CHAPTER 20
CHAPTER 20
PARANG BINIBIYAK ang ulo ni Andrius ng magising siya. Nang imulat niya ang mga mata, kaagad din niyang ipinikit iyon ng masilaw siya sa liwanag ng buong silid. He groaned and grunted as he squint his eyes before trying to open them again.
And to his confusion, most of his friends is in the room, circling his bed.
Kumunot ang nuo niya ng nanuot sa ilong niya ang amoy ng Hospital. Mas lalo siyang naguluhan sa nangyayari lalo ng luminga-linga siya at nakita ang IV na nakatusok sa pulsohan niya.
"Bakit ako nasa Hospital?" Pinilit niya ang sariling bumangon pero hindi niya masyadong maigalaw ang katawan niya kaya naman napabalik siya ng higa sa kama. Pakiramdam niya ay hinang-hina siya.
"Ano'ng nangyari sakin?" Namamaos ang boses niyang tanong ulit.
"You were drugged."
Napatingin siya kay Thorn na siyang sumagot sa kaniya. "W-What? Who drugged me?"
Yrozz answered. "Your Fiancé."
Luminga-linga siya ng banggitin nito si Ivy. "Where is she? And why the hell would she do that to me?"
Mas lalo siyang naguluhan at nag-alala ng walang sumagot sa kaniya.
Nagsalubong ang kilay niya at kinain ng pag-aalala ng maalala ang huling usapan nila ni Ivy. "Answer me." He's worried. "Nasaan si Ivy?"
Isa-isa niyang tiningnan ang mukha ng mga kaibigan niya at mas lalo lang siyang kinain ng takot at pag-aalala ng nanatiling walang imik ang mga ito. Wala sa mga ito ang nagsalita para sagutin siya. Not even Khairro who's just standing beside his bed, unmoving.
Tumiim ang titig niya kay Sanford. "Bud..." nangungusap ang mga mata niya. "Nasaan ang fiancé ko?"
Walang emosyon ang mga mata ni Sanford na sinalubong ang tingin niya. "I'm sorry, bud."
Fear consumer him. "A-anong ibig mong sabihin? Nasaan ang fiancé ko, Sanford?" Tumalim ang mga mata niya. "Anong ginawa mo sa kaniya?! Tell me! Damn it! Tell me!"
Sanford remained silent.
"Sagutin mo ako!" Singhal niya kay Sanford. "Where's My Fiancee?!" Nang hindi sumagot si Sanford, galit na pinilit niyang bumangon para sugurin ito pero pinigilan siya ni Terron at Sudalga na makaalis ng kama.
"Enough, bud." Cali pinned him on the bed with his hand on his chest. "Calm down."
Hindi niya pinansin si Sudalga. Nanatiling nakatingin ang matalim niyang mata kay Khairro. "What did you do to her?! Answer me, Sanford, or I'll kill you—"
Napatigil siya sa pagbabanta kay Sanford ng may iniabot ito sa kaniyang nakatuping papel.
"Nakita ko 'tong nakapatong sa bedside table sa kuwarto mo ng puntahan kita kanina." Ani Khairro. "I think you should read it first."
Tinabig niya ang kamay ni Sudalga at Terron na pumipigil sa kaniyang gumalaw saka padaskol niyang inagaw ang papel na nakatupi kay Sanford saka binuklat iyon at binasa.
Mi Corazon...
Napatigil siya sa pagbabasa ng makita kung para kanino iyon.
It's for him! Namilog ang mga mata niya. This is from his babe!
Mabilis niyang binasa ang nakasulat at sa hindi niya malamang dahilan, kumakabog ng malakas ang puso niya dahil sa kabang nararamdaman.
'I want to start this letter by saying te amo to you. I've done my fair share of bad deeds and bad decisions and I wasn't proud of them, not with you anyway. Kapag kasama kita, gusto kong burahin ang lahat ng maling nagawa ko bago kita nakilala. I want to erase all of them. All my mistakes.
But you know, there is one thing I did right in my life, just one thing. And it was when I gave my heart to you.
Corazoncito, I'm sorry. Gustuhin ko man na makasama ka ng matagal, hindi puwede. Hindi mo man aminin sakin, alam kong nasira ko ang buhay mo. I know you would say that falling in love with me is the best thing that happened to you but I don't believe that you know. Because I believe that you, falling in love with me, is the greatest mistake of your life and you will regret it someday.
If I choose to stay by your side, your life will be ruined because of me and I don't want that for the man I love. I don't want to be selfish and drag you to my world. You deserve more. You deserve better. I love you too much to let you suffer because of my mistakes.
No, my mistake is my own and I will take full responsibility of every bad decisions I made. Not you. My mother taught me that love isn't selfish, that love doesn't hurt. Love is good, love forgives and love is all about giving and not taking. Kaya gusto kong ibigay ang lahat ng kaya kong ibigay maging masaya ka lang.
At palagi mong alalahanin ang sinabi ko sayo na babae lang ako, puwede mo akong palitan at sigurado akong makakahanap ka pa ng mas higit pa sa akin. Don't lose yourself because of me. Don't throw away who you are just because you love me. Sana pagkatapos ng lahat ng ito, maging masaya ka pa rin. Please, Andrius, forget everything about me. Kalimutan mo ako. Burahin mo sa isip mo na may nakilala kang babae na gumulo sa buhay mo.
Again. Lo siento, corazoncito. And te amo, mi amor.'
Ilang segundo na niyang natapos basahin ang sulat ni Ivy pero nakatitig pa rin siya sa papel na hawak habang nanginginig ang mga kamay niya. He's confused, worried and afraid that what he might be thinking right now is true, that Ivy left him to keep him safe.
"Hindi..." mahina niyang bulong, nararamdaman niya ang panghihina ng loob niya, ang pagsikip ng dibdib niya at ang frustrasyong lumulukob sa kaniya. "No... she can't leave me. She told me she loves me. Hindi niya ako puwedeng iwan." Marahas siyang umiling saka nag-angat ng tingin sa mga kaibigan niya. "She's still here, right?" He looked at Shun. "You can track her right? Magbabayad ako kahit na magkano."
Nagtagis ang bagang niya ng wala siyang nakuhang sagot. Nakakuyom ang kamao niya na bumaling siya kay Sanford.
"Where is she? Sumuko na naman ba siya sayo?" Galit niyang tanong dito. "Kinulong mo na naman ba siya, ha?!"
Umuling si Sanford, hindi pa rin ito makatingin sa kaniya. "Hindi."
Tumalim ang mata niya. "Then where is she?!" Hindi niya mapigilang sumigaw sa pinaghalong galit at takot na nararamdaman niya. "Sigurado naman akong hindi mo hahayaang takbuhan niya ang warrant of arrest mo—"
"She's dead, Andrius."
Pakiramdam ni Andrius ay namingi siya sa narinig. Nanlamig ang buo niyang katawan at parang nayanig ang buong mundo niya sa sinabi ni Titus.
Slowly, he looked at Morgan. Bakas sa mukha niya ang gulat at kaguluhan. "Anong—p-paanong— a-ano ba ang p-pinagsasasabi mo diyan?"
"Your Ivy is dead." Ulit ni Morgan, walang emosyon sa boses nito. "She was shot and was burned until all the flesh in her body melted—"
"Titus." Madiing sambi ni Martinez sa pangalan ni Morgan at kaagad na tumahimik ito. Kapagkuwan ay tumingin sa kaniya si Phoenix. "Bud... we're sorry. At this moment, we can't do anything for you."
Andrius looked at his friends one by one. Nobody is looking at him in the eyes. At habang nakatingin siya sa mga kaibigan niyang hindi makatingin sa kaniya, nararamdaman niya ang panghihina ng katawan hanggang sa wala na siyang maramdaman.
He feels empty.
"Nahuli ako ng dating." Boses iyon ni Sanford pero wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. It's like he's making a sound and its making him angry. "Nakatanggap ako ng report na may nasusunog daw na abandonadong factory. Nang dumating ako doon, wala na. Sunog na. Halos kalahating oras din ang tinagal para maapula ang sunog. At nang suyurin namin ang buong lugar, natagpuan namin 'to."
Ang walang buhay niyang mga mata ay tumingin sa ipinakita sa kaniya ni Sanford na nasa loob ng ziplock.
Necklace. Bracelet. Earings. Ring. Half-burned I.D. and Passport.
Those are Ivy's belongings.
A tear slid down from his eyes. "Maybe it's not her... maybe you got it all wrong..."
Umiling si Sanford. "We double check, Salazar. I double check everything."
Umiling siya, ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi ni Sanford. "Hindi... it's not her. It can't be her. No... hindi... she can't be—" he's choking in pain ... "—d-dead."
Humigpit ang hawak ni Sanford sa ziplock. "I want her not to be dead, Salazar. Alam mo 'yon. I doubled check everything. But everything matched. At wala akong makuhang ebidensiya na hindi nga siya 'yon. Kaya pinuntahan kita sa penthouse mo pero wala kang malay. May nakita akong syringe sa basurahan kaya naman dinala kaagad kita dito sa Hospital para malaman ang lagay mo. Looks like someone drugged you to remain unconscious for the whole day."
Marahas siyang umiling. "You're lying. Hindi totoong wala na si Ivy. Nagsisinungalingan ka sakin—"
"She was burned." Shun cut him off. "No fingerprint, no face, nothing but the body matching your fiancé and her belongings. And I hacked every CCTV in that area. Siya ang babaeng nandoon. Somehow, she got shot in that abandoned factory and was burned. All we saw in her car are some traces of drugs in the back compartment. Mukhang may kumuha sa mga iyon pagkatapos siyang barilin saka sinunog. Maliban do'n, wala na kaming alam."
Kumawala ang walang buhay na tawa sa bibig niya habang tumutulo ang luha sa pisngi niya. He can feel his sanity slipping away.
Sa bawat segundo na dumadaan, mas lalong nawawala siya sa katinuan habang laman ng isip niya si Ivy.
She was shot.
She was burned.
Nahirapan ba siya? Nasaktan ba siya ng sobra? Naghirap ba siya bago namatay? Inisip ba niya ako?
Paulit-ulit ang mga katanungang iyon sa isip niya habang nakasabunot sa sariling buhok.
"No... no." Tears filled his eyes. "No.. no..."
"Salazar—"
"No! No! No!" Hinablot niya ang IV na nakatusok sa kaniya saka pilit na umalis sa higaan. "I have to see her..." Pilit siyang umalis sa kama kahit hindi niya kaya. "Take me to her..." bumagsak siya sa sahig ng makababa sa kama saka pilit siyang tumatayo. "Hindi siya yon... I'll prove to you that it's not her! Hindi puwede! Hindi puwede!"
"Stop it, Salazar!" Sudalga snapped at him while he grabbed him in the arm.
"No!"
"Stop it!" Terron shouted as he helped him up.
"Salazar, ano ba! Hindi ka pa magaling!" Singhal ni Martinez sa kaniya habang pinipigilan siyang makahakbang ulit.
But he didn't listen. He wanted to see Ivy. To look for her. To see her beautiful smile and to hear her call him corazoncito again. To prove to them that she's alive and not dead.
"No. I have to see Ivy. Take me to her." Nagmamakaawa siya pero walang nakikinig sa kaniya. "Please...take me to her. Please!"
Nagpumilit siya, nagwala sila, pero hindi na siya nakapalag ng maramdamang may tumusok sa kaniya sa braso. Nang tingnan niya kung ano 'yon, nakita niya si Blaze na hinuhugot ang syringe sa pagkakabaon sa braso niya.
"Pampakalma, bud." Anito saka malungkot siyang nginitian. "You need it. Just like I did when I was in your shoes." Tinapik nito ang balikat niya bago lumayo sa kaniya.
Andrius wanted to speak. He wanted to move. Pero wala siyang lakas na gawin ang gusto niya. Unti-unti siyang nanghina. And the next thing he knew, he's losing consciousness.
"No... Ivy." Iyon ang huling kumawala sa mga labi niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.
ANDRIUS CAN see Ivy burning. He can hear her screams of pain as the flame consumed her inside the car. Pilit siyang humahakbang palapit dito pero hindi niya maigalaw ang mga paa.
"No... Ivy! Ivy!"
She looked at him while her body was engulf in flame.
Pain is in her eyes. She's suffering and she's begging for him to save her. "Help me...help me, Corazoncito..."
Andrius forced himself to move but he's stuck. Kahit anong gawin niya hindi siya makagalaw sa kinatatayuan hanggang sa maramdaman niyang parang may humihila sa kaniya.
Andrius eyes popped open and his eyes stared back at Sanford. He's back in the Hospital, catching his own breath and feeling the fear he felt in his dream.
His eyes instantly watered. "Si Ivy... I saw her burning. I have to save her."
Humugot ng malalim na hininga si Sanford saka napailing-iling. "I'm sorry, bud. Wala akong nagawa para iligtas siya."
Bumangon siya saka nangungusap ang matang tumingin siya kay Khairro. "Bring me to her, please. I want to see her—"
"That's a bad idea, man." Sabad ni Yrozz na nakaupo sa sofa sa tabi ng kama niya. "Baka mas lalo kang mabaliw kapag nakita mo ang lagay niya ngayon."
Umiling siya. "No. I have to see her." May diin ang boses niya. "Please...I need to see her. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakikita ang... ang..." hindi niya kayang tapusin ang sasabihin.
Sanford let out a loud breath before handing him a car key. "Her remains is on the way to the Airport as we speak. Her father is a man with lots of connections, wala kaming nagawa para pigilan siyang iuwi ang katawan ng anak niya sa Bogotá."
"I'll call someone para makapasok ka sa Airport." Ani Valerian habang hawak ang cellphone at may tinatawagan.
"I'll hack the Airport CCTV's to help you." Ani Shun, "I'll coordinate with Volkzki."
Nalukot ang mukha ni Volkzki na nakatingin kay Shun. "Don't use that fucking word, singkit. I hate that word."
"The hell?" Hindi maipinta ang mukha ni Shun.
Valerian tsked. "I hate that word because I hate coordinating with people. If there's one person I would love to coordinate with, it's my wife. And the coordination is strictly in bed only."
Hindi niya pinansin ang mga kaibigan, mabilis niyang hinablot ang susi na hawak ni Khairro saka mabilis na tumakbo palabas ng kuwarto. Hindi niya pinansin ang paminsan-minsang panghihina niya, mas binilisan pa niya lalo ang pagtakbo hanggang sa makalabas siya ng Hospital.
Madali niyang nahanap ang sasakyan ni Sanford ng pindutin niya ang hawakan ng susi.
He hurriedly slid himself in the Driver's seat of Sanford's Camaro and drove it with one thing in his mind.
Ivy. His baby.
Mas lalo niyang diniinan ang aselerador ng sasakyan at nag overtake sa lahat ng sasakyan na humaharang sa daraanan niya.
He was fast. He nearly get into and accident and he bump someone's car in his hurry to get to the airport. Pero hindi siya tumigil. Pinanatili niya ang mabilis na pagmamaneho hanggang sa makarating siya sa Airport.
He carelessly parked Sanford's Camaro in front of the airport and to his surprise, may sumalubong sa kaniyang Guard.
"Mr. Andrius Salazar?" Anito na parang naninigurado kung siya nga ang may-ari ng pangalang iyon.
Tumango siya. "Yes. That's me."
"Dito po, Sir."
Kaagad siyang sumunod sa Guard na papasok ng Airport. Walang siyang tanong-tanong kung saan siya nito dadalhin hanggang sa makalabas sila ng gusali an naglakad patungo sa mga pribadong eroplano.
"Maya-maya ay aalis na po ang eroplanong hinahabol niyo, Sir." Anang guard saka iminuwesta ang eroplanong nasa gilid. "Hayan ho."
"Salamat." Tinapik niya ang balikat ng guard saka patakbong lumapit sa eroplano pero bago pa siya makalapit, humarang sa kaniya ang pamilyar na lalaki.
Si Russo!
Kaagad na nagtagis ang bagang niya. "Where's Ivy?"
"Dead." Russo said in cold voice. "Thanks to you."
He went rigid. "What did you just say?"
Russo looked at him dead in the eyes. "She died because of you."
Kumabog ng malakas ang puso niya kasabay ng pagkain ng guilt sa kalooban niya. "T-that's not t-true."
Mapaklang tumawa si Russo na para bang minamaliit ang kaalaman niya pagdating kay Ivy. "She wants to protect you so bad that she welcomed death as her only option. She believes that if she's gone and not by your side, your life will be a lot better and easier." Anger is in Russo's eyes. "That's bullshit to me but that's what she wants because she loves you. That's Ivy to you and to everyone she holds dear. When she love someone, she always give her everything even if it means losing herself in the process. And here I thought it'll end there."
Hindi siya makagalaw. Halos hindi siya makahinga sa nalaman. "I love her too..."
"Yeah." Russo tsked. "But she's already dead, Mr. Salazar. So please, give her peace. Let her go. Just be happy like she wants you too. That's the least you could after she died protecting you." Tinalikuran siya nito pero kaagad ding bumaling sa kaniya, "and by the way, you're free from her father's wrath. That's thanks to Ivy also."
He felt his heart dropped. His stomach twisting in pain. "Let me see her, please..." he begged.
Russo faced him again and motioned his hand on the airplane door. "Go. Beat yourself up."
Parang may mabibigat na bagay na nakapatong sa paa niya habang naglalakad siya palapit sa eroplano. He didn't know when and how he enter the airplane, natagpuan nalang niya ang sarili niya sa loob ng eroplano, sa harap ng isang itim na body bag.
Parang sasabog ang puso niya sa sakit. Gusto niyang magwala, sumigaw para ilabas ang galit at sakit na nararamdaman niya pero wala siyang ginawa sa mga 'yon.
He just stared at the body bag as tears fell down from his eyes. His chest tightening, his heart aching, his knees weakening and his pain intensified tenfold when he remember what happened to her and what she did to protect him.
"Baby..." napaluhod siya sa harap ng bodybag at napahagulhol. "Ivy... i-I love you—" his sobbed became harder, "I love you so much— I love you... I love you..."
Isinubsob niya ang mukha sa bodybag habang mas lumalakas ang hagulhol niya. At nang hindi na niya kaya ang sakit, isang malakas na sigaw na puno ng pighati ang kumawala sa mga labi niya kasabay ng pagaagos ng masagang luha sa mga mata niya.
And as his tears filled his cheeks, he feels his sanity slipping away.
He feels pain. He feels anger. He feels sadness. And he feels insanity spreading through him.
#TheBowInTheRat - 😂😂😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top