CHAPTER 21

Happy Reading to Jots Siaotong 📖

CHAPTER 21

ANDRIUS LAZILY picks up his phone from the center table when it started ringing while he's watching some nonsense movie in TV. Balak niyang patayin o baliwalain ang tawag pero ng makitang ang ina niya iyon ay kaagad niyang sinagot ang tawag.

"Good morning, Mother." Aniya sa kalmadong boses habang sumisimsim ng rum mula sa basong hawak.

"Gising ka pa?" Bakas ang gulat sa boses nito at pag-aalala. "It's 2:30 AM, son." Iyon ang lumabas sa bibig ng ina niya sa halip na batiin siya. "Why are you still up, dear? Can't sleep again? Nightmares pestering you again? Do you need someone to talk to—"

"I'm fine, Mom." Inubos niya ang lamang alak ng baso saka nagsalin ulit ng rum. "Why are you calling by the way? May iririto ka ba sakin?" Biro niya.

"Wala." Kaagad na sagot ng ina niya. She sounds defensive. "Alam mo namang hindi ko na gagawin 'yon sayo. The last time I force you to a woman, you end up spending a year in that place. Not again, Andrius. Hindi na ako makakapayag na bumalik ka na naman do'n."

Mahina siyang natawa. "Mom, I'm fine. Really fine."

"I know." His mother sounds restless. "But please, huwag ka ng magtatanong kung may iririto ako sayo. You're finally picking up the pieces of your life after it fell apart years ago. Ayokong guluhin ka. I just called to check up on you, that's all."

He chuckled and sipped the rum from the glass he's holding. "To check up on me at 2:30 AM?"

"Yes." His mother let out a loud breath. "Anyway, good night. Matulog ka na, anak."

"Good night, Mom."

Nang mawala ang ina sa kabilang linya, pinindot niya ang pangatlo sa speed dial niya at inilapit sa taenga ang cellphone na hawak.

The other line rang three times before someone answered.

"This better be good—"

"I can't sleep." Putol niya sa iba pang sasabihin ng nasa kabilang linya.

Natahimik ang nasa kabilang linya kapagkuwan ay walang imik na pinatayan siya ng tawag. Siya naman ay napabuntong-hininga nalang saka napailing at itinapon ang cellphone niya sa pang-isahang sofa.

His phone bounces off the sofa unto the floor but he didn't picked it up. Hinayaan niya iyon sa sahig at pinagpatuloy ang panunuod ng pelikula.

Pagkalipas ng ilang minuto, natigilan siya ng marinig ang pagbukas ng pinto ng penthouse niya pero kaagad niya iyong pinagsawalang bahala at itinutok ang buong atensiyon sa pinapanuod.

"Hey, bud." Anang boses ni Sanford na dumaan lang sa salas at dumeretso sa kusina.

And when he resurface from the kitchen, he was holding two cold bottle of beers in his hands. Ang isa ay ibinigay nito kay Yrozz na umupo sa pang-isahang sofa at siyang pumulot ng cellphone niya sa sahig at ipinatong iyon sa round table.

"Madaling araw na." Komento ni Sanford saka umupo sa kabilang dulo ng mahabang sofa na kinauupuan niya. "Matulog ka na."

"...can't sleep." Aniya habang nakatutok ang mga mata sa TV.

"Bud," Yrozz sighed, he can feel his eyes staring at him. "You can't keep doing this to yourself."

"Doing what?" He looked at Yrozz in confusion and innocense. "Wala naman akong ginagawa. Kayo itong may ginagawa eh."

Sanford frowned at him. "What are you talking about?"

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga saka inisa-isa ang ginawa ng mga ito mula ng makalabas siya sa lugar na 'yon. "You moved into my building. You two bought a condo unit just below my penthouse." Napailing siya. "You force me to give you a key to my place and you shadow my every move. Hindi ba naki-creepy-han ang mga girlfriend niyo sa ginagawa niyo?"

Si Sanford ang unang sumagot. "No. My fiancé understands why I'm doing this and she's very supportive."

"My sweetheart is cool with it." Yrozz drink his beer. "Alam naman niya kung bakit nandito kami."

"Bakit nga ba kayo nandito?" Tanong niya sa dalawa pagkatapos i-mute ang volume ng TV.

"Para bantayan ka." Walang pangingiming sagot ni Khairro sa kaniya. "Para may kasama ka. Para may makausap ka. Para kapag naisipan mong magpakamatay tulad noon ay mapigilan ka namin. That's the reason why."

Andrius blows out a loud breath. "Ilang beses ko bang dapat sabihin na okay ako?" Iritado niyang sabi habang umiiling-iling. "I'm not going back to that place, I'm not gonna kill myself and I'm really, really fine. Ilang ulit ko bang dapat sabihin 'yon sa iyo para pakinggan niyo ako?"

Yrozz tsked. "Kahit ilang ulit mo pang sabihin 'yan, hindi pa rin kami kombensido." Tumiim ang titig nito sa kaniya. "It's been three years, Andrius. Tatlong taon ka nang nagluluksa. Kailan ba matatapos 'to? Kailan mo ba makakalimutan si Ivy?"

Naging blangko ang mukha niya sa tanong ng kaibigan at kaagad na binaloy ng kirot ang puso niya. Walang imik siyang tumayo at iniwan ang dalawa sa salas saka pumasok siya sa kuwarto niya at ini-lock iyon.

Hindi niya pinansin si Khairro at Yrozz na nasa labas pa rin at tinatawag ang pangalan niya.

As he lay on his bed, staring at the ceiling, Ivy's beautiful smile crept into his mind.

Unti-unti, nalaglag ang isang butil ng luha mula sa mata niya dahilan para mapatiim-bagang siya.

It's been three years ... but nothing has change.

"Masakit pa rin..." bulong niya habang walang imik na lumuluha, "sobrang sakit pa rin."

Ipinatong niya ang braso sa mga mata niya saka pilit niyang hinamig ang sarili.

He doesn't want to weep. Siguradong hindi masisiyahan si Ivy kung makikita siya nitong malungkot. He wanted to be happy for her. To live a normal and happy life for her. Kasi iyon naman ang gusto nito para sa kaniya. Na maging masaya siya.

It took him months to pull himself together and now, his life is finally turning around after what happened to him three years ago. Nakabalik na siya sa serbisyo pagkalipas ng dalawang taon at kahit papaano ay maayos na ang lagay niya ngayon.

Pero kahit naayos na niya ang sarili, hindi pa rin niya makalimutan si Ivy. Ang babaeng gumulo sa buhay niya. A mess that he would gladly accept again if given a chance.

Bumuga ng marahas na hininga si Andrius saka pinahid ang luha sa mga mata at tinuyo ang luha sa pisngi kapagkuwan ay pinilit niya ang sarili na makatulog.

But minutes and hours passes, he's still awake.

Iritado siyang bumangon saka tumingin sa relong nasa bed side table.

4:00 A.M.

"Shit..." mahina niyang mura saka napasabunot sa sariling buhok bago lumabas ng kuwarto.

Wala na doon ang dalawa na pinagpasalamat niya.

Dumeretso siya sa kusina saka gumawa ng kape at nagsalin sa tasa. Pagkatapos ay nagtungo siya ng sala habang dala-dala ang tasang may lamang kape at naupo sa mahabang sofa saka binuksan ang TV.

And as he watched some nonsense TV Series, he sipped his coffee. Hanggang sa dumating ang alas-sais, nasa harapan pa rin siya ng TV, nanunuod.

Nawala lang ang atensiyon niya sa pinapanuod ng tumunog ang cellphone niya. Tinatamad man, sinagot pa rin niya iyon.

"Hello? Who's this?" Tanong niya dahil hindi niya tiningnan ang Caller I.D.

"This is Dr. George." Anang nasa kabilang linya. "Ipapaalala ko lang na may appointment ka sakin ngayon."

Fuck. Nahilot niya ang sentido. "Thanks, Doc. I'll be there in an hour."

"Sige. Hihintayin kita."

"Thanks."

"And don't be late."

He groaned. "I won't."

Pinatay niya ang tawag saka ilang segundo munang napatitig sa kawalan bago tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at nagtungo sa kuwarto para maligo.

After taking a bath, he dressed in a comfortable shirt and jeans before heading out. Nang makalabas siya ng condo, kaagad siyang sumakay sa kotse niya saka nagmaneho patungo sa opisina ni Dr. George.

Habang nagmamaneho siya, tumawag sa kaniya si Yrozz.

"Where are you?" Yon kaagad ang tanong nito ng sagutin niya ang tawag.

Napabuntong-hininga nalang siya. "Bud, hindi ako bata na sa tuwing nawawala ay kailangang hanapin. I'm fine."

"Sorry, man." Narinig niyang malakas na bumuntong-hininga si Yrozz sa kabilang linya. "Nag-alala lang kami ng hindi ka namin naabutan sa penthouse mo."

"I'm fine. I have a Doctor's appointment." Aniya saka naiiling na pinatay ang tawag.

His friends. They're always worried about him.

Malakas siyang napabuntong-hininga saka mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.

It took him an hour to reach Dr. George's office. Nang ma-i-park niya ang sasakyan, kaagad siyang nagtungo sa opisina ni Dr. George sa pinakamataas na palapag ng gusali.

Nang makita siya ng secretary nito ay kaagad siyang pinapasok.

"Kanina ka pa hinihintay ni Doc." Ani Belen sa kaniya.

Nakangiting tumango lang siya saka maingat na tinulak pabukas ang pinto sa opisina ni Doc. George saka pumasok.

"Good morning." Maaliwalas ang mukhang bati sa kaniya ni Dr. George ng makita siya.

He smiled. "Morning."

Iminuwestra kaagad nito ang pahabang sofa. "Upo ka." Anito saka umupo naman ito sa pang-isahang sofa na kaharap ng sofa na kinauupuan niya. "Do you want anything before we begin? Coffee?"

Umiling siya. "I'm fine—"

"As usual." Dr. George cuts him off. "Kailan mo ba sasabihin sakin na hindi maayos ang lagay mo? Because if you are fine, you wouldn't be here in my office, talking to me, a Therapist."

Andrius forced a smile. "I'm really fine."

"Liar." Dr. George tsked. "Tell me something I don't know, Andrius."

He sighed. "I'm really fine—"

"Lying again." He stared intently at him, his eyes piercing his defences. "Tell me, Andrius, how do you feel today? And please, don't just tell me that you're fine. I would appreciate it if you elaborate."

Humugot siya ng malalim na hininga saka malakas iyong ibinuga bago sinagot ang Doctor. "As usual, hindi na naman ako makatulog. I didn't take any sleeping pill. I just watched TV to pass the time and I thought of her again. Other than that, I'm fine."

Dr. George looked at him sympathetically. "Kumusta naman ang lagay mo noong isang araw?"

"Same." Aniya saka napabuntong-hininga at isinandal ang katawan sa likod ng sofa. "But I slept for a couple of hours. Pero nagising din ako kaagad ng madaling araw at hindi na ako nakatulog ulit."

"At ano naman ang nasa isip mo habang hindi ka makatulog?"

Nagkibit-balikat siya. "Just things..."

"What kind of things?"

Andrius shrugged again. "You know...the usual."

"What are the usual?"

Naiiritang napatitig siya sa kaharap. "Seriously? You know what I mean when I say the usual."

"I know." Doc George. "Pero gusto ko pa ring marinig yon mula sayo."

Napabuntong-hininga na naman siya pero sumagot pa rin. "The usual... si Ivy, ang pag-iwan niya sakin, ang mga nangyari sakin pagkatapos at ang lagay ko ngayon."

Dr. George nodded while he looked at him like he's reading him. "Wala bang pinagbago ang nararamdaman mo sa tuwing naaalala mo si Ivy?"

Nanikip ang dibdib niya. "Walang nagbago." Kumuyom ang kamao niya. "Pain... Guilt... Anger..."

Dr. George sighed heavily. "We've been dealing with those three emotions of yours for years now, Andrius. At wala akong nakikitang pagbabago sayo. Yes, your health as improved and I can see now that you look better than before. But you still hold on to Ivy's memories that's why you couldn't let go. Hanggang ngayon, mahigpit pa rin ang hawak mo sa ala-ala niyo ni Ivy. You have to let go, Andrius. You have to accept that she's already gone and not coming back."

"Alam ko namang wala na siya." Umiling siya saka mapait na ngumiti. "Pero minsan, naiisip ko na parang nagbabakasyon lang si Ivy sa Bogotá at siguro nahihirapan siyang bumalik sakin—"

"But she's already dead." Dr. George cut him off with firmness in his voice. "Hindi na siya babalik sayo kasi hindi naman siya nagbakasyon, wala na siya, Andrius. Patay na siya. Pareho nating alam 'yon."

Kumuyom ang kamao niya. "Alam ko naman 'yon. Pero hindi pa rin iyon mawala sa isip ko..."

Napabuntong-hininga si Dr. George saka ilang segundo siyang tinitigan bago huminga ng malalim at nagsalita. "Every time we talk, we always end up in the same conversation. Palagi mong sinasabi sakin na minsan naiisip mo na nagbakasyon lang si Ivy. But we both know that it's not true yet you are having a hard time accepting the facts."

Umayos siya ng upo saka malakas na bumuga ng malalim na hininga. "Alam ko naman na patay na siya. Minsan ko lang naman 'yon maisip."

"Still..." nilaro-laro ng daliri nito ang hawak na ballpen, "...sumasagi pa rin iyon sa isip mo."

"And it's a bad thing?"

Dr. George shrugged his shoulder. "It depends. Kung iyon ang pumipigil sayo para tuluyan nang maka move on at makawala sa ala-ala ni Ivy, then it's bad."

He frowned. "How so?"

"Part of you is still in-denial."

Mas lalong lumalim ang gatla sa nuo niya. "Minsan ko lang naman maisip 'yon, Doc."

"Yes. I know. But maybe, you need to have a break from everything."

Now he's confused. "What do you mean?"

"Magbakasyon ka. It sometime helps to clear our minds."

Naguguluhang napatitig siya kay Dr. George. "Vacation? Where?"

Ngumiti sa kaniya ang Doctor. "Hmm... how about Bogotá?"

His eyes widened. "What?"

"Sabi mo naiisip mo minsan na nagbabakasyon lang si Ivy sa Bogotá, kaya naman mas makabubuti sayo kung magbabakasyon ka sa lugar na 'yon." Dr. George's smile widen even more. "I think going to Bogotá will help you over come things."

Now he's more confused. "What are you talking about? Bakit naman ako pupunta sa Bogotá? I don't want to go there—"

"All I'm saying is that," inilapag nito ang hawak na note pad sa round table, "you need a vacation. A break." Ilang segundo siya nitong pinagmasdan bago nagsalita ulit, "at sa tingin ko makakabuti para sayo kung sa Bogotá ka magbabakasyon. I think while you're in there, you can made peace with what happened to you."

Andrius jaw tightened. "I don't want to—"

"This can help you, Andrius." Giit ni Dr. George sa kaniya. "Malay mo, baka pagkatapos ng bakasyon mo, hindi mo na ako kailanganin. Isn't that what you want, to be free from me, to be able to sleep peacefully at night and to be finally better?"

Andrius' hands keep on clenching and unclenching as he think of going to Bogotá. Hindi siya makapag-desisyon. He doesn't want to go to that place but some part of him agree with Dr. George.

Kailangan niyang pumunta sa Bogotá para matapos na itong kahibangan niya. He needs to face the facts. He can't keep fooling himself that Ivy is just having a vacation in a far away place. Hindi puwedeng ganito siya habang buhay. He have to live his life happily, like what Ivy wanted. At hindi siya tuluyang magiging masaya kung hindi niya haharapin ang dapat niyang harapin.

Just like what Ivy said. He can't lose himself again because of love. Hindi puwedeng ganito siya habang buhay.

Andrius took a deep breath and looked at Dr. George with determination in his eyes. "You think going there can help me? Mawawala ba ang sakit? Makakatulog na ba ako ng maayos?"

Dr. George nodded. "Nasisiguro kong makakatulong 'to sayo para maging maayos ka na ng tuluyan. And about the pain and sleepless night, we will deal with it after you came back. Sigurado ako, Andrius, going there can help you a lot. Matagal ko nang gustong i-suggest ito sayo pero alam kong hindi ka pa handa noon. But now, I can see that you're really getting better and going there is what you needed to do to accept everything and finally move on."

Yes. He wants to be really okay. Maybe Dr. George is right, maybe this could help him. "Okay. I'll do it."

"Great." Dr. George looked satisfied with his decision. "Dapat umalis ka kaagad. One or two weeks will do. At kapag nakabalik ka, mag-usap tayo ulit, okay?"

Andrius took a deep breath and force a smile. "Okay."

Ilang minuto pa silang nag-usap ni Dr. George bago siya lumabas ng opisina nito.

At habang nagmamaneho siya pabalik sa penthouse niya para magbihis ng uniporme niya, tinawagan niya ang kilala niyang ticketing office para magpa-book ng flight patungong Bogotá.



NAGHUHUBAD NG UNIPORME si Andrius dahil kauuwi lang niya galing trabaho ng biglang bumukas ang pinto ng penthouse niya. Napakurap-kurap siya saka napatitig sa kaibigang kapapasok lang.

"May kailangan ka?" Tanong niya kay Sanford.

Sa halip na sagutin ang tanong niya, sumulyap ito sa pang-itaas niyang uniporme na kahuhubad lang niya. "How's work? Doing good?"

"I don't do field work anymore, so yeah, I'm good." Aniya saka ang pang-ibabang uniporme naman niya ang hinubad at iniwan lang ang boxer na suot. "Nasa opisina lang naman ako buong araw."

Ilang segundong nakatahimik si Khairro. "I'm sorry to hear that, bud."

He shrugged his shoulder. "Hindi mo naman kasalanan kung bakit hindi ako puwede sa field work. I'm actually thankful to you because you help to pull some strings to get my job back even after what happened."

Sanford walked towards him and tapped his shoulder. "No big deal, bud." Umupo siya sa pang-isahang sofa. "By the way, your Uncle called me. You file a leave of absence for two weeks?"

Here we go again. Napailing nalang siya. "Yeah. Vacation."

"Hmm..." Sanford look up at him. "Where?"

"Bogotá."

Natawa si Andrius ng makita niya ang pamimilog ng mata ni Sanford ng sabihin niya kung saan siya magbabakasyon. At hindi na siya nagulat ng mabilis siya nitong pinigilan.

"But you don't want to go there. What if something bad happens to you there? What if it came back again? Sinong kasama mo doon? Wala. Ang dami namang lugar na puwede mong pagbakasyunan—"

"Sanford." May diin boses niya na nagpatigil dito sa pagsasalita. "I'll be okay. My Therapist suggested it to me and I agree to go there. Sabi niya makakatulong sakin to."

Bumagsak ang balikat ni Sanford. "Are you sure you'll be okay there?"

Tumango siya. "Yes. I'll be okay."

"Okay." Sanford sounds uneasy.

"Khairro..." he looked at his friend in the eyes, "I will be fine. Hindi ko sasaktan ang sarili ko. Don't worry too much, okay?"

Sanford sighed heavily. "Samahan ka kaya namin?"

Natawa siya sa sinabi ni Khairro. "Gago. Paano ang fiancé mo? Kaya mong hindi siya makita ng dalawang linggo?"

"Hindi." Kaagad na sagot ni Khairro.

Mas natawa siya. "See? I can handle myself just fine, bud."

Malakas na napabuntong-hininga si Sanford. "Fine. But call us from time to time, okay? Kapag hindi ka tumawag, we will assume the worst and the next thing you know, all of us is in Bogotá, beating the shit out of you."

"Noted." Napangiti siya saka pumasok sa kuwarto.

"I'm leaving, bud!" Sigaw ni Khairro mula sa salas.

"Okay! Close the door!" He shouted back.

Nang mapag-isa, napatitig siya sa walk-in closet niya ng ilang segundo bago gumalaw para mag-impake.

Bogotá ... the last place where he wanted to be.

#Hotdog. Foot long or regular size? 😂😅

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top