatingin sa kambal niyang anak at kay Fourth na nakikipag-unahan makakuha ng barbecue.

Ivy sighed. "I have to take care of the kids." Paalam niya kay Andrius saka nilapitan ang mga anak na nakikipag-agawan pa rin ng barbecue.

"THIS IS CRAZY." Naiiling na sabi ni Andrius habang pinapalibot ang tingin sa barbecue and beer party. "Really, really crazy."

"Hindi ka pa nasanay." Sabad ni Lysander na nasa tabi pala niya at umiinom ng beer.

Pareho silang napailing saka nabaling ang atensiyon nila kay Knight at sa bunso nitong anak na babae na nag-a-argumento sa gitna ng kalsada.

"Who give you the right to talk back to me, huh?" Knight looks pissed. "At anong crush-crush? Sino 'yan at nang masakal ko hanggang sa mamatay siya—"

"Dad!" Nagpapadyak ang anak ni Knight na si Sweet Mint. "Wala nga akong crush! Bakit ba ang kulit mo?! Sino nagsabi niyan sayo at nang mabatukan ko—"

"Ako ang nagsabi kay Dad." Wika ni NK na nasa likod lang ni Sweet Mint. "KN told me. Sino sa tingin mo ang sinungaling sa inyong dalawa?"

Knight smirk smugly at Sweet Mint. "Huh! Mint, my Princess, tatlo kaming lalaki na nagbabantay sayo. Hindi ka makakatakas samin."

Naningkit ang mga mata ni Sweet Mint saka inungusan nito si NK. "Dahil diyan, hindi ko sasabihin sayo kung ano ang tipong lalaki ni ate Summer."

NK stilled and looked at Knight. "Sorry, Dad." Inakbayan nito si Mint, "come on, little sis, I'll save your ass but you tell me about Summer's ideal man."

Sweet Mint grinned and face NK. "Simple lang naman ang gustong lalaki ni Ate Summer, Kuya NK."

"At ano?"

"Basta raw hindi ikaw, ayos sa kaniya."

NK looked at Sweet Mint flatly before facing Knight. "Dad, how about we ground her for a month?" NK suggested.

"Kuya!" Nagpapandiyak na naman si Sweet Mint saka nagtagis ang bagang. "Kakatayin talaga kita Kuya KN!"

Biglang tumakbo si Mint paalis at napailing nalang si Andrius.

Knight's children is really something

Andrius sighed and glanced at Lysander. "Sino ba ang nakaisip nitong kalokohan?" Tanong niya.

Lysander shrugged. "No idea. It just happen."

"Sinong nanlibre?" Tanong niya ulit na nakataas ang dalawang kilay.

Kinunutan siya ng nuo ni Lysander. "Anong libre? Hindi ba sagot mo 'to lahat?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Ano?!"

"Yep. That's what I heard. I mean, this is your wedding anniversary." Sabad ni Cali na lumapit sa kanila. "Lahat ng nakikita mo, babayaran mo do'n sa tindahan sa labas. Share your blessing din kapag may time."

Napaawang ang labi niya. "Wow...I feel touch." Puno ng sarkasmo niyang sabi.

Lysander laughed. "May pera ka naman. I heard your wife's Trading Business in now expanding to Japan and China."

Sa sinabi ng kaibigan, napatingin siya sa asawa niyang binibigyan ng barbecue ang mga anak nila at inilalayo naman ang beer kay fourth. "Yeah...she did it on her own. Her efforts finally paid off. I salute my wife. She's one hell of a woman."

"You're one lucky man to have her as your wife." Ani Lysander.

Binalingan niya ang kaibigan. "Ikaw din naman, ah. Magaling magpatakbo ng negosyo ang asawa mo."

"Then we're both lucky."

Napangiti siya at ibinalik ang tingin sa asawa na ngayon ay nakangiting nakikipag-usap kay Grace, Czarina, Haze at Anniza.

His face softened as he looked at his wonderful wife.

He's one lucky man indeed. Dahil magaling humawak sa negosyo at pera si Ivy, madali lang nilang nabayaran ang utang nila. Hindi lang 'yon, sa loob ng limang taon, naipatayo rin nila ang bahay nila ngayon sa BV gamit ang perang kinita nito sa negosyo at ang naipon niyang pera mula sa sahod niya.

His wife is good with money. He salute her for that.

They used his salary for food, utilities and such. Pagkatapos nitong makapag-budget, ibabalik nito sa kaniya ang sobra ng sahod niya at iyon ang iniipon niya kasama na doon ang kinikita niya sa mga shares of stocks niya sa kompanya ng mga kaibigan.

Kung siya lang siguro, hindi niya magagawa 'yon. Pero dahil nasa tabi niya si Ivy, parang napakadali ng lahat kahit mahirap naman talaga.

Naramdaman siguro ng asawa niya ang titig dito.

"What?" She mouthed at him.

He shook his head and mouthed back. "Te amo."

Napangiti at napailing nalang ang asawa saka bumalik sa pakikipag-usap sa mga asawa ng kaibigan niya.

A contented smile appeared on his lips. Having a family and raising their children was very hard at first, but together with his wife, they did it... and they have a long way to go.

Together... His smile widen. "Together as promised."

• THE END •

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top