CHAPTER 30

CHAPTER 30

KABA, TAKOT, Pag-aalala at galit. 'Yon ang nararamdaman ni Ivy habang nasa labas siya ng Operating Room kung saan nasa loob si Andrius. Hindi siya mapakali habang pabalik-balik na naglalakad.

This is all my fault. Why am I selfish? I shouldn't have keep him. Kasalanan niya 'to lahat. Nanganganib ngayon ang buhay ni Andrius ng dahil sa kaniya. Hindi puwedeng mawala ito sa kaniya. Hindi siya makakapayag.

Pagbabayarin niya ang may kagagawan nito!

Ilang beses siyang huminga ng malalim saka pinagmasdan ang mga kaibigan ni Andrius na kasama niyang naghihintay sa labas ng OR.

She have Khairro to thank for saving her and Andrius. Narinig pala nito at nakita ang pagkabasag ng salamin sa malapad na bintana sa kuwarto ni Andrius dahil nasa baba lang ng penthouse ng kasintahan ang unit ni Khairro.

"You have to calm down, Ivy." Pagkausap sa kaniya ni Yrozz. "Andrius will be fine."

Hindi siya umimik at nagtagis lang ang bagang niya. Paano siya kakalma? Binaril ng kung sino man ang Fiancé niya. Hahanapin niya ang mga tang'inang 'yon at pagbabayarin niya.

"Ivy—"

Tinalikuran niya si Yrozz at napatingin sa pinto ng OR ng bumukas 'yon. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan ng lumabas doon ang Doctor na nag-operate kay Andrius.

"How is he, Blaze?" Khairro asked the Doctor.

"Andrius is still not stable." Panimula nito habang bagsak ang balikat. "Ipapasok namin siya sa ICU para mas makasiguro kami sa kaligtasan niya. Alam kong dapat sinasabi ko sa inyo na magiging maayos siya, pero sa kalagayan niya ngayon, hindi tayo puwedeng umasa. We might lose him but don't worry, we will do everything we can."

Napasandal siya sa pader na malapit sa kaniya saka mariing ipinikit ang mga mata habang namamalisbis ang mga luha niya.

Hindi puwedeng mawala si Andrius. He already endured too much pain for three years because of her. At ngayon nahihirapan na naman ito ng dahil sa kaniya.

I'm sorry, Corazoncito. Your fiancé is a mess.

Nadamay na naman ito sa problema niya dahil masyado siyang makasarili para gustuhing makasama ito. Sino ang niloloko niya na mabubuhay siya ng payapa kasama ang lalaking mahal niya?

Her life is chaotic.

Humakbang siya palayo sa OR at sa mga kaibigan ni Andrius saka bumalik sa penthouse.

Ilang segundo niyang tinitigan ang bala ng baril na nakabaon pa rin sa pader. Mas lalong nag-uumigting ang galit niya habang paulit-ulit na nagri-replay sa isip niya ang nangyari kay Andrius.

Kinuha niya ang cellphone ng kasintahan sa bedside table na naiwan kanina dahil sa sobrang pagkataranta saka ilang segundong pinakatitigan 'yon bago nagkaroon ng lakas ng loob ng tawagan ang tanging taong makakatulong sa kaniya.

Kung kailangan niyang magmakaawa, gagawin niya.

"Quien es este?" Who is this. Anang magaspang na boses mula sa kabilang linya.

Ipinikit niya ang mga mata bago nagpakilala. "It's me, Papá. Ivy."

Ilang segundong katahimikan ang namayani bago nagsalita ang ama niya. "After you fooled me, you still have the guts to call me?"

"Papá," she was begging, "te lo ruego, ayudame, por favor, Papá. I'll do anything you want, just help me. I know, I have been a very bad daughter, and I don't have the right to ask you for any help, but you're the only one I have, Papá. I don't want to drag Iris into my mess. For favor, Papá. Ayudame, Papá. Te lo ruego."

Namamalisbis ang luha sa mga pisngi niya habang nagmamakaawa sa ama niya.

"I'll beg, I will kneel, I will do whatever you want, Papá. Please... ayudame, for favor." Hindi niya napigilan ang hikbi na kumawala sa mga labi niya. "The man that I love is in danger because of me. He's in the Hospital, Papa. Necesito Protegerlo."

Ivy was sobbing when she didn't hear anything from her father. Nanatili itong tahimik sa kabilang linya.

"Papá," she was sobbing in between words, "you're my only hope, my only chance to give my Corazoncito a peaceful life. Lo quiero mucho, Papá. I can die and I can kill for him. I don't remember what I did for the last three years of my life because of the bullet stuck inside of my head, but happiness was stranger to me, I don't even know what that is anymore, my world is void, it was full of violence and death and misery and chaos...until I saw him. And my Corazoncito makes me happy, Papá. He makes me smile, he gives me reason to be happy just like how Mamá give you the same reason to smile. I love him, Papá, por favor, ayudame."

Ivy was losing her hope to get her father to help her when he spoke.

"Dime que necesitas, iyo dale contigo." Tell me what you need. I'll give it to you.

Ilang segundong hindi nakapagsalita si Ivy dahil sa pagpayag ng ama niya. And when she pulled herself together, she immediately told him what she needs.

"I need your whole Battalion, Papá." Nakatiim bagang niyang sabi. "I need everyone in your disposal. They want war, then I'll give them war. I will find who did it to my corazoncito and I will make them pay."

"No need to find them. I heard the Salavaderás ordered the hit. They found out that you're not really dead and Andrius Salazar faked his death to help you leave the country. Now they're punishing him for helping you."

Mas tumalim ang kislap ng mga mata niya at mahigpit na kumuyom ang kamao niya. "Maybe they have forgotten who I was but I will remind them. If I was dangerous before, I'm deadlier now. They mess with my corazoncito and there will be a hell to pay."

Huminga ng malalim ang ama niya sa kabilang linya. "I'm giving you full access to my arsenal, Ivy. Then we'll talk about your payment after. I will send the Jet to you and i will ask our lawyers to process your papers so you could enter Bogotá. Legally."

"Gracias, Papá."

Nang mawala ang ama sa kabilang linya, humigpit ang hawak niya sa cellphone habang matalim ang matang nakatitig sa bala na nakabaon pa rin sa pader.

You want war? Then, I'll give it to you.

Tumalikod siya at naglakad palabas ng penthouse. Nang makalabas siya, kaagad siyang bumaba at bumalik ng Hospital.

Nasa ICU na si Andrius at naroon ang mga magulang nito sa labas ng glass window at tinitingnan si Andrius sa loob.

Nahihiya siyang harapin ang mga ito dahil kasalanan niya ang nangyari. Lahat nalang ng mahal niya sa buhay ay napapahamak ng dahil sa kaniya. Ito ba ang kabayaran sa lahat ng masasamang ginawa niya?

Aalis sana siya ng makita siya ng ina ni Andrius.

"Ivy! Kanina ka pa namin hinahanap." May pag-aalala sa boses nito.

Tipid siyang ngumiti at kaagad na nanubig ang mga mata ng makita ang lagay ni Andrius. Maraming tubo ang nakakabit sa katawan nito at maputlang-maputla ang kasintahan.

Hindi niya ito kayang tingnan kaya naman kaagad siyang tumalikod.

"What happened to my son, Ivy?" 'Yon ang tanong ng ama nito sa kaniya.

"Kasalanan ko." Kumuyom ang kamao niya. "Akala ko nakawala na ako sa gulo ng buhay ko ng makaalis kami sa Bogotá, pero nagkamali ako. I should have known that I will never have a peaceful life with Andrius. As long as I'm with him, he will be constantly in danger. I was so selfish to keep him and love him." Humihingi ng tawad na tumingin siya sa mga mata ng ama ng kasintahan. "I'm sorry. I will fix this mess. I won't let them hurt Andrius again."

"And how are you gonna do that?" Andrius' mother asked.

Sinulyapan niya ang kasintahan kasabay ng pamamalisbis ng luha sa mga mata niya. "To give Andrius a peaceful life, I have to be away from him. Ayokong lumayo sa kaniya, pero ito lang ang nakikita kong paraan para hindi na siya mapahamak pa."

"Then you're sentencing my son to hell again." Anang ama ni Andrius na tumiim ang bagang. "Andrius doesn't want a peaceful life. When he loves you, he knew what he's getting in to. Tulad ko," hinawakan nito ang kamay ng asawa, "nang mahalin ko ang asawa ko, handa ako sa kahit na anong puwedeng mangyari sakin. I choose to risk it all. I choose constant danger than having peaceful life without her in it. Kaya huwag mong pangunahan ang anak ko, Ivy. Alam niya kung anong pinasok niya ng mahalin ka niya kaya huwag mong iiwan ang anak ko kung mahal mo rin naman siya. Lumaban ka hindi para bigyan ng tahimik na buhay ang anak ko kundi lumaban ka para inyong dalawa. Hindi na kakayanin ng anak ko kung mawawala ka sa ikalawang pagkakataon."

Hinawakan ng ina ni Andrius ang kamay niya saka pinisil iyon. "I know what's going on in that head of yours. Pinagdaanan ko na ang kaguluhang 'yan. Ang pagtimbang kung anong dapat na gawin at hindi, ang pag-iisip ng kung anong nas makabubuti para sa taong mahal mo. I know that you want to be selfless, Ivy, but the moment you accept my son's love, the moment you told him that you love him too, you already endangered him. It's not selfishness to want to keep him. If you want him, keep him and fight for him. Kung mahal mo, ipaglaban mo. Kasi kung nagkapalit kayo ng kalagayan ngayon, alam kong 'yon din ang gagawin niya."

Kuyom ang kamaong tinitigan niya si Andrius.

I promise to myself that I won't ever leave you. And she won't break that promise. Tama ang mga magulang nito. Nasa tama na silang edad, nasa tamang pag-iisip. Alam nila pareho ang pinasok nila ng mahalin nila ang isa't-isa. At dahil nakaratay ngayon si Andrius, siya muna ang lalaban para sa kanilang dalawa.

"Get well soon fast, corazoncito. I'm going to war and I need my soldier."

Tinuyo niya ang luha sa mga pisngi niya saka humarap sa mga magulang ng kasintahan.

"Please keep him safe for me." Pakiusap niya. "If he wakes up and I'm not by his side and if he ask where I am, tell him I'm in Bogotá and that I'm in a war and that I need my soldier with me."

Tumango ang ina nito. "He'll wake up soon."

Tumango siya saka tinitigan ulit ang lalaking mahal na mahal niya. "Te amo, Corazoncito. I'll clean up this mess that I made and come back to you. I promise you that."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka iminulat iyon at tinitigan ulit ang kasintahan.

Nabaling lang ang atensiyon niya ng lumabas mula sa ICU ang Doctor na nag-aasikaso rito.

"Puwede kayong pumasok pero isa-isa lang." Imporma nito sa kanila. "Nurse Jessie will assist you for the proper clothing inside the ICU."

Tumango silang tatlo at ang ina ni Andrius ang unang pumasok, sumunod ang ama nito pagkatapos ay siya.

Habang nakaupo sa nag-iisang stool na nasa gilid ng kama nito, hinawakan niya ang kamay ng kasintahan at kinausap ito kahit alam niyang hindi siya nito naririnig at hindi ito sasagot.

"Corazoncito, pasensiya ka na kung aalis na naman ako at iiwan ka na ganito ang kalagayan mo. But I have to move fast. The moment my feet touches Bogotá, I will declare a war against Salavaderás. And you said you're my soldier so please get well soon. Hanggat hindi ka pa maayos, ako muna ang lalaban para sating dalawa. Pero kapag magaling ka na, puntahan mo ako, ha? I need my soldier with me. I need you, corazoncito."

Pinisil niya ang kamay ng kasintahan saka tinitigan ito ng matiim habang lumuluha. "Pagaling ka. Sana hindi ka magalit sakin na aalis ako at wala ako sa tabi mo habang nagpapagaling ka. May tiwala ako sayo, Corazoncito. May tiwala ako sayong hindi mo ako iiwan, na hindi mo hahayaang hindi matuloy ang kasal natin. May tiwala ako sa pagmamahal mo. Lumaban ka dahil lalaban din ako. Te amo, Corazoncito. Te amo."

Nanatili siya sa tabi ni Andrius hanggang sa matapos ang visiting hours. Kapagkuwan ay bumalik siya sa penthouse nito at nilinis ang nagkalat na salamin sa kuwarto at tinawagan si Khairro para makisuyo na palitan 'yon.

"What are you planing to do?" Tanong sa kaniya ni Capt. Sanford habang inaayos ng mga dinala nitong tauhan ang salamin na nabasag. "Hindi kita masyadong kilala, pero alam kung hindi ka lang basta uupo at hahayaang makatakas ang gumawa no'n sa kaibigan ko."

"Don't worry." Ininom niya ang malamig na tubig na kinuha sa Ref. "I won't commit a crime here, Captain."

"I don't care about that anymore." Tumiim ang bagang nito. "They hurt my friend, they took a shot at him and I will hunt them down. Pasensiyahan nalang kami dahil wala akong balak na ikulong sila."

Pinakatitigan muna niya si Khairro bago kinuha ang tatlong larawan na itinago niya sa closet nila ni Andrius.

"Heto." Iniabot niya ang mga 'yon kay Khairro. "These men are part of Salavaderás Gang. Ayon sa impormasyong binigay sakin kanina ng isa sa mga tauhan ko sa Bogotá, nandito sila ngayon sa Pilipinas at sila ang inutusan ni Salavaderás na barilin si Andrius. Aalis na ako bukas pabalik ng Bogotá, iiwan ko yan sayo para ikaw ang maghanap sa kanila. They're still here. Make sure to say hello for me and burry them alive, will you?"

Akala niya tatanggi ang lalaki, sa halip ay tumaas ang sulok ng labi nito habang malamig pa sa yelo ang kislap ng mga mata. "Oh...I won't just bury them alive. I'll have my own fun first, then my friends, and then I'll do what you want. By shooting Andrius, they sent us a message. Well, it's just normal to kill the messenger."

A cold smile appeared on her lips. "You're fun after all."

"No one mess with my friends."

Inubos niya ang tubig sa baso saka mas malapad na ngumiti. "Good. I'll let you take care of them then. Good luck and have fun."

Tinalikuran na niya si Khairro saka tinungo ang cellphone ni Andrius na nag-iingay.

"Yes, Papá?" Aniya ng sagutin 'yon.

"The Jet will land in three hours. Get ready."

"Yes, Papá." Pinatay niya ang tawag saka huminga ng malalim bago inihanda ang sarili sa mga mangyayari.

She have to be brave and strong. For Andrius. For my Corazoncito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top