CHAPTER 31
CHAPTER 31
AKMANG HAHAKBANG papasok sa eroplano si Ivy ng tumunog ang cellphone ni Andrius na nakalimutan pala niyang iwan sa penthouse nito. Kaagad niya iyong kunuha sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Sanford Calling...
Kaagad niyang sinagot 'yon. "Yes?"
"Thank God you have Andrius phone!" Khairro exclaimed. "He's awake!"
Napatigil siya sa paghakbang papasok sa Jet kasabay ng panlalaki ng mata niya. "S-say that again."
"Andrius is awake." Ulit nito. "He's looking for you. Hurry!"
Humakbang siya paatras saka tumakbo.
"Señorita!" It was Russo. "The Jet will leave soon! We don't have time to idle."
Tumigil siya sa pagtakbo saka nilingon si Russo. "Then leave. I'll think of something."
"But Señorita—"
"Andrius needs me!" Sigaw niya kay Russo saka mabilis na tumakbo palabas ng Airport.
Habol niya ang sariling hininga ng makalabas ng Airport at hinihingal siyang pumara ng Taxi. Nang makasakay, kaagad siyang nagpahatid sa Romero's Hospital Main.
Panay ang utos niya sa Taxi Driver na bilisan ang pagmamaneho. She have to see Andrius. He's looking for her and he's awake!
Her eyes watered in happiness.
Her corazocito is awake!
Kaagad siyang nagbayad ng makarating sa Hospital at mahilis niyang tinakbo ang pagitan niyon patungo sa ICU. Hinihingal siya ng makarating doon at nang makita siya ng mga kaibigan ni Andrius na dumating, isa-isa ang mga itong nagsilabasan.
"Take care of him." Bilin sa kaniya ni Khairro ng magkasalubong sila.
Tumango siya saka mabilis na tinali ang buhok at nagsuot ng Hospital robe at mask saka lumapit sa kama ng kasintahan.
"B-baby—"
"I'm here." Hinihingal niyang sabi sabay hawak sa kamay nito at pinisil 'yon. "I'm here, corazoncito. I'm here."
"Y—you o—k-kay?" He asked and her heart clenched in pain.
Nagtatanong ito kung ayos lang siya samantalang ito ang nanganganib ang kalagayan.
"I'm okay, corazoncito. I wasn't hurt. Khairro came to help."
His half hooded eyes stared at her. "G-good ... i—I t-thought y-you l—left m-me ag—ain."
Hinalikan niya ang likod ng palad nito. "I was about to, Thank God Khairro called. Gising ka na raw."
"W—hy d-did you c-came back t-then?" He asked in a weak voice.
"I want to see you awake, corazoncito." Hinaplos niya ang pisngi nito. "Alam kong galit ka sakin kasi aalis na naman ako, pero kailangan kung gawin 'to. Hindi na ako makakapayag na masaktan ka na naman ng dahil sakin—"
"S-so y—you're l-leaving me again?"
Marahas siyang umiling. "Babalik ako. Babalikan kita."
His eyes saddened. "D-don't l-leave..." he begged, "p-please..."
Isinubsob niya ang mukha sa likod ng kamay ng kasintahan saka pinisil 'yon. "I hav—"
"P-please... d-don't leave m-me, b—baby."
She have plans. A fool-proof plan. But hearing Andrius say please... she can't leave him like this. She have to stay. Baka mas lumala ang lagay nito kung pipilitin niyang umalis.
"I'll stay." Sabi niya kapagkuwan saka hinalikan ito sa nuo, "I'll stay...for you, corazoncito."
He give her a weak but happy smile. "T—t-that's g-good." He tried to squeezed back her hand but failed. Nanghihina pa rin ito. "D-don't l-leave m—my side o—kay?"
Tumango siya. "I won't. I'm staying."
"T—t-thank y-you."
Umiling siya. "Hindi mo kailangang magpasalamat." Hinalikan niya ito sa nuo at sa pisngi bago maingat na niyakap. "Hindi na ako aalis. Mananatili ako sa tabi mo. Pangako."
He slightly nodded and was about to say something when Doctor Blaze came in. "Tama na 'yan. Mabibinat ka masyado. You're still under observation. Hindi ka pa masyadong stable."
Walang nagawa si Andrius kundi ang makinig sa Doctor pero bago siya lumabas, tiningnan siya nito sa mga mata.
"D-don't l—l-leave me."
Umiling siya. "I'm staying, corazoncito. Don't worry. Just focus on getting better. Nasa labas lang ako. Hindi ako aalis."
He nodded weakly before his eyes dropped close. Nang makalabas siya ng ICU, napaupo siya sa waiting area saka tinawagan si Russo gamit ang cellphone ni Andrius.
"This is Ivy—"
"Señorita! Hurry up! The jet will wait for you in one hour only!"
She took a deep breath. "I'm not leaving, Russo. Andrius needs me here."
"But, Señorita! The Salavaderás is already attacking every ally we have! They will destroy us, Señorita. Your father needs you! You're the one who asked his help, remember?"
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinilot ang sentidong kumikirot. "Tell Papá to hold Salavaderás off, I'm sure he can do that. I have to stay and be with my fiancé, Russo. He needs me. I'm staying."
"Señorita—"
"Go back, Russo, tell Papá what I told you. I'm sorry."
Russo heave a deep sighed. "When it comes to that man, your decision always falter, Señorita."
Tipid siyang ngumiti. "I love him, Russo. It may look easy for me to left him earlier when he was unconscious, but not anymore. I don't think I can after he asked me to stay."
"If that's what you want, Señorito."
Nawala si Russo sa kabilang linya, siya maman ay napasandal sa likod ng kinauupuan sa waiting room. Nang tumayo siya at tumingin sa loob ng malapad na bintana na gawa sa salamin, nakita niyang nakapikit ang mga mata ni Andrius.
Huminga siya ng malalim saka pinakatitigan ang kasintahan. "Get well soon, Corazoncito. Te amo."
Umatras siya at bumalik sa pagkakaupo sa waiting area saka bumuga ng marahas na hininga. Nag-aalala siya. Siya ang may kagagawan ng gulong 'to pero wala siya para tumulong doon.
Siguradong kaya naman ng ama niya na protektahan ang sarili nito at ang negosyo nito laban sa mga Salavaderás. Nasisiguro niyang hindi papatalo ang ama niya sa kalaban nila. Kilala niya ang Papá niya, hindi ito ang klase ng tao na basta-basta lang sumusuko. Pareho silang matigas ang ulo at gagawin ang lahat maisakatuparan lang ang gusto.
Pero ang pinagtataka niya, paano nalaman ng mga Salavaderás ang balak niya? Wala nakakaalam niyon maliban sa kanila ng Papá niya.
May pinagsabihan bang iba ang Papá niya? Is their a mole in their organization?
She blows out a loud breath before calling her father to confirm her suspicion.
"YOU LOOK bothered. Are you okay?" Tanong ni Andrius ng pumasok siya sa ICU ng araw na 'yon. It's been six days since he wake up and he's now recovering. Pero pinanatili pa rin ito ni Doc. Blaze sa ICU para daw makasigurong ligtas na nga ito.
Umupo siya sa stool na katabi ng higaan nito saka nginitian ang kasintahan. "Are you feeling well today, corazoncito?" Tanong niya. "Malakas ka na na?"
"Malakas naman talaga ako." Anito na nakangiti saka pinakatitigan siya. "But you didn't answer my question."
Nagbaba siya ng tingin. Ayaw niyang magsinungaling kay Andrius. Ngayong medyo maayos na ang lagay nito, dapat na niyang sabihin dito ang mga ginawa niya habang nakaratay ito rito sa Hospital.
"Ahm," tumikhim siya saka inalis ang mask, "please don't hate me after this." Nag-angat siya ng tingin sa nakakunot ang nuong kasintahan.
"What is it, baby?" Parang alam kaagad ni Andrius ng may ginawa siyang hindi maganda sa klase ng pagtatanong nito. "What did you do?"
"When you got shot," huminga siya ng malalim, "I called my father for help."
Hindi man lang nagulat si Andrius sa pinagtapat niya. "Explain."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "I need his help to end the Salavaderás once and for all. Kaya babalik sana ako sa Bogotá para tumulong. I know I promise not to go back there but—"
"But you just can't help yourself." Nawalang ng emosyon ang mukha nito. "Nang nangako ka sakin na hindi ka na babalik sa dati mong ginagawa... were you honest with me or you're just saying it?"
"Corazoncito..."
Bumuga ito ng marahas na hininga. "Ano ba talaga ang balak mo sa'tin, Ivy? We're starting a new life, right? Together, remember? Tapos aalis ka, iiwan mo ako, babalik ka sa Bogotá. I get it. You're doing this because you want to protect me. Pero Paano kung may mangyaring masama sayo doon? Paano kung sumakit ang ulo mo? Paano kung hindi ka na makabalik? Paano kung singilin ka ng Papá mo sa tulong na binigay niya?"
"Pero babalik din naman ako—"
"Gaano ka kasigurado na babalik ka sakin?"
Napatitig siya kay Andrius. "Wala ka bang tiwala sakin?"
"E, ikaw?" Balik tanong nito. "Wala ka bang tiwala sakin na kaya ko ang sarili ko at kaya kong lumaban para sating dalawa?"
"But you were shot!" She wanted him to understand where she's coming from. "At ginawa ko lang naman ang sa tingin ko ay tama..."
"Together, remember?" Ulit nito. "Lalaban tayo ng magkasama, usapan natin 'yon. Hindi lang ilaw ang nagmamahal sating dalawa, ako rin. Maybe you think I'm weak because I don't fight, because I rather use the law than put the law in my hand, because I'm not you who can shot a man without feeling remorse. Ivy, I'm a soldier, not an assassin. But that doesn't mean that I can't kill to protect you.
"Pero doon ba talaga natin susukatin ang pagmamahalan natin sa kung sino ang kayang pumatay sating dalawa?" Mapakla itong tumawa. "Because you'll win, hands down."
Nanubig ang maya niya sa huling sinabi ni Andrius. "Sorry, I didn't mean to anger you. It's just, when I saw you got shot, I just lost it." Huminga siya ng malalim para mapigilan ang luha na dumaloy sa pisngi niya. "I was so scared, and worried and angry. I did what I thought was the best decision at the time. Pero diba, hindi naman ako umalis ng sabihin mo saking manatili ako sa tabi mo? The Jet was ready to take me back to Bogotá, but I stayed because I choose you. Because I choose to be with you, because you need me. So I'm sorry because my decision was wrong. Forgive me. I'm sorry kasi nawala sa isip ko ang pangako ko. Ang gusto ko lang ay ipaghiganti ang nangyari sayo.
"But I never, never, ever, thought of you as a weak man." Umiling siya at tuluyan ng nahulog ang luha sa mga mata niya. "Hindi ko inisip na mas lamang ako sayo kasi kaya kong pumatay. Hindi sumagi sa isipan ko na mas nakakalamang ako sayo kasi lumalaban ako ng patayan at susuong sa giyera ng mag-isa." Tinuro niya ang puso, "ito," sunod na tinuro ay ang isip niya, "at ito, ikaw lang ang laman nito. Ikaw lang. Walang pangmamaliit. Walang panghuhusga. Wala ibang iniisip kundi ikaw, ang kalagayan mo, ang kaligayahan mo, ang buhay mo, kung paano kita makakasama ng matagal, kung paano kita mapapasaya, kung paano ako makakabawi, kung paano kita po-protektahan at kung paano ko ipaparamdam sayo ang pagmamahal ko.
"So it pains me that you actually think that I'm belittling you. Kasi malinis ang konsensiya ko na hindi ko ginawa 'yon kahit kailan. Mahal na mahal kita, Andrius. Mahal na mahal kita." Tumayo siya, "pasensiya ka na sa gulong dinulot ko sa buhay mo. Pasensiya dahil minahal mo ang isang tulad ko. Patawarin mo ako dahil naghirap ka ng tatlong taon ng dahil sakin. Patawarin mo ako kasi hindi ko magawa ang gusto mo.
"Hindi ako ang tipo ng babae na tutunga lang, na iiyak at na mawawalan ng lakas ng loob habang nakaratay ka sa Hospital. Ako ang tipo ng babae na hahalughugin ang buong mundo, mapatay ko lang ang nanakit sayo. At 'yon ang hindi ko mababago kaya patawarin mo ako. Walang puwedeng manakit sa taong mahal ko. Naranasan ko ng mawalan ng taong minamahal, at ayoko ng maulit 'yon.
"Po-protektahan kita sa abot ng makakaya ko, lalaban ako para sayo hanggat kaya ko, kaya kong pumatay para sayo at kaya kong gawin lahat, para sayo. Hindi ko na uulitin ang mga pagkakamali ko noon na naging dahilan ng pagkawala ng ina ko. Hindi ko hahayaang matulad ka sa Mamá ko na wala akong nagawa para iligtas siya. Hindi ako makakapayag na pati ikaw, mawala. Ganito ako magmahal, Andrius. Buwis-buhay."
Pagkasabi no'n ay lumabas siya ng ICU at tinuyo ang basa niyang pisngi. Hindi siya puwedeng umiyak. Kailangan maging matapang siya. Para sa kanilang dalawa.
Huminga siya ng malalim saka tinawagan ang Papá niya. "How's the war, Papá?"
"We're winning." Balita nito sa kaniya na ikinasaya niya. "But we can't be complacent. They will retaliate. When are you arriving here in Bogotá?"
"I forgot it for a while, but I did promise my corazoncito that I won't go back to my old-self again."
"Meaning?"
"I'm sorry, Papá, but I won't be joining the war. My fiancé needs me more."
"You've gone soft."
Ngumiti siya. "I fell in love, that's why."
"Love..." her Papá whispered the word, "your Mamá will be very happy for you if she's still alive."
This is the first time her father mention her mother in their conversation. "How about you? Are you not happy for me?"
Sa halip na sagutin 'yon, iba ang sinabi ng ama niya. "What do you plan on doing to other Salavaderás member? You're not here even though you're the one who wants to go war with them."
"Dispose them. Every single one of them. That's what I will do if I'm there. I want our family to make a point, a statement in this awar, that whoever messes with us, will die."
Her Papá sighed heavily. "Then I'll make it happen." A long paused. "And if I dispose every Salavaderás, will you come home?"
"If my fiancé lets me."
"Since when did his decision became your decision?" May pagka-disgusto sa boses ng ama.
"Since I put our engagement ring on my finger."
Bumuntong-hininga na naman ang ama niya. "Is he worthy of you?"
"Yes." Walang pag-aalinlangan niyang sagot saka malungkot na ngumiti. "It is I who is not worthy of him." Humugot siya ng malalim ng hininga. "Gracias, Papá, I'll call you tomorrow."
Nang matapos ang tawag, umupo siya sa waiting area at hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Nagising siya dahil may yumugyog sa balikat niya.
Kaagad siyang nagmulat ng mga mata at hinanap ng mga mata niya ang humising sa kaniya.
Si Nurse Jessie.
"Ma'am..." anito na may pagkailang na ngiti. "Pasensiya na pero kanina pa po kayo hinahanap ng pasyente. Nagwawala na si Sir doon sa loob dahil baka raw umalis kayo at iniwan siya."
Kaagad siyang tumayo at at pumasok ng ICU pagkatapos mag suot ng Hospital robe.
"Andrius!"
Kaagad na napatigil si Andrius sa pagtanggal sa mga IV na nakakabit sa katawan nito ng makita siya. Nakahinga naman ng maluwang ang mga Nurses na pinipigilan si Andrius sa ginagawa nito.
"Baby..." nakaupo ito at sapo ang parte ng dibdib kung saan ito nabaril. "I thought you left me..."
Umiling siya saka lumapit dito at inalalayan itong humiga. "You need to rest. Baka mabinat ka at dumugo ang sugat mo."
Hinayaan naman siya ni Andrius na igiya ito pahiga at ng hahakbang siya paatras para bigyan ng espayso ang mga Nurse para asikasuhin ang kasintahan, pinigilan siya ni Andrius sa kamay.
"Don't go."
Napabaling siya sa mga Nurse. "But they need to check you."
Ngumiti sa kaniya ang Nurse. "It's okay, Ma'am. You can sit in the stool."
Sa sinabi ng Nurse, umupo siya sa stool at nanatili silang tahimikan hanggang sa makaalis ang mga ito. Nang silang dalawa nalang, pinagsiklop ni Andrius ang kamay nilang dalawa dahilan para mapatitig siya rito.
"Sorry..."
Kumunot ang nuo niya. "For what?"
"For making you cry."
"Andrius..." she sighed and caress his cheek. "Nasaktan lang naman ako kasi may iniisip ka palang ganun sakin pero ayos na ako. I, ahm, understand where you're coming from so let's just stop arguing. Ayokong nag-aaway tayo. Let's talk and understand each other and let's compromise."
Andrius nodded. "Still... I'm sorry... and thank you for saying those things to me. It made me realize how stupid I was to ever think that you're belittling me. And for making me realize who you are as a person. Pasensiya na dahil ginusto kitang baguhin. Nakalimutan ko na hindi ka basta-bastang babae, na iba ang kinalakihan mo at mga paniniwala mo. Forgive me for trying to change you, baby. I didn't mean to. I just thought it was what's best for us."
Tipid siyang ngumiti. "It's okay. May pagkakamali din naman ako. I promise that I wont sell drugs anymore and I won't kill but it's the first thought that came into my mind when you got shot. Kill the bastard who hurt you. Pasensiya na, nasanay akong ganun eh, pero makakaasa ka na hindi ako magbebenta ulit ng druga at hindi ako papatay ... well, hanggat walang nananakit sayo. Nati-trigger lang naman ang bayolente kong pagkatao kapag may nananakit sayo, eh."
Andrius smiled. "So okay na tayo?"
Tumango siya. "Okay naman tayo, eh, may hindi lang pagkakaintindihan."
Tinitigan siya ng kasintahan. "If I let you go back to Bogotá to fight this war, will you be happy?"
Umiling siya. "I'm not going there, I'm staying."
"What change your mind?"
"You." Pinangigigilan niya ang tungki ng ilong nito saka ngumiti. "I love you and I'm staying."
Andrius face softened. "Ako talaga ang pipiliin mo? Hindi ang pumunta sa Bogotá at patayin lahat ng Salavaderás na gustong pumatay sakin? Hahayaan naman kita kung gusto mong makipaglaban."
Mahina siyang tumawa. "Its tempting but I'm staying. Papa told me we're winning."
Bumakas ang pagkabahala sa mukha ni Andrius. "Paano kung singilin ka ng Papa mo? Anong gagawin natin?"
Inabot niya ang isang kamay nito saka pinagsiklop 'yon. "We'll face him together."
That put a smile on Andrius lips. "Together."
"Yes." Dumukwang siya para gawaran ito ng halik sa mga labi. "So get well soon, okay? Be better. Stop making me worry."
Tumango si Andrius saka tinitigan siya. "Hindi ba sumasakit ang ulo mo habang nandito ako sa Hospital?"
"Kumikirot lang pero hindi naman malala." Pinisil niya ang kamay nito. "Don't worry about me. Marami namang nag-survive na mga katulad ko na may bala sa ulo. Hindi ako mawawala sayo, corazoncito. I'll be okay."
May pag-aalinlangan man, tumango si Andrius. "Okay. Pero pagkalabas ko rito, magpapa-check up tayo. Hindi ako komportable na may bala sa ulo mo at bigla-bigla ka nalang mawawalan ng malay dahil sa sakit na dulot niyon. We'll do something about it, okay?"
Tumango siya sala hinalikan ang likod ng kamay ng kasintahan saka nginitian ito.
"Baby?"
"Hmm?"
"Pagkalabas ko rito, pakasal na tayo." Wika nito na ikinangiti niya ng malapad.
"Sige." Kaagad niyang pagpayag. "Just a simple wedding though. Just family and friends. No grand church design and reception. I want it simple."
"Why?"
"Ayokong gumastos ng ganun kalaki sa kasal." Paliwanag niya. "I get it, I will only get married once but, I'm practical. Mas kailangan natin ang pera pagkatapos ng kasal. So let's make it simple."
"Okay lang naman sakin kung gagatos ako ng malaki, kasal natin 'yon."
Umiling siya. "Nope. We'll be starting a family, Andrius. Wala akong pera na mai-aambag sayo. You have investments here and there and we have to be wise on how to use it. Hindi tayo tatanggap ng tulong sa mga pamilya natin, lalo na sa Mama mo at sa Papá ko kaya kailangan nating magtipid. Ang importante naman sayo ako ikalasal, kahit saan pa 'yon, ayos lang. Basta ikaw."
"I thought you'll ask for a grand wedding." Nangingiting sabi nito.
She chuckled. "Nope. Your love is already grand, so why ask a grand wedding?"
"That's my baby." He puckered his lips. "Kiss me."
Natatawang hinalikan niya ito saka maingat na niyakap. "Te amo, corazoncito."
"Te amo, baby... te amo."
Nanatili siyang nakayakap kay Andrius hanggang sa dumating si Doc Blaze para sa check up ng kasintahan. Pero nanatili pa rin siya sa tabi nito dahil ayaw siyang paalisin, kahit na nagsidatingan ang mga kaibigan nito at mga magulang, hawak pa rin nito ang kamay niya at ganun din siya.
It's a good thing that she didn't leave for Bogotá, that she choose to stay and be with Andrius. Isa iyong maling desisyon na hindi niya naisip dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya.
Wala mang kasiguraduhan sa kaligtasan nila pero naniniwala siyang kaya nilang harapan ni Andrius 'yon ng magkasama.
Together. As promised.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top