CHAPTER 34

A/N: Ayoko pong magsalita tungkol dito kasi naiintindihan ko po kayo, kaya lang ang dami pong nagtatanong kung mag story po ba si Knight or kung kailan si Knight at paulit-ulit ko pong sinasagot 'yon ng wala pa. Kasi malalaman niyo naman kung mayroon na. Ipopost ko naman po. Alam kong hindi lahat nagbabasa ng AN pero sana basahin niyo kahit scan lang. hindi ko po kasi kayo masasagot ng isa-isa.

PLEASE READ 👇🏻👇🏻👇🏻

PS21 po si KNIGHT VELASQUEZ
PS22 si KHAIRRO SANFORD

Sana po matapos na rito ang katanungan niyo. Maraming salamat po sa pagbabasa 😽

CHAPTER 34

SAPO NI Andrius ang ulo habang nakaupo sa waiting area sa labas ng ICU. Para siyang nawawalan ng lakas sa tuwing tinitingnan niya ang kasintahan sa loob na nakaratay at walang malay.

She'd been unconscious for three days now. Tinakbo niya ito sa Hospital ng hindi na ito nagising. He thought she was just sleeping peacefully but then next day came and she's still asleep. And then he saw her nose bleeding.

Ngayon alam na niya ang nararamdaman nito ng siya ang nasa ICU. Hindi niya alam kung anong gagawin. Kung anong sabihin ng Doctor, ginagawa niya lahat pero hindi pa rin nagigising ang fiancé niya.

Test after test after test. Walang katapusang test ang ginagawa ng mga Doctor kay Ivy.

"Baby..." he whispered into the air, "please...don't scare me like this. Mababaliw ako kapag may nangyaring masama sayo."

Napabaling siya sa katabi ng may umupo doon.

Si Blaze.

"Nakapagpahinga ka na ba mula ng ma Hospital si Ivy?" Tanong nito.

Umiling siya. "I can't sleep... I'm worried."

"We're doing everything we can, Salazar." Ani Blaze saka bumuntong-hininga ito. "Naghahanap na rin kami ng mga Doctor na nakapag-opera na para tanggalin ang bala sa ulo. As of now, we are in contact with a military Doctor. He's an expert in taking out bullets from the brain. Malaki naman ang survival rate na binigay niya ng malaman niya ang medical history ng pasyente pero may isang problema tayo."

Kinabahan siya kaagad. "Ano 'yon?"

"Ivy is...pregnant."

His lips parted. "Pregnant...my baby..." a small smile made its way to his lips. "We're having a baby..."

"Yes. Sinisiguro pa namin kung walang magiging epekto sa bata kung gagawin namin ang operasyon ngayon."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya saka kumuyom ang kamao. "Fuck..."

"I know this is hard for you, Salazar, but if the time comes that you have to choose between Ivy and your baby, please choose wisely." Tinapik nito ang balikat niya bago siya iniwan sa waiting area ng ICU.

Tumulo ang isang butil ng luha sa mga mata niya. Choose wisely? Paano? Paano siya mamimili sa dalawang buhay na importante sa kaniya.

It's not that easy!

Parang sasabog ang utak niya sa pag-iisip kung anong gagawin. Bakit ba nangyayari sa kanila 'to ni Ivy? Ano bang klaseng parusa 'to? Pati anak nila madadamay pa!

Bumuga siya ng marahas na hininga saka tumayo at tiningnan si Ivy mula sa malapad na salamin.

Parang sumisikip ang dibdib niya habang tinitingnan ang babaeng mahal niya na walang malay.

"Baby..." he whispered, "please be okay. Your corazoncito is very worried." Mariin niyang pinikit ang mga mata. "Fuck!"

"How's my daughter?"

Mabilis niyang tinuyo ang luha saka humarap sa ama ni Ivy. "Sir..."

Tipid itong ngumiti. "How's my reinita?"

Nagbaba siya ng tingin. "Still Unconscious."

Ivy's father sighed. "What can I do?"

Umiling siya. "We can't do anything...just pray..."

Mapakla itong ngumiti. "I'm not good at praying, young man, but for my reinita, I will kneel and beg."

Tumingala siya sa kisame saka kumurap-kurap para hindi mahulog ang luha mula sa mga mata niya. "Let's kneel and beg then."

At 'yon ang ginawa nila. Pumunta sila sa chapel ng ama ni Ivy at doon sila lumuhod at nagdasal na sana magising na si Ivy. Hindi niya namalayan na lumuluha na pala siya habang nagdadasal na magising na ang fiancé niya.

Nang makalabas sila ng chapel, kaagad silang dumeretso sa ICU at nakaramdam siya ng takot ng makita niya ang mga Doctor at Nurses na parang pinagkakaguluhan si Ivy.

Gusto niyang pumasok para alamin ang nangyayari pero pinigilan siya ng mga Nurses na nakabantay sa pinto.

"Ivy... baby..." he whispered, "please be safe."

He was begging God, he was praying, and God heard him. He saw Ivy! He saw her eyes slowly opening.

"Baby..." parang binalot ng pag-asa ang buo niyang pagkatao. "My baby...she's okay..."

Hindi alam ni Andrius na lumuluha na pala siya habang nasa labas ng ICU at nakatingin sa fiancé niyang parang hina-hina. Gusto niyang pumunta sa tabi nito, para hawakan ang kamay nito pero hindi siya hinahayaang makapasok sa ICU.

"Baby..."

"Reinita..."

Pakiramdam ni Andrius ang bagal ng oras habang hinihintay ang mga Doctor na papasukin sila. Pero pinauna niya ang ama ni Ivy na makapasok dahil alam niyang alalang-alala ito kay Ivy. At nang makalabas ito, mas mabilis pa sa kidlat na pumasok siya ng ICU.

"Baby..." kaagad niyang hinawakan ang kamay nito saka pinisil 'yon. "I'm here...are you okay? Your corazoncito is here, baby. Nandito lang ako."

Hindi ito nagsalita, nakatitig lang ito sa kaniya na para bang mini-memorya nito ang mukha niya. She's not talking, she's just staring at him softly.

"Baby..."

She blinked and stared at him again.

"Baby..." he's starting to get scared, "are you okay? I'm just here, baby..."

Kahit nanghihina, pinagsiklop nito ang kamay nilang dalawa saka nginitian siya nito. "Corazoncito..."

Hearing her voice made her smile. "Baby... I miss you."

She smiled weakly at him. "I remember you now..."

His eyes widen. "W-what do you mean?"

Tipid itong ngumiti. "Naalala ko ang pang-i-snob mo sakin, ang pagtanggi mo sakin, ang pagtulak mo sakin palayo, ang unang pagkakataon na may nangyari satin, ang pagiging sweet mo sakin, ang pag-aalala mo, ang pagkahuli ko sakin, ang pagmamahal mo sakin ... ang pagtanggap mo sakin... ang pag-amin mo na mahal mo ako at kung anong naramdaman ko ng mga sandaling 'yon..." tumulo ang luha nito sa gilid ng mga mata. "Naalala na kita, corazoncito. Naalala na kita..."

Hinalikan niya ang likod ng kamay nito habang titig na titig sa kasintahan. "Mahal na mahal kita, baby. Pasensiya na sa pagtrato ko sayo noon."

Umiling ito. "I'm glad I remember you."

"Me too." Hinaplos niya ang pisngi nito. "Okay ka na ba? Masakit ba ang ulo mo?"

Umiling ito. "I feel fine. Sabi ni Blaze magpahinga lang daw ako, babalik nalang daw siya mamaya para kausapin tayo."

He smiled at his baby even though he's worried as fuck. "Mabuti naman. Pinag-alala mo ako."

Bago makasagot si Ivy, pumasok si Blaze saka ang ama ni Ivy.

"I have good news." Panimula ni Blaze saka tiningnan sila isa-isa bago nagpatuloy. "Dr. Craig, the military Doctor is willing to collaborate with us to perform a surgery on Ivy." He smiled. "Magaling siyang Doctor, sabi niya, gagawin niya ang lahat para maging succesful operasyon si Ms. Gonzaga. Pero may isang problema tayo."

Bumagsak ang balikat niya. Here goes the problem.

"Well," medyo may pag-aalangan kay Blaze pero nagsalita pa rin ito. "You're pregnant." Tinitigan nito si Ivy na bahagyan lang nagulat. "And the operation will affect your baby."

Ivy automatically shield her hands around her stomach. "No...not my baby."

Blaze sighed. "Ivy, we have to operate you now before the damage in your brain spread."

Marahas na umiling ang fiancé niya. "Hindi. Maapektuhan ang baby ko. Hindi niya kakayanin ang anaesthesia na ituturok niyo sakin. Ilang linggo palang siya, mamatay siya!"

"Ivy, be logical—"

"How?" Nanubig ang mga mata nito. "How can I be logical in this situation? Pinapapili mo ako sa buhay ko o buhay ng anak ko." Umiling si Ivy. "Siguro nga madali sakin ang pumatay pero hindi ko kayang patayin ang anak ko at unahin ang sarili ko."

Tumingin sa kaniya si Blaze. "Think logical, Salazar."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka tinitigan niya ang fiancé na nangungusap ang matang nakatingin sa kaniya.

"Please don't say yes..." Ivy begged. "Please...don't...

Humaplos ang palad niya sa tiyan ng kasintahan saka huminga ng malalim. "I don't want to lose you."

"And I don't want to lose our baby!" Sagot nito na umiiyak na. "At lalaban ako ng patayan para sa anak ko. Hindi mo ako mapipilit, Andrius, kahit gaano pa kita kamahal. Hindi ko papatayin ang anak natin. Hindi ko kaya..." nag-umpisa na itong himagulhol. "I want this baby, Andrius. Alam kong sasabihin mo na makakagawa pa tayo ng isa pero iba 'to. This baby is our eldest. Ito ang unang bunga ng pagmamahalan natin. Hindi ko siya kayang saktan... please... don't force me, please.."

Kaagad niyang tinuyo ang mga luha nito sa pisngi. "Okay... okay, hindi na. Mag-iisip tayo ng ibang paraan."

"As of now, there is no other way." Giit ni Blaze. "Habang mas pinapatagal natin ang operasyon, patuloy na sasakit ang ulo niya at mas magiging malala 'yon sa mga susunod na linggo at buwan at baka dumating ang araw na hindi niya kayanin mag collapse na naman siya at malaki ang posibilidad na ma-coma siya. 'Yon ba ang gusto niyo?"

"I can bear the pain and I will survive." Matapang na sabi ni Ivy. "Kakayanin ko 'yon hanggang sa manganak ako at maoperahan. Isang pagkakamali ang pagkabaril sakin, pagkakamali ko 'yon, at hindi ko idadamay ang inosenteng buhay na 'to na nasa sinapupunan ko. Hindi ako makakapayag!"

Hinaplos ng ama ni Ivy ang pinagpapawisang nuo ng kasintahan bago tumingin kay Blaze. "If we decided to wait until she deliver the baby, will she survive?"

"She'll be in so much pain and risk is high..."

"Reinita—"

"No, Papá!" Tiningnan nito ng masama ang ama. "I'm keeping my baby!"

Walang umimik sa kanila dahil sa desisyong 'yon ni Ivy. Kahit siya, ayaw niyang mapahamak ang anak nila pero mas nag-aalala siya sa kalagayan ng kasintahan.

"If you change your mind—"

"I won't." Matigas na sabi ni Ivy.

"Then I'll leave you three alone." Ani Blaze. "Sana lang hindi mo pagsisihan ang desisyon mo'ng 'to. Maghahanap pa kami ng ibang paraan para mas mapaaga ang operasyon mo." Sabi nito kay Ivy bago umalis.

"Reinita." Umuklo ang ama nito sa gilid ng kama saka tinitigan ng matiim si Ivy. "Is this really what you want?"

Tumango si Ivy. "Yes."

"Then promise me that you will get through this." Anang ama nito na nakikiusap. "Promise me that you'll survive no matter what! Promise me, then I'll be at ease."

"I promise." Nakakuyom ang kamao na pangako ni Ivy. "I will be okay. For my baby, for my corazoncito, for Iris and for you Papá."

"Then go on with your plan." Tumayo ng tuwid ang ama nito. "I will support you."

Wala na. Tapos na. Akala niya ang ama ni Ivy ang magiging katulong niya para baguhin ang isip ng kasintahan.

Ivy smiled. "Thank you, Papá."

Tinanguan nito si Ivy saka tinapik ang balikat niya bago ito umalis. At nang silang dalawa nalang, hinawakan ni Ivy ang kamay niya saka nakiusap sa kaniya.

"Alam ko, hindi ka sangayon sa desisyon ko, pero, sana suportahan mo ako." Nagmamakaawa ito sa kaniya. "Kailangan kita, corazoncito. Please...I want to deliver our baby first before they operate me. Kaya ko 'to, basta nasa tabi kita, malalampasan natin 'to. Together, remember?"

Bumuga siya ng marahas na hininga. "Paano kung maulit 'to? Na ilang araw kang walang malay?" Hindi niya alam ang gagawin niya. "Anong gagawin ko? Natatakot akong mawala ka sakin."

"Hindi ako bibitaw." Mas humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "Pangako."

Hinaplos niya ang pisngi nito saka nginitian. "Ayoko rin namang mawala ang anak natin pero—"

"We're gonna get married, corazoncito, and we're going to be parents." Dumaloy na naman ang luha sa mga mata nito. "Gusto mo bang umpisahan ang buhay nating mag-asawa sa pagpatay sa panganay natin?"

Mabilis siyang umiling, "no, of course not!"

"Then we will let our eldest live. Kasi diba, 'yong mga magulang, anak muna bago sila?"

Tumiim ang bagang niya. "This is so hard for me, baby. Ayoko lang naman na mawala ka sakin."

"Hindi naman ako mawawala." Nginitian siya nito kahit lumuluha. "Malalampasan nating tatlo 'to. Ako, ikaw, at si baby. Magkasama."

May magagawa ba siya? He doesn't want to choose either! He wants Ivy and their baby to live. "Basta huwag kang bibitaw. Hindi mo na pag-aari ang buhay mo ngayon. My life and our baby's life depends on you so don't you dare leave me. Okay?"

Tumango si Ivy at ngumiti. "For our baby."

He nodded. "For our baby."

This is a very risky decision. Walang makakapagsabi ng kahihinatnan ng desisyon nilang 'to ni Ivy. Pero ayaw niyang mamili. Mahalaga sa kaniya ang dalawang buhay na pagpipilian niya.

It's like he's choosing between his life and Ivy's. And he can't do that.

Huminga siya ng malalim saka hinamig ang sarili. Don't be scared and don't be weak. Pagkausap niya sa sarili. Your Ivy and your baby needs you. You have to be strong. You can do this!

Tama! Kaya nila 'to. Sa dami ng pinagdaanan nila, malalampasan nila 'to ng magkasama.



IVY SMILED when she enters the chapel. It was very small for forty people but they don't have a choice since she can't leave the Hospital.

"Are you happy, reinita?" Tanong ng ama niya na dahan-dahan siyang inihahatid patungo sa altar ng chapel.

Tumango siya. "Very."

Pinisil ng ama ang kamay niya bago iyon ibinigay kay Andrius na naghihintay sa kaniya sa harap ng altar.

Ang mga kaibigan ni Andrius, pamilya nito at ang Papa niya ang saksi sa simpleng kasal nila. Hindi nakarating ang kakambal pero susubukan daw nitong humabol.

"Pasensiya ka na," bulong ni Andrius sa kaniya, "hindi kita puwedeng ilabas ng Hospital eh. Magagalit ang mga Doctor mo."

Nangingiting umiling siya. "This is perfect. Very simple and budget friendly."

Andrius chuckled. "Ang tipid-tipid talaga ng mapapangasawa ko."

"Kailangan, eh." Pinisil niya ang kamay nito. "Malaki ang magagastos natin sa Hospital—"

"Enough with that." Saway sa kaniya si Andrius. "Lets get married."

Masayang tumango siya saka sabay silang humarap sa Pari na magkakasal sa kanila.

Simple lang ang seremonya ng kasal. Nang ilagay ni Andrius ang singsing sa daliri niya, ilang segundo siya nitong pinakatitigan bago nagsalita.

"I vow to love, care for you and fight for you."

She smiled and slid the ring inside his finger. "I vow to never give up my life and live."

Andrius smiled. "Together."

She nodded and smiled back. "Together."

When the priest announce that they are now husband and wife, Andrius gather her in a tight embrace, whispered I love you on her ear before placing a soft kiss on her forehead then her lips.

"I'll make sure to live a long life for you." Wika ni Andrius habang titig na titig sa kaniya. "So live a long life as well so we could be together for a long, long time."

Nakangiting tumango siya. "I'll do that."

Andrius kissed her on the lips again before he kneel and kissed her tummy. Then he looked up at her. "I love you and our baby."

"We love you too." Naluluhang sabi niya bago tumayo si Andrius at niyakap na naman siya.

Ivy felt overwhelmed of it all as she stared at her wedding. She's really married to Andrius now.

I'm his wife and he's my husband.

Ivy was pulled out from her reverie when she heard Andrius friends teasing her him about their honeymoon that is not going to happen.

Napailing nalang siya at bumaling ang atensiyon sa mga magulang ni Andrius na lumapit sa kaniya.

"Kung may kailangan ka, o kayo ng anak ko, huwag kayong mahihiyang lumapit samin." Anang ina ng asawa.

Tumango siya. "Thank you."

"Congratulations." Wika naman ng ama ni Andrius. "Don't hesitate to call if you need anything."

Ngumiti siya. "I'll keep that in mind."

Nagpaalam na ang mga ito sa kaniya kasi may gagawin pa raw pagkatapos ay kay Andrius naman ang mga ito nagpaalam.

"Reinita..."

Tumingin siya sa Papá niya. "Yes, Pa?"

Humaplos ang dulo ng daliri nito mula sa nuo niya, pababa sa pisngi niya. "I'll always be here for you. I know and I understand why you won't accept any help from me, especially monetary, but if you need anything, anything at all...please, call me and let me know. Your Papá will not hesitate to help. I promise you that."

Naluluha na naman siya. She's really emotional these days. "Gracias, Papá. I'll keep that in mind."

Tumango ang ama niya saka kinausap naman nito si Andrius na bahagyang lumayo sa mga kaibigang binibiro pa rin ito.

Her father and Andrius talk for a minute before her father left the chapel.

"So..." ani Andrius ng makabalik sa tabi niya at kaharap ang mga kaibigan nito. "Saan niyo gustong kumain. Libre ko."

Walang umimik sa mga kaibigan nito.

"Come on, lunatics." Andrius urged his friends. "Minsan lang ako manglibre, hindi na masusundan 'to kahit kailangan mga gago."

Nagtawanan lang ang mga kaibigan nito saka sabay-sabay sinugod ng yakap si Andrius.

"Group hug, lunatics!" Sigaw ng lalaki na nakilala niya sa pangalang Tyron.

Natawa nalang siya ng pilit na kumakawala sa group hug ang asawa. At nang magsawa din ang mga ito, tatawa-tawa ang mga itong dumistansiya kay Andrius saka may inabot na sobre si Tyron sa asawa niya.

Andrius frowned. "What is that?"

"Diba sa kasal, nagbibigay ang mga dumalo ng regalo sa bagong kasal?" Patanong na sabi ng lalaking nagngangalang Cali.

Nag-aalangang tumango si Andrius. "Yes. So?"

"It's our gift." Sabad ni Beckett. "Sa isang sobre lang namin nilagay. Para tipid."

Nagsalubong ang kilay ni Andrius. "Mga gago. Hindi naman kami nanghihingi ng regalo—"

"We insist." Sabad ni Valerian.

"Yes. We do." Sabad ng lalaking nagngangalang Pierce.

Nang hindi tinanggap ni Andrius ang sobre, bumaling ang atensiyon ni Tyron sa kaniya at sa kaniya binigay.

Naguguluhang tinanggap niya ang sobre. "Ano ba ang laman nito?"

Ngumiti lang ang magkakaibigan saka ibinalik ang atensiyon kay Andrius.

"Don't take it a wrong way, bud." Ani Lysander. "We all know that you work hard for everything that you have now. Alam naming lahat ang hirap mo para lang maabot kung nasaan ka man ngayon at ayaw ka na naming makitang nahihirapan ulit para makabawi pagkatapos ng lahat nang gagastusin niyo sa pagpapagamot."

"Huwag kang magkakamali na gamitin ang perang pinaghirapan mo. May ibang paraan naman para malampasan niyo 'to." Wika ni Cali. "Ang perang pinaghirapan mo ay para 'yon sa pagpapalaki ng anak niyo. Baka akala mo madali lang 'yon?"

Sumabad si Knight sa usapan. "Sabi pa nga ng isang sikat na Spaniard Count na nagngangalang Knight Velasquez, use your money wisely. Ibig sabihin, gamitin mo ang pera mo para sa anak mo at para sa pamilyang bubuoin niyo ni Ivy."

Capt. Sanford nodded before grinning. "Hihintayin namin ang libre mo, baka akala mo. Bibigyan ka namin ng isang taon na palugit para do'n."

"Yep. I'll put it in my calendar." Sabad ni Thorn. "Beer at barbecue, libre ni Salazar."

Nagkaniya-kaniyang lagay sa calendar ang mga kaibigan nito bago nagtatawanang lumabas ng chapel.

Siya naman ay binuksan ang sobre para tingnan ang laman niyon.

Napaawang ang labi niya ng makitang maraming cheque ang laman niyon. "Oh my God..."

Humarap sa kaniya si Andrius. "What is it? May masakit ba sayo?"

Umiling siya saka pinakita ang laman ng sobre na binuksan niya. "These are cheques." Hindi pa rin siya makapaniwala. "With big amounts written on them."

Kinuha ni Sanford ang mga cheque na hawak niya saka isa-isa nitong tiningnan 'yon. Siya naman ay tinignan ang sobre, ng makitang may laman 'yon nakatuping papel, kinuha niya 'yon.

Kaagad niyang binuklat 'yon at binasa.

'Bud, we know you're having financial problem lately and we're here to help. Alam naming hindi mo 'to tatanggapin ng libre kaya naman sige, utang mo 'to samin at bibigyan ka namin ng sampung taon para makabayad. Okay na ba? Ganiyan tayo, eh. Matataas masyado ang pride natin pero handa kaming babaan 'yon para sa isang kaibigan. Ipapaalala namin ulit ha, hindi ito libre, utang 'to. We think you'll accept this knowing that it's not free. Use this money for your wife's Hospital fee and medication. Huwag mong tanggihan ang utang. Pupunta pa naman kayo ng U.S. para doon operahan ang asawa mo kaya mas kakailanganin mo 'to. Huwag matigas ang ulo, Salazar. Nandito lang kami. Kung kulang pa 'to, pauutangin ka pa raw ni Dark, mayaman naman 'yon. Pero babayaran mo pa rin sa loob ng sampung taon. Walang porsyento 'to, ha. What are friends are for, right?

-    The Lunatics

Pagkatapos niyang basahin 'yon ng malakas, ng tumingin siya sa asawa niya, para itong nanghihinang umupo sa gilid ng mahabang upuan sa loob ng kapilya.

Nakatitig ito sa krus ng chapel.

Nilapitan niya ang asawa saka umupo sa tabi nito. "Corazoncito?" Pinagsiklop niya ang kamay nilang dalawa. "Okay ka lang ba?"

Tumango ito pero nangingilid naman ang luha sa mga mata, pero hindi iyon bumagsak sa pisngi nito. "Those lunatics...bakit ba naging kaibigan ko ang mga gagong 'yon?"

Napangiti siya. "They're bunch of lunatics, and crazy men, but they're good friends. Nakakainggit ka nga kasi may mga kaibigan kang katulad nila."

Napangiti na rin ang asawa niya. "Hindi ako humingi ng tulong pero nandiyan pa rin sila."

"Siguro dahil nakikita nilang kailangan mo ng tulong kaya ganun."

Bumaling sa kaniya ang asawa niya. "I'm sorry, your corazoncito is not that rich. I was planning to sell all my share of stocks for your operation and other medical needs, but, as you saw earlier, my friends didn't let me. Pasensiya ka na, baby, promise I'll work hard more to buy everything you want. Pending lang muna ngayon 'yong pinangako kong bahay, ha? Pangako, mga three years from now, patatayuan kita ng bahay na malaki pagkatapos kong bayaran ang utang na 'yan. Huwag muna ngayon baka kailanganin ang pera at may maidadagdag tayo kaagad kung kulang 'yon. I know my friends are willing to help, but still, its my responsibility because you're my wife and I'm your husband."

Masuyo niyang niyakap ang asawa saka hinalikan ito sa gilid ng mga labi. "Pasensiya ka na rin kasi ganito ang kalagayan ko. Pangako, kapag maayos na ako, tutulong ako sayo. Hindi ako makakapayag na ikaw lang ang kumayod. Dapat ako rin para mas madali ang buhay natin."

Andrius rested his head on her shoulder...then she felt his shoulder shake.

Is he crying?

"Corazoncito—"

"Give me a minute." He encircled his arms around her waist, "gusto ko lang 'tong ilabas lahat. Ang bigat-bigat na sa dibdib eh. Ikaw naman ang kasama ko, hindi mo ako huhusgahan kung maging mahina ako ng ilang minuto lang."

Hinagod niya ang likod ng asawa saka hinaplos ang buhok nito. "It's okay... I know you'd been through a lot because of me. Alam kong marami kang problema ngayon ng dahil sakin. Pangako, babawi ako."

"Just live." His shoulder is still shaking as he cry silently. "Sobra-sobra ng pambawi sakin 'yon."

Tumango siya. "I'll live. Together, remember."

"Together."

Pinilit niyang magkaroon ng distansiya ang katawan nilang dalawa saka masuyong ikinulong niya sa mga palad ang mukha ng asawa niya.

His cheeks are wet with tears.

"I'm sorry...your husband is weak."

Umiling siya saka tinuyo ang basa nitong pisngi. "I don't believe that. Hindi naman porke't umiyak ka, mahina ka na. Ang tapang-tapang at ang lakas-lakas mo kaya. It takes courage and strength to be with me, everyday in the Hospital and to support me with my decision to let our baby live. It takes a lot of strength to be by my side while you see me suffer and in pain. And it takes a lot of courage to face our life together not knowing what will happen next.

"Thank you for marrying me, corazoncito." hinaplos niya ang ibaba ng mga mata nito. "You're the greatest treasure I have."

Hinalikan siya nito sa mga labi saka tumingin sa krus. "God, please, I beg you, bless and guide us." Dasal nito. "Ikaw lang ang makakatulong sa asawa ko. May tiwala ako sayo." Kapagkuwan ay tumayo ito at pinagsiklop ang kamay nilang dalawa. "Come on...it's time for you to go back to your room. Baka hinahanap ka na ng mga Doctor mo."

Nakangiting tumango siya saka nagpatianod sa asawa na iginiya siya palabas ng kapilya.

Nang makabalik sa kuwarto niya sa Hospital, pinahiga siya ni Andrius saka kinumutan. "Pupunta lang ako sa Nurse station para ipaalam sa kanila na tapos na ang kasal natin at puwede na nilang ibalik ang IV mo."

Pinagmasdan ni Ivy ang asawa na lumabas ng kuwarto habang unti-unting pumipikit ang namimigat na talukap ng mga mata.

Pilit niyang nilalabanan ang pamimigat ng talukap ng mata at ini-angat niya ang kamay sa pinto ng nilabasan ng asawa.

Andrius! Corazoncito!

'Yon ang sinisigaw ng isip niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top