CHAPTER 17
CHAPTER 17
NAPATIGIL SA paghakbang si Ivy ng marinig ang pamilyar na baritonong boses na 'yon kasabay ng malakas na pagkabog ng puso niya. It's him! Her heart is pounding so fast, she feels like she's going to have a heart-attack.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin, nagdarasal na sana hindi siya pinaglalaruan ng mga taenga niya, umaasang tama ang pandinig niya, na nasa harapan nga niya ang binatang isang linggo ding hindi nawala sa isip niya.
Ang walang buhay niyang mukha ay nagliwanag ng magtama ang mga mata nila ng binata. Walang emosyon ang mga mata nito pero nakaramdam pa rin siya ng nag-uumapaw na kasiyahan na nakita niya ito sa wakas pagkalipas ng isang linggo.
"Mauna na ako." Anang Abogada na nasa tabi niya pero hindi niya ito pinansin. Wala dito ang atensiyon niya kundi nasa lalaking nakatayo hindi kalayuan sa kaniya.
Hindi niya maalis ang titig niya sa binata.
"Andrius..." pilit niyang pinipigil ang panunubig ng mga mata niya, "Mí corazoncito..."
Hindi na niya kayang pigilan ang sarili. She wanted to be cold towards him because its easier that way for both of them but she couldn't contain herself. Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa ng binata, nawala sa isip niya ang kasalanang nagawa niya rito at ang galit nito sa kaniya. Mahigpit niya itong niyakap at ayaw na niyang pakawalan pa ang binata.
Pero binaklas nito ang pagkakayakap niya rito dahilan para magising siya sa katutuhanan.
"Sorry." Kaagad siyang dumistansiya sa binata, "masaya lang akong makita ka."
Gusto niyang lumayo sa binata tulad ng gusto nito pero hindi siya tuluyang nakalayo dahil hawak nito ang magkabilang pulsohan niya.
"What the hell are you doing here in the precinct?" Nakatiim bagang nitong tanong habang madilim ang mukha.
She tried to smile at Andrius but failed. "Admitting my crimes."
"And why the hell would you do that?" Hindi maipinta mukha nito. "Bullshit, Ivy. Pagkatapos mong magainungaling sakin, ngayon ka pa ba susuko?"
Bumagsak ang balikat niya. "Kasi ayokong madamay ka sa gulo ko." Mahina at malumanay ang boses niya. "You were there, you saw me, but you stayed silent. I don't want you to be an accessories to the crime." Huminga siya ng malalim para doon kumuha ng lakas ng loob at tapang para harapin ang binata at sabihin dito ang buong katutuhanan. "Sa tingin ko kasi, ito lang ang paraan para kahit papaano, mabawasan ang galit mo sakin at makabawi ako sayo."
Mas lalong humigpit ang hawak nito sa kamay nito na nagpangiwi sa kaniya sa kirot na nararamdaman. "Mabawasan ang galit ko at makabawi ka sakin? How would you know that? Ako ba, ikaw, para masabi mo 'yon? I didn't ask you to do it, Ivy. Hindi ko sinabi sayong pumunta ka rito, because God knows how much I want you to stay away from this place—" bigla itong napatigil sa pagsasalita ng makitang nakangiwi ang mukha niya.
Then his eyes settled on her slightly swollen wrist. His blank face turned dark and his eyes dilated. "Anong nangyari sayo?" Lumipat sa braso niya ang pagkakahawak nito sa kaniya habang sinusuri ang pulsohan niyang namamaga. "Why is your wrist swollen?"
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Ahm ... It doesn't really hurt much—"
"Hindi ako nagtanong kung masakit." Nagtagis ang bagang niya. "Ang tanong ko, bakit namamaga ang pulsohan mo?" Mas lalong nagdilim ang mukha ni Andrius. "Did Sanford did this to you?" Gumagalaw ang panga nito.
Umiling siya. "No. Wala siyang ginawang masama sakin. Naipit lang ako kasi may nag-away doon sa selda kagabi. I was trying to break them apart, without using too much force, but I end up hurting myself."
He sighed, the anger in his face is slowly fading. "Bakit naman kasi namagitan ka pa?"
"Ang ingay kasi nila eh. Hindi ako makatulog."
"You should have been more careful." Nagulat siya ng masuyong haplosin nito ang namamaga niyang pulsohan. "Tingnan mo, namamaga na siya."
"Okay lang ako." Inagaw niya ang kamay niyang hawak nito saka itinago iyon sa likod niya. "Saka hindi naman na mauulit yon. Pinalaya naman ako kaagad ni Chief Sanford kasi wala siyang mahanap na ebidensiya laban sakin."
Nalukot ang mukha niya. "Chief ... Sanford?"
Ivy nodded. "Yeah." Then she chuckled when she remembered what Chief Sanford said to her in the holding cell, "he told me that pretty woman like me shouldn't be in jail so he let me go. Of course, that happened after he failed to gather evidence against me."
"He called you pretty?" Umaasa siyang magtatanong ito sa ebidensiyang hinahanap ni Chief Sanford pero mas napansin nito ang sinabi sa kaniya ni Chief na maganda siya. "He really called you pretty?" And he looks annoyed.
Kumunot ang nuo niya kay Andrius. "Bakit? Hindi na ba ako maganda?" Tanong niya na ikinatitig ng binata sa kaniya. "I mean, isang linggo na akong hindi kumakain ng tama at isang linggo na rin akong kulang sa tulog pero mukhang maganda pa rin naman ako ... I think."
Natigilan siya ng umangat ang kamay nito saka humaplos ang daliri nito sa ibaba ng mata niya. "Is that why you look pale and I can see dark circles around your eyes?"
Tumango siya, nagtataka kung bakit ganito ang pakikitungo sa kaniya. "I'm okay. I deserve it anyway."
Napailing ito saka hinawakan siya sa kamay at hinila nalang siya bigla.
"Andrius—"
"Shut up, Ivy." Walang emosyon ang boses na hinila niya siya nito patungo sa nakaparada nitong sasakyan.
Nang makalapit sila sa kotse nito, kaagad na pinasakay siya ni Andrius sa passenger seat saka umikot ito sa driver's seat at sumakay pagkatapos ay kaagad na pina-usad nito ang sasakyan palayo sa presinto.
Ilang minutong katahimikan ang lumipas bago nabasag iyon.
"Sana hindi ka na nagpunta ng presinto." Bakas ang iritasyon sa boses ni Andrius. "Tingnan mo, nasaktan ka pa tuloy. Sa tingin mo lumayo ako sayo ng isang linggo para lang pumunta ka sa presinto, magpakulong at masaktan? Why do you think I left you?"
"Kasi galit ka at naguguluhan kung anong gagawin mo sakin pagkatapos ng mga nalaman at nakita mo." She look outside the window. "I just want to fix my mess, Andrius. And maybe that way, baka mabawasan man lang ang galit mo at hindi ka na maguluhan sa dapat mong gawin sakin. Ako na ang gagawa para sayo para maging okay na ang lahat."
"What do you expect, Ivy?" Bumuga ito ng marahas na hininga. "Sa tingin mo magiging maayos kaagad ang lahat dahil lang nagpakulong ka? Dahil lang sa inako mo ang kasalanan mo? Sa tingin mo magiging maayos tayo dahil do'n, pagkatapos kong malaman na pinapaikot mo lang pala ako all this time? Sa tingin mo madaling tanggapin na yong babaeng sobra-sobra kong pinagkakatiwalaan ay niloloko lang pala ako?"
"I'm sorry." Aniya sa mababang boses. "Ayoko lang na magbago ang tingin mo sakin kapag nalaman mo ang totoo. You will never see me as the innocent woman you want to marry—"
"And that's a bad thing?" Hindi ito makapaniwalang tumawa. "All this time, Ivy, pinaniwala mo ako sa babaeng hindi naman nag-i-exist!" He snapped at her, his eyes sporting anger and disbelief. "All this time, pinaniwala mo ako na mabait ka, na mabuti kang tao, na hindi ka makabasag pinggan pero 'yon pala mamatay—" hindi nito tinuloy ang sasabihin saka humugot ito ng malalim na hininga. "—What I mean is, you lied to me. At hindi iyon madaling kalimutan."
That shut her up. She did lie to him. At balikatarin man niya ang mundo, walang magbabago sa katutuhanang pinaikot niya lang ito at niloko sa mga kasinungalingan niya.
She took a deep breath and stayed silent. Hindi siya umimik at hinayaan lang ang katahimikang bumalot sa kanila hanggang sa itinigil nito ang sasakyan sa harap ng isang Restaurant.
She frowned. "Anong gagawin natin dito?"
"Labas na." Wika nito sala bumaba ng sasakyan at umikot patungo sa pinto niya at binuksan iyon. "Out."
Nagtatakang lumabas siya at sumunod kay Andrius na pumasok sa Restaurant. Nang makaupo sila sa bakanteng mesa, kaagad na may lumapit sa kanilang waiter at umorder ang binata.
He didn't ask her what she wants to eat, he just order four different menu and one platter of rice and one pitcher of lemon tea.
"May kasama tayong kakain?" Tanong niya.
He ordered too much food.
"No." He shook his head. "Para sayo lahat yon. Kakain ka ng marami."
Tumaas ang kilay niya. "A-ako? Pero hindi ko kayang ubusin 'yon lahat."
"Kakain ka ng marami." Ulit ng binata sa kaniya. "You have to take back all the nutrients you missed these past few days."
"Hindi ako nagugutom—"
"Don't bullshit me, Ivy." Anito sa matalim na boses. "And could you please stop lying to me? Tingnan mo nga ang sarili mo, nangangayayat ka kaya kumain ka ng marami."
Napipilan siya saka napabuntong-hininga nalang ng dumating ang order nila. It was really too much food but she can't say anything about it. Kumain nalang siya ng tahimik hanggang sa magtanong si Andrius.
"Anong sinabi mo sa mga Pulis?" This time, he doesn't sound angry, he sounds curious and ... worried? "Tell me the exact details."
Napatigil siya sa pagsubo saka napatingin sa binata. "Bakit gusto mong malaman?"
Tumiim ang bagang nito. "Just tell me."
Humugot siya ng malalim na hininga. "I talked to the Chief and confess my crimes thinking that they have evidence against me and is planning to catch the both of us."
Nagsalubong ang kilay ni Andrius. "Both of us?"
Tumango siya. "My head was in chaos that day. The last thing on my mind is the CCTV footage in Hudo's house."
"And you thought its in the Police's hands?" Andrius guessed.
She nodded gravely. "Pero nagkamali ako. Wala pala sa kanila, wala silang hawak na ebidensiya tulad ng akala ko. Chief Sanford said that the computer was already destroyed and every footage that day was deleted."
Napailing siya saka malakas na pabuntong-hininga. "Isang pagkakamali ang pagpunta do'n pero huli na ang lahat. Inako ko na ang kasalanan ko." She sighed heavily again. "Mabuti nalang nagpadala ng Attorney ang kakambal ko at sa maraming oras na nakakulong ako, walang nahanap na ebidensiya si Chief Sanford. He has no choice but to let me go."
"Who helped you with the CCTV footage then?" Andrius asked.
Nagkibit-balikat siya. "I don't know. I have no idea." She blows out a loud breath. "Dapat hindi ko 'to sinasabi sayo. Hindi mo ba alam na puwede kang madamay sa kaso ko? You could be charge for being an accessory to the crime—"
"I know that already." Anito na parang walang itong pakialam.
"Then why are you asking—"
"Because I don't care. Get it?"
Napakurap-kurap siya sa binata saka dahan-dahang bumaba ang kamay niyang may hawak na kutsara at tinidor. "You should care. Mapapahamak ka ng dahil sakin." Bumuntong-hininga siya, "we should end this ... whatever relationship we have."
Walang emosyon ang mukha nito habang nakatitig sa kaniya. "The moment you entered my life, ipinahamak mo na ako, Ivy. Ngayon ka pa ba aatras? Kung ano man ang balak niyo ng Papá kaya gusto niya tayong ikasal, malapit mo nang makuha 'yon. Nagtanga-tangahan ako at nagbulag-bulagan noon, pero hindi na ngayon. I can see clearly now, Ivy. I can see you clearly."
A sad smiled appeared on her lips. "Not clear enough, I guess ... nasa harapan pa rin kita eh. Kung talagang malinaw mo akong nakikita, sana tumakbo ka na palayo sakin." Malumanay lang ang boses niya habang nagsasalita pero malaman ang bawat katagang binibitawan niya. "Because what you see in me now is just a surface of who I am. 'Yong nakita mong ginawa ko kay Hudo, wala pa 'yon sa kalingkingan sa kaya kong gawin." Then she whispered. "I can kill a person without blinking, I can send my assassins to kill someone without feeling remorse, I can sell drugs without guilt, I can sell fire arms to terrorists without care and I can sell a person without hesitation. That's the real me, Andrius."
Andrius looked deep into her eyes. "Would you sell me?"
She went rigid. "What?"
"Answer me, Ivy." Mas lalong tumiim ang titig sa kaniya ni Andrius. "Can you sell me?"
Humigpit ang hawak niya sa kutsara at tinidor. "Why do you ask that kind of question—"
"Kasi gusto kong marinig ang sagot mo." Anito. "Kaya mo ba akong ipagbili, Ivy? Kaya mo ba akong ipahamak?"
She force a cold smile on her lips. "Niloko nga kita diba? Hindi yon mahirap gawin—"
"Then why did you go to the Police? Hindi ba pumunta ka doon kasi akala mo may ebidensiya sila laban sayo kung saan makikita na nandoon ako at nakita kitang pinatay si Hudo? Hindi ba, yon ang pinunta mo doon? To somehow clear my name so I could live my life like nothing happened." He tsked. Annoyed. "Why are you lying to me again, hmm, Ivy?"
She can't say anything. The cat got her tongue.
Napailing si Andrius saka malakas na napabuntong-hininga. "A friend told me that a woman lie because she's afraid to lose her man. Isn't that true? Nagsinungaling ka ba para hindi ako mawala sa tabi mo?"
Her grip on her spoon and fork tightened. "Bakit mo ba sakin ginagawa 'to?" Hindi niya mapigilang tanong sa binata. "Bakit hindi ka nalang pumayag na putulin kung ano man ang ugnayang mayroon tayo—"
"Kasi ayoko." Wika nito na ikinaawang ng labi niya. "Ayokong mawala ka sa tabi ko. I already spent a whole week without you, and I'm telling you, it was hellish and I don't want that kind of feeling anymore. Like I'm incomplete. Kung nagsinungaling ka para manatili ako sa tabi mo, kaya ko ring magsinungaling sa buong mundo para manatili ka lang sa tabi ko."
Marahan siyang napailing saka ilang beses na humugot ng malalim na hininga. "Don't say that, Andrius ... mapapahamak ka lang ng dahil sakin—"
"Then so be it." He said without hesitation as she looked deep into her eyes, his intense stare branding her soul as his. "Kung pinapapili mo ako sa buhay na walang problema pero wala ka, mas pipiliin ko ang buhay ko ngayon, kahit mababaliw na ako sa gulo ng isip ko, basta nandiyan ka. Ayos lang. You're my only choice, Ivy. Because no one else makes me happy like you do."
A lone tear fell down from her eyes. "I'm a bad person, Andrius—"
"Then show me." Nangungusap ang boses nito. "Show me who you are. The real you. Then I'll decide if I want to keep you. But I'm telling you now, Ivy, I don't let go that easily."
This is unbelievable! "Please ... Andrius ... don't do this to yourself. Mapapahamak ka ng dahil sakin."
Umiling ang binata. "Its not for you to decide. Desisyon ko 'to. At kung mag desisyon kang iwan ako, susundan kita, kahit saan ka magpunta. I'll be like your shadow, always beside you."
Binitawan niya ang hawak na kutsara at tinidor saka tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawang kamay habang walang ingay na lumuluha.
She don't deserve him. Not in the slightest. Pero hindi rin naman niya kayang iwan ito. She talks about cutting ties and ending whatever relationship they had but she still plan on staying and protecting him in secret.
She's just fooling herself. She can't let him go either. Kasi kahit anong gawin niyang pilit sa sarili, alam niyang hindi siya bibitaw kahit pa bitawan siya ng binata.
She'll be like his shadow too, always by his side. Even in secret.
Ivy took a deep breath before looking into Andrius' eyes again. "Hindi ka talaga bibitaw?"
Umiling ito. "Hindi."
"Kahit sabihin ko sayong gusto lang kitang pakasalan para mas palawakin ang distribusyon namin ng droga?"
His eyes didn't leave hers. "I believe that's not your reason."
"Kahit sabihin kong gagamitin ka ni Papá para sa distribusyong binabalak namin?" She know she's pushing him to his limit but he needs to fucking wake up.
This is not a fairytale!
Andrius eyebrow slowly creased. "W-what do you mean?"
"You'll be the transporter of goods once we get married." She wanted him to know everything. "Gagamitin ka niya. At kapag hindi ka pumayag, papatayin ka niya."
His face grim. "If I let go of you, I assume he'll kill me too?"
She nodded. "Yes."
"And you would let him kill me?" He asked like he is hoping she'll say no.
Naumid ang dila niya.
"Hahayaan mo ba siya?" Ulit ni Andrius. "O pipigilan mo siya?"
Nagtatanong ang mga matang tumitig siya sa binata. "What do you want me to say, Andrius? That I'll harm my father for you?"
"No. What I'm trying to say is if I marry you, then I'll be the transporter and my answer is no." He firmly shook his head. "Hindi ako magpapagamit sa Papa mo. But if I don't marry you, he will still kill me. Tama ba ako?"
Tumango siya. "Yes."
"Then where do you stand in all of this?" He asked. "Are you in his side ... or in mine?"
Ivy took a deep breath, stared intently into his eyes before answering. "Yours."
Slowly, a satisfied smile appeared on Andrius and she have to admit, he miss that smile on his handsome face. Akala niya hindi na niya makikita 'yon.
"Okay then. I'm yours as well." He's looking at her like she's the most important person in the world to him. "Kailan ang kasal natin?"
Her heart pound crazily inside her chest. "Hindi ka ba natatakot na baka ginagamit lang din kita—"
"No. Sapat na sakin ang rason mo kung bakit ka pumunta ng presinto para pagkatiwalaan ulit kita."
He's unbelievable! Just like that, he would trust her again. "Andrius..."
"Either way, papatayin pa rin naman ako ng Papa mo. Might as well continue our wedding. That way, hahaba pa ang buhay ko na kasama ka."
Ivy sighed. "You're crazy."
"Yes. I am." His eyes held hers, "I'm crazy in love with you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top