CHAPTER 16
CHAPTER 16
"ADMITTING YOUR crimes." Chief Sanford tsked. "Bold move." Sumandal ito sa gilid ng mesa nito saka pinag-krus ang mga braso sa harap ng dibdib nito habang titig na titig sa kaniya. "What do you hope to achieve with this bold move of yours? And which crime are you admitting to?"
"What I hope to achieve?" Umupo si Ivy sa visitor's chair kahit hindi siya pinapaupo bago sinagot ang tanong nito. "Truth." I just want to clear Andrius' name. "Which crime?" She rolled her tongue over her lips. "Homicide. Manuel Hudo."
Matiim na tinitigan siya ng kaharap ng banggitin niya ang pangalan ni Hudo. "Alam ba ni Andrius na nandito ka? Hindi lingid sa kaalaman ko na fiancé ka niya."
Iling ang sagot niya sa tanong nito. "This is my decision."
Tumango-tango ito. "Okay ... You see, Miss Gonzagá, Manuel Hudo visited me hours before he died. Halatang takot na takot siya sayo habang binabanggit niya ang pangalan mo at hinihingi ang proteksiyon namin. We went to his house to investigate further but he's already dead. Pero hindi iyon ang nakakagulat."
Tumaas ang kilay niya. "What?"
"Mas nakakagulat na nawala ang video footage ng CCTV sa araw na 'yon."
Natigilan siya at napakunot ang nuo. Sigurado siyang mag-isa siyang kumilos ng araw na 'yon. Wala siyang hiningan ng tulong...pero bakit nawawala ang CCTV footage? Russo was busy that time. She didn't asked Track nor Moretti either.
"What happened?" Tanong niya na may pagtataka.
Chief Sanford shrugged. "Beats me." Umiling ito. "Sira na ang Computer, wala na ang kopya ng footage sa araw na 'yon. No evidence. No witness. And nothing that can pin point who killed Hudo... But..." tinuro siya nito, "nandito ka ngayon at inaako mo ang pagkamatay niya. Less stress for me."
Mas lalo siyang naguluhan. Ano ba ang nangyayari? May hindi ba siya alam? Sino ba ang kumilos para tulungan siya?
Bumuga ang Chief ng marahas na hininga . "This case is stressing me out and I shouldn't be stress. Kapag stress ako nagiging masama ang ugali ko." Chief Sanford sighed before sitting in his swivel chair and picking up a folder. "Ivy Gonzagá..." he trailed as he opens the folder and read the content, "twenty-nine years old. Single. Beautiful. Aloof and she keeps to herself."
Napatitig siya sa folder na hawak nito.
"Owner of a Pharmaceutical Company that aids Government Hospitals." Pagpapatuloy nito. "Your company gave medicines to these Government Facilities to help the poor. It's a Legal business and people sang praises for your benevolent action. You're an Orthopaedic without a license. Also the owner of a foundation for battered women and children in Colombia. Well known for helping street children to reach their dreams hence your other foundation that is set on helping educate unfortunate children and giving them a free scholarship program." Malalim itong bumuntong-hininga saka ibinalik ang tingin sa kaniya. "Damn... Look at these records." He slammed the folder on his table. "Its clean...you're clean."
Pasimpleng kumuyom ang kamao niya. She came here and admit her crimes thinking that the Police had a video footage of her and Andrius in that room. Ayaw niyang madamay ang binata at maging accessories to the crime dahil bigla itong nawala at hindi siya ipinakulong.
Wala siyang inutusan na burahin ang CCTV sa bahay ni Hudo ng araw na 'yon. Her mind is in chaos that day after Andrius saw what she did. It was already too late to ask for someone to delete the footage because the Police was already all over the place even before she left the mansion. Kaya naman akala niya nasa mga kamay na ng mga Pulis ang video footage sa araw na 'yon pero wala naman pala.
Fuck! She didn't think this through. Ipapahamak niya ang sarili para lang sa wala. She did this for Andrius, for him not to be connected to what she did. Pero wala naman pala siyang dapat na ipag-alala. Wala naman palang ebidensiya!
Damn it!
Dapat nag-imbestiga muna siya bago nagpadalos-dalos sa desisyon niyang pumunta dito sa presinto.
Bahagyang nagtagis ang bagang niya saka tumingin siya kay Chief Sanford. "I admit in murdering Hudo, but you don't have any evidence para idiin ako sa korte." Her mind is working fast. "But since I confess, my words will be used against me. But you didn't take a video of me saying it or recorded me admitting my crimes for evidence unless the CCTV here in your office has audio. It will also be questionable if you stand in trial as a witness to my admission of crime..." she trailed, "what now, Chief? Can you still put me behind bars?"
"You know all too well na hindi kita maipapakulong hanggat wala akong ebidensiyang hawak. You're a smart woman, I know you already know what will happen next." Tumayo ito saka kinuha ang posas na nakakabit sa belt nito. "And yes, I can put you behind bars not just for 24 hours but up to 36 hours. Murder is a grave offense. Inako mo ang kasalanan, that's enough for me to hold you for more than a day.
"And in that 36 hours, I will investigate and gather evidence. Kapag may nahanap ako, sisiguraduhin kong hindi lang 36 hours ang itatagal mo sa kulungan." Lumapit ito sa kaniya at pinosasan siya nito. "You have a right to an attorney, by the way, if you don't have one, though I doubt, the court will provide someone for you. And..." iminuwestra nito ang kamay sa pinto, "let's go to your new home for the next 36 hours."
Tumayo siya saka kusang naglakad palabas ng opisina nito. Wala siyang imik ng igiya siya nito patungo sa isang selda na may maraming nakakulong. Her mind is racing for a solution to this problem she created.
Hindi siya umangal ng ipasok siya nito sa selda at tinanggal ang posas niya.
"Enjoy your stay." Chief Sanford winked at her before leaving.
Umatras siya saka nagtungo sa gilid ng selda at doon umupo. Hindi niya pinansin ang mga nakakulong doon na nakatingin sa kaniya. Her mind is too busy to even bother with them.
Napailing siya at mahinang natawa ng maisip na isasakripisyo niya ang sarili para lang pala sa wala. She even risk Andrius life by being here. Iniisip niya na mas importanteng hindi masira ang trabaho ni Andrius at ang pagkatao nito ng dahil sa kaniya. Naniniwala siyang kayang protektahan ni Andrius ang sarili nito laban sa ama niya at hindi naman hahayaan ni Madame Salazar na patayin si Andrius ng ganun-ganun lang.
Though its just her opinion and observation. Wala ring kasiguraduhan 'yon. That's why it's a big risk for her being here.
Bumuntong-hininga siya. This is a big mistake. Magiging masaya kaya si Andrius kapag nakita siyang ganito? Mababawasan na ba ang galit na nararamdaman nito para sa kaniya ngayong nakakulong siya?
I doubt it. Hindi 'yon basta-basta mawawala.
Huminga siya ng malalim saka isinandal ang katawan sa malamig na pader ng selda saka napatitig sa kawalan.
Ramdam niya ang mabagal na paglipas ng oras. Seconds turns into minutes and minutes turn into hours. It was hellish, being in this cell, the smell, it stinks, the temperature is hot, and its noisy. Halos takpan niya ang taenga niya sa mga lumipas na oras hanggang sa may tumawag sa pangalan niya.
"Miss Gonzaga!" Anang boses babae.
Kaagad siyang nag-angat ng tingin sa tumawag sa pangalan niya. It's a woman in her late twenties. Her burgundy hair is in a bun and she's carrying an attaché case.
Kumunot ang nuo niya. "Sino ka?"
She motioned her to come closer.
Tumayo siya saka dahan-dahang naglakad palapit dito. "Who are you and why should I care?"
Ngumiti ang babae saka may ipinakita itong I.D. sa kaniya. "I'm Atty. Eva Buenaflor. I'm here to get you out. It's already past seven P.M. ... pero huwag kang mag-alala, mailalabas pa rin kita. I just need a couple of hours though. I'm really, really sorry about this. If only your sister had called me earlier, baka nailabas kita kaagad dito."
Namilog ang mata niya. "My sister? Si Iris? Nasaan siya? Nandito ba siya?"
Umiling ang abogada. "No. She's in Italy. Actually, ang asawa niya ang tumawag sakin bago ko siya nakausap para humingi sakin ng pabor. Her husband is my cousin from mother's side so I really can't say no. At hindi naman na ako mahihirapang ilabas ka. Your sister's husband already called some high ranking officials to help you get out so just stay here for a couple of hours while I—"
"Okay lang ako." Kailangan niyang hayaan si Chief Sanford na imbestigahan siya sa loob ng 36 hours para malinis ang pangalan niya. "Bukas mo na asikasuhin ang mga papeles na 'yan."
Hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya ang babae. "Are you for real? Ayos lang sayo na manatili ka sa mapanghing selda na 'to?"
Tumango siya. "Its okay. I don't mind." She has to endure this shit hole. "Saka, gabi na. Maiisturbo mo kung sino man ang peperma sa release papers ko kaya ipagpabukas mo na 'yan."
Atty. Buenaflor is still looking at her in disbelief. "Are you sure?"
She nodded. "Yes. I'm fine."
"Okay. I'll tell your sister—"
"Don't tell her. Mamadaliin ka lang no'n. Bukas mo na siya tawagan."
"Are you sure?" Paninigurado nito.
"Yes."
Hindi pa rin makapaniwala ang bakas ng mukha nito. "Okay. If that's what you want. Babalik ako bukas. First thing in the morning, you'll be out of here."
Tumango siya saka bumalik sa kinauupuan niya kanina.
Her twin sister and her husband, huh? I wonder if Papá already know what happened to me? Kung alam nito, baka kanina pa siya nakalabas dito. Mabuti na ring wala itong alam...para sa kaligtasan ng lahat.
Humugot siya ng malalim na hininga saka ipinikit ang mga mata.
Andrius handsome and happy face crept into her mind. Malungkot ang ngiting gumuhit sa mga labi niya. I wonder where he is now. Kung nasaan man ito ngayon, sana ligtas ito sa kapahamakan at sana nasa maayos ang kalagayan nito.
"SERIOUSLY! Enough with these Beers!" Galit na sigaw ni Beckett sabay agaw sa hawak niyang Beer. "Balak mo bang sunugin ang atay mo, ha? Halos mag-iisang linggo ka nang naglalasing. One sip of beer and we will kick you out of BV. Callahan's order!"
Andrius just grunted and look for another bottle of beer. Tinago iyon ng mga loko-loko niyang kaibigan nuong isang araw ng pilitin siya ng mga itong maligo dahil mas masahol pa daw sa basurero ang amoy niya.
"Sa tingin mo masusulusyunan ng alak ang problema mo?" It was Pierce who looks annoyed as he gathers the bottle of empty beers on the floor. "Akala namin titigil ka na nuong makalawa sa kakainom pero heto ka na naman. Kung ayaw mong umuwi sa inyo, fine, pero huwag kang maglasing. Trust me, hindi nakakatulong ang alak. Hindi mo siya makakalimutan, kung sino man 'yang gusto mong kalimutan."
Sudalga nodded. "Kahit hindi mo sabihin samin, we all know what your problem is, Salazar. Isang bagay lang naman ang dahilan kung bakit tayo nagkakaganiyang mga kalalakihan. Babae."
Kumuyom ang kamao niya saka matalim na bumaling sa tatlong kaibigang bumisita sa kaniya sa araw na 'yon. "You know nothing. Magsilayas nga kayo."
"Nakakahiya naman." May sarkasmo sa boses ni Furrer. "Sayo to'ng barn? As far as I know, kay Callahan 'to. Nakikigamit ka lang baliw ka."
Nag-thumbs up si Pierce. "Yep. Nakikitira ka lang, buddy. Wala kang karapatang palayasin kami."
"Yeah...." Sabad ni Sudalga. "Anyways, mind telling us what your problem is? Even our single friends are worried about you."
Mapakla siyang tumawa. "Magsabi ako ng problema ko? Bakit? May magagawa ba kayo sa problema ko? Masusulusyunan niyo ba? So what if it's a woman? She means noth—" hindi niya maituloy ang sasabihin. He knew that he would be lying if he said she means nothing to him because she means the world to him. Even after what happened.
"Bakit? Mareresolba rin ba niyang alak mo ang problema mo?" Balik na tanong sa kaniya ni Sudalga. He tsked. "You're being a pussy, bud. Alam mo lahat ang pinagdaanan namin bago kami naging masaya kasama ang mga asawa namin ngayon and you should have learned something by now. Palagi kang nandoon, nakaalalay sa mga panahong hindi namin alam ang gagawin namin, tulad mo ngayon.
"Kaya dapat natuto ka na pagkakamali namin. Huwag na huwag mo kaming gagayahin na lumayo kami sa mga babaeng mahal namin dahil lang nasaktan kami, dahil lang nawala ang tiwala namin at dahil lang nagkamali sila. Women are not perfect, Salazar. They make mistakes just like men does. They keep secrets, they lie, and all that shit. But sometimes, nagagawa lang naman nila 'yon kasi mahal nila tayo at natatakot silang mawala tayo kapag nalaman natin ang totoo."
Beckett raised his thumbs up. "Salute, bud. That's real talk." Then he looked at him. "Bud, if you feel hurt, go confront her. If you're in pain, go see her. I promise you, it'll be worth it."
"Would it be?" Walang buhay siyang tumawa. "Naiisip ko pa nga lang siya, hindi na ako makahinga sa sakit dito." Tinuro niya ang puso. "I trusted her. Wala akong pinaniwalaan kundi siya lang pero nagsisinungaling lang pala siya sakin. All those fucking bottle of liquor that I drunk is not enough to forget her."
"Salazar..." lumapit sa kaniya si Beckett saka tinapik ang balikat niya, "kahit araw-araw kang uminom at maglasing, hinding-hindi mo siya makakalimutan. May mga tao talagang ganun eh, ang hirap kalimutan kahit nasasaktan ka na. Their memories, good and bad, haunts you all the time. My advice is to face your problems. You want that pain to go away? You want to be happy? Go." He urged him. "See her."
"Easy for you to say." Mahina niyang sambit. "Wala kayo sa posisyon ko."
Furrer chuckled as he shakes his head. "Wrong, bud. We've been in your shoes before. We felt the same pain, we felt the same anger. So kung may tao ka mang dapat pakinggan, kami 'yon. Our single friends don't know shit, kaya huwag kang makikinig sa kanila."
Ang matalim niyang mata ay tumuon kay Beckett. "Bakit? Pinaikot ka na ba? Pinaglaruan? Pinaniwala sa mga kasinungalingan?"
Furrer nodded. "Yeah. But I love my Ru so much to not forgive her. I love her enough to forget what she did and start anew. And I didn't regret it one bit. Kung mahal mo siya talaga at nakikita mo ang sarili mo na tatanda ka kasama siya, huwag mo ng pakawalan, bud. Kasi kapag pinakawalan mo 'yon, darating ang araw na magsisisi ka na hindi mo siya pinatawad at binigyan ng ikalawang pagkakataon. Some people deserve second chances, bud. Take it from someone who was given a second chance by his beloved."
Marahas siyang umiling saka napasabunot sa sariling buhok. "This past few years, I'd been laughing at your idiocy when you fell in love with your wives. Hindi ko akalain na mababaliw din pala ako ng ganito sa isang babae."
Muller laughed. "If falling in love is an idiocy then I'm the biggest idiot in the world. So are you, my man. So are you."
He blows a loud breath. "I seriously don't know what to do."
Si Furrer na mismo ang kumuha ng beer sa pinagtaguan ng mga ito saka ibinigay sa kaniya. "Getting drunk doesn't help solve problems, but it does have its moment."
"True. Mas lalo akong tumatapang kapag lasing ako." Dagdag ni Muller.
Tumawa si Sudalga. "Yeah. Getting drunk doesn't help. Agree to that ... but, bottle after bottle of liquor makes you realize things and the next thing you know, you're already standing up and planning to talk to her. Though you just don't have the balls to do so."
Natatawang nailing siya. "Lunatics."
"Ah... now you're laughing... I think." Furrer pointed out. "Are you good now, bud?"
He shrugged. "I honestly don't know."
Muller tsked. "Darn... walang saysay ang mga payo natin. Wala siyang utak ngayon eh. Baka kapag nawala na yong babaeng kinababaliwan niya, saka babalik ang utak niyan."
Tumango-tango si Furrer. "Yeah... magiging matalino 'yan panigurado."
Napailing siya saka akmang iinom ng beer na bigay ni Furrer ng biglang pumasok sa barn ang ina niya na humahangos.
"Andrius— my son." She looks stressed out and worried. "Thank God I found you."
His anger instantly rose up. "Mom, I don't have time for your shits right now—"
"Umalis sa bahay kahapon si Ivy at hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik. Kaya naman pinahanap ko siya sa mga tauhan ko at nalaman kong nasa presinto siya ng kaibigan mong si Sanford. Nakakulong siya!" Anang ina niya na ikinalaki ng mata niya. "Please, go to her. She told me that she will fix everything and I fear of what she will do. Baka kung anong ginawa niya na ikapahamak niya!"
He is angry at her. He hates her for lying to him and for fooling him. She hurt him so much, he can still feel the pain in his heart. Pero hindi pa rin niya kayang isipin na baka may mangyaring masama rito sa presinto na ikakapahamak nito.
Walang sabi-sabing lumabas siya ng barn saka tinakbo ang distansiya patungo sa nakaparada niyang kotse.
Nagtagis ang bagang niya. Hindi ba nag-iisip ang babaeng 'yon?! Balak ba nitong ipahamak ang sarili?! Pagkatapos nitong magsinungaling sa kaniya at itinago ang totoo, ipapahamak nito ang sarili ngayon? Fuck it! Is she even in her right mind?!
After all her lies and pretensions, here he is, rushing towards her like a lovesick fool that he is.
Halos paliparin niya ang kotse patungo sa presinto ni Sanford. Nawala ang sakit sa ulo niya at nawala ang pagkahilong nararamdaman dahil sa alak na nainom. Ang tanging nasa isip lang niya ay maabutan si Ivy sa presinto at mapigilan kung ano man ang binabalak nitong gawin.
Kung kahapon pa ito nandoon, tiyak na may nangyari na ditong hindi maganda. She'd been there for more than 24 hours now!
Malakas na inapakan ni Andrius ang break ng sasakyan saka pinaikot ang kotse sabay park sa harap mismo ng presinto saka tumakbo papasok.
Pero nabitin ang patakbong pagpasok sana niya sa presinto ng makasalubong si Ivy na naglalakad palabas. May kasama itong babae na may dalang attaché case.
"Don't worry." Anang babae na kasama nito. "Ako na ang bahala sa lahat. Just chill and I'll take care of everything."
Walang buhay na tumango lang si Ivy. Pansin niya ang marumi nitong damit na suot, ang hindi maayos na buhok, ang pamumutla ng mukha nito at pangingitim ng ilalim ng mga mata nito.
"Ivy..."
#SexFunFact (Sa GP ko to nabasa, may nag post.) - there are professional s-x toy testers who study and certify s-x toys -- they are sometimes called DILDOLOGISTS.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top