CHAPTER 15

CHAPTER 15

"WHAT THE HELL is this, huh, Sanford?" Galit na tanong ni Andrius sa kaibigan ng dalhin siya nito sa bahay ni Manuel Hudo. "I already told you, walang katutuhanan ang pinagsasasabi ng sinungaling na 'yon. My fiancé is innocent--"

"Then prove it." Sanford cut him off. "Nandito tayo kasi ito ang trabaho natin at para narin patunayan na wala ngang kinalaman ang fiance mo sa lahat ng patayan na naganap."

Kumuyom ang kamao niya. "She has nothing to do with any of this!"

"Chill, bud." Tinapik ni Khairro ang balikat niya. "What's the worst thing that could happen, huh?"

"Me, handcuffing my fiance for murder." Tumiim ang bagang niya, "that's the worst thing that could happen."

Khairro sighed heavily like the world is on his shoulder. "This is just so fuck up." Naiiling na naunang naglakad si Sanford palapit sa gate ng mansiyon ni Hudo.

Wala sa sariling napatingin siya sa nakaparadang sasakyan sa harapan nila. He frowned. Siguro kaparehas lang ng sasakyan ng ina niya.

Nailing siya saka kuyom ang kamao at iritadong sumunod siya kay Khairro na panay ang pindot ng doorbell.

"We should be arresting this man." Pabulong niyang sabi habang hinihintay na bumukas ang gate. "Not protecting him."

"We will. After this murder shit."

Bumuga siya ng marahas na hininga. He's against this but he can't really stop Sanford. And at the back of his mind, gusto rin niyang patunayan na walang kinalaman dito si Ivy. He'll make sure to prove her innocence.

Nakakailang beses ng pindot si Khairro sa doorbell pero wala pa ring nagbubukas. Nang magkatinginan sila ni Sanford, alam niyang pareho ng laman ang isip nila.

Something is off.

Sabay silang umatras ni Sanford saka sabay na mabilis na inakyat ang gate. Nang makarating sila sa tuktok, tinalon nila ang pagitan mula sa itaas patungo sa semento.

Sabay silang lumapag ni Sanford saka sabay na kinuha ang baril sa holster bago malalaki ang hakbang tinahak ang daan patungo sa mansiyon.

Sanford and he stop dead on their track when they saw a Police Office groaning in pain as he clutched his knee.

"Fuck!" Kaagad na nilapitan ni Khairro ang Pulis. "Anong nangyari?"

Habang nag-uusap ang dalawa, inilabas niya ang cellphone saka tumawag ng ambulansya.

"Sanford." Tinapik niya ang balikat ng kaibigan, "let's go in. Tumawag na ako ng ambulansiya."

Nakatiim-bagang na tumayo si Sanford saka nagmamadaling naglakad patungo sa bahay pero napatigil sila ulit ng makitang may tatlong nakahandusay na Pulis sa semento. Tulad ng nauna, binaril din ang mga ito sa tuhod.

"Fuck this!" Mura niya saka patakbong pumasok sa loob ng mansiyon at iniwan niya si Sanford na inaasikaso ang mga tauhan nito.

Nang makapasok siya sa kabahayan, napamura ulit siya ng makita ang Pulis na sumisigaw sa sakit habang sapo-sapo ang tuhod. Dinaanan niya lang 'yon pati ang Pulis na nasa hagdanan at namimilipit din sa sakit habang sapo ang tuhod nito.

Sunod-sunod siyang napamura saka hinalughog ang ikalawang palapag ng bahay saka umakyat sa ikatlong palapag.  Nakakailang bukas na pinto palang siyang dinaanan ng madinig niya ang isang boses.

"This is boring. Nasaan ba ang mga tauhan mo para naman may mapaglaruan ako?"

Parang nayanig ang buo niyang pagkatao ng marinig ang boses na iyon kasabay ang malakas na pagkabog ng puso niya.

That voice! That voice is very familiar!

Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang dahan-dahang humahakbang palapit sa pintong pinanggalingan niyon. Pinagdarasal na sana pinaglalaruan lang siya ng taenga niya at hindi lang tama ang pagkakadinig niya.

Humigpit ang hawak niya sa baril na hawak saka dahan-dahang itinulak ang pinto pabukas.

His gun pointed at the woman pointing her own gun at him. Nakahanda na siyang kalabitan ang gatilyo ng baril ng makita niya ang kabuonan ng mukha ng babaeng katutukan niya ng baril.

Her face is covered with cloth from her nose down to her neck, her long hair is tied up and her eyes... those eyes... the eyes of the woman who made him very, very happy.

How can he forget those eyes?

"Andrius." The woman whispered his name and he felt his heart sunk.

"Baby." He whispered in disbelief. "W-what the hell?" Was all he could ask her at that moment.

Andrius was rooted in place. Hindi siya makagalaw ang katawan. Hindi niya maalis ang tingin sa dalaga. Hindi niya alam ang gagawin niya. His mind is blank as he stared at Ivy's emotionless eyes.

Ibinaba ni Ivy ang baril saka itinago iyon sa loob ng suot nitong leather jacket. "Mauna na ako sayo." Wika nito sa walang emosyong boses na para bang walang nangyari. "If you want to arrest me for murder, nasa bahay lang ako. Hihintayin kita." Pagkasabi nito niyon ay lumabas ito ng kuwarto.

Awtomatikong humakbang ang paa niya para sundan ang dalaga pero ng makalabas siya ng kuwarto ay hindi na niya nakita si Ivy.

How could she move so fast like that?

Luminga-linga siya at hinanap si Ivy sa ikatlong palapag, nagbabakasaling nagtatago lang ang dalaga pero hindi niya ito nakita. Nang bumalik siya sa pinto ng library, nandoon na si Sanford, nakasilip sa loob.

"Salazar!" Tawag sa kaniya ni Khairro ng nilampasan lang niya ito. "What the hell happened here? May nakita ka ba?"

Hindi niya pinansin ang kaibigan. Mabilis siyang bumaba at lumabas ng mansiyon saka tumakbo patungo sa gate.

That car. Hindi iyon kaparehas ng sasakyan ng ina niya dahil iyon talaga ang sasakyan nila!

Fuck! Fuck!

Habol niya ang hininga ng makalabas ng gate at hinanap ang kotseng nakaparada malapit sa gate kanina.

But the car is nowhere to be found. It's gone.

Akmang sasakay siya sa kotse niya ng lumabas si Sanford sa gate. "Andrius! Where the hell are you going?! What the fuck happened up there?!"

Tinitigan niya ang kaibigan, nagdadalawang isip kung sasabihin niya ang nakita pero naisip niya si Ivy at ang pinangako niya rito.

"N-nothing." Sagot niya kay Khairro saka nagmamadaling sumakay sa kotse at iniwan si Khairro sa labas ng gate.

Halos paliparin niya ang sasakyan patungo sa mansiyon ng mga magulang niya. His head is in chaos, his heart is confused. Ang tanging gusto lang niyang gawin ay kausapin si Ivy at pagpaliwanagin ito sa ginawa nito.

Nang makarating siya sa mansiyon, mabilis niyang ipinarada ang kotse sa labas ng gate saka kinalabog ang gate hanggang sa bumukas iyon.

"Sir Andrius--"

Hindi niya pinansin ang katulong na nagbukas ng gate. Dere-deretso siyang naglakad papasok sa kabahayan at halos takbuhin niya ang elevator at ilang beses na pinindot ang button para sumara iyon at gumalaw na pataas.

A couple of seconds in the elevator feels like eternity. Kaya ng bumukas iyon, tinakbo niya ang pagitan patungo sa kuwarto nila saka nagmamadaling binuksan ang pinto.

Nang hindi doon nakita si Ivy, handa na siyang umalis para hanapin ito sa ibang parte ng bahay ng bumukas ang pinto ng walk-in closet saka lumabas doon ang dalaga.

Nakabihis na ito ng simpleng cotton short at sleeveless. Ang mahaba nitong buhok ay nakalugay na at wala itong sapin sa paa.

"Ivy..."

Napatigil ito sa paghakbang saka napatitig sa kaniya. Wala siyang mabasang emosyon sa mga mata at mukha nito habang nakatingin sa kaniya.

She looks like a different person.

"Ivy--" natigilan siya sa pagsasalita ng pinagdikit nito ang pulsohan saka lumapit ito sa kaniya, "what the hell are you doing?!" Hindi niya maiwasang pagtaasan ng boses ang dalaga.

"Arrest me." Wika nito na para bang wala itong pakialam. "It's okay. You can cuff me. I won't mind."

Nakaawang ang labing napatitig siya sa magkadikit nitong pulsohan saka marahas na napailing. "Ano ba ang pinagsasasabi mo? Alam mo ba kung anong ginagawa mo--"

"Eh, ikaw, alam mo rin ba ang ginagawa mo?" Balik tanong nito sa kaniya dahilan para matigilan siya. "You saw me and I won't deny what I did. Yes, Andrius, I killed him. I killed Manuel Hudo and I'm satisfied with what I did—"

"No!" He snapped at her, not believing her words. "Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo 'yon! That's not you! You're not a murderer--"

"News flash, I am!" She screamed at him. "This. Is. Me, Andrius! Wake up!" Dinuro nito ang sarili. "I killed Manuel Hudo because I want to and I can! I don't feel remorse and I don't feel guilt. When I shot him, I feel contented! And if I had the chance to kill him again, I will never hesitate--"

"Shut up, Ivy! Just shut the fuck up!" He's trembling with so much anger inside him. Nakakuyom ang kamao niya at para siyang mababaliw sa halo-halong emosyong nararamdaman niya sa mga sandaling 'yon. "Sa tingin mo ayaw kitang posasan at ipakulong?! You think I'm not thinking of putting you behind bars?! I do! Gustong-gusto kitang dalhin ngayon sa presento para magbayad ka sa ginawa mo!"

"Then why don't you?!"

Para siyang sinampal sa tanong nito.

Yes. Why won't he? Why won't he do it?

A memory run through his mind. It was when he was talking to his father about his mother. Tinanung niya ito kung bakit pinakasalan pa rin nito ang ina niya sa kabila ng alam nitong gawain ng ina niya. And his father said that he won't understand because he's not in his shoes.

Walang buhay siyang natawa.

Now he is in his shoes and he's confused.

He stared at Ivy and saw her staring back at him with her emotionless eyes and blank face. This is not the Ivy that he cares for. This is not the Ivy that he wants to marry. But at the back of his mind, he knew it's her. And he promised to protect her and care for her ... but she lied to him. And who knows how much she kept a secret from him.

"Answer me." Aniya sa mahinang boses. "Truthfully this time."

Ivy just stared at him.

He forced himself to ask. Ayaw niyang marinig ang magiging sagot nito pero kailangan niyang malaman ang totoo. "Are you ... like your father?"

The hair on his nape stood up when a cold smile appeared on her lips like she's laughing at his question. "Oh, corazoncito. Why do you have to ask that?"

"Just answer me—"

"I am." Anito sa malamig na boses. "I'm worst than him actually."

"But you said you have a legal business..."

"It's just a cover." Ivy shrugged. "And I'd been helping my father's illegal business my whole life."

His heart feels like its been ripped apart. He feels betrayed and fooled. The joke is on him all along. Pinaikot lang siya nito. Niloko. At siya naman naniwala at pinagkatiwalaan ito. He trusted her not to lie to him, not to hurt him like this. But here he is, feeling the excruciating pain of her lies and betrayal.

Wala sa sariling tinalikuran niya si Ivy saka walang buhay na naglakad palabas sa kuwarto nila. Hindi niya alam ang gagawin niya. He's lost, in pain, confused and he feels so fucked up. Kailangan niyang makalayo kay Ivy. Hindi niya alam kung anong kaya niyang gawin kong mananatili siya sa tabi nito.

He is losing himself every second that passes. He is losing his sanity minute after minute. Nang makasakay siya sa kotse niya at mabilis niyang pinaharurot iyon palayo sa mansiyon, naramdaman niya ang pagtulo ng likido mula sa mga mata niya pababa sa pisngi niya. Ang luha niya na puno ng galit at sakit.

"Bakit ba ako nagtiwala sa kaniya?" Pinagsusuntok niya ang manibela habang mabilis na nagmamaneho, "why did I have to fall for her so hard? Damn it! Damn me! Damn me! Fuck! Fuck! Fuck! Fuck!"

He was cursing and screaming in anger as he drove.

An hour later, he found himself in Lysander's barn. Drowning himself with every liquor he could find.

Habang nilulunod niya ang sarili sa alak, wala siyang pakialam kung ilang segundo, minuto at oras na ang lumipas. Ang gusto lang niya ay makalimot siya kahit sandali lang.

But who is he kidding? Bottle after bottle of liqour, Ivy is still in his mind and heart. Hindi ito mawala-wala sa isip niya. He would pass out in drunkiness, but when he wakes up, palagi si Ivy ang unang pumapasok sa isip niya dahilan para uminom at maglasing ulit siya hanggang sa makatulog siya at makalimot.

He drunk until he couldn't drink anymore. Nang maramdaman niya ang pag-ikot ng paligid niya, napangiti siya ng makaramdam ng kaunting kapayapaan. Sa wakas. Pansamantala ulit niyang makakalimutan si Ivy at ang mga kasinungalingan nitong pinaniwalaan niya.

And when he woke up again, he heard familiar voices near him.

"Damn. Sa tingin niyo," boses iyon ni Terron, "ilang araw na siyang narito sa barn?"

Boses ni Thorn ang sumagot. "I'd say two days. Look at him. He stinks."

"Yeah." Sang-ayon ng boses ni Reigo. "He looks like a trash can to me. So messy."

"I would bet my whole fortune that it's a woman problem." Boses iyon ni Yrozz. "And its been days as well."

"Well... I haven't had that kind of problem." Ani Thorn, "but I know some understanding men who had been there."

"I'll call them." Terron volunteered. "Maybe they can help."

He was just listening to them. He's too weak to move and speak. All he could do is groan and silently ask for another bottle of liquor.



SECONDS TURN TO MINUTES and minutes turn into hours. Hours turn into days and days turns into nearly a week. Ivy waited for Andrius to return home for six days now. Hindi niya ito pinahanap, hinayaan niya lang ang binata na lumayo sa kaniya kahit pa minu-minuto siyang naghihintay na bumalik ito.

She doesn't want to force him. God knows how much he hates her by now. Seeing her would anger him so much so she just let him be. Tanggap na naman niya na mangyayari ito kapag nalaman nito ang totoo.

Hindi lang niya akalain na malalaman nito iyon ng ganito kaaga.

Niyakap niya ang unan ni Andrius saka inamoy-amoy 'yon. His scent on the pillow is fading and its making her heart ached. If only she told him the truth from the very beginning. Pero huli na para magsisi siya. Huli na para pagsisihan ang mga kasinungalingan niya.

Kaagad niyang tinuyo ang luha na namalisbis sa pisngi niya.

She missed him. So much. And she wants to hug him so bad.

Ivy knew how unacceptable her deeds is but she's hoping against hope that Andrius might accept for who she is.

But who is she kidding? Andrius is a Military Officer. Walang puwang sa buhay nitong ang isang katulad niya. He already has too much on his plate with his mother. And after what happened, sigurado siyang hindi na siya papakasalan pa ng binata. Pero kapag hindi natuloy ang kasal, who knows what her father will do to Andrius.

Everything is in chaos! It's making her head spin.

Kinuha niya ang cellphone sa uluhan ng kama saka tinawagan si Russo.

"Now that Andrius knew everything," wika niya ng sagutin ni Russo ang tawag niya, "I'm sure as hell that the wedding is off. What now?"

Russo sighed. "Señorita, why ask me this stuff, huh? You already know the answer to your question. If the wedding got canceled, your Papá will just ask his Sicarios to kill Andrius since he knew too much and he's a Military Officer. He's a danger to us, Señorita."

Napasabunot siya sa sariling buhok. "I promise to keep him safe, Russo."

"And I told you, Señorita, your marriage is his life insurance. That hasn't changed."

Nagtatagis ang bagang na pinatay niya ang tawag saka umalis ng kama. Walang mangyayari kung magmumukmok lang siya dito sa kuwarto. She have to do something. She have to keep him safe. At least, kahit iyon man lang ay magawa niya para sa binata.

She already disappointed him and hurt him and betrayed him. She has to make it up to him. One way or another.

Mabilis siyang naligo saka nagbihis pagkatapos ay lumabas ng kuwarto at bumaba. Nasa salas siya ng makasalubong ang ina ni Andrius.

"Ivy! Thank God! Natagpuan ko na si Andrius." Humawak ito sa kamay niya. "He's with his friends and he's drunk. Oh, God..."

He's drunk? Her heart ached. He wants to forget her so bad, huh. Liquor does that. Make people forget for the meantime to stop the pain. And for Andrius to drown himself with liquor, he must be in too much pain.

And I'm the cause of that pain.

Kumuyom ang kamao niya. "It's all my fault."

"Don't say that." Pinisil ng ginang ang kamay niya. "Ako ang may kasalanan nito. Ako ang pumayag sa plano ng ama mo—"

"He blackmailed you that's why you said yes." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. "I'll fix this. It's the least thing that I can do for him." Pinisil niya ang kamay ng ginang saka kumawala sa hawak nito at malalaki ang hakbang na lumaba ng bahay.

Nilampasan lang niya ang garahe saka dumeretso sa gate. Nang makalabas, naglakad siya hanggang sa may makitang Taxi.

"Saan tayo, ma'am?" Tanong ng Taxi driver sa kaniya.

Umayos siya ng upo saka ibinigay ang address ng Police Station na pinuntahan ni Hudo para isumbong siya. At habang nasa biyahe, panay ang buntong-hininga niya.

This is a bad idea. This is a very bad idea. She knew it yet she'll still continue the plan in her head.

Nang tumigil ang Taxi sa harap ng Police Station, binayaran niya ito saka lumabas.

Ivy took a deep breath and looked at the Police Stations entrance for a couple of seconds.

This is it, Ivy. This is for Andrius. Keep that in mind if you chicken out.

Humugot siya ng malalim na hininga saka taas nuong naglakad siya papasok sa Police Station. Nang makalapit siya sa Information's desk, kaagad siyang nagtanong.

"May I speak with your Chief?" Nang makitang napapantastikuhang tumingin sa kaniya ang dalawang nasa likod ng desk, tumaas ang kilay niya. "Tell him it's Ivy Gonzaga. And I need to speak with him."

"Sige, ma'am." Iminuwestra nito ang waiting area na nasa gilid. "Doon nalang ho kayo maghintay. I-inform ko lang si Chief."

Tumango siya saka naglakad patungo sa waiting area at tuwid na umupo at hinintay na tawagin siya.

She waited for a couple of minutes before a man wearing a white shirt with a leather jacket and faded jeans storm towards the waiting area.

"Ivy Gonzaga." Wika nito ng makalapit sa kaniya. "I'm the Chief. Come on."

Hindi niya mapigilang hagurin ng tingin ang lalaking nasa harapan. He doesn't look like a Chief to her.

"I know. I don't look like a Chief. Lalo na ngayong stress na stress ako." He said in a gruff voice before turning his back on her. "Halika na."

Tumayo siya saka taas nuong sinundan ang lalaking nagpakilalang Chief. Nang makapasok sila sa opisina nito, kaagad itong humarap sa kaniya saka nameywang.

"Miss Gonzaga—"

"Are you really the Chief?" May pagdududang tanong niya sa kaharap.

He doesn't look offended by her question. "Yeah. I get that a lot. And yes, I'm Khairro Sanford, the Chief of Police of this Precinct. Now..." he looked into her eyes like he is trying to read her. "Why are you here?"

She extended her arms at him. "I'm here to confess, Chief. Feel free to arrest me for murder."


#Fact - A study found that men feel more emotional pain after a breakup than women do. (Is this true? Anyone? May kilala ba kayong lalaki na ganito? Maybe it depends sa break up at sa relationship na mayroon sila habang sila pa. Pero yong mg f-ckboy diyansa tabi-tabi, hindi sila iiyak para sayo kasi ikaw ang iiyak sa kahayupan nila.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top