CHAPTER 26
CHAPTER 26
IVY woke up feeling tired yet contented. She even purred like a cat as she stretch her body and open her eyes. Nang bumaling siya sa katabi, napangiti nalang siya ng maalala ang pinagsaluhan nila kagabi.
Andrius didn't sleep until he compensated for what has happened in the sofa, when he came fast. Hindi siya nito pinatulog at halos magdamag silang nagtalik.
He took her in the sofa, in the center table, in the shower and in bed. Lahat yata ng posisyon na puwedeng niyang maisip ay nagawa na nila ni Andrius kagabi.
And she enjoyed it. She enjoyed being wild with Andrius who didn't stop until she's sated.
Umayos siya ng higa saka yumakap kay Andrius na nakatikod sa kaniya. Dahil sa posisyon nila, kitang-kita niya ang mga kalmot at marka nito sa likod na kagagawan niya.
Ivy never thought that she could be this wild in bed. Nawawala ang inhibisyon niya sa katawan kapag si Andrius ang kasama niya.
She pressed her body against Andrius' back earning a groan from him.
"I can feel your breast, baby." Inaantok ang boses nito, "don't make me hard. I'm still sleepy."
Mahina siyang natawa saka pinatihaya ang binata at kinubabawan niya ito saka akmang hahalikan ng sumigid ang kirot sa sentido niya.
Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ni Andrius habang pilit na nilalaban ang pumipitik na kirot sa sentido niya.
"Baby? You okay?"
Nahihirapang tumango siya saka ibinagsak niya ang katawan sa kama at sinapo ang ulo. "My meds..."
Andrius automatically left the bed to get her medicine, "You're gonna be okay."
Ivy is in fetus position while she clutch her head. She was trying to hold herself from screaming because of pain. Pilit niyang nilalabana ang sakit habang mariing nakapikit ang mga mata at kagat ang pang-ibabang labi.
Don't scream, Ivy. Don't scream! You're gonna scare Andrius! 'Yon ang nasa isip niya habang namimilipit sa sakit.
"Baby... here..."
Andrius cradle her head and help her take her meds. Nang mainom niya ang gamot masuyo siyang niyakap ng binata hanggang sa unti-unti ng humupa ang sakit ng ulo niya.
Nanghihinang iminulat niya ang mga mata at nakita ang nag-aalalang titig sa kaniya si Andrius.
"Your nose is bleeding..."
Mabilis niyang inabot ang tissue sa bedside table saka inilagay iyon sa ilong niya para hindi kumalat ang dugo.
"Baby—"
"I'm okay."
Pinilit niya ang katawan na umupo saka nanghihina pa ring ihinilig ang ulo sa balikat ng binata. "This happen sometimes... I'm sorry that you have to see me like this."
Hindi nagsalita si Andrius. Basta niyakap lang siya nito hanggang sa maramdaman niya ang panginginig ng kamay nito.
She holds his hand and squeezed it. "I'm okay... I'm okay."
Humigpit pa ang yakap nito sa kaniya. "I'm scared." Pag-amin nito. "I don't want to lose you again, Ivy. I don't think I'll survive this time."
The fear and pain in his voice... it seeped through her heart. "I'm okay. I'm really okay."
Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap saka masuyong sinapo ang mukha niya at pinakatitigan siya. "Don't scare me like that again."
"This will happen again." Malungkot siyang ngumiti. "At suguradong matatakot at masasaktan ka na naman kapag may mangyaring masama sakin." Nagbaba siya ng tingin. "Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako umalis at iniwan ka noon. Maybe I want you safe and it's a selfless act because I love you. And now, I'm hurting you again—"
"I'm not leaving you and I won't let you leave me this time." Matigas na sabi ni Andrius na pumutol sa pagsasalita niya. "Nabuhay ako ng tatlong taong wala ka, ayoko nang maulit 'yon. I know what its like to lose you, Ivy. Hindi ko na kakayanin 'yon ulit."
"Good." Ngumiti siya. "Because I'm not the old Ivy who's selfless. You make me happy and I want that happiness to stay with me. Ayoko na ulit mabuhay na hindi man lang ngumingiti kasi wala akong dahilan para maging masaya. Na 'yong kasiyahan ko, natatagpuan ko lang sa mga panaginip ko na pinipinta ko. It's a void existence, corazoncito. It's like I'm existing, but not living. I'm breathing but I'm not really alive. But now," she cupped his face, "you give me a reason to start living again. I'm sorry for being selfish, but I plan to keep you as long as there's a life in my body. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan."
Andrius smiled and place a soft kiss on her lips. "Together?" He whispered.
She smiled back. "Together."
He intertwined their hands as he stared into her eyes. "If I ask you to come home with me to the Philippines, sasama ka ba sakin?"
Walang pag-aalinlangang tumango siya. "Yes."
"No regrets? No holding back?"
Umiling siya. "As you can see, I don't have a life here. Nakakulong lang ako sa bahay ni Iris simula ng maka-recover ako. I wanted to go back to my old life, but when you told me about us, about what happened, I realize that I don't want to be a Drug Baroness or the most feared person in Columbia like I wanted before. I just want to be... with you as I tried my hardest to remember how much I love you."
Humaba ang nguso ni Andrius sa huling sinabi niya. "So hindi mo ako mahal na mahal ngayon?"
Tinuro niya ang puso. "I can feel how much I love you here... but," she bit her lower lip, "I want to know how I fell in love with you."
"That's easy." Andrius grinned. "You fell in love with me because I'm handsome, I'm a husband material and I'm good in bed."
Tumaas ang kilay niya. "Yon lang?"
"Anong 'yon lang?" Nalukot ang mukha ni Andrius. "Kaya kong patawarin ka sa lahat ng kasinungalingan na sinabi mo sakin. Kaya kong magbulagbulagan sa mga masasama mong nagawa noon at kaya kong talikuran lahat, mga kaibigan ko, pamilya ko at career ko para sayo. It's okay for me to be a fugitive just so I could be with you. Pero bago ko pa mapatunayan ang pagmamahal ko sayo, iniwan mo ako."
Kumunot ang nuo niya. "Yong mga sinabi mo, proof yan ng pagmamahal ko sakin. Ang tanong ko, ano ba ang ginawa mo at mahal na mahal kita?"
Andrius stilled then shrugged. "I have no idea... I mean, I was mean to you. I run away from you and I always tell you that I don't want to marry you... well, until I fell in love with you of course."
Mas lalong kumunot ang nuo niya. "Kung ganun naman pala na wala kang ginawang maganda sakin, bakit mahal kita?"
"Beats me." Andrius shrugged again. "Hindi ko nga rin alam kung bakit kita mahal eh. Basta naramdaman ko nalang 'yon. Basta tumibok nalang ang puso ko para sayo. Ayaw ko nga eh, pero anong magagawa ko, eh nababaliw na ako sayo."
Tiningnan niya ito ng masama. "Ah, so ayaw mo akong mahalin, ganun?"
"Yes— I mean, no! Of course not! I love and—"
"This is the reason why I want my memory back." Inirapan niya nito. "Malay mo, kapag bumalik ang memorya ko, ma realize ko na hindi naman pala kita ganun kamahal."
"If that's the case, then it's better for you not to get your memory back."
Pinandilatan niya ito. "That's selfish of you—"
"You said it yourself, you're selfish too so we're a really great pair."
Inirapan niya ulit ang binata saka umalis ng kama at pumasok ng banyo.
"Ivy! Baby!" Sigaw ni Andrius mula sa labas ng pinto ng banyo. "Come on." Pilit nitong binubuksan ang naka-lock na pinto. "Let's shower together to conserve water."
Hindi niya pinakinggan ang binata saka tinitigan lang ang sarili sa salamin.
Why do I love him? She asked herself.
Bakit nga ba mahal niya ang lalaking 'yon? Is her reason the same with his? Basta nalang ba tumibok ang puso niya para rito? Basta nalang ba siya nagkagusto ng wala manlang dahilan?
Does that really happen? No reason whatsoever but she still fell madly in love with him?
Malakas siyang bumuntong-hininga.
"Kaya kailangan kong makaalala." Bulong niya sa sarili. "Kailangan kong malaman kung bakit ganito ko siya kamahal, na kahit wala siya sa memorya ko, 'yong puso ko, tumitibok pa rin para sa kaniya."
Bumuntong-hininga siya ulit saka pumailalim sa shower.
Nasa kalagitnaan siya ng pagsasabon sa katawan ng bumukas ang naka-lock na pinto at pumasok si Andrius.
"I picked the lock." Anito bago pa siya makapagtanong.
Napailing nalang siya saka hinayaan itong samahan siya mag-shower. Nang kunin nito ang sabon sa kaniya at ito ang nagsabon sa kayawan niya, nagpaubaya siya. At nang dumako sa maselang parte ng katawan niya ang kamay ng binata, napakagat-labi nalang siya at napahawak sa malamig na tile ng banyo.
Why is he incorrigible? And why am I too?
AFTER LUNCH, she and Andrius spend their time lounging in bed, talking about their past that she can't remember and planning their future together.
"I want to marry you as fast as I could." Ani Andrius habang nakaunan siya sa braso nito at yakap siya sa beywang, "kaya dapat makauwi na tayo sa Pilipinas. Doon ko gustong magpakasal tayo."
Habang nagsasalita si Andrius ay pinagmamasdan niya ito. Natutuwa siyang tingnan na bakas ang kasiyahan sa mukha nito. Unlike the Andrius she first saw in the Hospital who looks like he's about to give up.
"Bakit ganiyan ka makatingin sakin?" Tanong ni Andrius kapagkuwan na pumukaw sa kaniya. "Naga-guwapuhan ka sakin no?"
Mahina siyang tumawa saka tumango. "Sobra."
"Binobola mo ako eh."
Tumawa lang siya saka niyakap ito at akmang magsasalita ng makarinig siya ng tunog na nanggagaling sa labas ng bahay.
Kumunot ang nuo niya. "Is Russo visiting?"
Umiling si Andrius na mukhang narinig din ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan sa labas ng bahay. "No. Sabi niya sakin tatawag siya kung pupunta siya."
Naging alerto kaagad ang katawan niya. "Si Iris?"
"Hindi rin."
"Then who's outside?" She asked.
Nagkatitigan sila ni Andrius at alam niyang pareho ang tumatakbo sa isip nilang dalawa.
Maingat na bumangon si Andrius saka dahan-dahang umalis ng kama. Kapagkuwan ay lumabas ito ng kuwarto para tingnan kung sino ang mga dumating.
Seconds later, Andrius came back.
"Who is it?" She asked.
"I don't know them." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila paalis ng kama saka kinuha nito ang hoody sa closet at isinuot iyon sa kaniya. "Hindi ka nila puwedeng makita."
Inayos niya ang pagkakasuot ng hoody saka walang tunog ang mga paang naglakad palapit sa malapad na sliding window. Nasa ikalawang palapag sila ng bahay pero hindi naman 'yon kataasan. They can jump from here.
Sumilip siya sa labas ng bintana. Wala siyang taong makita pero may nakikita siyang likod ng sasakyan na nagtatago sa halamanan.
She frowned and asked Andrius. "Did you park the car behind the bushes?"
Andrius whispered back. "Our car?" Naguguluhan nitong tanong. "It's in the backyard near the pool."
Mierda! Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Andrius saka hinila ito palayo sa pinto.
"Let's go." Aniya.
Tamang-tama naman na may sumipa pabukas ng pinto at pumasok ang tatlong kalalakihan.
The first thing Ivy noticed is the tattoo on their hands. Salavaderás Gang!
Her teeth gritted. "Culo."
"Fuck!" Andrius cussed.
Nilaparan niya ang pagkakabukas ng sliding window at nilingon si Andrius na dinidisarmahan ang kalalakihan gusto siyang barilin. Andrius move with precision and agility. Walang pag-aalinlangan ang mga suntok at sipang pinakawalan nito para mapatumba ang kalaban.
"Andrius—"
"Leave!" He shouted as he fought the three men, "baby! Go!"
Of course, she didn't listen. Bakit naman niya iiwan ang lalaking mahal niya at isinakripisyo niya ang sarili para lang maging maayos ang buhay nito?
Inabot niya ang base sa gilid ng kuwarto saka buong lakas iyong itinapon sa sa ulo sa isa sa mga kalaban ni Andrius. Nang bumagsak ito, mabilis na napatumba ni Andrius ang dalawa pang lalaki pero kaagad ding bumangon ang isa samantalang ang isa naman ay inabot ang baril nitong tumilapon sa sahig kanina dahil sa sipa ni Andrius.
"Fuck! Ivy—"
"Come on!" Mahigpit niyang hinawakan sa kamay si Andrius at hinila ito patungo sa malapad na sliding window saka walang pagaalinlangang tumalon siya pababa kasama si Andrius.
Inaasahan na ni Ivy na tatama ang katawan niya sa lupa pero sa katawan siya ni Andrius bumagsak at ito lahat ang sumalo sa bigat niya.
"Andrius!"
He groan in pain but still forced himself to get up. "Come on, baby..."
Kahit umiika-ika dahil sa paa nitong mukhang nabinat sa pagtalon at pakikipaglaban, nagawa pa rin siya nitong dalhin ng ligtas sa likod bahay saka pinasakay sa kotse na nakaparada roon.
Ivy knew that Andrius is in pain but he was so focus on keeping her safe that he doesn't even realize it.
"Andrius—"
"Seatbelt, baby."
Mabilis niyang isinuot ang seatbelt saka binuksan ang compartment ng sasakyan para maghanap ng puwedeng magamit para protektahan ang sarili nila.
A triumphant smile appeared on Ivy's lips when she saw a gun. Mahilis niyang tiningnan kung may bala iyon at nang makitang puno iyon, ikinasa niya ang baril saka tumingin sa likuran nila.
Nang makita ang tatlong kalalakihan na hinahabol na naman sila, tinanggal niya ang seatbelt at binuksan ang pinto saka inilabas ang kalahati ng katawan pagkatapos ay kinalabit niya ang gatilyo ng baril.
She fired three times and each bullet hit the target in the head.
Nang makabalik siya sa pagkaka-upo, hinila niya pasara ang pinto saka isinuot ulit ang seatbelt.
Kapagkuwan ay nagulat siya ng kunin ni Andrius ang baril sa kamay niya saka inilabas nito ang kalahati ng kamay sa nakabukas na salamin ng bintana ng kotse at binaril ang gulong ng kotseng nakatago sa halamanan ng madaanan nila 'yon.
Then he gave her back the gun. "Just in case you missed."
Tumaas ang kilay niya. "I don't miss, corazoncito."
"I know." Kinabig nito ang manibela pa kanan, patungo sa malapad na kalsada. "You hit my heart and you didn't miss."
Napangiti siya. "That's really cheesy."
"I know that."
Napailing-iling siya saka ibinalik ang baril sa compartment.
"Baby, can you get me phone in my pocket?"
"Sure." Kinuha niya ang cellphone nito saka tumingin dito. "You wanna call someone?"
"Yeah." He glance at her. "Russo. Tell him what happened." Andrius eyes focus on the road again, his eyebrow furrowed. "Walang nakakaalam na nandoon tayo maliban sa kakambal mo at kay Russo—"
"Russo would never betray me." Depensa niya.
Andrius scoffed. "Of course, he wouldn't because he's so damn loyal." May sarkasmo ang boses nito.
"Andrius..." she have to make him understand, "May tiwala ako kay Russo. Hinding-hindi niya ako ipapahamak."
"Paano ka nakakasiguro?" Hindi pa rin ito naniniwala.
"Just trust me." Aniya saka tumingin sa daan at bahagyang napangiwi ng sumakit ang ulo niya. "Mierda..."
"You okay?" Mukhang nakita ni Andrius ang pagngiwi niya sa rearview mirror.
"I'm fine." Huminga siya ng malalim saka isinandal ang katawan sa likod ng kinauupuan. "My head is at it again."
Hinilot niya ang sentido saka pinikit ang mga mata. Nang pakiramdam niya ay maayos na siya, tinawagan niya si Russo gamit ang cellphone ni Andrius kung saan naka-save ang numero nito.
"Russo, this is me." Pagpapakilala niya.
"Señorita." Kaagad nitong sabi. "Por qué llamaste? Está todo bien?"
She closed her eyes. "We were attacked in the house. Clean it up."
"Yes, Señorita."
"And Russo?"
"Yes?"
"Give me a profile."
"What are you planning to do?"
"Mátalos, por supuesto." Kill them, of course. Pagkasabi niya niyon ay pinatay niya ang tawag at iminulat ang mata saka bumaling kay Andrius na nakikinig lang sa kaniya. "Okay lang naman diba? I can kill them, right? I mean...they're trying to kill us. It's just right that I return the favor."
"No. Let the Police handle them."
She rolled her eyes. "Police won't help."
"Why?"
"Because we and other Mafias in the city paid them a handsome amount of money to shut the fuck up and do nothing." She blows a loud breath. "Those men are members of Salavaderás Gang. This means war."
"Baby." Andrius sighed. "You're not a member of a mafia anymore. You're my fiancé."
"Tell that to those bastards." She grumbled. "Hindi sila titigil hanggat hindi nila ako napapatay."
"Then we're leaving the country as soon as possible."
"Sure." She shrugged, "but as of now, we're still in my city and nobody messes with me here and get away with it with their live still intact."
"Baby—"
"Andrius." May diin niyang sambit sa pangalan niya. "I just want us safe."
"May ibang paraan pa."
"Do tell." Aniya na nag-uumpisa ng magalit. "I grew up in a very violent environment, Corazoncito. And those people will not hesitate to kill me or you. And this is how we deal with our shits."
"By killing other people."
"Yes." Tumingin siya sa dinaraanan. "That's how we settle things. Easy and stress-free."
Naputol ang pag-uusap nila ni Andrius ng tumunog ang cellphone nitong hawak pa rin niya.
It's Russo.
Sinagot niya iyon at ini-loud speaker para marinig ni Andrius.
"Russo."
"Salavaderás ordered the hit when they find out you're still alive. Actually, they'd been trying to kill you for a year now, this is only time they got really close."
Hindi siya nagkamali. "What do they want?"
"You."
"Me?"
"Yes. They want you to pay for what you did to their heir."
Tumaas ang sulok ng labi niya ng marinig ang rason ng nga Salavaderás. "Oh...so they want another war with me?"
"Señorita," may pag-aalala sa boses ni Russo. "You're not as powerful as before. Wala na rin sa likod mo ang ama mo. I overheard him and Iris talking. He knew you're alive and he knew that the Salavaderás is after you and he said he won't do anything to protect you. You're on your own."
"That's okay." Kampante niyang sabi saka bumaling kay Andrius. "I have my man right here. He'll protect me."
Andrius glanced at her and winked earning a chuckle from her.
"But Señorita," nag-aalala pa rin si Russo, "the Salavaderás power and connection grew immensely in the past three years. You'll be in big trouble."
"That's okay." Sabad ni Andrius sa usapan. "I can protect my fiancé."
"Look, Mr. Salazar—"
"No, escúchame, Russo." Putol ni Andrius sa iba pa sanang sasabihin ni Russo sa lengguwahe niya na ikinagulat niya. "I already lost Ivy once, I won't let it happen again. Ella está conmigo y la protegeré con mi vida. So if you want to help, just shut up and ready her passport and other papers and meet us in the Airport two hours from now. Necesitamos dejar este país rápidamente."
Malalim na bumuntong-hininga si Russo. "Is this what you want, Señorita?"
"Yes." Sagot niya.
"Then I'll make it happen." Anito sakay pinatay ang tawag.
Nabalot ng katahimikan ang sasakyan ng ilang minuto bago yon binasag ni Andrius.
"You really trust me to protect you?"
Tumango siya. "Oo naman." Ngumiti siya. "You're Lt. Col. Andrius Theodore Salazar III after all."
Andrius smiled but it instantly disappeared, replaced by a deep frown. "H-how did you know my rank and full name? Did Iris told you?"
Umiling siya. "Nope."
"I, ahm, d-didn't tell you either. Unless you knew me from your father..."
Nagsalubong ang kilay niya. "No... hindi pa sakin sinasabi ni Dad kung sino ang pakakasalan ko at—" umawang ang mga labi niya kapagkuwan, "oh, God, I remember your name!" She exclaimed. "And your rank!"
Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Andrius. "Damn, baby, you just made me breathless."
Hindi mapigilan ni Ivy ang kasiyahang nararamdaman dahil lang sa munting bagay na naalala niya.
Inalis niya ang seatbelt saka mahigpit na niyakap si Andrius. "I remember your name! And your rank!" She's so happy. "Oh, corazoncito. Te amo! Te amo! Te amo!"
Pinupog niya ng halik ang pisngi ni Andrius pero hindi ito pinakawalan.
"May naalala ka pa bang iba?"
Pinilit niyang alalahanin pero wala na siyang maalala. "Wala na." Bumagsak ang balikat niya. "That's lame."
Mahinang natawa si Andrius. "At least you remember my name and my rank."
Bumalik ulit ang ngiti sa mga labi niya. "Yeah, you're right."
Hindi pinakawalan ni Ivy sa pagkakayakap si Andrius hanggang sa makarating sila sa Hotel nito.
"Stay here." Anito ng iparada ang kotse sa parking lot ng hotel. "Kukunin ko lang ang mga gamit ko."
Tumango siya at hinatid ito ng tingin. Kapagkuwan ay tinawagan niya ang numero ni Track para kunin ang serbisyo nito. It's been years. Sana hindi pa nagbabago ang numero nito.
Pero ganun nalang ang gulat niya ng makitang naka-save ang numero na 'yon sa cellphone ni Andrius.
She frowned. "Ex-con?" Basa niya sa Caller I.D. saka nagmamadaling inilapit ang cellphone sa tainga ng makitang sinagot na nito ang tawag niya.
"You asshole!" Kaagad na sabi ng nasa kabilang linya. "Pinag-aalala mo kami ng sobrang gago ka. Hindi ka man lang tumawag ng ilang araw. Naghahanda na kami para puntahan ka riyan sa Bogóta—"
"Track?"
Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya kapagkuwan at walang emosyon ang boses na nagsalita ito ulit. "Who am I speaking to?"
"Ivy." Pagpapakilala niya. "Ivy Gonzaga."
There's a dead silence on the other line. Mabilis niyang tiningnan kung nakakonekta pa ang tawag at nang makitang naka-connect pa 'yon ay kaagad niya iyong ibinalik sa tainga niya.
"Track, I know its you." Aniya. "You haven't change your number, I see."
Finally, he spoke after a minute. "Akala ko plano mo lang na mamatay para hindi mo masira ang buhay ng kaibigan ko. I was hoping for three years that you will contact me for my services that's why I didn't change my number."
"Why are you waiting for my call?"
"So my friend would be sane again." Anito. "Akala ko talaga patay ka na. Hindi kita mahanap kahit anong gawin ko. Palaging ang kakambal mo ang nakikita ko." He lets out a loud breath. "I can't believe you're still alive."
"Yes. It's a long story." She sighed. "And I'm with Andrius again."
"I can see that." He chuckled. "So... what is it that you want? Tumigil na ako sa pagiging Track dahil gusto ko ng tahimik na buhay pero puwede pa naman akong tumulong sa maliliit na bagay nga lang."
That made her smile. "Maliit na bagay lang naman ang maging mata ko sa Airport."
"Oh. That?" He sounds disappointed. "That's easy. Anything else?"
"No. That's it."
"Okay. Consider it done."
"Thank you. I'll wire my payment to your account after this."
"Hindi na kailangan." Anito. "Alagaan mo lang yang kaibigan kong baliw na baliw sayo. Sapat na sakin 'yon."
That's sweet. "Okay. I will."
"Thanks."
The line died. At pagkalipas ng ilang segundo, nakabalik na si Andrius sa sasakyan. Ang dala nitong bag ay basta lang nito itinapon sa backseat pagkatapos kumuha ng t-shirt doon.
"I was in a hurry and didn't even change in my room." Reklamo nito.
Nang hubarin nito ang pang-itaas, umawang ang labi niya ng makita ang namamaga nitong likod.
Dahil ba 'yon sa pagtalon nila kanina at ito ang sumalo sa buong bigat niya.
"Corazoncito..." masuyong humaplos ang mga daliri niya sa likod nito.
Mabilis itong nagpalit ng damit saka ngumiti sa kaniya. "I'm okay."
"I don't believe you."
"It's better me than you." Sabi nito saka binuhay ang makina ng sasakyan.
Bumaba ang tingin sa paa nito, "is your leg feeling better?"
Kaagad itong tumango, "yeah, it's okay."
Hindi siya naniniwala. She saw how he walked earlier. "Itaas mo nga."
"Ha?"
"Lift it." Aniya.
Ilang segundo siya nitong tinitigan, binabasa siguro ang emosyon sa mukha niya kung seryuso siya sa pinapagawa nito, nang hindi nagbago ang emosyon sa mukha, itinaas nito ang paa.
Mahinang napamura si Andrius ng sinubukang itaas ang paa at humigpit ang hawak sa manibela.
"See!" Tiningnan niya ito ng masama. "You're not okay." Malalim siyang napabuntong-hininga. "Nadamay ka na naman sa gulo ng buhay ko. Hindi ko man maalala ang nangyari sating dalawa, pero parang alam ko na kung bakit ginusto kong lumayo sayo."
"Ivy, don't you dare say it." May diin sa bawat katagang binibitiwan ni Andrius. "Napag-usapan na natin 'to kanina. You said you'll keep me. And It's my life! It's for me to decide what I want to do with it."
Malungkot siyang umiling. "But you could live your life differently—"
"No... no, Ivy—"
"I'm giving you a choice." Hinawakan niya ang kamay ni Andrius. "You could still walk away. You can still leave me and forget that you ever meet me. It's for your own safety—"
"No...no!" Marahas itong umiling. "No...I'm not gonna lose you, I'm not gonna forget you and I'm not gonna let you push me away." May pinalidad ang boses nito. "You said you'll keep me, then keep me. I love you, Ivy. At kaya kong ipaglaban ng patayan ang pagmamahal ko sayo. If loving you means risking my life, then so be it... because my life is not worth living without you in it."
A tear fall down to her cheek. "But being with me is dangerous, Corazoncito. You can choose to stop loving me, I won't mind."
Umiling ang binata habang matiim na nakatitig sa kaniya. "I can't... I don't want to. Loving you...falling in love with you was the best thing that ever happened to me. Hindi ko 'yon itatapon dahil lang natatakot akong mapahamak. I will gladly welcome danger if that means being with you."
"You're crazy..."
"Yes, I'm crazy in love with you."
Bigla niyang nasapo ang ulo ng biglang may pumasok sa isip niya. It's like a moving picture and she's in it!
Andrius came and brought her to a Restaurant where he confessed his feelings for her.
"Baby? Ivy... Ivy... are you okay?"
Napadaing siya saka iminulat niya ang mariing nakapikit na mga mata at tumingin siya kay Andrius. "That's your second time telling me that."
"Telling you what?"
"That you're crazy in love with me."
Nanlaki ang mga mata ni Andrius. "Naalala mo na ako?"
Hinilot niya ang sentido. "Just a glimpse."
Hinaplos ni Andrius ang pisngi niya saka hinawi ang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha niya. "Baby..."
She looked at him. "Hmm?"
"Don't push me away." He said. "I'm not going anywhere."
"I was just giving you a choice." Sabi niya. "Choice to live a normal life."
"No thanks." He smiled. "I prefer this life. With you in it."
Hindi na niya pinilit si Andrius. Ayaw din naman niyang iwan siya nito. Natatakot lang siya na mapahamak ito ng dahil sa kaniya. She just have to protect him so he won't get hurt.
"Corazoncito?"
"Yes, baby?"
"I don't want you to get hurt because of me so next time, be careful, okay?"
Sumaludo ito sa kaniya. "Yes, Ma'am."
Napangiti nalang siya saka napailing-iling. "Magpalit tayo. Ako na mag magmamaneho. Mas lalong sasakit yang paa mo kapag pinilit mo."
Kaagad namang nakinig sa kaniya si Andrius. Lumipat ito sa passenger seat at siya ang nagmaneho patungong Airport.
Umaasa siya na walang magiging aberya sa Airport. Pero bago pa man sila makarating, tumawag si Track para ipaalam na bantay sarado ng mga Salavaderás ang buong lugar kasama ang ibang transportasyon na puwede nilang magamit para makaalis sa lugar na 'to.
Great. Just...great.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top